noveltoon logo noveltoon
Amore (Kristine Series 6)

Chapter 7

Ch. 7 / 10 Nov 28, 2025

Chapter 7

Chapter Seven

M

ULING

bumalik sa Maynila si Bernard nang sumunod na araw dahil sa trabaho sa kompanya. Si Diana ay nagkaroon ng pagkakataong magtrabaho sa meat processing sa farm nang mag-maternity leave ang supervisor.

At bagaman tatlong araw na mula noong huli silang magkita ni Bernard ay hindi niya gaanong napag-uukulan ng pansin dahil sa bagong trabaho na totoong nag-e-enjoy siya. Sa gabi ay nag-uusap sila ng binata. Tinatawagan siya nito sa telepono. Kalimitan ay nasa opisina pa ito kung tumatawag kahit gabi na. At kung talagang busy ay sinisiguro ni Bernard na kahit hatinggabi ay matawagan siya.

“I really enjoyed my job, Bernard. Ganoon pala ang paggawa ng mga hot dog at kung ano-ano

pang frozen foods...” excited niyang balita rito noong unang araw niya sa trabaho.

“Natutuwa ako at may napagkakaabalahan ka ng oras mo, Diana. I’m sorry kung hindi ako makababalik ng Paso de Blas nang mga ilang araw. Maraming trabaho at problema dito sa opisina.” Nararamdaman niya ang tiredness sa tinig nito. At naroon lang siya at nakikinig.

“Well, I only hope na nakukuha mo pang magpahinga, Bernard,” aniya nang sabihin nitong hindi lang sa Kristine Cement ang may problema kundi maging sa ibang kompanya at kung wala si Marco ay baka lalo na itong nahirapan.

“And I... missed you, lover boy.”

i

dinaan niya sa biro ang pagsasabi ng totoo.

“Me, too, stranger,” wala sa loob na pag-amin. At hindi na nakuhang itanggi sa isip na nami-miss nito si Diana sa tunay na kahulugan ng salita. “I missed you like crazy...” he added huskily.

Iyon lang at nagtayuan na ang mga mumunting

balahibo ni Diana sa batok. How easily this man could arouse her.

“Nagawa mo na bang sanayin ang sarili mo na ilang araw o linggo mula ngayon ay pakakasal ka sa akin?” patuloy ni Bernard matapos ang bahagyang patlang sa pag-uusap nila.

“Huwag nating pag-usapan muna iyon, Bernard,” pag-iwas niya.

“Kung binabalak mong umiwas sa nakatakdang mangyayari, then you are very wrong, Diana,” sagot nito na ang amusement sa tinig ay hindi maitatago. “Anyway, ano ang gusto mong pag-usapan natin? Do you want me to tell you how I hungered for your touch, for your delectable body and that I want to bury myself deep insi...”

“Uh... uh...” agap niya, natatawa. “That is obscene talk over the phone and it is illegal!”

Natawa na rin si Bernard.

“Amore,

kailan ka

pa matututo at maniniwalang sa Paso de Blas ay walang illegal na gagawin ang mga Fortalejo?”

She smiled kahit na alam niyang hindi nakikita ng binata iyon. “Malapit na. Try harder.”

Banayad na natawa ang binata. “Ibig bang sabihin niyan ay hindi ka pa naniniwala na nasa ilalim ka ng kapangyarihan ng isang Fortalejo?”

“Sino sa mga Fortalejo?” tukso niya.

Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ni Bernard. “May iba bang Fortalejo riyan na gumagamit ng power niya sa iyo? Nariyan ba si Zandro?”

Huminto sa panunukso ang dalaga. Nararamdaman niya ang pag-iba ng tono ng binata. “I only mean na nasa ilalim ako ng mga lalaking arogante, dominante, mayayabang, na ang akala sa sarili ay sila na ang pinakamagandang regalo ng mga pagan gods dito sa lupa...”

