noveltoon logo noveltoon
Amore (Kristine Series 6)

Chapter 8

Ch. 8 / 10 Nov 28, 2025

Chapter 8

Chapter Eight

N

AISAKAY

at nailabas ng pabrika si Diana nang wala kahit na sinong nakakita maliban sa dalawang security guard sa gate na pawang mga kasabwat din ni Charlie.

Gusto niyang maiyak. Ang kompanya ay napapaligiran ng mga ganid at mamamatay-tao. Ang kompanyang minana pa ng lolo niya sa ama nito ay mapapasakamay ng taong siya mismong pumatay sa lolo niya.

Mali bang nagtungo siyang mag-isa rito? Hindi ba dapat ay ipinaalam niya kay Bernard ang totoong pangyayari sa buhay niya? Dapat ba ay humingi siya ng tulong kay Bernard?

Huminga siya nang malalim. Maliban sa nagpadalos-dalos siya’y hindi rin niya gustong madamay si Bernard. Kung sinamahan siya nito sa pagpunta rito sa pabrika ay walang mababago. Dalawa pa silang manganganib. Bukod doon ay hindi kikilos si Bernard nang hindi niya ipinaaalam ang buong pangyayari. At paano niya biglang ipaliliwanag iyon pagkatapos ng ilang linggong pag-iwas niya sa mga tanong nito tungkol sa pagkatao niya?

Tama ang ginawa niya. Bigla siyang dumating sa buhay nito at bigla rin siyang mawawala. And

Bernard would not even mourn for her death. Shock perhaps. Pero lumilipas ang shock. Punong-puno ang dibdib nito sa mga alaala ni Jewel na hindi siya magkakapuwang kahit kaunti.

Maraming babaeng papalit sa buhay niya rito. Beautiful women to fill his bed. She won’t be missed.

At higit na masakit ang mga alalahaning iyon kaysa kapahamakang naghihintay sa kanya.

Makalipas ang mahabang sandali ay bumusina ang kotse sa tapat ng gate ng mansiyon at bumukas iyon. Nanlumo si Diana. Kahit dito siya unang nagpunta ay hindi rin siya makaliligtas. Dalawang tauhan ni Charlie ang nakita niyang nagbukas ng gate.

Isang ngisi ang ibinigay ni Charlie sa kanya na tila nahuhulaan ang iniisip niya.

“Sadya kitang inaabangan, Diana. Alam kong uuwi ka. Iniisip kong sa private plane ng milyonaryong Fortalejo ikaw sasakay.”

n

anlaki ang mga mata ng dalaga sa narinig. Sadya silang inaabangan ni Charlie. At kung sakali ngang kasama man niya si Bernard ay natitiyak niyang pati ang binata ay manganganib.

“Yes, my dear. Hindi ako mangingiming patayin ang lalaking iyon,” wika nito na nahulaan ang ibinabadya ng mukha niya. “Hindi lang pera ang nakataya sa akin, Diana. Buhay ko! Papatayin ko muna kayo bago ako mapatay!” Ang tinutukoy nito’y ang pinuno ng drug syndicate na ilang araw na lang

ang natitira sa palugit dito.

“Pero tama ang hinala ko. Hindi ka pagkakaabalahan ng lalaking iyon. Isa ka lang sa mga babaeng naging dekorasyon sa kama nito,” patuloy ni Charlie na hinihila siya papasok sa loob. Kasunod si Kenneth.

“Kumilos ka nang normal, Diana,” utos nito nang nasa loob na sila ng kabahayan. “Naghihintay sa atin sa study ng Papa ang abogado nitong si Attorney Gascon. One false move, Diana, at papatayin ko ang matandang abogado sa harap mo.”

Pinanginigan ng laman ang dalaga sa banta ni Charlie. Hindi ito mangingiming pumatay ng tao nang dahil lang sa pera. At hindi niya magawang maging dahilan na naman ng panibagong pagpaslang. Dahil sa kanya kaya pinatay ng mga ito ang Lolo Ramon niya.

Binuksan nito ang pinto ng study. Naghihintay roon ang matandang abogado ng lolo niya.

“Diana, hija!” Patayong sumalubong si Attorney Gascon. Inilahad ang kamay sa dalaga na atubiling tinanggap niya. “Nang sabihin ni Charlie na nasa pabrika ka ay hindi ako makapaniwala. Ano ang nangyari sa iyo at bigla kang nawala, Diana?”

