“H INDI ka na kayang mahalin ni Rex, Miles. Dahil may mahal na siya at nagmamahal din sa kanya. Kalimutan mo na lang siya. Tutulungan kita. Pangako, kahit ano, gagawin ko para lang masigurong magiging maayos ang lahat sa `yo.”
“Rath…”
“I don’t want to see you get hurt. Kung puwede ko nga lang utusan si Rex na ikaw na lang ang mahalin, ginawa ko na. Kaya lang, hindi ko kayang diktahan ang puso ng isang tao. All I can do is support you in any way I know I can and be there when you need someone to hold you.”
Ang katiting na epekto ng espiritu ng alak kay Miles ay tuluyan nang naglaho. “A-ano’ng ibig mong sabihin? Rath, if this is just a joke—”
“I don’t joke.”
“Nagpapatawa ka naman!”
“Bakit ba lahat ng tao, ang tingin sa mga sinasabi ko, eh, biro?”
“Talaga naman, eh.”
“Miles, I loved the moment I met you, eating heartily inside your kitchen and with ketchup smudged all over your beautiful lips. That’s not something that I would make fun of.”
Natameme na lang siya. Sino pa nga ba naman ang makakapagsalita kapag sinabi sa iyo ng taong mahal mo na mahal ka rin niya?
“I knew I had found the right woman when you looked and saw… me. Kaya nga nang sabihin mo sa akin na gustong-gusto mo si Rex, sa unang pagkakataon, ginusto kong maging siya.”
“Y-you love me?”
“I have always loved you. Pagbalik ko ng Amerika pagkatapos nang araw na nagkita tayo, hindi na ako mapakali. Gusto kitang laging nakikita kaya gumawa ako ng paraan na makabalik uli dito nang hindi nalalaman ni Rex ang totoong rason ko.” Marahan itong napailing. “Alam mo bang tuwing nakikita ko ang kakambal kong iyon, parang lagi ko siyang gustong suntukin? Ni minsan sa buhay ko, hindi ko kinuwestiyon ang kakayahan ko o kung ano ang meron ako. Kontento na kasi ako. Pero mula nang makilala kita, lagi ko nang itinatanong sa sarili ko, ano ba ang meron si Rex na wala ako? At bakit siya, gusto mo samantalang ako, parang bale-wala lang sa `yo?”
“Hindi totoo `yan.”
“Siguro nga. Pero tuwing napag-uusapan natin siya, nawawala ako sa eksena. Lagi na lang siya ang nasa isip mo kahit ako na ang kasama mo. Kaya nang biglang mawala si Rex, masama siguro akong tao dahil bahagya ko pang ipinagpasalamat iyon. Nagkaroon kasi ako ng isa pang pagkakataon na ipakilala ang sarili ko sa `yo bilang ako. Isa pang pagkakataon na patunayan sa `yong mas higit ako kay Rex.”
Miles couldn’t believe what she was hearing. Nang mga panahong hinahabol niya ang isang pagsuyo sa lalaking hindi naman niya makukuha, may isang puso sa kanyang tabi na lihim na palang nagmamahal sa kanya. Kaya pala nang unang beses silang magkita ni Rath, nabanggit ng isa niyang crew sa Dome Café na kung tingnan daw siya ni Rath ay parang nagagandahan ito sa kanya. Dahil totoo naman palang may nararamdaman na ito sa kanya noon pa man.
Bakit ba hindi niya nahalata iyon?
“When I saw you laugh,” patuloy nito. “Nagpasya na akong gawin ang lahat para lang laging makita at mapakinggan ang tawa mong iyon. If Rex was the only one who could make you laugh like that, I’ll give you Rex. I agreed with your plan every step of the way. At kahit gaano pa kasakit sa akin na makitang binabasura ng iba ang babaeng pinapangarap ko, tinanggap ko na lang iyon. Basta ang kapalit niyon ay ang makasama ka sa bawat sandali na kailangan mo ako sa pagkuha mo sa lalaking mahal mo. When I saw Rex and Faye together, natuwa ako. Ang sabi ko, finally, I had my chance. Kaya lang, nagbago ang lahat nang makita ko ang lungkot sa mga mata mo kapag magkasama sila. Believe it or not, gumawa rin ako ng paraan para mapaghiwalay silang dalawa. Kaya lang, mahal talaga nila ang isa’t isa.”
Napatungo na lang si Rath, tanda ng pagsuko. And her heart just went to him, if he still didn’t have it already.
“I’m sorry, Miles.” He looked up at her once more, revealing to her what his eyes were hiding. “I’m sorry I couldn’t give Rex to you. But I can love you more than anyone else can. Aalagaan ko ang puso mo hanggang sa matuto kang magmahal muli. And when that time comes and you still don’t feel anything for me, don’t worry. Hindi ako magagalit. In the meantime, let me just love you. Puwede ba, Miles?”
