noveltoon logo noveltoon
Ang Sisiw At Ang Agila (Kristine Series 2)

Chapter 6

Ch. 6 / 9 Nov 28, 2025

P INAHIRAM siya ni Jewel ng pantulog at ilang minuto rin silang nagkuwentuhan bago siya iniwan nito.

Hindi pa natatagalang umalis si Jewel nang marinig niya ang dalawang malalakas na tinig sa ibaba, tila nagtatalo. Agad ang pagbangon ng kaba sa dibdib niya. Hindi maliwanag sa kanya ang sinasabi subalit alam niyang sumisigaw si Nathaniel. Pagkatapos niyon ay ang biglang pagbalya ng pinto.

Dumapa sa unan si Jasmin. Kinausap na ba ni Don Leon ang binata at nagalit ito? Gustuhin man niyang matulog ay hindi niya magawa dahil sa sari-saring kaisipan.

Napabalikwas siya ng bangon nang bumalya ang pinto ng silid niya. Hindi ang talagang pinto ng silid kundi isang connecting door. Hindi niya ito napuna kanina. Silid ba ni Nathaniel ang kabila?

“N-Nathaniel...?” Bagaman liwanang lang ng lampshade ang naroon ay kitang-kita niya ang galit sa mukha nito.

“Ngayon ay alam ko na kung bakit ka ipinadala rito ni Leon Fortalejo! Ikaw ang bagong pain sa kanyang laro!”

Hindi siya makaapuhap ng sagot. Maraming beses na niyang nakitang nagalit si Nathaniel sa kanya pero kinatatakutan niya ang anyo ngayon ng binata. Kinakabahan siya sa bayolenteng katahimikan na halos ilabas ng katawan nito.

“Bakit ka pumayag na maging tauhan sa larong ito ni l olo, Jasmin?” patuloy ni Nathaniel na bagaman hindi tumataas ang tinig ay nag-iigting ang mga bagang.

“T-tauhan? Laro?” nauutal niyang ulit sa mahinang tinig.

Tinitigan siya nito. “Kelan mo nalamang nais niyang ipakasal ka sa akin? Kailan?”

“K-kanina lang.”

“Biktima ka rin ba ng manipulasyon niya?” Napahawak sa sariling batok ang binata at tumingala sa kisame. “He succeeded into manipulating my mother’s life. Pero nabigo siya sa Tiyo Romano, ang papa ni Jewel at Emerald. At hindi ko akalaing gagawin niya sa akin. Thank God, Emerald met Marco first. Nag-aalala ako kay Jewel.” Ang galit sa tinig nito ay nahalinhan ng weariness.

“H-hindi kita maintindihan.. ”

“My grandfather is playing God! Ang tagumpay niya sa negosyo ay gusto niyang gawin sa mga tao sa kanyang paligid. Ang buong akala niya ay nagtagumpay siya sa pagpapakasal sa p apa at m ama kaya gusto niyang gawin din sa akin!” Tumaas ang tinig nito sa pagkakataong iyon.

“Hindi ba... maligaya ang mga magulang mo?” ang lumabas sa bibig niya. Hindi niya napuna, kung mayroon man, na may namamagitang hidwaan sa mag-asawa kanina.

“Hindi sila nag-aaway kung iyon ang ibig mong sabihin. Masunurin ang m ama, ganoon din ang p apa. Simpleng tao lang ang mga magulang ko, Jasmin. Hindi sila nagrereklamo kay Leon kahit sukal sa loob nila ang sinasabi nito.”

At ikaw ay hindi ganoon? tanong ng isip niya.

“I am not a puppet on a string, Jasmin!” Marahas itong baling sa kanya na tila nahuhulaan ang nasa isip niya. “Gusto niyang pamahalaan ko ang Kristine Cement... ayoko! Coat and tie? Shit! I love my boots, my whip and my horses! Ang amoy ng gubat at mga bundok at ng dagat. I love to run free and wild. At ipinain ka niya sa akin para paamuin ako. No way, Miss Cuevo! Mapapaamo niya ang mga toro sa haciendang ito but no one can put a rope around my neck. Not Leon, not you!”

Napapikit si Jasmin sa intensidad ng sinasabi nito. Gusto niyang isiping this man is a savage, looked like a man from a harsher and primitive world. Wild and free to roam in these mountains. Pero gusto rin niyang ihalintulad si Nathaniel sa isang agila who wants to fly swift and high.

Si Leon, si Nathaniel at siya! Tila siya sisiw na napapagitnaan ng dalawang birds of prey, ng lawin at ng agila.