Tumikhim ang dalaga. Pero bago pa siya nakapagsalita ay sumagot si Charlie. “Sa isang isla sa may malapit sa Palawan, Attorney,” at ngumiti ito. “Alam naman ninyong maganda itong pamangkin ko. Hindi kataka-takang ubusin niya ang panahon sa piling ng milyonaryong kasintahan...”

“Totoo ba, Diana?” Nagsalubong ang mga kilay

nito. “Hindi mo man lang ba nabalitaan ang pagkamatay ng lolo mo? That you were one of the...”

h

indi nito itinuloy ang sinasabi dahil nagsalita si Charlie.

“Sadya kong hindi ipinaalam kay Diana iyon, attorney, upang huwag na siyang madamay pa sa maraming tanong ng mga pulis. Isa pa, alam kong iindahin ng pamangkin ko ang pagkamatay ng Papa. I only spared her mula sa matinding dalamhati.”

p

agkabagot ang nasa tinig nito.

Humigpit ang hawak ni Charlie sa braso niya at sapilitang sumagot at ngumiti ang dalaga.

“G-ganoon nga... attorney. It... was only these last few days ipinaalam sa akin ni Charlie ang... ang tungkol doon…”

i

nakala ng abogado na ang sindak sa tinig at mukha niya ay sanhi ng dalamhati sa pagkamatay ng Lolo. Lumatay ang simpatya sa mukha ng matandang abogado.

“Attorney, babalik din si Diana ngayong araw na ito sa Palawan. Sana ay papirmahan na ninyo sa kanya ang anumang kakailanganin upang maisalin sa akin ang mana ng Papa. Tiniyak ni Diana na hindi niya iyon kailangan dahil milyonaryo ang lalaking nahihibang sa pamangkin ko,” ani Charlie na iniupo ang dalaga sa harapang mesa. Naupo ito sa kaharap na silya. Si Kenneth ay kalmanteng naupo sa sofa.

“Hindi ko magagawa iyon, Charlie. Pipirmahan ko na lang itong mga dokumento sa mismong harap ni Diana na nagpapatunay na maaari na niyang ilabas ang huling testamento ni Don Luis…”

b

inuklat ng matanda ang mga dokumento sa harap nito.

“Ano ang ibig ninyong sabihin, attorney?” Hindi mapigilan ni Charlie ang hindi magtaas ng tinig.

Nagtaas ng paningin ang matanda. “Nasa mga kamay na ni Diana ang testamento, Charlie. Duplicate lang ang nasa safe ng bangko.

“Hindi ko maintindihan ang

p

apa mo kung bakit may biling hindi maaaring isalin ni Diana sa iba ang laman ng testamento malibang ang pagkakalooban ay ang charity. Kahit ako ay nalito sa mga paraan nito ng paglalabas ng mga huling habilin. Pati na itong awtoridad na ibinigay sa akin kung kailan maaaring mabasa ang habilin. Anyway, pinipirmahan ko ang mga dokumentong ito para mapasainyong dalawa na ang huling testamento ng matanda.”

i

tinuloy ng abogado ang pagpirma ng mga dokumento. Ni hindi na nito napuna ang pagtigas ng mukha ni Charlie at ang mahigpit na pagkuyom ng mga kamay.

Pagkatapos ay tumayo ang matandang abogado at nagpaalam na. Inihatid ito ni Kenneth hanggang sa labas ng gate.

“Damn that old man!” hiyaw ni Charlie na nagpaikot-ikot sa loob ng study. Namumula ang mukha sa matinding galit. Pagkatapos ay marahas na itinaas si Diana sa pagkakaupo. “Nasaan ang mga dokumento, Diana?!”

Naningkit ang mga mata ni Diana na sinalubong ang titig ng tiyuhin. “Patayin mo na ako, Charlie, pero hindi mapapasaiyo ang kayamanan ng Lolo! Alam ko na `pag hindi ko naibigay ang testamento ay mauuwi pa rin sa kawanggawa ang mga ari-arian ng

l

olo.”

Isang sampal ang ipinadapo ng lalaki sa dalaga. Pero pinangatawanan ni Diana ang sinabi. Alam niyang mamamatay rin siya.

“Ilalabas mo ang testamento, Diana, at gagawa ka ng kasulatan na ipinagkakatiwala mo sa akin ang buong pamamahala sa kompanya at ang paghawak sa mga ari-arian ng Papa! Natitiyak kong walang ibinilin na ganoon ang matandang iyon!”

