noveltoon logo noveltoon
Ang Sisiw At Ang Agila (Kristine Series 2)

Chapter 3

Ch. 3 / 9 Nov 28, 2025

P AGKATAPOS siyang i-tour ni Rolly sa buong resort ay inihatid siya ng lalaki sa apartment. Alas-singko pasado na halos nang maghiwalay sila. Sinabi nito na maliban sa coffee ay hindi libre ang pagkain para sa mga empleyado bagaman may employees price. Ipinayo nito na sa weekend ay mamili siya ng instant and canned foods.

Pagod sa biyahe at pag-iikot sa resort ay gusto nang magpahinga nang maaga ni Jasmin. Pumasok siya ng banyo at naligo. Hindi na siguro niya kailangang maghapunan dahil kaninang umiikot sila ay pina-merienda siya ni Rolly sa restaurant ng hotel.

Nanlaki ang kanyang mga mata nang paglabas niya ng banyo ay inabutan sa loob si Nathaniel.

“A-ano’ng ginagawa mo rito?” Napahigpit ang hawak niya sa buhol ng tuwalya sa tapat ng kanyang dibdib. Hindi malaman kung aatras pabalik ng banyo. Sa halip ay tila siya ipinako sa kinatatayuan. Tumutulo pa halos ang buhok niya sa mga braso at binti.

Kung paano ang pagsuring ginawa niya rito kanina sa opisina ay ganoon din ang ginawa sa kanya ni Nathaniel ngayon. Nag-init ang mukha niya’t alam na namumula siya sa pagkapahiya. She is at a disadvantage dahil nakatapis lamang siya ng tuwalya.

Pagkatapos ng sa palagay niya ay mahabang sandali ay inihagis ng binata ang plastic na hawak nito sa sofa. Noon lamang niya napansing may dala ito.

“Uniform mo,” walang emosyong sinabi nito. “Hindi ko maintindihan kung bakit ibinigay sa iyo ni Rolly ang kuwartong ito gayung alam niyang dalawahan sa isang pinto. Sa dulo ay ang accounting clerk na babae at doon din nakabahay dati ang receptionist na pinalitan mo.”

Hindi siya makasagot dahil hindi niya alam kung bakit nga ganoon ang ginawa ni Rolly bagaman sinabi na nitong dala-dalawa sa isang pinto.

“So, my grandfather was charmed by a pretty face. Kaya marahil sa unang pagkakataon ay binali niya ang sariling batas na huwag kukuha ng empleyado sa labas ng bayang ito at mga karatig. Ngayon naman, ang supervisor ko,” sarkastikong patuloy ni Nathaniel.

Bumangon ang galit sa dibdib ni Jasmin sa ipinahihiwatig ng mga salita ng binata.

“Hindi ko alam ang batas na sinasabi n’yo, Mr. Cervantes, at hindi ko rin alam kung bakit dito ako dinala ni Rolly.” Bahagyang tumaas ang tinig niya. “And I did not use my face para lang mapunta rito!” paangil niyang dagdag.

Lalong nagdilim ang mukha ni Nathaniel. Minsan man ay wala itong natatandaang pinagtaasan ng tinig ng sinumang empleyado. Dito man o sa hacienda. At lalong higit kung babae.

“Ano ang relasyon mo kay Leon Fortalejo at ganyan ang tono mo sa `kin?” May malisya ang tinig nito.

Sandaling nalito ang dalaga sa tanong na iyon. Relasyon? Iniisip ba ng lalaking ito na siya at si Don Leon ay...?

Lalong namula ang mukha niya. “You have no right to insinuate like that!” pagalit niyang sagot. “Your grandfather hired me at wala akong relasyon sa kanya maliban sa employer-employee relationship.”

Muling napataas ang sulok ng mga labi ni Nathaniel. “Kung ganoon, Miss Cuevo, matuto kang gumalang sa boss mo! Wala kang karapatang pagtaasan ako ng tinig. I could easily throw you out of your job,” mariing wika ni Nathaniel sa naniningkit na mga mata, “on your very first day here!”

