Chapter 2
Chapter Two
G
ALIT
na ibinuhaghag ni Diana ang laman ng mga plastic bag. Denim pants all in in designers’ label at lahat ay sizes niya. Hindi kataka-taka iyon dahil tiyak na nakita ni Bernard ang size ng suot niyang pants. Pagkatapos ay mga signature shirt and blouses. Casual and semi-formal dresses. Tatlong pirasong one-piece swimsuit, again in designers’ labels. Kung wariin pa nga niya’y baka one of a kind ang mga swimsuit.
Paismid niyang inihagis ang mga iyon. Conservative beast! Hindi two-piece ang pinili. Ang isa pang plastic bag ay naglalaman ng mga underwear. Dozens of them. In fragile laces at iisang kulay lahat, puti. And nightwears, all in soft colors.
Pinamulahan siya ng mukha roon na lalo pang nagpatindi ng galit niya. Kahit ang mga intimate garment niya ay binili ng lalaking iyon.
Galit niyang inihagis ang mga pinamili ni Bernard. Damn, damn, damn! Ano ba siya,
sinusustentuhang babae? Bayarang babae? Kept woman?
Nagpupuyos ang dibdib na lumipat siya sa main suite at dumapa sa kama at umiyak nang umiyak sa matinding galit at sama ng loob. Hindi niya matiyak kung saan niya dapat isisi ang mga nangyayari sa buhay niya. Kung kay Charlie o sa sarili na rin.
She should have not bargained with Bernard. Dapat ay pinagsikapan niyang takasan ito. O di kaya ay binayaran na lang niya ang perang inihagis nito sa mga holdaper. Mahigit pa roon ang halaga ng pearl earrings niya. Bukod pa sa may kaunti pa siyang natitirang pera.
Sa pagitan ng mga luha ay siya na rin ang kumontra sa iniisip. Naalala ang sinabi ni Bernard.
“Hindi ako interesado sa pera mo, o sa mga jewelry mo. I am not even sure if I give a damn if you come naked...”
Ang sabi ng matanda sa kanya sa basement ay matapang siya. No. He was wrong. Takot siya kay Charlie. Takot siya para sa buhay niya kaya siya tumakas mula rito.
At kay Bernard siya bumagsak. And her precious self, her virginity ay ibinigay niya rito. And worst na gusto niyang sipain ang sarili, she enjoyed the sensual violations of her body. Tiniyak ni Bernard na hindi niya malilimutan ang unang gabing iyon sa buhay niya. He was gentle and loving, made her feel precious and loved.
Oh, she could see the hunger in those damned raven-black eyes!
Lust! Pure lust.
And why not? Lahat naman ay nagnanasa sa katawan niya. Unang-una na si Charlie. Hindi nga ba kung hindi siya naging maingat ay matagal na nitong napagtagumpayan ang masamang hangarin sa kanya dalagita pa lamang siya. And there was also Kenneth na mula nang makilala niya at maging boyfriend ay wala nang hinangad kundi ang maangkin siya. Huwag nang ibilang pa ang ilang mga manliligaw na kung hindi siya ang hinahangad ay ang kayamanang mamanahin niya kay Don Luis dela Cuesta.
Sa pagitan ng paghikbi ay binalikan sa isip ang lahat ng nangyayari sa buhay niya. Lahat, mula pa noong araw na hinangad niyang sana’y kasama
siya ng mga magulang na namatay...
KANINA pa siya sa magkatabing puntod na iyon. Malakas ang ihip ng hangin at bahagya nang umaambon pero hindi gustong umalis ni Diana. Hindi iniinda ang lamig na nanunuot sa malamig niyang duster.
Sa mga puntod na iyon nakalibing ang mga magulang niya. Inilibing may isang apat na araw na ang nakaraan. At ilang beses na ba niyang ninais na sana’y kasama siya ng mga itong namatay? Na sana’y hindi niya sinunod ang utos ng mga magulang.
Dahil ano na ngayon ang gagawin niya? Saan siya pupunta?
Isang logger ang tatay niya. Mahirap na trabaho pero sapat para makaraos ang buhay nila. Nakapag-aaral siya. Katunayan ay magtatapos na siya sa high school ngayong buwan na ito.
Ang di-kalakihang kubo nila’y malapit lang sa gubat kung saan nagpuputol ng troso ang
kompanyang pinagtatrabahuhan ng ama. Bagaman hindi na talaga tahimik ang bahaging iyon ng Mindanao ay nakakaraos sila sa araw-araw. Hanggang sa naging marahas ang mga rebelde kahit sa mga simpleng mamamayan. Dahil na rin marahil sa pagkalat ng mga militar sa bayan at baryong iyon at napilitan ang mga rebeldeng magtago nang husto at sa gayo’y maubusan ng supply ng pagkain.
Minsan nang napagkuwentuhan ng mga magulang niya ang tungkol sa demand ng mga rebelde sa may-ari ng kompanya ng malaking halaga. Subalit hindi natigatig ang kompanya. Nagkalakas-loob dahil nga sa prominenteng mga militar sa paligid.
