noveltoon logo noveltoon
Amore (Kristine Series 6)

Chapter 5

Ch. 5 / 10 Nov 28, 2025

Chapter 5

Chapter Five

A

LAS-

nueve

y media nang dumating si Bernard sa opisina.

“Good morning, boss.”

s

i Mrs. de Lara. “Nasa loob na silang lahat. You’re thirty minutes late.”

Huminga nang malalim ang binata. “Strong and black coffee, Andrea,” utos niya sa sekretarya. Pumasok sa isip si Diana na iniwan niyang natutulog sa suite kaninang bago mag-alas-dose ng hatinggabi. She was so tired na hindi na namalayan ng dalaga ang pagpanhik niya sa rooftop para sa chopper na maghahatid sa kanya rito sa Maynila. At bagaman alas-dos ng madaling-araw ay nasa bachelor’s pad na siya ay naging napakailap ng tulog dahil okupado ni Diana ang isip niya.

Pumasok siya sa sariling silid at pagkatapos ay binuksan ang accordion door na siyang naghihiwalay sa pagitan ng pribadong silid niya at ng conference room. Bumati ang mga ito pagkakita sa kanya.

“Good morning.”

t

umikhim siya at iginala ang paningin sa mga nakaupo sa palibot ng conference table. May mga dokumento ang bawat isa sa harap. Naroon si Marco at Emerald. Si Nathaniel sa halip na si Margarita, si Josef, at ang dalawang senior executive ng Kristine Cement na ang isa’y may 10% share, at 5% naman ang isa.

Bahagyang naningkit ang mga mata ni Bernard nang mahuli ang mga mata nina Nathaniel at Zandro. Mga hindi nagsasalita pero ang mga ngiti ay makahulugan.

“Hindi ka nakarating kagabi, Bernard. Kayo ni Diana. Nagtatampo si Margarita. Inaasahan niyang pareho kayong makasalo ni Zandro sa hapunan,” paninita ni Josef sa seryosong tono. “Ang sabi nitong dalawang lalaki ay may importanteng bagay kang inasikaso sa hotel. Tungkol ba dito sa meeting na ito?”

Sabay na nagtawanan si Zandro at Nathaniel. Kung nakamamatay ang tinging ipinukol ni Bernard

sa mga ito ay natumba na ang dalawa.

“Babawi na lang ako sa susunod na pagkakataon, Kuya Josef,” pormal niyang tugon. Pumasok si Andrea at inilapag sa tabi niya ang hininging kape. Pagkatapos ay naupo sa puwesto niya ang sekretarya upang kumuha ng minutes ng meeting. “Binubuksan ko ang meeting na ito at bilang pasimula ay gusto kong ipakilala sa board si Zandro Fortalejo.”

s

inulyapan ang kapatid na banayad na tumango bagaman nakipagkilala na ito kanina sa dalawang senior executive bago pa dumating si Bernard.

Nagpatuloy ang binata na ang mga mata’y nakatuon sa dalawang hindi miyembro ng pamilya. “This is a family matter, ganoon pa man, since this is a family corporation, tamang pagkakataon para sabihin ko ito. Kung ipinahihintulot ng batas na ipagkaloob ko sa iyo, Zandro, ang

v

illa Kristine ay legal kong ipagkakaloob, but my lawyer here, Marco...”

“Excuse me,” agap ni Zandro. “May I have the floor?”

Tumango si Bernard.

“Entail or not Bernard, legal na ipinamana sa iyo ng Papa ang mga iyon. At muli ay uulitin kong sabihin na hindi ko kinokontesta ang testamento ni Senior Leon. Make this formal and binding, wala akong interest sa villa now or in the near future.”

Mga kaluskos ng papel sa harap ng bawat isa ang sunod na maririnig. Nagpatuloy ang chairman ng Kristine Cement.

“Gusto kong ipaalam sa board na bukas ang 15% share of stocks ni... Jewel Fortalejo.”

s

andaling nabasag ang tinig ng binata roon. At gusto nitong isumpa ang sarili. Now, he could again feel the pain. Pero kagabi lang ay nasa piling siya ng ibang babae. Ibang babaeng inalok niyang bibigyan ng kanyang pangalan. Offering Diana his name didn’t bother him so much. Pero ang nadarama niyang emosyon para dito ang bumabagabag sa kanya.

He wanted Diana para makaahon mula sa

dalamhating idinulot ng pagkamatay nito. Kasabay rin noon ang pagkadama ng guilt dahil totoong sa piling ni Diana ay naglalaho sa alaala niya ang babaeng iniibig. At hindi niya gustong mangyari iyon.