Hindi kaagad nakakibo si Jasmin. May katwiran ito. Boss niya si Nathaniel at ano ba naman ang nakain niya’t nakawala na naman nang ganoon ang kanyang pagtitimpi?

Paanong sa dalawang pagkakataon ay nagpakita siya ng galit na iisang tao ang dahilan—si Nathaniel. Ang una ay noong sabihin ni Don Leon na huwag siyang iibig dito.

Huminga siya nang malalim. “I’m sorry,” marahang wika niya na sinabayan ng yuko ng ulo. “Ililipat ko ang mga damit ko sa pintong sinasabi mo pag... pagkabihis ko.” At muli ay naalalang nakatapis lamang siya ng tuwalya. Nakadama uli siya ng pagkailang.

Isang mahabang katahimikan ang lumipas bago muling nagsalita ang binata. “It doesn’t really matter. You can stay here,” pagkatapos ay inikot ang mga mata sa loob ng silid. Napako ang pansin sa munting kuwadro ni Iris. Marahang humakbang patungo sa mesita at dinampot iyon, bumaling sa kanya.

“Sino `to?”

“Si Iris... anak ko.” Bakit ganoon ang sinabi niya?

Nagsalubong ang mga kilay ni Nathaniel. Muling dumilim ang mukha. “May asawa ka na?”

Umiling siya at lalo nang nagkapatong-patong ang resulta ng sinabi niya.

“Wala kang asawa pero may anak ka?” Muli siyang sinuyod ng tingin ni Nathaniel. “Ilang taon ka na?”

“Twenty-one.”

Nagbuka ng bibig ang binata pero muli ring itinikom. Ibinalik ang larawan sa mesita at pagkatapos ay lumabas. Nakahinga nang maluwag si Jasmin.

Nagkamali siya ng sapantaha sa apo ni Don Leon. Noong balaan siya ng matanda tungkol sa apo nito, ang naisip niya ay isa itong gigolo type at spoiled na lalaki and willing to charm all the pretty ladies na makikilala nito, at mahihirapan siyang itaboy ito tulad ng ibang manliligaw niya.

Oh yes, Nathaniel can charm almost all women and even the sun from the clouds if he wants to. Ang kuwestiyon, even if he doesn’t want to, women are being charmed by him. At kung hindi niya naisip agad ang kasinungalingang anak niya si Iris ay nanganganib na mapasama siya roon.

KINABUKASAN ay nagsimula na sa trabaho si Jasmin. Filipiniana ang style ng uniform niya. At nakapagtatakang ang napili ni Nathaniel ay sukat na sukat sa kanya. Isang pencil cut na palda na kulay salmon at jusi ang blusa na may burda sa collar at manggas.

“Beautiful!” ani Rolly nang pumasok siya sa reception area.

“Thank you.”

“Ngayon ay hindi lang ang resort ang atraksiyon kundi pati ikaw.” Hindi maikaila ang paghanga sa mga mata nito.

Umirap siya. “Wala akong intensiyong maging atraksiyon, Mr. Magno.”

“But you are. At wala kang magagawa roon. Hindi mo ba napapansin na sa iyo nakatingin ang lahat ng male guests?”

Naputol ang pag-uusap ng dalawa nang may pumasok na mag-asawang foreigner na bagong dating.

llang sandali pa ay kinakausap na ni Jasmin ang mga ito.

Pranses ang mag-asawa at ang babae ay hindi marunong mag- e nglish. Sinamahan niya ang mga ito sa ikalawang palapag kung saan reserbado para sa mag-asawa.

Paglabas niya sa silid ng mga ito ay naroon si Nathaniel.

“So you speak f rench,” anitong bagaman pormal ang tono ay may kislap ng paghanga sa mga mata.

“Kaunti lang, iyong conversational,” sagot niya na gumanti ng ngiti sa isang guest na dumaan.

“Where did you learn to speak f rench?” patuloy ni Nathaniel na sinabayan na siya sa paglalakad.

“I took up European Language, French ang major ko.”

