K INABUKASAN ay ipinasundo ni Nathaniel si Iris at Manang Denang sa pamamagitan ng helicopter ng Kristine Corporation. Hindi agad makausap nang sarilinan ni Jasmin si Manang Denang dahil pinagkaguluhan sa ibaba si Iris. Nang inaakala ng mga tao na napapagod na ang bata ay saka pa lamang pinayagang pumanhik.
“Pero, Jasmin, bakit ka nagsinungaling? Malalaman din naman ni Nathaniel sa sandaling kayo’y maikasal.”
Gusto niyang sabihin sa matanda na hindi naman kasama sa usapan ang pagtatalik. Pero hindi niya gustong marami pang itatanong ang matanda. Hindi na niya gustong magdagdag ng suliranin.
“Ako na ang bahala pagdating sa oras na `yon, Manang Denang.”
“Ewan ko basa iyo’ng bata ka, kung bakit hindi ka nagsabi ng totoo. Tatanggapin din naman ng pamilya ni Nathaniel si Iris sa nakita kong pagtanggap nila kanina.” Umiling ito at sinimulang ayusin ang mga gamit nila.
Dumapa sa kama si Jasmin at nilaro-laro ang kapatid na tumatawa.
“Jas...” pabulol na bigkas ng mag-iisang taong gulang na bata.
“Yes, darling, it’s Jas.” Masuyo niyang dinampian ng halik sa noo si Iris. “Alam mo bang kamukhang-kamukha kita?”
“Yes. You looked alike,” ani Nathaniel na nakatayo sa may hamba ng pinto. Kanina pa ba ito roon? “At hindi ko mapagdesisyunan kung sino ang mas maganda without making the other less pretty. And both of you have pretty names, one from Persia and one from Greece.” Lumakad ito patungo sa kama. Mataktikang lumabas si Denang na isinara ang pinto.
Wala sa loob na napahiga ang dalaga sa tabi ni Iris nang maupo sa gilid ng kama si Nathaniel.
“Gusto kitang patawarin sa kasalanan mong hindi ka na dalaga sa pagpapakasal sa akin kung dahil din lang kay Iris. She’s adorable at tuwang-tuwa ang m ama sa kanya. I have never seen my mother so very happy nang kargahin niya si Iris kanina. At hindi nagpatalo a ng papa.” Nakangiting umiling si Nathaniel. “Would you believe, even the formidable Leon Fortalejo! Ginulo ng munting batang `yan ang bahay na ito. Wait till Jewel sees her.”
Gustong magbara ng lalamunan ni Jasmin. Walang salitang lumabas sa mga labi niya. Hindi niya kayang ipaliwanag ang emosyong nakikita sa mukha ng binata.
Nang tumingin ito kay Iris ay ngumiti ang bata. Lumambot ang mukha ni Nathaniel at gumanti ng ngiti, hinahawakan ang kamay ng bata.
“I really deserved that smile, Iris. Hindi ko natatandaang nginitian ako nang ganyan ng mother mo mula nang dumating siya rito sa Paso de Blas.” Nilingon siya ni Nathaniel at hindi niya napigil ang pagyuko ng ulo.
Pabalandrang bumukas ang pintong isinara ni Manang Denang nang pagpasok si Jewel. “Ang sabi nila ay dumating na ang baby mo, Jas. Oh my...!” Mabilis na naupo ito sa kama at tinitigan ang bata. Si Iris na sa tantiya ay maraming gustong mag-pamper ay humahagikgik ng tawa. Tuwang-tuwa si Jewel.
“Alam niyang may audience siya,” amuse na sabi ni Nathaniel. “At least, this particular member of my family knows how to appreciate when she’s being adored,” makahulugang sinabi nito. ‘Member of my family ang sinabi ng binata. Tinanggap nito si Iris sa unang araw pa lamang?
“Jas, kakargahin ko, ha?” hinging-pahintulot ni Jewel. “Ang sabi ni Tiya Margarita ay ibaba ko sa garden kung hindi tulog.” Hindi pa man siya nakatatango ay dinampot na ang bata at dinala sa labas.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Jasmin at tumitig sa kisame.
“Ano ang ibig sabihin ng buntong-hininga mo?” Nathaniel softly asked.
Bumaling ang mga mata niya sa mukha ng binata. Gusto na niyang sabihin na hindi niya anak si Iris. Pero paano niyang uumpisahan?
“Maraming salamat, Nathaniel. Ganoon din sa pamilya mo sa pagtanggap ninyo kay Iris—.”
“I want to kiss you, Jasmin.”