Nanatiling poot na nakatitig dito ang dalaga. Kapag ginawa niya iyon ay mababalewala ang pagkamatay ng dalawang matanda. Mauuwi rin kay Charlie ang kayamanan sa katagalan. Power of Attorney ang hinihingi ng tiyuhin. Hindi naisip ni

Don Luis ang bagay na iyon.

“May alam akong isang bagay para ibigay mo sa akin ang hinihingi ko, Diana,” makahulugan nitong sinabi. “Kenneth!”

Mula sa pinto ay pumasok si Kenneth. Ngumisi sa kanya. Pinatay sa ashtray ang sigarilyo. Pagkatapos ay walang sali-salita itong lumapit kay Diana at hinablot ang blusa ng dalaga sa pagkasindak niya. Mabilis siyang umatras.

“Ngayon, Diana, ituturo mo ba kung nasaan ang mga dokumento o hindi?”

Napapikit ang dalaga. Sana’y bumuka ang lupa at lamunin silang lahat. Sana’y matumba na lamang siyang bigla. Pero alam niyang hindi mangyayari iyon. Marahan siyang lumakad patungo sa mesang bilog. Kasabay ng pagpatak ng mga luha ay hinila iyon. Inalis ang rug. Ang dalawang lalaki’y manghang nakamasid.

“May lihim na taguan ang matanda riyan!” bulalas ni Charlie. Hindi makapaniwala. “At isipin mong nasuyod ko nang lahat ang silid na ito, iyon

pala’y...”

“Itaas ninyo ang darker marble sa gitna,” utos niya. Mabilis na luminga si Charlie. Nahagip ng mga mata ang letter opener at dinampot iyon kasabay ng pagtalungko sa sahig. Si Kenneth ay mangha ring nakamasid.

Si Diana ay unti-unting humakbang paatras habang abala ang dalawa na noo’y naalis na ni Charlie ang marble. Inangat ang maliit na steel box mula roon. Nakasusi ito at lumingon upang hingin kay Diana ang susi. Nasa pinto na si Diana.

“Akina ang... Kenneth, habulin mo!”

Mabilis na nakahakbang si Kenneth at nahagip ang blusa niya sa likod.

“Isumpa mong hindi mo pahihintulutan ang sarili mong mapahamak sa mga rebelde, Diana...isumpa mo!”

“Isinusumpa ko, Itay, Inay! Hindi lamang sa mga rebelde kundi maging sa masasamang

tao!”

Iyong baling ni Diana ay isang ubod-lakas na hampas ng braso niya sa mukha ni Kenneth at sipa sa harap nito ang pinakawalan niya. Bumalandra sa dingding ang lalaki. At bago pa nakabawi ay nakatakbo na palabas ng sala si Diana.

“Habulin mo, idiot!” narinig niyang utos ni Charlie.

Hindi siya lumilingon. Alam niyang may mga tauhan si Charlie sa gate pero bahala na. Maaari siyang tumakbo sa likod ng bahay. May

gate roon palabas sa kabilang block.

Hindi na rin niya halos napuna ang pagpasok ng dalawang lalaki dahil tuloy siya sa pagtakbo. Matipunong dibdib ang nabangga ni Diana. Nanlaban siya nang ikulong siya sa mga braso nito. Pahisterya niyang inubos ang buong lakas sa

panlalaban.

“Diana... Diana!”

“Bitiwan mo ako! Mamamatay na muna ako!”

Tila bakal ang mga kamay na humahawak sa mga braso niya.

“Amore...”

he called softly. His breath skimming her face.

Natilihan si Diana roon. Huminto sa pagpalag. Tumingala.

“Bernard!” malakas niyang bulalas. “Oh. Bernard, papatayin nila tayo rito! Hindi ka dapat na...!” pahisterya niyang sigaw.

“Hindi na kailangan, Diana.”

i

nilinga nito ang dalaga sa likuran. Dalawang lalaking civilian ang agad na pumigil kay Kenneth. Si Charlie ay mabilis na umatras papasok bago pa nakalapit ang ikatlong lalaki rito.

Mabilis nitong dinampot ang baril sa mesa at itinutok palabas sa kahit na sino. Natuon ang mga mata nito sa lalaking nakahawak kay Diana. Itinaas ang baril. Iisa ang nasa isip ni Diana nang mga sandaling iyon. Iniharang ang sarili kay Bernard kasabay ng pagputok ng baril.