Isang gabi ay nagulat na lamang silang mag-ina nang pumunit sa katahimikan ang sunod-sunod na putok ng mga armalite. Kasunod niyon ay ang paghangos pauwi ng tatay niya mula sa pakikipagkasiyahan sa mga kasamahan sa barracks ng mga ito.
“Leonora, balutin mo ngayon din ang mga gamit natin, dalian mo!” hangos na bungad ni Alfonso. Tinungo ang aparador at halos matanggal sa mga bisagra ang saraduhan dahil sa lakas ng pagkakahila. Pahablot na inilabas ang mga gamit.
“Balutin mo ngayon din ang mga gamit natin, Leonora. Dalian mo!” nagmamadaling wika nito. Inilabas ang mga importanteng gamit mula sa aparador.
“Alfonso, bakit? Ano ang nangyari? Saan galing ang mga putok ng baril na iyon?” sunod-sunod na tanong ni Leonora na hindi maikakaila ang pag-aalala sa mukha at tinig. Kasabay niyon ay ang muling pag-ilanlang sa gabi ng mga bala ng armas.
“Sinalakay ng mga rebelde ang barracks! Sinira ang mga logging equipment!” Sinulyapan nito si Diana na napatayo mula sa pag-aaral ng leksiyon. “Diana, tulungan mo ang nanay mo, dali! Piliin ninyo ang talagang mga kailangan lang natin.”
“Ma—makararating ba sila rito?” Si Leonora
uli na nagsisimulang ilagay sa lumang maleta ang mga gamit nila.
“Hindi lang barracks ang sinasalakay nila, pati na ang kubo ng mga kasamahan natin. Nakatakas lang ako dahil pauwi na talaga ako. Huwag ka nang maraming tanong pa.”
s
umilip ito sa bintana ng kubo at hindi kailanman malilimutan ni Diana ang sindak sa mukha ng ama.
Binalingan nito ang mag-ina. “Umalis kayong mag-ina, ngayon din!” matigas nitong utos na itinayo mula sa pagliligpit si Leonora at hinawakan sa braso si Diana. “Sa likod kayo magdaan, bilisan ninyo. May naaaninag akong mga lalaki sa kubo ni Pareng Doming at...”
h
indi pa nito natatapos ang sinasabi nang muling pumailanlang ang mga bala sa karimlan.
“Hindi kita iiwan, Alfonso!” determinadong sagot ni Leonora. Si Diana ay pinaglipat-lipat ang tingin sa mga magulang. “Sama-sama tayong umalis ngayon din!”
“Hahabol sila, Leonora, `pag wala silang
makitang tao sa kubong ito! Nakita kong hinabol nila ang pagtakas ni Dandoy at... Umalis na kayong mag-ina, wala nang panahon. Susunod ako.”
h
alos ipagtulakan nito ang dalawang babae.
Kalmanteng nagsalita si Leonora. “Diana, sundin mo ang tatay mo, anak. At ipangako mo sa amin, isumpa mo, na kahit ano ang mangyari ay hindi mo pahihintulutan ang sariling mapahamak sa kamay ng mga rebelde!”
“Inay, Itay!” Unti-unting tumulo ang mga luha niya.
“Sumumpa ka, Diana, at tumakbo ngayon din!”
Isang mahigpit na yakap ang isinagot ng dalagita sa mga magulang subalit marahas siyang itinulak ng ama patungo sa likod-bahay.
“Tumakbo ka, Diana. Takbo. At magtago ka sa dilim. Proteksiyon mo ang dilim,” desperadong bilin ni Alfonso. Kitang-kita sa mukha ang sindak para sa anak.
Tumakbo ang dalagita. Hindi niya gustong
sundin ang mga magulang pero nasa mga mata ng mga ito ang determinasyong makalayo siya sa lugar na iyon.
Hindi niya alam kung gaano na siya kalayo mula sa kubo nila nang isang nakatutulig na mga putok ng armalite ang nagpahinto sa kanya. Sindak siyang tila naestatwa sa gitna ng dilim at mga dawag. Gusto niyang bumalik. Gusto niyang takbuhin ang mga magulang.
“Isumpa mo, Diana, na hindi mo pahihintulutan ang sarili mong mapahamak sa kamay ng mga rebelde!”
Bumagsak sa makapal na damo ang dalagita. Hindi ininda ang mga tinik at dawag na sumusugat sa balat niya. Tahimik na humagulhol.
“Isinusumpa ko
i
tay,
i
nay. Hindi lang sa mga rebelde kundi sa mga masasamang tao!”
Naging laman ng mga peryodiko ang massacre na iyon. Kumilos ang mga militar. Wala isa
man sa mga rebelde ang nahuli o napatay. Subalit iba ang nakalagay sa peryodiko. Karamihan daw sa mga ito ay nadakip at napatay.
