noveltoon logo noveltoon
Ang Sisiw At Ang Agila (Kristine Series 2)

Chapter 2

Ch. 2 / 9 Nov 28, 2025

“A NG tanging ipinag-aalala ko lang, Manang Denang, ay si Iris,” ani Jasmin habang masuyo niyang hinahaplos ang noo ng bunsong kapatid.

“Ipanatag mo ang iyong loob tungkol sa kapatid mo, Jasmin. Alam mo namang hindi ko siya pababayaan,” paniniyak ng matanda na naglalagay ng mga gamit ng dalaga sa maleta.

“Alam ko po. Kaya lang ay sakitin ang kapatid ko. Alam naman ninyo ang kalagayan niya, `di ba? Paano kung sumpungin siya sa panahong wala ako rito?”

“Siguro naman ay hindi, Jasmin. Nitong nakaraan ay inabot ng mahigit tatlong buwan na hindi nagbago ang kalusugan ng kapatid mo,” patuloy ni Denang na sinarhan na ang maleta. “At saka, madali namang tumawag sa iyo kung sakali, hindi ba?”

Tumango siya. Iniwan sa matanda ang numero ng telepono sa Paso de Blas. Nakasulat iyon kasama ng brochure ng resort.

Huminga siya nang malalim. Kung sana’y buhay pa ang mga magulang niya. Isang mahapding kirot ang gumuhit sa kanyang dibdib. Bumalik sa isip niya ang mga pangyayari, may dalawang taon na ang lumipas...

Hindi niya malaman kung paano tatanggapin ang balitang sinabi sa kanya ng mga magulang na sina Alicia at Dante.

“May sasabihin kami ng papa mo, Jasmin.” Hindi malaman ni Alicia kung ngingiti o papaano. Nasa mukha nito ang pag-aalangan.

“Ikaw na, darling, ang magsabi sa anak mo,” ani Dante na masuyong nakatingin sa asawa.

Nagsalubong ang mga kilay ni Jasmin sa ikinikilos ng mga magulang.

“Come on, guys, what is it? Masyado naman kayong pa-suspense,” aniya na pinaglipat-lipat ang tingin sa mga magulang.

Tumingin muna si Alicia sa asawa bago muling humarap sa kanya. “Hija, m-magkakaroon ka na... ng kapatid. Nagdadalang-tao ako,” medyo nahihiya pang wika ni Alicia. Pinisil ni Dante ang kamay ng asawa.

“What?!” nanlaki ang mga matang tanong niya, napatitig sa ina.

Buntis si Alica sa edad na forty! At masusundan na siya makalipas ang labing-siyam na taon. Hindi niya alam kung matutuwa o mag-aalala. Pero sa nakita niyang agam-agam sa mukha ng ina sa pagkakatitig sa kanya ay napilitan siyang ngumiti.

“W-why, I guess, this calls for a celebration!” aniya na pinasigla ang tinig. Kumalma ang mukha ni Alicia at ngumiti.

Sa unang dalawang buwan ng paglilihi ni Alicia ay lipos ng kaligayahan ang pamilya. Siya man ay totoong nagalak na magkakaroon ng kapatid. Subalit hindi pa man natapos ang unang trimester ng ina ay lubha na itong nahirapan sa paglilihi.

Ipinasok nila ito ng ospital nang minsang magkaroon ng bahid ng dugo. Threatened abortion, ayon sa mga doktor. At kung gusto nilang manatiling ligtas ang dinadala nito ay kailangang manatili sa ospital si Alicia hanggang sa ito’y makapanganak.

At ganoon nga ang nangyari. Sa unang mga buwan ay nagsosolo sa silid si Alicia. Subalit nang maglaon ay inilipat na ito sa pantatluhang silid dahil lumalaki ang gastos.

Si Jasmin ay nagboluntaryong hindi na muna mag-aaral sa semester na iyon upang maasikaso ang ina sa ospital.

Hindi sila naghihirap sa buhay dahil maayos naman ang sahod ni Dante sa Kristine Cement bilang comptroller at nag-iisang anak si Jasmin. Subalit lahat ng naipon nito sa bangko ay nailabas nang lahat sa pananatili ni Alicia sa ospital sa loob ng pitong buwan.

Nang dumating ang oras ng panganganak nito ay naroon silang mag-ama sa labas at naghihintay sa resulta. Ang babaeng pinakamamahal nilang pareho ay nasa delivery room—fighting for her own life and for the life of her child.

