H INDI na nasundan ang pag-uusap na iyon nina Jasmin at Nathaniel. Bagaman araw-araw silang nagkikita ay sinikap ng dalaga na iwasan ang lalaki.
Isang umagang may sinamahan siyang guest patungo sa silid nito ay saglit siyang napahinto sa paglalakad sa tapat ng private suite ni Nathaniel. Nakabukas ang pinto nito at natanaw niya si Rowan na nakaupo sa gilid ng kama. Si Nathaniel ay nakatapis ng tuwalya at halatang galing sa shower. Sandaling nagtama ang panginin nila ng binata. Siya ang unang nagbawi ng tingin at nagpatuloy sa paglakakad.
Bakit biglang nanikip ang dibidib niya sa nakita? Ano ang ginagawa ni Rowan sa silid ni Nathaniel? Ano ang karapatan niyang makadama ng ganito? Pumapasok ba siya sa lambat ni Nathaniel?
NANG gabing iyon ay hindi agad umuwi si Rolly at sumama sa kanya sa apartment. Hindi niya maitaboy ang lalaki dahil magalang naman.
“Wala man lang akong maialok sa iyo, Rolly,” aniya na inilahad ang mga kamay. “It’s no use na magbibili ng mga instant good and drinks dahil nakakabili naman tayo n’on sa hotel ”
“Okay lang, Jas. Halika, maupo ka rito sa tabi ko.” Itinuro nito ang sofa. May himig ng intimacy sa tinig nito pero hindi binigyang pansin ni Jasmin. Naupo siya sa tabi nito.
Itinaas ng lalaki ang braso at ipinatong sa sandalan. Sa biglang tingin ay nakaakbay ito sa kanya. Na parang ganoon na nga dahil inabot nito ang balikat niya at pinisil.
“ i t was a tiring day, `di ba?” Pagkatapos ay ibinaba na talaga nito ang braso sa balikat niya. “Come closer,” bulong nito.
Inalis niya ang braso ng lalaki. “Please, Rolly...”
“Don’t be coy, Jasmin! Ano ba naman ang masama sa kaunting hawak? We both need it lalo na’t ganitong pagod tayong pareho.” At muling itinaas ang braso subalit sa pagkakataong iyon ay sa baywang niya ikinapit.
“Rolly, ano ba?” Mabilis siyang tumayo upang umiwas subalit nakasunod agad ito na nananatiling nakahawak sa baywang niya.
“Stop behaving like a prudish virgin, Jas. May anak ka na’t lahat ay ganyan ka pa rin. Let’s make the most of your stay here.” At niyakap siya nito.
Umigkas ang kamay ng dalaga at sinampal ang lalaki.
Gulat na napahawak sa pisngi si Rolly. “Ba’t mo ginawa `yon?”
“I am sorry but you are going over the line,” pormal niyang sagot.
“Are you playing hard to get, Jasmin?” Nag-igting ang mga bagang nito. “O, baka naman mas type mo si Nathaniel? Napupuna ko ang malimit mong pagsulyap sa kanya. Oh, well, he’s rich at malaking atraksiyon iyon pero hindi ka papansinin n’on dahil kay Rowan. But i can be a very good substitute. You won’t regret it.” Muli siyang niyakap nito at pilit na hinahalikan.
Nagpumiglas ang dalaga at iniiwas ang mukha kaya sa pisngi niya dumapo ang halik ni Rolly.
Noon bumukas ang pinto at sumungaw si Nathaniel. “Ano ang ibig sabihin nito? Am I interrupting something?” Marahas nitong tanong na pinaglipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa.
Hindi agad nakaapuhap ng sasabihin si Jasmin. Si Rolly ay nagkibit ng balikat at tumingin sa kanya. “Saka nalang tayo mag-usap uli, Jas.” Ipinahiwatig ng tono ng boses nito na may relasyon sila. Sandaling tumango ito kay Nathaniel bago lumabas nang tuluyan.
“Well, well... my supervisor and my receptionist.” t ila patalim na humiwa ang tono ni Nathaniel.
“Nagkakamali ka ng iniisip...” mahinang sagot niya.
“Really, Jasmin? Paano mo ipaliliwanag ang nakita ko?” Nakikita niya ang galit na pinipigil ng binata. Ang malisya sa mga mata nito.
“Hindi ko kailangang magpaliwanag!” pagalit niyang sagot. Isipin na nito kung ano ang gustong isipin at wala siyang pakialam. “You can get out, Mr. Cervantes! All right, this is your property but this is my home while I’m working here!”
