Chapter 9
Chapter Nine
N
GUMISI
ang binata sa nakikitang pagsasalubong ng mga kilay niya.
“You and your dirty mind. I’ll give you a nice hot bath and tuck you to bed. You’ve had a hell of a day.”
Ipinanhik siya nito at itinuro niya ang sariling
silid. Nakadama siya ng kakaibang damdamin nang masilayan ang silid niya sa loob ng limang taon. Sa loob ng kulang pitong buwan ay iba’t ibang silid ang tinuluyan niya. At naninibago siya.
Inilapag siya ng binata sa paanan ng kama at pumasok sa banyo. Narinig niya ang lagaslas ng tubig. Pagkatapos ay muling lumabas. Walang imik siya nitong hinubaran. Ipinasok sa banyo at inilubog sa bath tub.
“liwan muna kita.”
b
iglang lumatay ang pag-aalala sa mukha niya sa narinig. Nagpatuloy si Bernard. “May dalawang tauhang iniwan si Jackson sa labas. Hangga’t hindi maayos ang lahat ay mananatili ang mga iyon dito. Trust them, Diana. Sanay sa giyera ang mga lalaki sa ibaba. Isa pa, natitiyak kong hindi na makagagawa pa ng gulo si Charlie at Kenneth.”
“Thank you, Bernard.”
Hinagod ng binata ang buhok niya patalikod. “Next time you should know where to put your trust,” matabang nitong sagot.
“W-will I—see you again?” Punong-puno ng insekyuridad ang tinig niya.
“Anong klaseng tanong iyan, Diana?” anito na nagsalubong ang mga kilay. Humakbang palabas ng banyo. “Huwag kang matulog sa bathtub,” patuloy nito bago siya tuluyang iniwan.
ANG SUMUNOD na apat na araw ay naging abala si Diana sa pabrika. Sa mga kamay na niya ngayon nakasalalay ang buong negosyo ng lolo. At sa loob din ng apat na araw na iyon ay hindi nagpakita o tumawag man lamang si Bernard. Gusto niya itong tawagan sa opisina pero pinipigil siya ng pride niya.
Marahil ngayong alam na nito ang tungkol sa pagkatao niya at narito na siya sa sariling tahanan ay tinapos na nito ang self-imposed obligation para sa kanya. At marahil ay nagbago na rin ang isip nitong pakakasalan siya. It was probably a post-ecstacy proposal, kung mayroon mang ganoong salita. Nadala si Bernard sa damdaming pinagsasaluhan nila sa panahon ng pagtatalik. And of course, mahal pa rin nito si Jewel.
Ilang beses niyang ginustong iiyak iyon pero nanatiling tuyo ang mga mata niya. Hindi niya kahahabagan ang sarili. Bagaman ilang gabing madaling-araw na kung nakakatulog siya. Thinking about him and tormenting herself.
Hustong sampung araw mula nang huli silang magkita ni Bernard at hindi na siya umaasa pang magkikita sila. Palabas na siya ng gate ng pabrika nang sa pagliko ay isang sasakyan ang humarang sa daan niya. Tatlong lalaki ang mabilis na bumaba. At bago pa siya makakilos ay nasa loob na ng kotse niya ang mga ito. Ang isa’y nasa harap sa tabi niya at ang isa’y nasa likuran niya. Ang isa’y umikot sa driver’s seat at pinauusog siya.
“A-ano’ng ibig sabihin nito?” kinakabahan niyang tanong. Napapagitnaan siya ng mga ito. Nakatutok ang baril ng isa sa tagiliran niya. At hindi niya kilala ang mga lalaki.
Mga kasamahan ba ni Charlie at Kenneth ang mga ito at inutusan para kidnapin siya?
“Simpleng kidnapping lang ito, Miss Montero. Kung hindi mo gustong masaktan ay huwag kang mag-iisip na gumawa ng masama,” wika ng lalaking nasa tabi niya. Pinatakbo na ng lalaking humalili sa kanya ang kotse.
