Chapter 3
Chapter Three
I
YON
ang simula ng pagbabago ng buhay ni Diana. Mahal siya ng matandang dela Cuesta. Ibinigay sa kanya ang lahat ng pangangailangang naidudulot ng materyal. Pinag-aral sa isang kilala at pribadong escuelahang pambabae. Hatid-sundo ng driver.
Subalit hindi naging madali ang lahat. Isa sa mga dinatnan niya sa mansiyon ay si Charlie,
bunsong anak ni Don Luis. Pahapyaw lamang na naikuwento ng inay niya ang tungkol kay Charlie at maliban sa sinabi ni Leonora na dadalawa silang magkapatid ay wala na siyang iba pang alam tungkol sa tiyuhin.
“Bakit pa ninyo dinala dito ang batang iyon, Papa?” minsan ay narinig niyang sinabi nito. Nakabukas ang pinto ng study ng matanda at papasok sana siya. “Hindi ba at may mga kamag-anak pa naman doon ang ama niyan? Sana ay binigyan na lang ninyo ng pera at hinayaan na ninyo sa bundok.”
“Charlie, apo ko at pamangkin mo si Diana. Obligasyon nating tanggapin siya rito dahil wala na ang kapatid mo.”
n
arinig niya ang paggaralgal ng tinig ng matanda pagkabanggit sa anak.
“Ewan ko ba sa inyo, Papa. Baka mamaya niyan ay gawin din ni Diana ang ginawa ni Leonora at iwan din kayo. Muli kayong masaktan dahil sumama sa isang hampaslupang...”
“Tama na, Charlie!” saway ng matandang don. “Hindi ko gustong marinig sa iyo ang mga bagay na iyan. Kinse anyos lang si Diana at huwag mong pag-isipan ng masama.”
“Nagpaalala lang ako.”
Mabilis siyang lumayo sa lugar na iyon. Bagaman nanginginig ang laman sa inis sa tiyuhin ay wala siyang magawa. Kapatid ito ng inay niya at tiyuhin. Mula nang dumating siya sa mansiyon ay hindi pa siya pinakitaan nito ng pagkagiliw. Lantaran ang ipinakikitang disgusto. Nasa harap man o wala si Don Luis.
Sinikap na lamang ni Diana na huwag laging nagpapanagpo ang landas nila ng tiyuhin. Subalit hindi naging madali iyon. Palibhasa’y nabihisan at hindi na laging nakabilad sa araw ay lumitaw ang tunay na kulay at ganda ni Diana. Naging prominente ang pagiging mestiza.
Ivory skin at buhok na kahit sino ang makakita ay hindi maiwasang hindi humanga. At bagaman hindi naman siya kataasan ay kapuna-puna ang magandang hubog ng katawan.
At tulad ni Leonora noong araw ay hindi
madaling magtaboy ng mga admirer. Mga admirer na lahat ay pinag-iinitan ni Charlie.
“Ano ang ginagawa mo rito?” bulalas ng dalagita nang sa paglabas niya ng banyo ay inabutan niya sa silid niya si Charlie. Binubuklat-buklat ang mga notebook niya.
“Hmm... love letters,” ismid nito. Tinitigan siya nito mula ulo hanggang paa nang may malisya. “Nagpapaligaw ka na, Diana. Ilang taon ka lang ba? Baka bukas-makalawa’y magtanan ka rin tulad ng ina mo.”
Nagpanting ang tainga ni Diana pagkarinig sa pagtukoy nito sa inay niya. Nalimutang tiyuhin ang kaharap at malaki ang katandaan sa kanya.
“Lumabas ka rito! Kung may sasabihin ka’y magbibihis muna ako,” halos pabulyaw niyang sinabi na hinigpitan ang hawak sa buhol ng tuwalya.
Hindi natigatig si Charlie. Nilapitan siya at hinawi mula sa mga balikat ang basang buhok. Napaatras si Diana.
