noveltoon logo noveltoon
Amore (Kristine Series 6)

Chapter 6

Ch. 6 / 10 Nov 28, 2025

Chapter 6

Chapter Six

k

lNABUKASAN

ay ipinasyal siya ni Bernard sa buong hacienda. Una muna’y ipinakita sa kanya ang meat farm. Ang bakahan at ang horses’ stable.

“Ito ang boundary ng pag-aari ni Nathaniel, Diana. Mula rito at hanggang sa kaya mong tanawin ay pag-aari ko.”

i

tinuro ng binata ang isang di-maliparang uwak na kaparangan. Pagkatapos ay pinausad na nito si Firewind at dinala ang dalaga sa limestone site.

“Ngayon lang ako nakakita ng ganito, Bernard,” manghang wika ni Diana habang pinanonood ang mga taong gumagawa sa ibaba ng burol na

kinaroroonan nila. “Hindi ko alam kung paano ginagawa ang semiento...”

“That and some more chemicals make a bag of cement.” At ikinuwento sa dalaga kung paano hindi sinasadyang natagpuan ang limestone site many years ago at kung paano nagsimulang itatag ang Kristine Cement.

Sakay silang pareho ni Firewind nang dalhin ni Bernard si Diana sa de Silva Farm at ipakilala kay Julia.

“And I thought you’ll never bring her here, Bernard,” ani Julia na tiningnan nang masama ang apo. “Mabilis ang balita dito sa Paso de Blas. In fact, Marco and Emerald were curious about her. Muntik na siyang mapahamak dito sa atin pero ngayon mo lang naisipang ipakilala siya sa akin.”

Natawa si Bernard. “Walang panahon, Tiya Julia. Naging napakaabala ko nitong huling mga araw. May problema sa Kristine Steel kung nasabi na sa inyo ni Marco. Nagkaroon ng delay sa delivery para sa isang malaking project ng isang kompanya at sa kompanya sinisingil ang gastos

sa delay.”

Nagkunwang umismid si Julia. “Anyway, welcome to De Silva Farm, hija. My grandson is too remiss,” nakangiti nitong sinabi kay Diana.

“Hindi naman po ako gaanong natatagalan pa sa Paso de Blas. Isang linggo pa lang mahigit,” wika ng dalaga matapos halikan sa pisngi ang matandang babae.

“Galing na ba kayo sa villa?”

Tumingala si Diana kay Bernard at hinihintay itong sumagot. Umiwas ng tingin ang binata at lumakad patungo sa lagayan ng alak at nagsalin.

“On our way back to the hotel, tiya,” sagot nitong hindi lumilingon. Hanggang maaari ay hindi nito gustong dalhin si Diana roon. Maraming mga alaala ni Jewel ang tinataglay ng villa.

Anyway, kahit papaano ay nakita na ng dalaga ang villa. Isang trahedya na ang nangyari doon, taking the life of the woman he loved.

Muntik nang maulit ang pangyayari.

“Make yourself comfortable, Diana, at titingnan ko lang sa kusina ang tanghalian natin.”

“Oh, don’t you worry. I’ll be fine.”

h

umakbang

ang dalaga patungo sa music corner kung saan naroon ang piano at iba pang instrumentong pangmusika. Napagtuunan niya ng pansin ang gitarang nakasabit. Inabot iyon.

“Don’t!”

s

i Bernard bago pa mapigil ang sarili.

Kung hindi naagapan ni Diana ang gitara ay maibabagsak niya sa pagkagulat. Si Julia man ay nabigla rin at napalingon sa kanila.

Gumuhit ang hapdi sa mukha ni Diana at nakita iyon ni Bernard. Gusto nitong sipain ang sarili.

“I—I mean...”

Dio,

kailan pa ito nag-stammer sa buong buhay nito? “Wala... sa tono iyan...”

“I don’t know how to play this thing,” she said softly, bitterly. Muling ibinalik sa dingding ang gitara. “Na-curious lang ako, I’m so sorry.” Swallowed painfully and choked back her tears.

“Dammit, Diana. Don’t make me feel guilty by saying you’re sorry. Ako ang dapat magsabi niyon.” Pagtaas ng tinig ang alam na gamitin ni Bernard to

appease himself.

“Nariyan sa drawers ang mga family album, hija,” namagitan si Julia. Hindi nito kayang tingnan ang pagdaramdam sa mukha ni Diana. Binalingan ang apo. “Bernard, tulungan mo akong ayusin ang mesa.” Nag-iwan ng buntong-hininga ang binata at sumunod sa matandang babae palabas ng dining room.