“Why European l anguages?” Nagsalubong ang mga kilay nito nang tumingin sa kanya. Nasa bukana na sila ng hagdan at muli ay nginitian ng dalaga ang papanhik na dalawang male guests na nakatingin sa kanya.

“Pinangarap kong magtrabaho sa ibang bansa lalo na sa European countries,” sagot niya habang bumababa.

“And you ended in Paso de Blas, instead. Very ironic,” matabang na wika ni Nathaniel.

Nakadalawang baitang pa lamang sila ay may tumawag na naman kay Jasmin sa itaas. Ang isa sa mga male guest na nakasalubong nila. Sinabi nito sa kanya na hindi mabuksan ang pinto ng silid at bago pa nakapagsalita si Nathaniel ay nakapanhik na ang dalaga. Ngumiti at sinamahan ang guest sa silid nito.

Nagulat pa si Jasmin nang paglabas niya ay nasa lobby pa rin sa itaas si Nathaniel at naghihintay.

“What took you so long?” inis na wika nito.

Nagsalubong ang mga kilay ng dalaga. “Kinausap pa niya ako.”

“You don’t have to be that accomodating.”

Nag-angat ng ulo ang dalaga sa tono ng lalaki. “Mr. Cervantes, it is my job.”

“Do not overdo it. Sa mga ganoong pagkakataon na nagrereklamo ang mga guest ng tungkol sa silid nila ay tawagin mo si Rolly. Trabaho n’ya iyon. Maliban na lang kung talagang gusto mong personal na i-entertain ang mga male guest ng resort.”

Nanlaki ang mga mata niya sa nais ipahiwatig ni Nathaniel. At bago pa siya makapagsalita ng hindi mabuti ay minabuting tumalikod na lamang. Subalit naagapan ni Nathaniel ang braso niya.

“Kinakausap pa kita, Miss Cuevo! Wala kang karapatang basta na lang ako talikuran!” pagalit nitong sinabi. “Huwag mong gawin ang ganyang kabastusan dahil lang ang lolo ko ang nagpasok sa iyo rito! Madali kitang mate-terminate kahit na sino pang Poncio Pilato ang nagrekomenda sa iyo!”

“Terminate me then!” Ang gusto niyang sabihin pero agad na inawat ang sarili. Malaking bagay na matapos niya ang dalawang buwan sa resort na ito para sa kanilang magkapatid.

“I’m sorry...” mahinang sagot na lamang niya.

Kung anuman ang sasabihin ni Nathaniel ay hindi na niya malalaman pa dahil nasa bungad ng hagdan si Rowan.

“Nathaniel!” magiliw na tawag nito, nakatutok ang mga mata sa braso niyang hindi pa nagagawang bitiwan ng binata nang pigilan siya kanina. Pinaglipat-lipat nito ang tingin sa kanilang dalawa.

Napuna niyang hindi ito nag-iisa. Sa likuran nito ay may isang lalaki’t babaeng nakasunod.

Hahakbang na sana siya pababa sa hagdan nang ngumiti at magsalita ang babaeng kasama ni Rowan. “Hello? Ikaw ba ang bagong receptionist? Ako si Jewel. Pinsan ko si Nathaniel. At ito naman si Bernard.” Nilingon nito ang kasamang binata.

Inabot niya ang kamay na inilahad ni Bernard. “Sana’y mag-enjoy ka rito,” nakangiting wika ng binata.

Ngumiti si Jasmin.

“Balita namin ay ang lolo ang nagrekomenda sa iyo. Paano ka napapayag ng l olo na iwan ang Maynila para sa trabaho mo rito?”

“Two months lang naman ako rito,” wala sa loob niyang naisagot sa palakaibigang tanong ni Jewel. Napansin ni Jasmin ang biglang pagbaling ng tingin ni Nathaniel sa gawi niya.

“Ano’ng ibig mong sabihin?” Kung may nakapuna sa bahagyang pagtaas ng tinig nito ay hindi niya masabi.

Nalito siya. “Ang ibig kong—”

“Bakit dalawang buwan ka lang dito?” nagtatakang putol ni Jewel sa sinasabi niya.

