Chapter 4
Chapter Four
“A
NO ANG
ginawa mo sa mga pinamili ko, Diana?” bungad ng binata na ang isang kamay ay nakahawak pa sa doorknob.
Hindi malaman ni Diana ang sasabihin. Napatingala sa binatang naniningkit ang mga mata. Inokupa halos ng katawan nito ang pinto.
“I... I...”
n
agkakandautal siya sa kabiglaanan. Tila higante ang binatang nakatayo sa may pinto. Humakbang ito papalapit sa kanya.
“Namumula ang mga mata mo.” Marahas siyang hinawakan sa baba at itinaas. “Umiyak ka ba?”
“Of course not!” Binawi niya ang mukha at mabilis na tumayo ng kama. Dinampot ang suklay sa dresser at pilit na inaayos ang nagra-riot na kulot na buhok.
“Por dios,
Diana, ano ang nangyayari sa iyo at pinaghahagis mo nang ganoon ang mga iyon?”
Itinaas niya ang mukha. “Nothing’s wrong with me, hintayin mo ako sa ibaba uli and I’ll be down in a minute...”
Tinitigan siya ng binata nang may kung ilang
sandali. Kitang-kita nito ang rebelyon sa mukha niya. Pagkatapos ay inilahad ang mga kamay.
“Alright, kung hindi mo gustong ibigay ko sa iyo ang mga gamit na iyon ay bayaran mo,” anito na ang iritasyon ay sinisikap na kontrolin.
“Bakit, sa palagay mo ba’y hindi ko alam kung magkano ang halaga ng mga iyon? Saan ako kukuha ng ibabayad sa iyo? And don’t tell me how you want me to pay those damned things!”
“Hindi iyon ang ipinahihiwatig ko! Magtrabaho ka. Dito sa hotel. Kahit na ano. Natitiyak kong mahahanapan ka ni Nathaniel ng trabaho,” nagagalit nitong suhestiyon.
Pabagsak niyang binitiwan ang suklay sa dresser at hinarap ang binata. “And dislocate other employees, ganoon ba? I have nothing against working, Bernard. Kaya kong magtrabaho magaan man o mabigat pero hindi dahil idinikta mo.”
“You’re impossible!”
“Dahil imposible ka rin. Gusto mong manipulahin ang buhay ko. Gayong ang sabi ko sa iyo ay ilabas mo lang ako ng Maynila. Hindi ko
ipinaangkin sa iyo ang buong pagkatao ko.”
“Dios mio,
dahil lang diyan sa mga pinamili ko ay kung ano-ano na ang sinasabi mo. Instead of being grateful dahil nagawa ko pang dumaan sa department store sa kabila ng gusto kong liparin ang Paso de Blas sa pag-aalala sa iyo dahil sa pagtawag ni Nathaniel tungkol sa pagsugod sa iyo ni Clarita.”
“Well, thank you very much!” nagpupuyos niyang sabi.
Tumingala sa kisame si Bernard. Inihaplos ang palad sa mukha. “Great...” usal nito.
Napapikit ang dalaga. Naupo siya sa gilid ng kama. Wearily ay tumingala kay Bernard.
“Bernard, I cannot afford this luxury. Hindi mo kailangang tratuhin ako nang ganito. Tama nang tinulungan mo akong makarating dito. Siguro ay
makakakita rin ako ng trabaho... sa mainland.”
“You promised not to leave here, Diana,” paalala nito. “You promised not to leave...”
me!
Alam ni Diana na iyon ang gustong sabihin ni Bernard na hindi nito itinuloy. Sa halip ay pagalit siyang tinitigan. “You have made a bargain with me. Do not turn your back on that. Sa paglalabas ko sa iyo ng Maynila, Diana, all I required is obedience! And so far, kahit kaunti ay wala kang ipinakikitang ganyan nitong huling mga araw.”
She winced. Kung itinuloy lang sanang sabihin ni Bernard ang tungkol sa mga pangako niyang binitiwan noong nasa ospital, she might have softened. Pero sa halip ay ipinaalala nito ang pagkagipit niya nang gabing iyon sa gasolinahan. Na para bang mula noong oras na iyon ay nabili na ng binata ang buong pagkatao niya.
Nang manatili siyang hindi umiimik ay lumakad
palabas si Bernard. Inisip niyang lumabas na ito pero agad ding nagbalik at dala ang isang bestida mula sa mga inihagis niya.