Makalipas ang hindi mabilang na mga sandali ay lumabas ang doktor na halos hindi gustong sabihin sa kanila ang nangyari.

“Ikinalulungkot namin, Mr. Cuevo...’’ Tumingin din kay Jasmin ang doktor bago muling sumulyap kay Dante na halos mawalan ng kulay ang mukha. “Ginawa namin ang lahat pero...” Umiling ito. “Kung konsolasyon mang masasabi ay buhay ang bata. Isang babae, subalit ito man ay kailangang manatili muna ng ilang linggo rito sa ospital.”

Hindi kailanman malilimutan ni Jasmin ang anyo ng ama nang mga sandaling iyon. At hindi niya ito nakausap sa mga sumunod na araw dahil tila tulala.

Matapos mailibing si Alicia ay muling nagbalik sa gawain si Dante subalit hindi na tulad ng dati.

At siya, dahil sa pinansiyal na pangangailangan ay hindi na muling nakapag-enroll.

Kailangan nila ng pera dahil nasa ospital pa ang kapatid niyang bagong panganak na mukhang nakalimutan na rin ng ama.

Nang sabihin niya sa ama na papasok siya sa kompanyang pinapasukan nito ay wala itong isinagot kung pumapayag o hindi. Bahala siya.

At anim na buwan halos magmula nang mamatay si Alicia ay sumunod si Dante. Isang aksidente sa daan. Nabundol ng malaking trak ang sinasakyan nitong segunda-manong kotse...

“Anong oras ba ang flight mo mamaya, Jasmin?” tanong ni Denang na ikinaputol ng daloy ng isip niya.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ng dalaga.

Kung tutuusin ay kailangang-kailangan niya ang trabahong inaalok ni Don Leon. Madodoble ang suweldo niya. Masusustinehan niya ang gamot ni Iris hanggang sa dumating ito sa takdang panahon na maaari nang operahan.

Barado ang isang ugat nito sa puso at sinasabi ng mga doktor na ooperahan ang bata kung dalawang taong gulang na ito.

Hindi niya alam kung saan siya kukuha ng gagastusin para doon. Ang lupa’t bahay nila ay nakasanla dahil nga sa pagkakaospital ng ina. Pati na rin ang mahigit isang buwang pananatili ni Iris sa ospital.

Kung sakali mang tuluyan niyang ipagbili ang pag-aaring lupa’t bahay upang gamitin para sa operasyon ay mangungupahan silang magkapatid.

At kung hindi niya tatanggapin ang inaalok ni Don Leon ay hindi niya makakayang bayaran iyon.

Napakaraming suliraning pinansiyal. Kung hindi marahil sa life insurance ni Dante ay masahol pa sila sa daga.

“Manang Denang...” baling niya sa matanda. “H-hindi ko po alam ang gagawin ko kung wala kayo,” pahikbi niyang sinabi.

“Ku, batang ire! Kung ano-ano `yang sinasabi mo. Kahit na ano ang mangyari ay magkakasama tayong tatlo. Tandaan mo `yan. At ayoko ng iyakan, Jasmin,” pasaway nitong sinabi. “Hindi pa lumilipas ang taong ito pero marami nang luhang umagos sa atin. Tama na!”

Kahit paano ay nangiti siya. Si Manang Denang ay hindi na iba sa kanila. Pinsang malayo ito ni Alicia na nang mabiyuda ay sa kanila na nanirahan. At totoong napakalaki ng utang-na-loob niya sa matandang ito.

LUMINGA siya pagkababa ng eroplano. Ang sabi ni Don Leon ay may sasalubong sa kanya sa airport.

Isang puting pick-up ang napuna niya na may nakapintang “Kristine Hotel & Resort” sa may pinto. May nakatayong lalaki roon na palinga-linga rin.

Tinitigan muna niya nang husto ang lalaki bago siya lumapit. Magandang lalaki. Ito ba ang apo ni Don Leon? Nasa late twenties na marahil ang edad. Naka-slacks ng itim at stripes na white and blue na polo shirt.

Marahan siyang humakbang patungo rito. Nang mapuna siya ng lalaki ay alanganing ngumiti.

“Jasmin Cuevo?”

Gumanti siya ng tipid na ngiti at tumango. “Ako nga.”

Inabot ng lalaki ang bitbit niyang maletang de- gulong at inilahad ang kanang kamay.

“Rolly. Rolly Magno.” Mahigpit siyang kinamayan nito kasabay ng ngiti at paghagod sa kanya ng tingin.