Sandali muna siyang tinitigan ni Nathaniel bago mabilis na humakbang patungo sa pinto at lumabas.

Pabalya nitong isinara ang pinto. Noon lang niya pinakawalan ang pinipigil na paghinga.

Gusto niyang tumakbo palayo sa bahay na ito pero paano niyang gagawin iyon? Magagawa ni Leon ang nais nitong gawin para mahirapan siya.

Kung gaano siya katagal sa pag-iisip ay hindi na niya namalayan. Bahagya siyang naalimpungatan sa muling pagbubukas ng connecting door pero hindi agad nakakilos. She’s half-sleep at iniisip kung nasaan siya.

Nang maramdaman niyang bumaba ang gilid ng kama ay bumaling siya.

“N-Nathaniel...?” bulong niya. Sa ayos nito ay hindi pa ito nakakatulog, suot pa rin ang damit mula kanina.

“I’ll marry you, Jasmin,” pormal nitong sinabi.

Hindi siya sumagot. Nakatitig lamang dito. Naalimpungatan pa rin siya na tila nananaginip. Her hair disheveled at tumatabing sa inosente niyang mukha. Itinaas ni Nathaniel ang kamay and gently touched her slightly parted lips. Napakurap siya at tuluyang nagising ang diwa.

“You are very beautiful,” patuloy ni Nathaniel na ang forefinger ay pinaglandas mula sa mga labi niya patungo sa pisngi at pababa sa leeg. Hinawakan nito ang leeg niya and gently caressed her throat.

Napalunok ang dalaga.

“Napakaganda mo,” patuloy na anas ng binata, “kung konsolasyon mang matatawag `yon para sa sarili ko.”

“H-hindi kita—” Kung anuman ang sasabihin niya’y napigil ng pagbaba ng mga labi ni Nathaniel sa kanya.

Napasinghap si Jasmin dahil kasabay niyon ang pagbaba ng kamay ni Nathaniel sa dibdib niya. Manipis lamang ang pantulog niya at sa kauna-unahang pagkakataon ay may nakialam sa pribadong bahaging iyon ng kanyang katawan. Magkahalong takot at sensasyon ang nadama niya.

His lips warm and possessive, his tongue seeking entrance. His hand on her breast is maddeningly arousing. At gusto ng katawan niya ang ginagawa ni Nathaniel. Pero hindi ng isip niya. Natatakot siya sa maaaring kahantungan niyon dahil hindi siya handa.

Nanaig ang kanyang isip, marahas niyang itinulak ang binata at paupong bumangon at sumiksik sa headbord. “Nathaniel, please...”

“I said I’ll marry you.” h is voice husky, his eyes are full of passion.

Nang muli siyang aabutin nito ay umiwas siya. “No!” Mabilis siyang nakalipat sa kabilang gilid ng kama at tumayo. “Nathaniel, please, hindi mo alam ang ginagawa mo,” nasabi niya dahil parang may naamoy siyang alak sa mainit na hininga nito.

Agad ang pagbabago ng anyo ng binata. From passion and desire to anger. “My grandfather bought you for me, Jasmin. And I decided to marry you. Surely giving you my name is an honorable gesture para sa isang secondhand bride. And what is it with you at pumapalag ka nang ganyan? Nahuli ko kayo ni Rolly sa apartment, `di ba? And who knows what was going to happen next kung hindi ako dumating?” His eyes glinting with malice.

“Walang mangyayari kahit hindi ka dumating!” pagalit niyang sagot. “Kung mayroon man akong pinagsisisihan sa pagkapunta ko rito ay kayong dalawa ng supervisor mo. Both of you are disgusting!” Nanlilisik ang mga mata niya. Kanina pa siya iniinsulto ng lalaking ito.

“Ano’ng ibig mong sabihin?” tanong ni Nathaniel sa mapanganib na tono.

“Your supervisor invited himself into my apartment. At dahil may anak na ako at wala namang asawa ay malaya niyang inisip that I would be a willing partner in bed. I was trying to resist his overtures nang dumating ka and was even glad of your presence dahil naawat niyon ang balak niyang gawin. Pero hindi...” Mapait siyang umiling. “Sa halip, insults were hurled at me. From one man to another. I’ve been through this twice in one evening!”

“Hindi `yon ang inabutan ko. Huwag kang magsinungaling, Jasmin!” May babala sa tinig nito.