“Sino kayo? Ano ang kailangan ninyo? Kung
pera ang kailangan ninyo’y ayan ang bag ko, kuhanin ninyo at iwan na ninyo ako!” Bagaman kinakabahan ay sinikap niyang patatagin ang tinig.
Subalit hindi sumagot ang mga lalaki. Nagpatuloy ito sa pagda-drive. Ang nasa tabi niya’y sa unahan din ng sasakyan nakatuon. Ni hindi niya gustong gumitgit sa lalaking nasa kanan niya kahit nahihirapan siya.
Tinted ang kotse niya at hindi sila nakikita mula sa labas. Nagsisimula nang matakot si Diana. Ano ang gagawin ng mga ito sa kanya. Ipatutubos siya at papatayin din? Hindi ba at ganoon naman lagi ang laman ng peryodiko na ginagawa ng mga kidnapper?
Makalipas ang mahabang sandali ay napuna ng dalagang nasa Roxas Boulevard na sila. Tumuloy ang kotse patungo sa Marina. Pumasok sa Manila Yacht Club.
Manila Yacht Club! Ang lugar ng mga milyonaryo. Saan siya dadalhin ng mga ito?
Ipinarada ng driver ang kotse sa isang parking area. Inilabas ng isa si Diana.
“Lakad,” utos nito. Nalilito man at natatakot ay sumunod si Diana. Isang pribadong yate ang tinutumbok nila. Dito ba siya pipigilin ng mga kidnapper niya?
“Pumasok kayo, Miss Montero,” utos ng isang
lalaki. Nilingon niya ang mga ito na nanatiling nakatayo. Alam niyang sa loob ng jacket nito ay naroon ang baril.
Naniningkit ang mga matang sumunod si Diana. Tumulay siya sa wooden platform na nag-uugnay sa yate at sa pader ng Marina. Hustong nakapasok siya sa boat ay lumabas ang kidnapper niya.
“Hello,
amore?”
nakangiting bungad nito. May hawak na kopita ng red wine sa isang kamay.
“Ikaw ang may kagagawan nito?” gilalas niyang tanong. Nilingon ang mga lalaking kumidnap subalit isa-isang nagpulasan na ang mga ito.
Nagkibit ng mga balikat si Bernard. “You’ve been living a dangerous life for the past months, Diana. Gusto kitang sorpresahin.”
“Oh!” Nanlilisik ang mga matang sinugod niya ang binata at pinagsusuntok sa dibdib. “You... you insufferable beast! Muntik na akong mamatay sa takot sa pag-aakalang totoong mga kidnapper iyon!” Tuluyang nalimutan ng dalaga na sa loob ng sampung araw ay pinanabikan niya nang husto na makita ang binata.
Natatawang hinawakan siya ni Bernard sa dalawang braso pero hindi maawat si Diana. Nagpupuyos pa rin sa galit na binubugbog ang dibdib ni Bernard.
“You pagan pirate! Wala akong masabi sa iyo!”
“You’re a spoilsport, Diana!”
“Hindi biro iyon! I could have died of a heart failure!”
“You have a very healthy heart, my love.”
“Damn you! You... you!”
Nang hindi siya maawat ay binuhat siya nito papasok sa loob sa pagpupumiglas pa rin niya. Inilapag siya nito sa isang malaki at comfortable settee. Subalit muli siyang tumayo at galit na galit pa ring pinaghahampas ang lalaki.
Mahigpit siyang niyakap ni Bernard at siniil ng halik sa paraang hindi siya makagalaw. At habang nagpupumiglas siya’y humihigpit ang yakap ni Bernard sa kanya at dumidiin ang paghalik.
She decided to stop struggling at lumuwag ang pagkakayakap nito. Then his kisses changed. Almost not touching her lips. His mouth and tongue teasing hers.
“I missed you,
amore,”
he whispered passionately. At muli siyang inilapag pabalik sa malaking
settee. His hands all over her body in desperate hunger... in a most aching intimacy.
Napapikit si Diana. Agad na tumugon ang katawan niya sa sensual nitong pananalakay. And of course, after missing him so much.
“B-Bernard...”
s
he cried his name softly. He seduced and aroused her until she was gasping for breath....
