noveltoon logo noveltoon
Ang Sisiw At Ang Agila (Kristine Series 2)

Chapter 9

Ch. 9 / 9 Nov 28, 2025
Prev Next

“B AKIT ka umalis?” His tone cutting like a whip.

“H-hindi mo na ako kailangan doon.” Halos pabulong lang iyon.

“Ako ang magdedesisyon n’on,” pagalit ding sabi nito. “Hindi pa tayo naghahapunan. Gusto mong magpadala ako ng pagkain dito?”

“I’d rather rest—”

“Then rest it is.” At nagsimula itong magtanggal ng kasuotan sa harap niya. Sunod-sunod ang tambol ng dibdib niya.

“S-saan ka matutulog?”

“Saan ba dapat? This is my suite and this is our wedding night.” Inihagis nito ang jeans sa ibabaw ng polo shirt sa may sofa. Napapikit si Jasmin.

“Hindi maaari, Nathaniel!” Tuluyan na siyang napabangon. Nalimutan niyang manipis ang kanyang suot. “All right, puwede ko sigurong gamitin ang apartment ko sa ibaba.” Alam niyang she’s acting stupid. Pero ano ang maaari niyang gawin at sabihin?

Akma siyang tatayo upang magbihis nang mahagip ni Nathaniel ang braso niya at ibinalik siya sa kama.

“Tigilan na natin ang larong ito, Jasmin! It bores me. Hindi mo inaasahang hiwalay tayo ng tutulugan sa gabing ito?”

“I was expecting that considering—”

“Considering what?” agap ng lalaki. “Asawa kita. Legal. Ikinasal tayo kaninang alas-tres ng hapon. Tungkulin mong ipagkaloob sa akin ang obligasyon mo bilang asawa ko.”

“Kung sex ang gusto mo, hindi mo dapat iniwan si Rowan!” angil niya sa pagsisikap na galitin ang asawa at iwan siya.

“What?” Humigpit ang hawak ni Nathaniel sa braso niya.

Nasasaktan siya dahil tila bakal na bumaon sa laman niya ang mga daliri nito.

“Ikaw ang asawa ko, `tapos gusto mong sa ibang babae ako magpalipas ng magdamag?”

“Eh, ano? Halos ganoon na rin naman ang ginagawa ninyo kanina, ah!”

“Nagseselos ka ba kaya umalis ka sa mesa natin?” Marahas siyang inihiga nito pinning her arms over her head.

Napapikit at napangiwi siya sa pagbalya na iyon ni Nathaniel. Sinasaktan siya nito.

“Magsabi ka ng totoo, Jasmin, nagseselos ka ba kay Rowan?” Matigas ang tinig nito na tila siya nasa ilalim ng third degree.

“Nathaniel, please... nasasaktan ako.” ’

“Nagseselos ka ba kay Rowan?” ulit nito na lalo pang hinigpitan ang pagkakapisil sa braso niya. Gusto na niyang umiyak.

“Ewan ko!” aniya na litong-lito. “Hindi ko alam! Hindi ko naiintindihan! Nalilito at natatakot ako sa iyo!” tila pa-hysteria niyang sinabi.

Lumambot ang mukha ni Nathaniel at binitiwan siya. “Poor, darling,” masuyong wika nito na hinawi mula sa mukha niya patalikod ang kanyang buhok. Tinitigan siya, mayamaya’y bumaba ang mga kamay nito sa strap ng nightgown niya’t ibinaba mula sa mga balikat.

“N-Nathaniel, please...” pakiusap niya na gumaralgal ang tinig.

Hindi malaman ni Nathaniel kung matatawa o maiinis sa kanya.

Anong klaseng lalaki ang unang nakatagpo ni Jasmin? Nag-iigting ang mga bagang nito sa naisip na iyon, na mabilis ring pinalis sa isip.

“Sshh—relax, chiquita . Ipaubaya mo sa akin,” he whispered. Tuluyang ibinaba ang pantulog niya. Napahugot ng hininga si Nathaniel sa kagandahang nasa harap nito. Hindi malaman ni Jasmin kung papaano tatakpan ang sarili.

Mahigpit niyang ipinikit ang mga mata. Nakalimutan nang isiping pinaniwala niya si Nathaniel na may anak siya. Init ng mga labi ni Nathaniel ang bumaba sa kanya, tasting her lips with his tongue from one corner to another.