Subalit hindi siya pinansin nito. “Kung ipagtulakan mo ako sa beach at iwasan nitong mga huling araw ay tila may sakit akong nakakahawa.” Marahas siyang niyakap ni Nathaniel, tila bakal ang mga braso nito sa katawan.
Napangiwi siya dahil sa higpit ng pagkakayakap nito.
“Ito ba ang gusto mo, ha?” Malupit ang mga l abing bumaba sa kanya. Halos sumusugat sa mga l abi niya.
Sinikap niyang manlaban subalit habang ginagawa iyon ay lalong humihigpit ang pagkakayakap nito at halos hindi na siya makahinga.
From one man to another! At iisa ang iniisip: masama siyang babae. At isiping kaya niya sinabing anak niya si Iris ay para matanim sa isip ng mga ito na hindi na siya available.
At nang inaakala niyang mauubusan na siya ng hininga ay saka bumitaw si Nathaniel.
“You’re a bitch!” bulong nito sa pagalit na paraan.
Napaupo siya sa sofa. “Iwanan mo na ako and you can keep your charming of me to yourself.” Pormal ang tono niya bagama’t bumaba-tumaas ang kanyang dibdb.
Tinitigan siya ng binata pero hindi siya nag-angat ng ulo.
“Ang dahilan kaya ako narito ay dahil gusto kang makausap ni l olo. Nasa villa siya, dumating kaninang bago mag-alas-singko.”
Napatingala ang dalaga, nasa mga mata pa ang galit, then confusion na sandaling nawala—and there was only anger.
“Hihintayin kita sa parking area in ten minutes,’’ sabi ni Nathaniel at mabilis na lumabas ng apartment.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Jasmin. Wala siyang balak sumama kay Nathaniel patungo sa tahanan nito ngunit wala siyang magawa dahil sa kaalamang naroroon na si Don Leon at gusto siyang makausap.
Pumasok siya sa banyo at naglinis ng katawan in record time. Nagsuot ng mahabang paldang h awaiian print na may ganoon ring blusa na hanging style. Sinuklay ang buhok patalikod at itinali ng goma. Maliban sa bahagyang lipstick ay wala na siyang inilagay sa mukha. Dinampot ang shoulder bag at lumabas.
Nakabukas ang passenger’s door ng pick-up at pumasok siya. Tinitigan siya ni Nathaniel.
“Minadali ba kita at hindi mo nakuhang mag-makeup?”
Umiling siya. “Kailangan ko bang mag-makeup sa pupuntahan natin?” Malamig pa sa yelo ang tinig niya.
“I like you better without it. You look like a baby.” Ini-start na nito ang ignition ng sasakyan.
Obviously, it was a compliment. Pero wala siyang balak na sagutin ito. She’s tired and weary sa nangyari kani-kanina lang. Sumandal siya at pumikit. Kung gaano katagal siya sa ganoong ayos ay hindi na niya alam.
Isang damping halik sa mga labi ang nagpagising sa kanya.
“Here we are, sleeping beauty,” bulong ni Nathaniel na ang paghinga’y humaplos sa mukha niya.
“H-have I slept?”
Ngiti ang isinagot ng binata. “Sabi nila, reckless akong driver. I almost believed them. Pero nang makatulog ka’y may palagay akong nagsisinungaling sila.”
“I’m sorry, I slept on you. Gaano tayo katagal nagbiyahe?” Hindi pamilyar ang tanawing nakikita niya sa paligid na naaaninag lamang sa bahagyang ilaw na galing sa balkonahe ng villa.
“Twenty-five minutes.” Lumabas ito, umikot sa bahagi niya, binuksan ang pinto at inalalayan siya palabas.
Si Jewel ang sumalubong sa kanila sa may portico. “Mabuti naman at nakarating ka rito. Noon ko pa sinabi kay Nathaniel na imbitahin kang mag-dinner dito sa amin.”
Hindi niya gagawin iyon , bulong ng isip niya. Tanging marangal na babae lamang ang nais ipanhik ni Nathaniel sa bahay nito.
“Hello, hija...” nakangiting bati ni Margarita. “Ako si Margarita, ang mama ni Nathaniel. At ito naman ang esposo ko, si Josef.” Nilingon nito ang asawa sa tabi na inabot ang kamay sa dalaga.
“Tamang-tama ang dating ninyo. Nakahanda na ang hapunan. Naroon na ang papa sa komedor,” ani Josef. “Halina kayo.”
Umalis sa pagkakaupo sa kabisera si Don Leon nang pumasok sila.
“Jasmin, hija...” bati nito.
“Magandang gabi po!”
