N ANG sumunod na mga araw ay malimit na magkasabay sa pananghalian sina Jasmin at Rolly. Ayon dito ay umuuwi ng hacienda si Nathaniel kapag tanghali at kadalasa’y hindi na bumabalik dahil ang gawain naman sa hacienda ang inaasikaso.
“Ano’ng binabalak mong gawin sa day-off mo?” tanong ng binata. “Gusto mo bang samahan kita sa pamamasyal sa buong Paso de Blas?”
“Salamat, Rolly, pero hindi ko pa napag-iisipan ang gagawin ko sa Linggo. Ikaw, saan ka nakatira?”
“Sa bayan. Isa sa mga araw na ito ay gusto kitang anyayahan sa amin nang makilala mo naman ang mga magulang ko.” May kislap sa mga mata nito nang tumingin sa kanya.
“Hindi ka ba nag-iisip na pumunta sa Maynila para doon magtrabaho?”
Umiling si Rolly. “Alam mo bang sa bagay na `yan ay magkasundo kami ni Nathaniel? Parehong walang atraksiyon sa amin ang Maynila. At saka, maayos naman ang kinikita ko rito at sapat para bumuhay ng pamilya.” Huminto ito sa pagsubo at tinitigan siya. Pagkatapos ay ipinatong ang palad sa kamay niyang nasa mesa.
“Sana’y humantong sa higit pa sa magkaibigan ang pagtingin mo sa akin, Jasmin.”
Ngumiti siya. “Salamat, Rolly, pero malayo diyan ang iniisip ko. Isa pa, pagkatapos ng dalawang buwan ay babalik na uli ako sa Maynila.”
Gumuhit ang lungkot sa mukha ng binata. “Nasabi nga sa `kin ni Nathaniel. Maybe I could persuade you to stay, Jas,” makahulugang wika nito.
“Gustuhin ko man ay hindi maaari. May ibang dahilan kaya hindi ako maaaring magtagal dito, Rolly.” Kinuha niya ang baso ng tubig at uminom.
“May naghihintay sa iyo sa Maynila?” alanganing tanong nito.
“Mayroon at ang totoo nga niyan ay hindi ko siya gustong iwan. Kung maari nga lang ay isama ko siya rito.”
Nag-ulap ang mga mata ng binata. “May boyfriend ka na?”
Bahagya siyang natawa. “Hindi. Si Iris ang tinutukoy ko. Ang... anak ko. She’ll be one year old next month.” Hindi niya gustong magsinungaling sa lalaking ito na una niyang naging kaibigan pero kailangang pangatawanan niya ang nasabi nang kasinungalingan kay Nathaniel.
“May anak ka na?” Malinaw na malinaw ang pagkabigla sa mukha ni Rolly. “Pero `di ba at dalaga ka?”
Gusto niyang matawa sa biglang pag-asim ng mukha ni Rolly.
Si Nathaniel ay kinakitaan lang niya ng bahagyang kalituhan.
Pero si Rolly ay disgust ang nakikita niya sa mukha.
“Unusual pa ba ang gano’ng pangyayari ngayon, Rolly?” aniya na bahagyang ngumiti.
“Napakabata mo pa.” May panghihinayang sa tinig nito. “Maaga kang...” Hindi nito itinuloy ang sasabihin. Kung sa ibang pagkakataon ay baka nagalit si Jasmin sa gustong ipahiwatig nito, pero sa kasinungalingang sinabi niya, she deserved it.
“Nangangahulugan ba iyon, Rolly, na nabawasan na ang pagtingin mo sa akin bilang kaibigan?”
Eksaheradong umiling ang lalaki. “Aba, hindi! Uso naman ngayon `yan, `di ba? Pre-marital sex.” May malisya na sa mga mata nito nang titigan siya. Ang paggalang sa mga mata nito noong una ay nahalinhan ng paghahangad.
Lihim na napailing ang dalalga. Some men are judgemental. Ni hindi man lamang nito tinanong kung paano siyang nagkaanak.
Oh well, mabuti na rin iyon nang hindi maragdagan ang kasinungalingan niya.
“And I’m really wondering now, Jas, kung bakit tinanggap ka ni Don Leon. Mahigpit ang pamantayan ng matandang iyon sa moralidad ng mga empleyado niya. Ganoon din si Nathaniel.” Halatang may malisyang hinala ang nabuo sa isipan nito.