So, hindi ito si Nathaniel, anang isip niya.

“I never expected that I will be meeting a very pretty lady!” dagdag nito na ginantihan niya ng ngiti.

Inilagay nito ang maleta niya sa likuran at pinapasok siya sa passenger’s seat at pagkatapos ay pumasok naman ito sa kabila.

“Ako nga pala ang supervisor ng resort,” patuloy nito nang tumatakbo na ang sasakyan. “Ang lakas ng rekomendasyon mo, ah. Ang Big Boss mismo.”

“Kailan nag-resign ang papalitan ko?”

“Two weeks ago. She got married.” Pagkatapos ay nilingon siya. “Sana’y mag-enjoy ka rito sa Paso de Blas. Kaiba ito sa Maynila.” Muli ang pagsuyod ng tingin nito sa kanya at kung hindi sa palakaibigang ngiti nito ay maiilang siya. “What made you accept the job here?”

Nagkibit siya ng mga balikat. “Greener pasture, change of environment, what else?” Sinabayan niya ng mahinang tawa.

Sa pagitan ng kuwentuhan at briefing sa trabaho niya ay narating nila ang hotel-resort. Hindi mapigil ni Jasmin ang paghanga sa kagandahan ng paligid.

“Alam kong maganda ang lugar na ito dahil nakita ko na sa colored brochure pero higit palang maganda `yong nakikita mo mismo.”

“Walang hindi nagagandahan sa lugar na ito. Mga Pilipino man o mga foreigner,” sagot ni Rolly na kinuha mula sa likuran ang gamit niya.

Elevated ang hotel na may dalawang palapag at ang itaas ay isang heliport. Winding stairs ang patungo roon na yari sa malalaking bato at napaliligiran ng mga dwarf coconut at iba pang malalagong halaman. May mga kubo na yari sa pinong kawayan at nipa ang nasa paligid ng hotel na marahil ay cottages. May malaking swimming pool sa harap at nakatanaw sa mangasul-ngasul na dagat.

“At may lugar rin dito kung saan ang mga guest ay maaring mangabayo. `Pag nasa itaas tayo ay makikita mo,” paliwanag ni Rolly na nagpatiunang pumanhik kasunod siya.

Hindi sila sa hotel nagtuloy nang nasa itaas na. “Sasamahan na kita sa apartment para makapagpahinga ka at makapag-settle. Mamaya ay itu-tour kita sa buong resort.”

“Thank you, Rolly, pero hindi ka ba maaabala sa gawain mo?”

“Walang problema roon,”nakangiting sagot nito. Sa likod ng hotel ay isa pa uling hagdanang bato pababa naman ang dinaanan nila. At sa likuran ng naglalakihang halaman ay isang hilerang apartment na studio-type ang yari. May pader na nakapagitan sa bawat pinto na lampas tao. Marahil bilang privacy.

“Sampung pinto lahat ito para sa mga stay-in employees. Bawat pinto ay tigdalawang empleyado.” Binuksan ni Rolly ang unang pinto at tumambad kay Jasmin ang loob.

Sa tingin niya’y matchbox pero malinis at pinturado ng puti. May bunk bed sa isang sulok na siyang pinakatulugan marahil ng mga umookupa. May mesita sa tabi. Sa bungad ay isang mahabang sofa na yari sa kawayan na nagsisilbing pinakasala. Isang mesang kainan na yari sa formica ang nasa dulo at lababong naka-tiles. May single-burner stove.

“Walang kuwarto?” Hindi niya intensiyong isatinig iyon pero marahang lumabas sa kanyang bibig.

Nasa mukha ni Rolly ang simpatiya. “I’m sorry, Jasmin, pero ganito lahat ang yari ng mga apartment dito. Ang masasabi ko lang ay malinis lahat ang mga narito dahil partikular si Nathaniel roon. Pana-panahon ay personal siyang nag-i-inspeksiyon sa kalinisan ng mga naninirahan dito.”

“Hindi ko gustong magreklamo, Rolly. Hindi ko sinasadyang masabi iyon. Thank you sa pagdala mo sa akin dito.” Humihingi ng paumanhin ang tinig niya.

Tumango at ngumiti ang lalaki. “At least, solo mo ang apartment na ito. Iiwan na muna kita. Makikita mo naman siguro ang daan patungo sa itaas?” Humakbang ito patungo sa pintuan.

Tumango siya at lumabas na si Rolly. Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya. Sa pakiramdam niya’y para siyang nasa isang army barracks. Pero totoong malinis ang kabuuan ng apartment.