“Hah! Now, I’m a liar as well as a bitch! Hindi ko kailangan ang mga insulto mo, Mr. Cervantes. Iwanan mo ako!” Ang galit ay nahalinhan ng pagod. Physically and emotionally. Marahan siyang napaupo sa gilid ng kama.

Ilang sandaling katahimikan ang pinalipas ni Nathaniel bago muling nagsalita. “Kinausap ko uli ang l olo. Bakit ka pumayag na pakasal sa akin, Jasmin? Oh, well, that was a stupid question. Sinong babae ang tatangging pakasal sa akin? Your kind has been after me since I went out of my crib. Iyan ang sinabi ng m ama. Plus an added bonus na binayaran ka ng lolo ko.”

Gusto niyang panginigan ng laman sa aroganteng lalaking ito.

“You think you’re g od’s gift to women, don’t you?” sarkastiko niyang sinabi. “Para sa kaalaman mo, Mr. Cervantes, hindi ako pumayag nang bukal sa loob na pakasal sa iyo!”

Tumaas ang mga kilay ni Nathaniel.

“I was blackmailed!”

“Ano’ng ibig mong sabihin?”

“I was assigned here nang hindi ko alam kung bakit at wala akong mapagpilian dahil mawawalan ako ng trabaho. At kailangan ko ang trabahong ito sa ngayon dahil kay... Iris.”

“Your daughter...?”

Tumango siya.

“You worked with Kristine Cement?”

“Under probation yet. Hindi ko gustong iwan si Iris dahil maysakit siya. Isang matandang kasama lang ang naroon ngayon pero wala akong mapagpilian.”

Marahang nagmura si Nathaniel patalikod. “Your parents?” tanong nito nang humarap uli sa kanya.

“They’re... dead.” Nabasag ang tinig niya pagkasabi niyon, huminga nang malalim upang muling ibalik ang composure.

“Surely, hindi na ang trabaho mo ngayon ang ginamit sa iyo ng l olo. You have so many talents at maganda ka. Maaaring sa unang pakikipag-usap sa iyo ni Leon ay nabigla ka pero hindi sa pagkakataong ito. A second threat on your job will not be as effective as the first time?”

“You’re right. Hindi na ang trabaho ko ang ginamit niya. Kung iyon lang ay hindi siya makalulusot. But my... my daughter is involved. She was hospitalized for five days nang hindi niya ipinaalam sa akin.” At ipinaliwanag niya kay Nathaniel ang kalagayan ni Iris.

“Damn the man!” usal ni Nathaniel. Kilala nito si Leon. Gagamitin ng matanda ang lahat masunod lamang ang gusto.

Ulila si Jasmin, may anak at nangangailangan.

Sama-samang damdamin ang pumuno sa dibdib ni Nathaniel para kay Jasmin. Hindi lamang matukoy ng binata kung ano-ano.

“Pero huwag kang mag-alala, Mr. Cervantes, I also have changed my mind. May palagay akong hindi naman siguro gaanong mabigat ang suliranin ko tungkol sa... anak ko. Pero tuso si Don Leon, ipinamukha niya sa `king ganoon. He made me feel so helpless. Meeting you both compounded my problems! Siguro ay may mga charitable institution na maaaring tumulong kay Iris nang walang hinihinging kapalit. At `yong ginastos niya sa ospital ay problema na niya dahil hindi niya ipinaalam sa akin. I’ll pay it back on installment basis. You can tell your grandfather, Mr. Cervantes, na hindi ako magpapakasal sa iyo! Ang gusto ko lang ay makaalis na sa lugar na ito at kalimutang nakilala ko kayong maglolo!” matigas niyang sinabi.

Matalim ang mga matang nakatitig sa kanya si Nathaniel. Nasaling ang pride sa pagtanggi niya. Taking his time, marahan itong humakbang patungo sa kanya habang pumapalatak.

“Ikinalulungkot kong sabihing huli na para sa pagbabago mo ng desisyon, my future wife. Pakakasal tayo in one week’s time sa ayaw mo’t sa gusto.”

“Hindi mo ako mapipilit! Ninyong maglolo!”

“You must be kidding! Kahit kaladkarin kita patungong simbahan ay gagawin ko. Huwag kang mag-alala dahil sa sandaling mailipat ng l olo sa pangalan ko ang buong hacienda ay magiging malaya ka na.”

“Ano’ng ibig mong sabihin?”