Walang inaksayang panahon si Bernard para magtanggal ng mga sariling kasuotan while he only discard her most essential garment. Suddenly, he was within her. Wildly that she was crying out his name.
He wanted to make it slow ang easy sa kabila ng may suot pa ring damit si Diana. He wanted to make every thrust last forever. But her erotic whimpers forced him para tuluyang mawalan ng kontrol. Then he joined her into a wild, shattering climax.
At hindi makapaniwala si Diana na nangyari iyon sa pagitan lamang ng ilang sandali and with her designer’s clothes still on. Gusto pa niyang maliyo sa puwersa ng pag-angkin sa kanya ng binata. At hindi niya napigilan ang pagbagsak ng mga luha sa pisngi.
Why she missed, hated and loved this insufferable man.
“Diana, nasaktan ba kita?” nag-aalalang tanong ni Bernard nang mapuna ang luha sa mga mata niya. “Bakit ka umiiyak?”
“Hindi ako umiiyak!” singhal niya dito.
“Hindi ka... eh, ano ang tawag mo sa ginagawa mo?” Hindi malaman ng binata kung matatawa o mag-aalala sa kanya.
“I—couldn’t help it, Bernard, but I love you. Oh, I love you so…” banayad niyang sinabi kasabay ng paghikbi.
Hindi agad nakakibo si Bernard. She said the words softly, sweetly, washing and healing his troubled soul. Gusto nitong damhin nang husto ang mga salitang iyon. Hayaang hugasan niyon ang pait at hapdi sa buong pagkatao nito.
“H-hindi ko dapat sinabi iyon,” ani Diana na biglang nakadama ng insekyuridad. Walang natitira pa kahit na kaunting pride sa kanya. Sinikap niyang itulak si Bernard sa pagkakadagan sa kanya. “Babangon ako. Let me go.”
Let you go? Not in this lifetime, Diana.
“Bernard, gusto kong tumayo na.” She was pleading. Hindi niya makuhang tingnan ang mga mata nito na humahagod sa kanya.
“It’s alright,
amore,”
he said softly. “I have wanted to hear you say that, anyway.”
“Hear me say what?” bahagya niyang angil at itinukod ang mga siko sa malaking sofa.
“That you love me...” he said softly.
“A-ano?” Nahinto siya sa pagkilos at tumitig dito.
“Matagal ko nang gustong marinig na sabihin mo sa akin iyan. Hindi ako nakatitiyak, Diana. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit nagpapaubaya ka sa akin... sa lahat ng ginagawa ko sa iyo. Naiipit ka lang marahil sa pagitan ng pangako mo sa akin. Or because we are just physically and sexually attracted to each other. Minsan naman ay iniisip kong baka nga mahal mo ako. Pero pagkatapos ay ako rin ang tumatanggi. Natatakot akong maramdamang mahal mo nga ako pero kasabay niyon ay hinahangad kong marinig sa mga labi mo iyon,” then he smiled. Kissed the tip of her nose. “But I’m so overwhelmingly happy that you love me, Diana. At least alam kong iniibig ako ng babaeng pakakasalan ko.”
“Y-you still want to marry me?” naguguluhang tanong niya. Hindi niya masundan ang mga sinasabi ng binata.
“Of course. Hindi ba at sinabi ko sa iyo iyan?”
Hindi malaman ni Diana kung ano ang maramdaman sa sandaling iyon. She was amazed, confused and worried.
“Hindi ka nagpapakita sa akin sa loob ng sampung araw.”
m
ay akusasyon sa tinig niya.
“I wanted to surprise you with this boat. Hindi ba at binigyan mo ako ng ideya na bumili nito dahil takot ka sa maliliit na eroplano at helicopter. Isa pa’y inihanda ko
lahat ang mga kakailanganin para sa kasal natin bukas...”
“Bukas!”
“Bukas,” natatawang ulit ni Bernard. “Bukas ng hapon. We will set sail any minute from now. Darating tayo sa Paso de Blas nang almost lunch. May panahon pa para makapag-ayos ka. At don’t worry, naroroon silang lahat para tulungan ka.”