“Wala ka pang isang taon dito mula nang dalhin
ng Papa pero ang laki na ng pinagbago mo, Diana,” wika nito habang patuloy na hinahaplos ng daliri ang nakalantad niyang mga balikat. “Dati’y mailap at tahimik ka. Ngayon ay mataray at matapang. Dahil ba lagi ka na lang kinakampihan ng Papa?”
Tinabig niya ang kamay nito at umatras subalit hamba na ng banyo ang nasa likuran niya. “Wala akong alam sa mga pinagsasasabi mo. Wala akong ipinagbago...”
Tumaas ang mga kilay ng lalaki. “Wala? Hindi ba pagbabago iyong kay ganda mo na ngayon. Pinong kutis na tila labanos. Kataka-takang hindi ka man lang nagkaroon ng kahit bahagyang peklat gayong sa bundok ka nakatira. Hindi ka man lang ba pinalamukan ng hampaslupa mong ama, ha?”
“Wala kang karapatang magsalita nang ganyan sa itay ko!” singhal niya rito sa nagtatagis na mga ngipin. “Asawa siya ng kapatid mo! Wala akong natatandaang masamang sinabi ang
i
nay tungkol sa iyo.”
g
usto niyang idagdag na wala rin namang sinabing mabuti si Leonora tungkol dito.
“Dahil napakahangal ng babaeng iyon.
Maraming mayayamang nanligaw subalit isang tulad lang ni Alfonso ang pinatulan. Isa pa, iba ka kaysa kay Leonora, Diana. Si Leonora ay sweet and gentle. Ikaw ay tila mailap na pusa...”
“Talaga?” panunuya niya. “Puwes, ikaw lang ang may sabi niyan. Ang laging sinasabi ng Lolo ay kamukha ko ang
i
nay!”
“Sa anyo lang, Diana. Bagaman kinuha mo sa Mama ang buhok mo. Light mahogany. Isa sa mga pangunahing atraksiyon mo.”
i
sinuklay nito ang mga daliri sa buhok ng dalagita.
“Lumabas ka rito kung hindi ay isusumbong kita sa Lolo!”
Lalong ngumisi si Charlie. “Ano ba naman sa akala mo ang iisipin ng Papa na gagawin ko sa
pamangkin
ko? Isa pa, hindi ako natatakot sa Papa, Diana!” Hinablot nito ang tuwalyang nakabalot sa katawan niya at kasabay ng pagsigaw ng dalagita sa gulat ay natambad dito ang murang katawan.
“Whew!” Malisyosong hinagod siya nito ng tingin
. Kitang-kita ang matinding pagnanasa sa mga mata.
“Bastos ka!” Isang malakas na sampal ang ibinigay niya rito kasabay ng pagtakbo sa gilid ng kama at muling inabot ang tuwalyang doon hinagis ni Charlie. At bago pa niya tuluyang naipulupot iyo’y bumukas ang pinto at sumungaw si Don Luis.
“Diana, bakit ka... Charlie! Ano ang ginagawa mo rito sa silid ni Diana? At bakit ganyan ang ayos mo, hija?”
“Walang problema, Papa,” sagot ni Charlie na tinapunan siya ng masamang tingin. Hawak ang pisnging tinamaan ng kamay niya. “Tinawag ako ng apo ninyo dahil hindi niya maisara ang gripo sa banyo,” walang anumang sagot nito at nilampasan ang ama sa pinto paglabas.
Kumawala ang paghingang pinipigil ng dalagita. Naroroon pa rin ang sindak sa pagkakatitig sa matandang don na banayad na umiling.
“Magbihis ka, apo, at sumunod ka sa akin sa study ko sa ibaba,” utos ng Don bago lumabas.
Nanlalambot na napaupo sa kama ang dalagita. Bakit ganoon ang pakikitungo ng tiyuhin sa kanya? Hindi naman siya ganoon kainosente kaya alam niyang may malisya ang mga hawak nito. Mayroon bang masamang motibo si Charlie sa kanya? Pero hindi kayang gawin ng tiyuhin iyon sa kanya. Pamangkin siya nito. O, baka lamang tinatakot siya para umalis sa bahay na ito. Pero bakit hindi siya matanggap nito bilang pamangkin?
