noveltoon logo noveltoon
Ang Sisiw At Ang Agila (Kristine Series 2)

Chapter 8

Ch. 8 / 9 Nov 28, 2025

K ASABAY ng pagtugtog ng organ na pinatutugtog ni Margarita ay lumakad si Jasmin patungo sa naghihintay na si Nathaniel.

Walang kumuwestiyon na puting-puti ang trahe de boda niya at mahaba ang veil na ayon sa tradisyon ay para lamang sa ikakasal na birhen.

Lahat ay nananabik na masilayan ang mapapangasawa ng susunod na boss ng Hacienda Kristine. Jasmin justified them all. Beautiful and elegant. Walking down the aisle like a dream. Tila siya lumulutang sa ere. Hindi niya napapansin ang mga tao na nakapaligid sa kanya.

Ang mga mata niya ay na kay Nathaniel na makisig sa suot nitong magandang barong -t agalog. Ni hindi nito binalak na ipaputol ang buhok.

“Thank you,” bulong niya sa matanda at dinampian ng halik ang pisngi nito matapos siyang maihatid sa altar.

She was calm and composed habang pinakikinggan ang sinabi ng nagkakasal.

Nang bigkasin ni Nathaniel sa buong-buong tinig ang vows nito ay gustong tumingala ni Jasmin at tumingin dito, subalit kinakabahan siyang baka panunuya ang makikita niya sa mga mata nito.

This is her wedding day kahit na nga ba hindi naman talaga ayon sa totoong kahulugan nito. At hindi niya gustong sirain ang araw na ito.

“ ...I will love you as I love my own self.... cherish and protect you... and only death will do us part ...”

Hindi sinasadyang napatingala siya kay Nathaniel dahil sa pagbibigay nito ng diin sa huling bahagi ng vows.

Wala ang inaasahan niyang panunuya nang magkasalubong ang mga mata nila. His face unreadable. Ganoon din nang isuot nito sa daliri niya ang singsing.

Ang ownership ng Hacienda Kristine made him a good actor, iyon ang nasa isip niya.

When he kissed her, it was longer than necessary. Humiwalay lamang si Nathaniel nang magkantiyawan at magtuksuhan ang mga nasa audience.

Nang tumingala siyang muli ay naroon ang nanunudyong amusement sa mga mata nito.

Damn him!

Hindi na niya matandaan ang sumunod na mga pangyayari.

May naghagis ng maraming talulot ng bulaklak. Hindi niya matandaan ang mukha ng mga bumabati at humahalik.

Ang tanging alam niya’y hindi bumibitiw sa pagkakahawak sa kanya si Nathaniel.

Subalit isang hindi inaasahang well-wisher ang nakisiksik sa karamihan at lumapit. Si Rowan.

“Congratulations, Nathaniel!” Ikinawit nito ang braso sa leeg ng lalaki at humalik sa mga labi. Sandaling humina ang pagkakaingay. Tila napigil ang paghinga ng mga naroroon. Hindi alam ni Jasmin kung paano magre-react.

“Thank you, Rowan.” n angibabaw ang tinig ni Nathaniel na tumawa at inalis ang mga braso ng babae.

Kay Jasmin naman tumingin ang babae. Lungkot, galit at pait ang pinagsama-samang naaaninag niya sa mukha nito.

“Binabati kita!” Kinamayan siya ni Rowan, mahigpit. “Nahuli mo ang pinakamailap na agila sa bahaging ito ng lupa. Paano mo ginawa `yon sa sandaling panahon?”

Hindi niya gustong sumagot pero hindi binibitiwan ni Rowan ang kanyang kamay, sadyang hinihintay ang sagot niya.

“I didn’t use rifles and bullets, neither knife. I climbed the eagle’s nest. That’s how,” malamig niyang tugon bagaman gusto niyang maawa rito.

Muling tumawa si Nathaniel na para bang ang usapan ay pangkaraniwan lamang. “And mind you, she was effective, Rowan, my wife.” At nagpatuloy sa paglakad si Nathaniel kasama siya.

Muling bumalik ang pagkakaingay.

“Mahusay kang sumagot,” bulong ni Nathaniel habang patungo sila sa mahabang mesa na kinaroroonan ng mga panauhing pandangal.

“Kailangan ko `yon when meeting one of your women.” Halos kagatin niya ang kanyang dila para pigilin ang anumang gusto pang sabihin.

Muling bumulong si Nathaniel na sa paningin ng iba ay tila siya hinahalikan. “Kung nag-aalala ka sa kanila, ipanatag mo ang loob mo. I’m giving you my promise today that they are now the things of the past.”