Pasigaw na nabitiwan ni Charlie ang baril. Tinamaan ito sa kamay mula sa lalaking nasa harap. Mabilis nitong pinosasan si Charlie na napapangiwi sa tama ng baril sa kamay.

Dio

,

Diana! You’re stupid to do that!” pagalit na wika ni Bernard sa dalaga sa ginawa niyang pagharang sa katawan sa binata na kung nagkataong hindi naunahan ay baka tinamaan siya.

Bago pa nakuhang magsalita ni Diana ay isang lalaki ang lumapit sa kanila.

“Dadalawa lang, Bernard, maliban sa dalawang nasa gate kanina,” wika ng matangkad na lalaki na tila wrestler ang katawan at mukhang foreigner. “Sige ilabas na ang mga iyan,” utos nito. Pagkatapos ay itinaas ang kanang kamay na tinanggap naman ni Bernard.

Muchas gracias, amigo

,” ani Bernard na bagaman nakangiti ay hindi umabot sa mga mata.

“Anytime,

amigo

, anytime...”

n

ginitian nito si Diana.

“Muy hermosa, eh...”

“M-may kasama kang mga police?”

“No, Diana, they’re from the navy. Siya si Jackson, kaibigan ko. Naging magkaklase kami sa university sa Texas noong pareho kaming naroon ni Marco. Jackson, si Diana...” pakilala ng binata.

Tinanggap ni Diana ang kamay na inilahad ni Jackson at tipid na ngumiti. Hindi pa rin makapaniwala sa bilis ng pangyayari.

“S-salamat, Jackson...”

“Ang babaeng iyan ang pumatay sa Papa! Siya ang dapat ninyong hulihin at hindi ako!” hiyaw ni Charlie nang akayin ng dalawang lalaki palabas.

“Sandali lang,” pigil ni Diana nang ilabas ng mga ito si Charlie.

“Pagbabayaran mo ito, Diana!” muling hiyaw ni Charlie sa dalaga.

“Hindi mo dapat pinatay ang Lolo, Charlie,” banayad niyang sinabi bagaman nasa mukha ang galit. “He would have died anyway. May taning na ang buhay ng Lolo. Araw na lang ang hinihintay. Hindi mo alam na tatlong taon nang maysakit ang lolo.”

n

apahikbi siya sa bahaging iyon.

Nandilat ang mga mata ni Charlie. “Hindi totoo iyan! Nagsisinungaling ka. Sinasabi mo lang iyan upang...”

s

ubalit kitang-kita nito sa mukha ni Diana ang katotohanan.

“Ang karamdaman ng Lolo ang naging dahilan upang magawa ninyong makadispalko ng pera mula sa kompanya dahil malimit siyang sumpungin ng sakit nitong nakaraang tatlong taon. Hindi ko alam ang mga ginagawa mo sa kompanya. Alam mo bang ang ikatlong bahagi ng kayamanan ng Lolo ay sa iyo niya ipinamamana? Ang laman ng steel box at ang mga huling habilin niya ay proteksiyon lang ng

l

olo sa akin kung sakaling nagbabalak ka ng masama. Hindi kailanman inisip ng Lolo na

magagawa mo siyang patayin. Ang kinatatakutan ng Lolo ay ang maaari mong gawin sa akin sa pisikal na paraan dahil ilang beses mo nang ipinakitang binalak mo akong gawan ng masama.”

Lumong-lumo si Charlie. Ikatlong bahagi ng kayamanan ng mga dela Cuesta ay kanya! Hindi man iyon fair sa kaisipan niya ay hindi birong halaga ang mga iyon. At kanya!

At mamamatay rin ang matanda! Araw lang ang hinihintay! Nahahalata na nitong maysakit si Don Luis at ang malimit nitong pakikipagkita kay Dr. dela Paz bago lumabas ng bansa ang huli. Kung sana’y nakapaghintay pa ito ng kaunting panahon. Kung sana’y... isang malakas na tawa ang pinakawalan ni Charlie habang inilalabas ito.

Muling nagpaalam si Jackson bago tuluyang sinundan ang mga tauhan.

“Now let me deal with you,” ani Bernard na naniningkit ang mga mata nang mawala sa paningin nila ang mga sasakyan. Hinila nito si Diana sa sala at pinaupo. “Paano kung hindi naunahan ni Jackson ang lalaking iyon?”