“Really?” Umaliwalas ang mukha ni Rowan na nakakapit na kay Nathaniel.

“This is a summer job.” Pinilit niyang ngumiti at iniwasang magkasalubong ang mga mata nila ni Nathaniel. “I’m earning my tuition fee para sa next sem. May natitira pa akong dalawang semester, eh.” At least sa pagkakataong ito ay hindi siya nagsisinungaling.

Nagkibit ng balikat si Jewel. “Pareho pala tayo. After two months, balik escuelahan ako. Anyway, itu-tour ka namin ni Bernard sa buong Paso de Blas sa duration ng stay mo.”

Muli siyang ngumiti sa dalawa. “Salamat.” Humakbang na siya upang bumaba nang tuluyan. “Nice meeting you two!”

Pagkatapos ay natanaw niyang bumaba patungo sa dagat sina Jewel at Bernard para mag-swimming. Parang gusto niyang managhili.

Sana ay narito siya sa magandang resort na ito hindi bilang empleyado.

Noon ay malimit silang mag-out of town ng mama at papa niya tuwing summer. Bigla ang pagkadama niya ng lungkot para sa mga magulang. Pagkatapos ay sa bunsong kapatid. Sana ay narito rin si Iris. Makabubuti para sa bata ang klima.

Lumipas ang maghapon na hindi naging kabagot-bagot para kay Jasmin. At palibhasa’y simula na ng tag-init ay maraming tao ang dumating sa resort. Kalimitan ay mga reservation pa sa Maynila.

Nagpasiya siyang hindi na lamang maghapunan nang hapong iyon dahil pagod na pagod ang pakiramdam niya. Dumeretso na siya sa apartment. Sanay naman siya sa ganoon. Mas gusto niyang magpahinga na lamang kaysa kumain lalo na kung ganitong pagod siya.

Unang araw—she’s dead tired. Kaibang-iba sa trabaho niya sa Kristine Cement bilang clerk-typist.

Hinubad lang niya ang sapatos at stocking pagkatapos ay nahiga na sa ibaba ng bunk bed. Ang balak niya’y magpapahinga lang sandali at saka siya maliligo.

Halos naiidlip na siya nang biglang bumukas ang pinto ng apartment. Si Nathaniel. Napabalikwas siya ng bangon.

“Empleyado mo nga lang ako pero siguro naman ay wala kang karapatang basta na lang pumapasok dito nang hindi man lang kumakatok!” pagalit niyang sinabi na ikinataas ng mga kilay ng binata.

“You should learn how to lock your door, Miss Cuevo. Ito ang ikalawang pagkakataong dumating ako rito na bukas ang pinto mo. Sa tingin ko ba’y tila lagi kang may hinihintay na papasok.”

One, two, three. n agsimula siyang magbilang sa isip kasabay ng pagpikit at pagpigil ng galit. The man is insufferable!

Eight, nine, ten! “What do you want, Mr. Cervantes?” pormal at mahinahon niyang tanong.

“Pinuntahan kita sa dining room ng mga empleyado. Nagpasabi ka raw na hindi maghahapunan. Bakit?”

Nakakahimig ba siya ng gentleness sa tinig nito? Imposible. Mula kahapon ay pinag-iisipan na niya kung ano ang hitsura ng lalaking ito kapag ngumiti.

“It’s my off-duty, Sir. Kung anuman ang gusto kong gawin sa oras na ito ay problema ko na,” aniya sa malamig na tinig.

“Miss Cuevo,” mariing wika ni Nathaniel. “Alam mo bang ikaw pa lang ang kauna-unahang empleyadong sumasagot sa akin ng ganyan at kumikilos ng tulad ng mga ginagawa mo? Maaring off-duty mo ngayon pero empleyado pa rin kita at nasa loob ka ng company premises. Isang simpleng tanong lang naman ang itinatanong ko sa iyo.”

Huminga nang malalim si Jasmin. Totoo ang sinabi nito. Ano ba ang mayroon ang lalaking ito at napakadali niyang mag-alma?