“You are not very original,

amore.”

b

umalik ang

amusement sa tinig nito. “Nasabi mo na iyang minsan at naalala ko na kung sino ang unang nagsabi niyan sa isang Fortalejo. It was Jasmin to Nathaniel.”

“And she’s right! Hindi ko nga pala nasabi sa iyo how he arrogantly, powerfully insisted that I stayed in my room matapos ang pangyayari sa amin ni Clarita!”

Bumunghalit ng tawa si Bernard. At makalipas pa ang ilang segundo ay si Diana na ang nagsara ng usapan. Alam niyang pagod at hapo si Bernard.

Ilang minuto nang nakababa ang telepono ay gising pa siya at nakatitig sa kisame. Hindi niya mabigyan ng pangalan ang uri ng relasyong mayroon siya sa binata.

Definitely, Bernard is still very much in love with Jewel. At bagaman nasasaktan siya ay wala siyang magawa. Sudden and tragic ang pagkawala

ng kasintahan sa buhay nito. Naikuwento na nang husto ni Jasmin ang tungkol sa magkasintahan at hindi niya maiwasang hindi makadama ng pananaghili sa babaeng wala na’y okupado pa rin ng alaala ang puso ni Bernard.

Ang tanging konsolasyon niya’y pakakasalan siya ni Bernard. Tataglayin niya ang pangalan nito. At bagaman pilit na umaayaw ang isip niya sa ganoong uri ng arrangement ay wala siyang magagawa. She wanted him, loved him. Kung ang pagpapakasal dito ay magpapangyaring mananatiling nasa malapit niya si Bernard ay gagawin niya. At kung pagdating ng araw ay mabibigyan niya ito ng anak ay marahil magkakaroon na ng tsansang matututuhan din siyang mahalin nito kahit kaunti.

Maagang nagising si Diana nang araw na iyon. May dalawang oras pang mahigit bago ang working time niya sa farm. Alas-nueve ang oras niya roon. Paglabas niya ng sitting room at naroon na ang almusal niyang hiningi sa ibaba. Dinampot ang

peryodiko at hinagod ng tingin ang mga balita. Napadilat siya nang husto nang isang balita sa may ibabang column ang napagtuunan niya ng pansin.

Isang neurosurgeon ang natagpuang patay sa loob ng pribado nitong klinika sa Quezon City...

Binasa ni Diana ang balita sa ibaba ng heading. Sunod-sunod ang kaba ng dibdib. Napasinghap siya nang mabasa ang pangalan.

Dr. Ramon dela Paz, 51 years old, ay natagpuang may tama ng bala sa dibdib ng sekretarya nito. Ang dalubhasang doktor ay may dalawang araw pa lamang nakababalik sa Pilipinas mula sa ibang bansa. Bagaman hindi pa matiyak ang motibo ay iniuugnay na ng mga imbestigador ang pagpaslang sa doktor sa pagkamatay ni Don Luis Dela Cuesta may halos pitong buwan...”

Hindi na tinapos ng dalaga ang pagbasa. Sa nanginginig na mga kamay ay binitiwan ang peryodiko. Hilam sa luhang nagtatakbo pabalik sa main suite. Dinampot ang bag at tiniyak na naroon ang pera niya.

i

nayos ang sarili at dinampot ang telepono.

“Pakisabi sa driver na ihanda ang pickup. Magpapahatid ako sa Puerto Princesa ngayon ding umaga,” aniya sa front desk at muli ring ibinaba

ang telepono.

Nagmamadaling bumaba at ni hindi niya napansin si Rolly na binati siya ng magandang umaga. Tuloy-tuloy siyang lumabas ng building.

“Bakit maagang umalis si Miss Montero?”

s

i Rolly sa desk personnel.

“Magpapahatid daw po, sir, sa Puerto Princesa...”

Nagsasalubong ang mga kilay na sinundan ng tingin ni Rolly ang dalaga.

Gulong-gulo ang isip ng dalaga. Mahabang biyahe rin patungo sa mainland, sa boundary ng Paso de Blas at hanggang sa patungo sa airport. Sana’y umabot siya sa biyahe ng eroplano.