Narinig na lang niya ang sariling impit na napahikbi. Kitang-kita kasi sa mga mata ni Rath ang sinseridad ng mga sinasabi nito. At damang-dama rin niya kung gaano siya nito pinahahalagahan at minamahal. Parang nakikini-kinita na tuloy niya ngayon si Kupido na nakaismid sa kanya. Nagawa pa kasi niyang magreklamo samantalang hindi naman pala siya nito pinabayaan. And now, the greatest man she could ever love was right in front of her, not even asking her to love him back.
“How could I ever not notice it, Rath?” halos pabulong na lang niyang tanong. “How could I not know that the reason why I never mistook you for your brother…” She touched the face that had been the source of her smiles and laughter. “… w as because my heart have always known that the man I love wasn’t the man I’ve always looked for.”
“Miles…”
“When I met Rex, nakita ko sa kanya ang mga katangian ng lalaking pinapangarap ko. When I met you, nakita ko ang lalaking matagal ko nang hinihintay. You had shown me the real you while loving me at the same time. Hindi mo itinago ang totoong ikaw para lang mahalin kita. And yet I still fell for you. At alam mo ba kung kailan ko na-realize iyon?” Umiling ito. “Noong sinagip mo ako nang mabulunan ako.”
“I was trying to kiss you.”
“Exactly. Dahil sa ginawa mong iyon, nalito na ako sa kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para sa kapatid mo. Dahil tuwing nakikita kita pagkatapos ng insidenteng iyon, lagi na lang akong nag-iisip ng kung ano ang iniisip mo o ano ang ibig sabihin ng mga ginagawa mo.”
“Pero si Rex pa rin ang hinahabol mo.”
“Akala ko kasi, na-distract lang ako sa pagdating mo sa buhay ko. Isa pa, kailangan kong makita si Rex dahil sa pamamagitan lang niya kita nakikita kahit paano. Lagi ka kasing wala sa bansa.”
“Nagseselos kasi ako.”
Kinurot niya ang pisngi nito. “`Tapos magrereklamo ka na puro na lang ako Rex, Rex, at Rex. Kasalanan mo naman iyon. Ikaw diyan ang laging nag-aalis sa sarili mo sa eksena.”
Rath seized her arms and looked deeply into her eyes. Her father was right. Habang pinoprotektahan niya ang sariling huwag masaktan, inaako ni Rath ang mga kabiguan para sa kanya. The man who was willing to give up everything, even his own happiness, just to make sure she was happy.
“That night when I kissed you, I knew I could never love anyone as much as I love you, Miles.”
“Talaga? Kahit si Mary Alice?”
“Yes, even Mary Alice. Pero huwag mo nang ungkatin ang isang pag-ibig na matagal nang namatay sa puso ko.”
“Sino ba siya?”
“The woman I loved before. She died of cancer years ago, at kasama niya sa pagpanaw ang pag-ibig ko.”
“Siya ba ang dahilan kung bakit ka umiinom kanina?”
“Of course not. Ikaw ang dahilan ng paglalasing ko ngayong gabi dahil sa kabila ng pagsasabi ko sa sarili ko na okay lang kahit hindi mo ako mahalin, hindi ko pa rin maiwasang masaktan. Nakita ko kasi ang naging reaksiyon mo nang mag-propose si Rex kay Faye. Parang ang tingin mo sa fountain nang mga oras na iyon ay fountain of wine.”
“I wasn’t thinking of them. Ikaw ang iniisip ko no’n dahil sa mga sinabi nina Dunkey tungkol kay Mary Alice.”
Ngayon lang nagkaroon ng ibang reaksiyon si Rath dahil kumunot ang noo nito. “Sina Dunkey? I don’t trust that woman. Ano naman ang sinabi nila sa `yo?”
“`Yong tungkol nga kay Mary Alice. Kaya lang ang pagkakasabi nila, parang buhay pa siya hanggang ngayon. Sa tingin ko, hindi pa nila alam na matagal nang pumanaw ang dati mong girlfriend.” Hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon sa mukha nito. “It wasn’t their fault.”
“Siguro nga. Dahil kami lang ni Rex ang nakakaalam ng tungkol kay Mary Alice. But still—”
Hindi na pinagbigyan pa ni Miles si Rath na magsalita. She tasted his warm lips and sweet kiss once more. Way too sweet. Saglit siyang lumayo na ninanamnam ang matamis na bagay na iyon na kumapit sa kanyang mga labi.
“Parang pamilyar sa akin ang lasa na ito, ah,” sabi niya. “Rath, did you eat my cake?”
“Ah… no?”
“Rath.”
Sa unang pagkakataon ay nasilayan ni Miles ang ngiti nito. And she almost sighed. Kung noong una pa lang siguro silang nagkita ay ngumiti na ito nang ganoon, siguradong limot na niya agad si Rex. Dahil ang mailap na ngiting iyon ni Rath ang pinakamagandang ngiti na nakita niya sa kanyang buong buhay. And she meant it.
“I can’t help it. Nang makita kita kanina pagdating mo, with that dress of yours, I just couldn’t keep my eyes off you. Parang inaakit mo ako nang husto. Kaya para mailabas ko kahit paano ang frustration ko dahil hindi kita malapitan—”
“You just ate my cake.”
“I love it.”
“And I love you.”