Muling nagsigawan ang mga tauhan ng hacienda sa inaakalang lihim na paghalik ni Nathaniel sa bride. “Kiss her, Nathaniel! Kiss her!”

Natawa si Nathaniel at tumitig sa kanya. “Sorry, chiquita , but they wanted blood.” Hinapit siya nito at siniil ng halik. A very passionate kiss. Isang malakas na palakpakan at hiyawan ang sumunod.

Walang nasabi si Jasmin nang binitiwan siya ni Nathaniel. Maraming mga taong makakarinig kapag nagalit siya. Sa halip ay nakisakay siya at nginitian ang mga nakapaligid.

“They love you, chiquita ,” wika ni Nathaniel at hinila ang upuan niya sa mahabang dulang.

Nang igala niya ang paningin sa mga nasa mesa, lahat ay nakangiti na tila nanunukso. Lalong pinamulahan ang dalaga.

HINDI na hinintay ni Nathaniel na maubos ang mga tao. Hinila nito ang asawa patungo sa nakaparadang sasakyan, binuksan ang passenger’s seat at pinapasok si Jasmin.

“Saan tayo pupunta?” nagtatakang tanong niya.

“Halos alas-siyete na ng gabi. Aabutin ng hatinggabi bago maubos ang mga taong `yan. Sa hotel tayo tutuloy.” Pinaandar nito ang ignition.

“A-ano’ng gagawin natin sa hotel, Nathaniel?”

“Everybody is expecting us to have our honeymoon, Jasmin. Kailangang makita nilang ganoon ang gagawin natin.”

“Hindi ba natin `yon magagawa sa villa?”

“Malalaman ng mga katulong na magkahiwalay ang kuwarto natin. Kahit na nga ba extension iyon ng silid ko. Isa pa, gusto kong patunayan sa l olo na mabuti ang resulta ng ginawa niya para madaliin niya ang paglilipat sa pangalan ko ng buong hacienda. Sinabi niya kanina na ipinatawag na niya ang kanyang mga abogado.”

“I-ilang araw tayo sa resort at paano ang mga gamit ko?”

“Nasa likod ang mga gamit mo. Ipinahanda ko `yan kanina kay Manang Denang. Maaari tayong tumagal ng ilang araw sa resort,” kalmanteng wika nito na ang pansin ay nasa daan. “Behave, Jasmin, `pag kaharap natin ang mga empleyado.”

Patuyang tumawa si Jasmin. “The high and mighty, Nathaniel Cervantes, ayaw mapagtawanan! Ano sa palagay mo ang iniisip ng maraming tao sa pagpapakasal mo sa isang tulad kong may... anak?”

Mapait na ngumiti ang lalaki. “Do not worry about it, my dear. Alam ng maraming tao na pinakasalan kita upang tuparin ang isang honorableng obligasyon na matagal ko nang dapat ginawa.”

Nawala ang ngiti sa mga labi niya. “I-iniisip ng mga tao na... anak mo si Iris sa akin?

“Unfortunately,” matabang nitong sagot. “ k aya sa puntong iyo’y medyo nasalba ang pride at pagkalalaki ko.”

Ilang sandaling katahimikan ang pinalipas ni Jasmin bago muling nagsalita. “Did it really matter so much na anak ko si Iris?” mahinang tanong niya.

Malakas na nagpreno si Nathaniel at napahawak siya sa dashboard ng pick-up.

“Like hell!” wika nito sa nanlilisik na mga mata. Pagkatapos ay nagpakawala ng buntong-hininga. “I have nothing against Iris...”

“Ang nakakasakit isipin ay ang may ibang lalaking nauna sa asawa mo, ganoon ba?”

“Huwag na nating pag-usapan! Sinikap kong kalimutan at alisin sa isip ko `yon!” Muli nitong pinatakbo ang sasakyan.

Makalipas ang beinte minutos na walang kibuan ay sinapit nila ang resort. Pagkababa niya’y inilabas naman ni Nathaniel ang maleta niya mula sa likuran. Iniitsa ni Nathaniel sa guwardiyang bumati sa kanila ang susi ng sasakyan. Sa loob ay marami pang empleyado ang bumati.

Sa ibaba ng hagdan ay binuhat siya ni Nathaniel papanhik sa katuwaan ng mga naroroon.

“Hindi mo kailangang gawin ito,” aniya.