“Maraming oras na ang inaaksaya mo. Naiinip na ang dalawa sa ibaba.”
i
nilapag sa kama ang damit at nilapitan siya. At bago pa niya mahulaan ang gagawin nito’y naitaas na nito ang
t
-shirt niya.
“H-hey!” Pilit niya ring ibinababa ang
t-
shirt. “Ano ka ba!” angil niya rito subalit hindi maawat ang binata.
“Ako na ang magbibihis sa iyo dahil kung ikaw ang hihintayin ko ay mamumuti ang mga mata ng dalawa sa lobby.”
p
atuloy ito sa ginagawa sa panlalaki ng mga mata ni Diana.
“Bernard, t-tigilan mo ako, ano ba!” Hindi niya malaman kung mapapahiya o magagalit.
“Be still! I’ve already seen you.” Sa pagitan ng banayad at marahas ay inihiga siya nito sa kama and pulled her denims down. Pagkatapos ay muli siyang hinila patayo. Inabot ang damit at akmang isusuot nang magtatawa nang malakas si Diana. Sa kabila ng pagkairita ay nakakita siya ng bagay na nakapagpatawa sa kanya. Nahinto sa ere ang mga kamay ni Bernard.
“What is so funny?” may pagkairita nitong tanong. Naniningkit ang mga mata.
“Ikaw. My goodness, Bernard. Ipasusuot mo sa akin iyang signature dress pagkatapos ay naka-rubber shoes and sports socks ako!” At muling tumawa.
“Shit!” Pagalit nitong inihagis sa sahig ang damit.
“I know you are very adept in dressing and undressing a woman, Bernard. Pero hindi marahil kasama sa dressing code ang semi-formal dress and Reebok,” tukso niya. Her eyes in silent laughter.
Nakita ni Diana ang paniningkit ng mga mata nito sa inis. Muli siyang tinitigan and she was still smiling. Then something changed. Hindi na galit ang nakikita niya sa mga mata nito. Hunger and passion. His eyes dark with intense hunger and passion. Kinabahan siya at unti-unting huminto sa pagtawa.
Bumaba ito sa paanan niya at sinimulang
kalagin ang tali ng rubber shoes niya at tuluyang inalis ang mga ito. Napapikit si Diana. His fingers brushing the sole of her feet ay sapat na para makadama siya ng init, tapos ng lamig, at init na muli. Then it sent shivers down her spine.
“W-wala akong ibang footwear maliban sa rubber shoes, Bernard,” protesta niya.
“Hindi mo kailangan iyon sa gagawin ko sa iyo,” he whispered huskily. Napahugot ng paghinga si Diana. Tuluyan nang kinabahan. Although, may bahagi ng puso at isip ang umaasam, which she tried to dismiss from her mind.
Pagkatapos ay tumayo at humakbang patungo sa hotel phone at dumayal. His raven-darked eyes not leaving her face.
“Kakausapin ko si Nathaniel...” wika nito sa empleyado. “Nat, you go ahead. Kayo ni Zandro. Susunod kami in a few minutes.” Ibinalik sa receiver ang telepono at binalikan si Diana. Niyuko at hinawakan sa baywang at itinaas, crushing her in a tight embrace.
“B-Bernard...”
“Oh, how I want you!” he whispered.
“Dio,
how I want you. Ginugulo mo ang isip ko at sinisikap kong kontrolin ang damdaming ito. But I think I’ll die now if I don’t make you mine again, Diana.”
Oh!
Nag-uunahan sa pagpintig ang puso niya. Kung wariin ay baka naririnig na ni Bernard ang tibok nito. Nagsasalita pa lang ito pero may init na gumuhit sa katawan niya pababa.
Slowly, very slowly, bumaba ang mga labi nito sa kanya. And to her horror, she met his lips hungrily. Her flesh brushed against his chest while they kissed fiercely, wildly.
“Oh, Diana, Diana!” His voice in ragged whisper, so seductive. Muli siyang ibinaba nito sa kama and in one quick movement ay inalis ng binata ang mga kasuotan nito, dropping them uncaringly on the floor. He was naked in seconds flat.
Oh my! He was tight and hot as a blue flame.
Mahigpit na lumunok ang dalaga. Torn between sensations and protest. “N-nangako kang... nangako kang...”