Namilog ang mga mata niya. “Nathaniel...?”
“If you want to show your gratitude, make it a kiss. You are so irresistible lying there and I can’t help myself.” Bago pa siya makakilos ay ikinulong na siya sa mga bisig nito’t siniil ng halik. Bumaon ang katawan niya sa malambot na kama dahil sa pagkakayakap na iyon ng binata.
He was kissing her for ages bago ito huminto subalit hindi inilayo ang mga labi sa mukha niya. His hand cupping the back of her head na tila siya makakawala. His tongue tasting the contour of her slightly parted lips.
“Are you going to deny me these, Jasmin, after we’re married?” pabulong na tanong ni Nathaniel.
Hindi niya alam kung ano ang isasagot. She’s melting under his touch and kisses na tila cotton candy sa ulanan. Alam ba ng lalaking ito kung ano ang epekto nito sa kanya?
Isang tikhim ang parehong nagpalingon sa kanila sa pinto. Si Don Leon. His eyes glinting with pleasure sa dinatnang eksena.
“Next time, close the door, mga apo. I’m sorry to interrupt pero kailangang makausap kita, Nathaniel, para sa gaganaping kasal ninyo.” At muling tumalikod, kinabig nang marahan pasara ang pinto.
Pinamulahan ng mukha si Jasmin. Si Nathaniel ay hindi inalis ang pagkakayakap sa kanya. His eyes still filled with desire.
“Alam mo ba kung gaanong control ang ginagawa ko sa sarili ko ngayon, Jas?” wika nito sa tinig na puno ng passion. His breath fanning her face.
“I’m glad you can control your lust, Nathaniel.” Hindi niya gustong bahiran ng panunuya ang tinig pero iyon ang lumabas sa kanyang bibig. “Pakawalan mo ako at kausapin mo na si Don Leon.”
From desire to anger, then confussion, and was it... pain? Pero sandali lamang iyon. Muling bumalik sa anger ang hali-haliling nakita ni Jasmin sa mga mata ng binata.
“Hindi ko alam kung ano ang itatawag at iisipin ko sa iyo, Jasmin. Sa mga pagkakataong hinahalikan kita ay hindi ka gumaganti. Hindi dahil you wanted to remain passive and unresponsive. I can feel you shiver under me. I can feel the fire I kindled in you. It’s more on inexperience pero imposible `yon. Didn’t your lover teach you the acts of love? Or did he just took your innocence without so much consideration and lead you into motherhood?”
Naningkit ang mga mata niya sa galit. “With your broad experience when it comes to your so-called acts of love, Mr. Cervantes, hindi ako nagtataka kung sa tuwing hahawakan at hahalikan mo ako ay nasa ilalim ako ng pagsusuri. Do you have methods, s enior, everytime you have sex with your women? And do you rate them afterwards?” Mabilis siyang tumayo. “Saan ako naka-categorize? Inexperience? Sabi mo, imposible. Wanton? Definitely not.”
“Marahil ay isa kang mahusay na artista, Jasmin. And this is one of your acts. To intrigue me. To make me desire you more. Pero tinitiyak ko sa iyo na ilalabas mo ang apoy na itinatago mo sa iyong katawan. At hindi na magtatagal iyon!” pagalit nitong sinabi bago siya iniwan at lumabas.
Bakit ba hindi na lamang siya maging submissive? Bakit kailangang hinahamon niya ang pasensiya ni Nathaniel? He was gentle and loving pero ginalit niya. At kapag ginalit niya ito ay insulto ang lumalabas sa bibig nito.
Hindi pa ba sapat na pinahihirapan niya ito sa pag-iisip na hindi na siya dalaga? Sa isang tulad ni Nathaniel ay isang kaparusahan iyon lalo at malaki ang pagpapahalaga nito sa kalinisan ng inakyat na maybahay sa villa.
Bagaman mahigit isang linggo lamang ang preparasyon sa kasalan ay nagawang makapagsuot ng trahe de boda si Jasmin. Ang nagagawa nga naman ng salapi.
Sa hardin ng villa ang kasal. Isang araw bago ang kasal ay dumating si Marco at Emerald galing ng Maynila kasama ang ina ng magkapatid na si Anna.
Nakilala niya ang mama ni Marco na si Julia. Si Judge Adriano na sa ikalawang pagkakataon ay tumayong sponsor.
Ang una ay noong ikasal sina Marco at Emerald. Tulad din ng kasal ng mga ito, si Bernard ang best man at si Jewel ang maid of honor.