“Ang shares ay isang inheritance na automatically ay mauuwi sa mga malapit na miyembro ng pamilya. At si Anna iyon. But since na nasa America si Anna na tulad ng alam nating lahat ay hindi interesado sa anumang bagay may kinalaman sa ari-arian ng mga Fortalejo, then kay Emerald iyon mauuwi. Let us make this formal and binding.”

Tumikhim si Emerald. Bumaling sa asawa na tumango. “Napag-usapan na namin kagabi ni Marco ito, Bernard.”

n

ilinga niya ang miyembro ng board. “I already have my fifteen percent inheritance. That is more than enough. At dahil ako ang legal na representative ng pamilya sa meeting na ito, legal ko ring ipinagkakaloob ang manang iyon sa higit na may karapatan, sa iyo Zandro Fortalejo.”

n

akangiting bumaling si Emerald sa tiyuhin.

Bagaman alam nitong si Zandro ang tanging mahirap sa mga naging anak ni Leon Fortalejo sa ibang babae ay hindi masasabing pinabayaan ito ng Don. Pinagkalooban ito ng sapat na halaga na kung naging matalino sa paggamit si Clarita ay sapat upang mabuhay nang maalwan.

Si Zandro ay marahang huminga nang malalim. “I... I... don’t know what to say.”

s

a kauna-unahang pagkakataon sa buhay nito ay bahagya itong nautal. Ang magkaroon ka ng 15% shares sa Kristine Group of Companies ay sampung doble kaysa sa iniwang halaga ni Leon sa kanya noong bata pa siya. But then, hindi pa naman naitatayo ang mga kompanya noong panahong iyon.

“You don’t have to say anything. Just sign the documents,” pormal na pahayag ni Bemard pero may kislap sa mga mata.

“Welcome to the board, Mr. Fortalejo,” amused na wika ni Marco na iniabot ang mga dokumento

sa binata.

“Thank you, Marco.”

n

agsisikip ang dibdib nitong pinirmahan ang mga kaukulang espasyo.

“Kung mayroon pang nais i-discuss ang board, the floor is open,” ani Bernard. May mga nagkomento ng kung ano-anong maliliit at importanteng bagay para sa kompanya at lahat ng mga iyon ay pinag-aralan at inilagay sa minutes. Makalipas ang sumunod ay na-adjourn ang meeting. Kinamayan ng mga naroroon si Zandro bilang pagtanggap.

“Gusto kong magpasalamat sa inyong lahat, lalo na sa iyo Emerald at sa iyo Bernard,” ani Zandro sa gumagaralgal na tinig nang ang mga naroon ay sila na lang. “Alam kong hindi nabayaran ng buhay ni King ang pinsalang naidulot nito pero patuloy kong inihihingi ng paumanhin...”

Halos humihiwa ang katahimikang sumunod sa pagkakabanggit sa trahedya. Si Marco ang bumasag sa katahimikan matapos mag-alis ng bara ng lalamunan.

“Hindi ipinahintulot na sa kamay ng isang Fortalejo nagbayad si King. At tama ka, Zandro. Hindi nababayaran ang buhay. But it’s all over. We must go on living.”

s

inulyapan nito ang pamangkin sa makahulugang paraan. Pagkatapos ay muling itinuon ang mga mata kay Zandro, ngumiti, at kinamayan.

“Naalala mo ba noong una akong pumarito, Bernard?” Tumango ang binata. “I wanted to talk business with you then. Hindi ako iniwanang wala ng Papa. He deposited some considerable amount of money in trust na withdrawable pagdating ko ng twenty-five. And that was four years ago. Sa pakiusap ko ay ginamit ni Senior Leon ang kapangyarihan niya to talk to the bank people kung magkano na dapat ang perang nakatago. Sa puntong iyon ay ikinatuwa kong hindi nakapag-aral ang Mama dahil hindi na nito kinuwestiyon iyon. Si King ay sa pera lang interesado. Less than half of the money ay ginamit ko sa pagbili ng isang lupain hindi rin gaanong nalalayo sa Paso de Blas, by sea.

“It is a wilderness and undeveloped. At walang nakakaalam noon kundi ako. Kaya ako narito noon ay upang mangutang sana ng mga materyales na kakailanganin ko sa pagpapatayo ng mga necessary facility. Ganoon din ang paghingi ng garantiya sa iyo sa iba ko pang mga kailangan. Now, that I have the 15% shares, siguro ay maaari kong magamit iyon bilang garantiya sa uutangin ko.”

i

nikot nito ang mga mata sa mga taong naroroon. Nagkatinginan ang bawat isa. All with amusement in their eyes.

Tumikhim si Bernard. “Zandro Fortalejo, with or without the 15% shares, you can have whatever you want... brother.”

SA

ibang

panig ng Maynila.