“Nangako akong hindi kita pipilitin.”
i
tinuloy nito ang sinasabi niya and joined her in bed. His flesh brushing hers na gusto niyang sumigaw dahil na rin sa intensidad na nararamdaman niya mula rito. “At hindi ko tinatalikuran ang pangako ko,” he whispered softly.
His lips on her temple. On her eyelids at bumaba sa pisngi niya, then on the tip of her nose, and down to her lips teasing each comer with his tongue.
At bago pa namalayan ni Diana, ang sarili niyang mga kamay ay gumagawa ng sariling eksplorasyon sa katawan ng binata. All the things that had fascinated her sa unang pagkakataong nagtalik sila ay nasa mga kamay niya ngayon. The muscled chest, ang maninipis na balahibo sa dibdib nito na humahaplos sa dibdib niya, teasing her already aroused flesh. He was as natural as the wild beast sa kagubatang ito ng Paso de Blas.
And she wanted him. Wanted to taste and touch
and feel it all... again. But Bernard is a selfish lover. He wanted to give not receive as he kissed her again and again. Tasting and exploring her body with his lips and hands. He was teasing her body, playing with it, caressing it.
Sinisikap ni Diana na huwag lumabas sa bibig niya ang kahit na anong ingay. But she couldn’t suppress a soft moan as his hands and mouth became demanding. Mahigpit niyang ipinikit ang mga mata sa overwhelming sensations na wala na yatang katapusan.
She couldn’t even remember breathing. Bernard was wild and rough. Like a primitive man. Ang nakapagtataka ay ganoon din siya. As if she had been waiting for these moments. Meeting his wildness, the savagery of his lovemakings. The hurting and loving. He bit her painfully and then kissed her softly as if to apologize.
Napagsasama nito ang gentleness and roughness. Pain and ecstacy. Torment and pleasure.
She couldn’t even believe that any man could make her feel like this... the intense passion and wild desire that he awakened in her.
It was a sweet agony for Bernard to slow down. She was tight, hot and tender. She was a natural temptress and he’s losing all control.
Their naked bodies touching from shoulder to thigh. Then she cried softly as he gave her that ecstatic and overwhelming release.
And seconds later, Bernard whispered her name harshly.
“AMORE,”
bulong ni Bernard. His thumb finger caressing her kissed-swollen lips.
“That is not Spanish, that’s italian.”
“I know. Pero gusto kitang tawagin ng ganyan. You reminded me of one beautiful painting na nakita ko sa Rome when I was there. Pinangalanan ng painter ng
Amore.
It means love, beloved or something. I wanted to buy it then.”
n
apapikit ang binata sa bahaging iyon. Sa nakalipas na mga sandali sa piling ni Diana ay muling nawala sa isip niya ang kasintahan. At kinakain siya ng guilt.
He wanted to buy the painting as a gift to Jewel pagkabalik sa Pilipinas. Bagaman it was a contrast to her exotic beauty. Jewel was dark with dark hair while the woman in the painting was fair at may buhok na tulad ng kay Diana ngayon, soft brown in riot curls.
“Pero ang sabi ng may-ari ng gallery ay naka-reserve na,” patuloy ni Bernard na tinititigan ang babaeng nasa tabi. “I am a very possessive person, Diana. At sa akin ka.”
h
e had never been this possessive with Jewel. Dahil siguro mahal nila ang isa’t isa at matagal na silang magkasintahan at walang dahilan para maging possessive. Pagkatapos ng unos sa buhay nila ng kasintahan ay wala itong nalamang maaaring kumuha kay Jewel sa kanya.
He never counted on her untimely death.
“That is tyranny, Bernard,” natatawa niyang sagot sa pag-aakalang nagbibiro ang binata.
Bumalik ang pansin ni Bernard sa kagandahang nasa tabi. He smiled. “I can be a tyrant.”
“You can’t own a person.”
“Pero pag-aari na kita.”
n
anunuot ang mga mata nito sa kanya. “At gusto kong maging legal ang pagmamay-ari ko sa iyo.”
Mula sa pagkakasiksik sa dibdib ni Bernard ay napatingala ang dalaga. “Ano ang ibig mong sabihin?”
“I’ll marry you.”
“A-ano’ng sinabi mo?”
“Pakakasalan kita.”
“N-nagbibiro ka...”