“Really?” sarkastikong tanong niya. “But what about his reputation with women?”
“Ang mga babaeng tinutukoy mo ay hindi ang uri ng babaeng pahihintulutan ni Don Leon na ipanhik ng apo niya sa Villa Kristine. Kung saka-sakaling mag-aasawa si Nathaniel, natitiyak kong sa isang marangal na babae.”
Tumaas ang isang kilay ng dalaga. “May dalawang uri ng pamantayan kung ganoon, ha? He doesn’t mind involving himself with some women as long as these kind do not become his wife,” paismid niyang sinabi.
“Tama lang na ang babaeng bibigyan mo ng iyong pangalan ay malinis, `di ba?” ani Rolly.
Bahagya lamang siyang tumango pero mas gusto niyang mapailing. The male chauvinist!
KINABUKASAN ay muling dumating si Jewel. Ito ang ikatlong pagkakataong nagpunta ang dalagita sa hotel mula nang unang araw na magkita siya.
“Hi! Nag-iisa ka yata ngayon,” salubong niya.
“Yap.” Ikinawit nito ang braso sa kanya. “Halika sa bar. Mag-usap tayo doon.” Inakay siya nito at naupo sa stool. “Castro, bigyan mo kami ng paborito kong punch,” utos nito sa bartender na agad sumunod.
“Ano ang masasabi mo kay Bernard?” agad na tanong ng dalaga.
Napataas ang isang kilay niya. “Twice ko pa lang siyang nakatagpo kaya hindi ko kayang sagutin `yan.”
“Kahit na! Kahit papaano ay may mabubuo ka ng opinyon para sa tao,” tila batang pilit nito.
“Guwapo at tahimik.”
Huminga nang malalim si Jewel. “Sobrang tahimik na hindi ko na nga maintindihan,” pagkatapos ay nagkibit ng balikat. Inabot nito ang punch at bahagyang uminom. “Kalimutan natin si Bernard. Si Nathaniel ang pag-usapan natin. Ano ang masasabi mo sa pinsan ko?”
Muntik nang masamid sa punch si Jasmin, lalo at matapang ang pagkakatimpla ng gin. “Ano ang masasabi ko, de wala.”
“Don’t you find him attractive?”
“Maybe. Pero hindi ko siya type,” sinabayan niya ng kibit ng mga balikat. Nagsisinungaling na naman ba siya?
Isang malakas na tawa ang pinakawalan ng dalaga. “Hindi type? Si Nathaniel? You must be kidding, Jas. Ikaw pa lang ang babaeng nagsabing hindi type ang pinsan ko.”
Nagkibit siya ng balikat. Hindi niya gustong makipag-usap sa ibang tao tungkol kay Nathaniel.
“Alam mo bang mayroon akong dalawang paboritong lalaki? Ang isa, ang brother-in-law ko, si Marco. You should meet him, he’s older than Nathaniel. Nasa Maynila sila ngayon ng sister ko, si Emerald.”
“At ang ikalawa ay si Bernard,” dugtong niya.
Umiling si Jewel. “Let’s leave Bernard out of this. He’s something special. Ang pangalawang ibig kong tukuyin ay si Nathaniel. He might be very overbearing but really, I like him. So, you see, my most favorite men in the world ay ang pinsan at ang bayaw ko.”
Natawa si Jasmin. “Hindi patas ang laban.”
“Maybe, and a lot of people would agree with me. At ikaw lang ang kakaiba ang opinyon. Imagine, hindi mo type si Nat. Talaga ba?” Hindi makapaniwalang ulit ng dalaga.
“Ano’ng ibig sabihin ng hindi ako type, Jewel?” Si Nathaniel na hindi nila namalayan ang paglapit mula sa likod.
Muntik nang matapon ang laman ng baso ng inumin ni Jasmin.
“It is very refreshing to know, Nat, na may isang babaeng hindi ka type, our friend, Jasmin,” nakangiting wika ng dalaga.
“She doesn’t have to. Empleyada siya rito and as such must behave and act like one. Halimbawa, bakit ka narito sa bar, Miss Cuevo? Umiinom during duty hour? Is this on the house?” sunod-sunod na pagsita ni Nathaniel.
“Don’t be a spoilsport, Nat. Punch lang `yan at ako naman ang nagyaya kay Jasmin dito na samahan akong uminom.”