Ganoon pa man ay kumilos ang pamahalaan at ang may-ari ng kompanya. Naglaan ng pinansiyal na tulong sa mga naulila at nakaligtas. Kasama siya sa mga nabigyan ng salaping tulong.
Hindi niya gustong tanggapin dahil walang kabayaran ang buhay ng mga magulang. Pero alam niyang hindi rin naman ginusto ng mga itong mapahamak ang mga tauhan at ang malugi sa milyon-milyong halaga ng heavy equipment na sinira ng mga rebelde. Tinanggap niya ang tulong sa praktikal na dahilan.
Wala na siyang iiyak pa sa harap ng puntod ng mga magulang. Naubos na niya. Lumalakas na ang ulan pero hindi niya gustong umalis doon. Ni hindi niya naririnig ang pagparada ng isang sasakyan sa may di-kalayuan. Maging ang papalapit nang mga yabag kahit na nga ba gumawa
iyon ng ingay sa mga tuyong sanga na natatapakan.
“Hija...”
Bahagya nang narinig ni Diana iyon pero hindi siya tumitinag. Ang mayor marahil sa bayan. O ang kapitan del baryo.
Banayad na mga kamay ang dumantay sa mga balikat niya. “Umuulan na, hija. Iuuwi na muna kita.”
Hindi pa rin siya lumilingon. “Walang uuwian. Sinunog nila ang kubo, `di ba?” humihikbi niyang sagot. Nakikitira lamang siya sa kapatid ng ama na nakatira sa bayan. At bagaman wala siyang masasabi sa Tiyo Crispin niya ay hindi siya gusto ng tiya at mga pinsan niya. Dagdag pakainin. Kung hindi dahil sa perang tinanggap niya sa kompanya at pamahalaan ay hindi mangingiti ang mga ito sa kanya.
“Mayroon kang uuwian, apo. Mayroon.”
Apo!
May bahagi ng isip niya ang gumana. Bigla siyang humarap.
“Leonora!” bulalas ng matandang lalaki.
“Ako si Diana, ang anak niya,” mariing sagot niya sa pagkamangha ng matandang lalaki. Hindi siya nagtataka roon dahil sabi ng nakararami ay para siyang idinapa sa ina. “Nasa puntod na iyan ang
i
nay...at ang
i
tay...”
Niyakap siya ng matandang lalaki. Nararamdaman niya ang banayad nitong pag-iyak. Ewan niya, pero sa sandaling iyon ay may pakiramdam siyang hindi siya ang nangangailangan ng simpatya at konsolasyon kundi ang matandang ito.
Ang matandang ito na ama ng inay niya. Hindi ikinaila sa kanya ni Leonora ang tungkol sa papa nito. Si Alfonso ay isa sa mga empleyado sa pabrika ni Don Luis dela Cuesta. Ang dating kuwentong umibig ang anak ng mayaman sa mahirap. Natural na tinutulan ng mayamang ama.
Subalit matigas si Leonora. Inilaban ang pag-ibig. Itinakwil ng ama nang sumama kay Alfonso. Subalit nang magdalang-tao ay sumuko ang matayog na Don. Hindi binawi ang anak bagkus
ay nag-alok ng tulong. Tumanggi si Alfonso at Leonora. Ilang beses na tinangka ng matandang lalaki na tulungan ang mag-asawa, lalo na nang ipanganak si Diana. Pero iisa ang sagot ng mga ito:
Patutunayan nilang kaya nilang tumayo sa sariling paa at buhayin ang anak.
“Sumama ka sa akin sa Maynila, apo. Nakikiusap ako,” samo ng matanda makalipas ang ilang sandali. Nakatitig sa kanya. Sa matigas niyang anyo. “Hayaan mong bawiin ko ang mga pagkukulang ko sa ina mo.”
Hindi niya alam kung paano niya nasabi ang sumunod na mga salita. “Hindi ka nagkulang. May sarili silang buhay. Pinili nila iyon at maligaya sila. Kung mabubuhay silang muli ay natitiyak kong pipiliin pa rin ng Inay ang buhay niya sa piling ng
t
atay. Hindi kami naghihikahos. Maayos kaming namumuhay hanggang sa dumating ang trahedya.”
Isang marahang tango ang isinagot ng matanda.
Nagpatuloy siya. “Huwag mong sisihin ang sarili
mo. Sasama ako sa iyo dahil ikaw ang lolo ko. Dahil ikaw na lang ang natitirang kamag-anak ko sa panig ng
i
nay. Dahil sinabi ng Inay na hindi ka masamang ama. Dahil mahal ka ng Inay. At gusto kong tanggapin mo ako dahil apo mo ako, hindi extension ng Inay.”
Noon lang ngumiti ang matanda. “Aminin mo man o hindi ay wala kang ipinagkaiba kay Leonora, apo. And yes, we have a deal. I’m taking you back home, dahil ikaw ang aking kaisa-isang apo.”