Hindi niya akalaing madadamay pati si Dr. dela Paz. And how stupid of her na dahil lang sa pagkaabala niya kay Bernard ay hindi niya na-check kung kailan ang schedule nitong dumating sa bansa.

Muli siyang nag-iiyak. Si Dr. Ramon dela Paz ay lolo niya rin. Bayaw ni Don Luis at kapatid ng asawa nito. Nasa ibang bansa ito upang samahan ang asawang may terminal cancer. At ngayon ay wala na rin ang ka

isa-isang taong maaari sanang matakbuhan niya.

At mangyari na ang mangyari, hindi siya papayag na manatiling nagtatago habang nanatiling nakalalaya ang mga kriminal. Alam niyang kagagawan ito ni Charlie upang mapalabas siya mula sa kung saan man siya naroroon. Higit sa

lahat ay hindi niya mapapayagang magtagumpay si Charlie sa masamang hangarin nito. Kailangang panagutan nito ang pagkamatay ng dalawang matanda.

At mamamatay na muna siya bago mauwi sa isang kriminal ang mga kayamanan ng mga dela Cuesta!

PASADO ala-una na nang pumara ang taxi sa harap ng gate ng dela Cuesta Textile Mills. Hindi siya sa mansiyon nagtuloy. Alam niyang wala roon si Charlie at narito sa pabrika. At least, sa harap ng maraming empleyado ay hindi siya gagalawin nito. At kung narito man ang lalaking iyon ay nakahanda siya.

Nagulat pa ang security guard nang makita siya.

“Nandito ba si Mr. dela Cuesta, Perez?” tanong niya rito.

“Yes,

m

a’am. Good afternoon, po,” mabilis na sagot ng mga guwardiya at binuksan ang gate. Kitang-kita sa mukha ng mga ito ang pagkamangha sa bigla niyang pagsulpot.

“Mag-iwan ka ng isang tao sa gate at magsama ka ng isang kasamahan mo at sumunod kayo sa akin,” utos niya matapos bayaran at bumaba ng taxi.

Nagtataka ma’y tumango ang dalawang secu

rity guard. “Sa backdoor tayo dumaan bago pa makarating kay Mr. dela Cuesta ang pagdating ko rito sa pabrika,” patuloy niya na nagpatiunang lumakad patungo sa back passage ng Lolo niya.

Itinulak niya ang pinto. Walang tao sa maliit na hallway dahil hindi naman doon nagdaraan ang mga empleyado. Nilingon niya ang dalawang security guard.

“Iniuutos kong posasan ninyo si Mr. dela Cuesta.”

n

akita niya ang pagkapatda sa mukha ng dalawang security guard na nagtinginan sa isa’t isa. “Saka ko na ipaliliwanag sa inyo. Pansamantala ay huwag ninyong hayaang makatakas siya. Isa siyang kriminal! Sa loob mismo ng silid ni Mr. dela Cuesta ay tatawag ako ng pulis,” mariin niyang utos.

“Yes,

m

a’am,” sabay na sagot ng dalawang security guard.

Tuloy-tuloy ang dalaga sa paglakad sa mahabang pasilyo patungo sa executive offices. Ang one-storey building na ito ang siyang main office ng kompanya. Sa di-kalayuan ay ang mga building ng pabrika.

Pagtapat sa silid ni Charlie ay dere-deretsong binuksan ng dalaga ang pinto at pumasok.

“Diana!” bulalas ni Charlie pagkakita sa kanya. “This is a surprise!” nakangiting bati nito na tumayo mula sa kinauupuan.

Poot na nakatitig dito ang dalaga. Nilingon ang dalawang security guard na nasa likod. “Hulihin ninyo siya!”

“Hulihin?” ani Charlie na tumaas ang mga kilay.

Kitang-kita niya ang amusement sa mukha ng lalaki bagaman may binabadyang iba ang mga mata.