“Hindi ginagawang biro ang sinasabi ko sa iyo. Besides, I always mean what I say. I am marrying you, Diana Montero.”
Shock is an understatement sa nararamdaman ni Diana sa mga sandaling iyon. Pormal at seryoso at mariin ang pagkakasabi ng binata.
“B-bakit mo ako pakakasalan?”
“Because I need a wife,” kaswal nitong sagot.
“H-hindi nag—nagpapakasal ang isang tao sa kung kanino na lang dahil kailangan niya ng asawa,” nalilitong sagot ni Diana.
“Hindi ka kung sino na lang, Diana.”
“Oh, please, Bernard, you don’t really mean that.”
“Pakakasalan kita, Diana, because I was attracted to you the first time I saw you walked into that restaurant. Because you are exquisitely beautiful...”
“You—don’t marry for those reasons...” anas niya na lalong naguluhan.
“And also because I need a wife to return to at the end of the day. I need a wife na mangangasiwa ng sambahayan ko,” patuloy nito na tila hindi siya
nagsasalita.
“H-hindi ko alam kung paano pangasiwaan ang sambahayan mo,” aniya sa pagsisikap na tanggihan ang sinasabi ng binata.
“In that case, I don’t think I’ll give a damn kung wala kang alam sa mga bagay na iyon.”
n
ahihimigan niya ang amusement sa tinig nito. “Anyway, isang bagay lang ang pinakaimportante sa aking gampanan mo. At natitiyak kong ang bahaging iyon ay kayang-kaya mo. Mahusay kang estudyante,
amore.”
Pinamulahan ng mukha si Diana sa ibig tukuyin ng binata. She raised weary eyes to him. “You don’t love me, Bernard and I don’t... love you.”
n
i hindi halos lumabas sa bibig niya iyon. At kahit siya ay hindi gustong maniwala sa huling sinabi.
“Does it matter?” nagsasalubong ang mga kilay
nitong baling sa kanya. “Hindi lahat ng nagpapakasal ay nag-iibigan sa isa’t isa. I have loved a woman once, Diana.”
n
abasag ang tinig
nito sa bahaging iyon. Nakita niya ang kapaitan sa mga mata nito. “Perhaps love her still. And when she died I was broken to pieces.
Ayoko nang maulit ang pangyayaring iyon sa buhay ko.”
Hindi malaman ni Diana kung ano ang isasagot doon. Maliwanag ang nais ipahatid ng binata. He wanted to marry her without any emotional committment. Gusto nitong pakasalan siya, legal siyang ariin samantalang ang puso at damdamin ay nakaukol sa ibang babae. Sa isang babaeng hindi na kayang abutin pa.
Aariin niya ang pangalan ng binata pero pag-aari ni Jewel ang puso at pagibig nito. Hindi ba parang linya iyon ng isang awitin? At ano ba ang malay niya kung sa panahong nagtatalik sila ay si Jewel ang laman ng isip ni Bernard? Tinanggihan ng isip niya ang bahaging iyon. Ibinubulong ni Bernard ang pangalan niya sa mga intimate moment nila.
Ganoon pa man, hindi siya pakakasal dito at makukulong habang-buhay sa piling nito na ang dinadambana sa puso ay ibang babae.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya.
“Alam mong hindi mo ako mapipilit na pakasal sa iyo,” banayad niyang sinabi pero nasa ilalim ng tinig niya ang determinasyon.
“Baka nakakalimutan mong nasa Paso de Blas ka, Diana,” kalmanteng sagot nito. “You promised to give anything mailayo lang kita ng Maynila. Huwag kang tumalikod sa pangako mo. Bibigyan kita ng isang linggo para sanayin ang sariling isa sa mga araw na ito ay pakakasal tayo.”
Kumawala siya mula sa mga bisig nito. Kailangang panindigan niya ang pagtanggi. “How could you be so noble to marry me para lang magkaroon ng lisensiya ang paggamit at pananalakay mo sa katawan ko?”
h
indi niya gustong manuya pero iyon ang lumabas sa bibig niya.
Nagsalubong ang mga kilay ni Bernard. “Paggamit? Pananalakay? Hindi ba natin parehong gusto ang ginagawa natin?” His anger started to rise. “Didn’t you want only responded to my
lovemakings awhile ago at kahit ngayon if we start all over again?”