Paano kung dahil sa nangyari ay pabalikin siya ni Don Luis sa Mindanao? Para lang maiiwas kay Charlie. Hindi niya gustong bumalik pa roon. Masasaklap na alaala lamang ang naghihintay sa kanya. Isa pa’y hindi siya gusto ng mga pinsan. Umpisa pa lang ay kinainggitan na ng asawa ng
t
iyo Crispin niya ang ganda ng inay niya. Ang mga pinsan niya’y hindi rin matanggap na mas maraming nanliligaw sa kanya sa murang gulang.
Ano ang gagawin niya kung saka-sakaling pabalikin siya ng Lolo Luis niya sa Mindanao?
NANG pasukin niya si Don Luis sa study nito ay may dinatnan siyang bisita. Isang lalaking sa tantiya niya’y nasa singkuwenta mahigit ang edad. Pamilyar ang mukha, hindi lang niya matukoy
“Halika, Diana, at ipakikilala kita kay Ramon. Siya ang doktor ko, hija. Si Doktor dela Paz. Ramon, ang apo ko, si Diana,” pakilala ni Don Luis.
Tumayo ang matandang doktor at kinamayan ang dalagita. “Para kong nakita si Leonora noong kabataan, Luis. Lamang ang buhok nitong apo mo ay kinuha mula sa iyong esposa.”
“Iyan din ang malimit kong sabihin sa apo kong iyan, Ramon,” sang-ayon ng matandang don.
“Kumusta po kayo, Doktor dela Paz,” ani Diana.
“Nagagalak ako at nagkatagpo tayo sa wakas, hija. Nito kasing nakaraang mga buwan ay lumabas kaming mag-asawa ng bansa. Sa Canada, dahil naroon ang kaisa-isa naming anak at ang pamilya nito,” paliwanag ng matandang doktor.
Nakadama ng galak si Diana para sa bagong kakilala. Natitiyak niyang makakasundo niya si Dr.
dela Paz.
“And I’d rather you call me, Lolo Ramon, Diana,” dagdag nito. Pagkatapos ay nilingon si Don Luis. “O paano, Ramon, tutuloy na ako dahil may pasyente pa ako sa St. Luke’s. Inaasahan kong dadalhin mo si Diana bukas ng tanghali sa bahay nang makilala ni Conchita.”
“Naroon kami, Ramon.”
“Sige na, hija...” Sinundan ng tanaw ng dalagita ang matandang doktor palabas ng silid.
“Isara mong muli at i-lock ang pinto, Diana,” utos ng matandang sinunod naman ng dalagita.
Tumayo ang matanda at lumakad patungo sa isang bahagi ng silid. Itinaas nito ang isang bilog na center table. Hinawi ang rug doon. Nagsalubong ang mga kilay na pinanonood ni Diana ang ginawa ng matanda. Wala siyang nakikita kundi ang kuwa-kuwadradong marmol. Isang steel nail file ang inilabas ni Don Luis mula sa bulsa ng polo shirt nito. Isiniksik sa pagitan ng marble
squares.
Napasinghap si Diana nang umangat ang isang marmol mula sa sahig. Napayuko siya at tiningnan kung ano ang naroon. Isang maliit na steel box ang nakapaloob sa secret vault. Kinuha ito ng matanda at inilapag nang maingat sa mesa.
Isang susi ang inilabas na muli sa bulsa at sinusian ang steel box. Nang mabuksan ay may isang dokumentong kinuha at iniabot kay Diana.
“Basahin mo, Diana,” utos nito.
Alanganing tinanggap ng dalagita iyon. At sa nanginginig na mga kamay ay pahapyaw munang dinaanan ng mga mata bago tuluyang binasa.
“Oh!”