“Ano pa ang hinihintay ninyo?” galit na baling ng dalaga sa dalawang security guard na nasa likuran niya na hindi kumikilos. “Ang sabi ko’y hulihin at posasan ninyo siya!”

Mula sa adjacent door ay sumungaw si Kenneth. “Well, well, look who’s here,” nakangising wika nito na lumapit sa kanya. “So the prodigal daughter is back. Hello, darling.”

i

sang halik ang binalak ibigay sa kanya subalit umiwas siya. Nilingon ang mga security guard. Nakadama na siya ng bahagyang takot sa hindi pagkilos ng mga ito.

“Guard, naririnig ba ninyo ako? Perez!”

Isang malakas na tawa ang pinakawalan ni Charlie. “Sige na, Perez, lumabas na kayo. Magbantay kayo diyan at baka may nakakitang ibang bumalik na ang maganda kong pamangkin.”

t

inanguan nito ang dalawang guwardiya na agad

namang tumalima at lumabas. Manghang sinundan ng dalaga ng tingin ang mga security guard. Hindi makapaniwala.

“K-kasabwat mo ang mga iyon!”

“How could you be so naive sa pag-aakalang mapapasunod mo ang mga tauhan ko, Diana,” ani Charlie na umikot sa harap niya mula sa likod ng desk. “I’ve been in this company since time immemorial.”

Sinulyapan ng dalaga si Kenneth na nagsindi ng sigarilyo. “Mga walanghiya kayo! Bakit pati ang Lolo Ramon ay idinamay ninyo?”

“Naging madali para sa iyo ang bumalik, hindi ba?” sarkastikong sagot nito. “But don’t worry, Diana, magkikita rin kayo. Pagkatapos mong ibigay sa akin ang hinihingi ko at pagkatapos mong pumirma sa harap ni Attorney Gascon na hindi ka interesado sa kayamanan ng mga dela Cuesta at na ako ang talagang may karapatan dahil ako ang anak ng Papa!” Kitang-kita ng dalaga ang poot sa mga mata nito.

“Ikaw, Kenneth, hindi ko akalaing nagawa mo ito? Nagpakasangkapan ka sa lalaking ito? Pinatay niya ang Lolo Luis!” galit niyang baling sa dating kasintahan. Nagbuga ng usok si Kenneth at sumulyap kay Charlie.

“Hindi mo mapapatunayan iyan, Diana. Tinitiyak ko sa iyo!” Pinanayuan ng balahibo si Diana sa nakita niya sa mukha ng tiyuhin. “At bakit hindi magpapasakop sa akin si Kenneth gayong maaga pa’y natuklasan ko na ang salaping dinidispalko niya bilang chief accountant ng Papa? At kung hindi dahil sa akin ay matagal na dapat alam ng Papa iyon...”

“Huwag mong tawaging papa ang

l

olo, wala kang karapatan! You bastard!” hiyaw niya. At bago pa niya nahulaan ang gagawin ni Charlie ay dumapo na sa mukha niya ang palad nito. Nasadsad sa dingding si Diana.

“Huwag mo akong tawaging ganyan, bitch!” nagpupuyos nitong sinabi.

Dinama ng dalaga ang pisngi. Nanlilisik ang mga matang tinitigan ang lalaki. “Masakit ang katotohanan, `di ba, Charlie?”

Muling akmang sasampalin ni Charlie si Diana nang hawakan ni Kenneth ang braso nito.

“Calm down, Charlie. Wala akong balak masira

ang mukha ni Diana hangga’t hindi siya nagiging akin.

“You fool! Sa palagay mo ba’y hindi pa pinagsawaan ng milyonaryong Fortalejo ang babaeng iyan!” bulyaw ni Charlie rito.

Tumigas ang mukha ni Kenneth. Hinawakan ang buhok niya sa likod at hinila. Napangiwi sa sakit si Diana.

“Totoo ba ang sinasabi ni Charlie, Diana?”