“Buong buhay ko ay pinaniwala niya akong sa akin niya ipauubaya ang h acienda Kristine. Hindi ako interesado sa mga corporation niya sa Maynila. Emerald and Jewel can have them. Pero akin ang haciendang ito. Dito ako ipinanganak at lumaki. Kaninang sabihin niya sa aking gusto niya akong ipakasal sa iyo ay nagalit agad ako at pinanhik kita rito. Pero nang muli ko siyang kausapin para tanggihan ang sinasabi niya ay ginawa n’ya sa akin ang ginawa sa iyo. Ginamit niya ang hacienda para pumayag akong pakasalan ka!” Sa mapusyaw na liwanag ng lampshade ay nakikita niya ang pamumula ng mukha ni Nathaniel sa galit.

“Ano’ng ibig mong sabihin?” muling ulit ng dalaga.

“Hindi niya ako aalisan ng mana subalit mawawala sa akin ang buong pamamahala sa hacienda. Hahatiin niya sa aming tatlo nina Emerald at Jewel in equal share with a provision na hindi puwedeng ipagbili sa isa’t isa.” Magkahalong galit at pait ang nasa tinig nito.

Hindi malaman ni Jasmin kung ano ang madarama sa lalaking kaharap. Hindi niya lubusang maunawaan si Don Leon sa ginagawa nito. Isang simpleng kapritso at sumpong lamang ba na makitang pakasalan siya ni Nathaniel at makitang sumunod dito ang apo sa unang pagkakataon? She wanted to hate them both for using her.

“P-puwede kang tumanggi dahil may anak na ako…” That was a stupid suggestion. Alam ni Don Leon na dalaga siya.

“Mas mahalaga ang hacienda sa pagkakataong ito. So be ready, mi esposa , pakakasal tayo sa lalong madaling panahon. Pagbibigyan natin si Leon Fortalejo sa nais niyang mangyari at `pag nasa pangalan ko na ang buong Hacienda Kristine, we can seek annulment.”

“Sa pangalan lamang ang kasal natin?” paniniyak niya.

“Sa pangalan lamang ”

“You won’t impose your authority as... as...”

“As your husband?” Patuyang ngumiti ito. “Unless you want me to, my dear. Pero kung hindi, do not expect me to remain faithful. Some women are standing at bay,” brutal nitong sabi.

Pinamulahan ng mukha ang dalaga. “Pero... sa palagay mo ba ay papayag si Don Leon sa nais mong mangyari? I mean, this womanizing around. Kanina ay matigas niyang tiniyak na ihihinto mo iyon sa sandaling maikasal tayo.”

Tumaas ang kilay ng binata. Marahan siyang nilapitan at itinaas ang baba niya. “Kung ganoon, you my wife, will fulfill your obligations to me as your husband.”

“Nathaniel...?”

Natawa si Nathaniel. “Kung pamulahan ka ng mga pisngi’y parang gusto kong isiping wala kang karanasan.” Napailing ito. “Kung nagawa mong ipagkaloob ang iyong sarili sa isang lalaking hindi ka pinakasalan, bakit hindi sa legal mong asawa regardless of the consequences?” Hinigpitan nito ang hawak sa mukha niya at unti-unting inilapit ang sariling mukha.

“Bitiwan mo ako, Nathaniel...”

“Walang mawawala sa iyo, Jasmin. Tinitiyak ko sa `yong mahusay akong lover compared to that damned father of your child!” At marahas siyang ibinalya pahiga sa kama. Pagkatapos ay tumayo.

“I hate you, Nathaniel!”

Ngumisi lamang ang lalaki. “Hindi ka na magre- report sa hotel, mi esposa . Ipakukuha ko ang mga gamit mo at ipadadala ko rito.” At akma itong lalabas ng silid nang tawagin niya.

Huminto ito at nilingon siya. “Gusto mong gawin natin ang honeymoon nang mas maaga?” nakangising tuya nito.

“Don’t you think I am entitled to one request?”

“Kahit pa marami, my dear, hanggang kaya kong ibigay.”

“Gusto kong narito si Iris. Iyon lang, Nathaniel.”

Nagdilim ang mukha ng binata. Sandaling nag- isip. “Makikita ng mga tao ko ang anak ng ibang lalaki sa haciendang ito? Araw-araw kong makakasama ang anak ng lalaking nagsamantala sa kabataan mo?” mariin nitong sinabi. “But you can have your wish, Jasmin. I guess your daughter was part of the bargain or else you won’t be marrying me. Dito siya titira sa bahay ko.”

Biglang gumaan ang dibdib niya. “Salamat, Nathaniel”

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ng binata bago tuluyang lumabas. Muling ibinagsak ng dalaga ang sarili sa higaan at tumitig sa kisame.