Binuksan niya ang isang maliit na pinto at tama ang hinala niyang iyon ang banyo. Puting-puti ang mga tiles sa sahig at dingding, gayon din ang toilet bowl. Walang shower pero isang timbang pula ang nasa tapat ng gripo. Muli niyang isinara ang pinto.

Binuksan ang isang built-in cabinet. Sa loob ay may mga bakanteng hanger at isang de-kuryenteng plantsa. Kahit paano ay nangiti siya. In one way or another, fully furnished ang apartment sa pinakasimple at kumbinyenteng paraan. At ang importante ay hindi na niya lilinisin.

Sa loob ng dalawang buwan ay ito ang magiging tirahan niya. Inayos niya ang mga gamit sa loob ng kabinet pati na rin ang toiletries niya. Sa munting mesita ay inilapag ang kuwadro ng bunsong kapatid. Sandali niyang tinitigan ang inosenteng mukha at huminga siya nang malalim. Para kay Iris kaya siya narito ngayon.

Nag-brush lamang siya ng buhok at nag-retouch ng polbo at lipstick bago muling bumalik sa lobby. Hinanap ng mga mata si Rolly. Ang naroon ay dalawang lalaking guests na pawang sa kanya nakatingin. Sanay na siyang makatawag ng pansin.

Lalapitan na sana niya ang bartender upang itanong kung nasaan si Rolly nang mapuna niya ang isang pinto na may nakalagay na OFFICE. Humakbang siya patungo roon at marahang itinulak ang pinto at pumasok.

Nanlaki ang mga mata niya sa nabungaran. A kissing couple! Naghiwalay ang mga ito nang mapunang naroon siya.

“I... well... I...” Nagkakandautal siya at pinamulahan ng mukha. Siya ang napahiya sa halip na ang mga nasa loob na tila bale-wala ang pagkakakita niya sa mga ito.

“Yes, Miss?” ang lalaki na tumaas ang mga kilay at hindi man lamang natigatig. Ang babae ay dinampot ang sigarilyo sa ibabaw ng mesa at nagsindi. Pagkatapos ay naupo sa naroong silya sa harap ng mesa.

“Guest ba siya rito, darling?” wika ng babae pagkatapos magbuga ng usok. One of the prettiest faces na nakita ni Jasmin. Naka-tight fitting nylon jeans na halos sa tingin niya’y kahit ang kaliit-liitang bahagi ng linya ng katawan nito ay nakikita.

“I...I’m sorry...” a kma siyang lalabas uli pero muling nagsalita ang lalaki.

“No, wait!” May authority sa tinig nito. Napahinto siya. “May kailangan ka ba sa akin?”

Mabilis siyang umiling. “I... I was looking for Rolly—Mr. Magno. I thought I’d find him here. If you’ll excuse me, I will look somewhere else.”

Sa puntong iyon ay muling bumukas ang pinto at pumasok ang hinahanap niya. Nagulat pa ito nang makita siya roon.

“Nandito ka na pala, Jasmin,” bungad nito na sumulyap sa iba pang naroon. Nakahinga siya nang maluwag pagkakita kay Rolly. Pagkatapos ay napasulyap sa babae na matalim siyang tinititigan.

“Hinahanap ka niya, Rolly. Guest ba siya rito?” ang lalaki sa pormal na tinig.

“Oh, no. Siya si Miss Cuevo, Nat. She arrived today.” Binalingan si Jasmin. “Jasmin, si Nathaniel Cervantes, ang apo ni Don Leon.”

Muling bumalik kay Nathaniel ang tingin ni Jasmin. Sinuyod ito ng tingin mula ulo hanggang paa. And who cares kung obvious ang ginagawa niya.

The man is taller by few inches than Rolly. Tall, very dark... and Lord, dangerously attractive! Very masculine sa puting polo shirt na long sleeves na nakarolyo nang bahagya sa dulo ang mga manggas. Open ang mga butones sa dibdib, nakapaloob sa faded blue jeans na ang pagkakahapit ay tila nakayakap na sa mga maskuladong thighs at ang laylayan ay nakapaloob naman sa leather boots.

Muling bumalik sa mukha ni Nathaniel ang mga mata niya. Alam niyang s panish descent si Don Leon at obvious iyon kay Nathaniel. Halos umabot sa mga balikat nito ang mahabang buhok na nahahati sa gitna. Maitim ang mga kilay at mga mata. Hindi niya gusto ang mahabang buhok sa lalaki pero bumagay sa anyo ni Nathaniel.