His kisses are gentle at first, then possessively, then withdraw his lips as if teasing her. “Kiss me back, love...,” bulong nito kasabay ng pagbibigay ng gentle bite sa earlobe niya.

Napasinghap si Jasmin sa ginagawa ng asawa. Lalo na nang maramdaman niya ang kamay ni Nathaniel sa dibdib niya. Softly cupping her breast. Malamig ang airconditioner pero pakiramdam niya’y nag-aapoy ang paligid at nasusunog siya. May mga sparks ng kuryente sa bawat daanan ng mga kamay ni Nathaniel.

His lips travelled down to her breast and tenderly nipped. She moaned softly. His hands seemed to burn across her body as they touched and caressed her. His tongue and lips tantalizing. His hands tormenting. She gasped aloud in pure pleasure. On her own accord, she was responding. Kissing him, touching him, wanting him, loving him.

Sa ginawa niyang pagtugon, Nathaniel became wilder and a little bit savage. Subalit lalo lang itong nagdagdag sa sensasyong nararamdaman ni Jasmin. His fire matches hers.

He wasn’t gentle when he took her, not expecting her innocence. Jasmin felt the sharp of pain pero pinilit na huwag mapasigaw.

Tinitigan ni Nathaniel ang asawa. He could see the small searing of pain across her lovely face. He stilled his movements and allowed her to adjust. He wanted her to give all the time to accept his masculinity and not wanting to cause more pain.

Pero hindi nito kayang magpigil pa nang matagal nang maramdamang gumalaw nang marahan si Jasmin, it was an aching pleasure. He was gentle this time. And he had never felt so complete. Sa sarili’y inaming walang ibang babaeng nagpadama ng ganito, so close to this trembling peak of ecstacy.

NAGMULAT ng mga mata si Jasmin. Hindi siya makakilos. Nakayakap sa kanya nang mahigpit si Nathaniel at tulog na ito. Nilingon niya ang alarm clock sa tabi ng night lamp. Alas-cuatro y media ng madaling araw. Sa pagsikat ng araw, paano niyang haharapin si Nathaniel?

Gusto niyang mag-isip. Maingat niyang inalis ang kamay ng asawa. Pagkatapos ay marahang bumangon at nagbihis. Pinagmasdan sandali ang natutulog na asawa. Hindi niya matingnan ang katawan nito kanina. Ngayon ay malaya niyang pinagsawa ang paningin sa hubad nitong katawan.

He was beautiful and magnificent! Ang pantay- balikat na buhok ang kulay-bukayong balat down the corded muscled neck and the expanse of hard powerful body. Bumaba pa ang mga mata niya to the long and muscle-rippling thighs and legs.

She loved him!

Huminga siya nang malalim at maingat na binuksan ang pinto. Gusto niyang abangan ang pagsikat ng araw sa tabi ng dagat. Baka sakaling magdala ito ng bagong pag-asa.

NANG magising kinaumagahan si Nathaniel ay nag-iisa na lang ito.

“Jasmin,” tawag nito. Nang walang sumagot ay mabilis na bumangon at sumilip sa banyo. Wala rin ang asawa. Tutop ang noo na pilit ibinabalik sa isip ang pangyayari kagabi. Napasulyap ito sa beddings. Naroon ang katunayang hindi ito nananaginip. Ang bahid ng dugo sa kumot.

Mabilis na nagbihis si Nathaniel at lumabas ng silid. Panic tightened his chest.

“Have you seen my wife?” tanong nito sa empleyado sa reception.

“Kaninang mag-aalas-singko po, s ir, ay may tawag sa kanya galing sa hacienda. Ililipat ko na po sana sa silid ninyo ang tawag nang makita kong bumababa sa hagdan si Ma’am. Pagkatapos po ay nagpahatid siya sa driver natin patungong hacienda.”

Hiningi ni Nathaniel ang susi ng sariling sasakyan sa empleyado at madaling lumabas patungo sa parking area. Wala pang kinse minutos ay narating na nito ang Villa Kristine.

Halos umuga ang pinto sa lakas ng pagbalya ni Nathaniel. Si Margarita ang nabungaran nito sa sala.

“Nasaan ang asawa ko?”

“Nathaniel...?”

“Nasaan si Jasmin, Mama?”