“Am I allowed to see it, Bernard?” pahabol ni Diana bago tuluyang nakalabas ang binata. Kung nanunuya siya ay hindi rin niya alam. Huminto sa paghakbang si Bernard at lumingon.

“Hell, yes! You don’t have to ask my permission. Nabigla lang ako kanina and I’m sorry...!” bulyaw nito at sumunod sa tiyahin.

“I have never known you for being so rude, Bernard.”

s

i Julia nang nasa dining room na sila. “And watch your language. Okay lang sa isang ranchero pero hindi sa isang executive.”

Sa kabila ng lahat ay nakadama ng amusement

ang binata sa double-standard ng matandang babae sa pagmumura.

“Sinaktan mo ang damdamin ni Diana. Nakita ko iyon sa mukha niya. Gitara lang iyon, hijo. Kahit pa nga ba nagtataglay iyon ng maraming alaala. But surely, hindi alam ni Diana iyon.”

n

ag-aakusa ang tinig ni Julia.

“Hindi ko siya dapat dinala dito. Hindi ko dapat ipinakilala sa iyo. Hindi ko siya gustong dalhin sa villa bagaman nakarating na siya roon.” Inihilamos ng binata ang palad sa mukha. His face in agony.

“Ano ang dahilan at dinala mo siya rito? In the first place, bakit mo siya dinala rito sa Paso de Blas?” banayad na tanong ng matandang babae.

“Damn if I know. I was just attracted to her hair when I first saw her...”

Napadilat ang matandang babae. “Her hair! Nagiging loko ka, hijo...!” May amusement sa tinig ng matandang babae. “Bagaman inaamin kong maganda ang buhok ni Diana. Pero hindi rason iyon sa pagiging involved mo sa kanya.”

“At paano mong nalamang involved ako sa kanya?” naiiritang tanong ng binata.

“Really, Bernard? Didn’t I raise you?” Tumaas ang kilay ng matandang babae. “Now, bakit mo siya dinala dito sa Paso de Blas?”

“Huwag ninyo akong tanungin. Hindi ko alam

sagutin. I’m getting dumb perhaps. Noong dalhin ko siya rito sa Paso de Blas ay iyon din ang unang araw na nakita ko siya sa buong buhay ko...”

Lalo nang nandilat si Julia. “Tama ba ang naririnig ko sa iyo? Sino ang babaeng iyan? Ano ang uri ng pagkatao niyan?” naiiskandalong tanong ng matandang babae. “I do not want you to get involve with some...”

“Calm down,” agap ng binata. “Tinitiyak ko sa iyong matinong babae si Diana. At galing sa mabuting pamilya.”

“Paano mong nalaman?” Naroon ang pagdududa sa tinig nito. Tumaas ang mga guhitang kilay. Hindi nito gustong kung sino-sinong hindi nararapat na babae ang pinagkakaabalahan ng apo.

“And I thought you raised me?” matabang na ganti ng binata.

Nagpakawala ng mahabang paghinga ang matanda. “We were all devastated when Jewel died, Bernard. Lalo ka na. Hindi ko tinututulan ang pakikipagrelasyon mong muli sa ibang babae. Lamang ay tiyakin mong mabuting babae. At ikagagalak kong ibalik mo ang sarili mo sa dati. Pero sana’y wala kang sinasaktang damdamin. Kung ang kailangan mo kay Diana ay dahil lang sa basic needs, then don’t let her come close. And correct me if I’m wrong, hijo. Nararamdaman ko, kung hindi ko man nakikita, close is an understatement kung ang pagbabasehan ko ay ang mga mata ng dalaga sa pagsulyap sa iyo. And Diana is very

young, hijo, para sa sakit ng damdaming maaari mong idulot. I bet na wala pang twenty-one ang babaeng iyan.”

Hindi sumagot si Bernard. Wala itong maapuhap na ikatwiran doon.

SI

Diana

ay tahimik na sinusuyod isa-isa ang laman ng album. At kahit hindi sabihin ay natukoy niya si Jewel.

“You’re dark but very pretty,” marahang wika niya habang sinusuyod ng tingin ang mga larawan ni Jewel na lahat ay kasama si Bernard. Mula pa noong ito’y nineteen years old. May larawan si Jewel strumming the guitar and probably singing dahil hawak ni Bernard ang mikropono malapit dito. Ngayon niya nauunawaan kung bakit biglang sumigaw si Bernard ng pagtutol nang abutin niya ang gitara.

Some photographs were even romantic. Candid shots man o hindi. It was obvious how these two people loved each other so much. Nauunawaan niya ang pait na idinulot kay Bernard ng pagkamatay ng kasintahan.