“Gusto kong gawin, Mrs. Cervantes,” nakangiting sagot nito.

lyon ang unang pagkakataong napasok niya ang pribadong silid ni Nathaniel. Mas malaki at mas maaliwalas kaysa sa mga ordinaryong silid ng hotel-resort.

Ibinaba siya nito pagkapasok nila. Nilingon ang empleyadong isinunod ang maleta ni Jasmin. Kinuha ito mula sa tauhan at isinara ang pinto.

“Don’t just stand there, Jasmin, na tila ka tuod. Tinalo mo pa sa ikinikilos mo ang isang tunay na virgin bride sa unang pagkakataong magkasarilinan sila ng groom,” tudyo nito. Tinungo ang aircon at binuksan.

Naningkit ang mga mata niya. “Ano ang gusto mong gawin ko, Nathaniel, yakapin at hagkan ka tulad ng ginawa ni Rowan?”

“Leave Rowan out of this! Pero ang yakapin at hagkan ako ay hindi masama considering that you are now my wife.” Dinampot nito ang interphone, dumayal sa ibaba at nagpa-reserve.

“You have been taking advantage of me mula pa kanina sa reception. Hindi kasali sa usapan `yon!” pagalit niyang sabi habang tinatanggal ang veil sa ulo at ibinagsak sa sahig.

Tumaas ang mga kilay ni Nathaniel. “Really, Jasmin? Inaasahan ng mga tauhan ko na maging romantiko ako sa araw ng aking kasal. At anong usapan ang sinasabi mo? I never agreed to any agreement or bar gain. You married me and so you are now my wife ”

“Hindi ko gustong magpakasal sa iyo. You asked me to marry you.”

Isang nang-uuyam na ngiti ang ibinigay ni Nathaniel. “I did not ask, I demand!” wika nito na binigyang distansiya ang bawat salita. Pagkatapos ay humakbang papalapit sa kanya. Kinawit nito ng daliri ang choker na suot niya.

“My grandfather’s precious emeralds. Talagang ipinagkaloob sa iyo ng lolo ang lahat ng karapatang maging reyna ng Villa Kristine, ha?”

Pinalis niya ang kamay ni Nathaniel. “Hindi ko hiningi ito. Hindi ko gustong tanggapin.”

“Nah! Hindi ako nagrereklamo. It suits you at bilang asawa ko ay dapat lamang na ibigay ito sa `yo ni Leon.”

“liwan ko ito sa iyo once our marriage is... annuled.” Napansin niyang parang napakabigat bigkasin ng salitang iyon.

Napatitig sa kanya si Nathaniel, kasinlamig ng yelo ang mga mata.

“This is our wedding day, chiquita . Huwag nating pag-usapan ang annulment.” Nahihimigan niya ang galit sa tinig nito.

“It was your idea, anyway. You suggested it.”

“Out of anger! Oh, damn... shall I break all traditions? Walang broken marriages sa pamiiya, Jasmin. Masasaktan ang mga magulang ko.” Magkahalong galit and weariness ang nasa tono nito. Isa-isang hinubad ang mga kasuotan.

Tumalikod si Jasmin. Pero nakita na niya ang bitterness and pain sa mukha ng asawa.

Gusto niya itong lapitan at yakapin. Sabihin ditong hindi niya anak si Iris at hindi naman niya gustong makipaghiwalay kung sakali, pero napipigil siya ng mga pananakit ng loob at insultong sinasabi sa kanya ni Nathaniel.

“Can... we be friends?” suhestiyon niya in a very soft voice. “We have never been that, you know.”

Nilingon siya ng asawa na nahinto sa pagtatanggal ng sinturon. Sandali siyang sinuri ng tingin na para bang tinitiyak kung totoo ang iniaalok niya. Pagkatapos ay ngumiti ito, totoong ngiti. Kauna-unahan mula nang makilala niya si Nathaniel. Totoong tumatawa ito kanina sa harap ng maraming tao pero alam niyang pakitang-tao lamang iyon.

Nilapitan siya nito, hinawakan sa baba at itinaas. “lyan ang pinakamagandang sinabi mo mula kanina, querida . And yes, we’ve never been friends. You were always rude.”

“You’re hostile and a domineering brute!” ganting-akusa niya.

Napailing ang lalaki. “Hindi pa lumilipas ang kalahating minuto, and again, you are starting a fight,” natatawang wika nito na ikinabulalas din niya ng tawa. Pagkatapos ay parehong pumormal at nagtitigan. Nauna siyang nagyuko ng ulo.

“Let’s dine and dance sa ibaba. Nagpa-reserve ako ng mesa.”