Muling kinuha mula sa mga kamay niya ang dokumento bago pa siya nakabawi sa pagkabigla. Nasilip niya na hindi lang dokumento ang laman ng steel box. Mayroon pang mahahalagang naroon. Kung paano kinuha ito ng matanda ay sa ganoon ding paraan ibinalik sa panggigilalas ni Diana.
Tinitigan niya ang marmol na ibinalik ng Don na kung tutuusin ay hindi naman mapapansin ang kaibahan kung hindi talaga kabisado. At kahit siya, sa susunod na pagkakataon ay hindi agad matutuhan kung aalisin ang mesang bilog sa tapat at ilipat ng lugar.
Tumayo ang matandang lalaki at bumalik sa upuan nito. “Anuman ang mangyari, Diana, kalasag mo ang dokumentong iyon. At sana’y hindi magkatotoo ang kutob ko. At sana’y hindi mo na kakailanganin ang dokumentong iyan. Hindi ko maaaring ipagkatiwala sa ibang tao, Diana. Hindi na ngayon sa mga panahong ito. Ang kopya ng isang dokumento ay nasa isang safe deposit sa bangko. Malalaman mo iyon. Matanda na ako, hija. Ikaw ang inaalala ko. Magtiwala ka kay Ramon. Hindi niya alam ang tungkol sa marmol pero alam niya ang tungkol sa mga dokumento. Isa siya sa mga witnesses.”
Napahikbi ang dalagita. Inaasahan na niyang pagagalitan siya ng matanda at maaaring ibalik uli ng Mindanao. Hindi niya akalaing ito ang malalaman niya.
“Mula sa paglabas mo sa silid na ito ay kalimutan mo ang lugar na iyan, Diana. Ilang beses na akong nagpalit ng safe sa library na ito.”
i
tinuro
ng matanda ang safe na nasa likod ng isang painting. “Ilang beses ko nang alam na may gumagalaw diyan pero hindi ako kumikibo at kunwa’y walang alam. Ngayon ay hindi mo kailanman lalapitan ang lugar na iyan kung hindi rin lang kinakailangan. At sana’y hindi mo na kailangan.”
“Oh, Lolo...”
“Sige na apo, lumabas ka na. You’re strong and wise as your mother was and I know you can take care of yourself.”
Iyon ang naging huling pag-uusap nila ni Don Luis tungkol sa bagay na iyon na kung tutuusin ay nakalimutan na rin niya.
Si Charlie ay patuloy sa pakikipagkagalit sa ama tungkol sa perang lagi na lang nitong kailangan.
“Bakit nagbigay kayo ng order sa kahero na hindi ako puwedeng kumuha ng pera doon?” Minsan ay narinig niyang singhal ni Charlie sa ama. Naroon ito sa silid ni Don Luis na katabi lang ng silid ni Diana. “Pinahiya ninyo ako!”
“Marami ka nang perang nakukuha sa kompanya, Charlie. Hindi ko alam kung saan mo dinadala. At
hindi ka nagtatrabaho. Hindi mo inaayos ang pangangasiwa sa kompanya.”
“Sinabi ko na naman sa inyong may sinisimulan akong isang negosyo at kailangan ko lagi ng capital!”
“Aanhin mo ang negosyong sinasabi mo gayong ang kompanya lang ay hindi mo pa maasikaso?” mahinahon pa ring sagot ng matanda.
“Gusto kong magkaroon ng sariling negosyo, Papa. Iyong hindi laging umaasa sa iyo,” katwiran nito.
“Pareho rin iyon, hijo. Sa pera ko nanggaling ang kapital mo,” bagot na sagot ng matanda. “Kung gusto mong magkapera ay ayusin mo ang trabaho mo sa kompanya. Nakakahiyang malaman ng mga executive ko na sarili ko pang anak ang dumidispalko ng pera ko.” Bagaman banayad ay naroon ang katigasan sa tinig ng matanda.
“Anak ng...!” pagmumura ni Charlie at napangiwi si Diana. Bumalik sa sariling silid at marahang isinara ang pinto. Subalit makalipas ang ilang minuto’y muli itong bumukas at pumasok si Charlie. Nanlilisik ang mga mata nitong nakatitig sa kanya.