“May sampung minuto na silang nakakaalis, anak. Kasama ang lolo mo at si Denang. Sakay sila ng helicopter. Hindi mo ba alam?

“Ano’ng hindi ko alam, Mama?” Galit na ang tono ni Nathaniel.

“Magdamag na nagligalig si Iris, hijo. Hindi na kami tumawag sa inyo kagabi dahil baka naman ordinaryong pamemerwisyo lang dahil sa pagod. Pero nitong madaling-araw na ay nahihirapan nang huminga ang bata.” Puno ng pag-aalala si Margarita. “Gusto kong sisihin ang sarili ko. Napagod nang husto si Iris kahapon. Dahil sa kasiyahan ay nalimutan naming lahat na may sakit ang bata.”

Niyakap ni Nathaniel ang ina. “She will be all right, Mama,” alo nito sa ina ngunit nasa asawa ang isip. “I’m taking today’s flight patungong Maynila, `Ma.”

ALAS-DIYES ng umaga ay nasa Manila Airport na si Nathaniel. Nag-taxi ito patungong Kristine Cement. Tumuloy sa opisina ng lolo.

“Nathaniel!” Si Mrs. de Lara. “Katatawag lang ng lolo mo at patungo na siya rito.”

“Hindi niya sinabi kung saan siya galing?”

Umiling si Mrs. de Lara. “I’ve heard you have just gotten married yesterday. Ano ang ginagawa mo rito? Sabi ng security guard ay dumating kaninang umaga ang helicopter.”

“Be sweet, Andrea, and call Makati Med. Itanong mo kung doon dinala si Iris Cuevo,” utos ni Nathaniel.

“Ang kapatid ni Jasmin?” Ibinigay ng sekretarya ang kumpirmasyon.

Napahugot ng malalim na paghinga si Nathaniel. “Yes. My wife’s sister. Sila ang sakay ng chopper.” Pagkatapos ay pumasok sa loob ng opisina at tila nahahapong naupo sa swivel chair at pumikit.

Hindi naglipat sandali ay isang warning knock ang narinig nito bago sumungaw si Mrs. de Lara. Inilapag sa harap ni Nathaniel ang papel.

“Nakasulat diyan ang room ng bata, Nat. Anything else?”

“Yes, please. Dalhin mo sa akin ang file ng asawa ko. Wala ba siyang kamag-anak dito, Andrea?” Kung hindi pinagkakatiwalaan ni Leon ang babaeng ito ay hindi gagawing magtanong ni Nathaniel.

“Her father worked for us for more than seven years until his death five months ago,”sagot ni Mrs. de Lara at pagkatapos ay ngumiti. “Use the computer, Nat, nandiyan ang gusto mong malaman.”

“Kung kabayo at baka `yan, Andrea, kanina ko pa pinakialaman. How the hell do I know how to operate that damn machine?”

“May isa ka pang nalimutang isama maliban sa baka at kabayo, dear, babae.” Natatawang nilapitan nito ang computer at pinindot ang mga keys. “`Ayan ang kailangan mo.”

Tumayo si Nathaniel at binasa ang mga nakalagay sa screen. “Ano ito, Andrea? Bakit ganito ka-rigid ang file ng asawa ko?”

“Pinaimbestigahan siya ng lolo mo bago ipinadala sa Paso de Blas. This file is confidential, Nat. Kahit ang personnel ay wala nito.”

“Damn the old man! I can not decide whether to despise or love him.”

“He choose your wife, Nathaniel, for all the good reasons. At ang nakikita ko sa mukha mo kaninang dumating ka ay patunay na tama ang ginawa ni Senior Leon.”

“Damn you, Andrea! Lagi ka na lang nakakampi sa l olo. Hindi ako magtataka kung isa sa mga araw na ito ay mabalitaan kong nagpakasal ka sa matandang iyon.”

Malungkot na ngumiti ang matandang babae na umiwas ng tingin.

“Did I hit home?” natatawang tanong ni Nathaniel.

“Mind your own business, Nathaniel!”

“Matagal ka nang biyuda, Andrea. Binatilyo pa lang ako. Bakit hindi ka nag-asawa uli?”

“Back-off, Nathaniel!” At humakbang na ito para lumabas.

liling-iling si Nathaniel, muling tinitigan ang nasa screen. Pagkatapos ay lumabas ng silid.