“Bitiwan mo ako, mga hayup kayo!” Lalo pang hinila ni Kenneth ang buhok niya at gusto na niyang maluha sa sakit pero hindi siya dumaing. Pagkatapos ay kinuyumos siya nito ng halik na halos hindi niya magalaw ang bibig at hindi makahinga.

Pabalya siya nitong binitiwan. “Pagbabayaran mo sa akin iyan, Diana. Kay tagal kong nagtiis sa iyo, sa pagiging prudish mo at pagkatapos ay pakikinabangan ka lang pala ng iba!”

m

ay banta sa tinig nito. Nanlilisik ang mga mata sa galit.

“Tama na iyan!” ani Charlie na tumayo. Isang baril ang kinuha mula sa baywang na natatakpan ng polo. “Ipahanda mo ang kotse sa backdoor, Kenneth,” utos nito at mabilis na sumunod si Kenneth na tinapunan muna ng masamang tingin si Diana bago lumabas.

Pakaladkad na inilabas ni Charlie si Diana. “Saan mo ako dadalhin?!”

“Sa mansiyon tayo pupunta ngayon upang ituro mo sa akin kung saan naroon ang mga dokumentong iniingatan ng matandang dela Cuesta. Kailangang sunugin ko iyon at ibigay mo sa akin ang testamento.”

“At patayin din ako pagkatapos mong makuha ang gusto mo, ganoon ba, Charlie?” panunuya niya.

Isang ngisi ang ibinigay ng lalaki rito. Hinagod siya ng malisyosong tingin. “Huwag kang mag-

aalala, Diana. Magtatagal ang buhay mo nang kaunti. May silbi ang magandang katawan mong iyan. Pagkatapos ay hindi na mapupuna kung mawawala kang muli sa paningin ng lahat. At sa nakuha kong impormasyon sa iyo, iisipin nilang kinupkop ka na nang tuluyan ng mga Fortalejo.” Hinila na siyang tuluyan palabas ng silid.

Nagpalinga-linga ang dalaga at nagbabaka-sakaling may maligaw na empleyado subalit hanggang sa nasa likuran na sila’y wala kahit isang empleyado siyang nakita. Working hours at bukod pa sa walang empleyadong gagawi sa executive offices at sa backdoor passage ng Lolo niya. At nang tangkain niyang sumigaw ay malulupit na kamay ang tumakip sa bibig bago pa makalabas ang tinig niya.

“Don’t ever dare, Diana!” singasing ni Charlie sa kanya habang ang kamay nito ay mahigpit na nakatakip sa bibig niya.

Sapilitan siyang isinakay ng dalawang lalaki sa

kotse. Sa likuran ay pinagitnaan siya ng mga ito. Inutusan ni Charlie ang driver na tumuloy sa mansiyon.

“Noong una’y inakala kong mas malayo si dela Paz ay mas mabuti. Mas madali kong magagawa ang gusto kong mangyari. Pero nagkamali ako. Si dela Paz lang ang hinihintay mo upang bumalik sa Maynila upang humingi ng tulong. Puwes, mas wise

ako sa iyo, Diana!”

“Kriminal! Mamamatay na muna ako bago mo mapakinabangan ang mga ari-arian ng mga dela Cuesta!” nanggagalaiti niyang wika rito.

Ngumisi si Charlie. “Pagkatapos mong maibigay ang mga kailangan ko sa iyo, Diana, ay ibibigay naman namin ni Kenneth sa iyo ang langit at pagkatapos ay ang sinabi mo. Mamamatay ka!” At humalakhak itong tila demonyo.

Napapikit si

d

iana. Hindi siya natatakot mamatay kung mamamatay rin lang siya. Pero ang iisiping mapapasakamay siya ng mga buhong na ito ay higit pa sa kamatayan.

May namuong luha sa mga mata niya. Hindi niya gugustuhing madungisan ng ibang lalaki ang sarili. Si Bernard lamang ang nagmamay-ari ng katawang iyon. Si Bernard lang.

At mamamatay na muna siya bago siya magalaw kahit sinuman sa dalawang hayup na nasa tig-isang tabi niya.