“Mula nang dumating ka rito ay nahirapan na akong humingi ng pera sa Papa! Siguro ay sinusulsulan mo ang Papa na huwag akong bigyan
ng pera.”
“At bakit ko naman gagawin iyon, Charlie?” mahinahon niyang sagot bagaman may kaba sa dibdib. “Anak ka ng Lolo at karapatan mong manghingi ng pera sa kanya anumang oras. At kung mayroon akong sariling pera ay ibibigay ko sa iyo nang hindi mo kinakagalit ang Lolo. Maysakit siya.”
Tinitigan siya nang matiim ng lalaki at tila inaarok ang sinasabi niya. Pagkatapos ay wala ring kibong lumabas ng silid.
Patuloy sa paglipas ang mga araw. Katatapos lang ng party niya na ibinigay ni Don Luis para sa ikalabing-walong kaarawan niya. Maligayang-maligaya ang dalagang pumanhik sa sariling silid at nagsisimula nang magbihis. Hustong mga panloob na lamang niya ang natira nang biglang bumukas ang pinto.
“Charlie...”
“Happy birthday. Diana,” malagihay nitong sinabi. Wala ito sa party niya kanina at malamang ay ngayon lang dumating. Lasing pa. Pero hindi niya kinaamuyan ng alak. “Wala akong regalo sa iyo, hija. Pero may iba akong alam na regalong tiyak mong magugustuhan.”
b
ago pa niya naintindihan ang sinasabi nito ay nakalapit na at niyakap siya at pinaghahalikan.
Ubos-lakas niya itong ibinalya na dahil marahil
sa kalasingan ay sumadsad sa dingding.
“Huwag kang parang ahas, Charlie,” pagalit niyang sinabi rito. “Wala kang utang-na-loob matapos ang ginawa sa iyo ng Lolo!”
Sukat doon ay tila nawala ang kalasingan ni
Charlie. Marahas siyang hinawakan sa mga balikat.
“Alam mo! Sinabi sa iyo ng matanda. Duda na nga ba ako. Nasaan ang katibayan, Diana? Nasaan?” Kinabahan si Diana sa tila demonyong anyo nito.
“A-anong katibayan ang hinihingi mo? Hindi ko alam ang sinasabi mo, Charlie...”
Pagkamuhi at pagkasuklam ang inilalabas ng mga mata ni Charlie para sa kanya. Matagal siya nitong tinitigan. Ibinalya siya at lumabas ng silid. Magmula noon ay lalong naging maingat si Diana. At hindi iisang pagkakataong naabutan niyang magulo ang mga gamit bagaman nagsisikap ang kung sino mang nakialam na ibalik sa dati ang ginalaw.
Subalit ang higit na nakapagtataka ay ang biglang pagbabago ni Charlie. Na kahit si Don Luis ay lubhang nagalak. Pinangatawanan ni Charlie ang tungkulin sa opisina. At sa loob ng mahabang panahon ay totoong malaki ang ipinagbago. Gusto niyang matuwa alang-alang sa Lolo pero hindi
maramdaman ni Diana iyon. Alam niyang may binabalak si Charlie.
Katatapos lamang niya sa kolehiyo nang ipakilala sa kanya ni Charlie si Kenneth. Ang bagong chief accountant ng pabrika. Guwapo at simpatiko. Half-
a
merican, half-
f
ilipino. Niligawan siya nito at sinuyo at dahil na rin sa udyok ni Charlie at sa pagsasabing si Kenneth ang karapat-dapat sa kanya ay sinagot niya si Kenneth makalipas ang ilang buwan.
At bagaman wala siyang tiwala sa mga pagbabago ni Charlie ay hindi kailanman inisip ni Diana ang eksenang dinatnan niya sa mansiyon nang patayin nito at ng mga kasama si Don Luis.
BALYA ng pinto ang nagpabalikwas kay Diana at nagpabalik ng isip sa kasalukuyan.
“Bernard!”