“Ano ang balita?”

s

i Charlie sa private detective na binayaran. Sinulyapan si Kenneth na nakaupo sa may sofa at naghihintay rin sa sasabihin ng detective.

“Na-trace ko na ang may-ari ng plate number

ng Mercedes Benz na sinakyan ni Diana, Mr. dela Cuesta.”

Bahagyang napahugot ng paghinga si Charlie. “Kanino? Sabihin mo kaagad,” apura nito. Wala sa loob na nakuyumos ang mga papel sa harap.

“Big time, Mr. dela Cuesta. Hindi basta-basta. One of the richest... and powerful bagaman tahimik lang. Anak ni Don Leon Fortalejo. Maraming connections during his lifetime. Nagmamay-ari ng isang entire town, almost an island. Ang meat farm ng pamilya ay isa sa mga major supplier ng bansa. Ang anak ang nagmamay-ari ngayon ng malalaking kompanya. Isa na rito ang Kristine Cement. Huwag nang isali pa ang Kristine Steel na pinamamahalaan ng isang tiyuhin at ang asawa nito, si Marco de Silva, also rich and powerful. Untouchable at isang shrewd and topnotch lawyer.” Halos hindi huminga ang detective sa pagre-report.

“Sonofabitch!” Nagtalbugan ang mga papeles sa mesa sa lakas ng pagkakasuntok ni Charlie. Si Kenneth man ay nagtagis ang mga bagang.

Tumayo at nagpaikot-ikot sa buong study. Napatutok ang pansin sa rug sa ibaba ng maliit na mesa. Lumapit at inayos ng paa ang natuping rug. Pagkatapos ay binalingan ang detective.

“And she must have sold herself to that devil!” patuloy nito na ang mga ugat sa leeg ay halos maglabasan.

But I’ll get you, Diana, kahit nasa pangangalaga ka pa ng kahit na sinong demonyo. Akin ang mga ari-arian ng mga dela Cuesta. At ikaw ang passes ko roon.

At habang nagtatagal na makita nito si Diana ay lalo lang kinakain ng galit ang dibdib nito. Lalo na at wala na itong pera. And damned those wretched employees na hindi gustong i-honor ang signature at utos niya.

Patay na ang matanda at bilang nag-iisang anak ay dapat na manahin niya ang kompanya at ang mga ari-arian nito. Pero wala ang testamento ng matandang Luis dela Cuesta. Ang abogado nito’y may hawak na dokumentong nagpapatunay na

tangi lamang sa harap ni Diana Montero babasahin ang testamento. At kung wala si Diana sa loob ng isang taon matapos itong mamatay, ang lahat ng ari-arian ng matanda ay mauuwi sa kawanggawa.

At pitong buwan na halos na hina-hunting nito ang dalaga. Nauubos na ang panahon nito. At wala na siyang pera para ibayad sa mga tauhan niya.

“What now?”

s

i Kenneth makaalis ang private detective.

Bago pa makasagot si Charlie ay nag-ring ang telepono sa tagiliran. “Hello,” mainit pa rin ang ulong padabog na sumagot.

“Easy, Charlie boy...”

“B-boss...”

“You’re running out of time, my boy...”

“S-sandaling panahon na lang, boss. Nakita ko na si Diana.”

“Really? That’s good news. Nasaan siya?”

“Nasa pag-aaruga ng isang...”

s

andaling inisip ang pangalan. “...ng isang Fortalejo, boss.”

Sandaling natahimik ang kabilang linya. Nakarinig si Charlie ng banayad na pag-ubo. “Fortalejo as in Kristine Cement, Kristine Steel, Kristine Hotel-Resort at kung ano-ano pang Kristine, Charlie?” mapanganib ang tono nitong tanong.

Napalunok si Charlie. Nagpahid ng pawis sa noo. “I-iyon nga, boss.”

“Then you’re dead, Charlie.”

t

iniyak ng nasa kabilang linya sa galit na tinig. “Mataas pa sa Empire State Building ang connections ng mga iyon. Tahimik at simple ang pamilya but they’re respected by the law. Huwag nang idagdag pa kung gusto nilang kumilos pailalim. They could pay the devil himself. At wala akong balak madamay...”

“H-hindi, boss. Bigyan mo ako ng kaunti pang panahon at tinitiyak ko sa iyong mapababalik ko si Diana at hindi kailangang makialam ang mga Fortalejo. Mababayaran ko ang utang ko sa iyo...”

“Tsk... tsk... ikaw ang anak ni Luis dela Cuesta, Charlie, bakit kailangan mo ang pamangkin mo?”

Hindi agad nakasagot ang lalaki. “Personal, boss. Pero babayaran kita anuman ang mangyari.”