Miles threw herself at him and tasted his lips once more. Kung may residue man iyon ng sinikwat nitong cake, okay lang. It just made their kiss even better. Lihim niyang hiniling na sana ay wala nang katapusan ang mga sandaling iyon sa pagitan nila. Pero sa buhay, talagang may darating at darating na istorbo.
Gaya na lang ng ingay na iyon na naririnig nilang nagmumula sa labas ng bahay. Particularly, sa may garden. Wala na sana talaga silang balak na pansinin iyon pero tuwing maglalapat na lang ang kanilang mga labi ay sumasabay rin doon ang ingay.
Sinubukan pa ni Rath na ilapit uli sa kanya ang mukha nito at hayun na naman ang ingay.
“I hate to reveal this to you,” mahina nitong wika. “Pero sa tingin ko, pinapanood tayo ng mga taong iyon sa labas.”
“Ha? Paano?”
Inilibot ni Rath ang paningin sa kabuuan ng kuwarto. Hanggang sa may kung ano itong nakita sa itaas ng isang naka-display na violin. Nilapitan iyon ni Rath at may kung anong dinampot na maliit na bagay.
“Very funny,” sabi nito roon. Hayun na naman ang halakhakang iyon. Nilingon siya nito. “It’s a camera. Mukhang may alam na ang mga tao dito tungkol sa mangyayari ngayon.”
Magkahawak-kamay silang bumalik sa garden kung saan sinalubong sila ng masigabong palakpakan.
“And here comes…” announced ni Dunkey sa mikropono. “Mahal and Mura! Palakpakan po natin.”
Doon lang napansin ni Miles ang naka-still picture nila ni Rath kung saan katatapos lang ng mainit na halikan nila sa music room. Gamit ang isang projector na nakatapat sa puting haligi ng isang bahagi ng mansiyon, pinanood ng mga ito ang mga pangyayari sa kanila ni Rath na parang nanonood ng sine.
“Who set this up?”
Sa iisang direksiyon lang tumingin ang lahat. Sa stage kung saan naroon ang ngiting-ngiting si Dunkey.
“Surprise! Ang galing ko, `no? Thank me later.” At imbes na magtago sa asawa nitong napapailing na lang, mas hinigpitan pa nito ang hawak sa mikropono. May kasama pa ngayon si Dunkey sa katauhan ni Pamela. “Ang totoo, hindi ko naman talaga birthday ngayon. Pam and I set this up para sa mga dati at bagong miyembro ng Billionaire Boys Club.” Nilingon nito and editor in chief ng Philippine Stats . “Ikaw na ang magsabi. Naiiyak ako, eh.”
Nang kunin ni Pamela ang mikropono ay lumapit si Ran sa harap ng stage at binuhat nito ang may-kaliitang asawa para maibaba roon.
“Ang araw na ito ang pinaka-anniversary ng pagkakabuo namin ni Dunkey sa Billionaire Boys Club. Kaya naisip namin na tipunin kayong lahat dito ngayon para i-celebrate ang araw na ito. Or, rather, gabi. And what better way to celebrate this than having the last known bachelor of the new batch get the woman of his dreams? Rath, I just want you to know na mali ka ng taong dapat pasalamatan. It’s your friends that set you up tonight. Ang sabi kasi nila, sumasakit na ang ulo nila sa palagi mong drama na parang nawawala sa sarili.”
Silva raised his glass to them, Vincent just nodded, Vash did the same, Ken raised his empty hand, and Rex gave his brother a thumbs-up.
“Ang mga lolo ninyo,” natatawang patuloy ni Pamela nang bumaba ng stage at nilapitan ang asawang si Yeoji. “May mga mensahe raw sa inyo.”
“I love you.” Tinampal lang ito ni Pamela sa dibdib. Ngumisi lang si Yeoji. “Ahm, good luck na lang sa inyo. Love the woman beside you like you love your money— Aray! Yourself pala.”
Si Denniz ang sumunod na nagsalita. “Ayokong magsalita. Baka isipin nila ang tanda na namin dahil kami ang nagpapayo. Hindi naman nagkakalayo ang mga edad namin.”
“Ayaw daw magsalita,” reklamo ni Pamela bago binalingan si Zech.
“Just be good.”
“Treize?”
“Love, peace, and unity.”
“Ano bang sagot `yan? Lantis, magtino ka ng sagot, ha?”
“Know that no matter how much money you earn, without the woman you love, your wealth will be useless. Trust me.”
Nakita ni Miles na nagtanguan sa isinagot na iyon ni Lantis ang lahat ng miyembro ng BBC. Pamela turned to Ran.
“Honesty is the best policy,” sagot nito na binuntutan ng makulit na asawa nito ng, “Love is blind. Astig! Tsk!”
Hindi na matigil sa katatawa ang mga tao roon. Siya man ay hindi na mapigilan ang sarili nang bulungan si Rath.
“Ganyan pala ang mga kalahi ninyo, `no? Parang laging kinukulang sa pagkain.”
“Sila lang. Matino ako.”
“Let’s start the real party!” announced ni Dunkey. “And congratulations, boys! Sana yumaman pa kami nang husto dahil sa inyo!”
Wakas