Katabi niya si Jewel habang katapat naman si Nathaniel na pasulyap-sulyap sa kanila ni Don Leon. Maliban sa kaswal na usapan at tanong tungkol sa trabaho niya ay wala nang importanteng sinabi ang matanda. Napalagay ang loob niya sa mama at papa ni Nathaniel. Si Jewel ang malimit gumawa ng mapag-uusapan at malambing sa lolo.
Pagkatapos kumain ay naunang tumayo si Don Leon. “Sumama ka sa akin sa library, Jasmin. May pag-uusapan tayo.”
“`Lo, confidential ba iyan?” Si Jewel na kumapit sa braso ng don.
“Hindi, nieta , pero gusto kong makausap nang sarilinan si Jasmin.”
Inilapat ng Don ang pinto ng library at itinuro sa kanya ang sofa. “Maupo ka, hija. Make yourself comfortable.” Naupo rin ito at nagsindi ng tabako.
“M-may sasabihin kayo sa akin?”
Nagbuga ng usok ang don bago nagsalita. “It is about your sister, hija.”
Napatayo ang dalaga. “Si Iris! B-bakit ho? May nangyari ba sa kapatid ko?” nag-aalala niyang tanong.
“Calm down, Jasmin. Naayos ko na ang lahat.” Muli siyang sinenyasan na maupo. “Five days siyang naka-confine sa Makati Medical—”
“Five days! Bakit hindi itinawag ni Manang Denang sa akin? Ano ang—”
“I said calm down,” agap ng matanda sa awtorisadong tinig.
Bumalik sa pagkakaupo si Jasmin.
“Lumabas na siya kahapon. Sadya kong sinabi kay Denang na huwag ipaalam sa iyo upang hindi ka mag-alala. I have taken care of everything.”
Meaning, pati na ang hospital bills. Kung five days na naka-confine sa ospital si Iris, tiyak na hindi biro ang halagang nagastos sa kanyang kapatid. Kulang pa marahil ang dalawang buwang suweldo niya sa hotel.
“K-kumusta na ang kapatid ko?” pahikbi niyang tanong. Gusto niyang umuwi ngayon din para makita ito.
“Mabuti na siya, Jasmin. Ipanatag mo ang iyong loob. Pinagpasyahan kong huwag ipaalam sa iyo dahil tiniyak naman ng mga doktor na agad ang paggaling niya. May sinabi ang mga doktor na tumingin sa kanya tungkol sa puso ng kapatid mo. Alam mo ba iyon?”
Tumango siya.
“And that she also needs an operation kung hindi ay manganganib ang buhay ng kapatid mo?”
Muli siyang tumango.
“Naitanong ko ang halaga ng magagastos sa operasyon ni Iris, hija. And surely, para sa isang sanggol na tulad ng kapatid mo ay kailangan niya ng isang espesyalista?”
Muli na naman siyang tumango. Bakit ganoon na lamang ang interes ng matanda sa kanilang magkapatid?
“Sinabi rin sa akin ng mga doktor na mula ngayon hanggang sa panahong maaari na siyang operahan ay maaari siyang maglabas-masok sa ospital—”
Napatingin siya sa matanda “Bakit ninyo sinasabi sa akin ang mga ito? Alam ninyong alam kong lahat ang kondisyones ng kapatid ko,” nalilitong tanong niya.
Nag-alis muna ng bara sa lalamunan ang don bago muling nagsalita. “I have a proposition to make, hija, and I hope you will be wise enough to make a choice.” Tumingin ito ng deretso sa kanya. “Mula sa araw na ito ay sasagutin ko ang anumang hospitalization expenses ni Iris pati na ang magagastos sa operasyon sa kanya sa isang taon...”
“On what condition?” kinakabahang agap niya.
“That you marry my grandson, Nathaniel,” kalmanteng sagot nito na para bang ordinaryong bagay lamang ang sinabi.
Hindi makapaniwala sa narinig ang dalaga. “A-ano ho?”
“Pakakasal ka kay Nathaniel, Jasmin.”
Kalituhan ang gumuhit sa mukha niya. “P-pero… didn’t you warn me not to fall for him. Hindi ko maintindihan ito. B-bakit ako?”
“Kalimutan mo ang sinabi ko sa iyo noon. Ang sinasabi ko ngayon ang pagtutuunan mo ng pansin.” Sa mahinahong tinig nito ay muling nade-detect ni Jasmin ang katigasan ng desisyon.
“Pero bakit? Alam ba ito ni Nathaniel? Sa pagkakaalam ko, may current girlfriend ngayon ang apo ninyo.”