Banayad siyang umiling. “H-hindi ko na naiintindihan ang nangyayari. N-naguguluhan ako sa iyo. You wanted us to marry without any emotional attchment pero kasasabi mo lang na natutuwa kang malamang mahal kita...”
He smiled tenderly. Itinaas ang mukha ng dalaga. “Don’t you want to love me and marry me, Diana?”
Itinaas niya ang isang palad at dinama ang mukha ng binata. “Of course, I want to marry you. Walang babaeng tatangging pakasal sa iyo, Bernard. And I don’t have to want to love you dahil mahal na kita sa ayaw at sa gusto ko.”
p
agkatapos ay nagbuntong-hininga. “Alam kong mahal mo pa rin si Jewel,” she said softly. “At nauunawaan ko
iyon. Kung tutuusin ay dapat kong ipagpasalamat ang matinding dalamhating nadarama mo para sa kanya dahil kung hindi ay hindi mo ako aalukin ng kasal. And the fact that you loved her, still love her, ang siyang talagang dahilan kung bakit gusto mo akong pakasalan. Sinabi mo sa akin iyon, `di ba? Na hindi mo na gustong maranasan ang ganoong uri ng emosyon upang hindi ka masaktan?”
“Kung sasabihin ko ba sa iyo ngayon na mahal kita, maniniwala ka sa akin?” he whispered huskily.
Sinuyod niya ng tingin ang mukha nito. May tenderness sa maitim nitong mga mata habang nakatitig sa kanya. And there was also something else na kinatatakutan niyang bigyan ng pangalan. At hindi niya gustong umasam upang masaktan lang. Tama nang pakasalan siya nito and then she can love him in silence.
“It’s... alright if you don’t,” pabulong niyang sagot. Halos hindi lumabas sa bibig ang tinig. “Sapat na sa aking hindi ka nagagalit na malamang mahal kita. I know I can’t compete with her. She was so beautiful and you loved her so, love her still...”
Huminga nang malalim si Bernard. “Naalala mo ba ang sinabi ko noong unang gabing dalhin kita sa Paso de Blas?” Hindi siya sumagot pero nanatiling nakatitig dito. “You told me to go to hell, noong nasa rooftop tayo. Ang sabi ko sa iyo’y galing na ako doon at gusto kong umahon at
lumabas at ikaw ang passes ko. Totoo iyon, Diana. In so many ways, you healed me. Nang panahong iyon, ang buong akala ko’y kailangan kita dahil sa sexual na bagay. I wanted you when I first saw you walked into that restaurant. I wanted you for the way you walked and moved, and I wanted your hair and wanted to touch it. When we made love for the first time ay hindi naging sapat iyon sa akin. I wanted you all the time, hungered for you, that I even wanted to hate you for making me forget the face of the woman I loved. Dahil hindi ko gustong kalimutan kahit sandali si Jewel.
“I did love her, Diana. May bahagi ng puso kong lagi nang mamahalin siya. Nakikiusap akong sana’y maunawaan mo. Pero iba ang pag-ibig na iyon. It was a good, sweet, and gentle kind of love. At ang bahaging iyon sa sarili ko’y mananatiling kanya. Perhaps in time ay magmamaliw nang kusa. And there’s no point in comparing yourself with her. Because never did I love or have wanted anyone with such a passion that I have for you, Diana. I had never hungered so for anyone in my life tulad
ng nararamdaman ko sa iyo. That my love for Jewel pales beside the emotion that entangles my heart with you.” Punong-puno ng damdamin ang tinig nito.
Nanatiling nakatitig si Diana kay Bernard. Ni hindi siya kumukurap. Ni hindi niya matiyak kung humihinga siya habang nagsasalita ang binata.
“May kulang pa ba sa sinabi ko?” banayad na tanong ng binata makaraan ang ilang segundo.
She shaked her head slowly at unti-unting inilabas ang paghinga and throw her arms around his neck and kissed his lips so sweetly.
“Oh, Bernard, I love you so much!”
“I love you, my beloved stranger!” puno ng emosyong sagot ng binata.
“I love—”
“You...” and he kissed her.