“Knowing your punch, Jewel, mas gusto kong isiping nakalalasing `yan. Oras ito ng trabaho. Hindi dapat uminom si Miss Cuevo na tila guest ng hotel.”
“Tama si Mr. Cervantes, Jewel. Oras ng trabaho ko ngayon at hindi naman ako guest. I guess, I have to pay my drinks.” Binalingan niya si Castro. “Magkano ang punch na ito, Castro?”
“Itago mo ang pera mo, Miss Cuevo. Marami ako niyan. Hindi nga ba at pera ko ang ipinasusuweldo sa iyo?” panunudyo ni Nathaniel.
“But I am just an employee, Mr. Cervantes. Kung hindi ko babayaran ang nainom ko ay baka pagmulan ng hindi magandang usapan ng ibang empleyado, `di ba?” Naghahamon ang tinig niya.
“For goodness sake, Jas, hindi ko binabayaran ang iniinom at kinakain ko rito. Treat ko `yan. Huwag mong intindihin si Nathaniel,” pamamagitan ni Jewel.
“All right, Miss Cuevo, bayaran mo ang punch na iyan.” Nagbigay ng halaga si Nathaniel na ikinalaki ng mga mata ni Jewel dahil presyong pang-guest talaga ang sinabi ni Nathaniel, na lubhang mahal.
Hindi natigatig si Jasmin. Kalmante siyang bumaba sa stool at lumakad patungo sa reception desk kung saan naroon ang bag niya. Mula roon ay kumuha ng pera at bumalik sa bar.
“Here, Mr. Cervantes.” Inilapag niya ang pera sa tapat ni Nathaniel. “Isinama ko na rin diyan ang halaga ng milk and sandwich na dinala ni Nancy days ago.” Deretsong tinitigan niya ang binata na bigla ang pagtatagis ng mga bagang sa kanyang ginawa.
“Excuse me, Sir, babalik na ako sa lobby.” Alam niyang nakalusot siya kay Nathaniel sa pagkakataong ito dahil naroon si Jewel.
Pagalit na pumasok ng opisina si Nathaniel, kasunod si Jewel.
“Napikon ka dahil sinabi niyang hindi ka niya type?”
“Come off it, Jewel! Who cares kung type ako ng babaeng `yon o hindi?” Pagalit itong naupo sa swivel chair. “You saw how she mocked me!”
Naupo sa gilid ng mesa ang dalaga. “She’s a challenge, isn’t she, Nat? Ngayon ka lang nakatagpo ng babaeng sa halip na hugis-puso ang itim na mga mata ay hostility ang naroon,” tukso ni Jewel.
“ She challenges me much more, Jewel, at mawawalan siya ng trabaho nang wala sa oras.” Umilin g-iling ang binata. “She probably thought na dahil rekomendado siya ng l olo, she’s already untouchable.”
“She doesn’t look like it. Imahinasyon mo lang `yon dahil tumatayo siya sa iyo. I really hope, dear cousin, that you’ve finally met your match. I like her kung kay Rowan din lang na tila tuko kung makakapit sa iyo.”
“You know what, young lady, isa sa mga araw na ito ay padadapain kita!”
Jewel laughed and blew a kiss at pagkatapos ay lumabas ng silid.
MAAGANG gumising si Jasmin kinalingguhan. Plano niyang baybayin ang puting buhangin.
Mabilis siyang naligo at nagbihis. Blue jeans and white T-shirt and rubber shoes. Pagkatapos ay kinuha sa maleta ang malaking drawing pad at colored pencils.
Pinili niya ang daan sa likuran ng resort kung saan walang gaanong tao. Bagaman karamihan sa mga guest ay uuwi ngayong araw na ito ay marami pa rin siyang nakikita sa baybayin. Ang iba ay nagwi-wind surfing.
Mahigit limang minuto na siyang naglalakad at wala na siyang matanaw na mga tao. Malayo na ang kinaroroonan niya mula sa resort bagaman tanaw niya ang hotel.
Paikot ang bahaging iyon ng dagat na puro nagtatayugang niyog at malalaking puno at masukal na gubat ang nasa paligid.
Naupo siya sa buhangin at nagsimulang mag- sketch. Lahat ng mga baguhang art student ay nagsisimulang gumuhit ng panoramic view. Sana ay magkaroon siya ng tsansang kumuha ng f ine a rts. Napailing siya. Kung ang f oreign Languages nga niya ay dalawang semester pa ang kulang.