May hapding gumuhit sa dibdib niya na halos magpapugto sa paghinga ni Diana. She swallowed hard dahil sa paninikip ng dibdib sa pagpipigil na

huwag mapaiyak. She’s really falling for this man.

“Mahusay ka sigurong kumanta,” patuloy niya sa pagsasalitang mag-isa habang nakikipag-usap sa larawan ni Jewel sa album. “Mahusay ka rin sigurong maggitara. Pero ako ay hindi. Kahit nga isampal sa akin ang simpleng keynote na

do

ay hindi ko makikilala. But I can dance,” patuloy niya. Ni hindi niya namalayang nakatayo sa may pinto si Bernard na nahinto sa pagpasok at pinakikinggan siya.

“I can dance very well. Sabi nga sa akin sa school noong maliit pa ako ay para daw akong swan. Maaari daw akong maging

prima ballerina.

Pero hindi ko pinansin iyon. We were poor. Well, not until my grandfather took me with him to...”

n

abasag ang tinig niya pagkabanggit sa pangalan

ng lolo. Pagkatapos ay muling tinitigan ang larawan ni Jewel. “But I bet you danced well also. At hindi ko maipagmamalaki sa iyong maganda ako dahil maganda ka rin. Wala siguro ako kahit isang katangiang maaaring ihambing sa iyo sa paningin ni Bernard...”

m

ay bahid ng matinding lungkot ang tinig niya sa bahaging iyon.

Pinigil ni Bernard ang mapatikhim sa bahaging iyon. Muling humakbang paatras pabalik sa dining room. Muntik na nitong mabangga si Julia. May akusasyon sa mga mata ng matandang babae na narinig din ang pagsasalitang mag-isa ni Diana. Umiwas ang mga mata ng binata at sadyang nilakasan ang tikhim upang marinig ni Diana na palabas ito.

Sa harap ng pagkain at sa pananatili ni Diana nang isang oras mahigit sa tahanan ng mga de Silva ay wala siyang maipipintas kay Julia. Very polite and a charming host. Not distant, not close.

“Alam mo bang ngayon lang ako nakasakay ng kabayo sa buong buhay ko?” Binasag niya ang katahimikan.

“I could guess.”

“Saan ba dito nakatira ang matandang lawin?” Sinisikap niyang patuloy silang mag-usap dahil halos hindi gustong magsalita ni Bernard kahit kanina pa sa farm.

“Sa villa.”

“Sa villa?” bulalas niya pero hindi na sumagot si Bernard at patuloy na pinatatakbo nang marahan si Firewind.

Nagsimula nang bumangon ang galit sa dibdib ni Diana sa matabang na sagot ni Bernard sa mga tanong niya.

“Hindi ko hiniling na ipasyal at dalhin mo ako sa farm. Hindi ko rin hiniling na ipakita mo sa akin ang buong hacienda. Kusa kang nangako. Hindi ba angkop lang na hindi mo ako bigyan ng cold treatment?”

“Hindi ko ginagawa iyon. You just imagined it.”

She gritted her teeth and counted one to ten upang huwag mag-umalpas ang galit.

“Sa pagkakaalam ko’y mabilis tumakbo ang mga kabayo, Bernard. At sa nakikita ko’y mahusay na klase itong sinasakyan natin. Patakbuhin mo nang matulin pauwi sa hotel...”

Walang kibong sumunod ang binata. “Hiyaa, Firewind. Ang pinakamabilis mo!” Bumilis ang takbo ng kabayo.

Napakapit nang husto si Diana rito sa bilis ng takbo ni Firewind. She closed her eyes tightly. Kung hindi niya kasama si Bernard ay sumigaw na siya sa takot sa bilis nila. But she asked for it, magdusa

siya.

Subalit hindi sa hotel siya itinuloy ng binata. Mula sa ibaba ay natanaw na niya ang villa in broad daylight.

“Oh, my! It’s really beautiful, Bernard.”

t

uluyan niyang nakalimutan ang galit sa binata, lalo na nang huminto si Firewind at kahit nang ibaba siya ng binata ay sa villa ang tingin niya.

“I’m glad you have that overwhelming appreciation for my home.”

k

ung nanunuya si Bernard ay walang pakialam si Diana. Sinuyod ng tingin ng dalaga ang kabuuan ng villa, every piece of Spanish architectural design.

Bumukas ang pinto at isang matandang katulong ang lumabas. “Kayo pala, senior... magandang hapon ho.”

“Magandang hapon din sa iyo, Tonyo,” sagot ng binata na sinusundan ng tanaw si Diana na matapos ngitian at tanguan ang matanda ay nagtuloy-tuloy sa loob.