“Tiyakin mo, Charlie,” anang kabilang linya sa banayad subalit mapanganib na tinig. “Dalawang

linggo ang panahong ibibigay ko sa iyo. Walang labis walang kulang.”

Nawala na ito sa linya. Nagpahid ng pawis si Charlie. Isinandal ang sarili. Kailangang makagawa siya ng paraan upang bumalik nang kusa si Diana bago matapos ang taning nitong araw at bago tuluyan na mawalan siya ng perang ipambayad sa mga tao.

MAINGAT na binuksan ni Bernard ang pinto ng suite sa pamamagitan ng sariling susi. Maingat ding isinara. Hindi nito kailangan ng ilaw dahil kabisado ang buong silid. Hindi naman gaanong madilim dahil pumapasok ang liwanag ng buwan sa silid.

He stared at the woman in his bed, peacefully sleeping. Nakatagilid at nakayakap sa isang unan. Sa villa ito dapat umuwi pero hindi nito kayang pigilin ang sariling hindi makita si Diana. He’d been away for two days and he missed her. Umiling ito. Tinanggihan ang sariling kaisipan. No, he did’t miss her sa totoong kahulugan ng salita.

There’s only one woman that he missed so terribly and she’s gone... beyond reach.

At si Diana? He wanted her... hungered for her body. He wanted to bury himself deep inside her. Lunurin sa dalaga ang lahat ng sama ng loob, sakit

at pait na nasa dibdib nito. And she is very much willing, naturally and sweetly submissive. She will make a very adept partner in bed. At ang iba pang tungkulin na kaakibat ng pagiging Mrs. Bernard de Silva Fortalejo ay hindi na mahalaga.

Pakakasalan niya si Diana. Pakakasalan niya ang estrangherang ito... and yet stranger no more.

Unti-unti itong nag-alis ng mga kasuotan nang hindi gumagawa ng ingay. Pagkatapos ay pumasok sa banyo.

Si Diana ay bahagyang naalimpungatan sa tila ulan na naririnig niya. Pero muli ring nakatulog.

Pinatutuyo na ni Bernard ang buhok sa pamamagitan ng tuwalya nang lumabas ito. Saglit itong nahinto sa ginagawa nang mapatingin sa dalagang natutulog. Sa pagkakataong iyon ay may liwanag na nanggagaling sa banyong nakabukas pa.

Dio!

She was naked!

She probably shifted position dahil nakadapa na ang dalaga. Ang isang braso ay nakabitin sa kama. At marahil sa pag-ikot ay humulagpos ang kumot na nakatakip sa katawan. Now, the linen is covering a small part of her behind.

Now, he was really hot and alive. Marahan siyang bumaba sa kama sa tabi nito. Inalis ang kumot na nakatakip sa kapirasong bahagi ng katawan. His fingers stroked her skin. Banayad nitong hinawi ang buhok ng dalaga at hinagkan ang batok.

Nang banayad siyang itagilid ni Bernard ay umungol si Diana... tulog pa rin. Dala marahil ng kapaguran sa paglalagi sa beach sa buong maghapon. Ganoon din nang sinundang araw kung saan magkasama sila ni Jasmin at Iris sa pagsu-swimming at aqua cycling.

He positioned himself. His hands caught her thighs and in one fluid movement took her. Napasinghap nang marahan si Diana. Nakadama ng kaunting discomfort. Alam ni Bernard na noon lang nagising ang dalaga and she’s tight and dry. But those won’t stop him.

“B—Bernard...”

Hindi sumagot ang binata, only kissed her lips

at ipinagpatuloy ang ginagawa. Ni hindi makuhang magprotesta ni Diana. Walang foreplay and it was so sudden. Sa inaantok pa niyang diwa, she wanted only to give kung ano man ang kailangan ni Bernard sa kanya. Pero hindi nangyari iyon. Tiniyak ng binata na anumang paraan nito gustong angkinin ang dalaga ay hindi lang para sa pansariling kasiyahan.

And Diana found her release first bago sumunod ang binata and collapsed on top of her.

Matapos ang ilang sandali ay bumaba sa tabi niya si Bernard. Niyakap siya nang walang salitang namamagitan. Finished his lovemakings by showering little kisses on her shoulders at sa batok niya. Nasa dibdib pa niya ang kamay ni Bernard when he fell asleep.

Hindi na nito namalayan pa ang pagdaloy ng luha sa mga pisngi ni Diana. Ang kontroladong paghikbi upang huwag itong magising.

Nangako siya sa matandang lawin na hindi

iiwan si Bernard anuman ang mangyari. At hindi man ipapaalaala ay ganoon ang mangyayari dahil nakatakda siyang pakasal sa lalaking pangalan lang ang maiaalok sa kanya.

At sa kabila ng lahat, she was falling in love with him.

Hopelessly.