May ilang minuto na siya sa pagguhit nang mula sa opposite side ng baybayin ay gulantangin siya ng mga yabag ng kabayo. Nag-angat siya ng ulo.
Si Nathaniel!
Sunod-sunod ang pagtahip ng dibdib niya. Kung hindi man niya naiintindihan noon ang kahulugan ng salitang ‘Poetry in motion’ ay alam na niya ngayon.
Nasa ibabaw ng malaki at magilas na kabayo ang binata. The graceful and fluid joining of man and beast na ang pinaka-backdrop ay ang kalikasan almost took her breath away!
Ilang dipa mula sa kinauupuan niya ay huminto ang kabayo. Pagkatapos ay bumaba ang binata. Tulad ng dati, ilang butones ng polo nito ang nakabukas na nagpapaaninag sa matipunong dibdib nito. Mamasa-masa ang mahabang buhok na marahil ay galing sa shower.
“Hindi ka dapat lumayo. Hindi mo kabisado ang lugar na ito.”
“Mapanganib ba ang nasasakupan ng lupain ninyo, Mr. Cervantes?” May bahagyang panunuya ang tinig niya.
Why can’t this man leave her alone?
Marahang humakbang papalapit si Nathaniel habang nagsasalita. “Depende kung aling panganib ang gusto mong tukuyin. Kung sa mga hayop ay hindi. Hindi ka naman naliligo kaya hindi ka nanganganib malunod. Pero may mga taong masahol pa sa hayop kung umasal, Jasmin.” Sa kauna-unahang pagkakataon ay sinambit nito ang pangalan niya.
But you’re more dangerous than any man and beast combine, Nathaniel! bulong ng isip niya. The man is dangerously attractive.
“And your joining me here means I’m safe?” Naroon pa rin ang sarcasm sa tinig niya.
Nagsalubong ang mga kilay ng binata. “Gusto lang kitang balaan. Isa ka sa mga empleyado at baguhan sa lugar na ito.” Sinulyapan nito ang ginagawa niya. “You have so many talents, Jasmin.”
Huminga siya nang malalim at itiniklop ang drawing pad. “I don’t want to be rude, Mr. Cervantes, pero babantayan mo ba ako rito?”
Tumaas ang sulok ng mga labi ng binata. “You were always rude, Jasmin,” deretsong sinabi nito. “And oftentimes, sinasadya mong maging bastos. Maganda ang motibo ko nang padalhan kita ng pagkain no’ng unang gabi ng trabaho mo. Ilang beses ko nang pinag-isipang tanggalin ka sa trabaho. Kaya lang, binibigyan ko ng timbang na dalawang buwan ka lang naman dito. But if you try to push me to my limit ay baka hindi mo matapos ang dalawang buwang iyan. Tulad ngayon, laging may sarcasm ang tono mo.”
Nagyuko siya ng ulo. “I’m sorry...”
“May kabuluhan pa ba ang salitang `yan sa iyo? Kay-daling lumalabas sa bibig mo ang salitang iyan. Sa loob ng linggong ito ay ilang beses mong ginamit sa akin `yan?”
Muli siyang tumingala rito. “All right, will you forgive me then?”
Naupo sa tabi niya si Nathaniel. Malapit na malapit. Gusto niyang umusog kung hindi lang siya magmumukhang gaga.
“I’ll forgive you. But only after this...” Napasinghap siya nang itaas ng binata ang isang kamay nito at ihawak sa batok niya.
Nang akma niyang alisin ito ay hinawakan naman ng binata ng isang kamay nito ang braso niya’t mahigpit siyang kinabig. Pagkatapos ay siniil siya ng halik.
Matitinag niya marahil ang China Wall pero hindi ang dibdib ng lalaki.
His lips parting hers. And she could not even struggle dahil tila bakal ang mga braso nito sa kanya. Napakahigpit ng pagkakayakap nito na sa tantiya niya, kung magtatagal pa ay baka mamuo na ang dugo niya sa katawan at hindi makadaloy.
Pagkatapos ay binitiwan siya nito. “Now, you’re forgiven,” he whispered in a ragged breathing.