Mahinahon at madiplomasya siyang tao pero pagdating sa lalaking ito ay tila hindi niya makontrol ang sarili.

“I’d... rather rest,” mahinang sagot niya.

“Hindi mo kaya ang trabaho mo?” Pormal ang tono ni Nathaniel.

Umiling siya. “Hindi iyon. Hindi mo maitatangging maraming tao ang dumating ngayong araw na ito. I was still at the lobby even after six.”

Ilang sandaling hindi nagsalita si Nathaniel. Nakikita nito ang pagod sa kanyang mukha. Patunay na dinatnan nitong nakahiga ang dalaga nang hindi man lamang nakapagbihis.

“Bakit hindi mo sinabi sa aking dalawang buwan ka lang dito?”

“I didn’t think it would be necessary—”

“Not necessary?” Tumaas ang tinig nito. “Katungkulan mong ipaalam sa akin o kahit man lamang kay Rolly na summer job mo lang ito nang sa ganoon, ngayon pa lang ay makakahanap na ng kapalit mo!”

“I’m sorry about that,” mahinahon niyang sagot. “I assumed na nasabi na iyan ni Mr. Fortalejo sa iyo.”

“Really?” tuya ni Nathaniel. “Ni wala kang file. You should have bothered to bring one. Kahit man lang ang bio-data mo. Out of nowhere ay basta ka na lang dumating dito.”

Ano ang sasabihin niya? Nasa main office ang file niya. Surely, alam ni Nathaniel iyon.

“C-can we talk about this tomorrow?” May pagsusumamo sa tinig niya. Hindi na sila nagtagpo ni Nathaniel nang hindi sila nagtatalo. Napapagod siya sa mga sandaling ito at gusto nang matulog. “I’ll fill up the necessary data tomorrow.”

Tahimik na muling sinulyapan ni Nathaniel ang larawan ni Iris. Pagkatapos ay walang kibong lumabas.

Nag-alis ng damit si Jasmin at naligo. Pagkalabas niya ng banyo ay may kumatok. Si Nathaniel ba at muling bumalik?

“Sino iyan?”

“Si Nancy,” sagot ng nasa labas ng pinto. Nancy?

Binuksan niya ang pinto at tumambad sa kanya ang panggabing waitress sa restaurant ng hotel. m ay hawak na tray na may isang basong gatas at sandwich. Pinapasok niya ito.

“Hindi ako nag-order—”

“Si Boss Nathaniel ang nag-utos na dalhin sa iyo ang pagkaing ito,” agap ng babae na makahulugang ngumiti. “Ang lakas mo, ha! `Yong receptionist na pinalitan mo, maganda rin at sexy at wala nang ginawa kundi ang magpa-charming kay Sir pero hindi niya pinagkaabalahang pahatiran ng pagkain o pansinin man lang.”

“Thank you, Nancy. Ilagay mo na lang diyan sa mesa.” Hindi niya gustong makipagtsismisan sa babae tungkol kay Nathaniel.

“Mag-iingat ka, Jasmin. Pilyo sa chicks si Sir.” Hindi maawat ang babae.

Tipid siyang ngumiti. Lumakad patungo sa pinto at hinintay na lumabas ito. “Salamat uli, Nancy.”

Nagkibit ng balikat ang waitress at lumabas.

Tinitigan ng dalaga ang pagkain. Gusto na niyang magpahinga pero kung nandito na sa harap niya at nakahanda ay hindi niya sasayangin.

Dinampot niya ang sandwich mula sa platito nang mapuna niya ang papel sa ilalim ng napkin. Hinugot niya ito at binuklat. Ang nakalagay:

Be sure to eat this or you’ll be sorry.

Drat the man! Mabuti ang motibo pero nakakainis ang paraan.

Nagkibit siya ng balikat. Siguro ay may sariling paraan si Nathaniel to charm a woman. At aminin man niya o hindi ay talagang malakas ang atraksiyon ng lalaki.

She just have to be very careful na huwag mahulog sa charm at atraksiyon nito.