Dito nakatira si Jewel sa maraming pagkakataon sa buhay ng kasintahan. Pero minsan man ay hindi niya nakitang na-appreciate nang ganito ni Jewel ang villa. Oh, she didn’t hate it. Pero mas gusto ni Jewel sa Maynila, sa mansiyon. And he didn’t take it against her dahil sa America halos naglagi ang dalaga.

And somehow, may init na humaplos sa dibdib nito sa nakikitang paghanga ni Diana sa Villa.

Thank you for coming again, Diana...

“Oh, you’re welcome,” wala sa loob na sagot ng dalaga. Sanay na siya sa pagkakaroon laging ganoong imahinasyon. Tinitigan niya sa maliwanag ang kabuuan ng kabahayan. Muling lumapit sa portrait ni Donya Kristine Esmeralda. Buong paghangang sinuyod ng tingin ang dating reyna ng Villa Kristine.

“Sana’y kasingganda mo ako so that Bernard would love me,” bulong niya rito. Isang tawa ang narinig niya. The same, old familiar laugh noong nasa basement siya.

Pero tu eres muy hermosa...

“Why, thank you.” Nilinga ang sala grande. Pumagitna siya sa malaking bulwagan. Ipinikit ang mga mata at inisip ang sayaw na maaaring naganap sa bulwagang ito noong unang panahon. Mga magagandang

e

spanyola sa susun-susong mga damit at makikisig na mga binatang espanyol.

Kumilos ang mga paa niya na tila nagsasayaw ng balse. Her eyes closed.

¿

A ti te gusta la musika?

“Oh, yes, please…” Sa pandinig niya’y pumailanlang ang isang waltz.

¿

Tu quieres bailar?

“My pleasure, sir...”

m

aganda ang tugtuging balse sa kanyang imahinasyon. Ni hindi niya kabisado ang pamagat pero umikot at sumayaw siya. Her eyes closed. Kasayaw niya ang

matandang lawin,

and oh my, he danced well.

Si Bernard na nakatayo sa may pinto ay hindi malaman kung magsasalubong ang mga kilay o mangingiti sa kanya. She was really dancing na parang may ka-partner at tugtog.

She’s lovely and graceful. Parang swan. Ang ilan sa mga unang katangiang napuna niya sa dalaga. Jewel is very modern at mahusay ring sumayaw but never the classic dances. This woman is as ultra-modern. But there’s something classical about her. As if she came out from the time machine mula sa kahapon. Yes, considering sa pangyayaring bigla na lang dumating sa buhay nito si Diana ay baka nga. She could have been Queen Isabella of Spain’s great, great and great granddaughter.

And she even thought na wala siyang mga katangiang maihahambing kay Jewel. You’re very wrong, Diana Montero.

Ang pumasok sa isip ng binata.

Napailing si Bernard. Pati siya ay kung ano-ano ang naiisip. Unti-unting humakbang palapit sa dalaga at hinawakan sa kamay at baywang at tuluyang isinayaw.

Amused na tinititigan ng binata si Diana habang nagsasayaw sila. Exquisitely beautiful with her eyes closed as if dreaming and with that mysterious smile on her soft lips. Unti-unting bumaba ang mga labi ng binata sa kanya habang iniikot siya.

“No! Don’t do that!” At isang sampal ang dumapo sa mukha ng binata.

“Hey, masakit iyon, ha!” Dinama ng binata ang pisngi.

“Bernard!” bulalas ni Diana.

“Ang inyong lingkod,” sarkastikong sagot nito na sinamahan ng bahagyang yukod.

“Ang—akala ko’y... ang akala ko’y...”

“Ang akala mo’y ano? Goodness, Diana, para kang lokang nagsasayaw mag-isa ng waltz at walang tugtog. So I danced with you. Kung hindi mo gustong hagkan kita you just have to say no, hindi mo kailangang maging bayolente!”

Nilinga ng dalaga ang kabahayan. Tahimik.

“W-where’s the old man?”

“Ano ba ang sinasabi mo?” naiirita nang tanong ng binata.

“Iyong sinasabi ninyong matandang lawin. He was here awhile ago, speaking to me...”

dancing with me.

Gusto niyang idagdag pero sa nakikita niyang murderous look ni Bernard ay hindi na isinatinig.

“Madre de dios,

Diana! Ang imahinasyon mo talaga...”

“Sabi mo’y dito nakatira ang lawin. Nasaan siya?” Sinisikap niyang kontrolin ang inis para sa matandang lawin at sa sarili. Talaga bang ganoon na kalala ang imahinasyon niya?