Gosh! Sino ba sa akala nito ang lalaking ito? s i Antonio Banderas? Pagkatapos ay muling bumaba sa mga boots nito ang mga mata niya na halos nakabaon na sa carpet. Uso pa ba ang boots ngayon bilang daily wear? Oh, well, siguro. Dahil this is the outback at may hacienda nga pala ang mga ito.

Naputol ang pagmumuni-muni niya nang bahagyang tumikhim si Nathaniel.

“I wish I passed...” wika nito na tumaas ang isang sulok ng mga labi. Kung nakangiti o nanunuya ay hindi niya matiyak. Muli siyang pinamulahan ng mga pisngi.

“At siya naman si Rowan, Jasmin. Sa kabisera siya nakatira,” patuloy ni Rolly na lihim niyang naipagpasalamat.

Nailigtas siya nito sa awkward na sitwasyon. Isang tango ang ibinigay niya sa babae na nagkibit lamang ng balikat.

“May sasabihin ka ba kay Jasmin, Nat, tungkol sa trabaho niya rito? Bukas na siguro siya magsisimula,” dagdag ni Rolly.

Doon nag-angat ng ulo si Rowan. “Bakit, Nat, empleyado ba siya rito? Did you hire her? Para saan?” sunod-sunod nitong tanong.

Bigla ang pagbabago ng anyo ni Nathaniel, dumilim ang mukha nito. “Sa Maynila siya galing. Rekomendado ni l olo kapalit ni Liza,” bagot nitong sagot na ang tinutukoy ay ang dating receptionist.

Nagsalubong ang maninipis at magagandang kilay ni Rowan. “Akala ko ba’y mahigpit na regulasyon ni Don Leon na ang lahat ng mga empleyado sa hacienda at resort ay rito lahat kukunin sa Paso de Blas o `di kaya ay sa neighboring towns para na rin bigyan ng pagkakataon at trabaho ang mga tagarito?” At sinulyapan si Jasmin na tila sinusuri.

“We never had a chance to talk. Hindi ko rin alam, Rowan. Hihintayin ko ang pag-uwi ng b ig b oss.” May bahagyang galit sa tinig ng binata na umikot sa mesa nito.

“That’s strange. And besides, `di ba’t sabi ko ay ako na lang ang papalit sa puwestong inalisan ng receptionist mo?” May paninisi sa tinig nito.

“I recommended you pero hindi nagbigay ng go-signal si Lolo,” wika ni Nathaniel na halatang nagpipigil ng galit. Sinulyapan si Jasmin. “I will talk to you later, Miss Cuevo,” pormal nitong sinabi.

Iyon lang ang hinihintay ni Jasmin at mabilis na lumabas ng silid kasunod si Rolly.

“Sorry about that.” s i Rolly. “Hindi maganda ang mood ng boss ngayon.”

“Naistorbo ko sila,” wala sa loob niyang sinabi. Napatingin sa kanya si Rolly na sinikap intindihin ang sinabi niya, pagkatapos ay natawa. “Dinatnan mo ba sila sa hindi kumportableng sitwasyon?”

“Sort of.”

Umiling si Rolly. “Natitiyak kong hindi iyon ang dahilan ng biglang pagkainis ni Nathaniel. Bale-wala iyon. Rowan kisses him everywhere at kahit sino pa ang audience.”

“Girlfriend niya?”

Nagkibit ng balikat si Rolly. “Kung ganoon ngang matatawag `yon. Walang sineseryosong babae si Nathaniel. Hindi ko siya sinisiraan pero ang mga babae na rin mismo ang umaaligid sa kanya. Well, with his looks and money...”

Napatitig kay Rolly si Jasmin. Sa conventional na paraan ay di-hamak namang magandang lalaki si Rolly kaysa kay Nathaniel. Pero iba ang tingin niya kay Nathaniel. Hindi niya maipaliwanag ang male attraction nito. Kung tutuusin ay tila ito agila na parang laging sisila ng sisiw kung tumingin.

“Kung looks ang pag-uusapan ay higit kang magandang lalaki, Rolly.”

Natawa ang lalaki. “Thanks for the vote of confidence, Jasmin. But I don’t have his power and money.”

“Well, hindi mo kailangang magbilang ng girlfriend. Kung totoo ang nararamdaman ng babae sa iyo ay hindi mahalaga ang pera.”

Makahulugan siyang tinitigan ni Rolly.