“You are very lovely!” ani Margarita na tinulungan siya sa pag-aayos. Isang ngiti ang isinagot niya sa mama ni Nathaniel. “Sana’y maging maligaya kayo ni Nathaniel ano man ang dahilan ng madaling pagpapakasal na ito.”
Malungkot na tinitigan niya ang babae. “Hindi kaila sa inyo ang dahilan kung bakit kami pakakasal ni Nathaniel?”
Tumango si Margarita. “Ang kaligayahan ay nasa tumitingin at nagdadala. We cannot have the best of both worlds, hija. Kung aabutin natin ang isang bagay na mahirap abutin, then that would make us lonely and discontented.”
“Forgive me for asking but were you happy knowing na si Don Leon ang pumili ng mapapangasawa ninyo, ngayon nama’y kay Nathaniel?”
“In some ways, yes. Kung maghahanap ako ng iba pang paraan ng kaligayahan, then that would be unfair para kay Josef. Hindi marahil kami ang showy type like some of you young people pero we love each other sa aming sari-sariling paraan.”
Huminga siya nang malalim. Nakuha niya ang mensahe. Count the blessings. Ang mairaos niya ang financial na suliranin ni Iris ay sapat-sapat na. Ang pakasalan siya ni Nathaniel at tanggapin ng pamilya nito ang kanyang kapatid ay sobra-sobrang bonus. Ano pa ba dapat ang hihilingin niya? That would be selfishness. You cannot have your cake and eat it, too.
“Mas higit ang pagiging Fortalejo ni Nathaniel, Jasmin, kaysa sa pagiging Cervantes. Kung kayang timbangin at hatiin ang dugong nasa mga ugat ng anak ko ay nubenta por siyento siyang Fortalejo sa lahat ng bagay. The Fortalejo men are wild, stubborn, and sometimes savage. I wonder why women find those traits attractive.” Ngumiti ito. “Along the way, they leave a trail of broken hearts. But once they tied the knots, they are also well known for being faithful husbands. You have tied the wildest of the Fortalejos, darling, and that is my son. But please, do not try to change and tame him. Mabibigo ka lang. Some women are foolish enough to mold their men into their own ideals and fantasies. Huwag mong gawin kay Nathaniel iyon, hija.”
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Jasmin. Ni hindi niya susubukang gawin iyon.
“Hello there!” Si Emerald na may bitbit na malaking regalo. “What a beautiful day for a beautiful bride!”
“Hihintayin ko kayo sa labas, Jasmin, Emerald,” ani Margarita bago tumalikod.
Isang halik ang ibinigay ni Emerald kay Jasmin. “I’m so happy for you, Jasmin. But what made you lie para sabihin kay Nathaniel na anak mo si Iris?”
Nagulat siya. “Alam mo? Sinabi ni Don Leon sa iyo?”
Umiling si Emerald. “Naroon kaming mag-asawa sa conference room nang una kang kausapin ni l olo. I really opposed his manipulations, Jasmin, pero siguro sa mga sandaling ito ay kilala mo na ang l olo.”
“Sino pa ang nakakaalam?”
“Just Marco and I. I’m sorry, Jas, but if it’s any consolation ay mabuting tao ang pinsan ko. Sometimes, annoyingly protective. More or less, tulad siya ng asawa ko except that Marco is tamer and mellower. Siguro, dahil bata si Nathaniel. He’s spoiled and carefree.”
Bumuntong-hininga siya. Sina Margarita at Emerald ay may parehong description para sa binata. Pero iisa ang napansin niya, hindi maikakaila ang adoration sa tinig ng mga ito kay Nathaniel.
“Ano ang sinabi ni Nathaniel nang malamang anak mo si Iris sa ibang lalaki? Was he insulting?” patuloy ni Emerald.
“Was he insulting?” gagad niya. “It was like asking if the grass is green, or if the blood is red and if the sky is blue.”
Isang marahang tawa ng simpatiya ang pinakawalan ni Emerald. “How stupid of me to ask knowing my cousin. He is a bit old fashioned, Jasmin. Kahit ang l olo. Mahalaga ang virginity sa kanila lalo na sa lady ng villa na ito. Well, I guess most men are.”
“Ganoon din ba si Marco?”
Sandaling lumarawan sa isip ni Emerald ang nakaraan. “I don’t know. Hindi n’ya binigyang-diin ang bagay na `yon. He had his own ways. Within one week, he kidnapped me, literally, ha? Took me to bed and proposed. In that order.” Natatawa ito sa alaala. “And he said he was in love with me the first time we met.”