Napapikit si Diana, flooded with shame. Dahil totoo ang sinasabi ng binata. Yes, she want only responded to his lovemakings. No. Sex. Ang lovemaking ay para lamang doon sa dalawang taong may damdamin para sa isa’t isa. What they feel for each other is pure lust.
“Then you don’t have to marry me, Bernard, to satisfy the
lust we
have for each other.”
s
inisikap niyang kontrolin ang galit sa tinig. “Ang sabi mo nga ay nangako ako sa iyong ibibigay ko ang lahat mailabas mo lang ako ng Maynila. Wala na akong alam na maibibigay pa sa iyo dahil kinuha mo nang lahat. `Pag nagpakasal ako sa iyo’y habang-buhay mo akong gagamitin para malimot paminsan-minsan si Jewel.”
h
indi siya makapaniwalang sinabi niya iyon. Naguguluhan at nalilito na siya. Hindi niya gustong bumanggit ng pangalan ng ibang babae.
At tulad ng inaasahan ay umigting ang anyo ng
binata. Bakal na mga daliri ang bumaon sa braso niya. “Bakit kailangang hilahin mo ang pangalan ni Jewel dito?”
Napapikit si Diana roon.
Hilahin?
Na para bang dinungisan niya ang pangalan ni Jewel dahil lang nabanggit niya.
“At sino ang maysabing gusto ko siyang kalimutan?” patuloy ni Bernard.
Lihim siyang napangiwi. That is what she called cruelty. At gusto niyang tumakbo papalabas malayo sa taong ito. Pero saan siya pupunta? Not to forget she’s naked.
Naglalabas ng apoy ang mga mata ni Bernard sa pagkakatitig sa kanya. And she was really frightened and hurt.
“E-excuse me.”
k
ung saan galing ang lakas ng loob ay hindi niya malaman. Kung paano rin niya napigil sa pagdurugo ang dibdib ay hindi pa rin niya alam. Ganoon din ang pagbagsak ng mga luha. “
p
ero sinasaktan mo ako.”
Kumawala ang paghinga ni Bernard at binitiwan
siya. Alam ni Diana na bukas ay makikita niya sa braso ang bakas ng mga daliri nito. Si Bernard ay inabot ang telepono.
Sa bahay ng mga Cervantes ito tumawag upang ipaalam na hindi na sila makararating. Ipinaalala na lamang ni Bernard ang tungkol sa meeting kinabukasan sa Kristine Cement.
“A-ano... ang iisipin nila sa atin?” Ang takot ay nahalinhan ng pagkapahiya.
“The hell I care,” sagot ng binata na muling humarap sa kanya. Unti-unting nagbago ang ekspresyon ng mukha sa pagkakatitig sa sari-saring ekspresyong nasa mukha ng dalaga. “Diana, we always argue, alam mo ba iyon?”
Idinapa ng dalaga ang sarili sa mga unan kasabay ng paghatak ng kumot patakip sa katawan niya. Hindi niya gustong sumagot. Anuman ang sabihin niya’y babalik din sa kanya. At iisa lang ang kauuwian: mapahiya siya kung hindi man masasaktan. Kung
magagawa lang sana niyang tanggihan ang mga ginagawa nito. Kung hindi lang sana traidor ang sariling katawan. Natitiyak niyang
hindi siya pipilitin nito kung tatanggi siya. But the man is an expert seducer.
At maliwanag pa sa sikat ng araw kung ano lang ang gusto nito sa kanya. Hindi nito itinatanggi iyon at pinararangal lamang sa pamamagitan ng pag-aalok ng kasal.
Isinuklay ng binata ang mga daliri sa buhok niya at bumulong. “I’m sorry, Diana. I didn’t mean to hurt you,” he said gently.
Bakit ba pagdating sa babaeng ito ay nawawalan ito ng kontrol sa sarili? Bakit ba kinatatakutan nito ang damdaming ibinabangon ni Diana sa kanya? Anger, tender emotions, protectiveness and possessiveness...and lust. Higit sa lahat
pure unadulterated lust!
Si Diana ay mahigpit na ipinikit ang mga mata. Ang icing sa cake. Ang paghingi nito ng paumanhin ay nagdulot lamang ng pagkahabag niya sa sarili. At kung hindi niya pipigilin ay iiyak siya nang iiyak.
Damn you, Bernard!