“Mga walang kuwentang babae!” Tumigas ang mukha nito. “That will be stopped once you are married. Walang alam si Nathaniel sa plano ko. Pero kakausapin ko siya pagkatapos nating mag-usap.”
“W-why me?”
Lumambot ang mukha ng don nang tumingin sa kanya. “You’ll make a good wife for my nieto , Jasmin.”
Umiling ang dalaga. “Naguguluhan ako. Hindi ko kayang pag-isipan ang iniaalok ninyo.”
Huminga nang malalim ang don. “I am only telling you these things, hija. But I am not giving you a choice.”
Napaangat siya ng mukha at tumingin dito.
“Huwag na nating ilahad ang mga disadvantage kung hindi mo tatanggapin ang alok. It would be a waste of time. But I’m telling you this, paano mo babayaran sa akin ang halagang ginastos ko sa ospital? Plus the daily medication ng kapatid mo na nabili ko nang lahat?”
“M-maaari kong ipagbili nang tuluyan ang bahay at lupa namin,” mabuway niyang sagot.
“Mahihirapan ka,” maikling sagot ng don na punumpuno ng kahulugan.
Nanlaki ang mga mata niya. Gagamitin ba ng matandang ito ang impluwensiya upang hindi niya magalaw ang bahay at lupa nila?
“This is blackmail!”
“An honorable one. What do you have against my grandson?”
Umiling siya. Kahit na sinong babae ay hindi magdadalawang-isip na maging asawa ni Nathaniel.
“Precisely, hija,” patuloy ng don na tila nahulaan ang iniisip niya. “If and when na gusto mong magpakasal sa ibang lalaki, natitiyak kong mahihirapan kang makatagpo ng isang tatanggapin pati ang responsibilidad mo sa iyong kapatid. Idagdag pa si Denang na natitiyak kong hindi mo basta-basta na lang maisasatabi.”
It was smoothly and shrewdly said. Kung makadarama siya ng panlulumo ay hindi niya matiyak.
“Ano na lang ang sasabihin ng apo n’yo?”
“Ako ang bahala kay Nathaniel, hija. Tulad mo ay hindi siya makatatanggi.”
Itatanong sana ng dalaga kung ano ang ibig nitong sabihin nang may sumagi sa isip niya.
“Ang pagkakaalam ni Nathaniel ay anak ko si Iris.”
Namilog ang mga mata ng don. “Sinabi mong anak mo si Iris?”
“Hindi ko maintindihan kung bakit ko nasabi at pinangangatawanan ko na.”
Isang malakas na tawa ang pinakawalan ng matanda. “I think I like this,” wika nito na yumuyugyog ang mga balikat sa pagtawa. “Hayaan mong iyon ang manatili sa isip ni Nathaniel, hija. Hayaan mong siya ang makatuklas ng totoo sa sandaling makasal kayo.”
Pinamulahan siya ng mukha sa gustong tukuyin ng matanda. “Duda akong papayag si Nathaniel na pakasalan ako. Ang tingin sa akin ng apo ninyo ay... masama akong babae.”
“It would be a pleasant surprise, Jasmin.”
“Hindi ko talaga `to naiintindihan, Don Leon...” naguguluhang wika niya. “Bakit ako ang napili ninyo? What do I have to offer your son?”
Ngumiti ang matanda. “Hindi mahirap mahalin si Nathaniel, hija, sa kabila ng notoriety ng apo ko. Nakita ko ang mga sulyapan ninyong dalawa kanina. Marahil ay pareho kayong hindi aware do’n. Magandang senyales `yon. At kung bakit ikaw ang napili ko? I believe in instinct, Jasmin, maliban pa sa mahusay akong tumingin ng karakter ng tao. Magiging maligaya kayo ng apo ko. Kung paanong naging maligaya sina Josef at Margarita.”
Ano pa ang sasabihin niya? Naiplano na yata ng matanda ang lahat. Tumayo ang don.
“Dito ka na magpalipas ng gabi, hija. Masyadong gabi na para umuwi ng resort. Maraming silid ang villa.”
Isang tango lamang ang isinagot niya. Sa sala ay naroon pa sina Jewel at Nathaniel.
“ Nieta , hija, samahan mo sa itaas si Jasmin. Ibigay mo sa kanya ang silid sa dulong kanan ng pasilyo,” utos ng matanda kay Jewel.
Sandaling sinulyapan ng dalaga si Nathaniel na nagtatanong ang mga mata pero hindi nagsalita. Hinawakan siya sa kamay ni Jewel.
“Halika, Jas, magkuwentuhan muna tayo bago ka matulog.”