NAKAUPO sa gilid ng hospital bed si Jasmin at pinagmamasdan ang kapatid. Kalmante itong natutulog gayong kaninang madaling-araw ay hirap na hirap huminga.

Lumingon siya nang maramdamang bumukas ang pinto.

“Nathaniel...” Napatayo siya, sunod-sunod ang tahip ng dibdib. Gusto niyang takbuhin ito at yakapin pero naunahan siya nito.

Niyakap siya nang mahigpit ni Nathaniel, halos malansag ang mga buto niya.

“Kung hindi dahil kay Iris ay mapapatay kita sa ginawa mong pag-alis nang walang paalam.” Naroon ang intensidad sa sinasabi nito.

“Nathaniel...?” Tumingala siya at sinalubong ang mga labi ng asawa nang hagkan nito. Marahas at masidhi ang halik na iyon. Tila taon ang katumbas ng ilang oras na pagkakahiwalay.

Pinukaw ng halik na iyon ang sensasyong dulot ng nagdaang gabi. Nalimutan ni Jasmin kung nasaan sila. Gumanti ng mas masidhing yakap at halik. Bantulot siyang inilayo ni Nathaniel.

“You witch! Don’t do that to me. Baka malimutan kong nandito tayo sa ospital,” ani Nathaniel at hinagkan siya sa ibabaw ng ulo.

“You started it” nahihiyang sagot niya.

“I love it, darling, when you kiss me like that. I love the way you responded to my lovemaking last night, when you wantonly desired me.” Masuyong itinaas ni to ang mukha niya. “Why all the lies, chiquita ?”

Pumormal si Jasmin. “Hindi ko alam kung ano ang motibo ni Senior Leon nang ipadala niya ako sa Paso de Blas pero nagawa niyang mapapayag ako. Kailangan namin ni Iris ang dagdag na suweldo ko. Then he warned me about you. Telling me not to fall in love with you or I will end up with a broken heart or getting myself pregnant. Nagalit ako. I said he was overrating you.”

“Wasn’t he?” amused na tanong ni Nathaniel. “You were so attractive that even when you were so arrogant I can’t help myself thinking about you. And presented Iris as your daughter to put off unwanted admirers,” dugtong ni Nathaniel.

“It didn’t serve the purpose. I received insults instead.”

“I didn’t mean to insult you, querida . Nagagalit ako sa pribilehiyong ibinigay sa iyo ni Rolly nang bigyan ka niya ng solong pinto dahil nagseselos ako. Nagseselos ako sa unang lalaking sa palagay ko’y unang umangkin sa iyo. Nagagalit ako sa rudeness mo sa akin gayong boss mo ako. Dahil doon ay nag-isip ako ng masama na baka mayroon kang relasyon sa lolo ko.”

“Pero hindi mo gustong magpakasal sa akin dahil sa akala mo’y hindi ako malinis—”

“I hated my grandfather’s manipulation. Nahahati ako sa maraming damdaming dulot mo sa akin no’ng una pa lang na makita kita. Idagdag pa ang tradisyon ng pamilya. Pero tinanggap kita, tinanggap ko si Iris.”

“Dahil lamang sa hacienda,” mapait niyang sagot.

“Marahil. At naging paraan iyon para pakasalan kita. But I love you, Jasmin. Walang ibang babaeng gumulo sa isip at pagkatao ko nang ganoon kundi ikaw.” Puno ng emosyon ang tinig nito.

Mapait siyang umiling. “Don’t lie, Nathaniel. It hurts terribly.”

“Damn you, Jasmin! Nagsasabi ako ng totoo. Paniwalaan mo ako.” Halos yugyugin na nito ang mga balikat niya.

“Dahil ba sa napatunayan mong malinis ako at mapapasaiyo pa ang Hacienda Kristine? Mag-asawa na tayo, `di ba? Naipagkaloob ko na ang sarili ko bilang asawa sa iyo. You don’t have to sugarcoat it by telling me you love me, Nathaniel.” Napahikbi siya sa bahaging iyon subalit sinikap na hindi mapaiyak.