Tumango siya at napatalikod nang tuluyang hubarin ni Nathaniel ang suot na pantalon.

Binuksan nito ang closet at kumuha roon ng maong at polo shirt.

“Mas komportable ako rito,” wika nito habang isini-zipper ang jeans. “Magbihis ka at hihintayin kita sa ibaba.” Hindi pa nito naibababa nang husto ang polo shirt pero lumabas na. Marahil ay alam nitong hindi siya makapagbibihis kung naroon ang lalaki.

Bahagyang napanatag ang dibdib ni Jasmin. Hinubad niya ang damit pangkasal, pagkatapos ay pumasok ng banyo at nag-shower. Pagkatapos ay nag-ayos ng sarili at lumabas ng suite.

Nasa bungad na siya ng hagdan nang makitang hindi nag-iisa si Nathaniel. Naroon si Rowan at intimate na nag-uusap ang dalawa. Hindi niya mapagpasyahan kung bababa siya o babalik sa silid nang biglang may humawak sa braso niya.

“Rolly!” lingon niya rito.

“Binabati kita, Jasmin,” seryosong sabi nito na inilahad ang kamay. “Binigla mo talaga `ko! No wonder galit na galit ang anyo ni Nathaniel noong abutan tayo sa apartment. Kaya marahil napadali ang kasal ninyo. Bakit hindi mo sinabi sa `kin ang tungkol sa inyong dalawa? Bakit ka naglihim?”

“Ah, eh...”

“Ngayon ko naiintindihan ang biglaang pagdating mo. Gusto mong panagutan ni Nathaniel ang nangyari sa inyo. Bakit kailangang ilihim mong siya ang ama ng anak mo? Kabisado na namin ang bilis sa babae ni Boss at tiyak na noong nag-master siya sa Maynila ay doon nangyaring nagkakilala kayo, `di ba?” patuloy ni Rolly.

“I’m sorry, Rolly, hindi ko gustong magpaliwanag.” Muli siyang lumingon sa ibaba. Naroon pa rin ang dalawa. Si Rowan ay nakasabit na ang mga braso sa leeg ni Nathaniel.

“Huwag mong intindihin si Rowan. She’s a sore loser. Isa pa, hindi naman talaga seryoso sa kanya si Nathaniel,” konsola ni Rolly sa nakikitang inis sa mukha niya.

“Salamat, Rolly.” Hinawakan niya sa braso ang binata. Noon tumingala si Nathaniel at nakita ang ginawa niya. “Halika, samahan mo akong bumaba,” yaya niya.

“Sige na, Jasmin. Nahihiya akong lapitan ngayon si Boss dahil sa nangyari sa apartment. And seeing his face now won’t do me good.” Bumitaw ito mula sa pagkakahawak niya at tumalikod.

Paglingon niyang muli sa ibaba’y paalis na si Rowan. Nagtuloy siyang bumaba.

“Ano ang kailangan ng supervisor ko sa `yo?” ani Nathaniel kasabay ng mariing paghawak sa braso niya.

“Binati lang ako. Si Rowan, ano ang ginagawa niya rito sa resort? Sinusundan ka ba niya?” ganting-tanong niya in an equal tone.

Tumaas ang isang sulok ng bibig ng lalaki, pagkatapos ay inakbayan siya. “Halika na nga! Huwag nating sirain ang truce nating dalawa.”

Pumasok sila sa disco house ng hotel at naupo sa mesang nakalaan sa kanilang dalawa. May champagne na roon at dalawang kopita. Binuksan ni Nathaniel ang wine at nagsalin sa mga kristal na baso.

“Cheers, Mrs. Cervantes!” Itinaas nito ang kopita at idinikit sa kanya. Isang ngiti lamang ang sinagot niya.

Tahimik na uminom si Jasmin habang itinuon ang mga mata sa paligid. Alam niyang pinagmamasdan siya ng asawa at sinisikap niyang huwag mailang.

“Let’s dance.” Tumayo ito at niyaya siya nang pumailanlang ang isang soft music. Nagpahinuhod siya.

My love, there so many ways I want to say I love you.

Let me hold you in my arms forever more...

Nathaniel was holding her so close. Sinasabayan nito ang musika na tila nagma-minus one. He was becoming romantic the way he hold and brushed a light kiss across her forehead.

Lady, for so many years I thought I’d never find you.

You have come into my life and made me whole. Forever

Let me wake to see you each and every morn ing...

Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Sari- saring emosyon ang dulot ni Nathaniel. She faltered her steps.