“Tigilan mo nga iyang matandang lawin na iyan.

Leon ang pangalan niya. Senior Leon Fortalejo, ang Papa. Halika at ipakikita ko siya sa iyo.”

h

inawakan siya ni Bernard sa braso at inakay patungo sa study room.

Lumangitngit ang malaking pintong narra. Bumungad kay Diana ang magandang study. Bagaman antigo pa rin ang mga kasangkapan ay maaliwalas. Ang malalaking mga bintana ay nakatanaw sa bulaklaking hardin.

“Walang tao rito,” aniya. Tinungo ang isang lumang chest at hinaplos. “Original King Louis the...”

“Tama ka,” agap ni Bernard. Hindi pinansin ang pagiging eksperto niya sa mga antique. “Walang tao rito pero narito ang gusto kong ipakita sa iyo.”

n

ilapitan ni Bernard ang isang life-size portrait na nakasandal sa dingding at nababalutan ng tela. Tinanggal nito iyon.

“Isasabit ko sana ito sa tabi ng painting ni Donya Esmeralda, pero wala pa akong panahon.”

t

uluyang nahubaran ng tabing ang malaking larawan. “Siya si Don Leon Fortalejo, ang tinatawag na lawin ng Paso de Blas.”

Kumislap ang mga mata ng dalaga. Hinagod ng tingin ang larawan. “Oh, yes. I have expected him to be so grand...” kaswal na sang-ayon ng dalaga. Bagaman medyo bata nang kaunti ang nasa larawan ay natitiyak niyang iyon ang umakay sa kanya patungo sa basement at ang kasayaw niya kanina. “We’ve met at siya ang nagligtas sa akin sa mga kamay ni King...”

“And he’s been dead for over a year now...” patuloy ni Bernard na hindi pinansin ang sinabi niya.

Mula sa larawan ay marahas ang pagbaling ni Diana kay Bernard. “D-dead...?”

“Yes, dead in capital ‘D.’ Heart failure...” matabang na sagot ni Bernard.

Sandali lang ang pagkabigla ni Diana. Sa halip na matakot at panayuan ng balahibo ay nilapitan ang larawan. Her hands on her hips.

“Really, senior? Hindi ako madaling matakot...” aniya na bahagyang naningkit ang mga mata. Isang tawa ang narinig ni Diana.

Alam ko, Diana... and I like you... for my son. Bear with him, hija...

“I am! And I don’t like it.”

Nagagalit na si Bernard. Napapikit na tumingala. “This is great! Diana, ano ba ang pinagsasasabi mo? Nasisiraan ka na ba ng bait.”

Humarap ang dalaga. “Siguro...”

for loving you.

Mabilis siyang humakbang patungo sa pinto palabas. Nasa bungad na siya nang lumingon.

“Hindi ka ba naniniwalang ang matandang iyan ang nagligtas sa akin mula kay King?” Pinaglipat-lipat niya ang tingin sa larawan at kay Bernard. “You sound alike.”

Hindi sumagot si Bernard. Humugot ng paghinga. “He was a dictator. Shrewd and manipulated all our lives...”

She smiled sweetly. “Hindi ako naniniwala sa mga supematural, Bernard. Not even ghosts. But I don’t mind being manipulated by my imaginations. Ng mga alaala ng nagdaang araw.”

n

agtuloy-

tuloy na lumabas ang dalaga.

Binalingan ni Bernard ang larawan. Banayad na umiling. “Hindi ako nagkaroon ng pagkakataong tawagin kang papa, senior. But I am now. Hindi ko alam, Papa, kung maniniwala ako sa mga sinasabi ni Diana,

pero por favor,

leave us alone.”

p

agkatapos ay lumabas ng silid at sinundan si Diana.

Nakita nito ang dalaga sa may likod-bahay. Paikot-ikot.

“Ano ang ginagawa mo?”

“Bernard, alam kong may basement ang bahay na ito.”

Pagkabagot ang lumatay sa mukha ng binata. “Bumalik na tayo sa hotel, Diana. Dito na ipinanganak ang Ate Margarita, ganoon din si Nathaniel. Pero alam nilang walang basement ang villa. At hindi kita sa basement natagpuan kundi malapit sa kusina...”

h

inawakan nito sa braso ang dalaga at naiiritang inakay patungo sa pinagtalian kay Firewind.

Si Diana ay lumingon. She could still hear the chuckling sound. Naningkit ang mga mata niya. Natitiyak niyang isa sa mga araw na ito’y hahanapin

niya ang basement.

Kung may pagkakataon pang makabalik siya rito.