“My! At sinabi mong mas wild si Nathaniel?” Nahalinhan ng tawa ang inis niya.
“Yeah! These men are savages in more ways than one. But I guess, I fell in love with my husband, also the first time I saw him. Isa sa mga araw na ito ay ikukuwento ko kung paano kami nagkatagpo.”
“At least, pareho ninyong mahal ang isa’t isa,” malungkot niya sinabi.
“We didn’t realize it first. At minsan, ang tunay na damdamin ay natatakpan ng pride at pagpipilit na makasakit sa isa’t isa dahil gustong makaganti. Naalala mo ba ang linya ng isang kanta? ‘ Yes, I hurt you but did you have to hurt me, too?’ Ganoon karaniwan ang nangyayari. Kahapon ay napuna namin ni Marco ang lihim ninyong sulyapan sa isa’t isa ni Nathaniel `pag hindi nakatingin ang bawat isa. It is a good start. If you don’t hate my cousin, then you must love him.”
“Nathaniel is attractive, Emerald. The rough and careless way with his long wind-tossed hair. Puwede mo ngang ilagay sa dibdib niya ang karatulang ‘rebelde.’ And I am attracted to him. Pero iba ang atraksiyon sa pag-ibig, Emerald. I can be very attracted to Antonio Banderas but definitely hindi ko siya iniibig.”
Makahulugang ngumiti si Emerald. “Love is a very strange emotion, darling. Bahala kayo ni Nathaniel na hanapin `yon sa isa’t isa kung wala pa man.”
Mula sa pinto ay sumungaw si Marco. “Hey ladies, hindi pa ba tapos ang briefing? Naghihintay na si Leon.”
Nginitian siya ni Marco at gumanti siya ng ngiti.
Ito ba ang lalaking kumidnap kay Emerald? Napailing siya. Sa loob ng ilang sandali mula ngayon ay magiging miyembro siya ng pamilyang kinabibilangan ng mga arogante at diktador na mga lalaki.
Mga lalaking nakatitiyak sa kanilang mga sarili.
Mga lalaking ang nasa isip ay sila ang pinakamagandang regalo ng Diyos sa mga babae.
Sumpa ba iyon o pagpapala?
Iniwan siya ng mag-asawa sa ibaba kasama ni Don Leon. Inabutan niya ang don na nakatingin sa malaking life-size portrait ni Kristine Esmeralda. Nilingon siya nito at may dinukot sa bulsa.
“Tanggapin mo ito, hija, bilang regalo ko sa kasal ninyo.”
Nanlaki ang mga mata ni Jasmin. Isang choker na yari sa gold at may mga emerald sa harap.
Hindi makaapuhap ng sasabihin ang dalaga. Inalis ng don ang lock at inilagay sa leeg niya.
“Pag-aari ito ng aking si Esmeralda. Isinuot niya ito noong araw na kami ay ikasal.”
“H-hindi ninyo `to ibinigay kay Emerald noong siya ang ikasal?”
“Si Nathaniel ang magmamana ng Hacienda Kristine, hija. At siya rin ang may karapatan nito bilang panganay na apong lalaki. You will grace this house bilang asawa niya. Natitiyak kong hindi mananaghili si Emerald. Nasa kanya ang lahat ng yaman sa mundo sa katauhan ni Marco,” nakangiting paniniyak nito.
“Labis na po ito. Ang pagpapahintulot ninyo na makasama ko si Iris dito ay sapat nang kabayaran.”
Nagsalubong ang mga kilay ng don. “Regalo ito, Jasmin, hindi bayad. Walang katumbas na halaga ang choker na ito ng aking esposa.”
“I’m sorry, hindi iyon ang ibig kong sabihin. Maraming salamat sa inyo, Don Leon.” Apologetic ang tinig niya.
“Lolo na ang itatawag mo sa `kin ngayon, hija. At huwag mong alalahanin ang kapatid mo. She brought happiness and sunshine in this house.” May affection ang tono nito sa pagtukoy kay Iris.
Gumuhit ang ngiti sa mga labi niya. Kung hindi siya mag-iingat ay lalaking spoiled ang kapatid niya.
“Tayo na sa labas, hija, oras na.” Sinulyapan nito ang grandfather’s clock sa sulok ng sala. “At gusto kong pasalamatan ang pagkakataong ito na tayuan ang paghahatid sa iyo bilang kahalili ni Dante.”
Bahagyang kumirot ang dibidib niya sa pagkakabanggit sa pangalan ng ama. Namuo ang mga luha sa kanyang mga mata subalit sinikap niyang pigilin.