Nanlulumong binitiwan siya ng asawa. “Hindi ko alam pakitunguhan ang damdamin ko sa iyo, Jasmin. At lalong hindi ko alam pakitunguhan ang isang tulad mo. I’m completely at a loss pagdating sa iyo. I couldn’t even express myself well. Ang masasabi ko lang sa iyo ngayon ay nasasaktan ako dahil hindi kita mapaniwalang mahal kita, na iniibig kita. When you talked of annulment yesterday ay gusto kong magalit sa iyo. When I spoke our vows that only death will do us part ay binigyan ko ng diin upang iparating sa iyo ang nasa dibidib ko.”

So, hindi lamang pala niya imahinasyon ang mariing pagbigkas ni Nathaniel sa vows nito. Pagkatapos ng mahabang katahimikan ay humakbang papalabas si Nathaniel.

“Uuwi ako ng hacienda ngayon. At kahit na ano pa ang sabihin mo ay hindi ako papayag na mawala ka sa akin, Jasmin. Hihintayin ko kayo doon ni Iris. And I’m warning you, uuwi ka ng hacienda!”

Wala na ang asawa ay nakatitig pa rin sa pinto si Jasmin. Nakadama ng pag-asa.

Tatlong araw pang nanatili sa ospital si Iris bago ito pinayagang ilabas ng ospital. Nasa opisina rin si Don Leon nang araw na ihahatid sila ng helicopter pabalik sa hacienda.

“Mag-usap kayong mag-asawa, hija.” s i Don Leon. “Nagpapahanap ng bahay na bibilhin ang asawa mo rito sa Maynila. And he is giving up the hacienda. Hindi ako makapaniwalang gagawin ng apo ko `yon.”

“Do you really want to hand him over the hacienda, s enior?”

“Of course, hija! Naihanda na ng mga abogado ko ang mga papeles subalit ipina-hold ni Nathaniel. Ano ang problema, Jasmin?” nag-aalalang tanong nito.

“Walang problema, s enior.” Tumayo siya. “Sasama ba kayo, pabalik sa hacienda?”

“Hindi muna, hija. Maraming nabinbing trabaho rito. Sige na kayo.”

Ginawaran niya ng halik sa pisngi ang matanda.

NAPALINGON sa itaas ng hotel si Nathaniel nang marinig ang chopper.

Sakay ba nito ang asawa ko? tanong ng isip nito. Abot-abot ang agam-agam sa dibdib, muli nitong ibinalik ang tingin sa dagat. Hinayaang papaglamin ng munting mga alon ang kanyang paa. “Nathaniel...!”

Lumingon ito at nakita si Jasmin na nagmamadaling bumaba mula sa hagdanang bato papalapit. Ngumiti si Nathaniel at inilahad ang mga kamay. Patakbong yumakap sa asawa si Jasmin. Iniangat siya nito mula sa buhanginan at inikot.

“I love you and I missed you, Nathaniel!”

Siniil siya nito ng halik. Hindi alintana ang ilang guests ng hotel resort na naroon din sa bahagi ng dagat. It was ages bago pinakawalan ni Nathaniel ang mga labi niya.

“Bakit pinigil mo ang l olo sa gagawing paglilipat sa pangalan mo ng Hacienda Kristine?”

“Gusto kong paniwalaan mong iniibig kita nang walang alinlangan, querida .” His heart in his eyes. “Maaari tayong magsimulang muli. Makapaninirahan sa Maynila at malalapit pa sa ospital si Iris. Mabibigyan ko pa ng kasiyahan si lolo dahil mapapamahalaan ko ang Kristine Cement.”

Buong pagmamahal na tinitigan ni Jasmin ang asawa. Inabot ang buhok nito na bahagyang nililipad ng hangin, masuyong hinawi ng mga daliri niya patalikod.

“I love you, Nathaniel. Naniniwala akong mahal mo ako. At hindi ikatutuwa ni Senior Leon na tanggihan mo ang hacienda. Kailangan mo ang Hacienda Kristine,” she said softly.

“You don’t doubt my love?”

Umiling siya. “At isa pa, Nathaniel, kailangan ng agila ang mga puno at bundok at ang himpapawid ng Paso de Blas sa kanyang paglipad. Wala nito sa Maynila. Hindi makalilipad doon nang malaya. Hindi rin ito makapamumugad sa itaas ng mga nagtatayugang building.”

“Oh, Jasmin!”

“Fly high and fly swift, if you must, my love and my eagle!”

WAKAS