Hinabol niya ang paghinga. Pagkatapos ay nanlilisik ang mga matang tumingin dito. “Hindi kita maintindihan! You change roles to suit your very moods. Sa nakalipas na mga araw, you were the most formidable employer. Kanina, you approached me as a man, then like a flash of lightning, para kang... para kang...”
“ A lover?” dugtong ni Nathaniel sa naaaliw na tinig. Tumayo ito at pinagpag ang buhangin sa pa ntalon. Inabot ang kamay sa kanya. “Halika, maglakad-lakad tayo sa tabing-dagat.”
“Who’s talking now?” Inabot niya ang kamay nito at nagpahila patayo. Siya man ay nagpagpag ng buhangin mula sa pantalon. “Ikaw, bilang boss ko o you’re inviting me as a man?”
“Depende sa `yo. Kung nagmamatigas ka and again be rude, uutusan kita bilang employer mo. Pero kung magiging maamo ka at masunurin, I’m asking you as a friend.” Ngumiti si Nathaniel.
Pinigil ng dalaga ang mapasinghap. If the man was attractive when he was hostile ay lalong higit kapag nakangiti.
How could any woman resist this man?
Muling ginagap ni Nathaniel ang palad niya. Pinisil at dinala sa mga labi nito at hinagkan. Marahas niyang binawi ang kanyang kamay.
“Don’t flirt with me, Mr. Cervantes. I’m not one of your women.”
“Nathaniel ang pangalan ko, Jasmin. At ano ang ibig sabihin ng sinabi mong `yon?” amused nitong tanong habang marahan silang naglalakad.
“I know your reputation when it comes to women, Mr. Cervantes—” Bahagya siyang napatalon at di-sinasadyang napahawak sa braso ng binata nang abutin ng munting alon ang mga paa niya na bahagyang bumasa sa kanyang pantalon.
“Really?” Tumaas ang mga kilay nito. Sinuklay ng mga daliri ang mahabang buhok patalikod. Hindi mapigilan ang mapangiti. “At hindi mo ako type, ganoon ba?”
“W-well... y-yes.” Eh, bakit siya nauutal?
“You are very young pero may anak na. How did it happen?”
“Wala kang pakialam sa personal kong buhay!” angil niya.
“Now, you’re rude again. Nakikipag-usap lang ako. Pagdating sa iyo, my grandfather broke all rules and regulations ng kompanya. Partikular siya sa moralidad ng mga emleyado ng Kristine companies.”
“Which is very ironic dahil ang mismong sariling apo ay—”
“Ay ano?” Napahinto sa paglalakad si Nathaniel at hinarap siya. “Hindi ko alam kung ano ang gusto mong ipahiwatig sa sinasabi mo. You’ve been listening to rumors. Ganoon pa man, tinitiyak ko sa iyong hindi ako katulad ng ama ng anak mo. Hindi ako tumatalikod sa responsibilidad!”
“Wala kang karapatang magsalita nang ganyan sa... sa ama... ni Iris!” pagalit niyang sinabi sa pagtatanggol sa kanyang papa. “Hindi siya tulad mo, tama ka. Dahil marangal siyang tao!”
“Bakit ka niya iniwan kung gano’n? Bakit pinabayaan niyang balikatin mong mag-isa ang pagbuhay sa anak ninyo? At bakit pinatulan ka niya gayong hindi ka pa halos humihiwalay sa kabataan mo?” Nagtatagis ang mga bagang nito.
Marahang tumango ang dalaga. May namuong luha sa mga mata niya. “Yes, iniwan niya ako... kami ni Iris and I missed him so much.” Gumaralgal ang tinig niya. “Pero hindi niya ako iniwan tulad ng iniisip mo. He... died.” Hindi niya mapigil ang mahinang paghikbi. Sariwa pa ang alaala ng pagkamatay ni Dante. Hindi pa man siya halos nakaka-recover sa pagkawala ni Alicia.
Hindi nakakilos sa kinatatayuan si Nathaniel. Hindi makaapuhap ng sasabihin. Inabot nito ang dalaga at kinabig sa dibdib. Subalit umiwas si Jasmin. Hindi niya kailangan ang simpatya ng lalaking ito.
“Just leave me alone, Mr. Cervantes! Just leave me alone!” At mabilis siyang tumalikod pabalik sa pinag-iwanan ng mga gamit.
Nanatiling nakatayo si Nathaniel habang hatid siya ng tanaw.