“Relax and hold me,” bulong nito.

Sinikap niyang mag-relax at inihilig ang ulo sa dibdib ng asawa. Kung kaninong pintig ng puso ang naririnig niya ay hindi niya alam. Nagpatuloy si Nathaniel sa marahang pagkanta kasabay ng musika.

Let me hear you whisper softly in my ear.

In my eyes I see no one else but you...

I’ll always want you near me.

I’ve waited for you for so long.

Lady, your love is the only love I need...

You’re the love of my life... lady

Pinanghihinayangan niya ang pagtatapos ng tugtugin. Pakiramdam niya’y malaking bahagi ng kanyang pagkatao ang nawala nang humiwalay si Nathaniel. Inakay siya nito pabalik sa upuan.

Walang kibong dinampot niya ang kopita ng champagne at tahimik na uminom.

“Why are you so tense?” He asked softly.

“G-ganoon ba ako?”

Marahang tumawa si Nathaniel. “Never in my wildest dreams that I will be confused and intrigued with a woman at asawa ko pa. But then, hindi naman normal ang paraan ng pagkakakilala natin, `di ba?”

“I agree with you,” mahinang sagot niya.

“Ang buong akala ko’y kabisado ko ang mga babae sa pangkalahatan. Pero mula nang makilala kita’y marami na akong hindi naiintindihan. Kung hindi dahil sa presensiya ni Iris ay gusto kong isiping wala kang karanasan. You are a mixture of everything, chiquita .” Dinala nito sa bibig ang kristal at habang umiinom ay nakatitig sa kanya.

Isang maharot na tugtog ang pumailanlang. Hindi pa man niya naiisip kung yayakagin siyang sumayaw ng asawa ay dumating sa mesa si Rowan.

“Puwede ba kaming magsayaw ng asawa mo, Jasmin? For old time’s sake,” wika nito sa kanya na ang braso ay ikinapit na kay Nathaniel.

“S-sure...”

Hindi niya maintindihan ang titig na ibinigay ni Nathaniel sa kanya. Was he reluctant to dance with Rowan? Bago pa niya masagot ang sariling tanong ay pumagitna nasa bulwagan ang dalawa.

Nag-iinit ang mukha niya sa ginagawang pagsasayaw ng dalawa. Lalo na ang ginagawang pag-indak ni Rowan. She could even label their kind of dancing as lovemaking in the middle of the dance floor. Kung ganito si Rowan na kasayaw pa lamang ni Nathaniel, paano ang mga nagdaang panahon na kapiling nito ang asawa niya sa kama?

Ang ibang nagsasayaw ay nagbigay ng espasyo sa dalawa. Umiikot, umiindak na tila naggigirian sa maharot na tugtog. Naroon ang seduction sa mukha ni Rowan.

Ang asawa niya’y nakangiti at sinasabayan ang paraan nito. Lumingon si Nathaniel sa kanya at kinindatan siya. Kung hindi malamlam ang ilaw ay nakita na nito ang pamumula ng kanyang mukha.

They were dancing so close and yet they were not touching. Nakikita niya ang mga mata ng mga lalaking nanonood. Paghanga at pagnanasa kay Rowan. She was provocative, alluring and sexy.

At nagalit si Jasmin. Kung dahil sa dalawa o sa sarili niya ay ewan.

Hindi niya kayang tingnan pa nang matagal ang dalawa. They can dance to their hearts content for all she cares! And to hell with them if they choose to end up in bed!

Walang nakapansin sa pagtayo niya at paglabas sa disco house. Tinalunton niya ang daan patungo sa suite nila. Ibinagsak ang clutch bag sa tokador at naghubad. Kinuha mula sa maleta ang pantulog.

Bigla siyang natilihan nang makitang manipis ang night dress na inilagay ni Manang Denang. Pagkuwa’y nagkibit ng balikat. Natitiyak niyang hindi na papanhik ang kanyang asawa. Hindi na nito aaksayahin ang oras sa kanya kung naroon si Rowan.

Pagkatapos mag-alis ng makeup at maglinis ng katawan ay pinatay niya ang ilaw at binuksan ang lampshade. Hindi niya gustong isaksak sa isip ang gagawin ng dalawa pagkatapos.

Narinig niya ang pagtunog ng doorknob. Ini-lock niya iyon. Bigla siyang napabangon nang bumukas ang pinto at pumasok si Nathaniel.

Walang kibong muli nitong isinara ang pinto at inihagis sa sofa ang susing hawak.