“P-papatayin ka niya...” usal niya sa namamaos na tinig.

“Kaya iniharang mo ang sarili mo!” Itiningala ng binata ang ulo upang punuin ng hangin ang dibdib and to control his anger. His chest ached for this

little stranger who’s willing to risk her life for him.

“P-please... huwag kang magalit,” aniya sa maliit na tinig. “Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung pati ikaw ay mapahamak.”

“I wish to hell you knew something about obedience, Diana!” paasik nitong sinabi nang makabawi sa emosyon. “I almost died nang itawag ng mga navy na wala ka pa rito sa mansiyon. I never thought na sa pabrika ka tumuloy. And again you scared me to death nang iharang mo ang katawan mo sa akin...”

Sa likod ng isip ni Diana ay naroon ang galak sa pag-aalala ni Bernard. Pero may higit siyang gustong malinawan.

“P-paano mong nalaman? I mean… naguguluhan ako...”

“You don’t really know me, do you?”

Only as

a

lover, Bernard.

Gusto niyang sabihin pero nanatili siyang nakatingala rito sa nagsasalubong na mga kilay. Hindi pa rin siya makapaniwalang nakaligtas siya sa mga kamay ni Charlie at Kenneth. At nasa harap niya si Bernard. Now she’s suffering from aftermath. Nanginginig ang mga kamay niya.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ng binata. Banayad na hinaplos ng palad ang mga pisngi niyang kinabakasan pa ng kalupitan ni Charlie. Nagtagis ang mga bagang nito. Niyuko ang punit niyang blusa. May gasgas ang dibdib niya dahil marahil sa pagkakahablot ni Kenneth at marahil ay nakayod ng kuko nito.

“Ano pa ang ginawa ng mga iyon maliban sa

nakikita ko sa mukha at dibdib mo?” tahimik na tanong ng binata pero nag-aapoy ang mga mata. “I promise you, Diana, higit pang impierno ang daranasin nila sa kulungan sa ginawa nila sa iyo. Marami akong

kaibigan

sa lahat ng sulok ng lupa...”

Mabilis siyang umiling. “W-wala na, Bernard. Maliban sa mga nakikita mo’y wala na. Ang pagbabayaran ng mga iyon ay ang pagpatay nila sa dalawang matanda.”

b

ahagya siyang napahikbi roon.

“Oh, Diana.”

k

inabig nito ang dalaga at niyakap nang mahigpit. “Gusto kong magalit sa iyo, gusto kitang parusahan for scaring me to death.”

p

uno ng emosyon ang tinig nito. Hinawakan sa mukha ang dalaga and kissed her softly, tenderly.

Napapikit si Diana. Nag-iinit ang sulok ng mga mata pero hindi niya gustong pakawalan ang mga luha.

“At hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa iyo for being so stubborn,” dagdag ni Bernard.

“Paano mong nalaman, Bernard,” pag-ulit niya. Hindi niya gustong paasahin ang sarili sa tenderness na ipinakikita ng lalaking ito sa kanya. Bernard has always been a loving and tender lover.

“Matagal ko nang alam ang tungkol sa iyo, Diana.”

s

inabayan nito iyon ng buntong-hininga. Nanlaki ang mga mata ng dalaga roon pero hindi nagsalita. “Sinabi ko na sa iyong walang kahirap-hirap kong matutuklasan ang buong pagkatao mo. Nalaman ko rin mula sa isang reliable source ang tungkol sa pagkamatay ni Don Luis dela Cuesta at ang tungkol sa unang hinala ng mga pulis na ikaw ang number one suspect.”

“P-pinaniwalaan mo iyon?”

“Hindi ko alam kung ano ang una kong iisipin pero ang paniwalaang ikaw ang pumatay sa sarili mong lolo matapos kang kupkupin nito five years ago ay hindi matanggap ng dibdib ko. Ang tumakas ka mula sa inyo ay alam ko na agad na may

misteryong nangyayari. So, my men worked fast. Natuklasan nilang miembro ng isang drug syndicate ang anak ni Luis dela Cuesta. Through underworld connections ay natuklasan din nilang milyon ang nakuhang pera ni Charlie sa sindikato at nanganganib mula rito. Hinayaan kong nakabitin ang impormasyong iyon sa iyo sa drawer ko sa opisina. I waited for you to tell me, to trust me.”

m

ay akusasyon sa tinig ng binata.

“Nasaksihan ko ang pagpatay ni Charlie sa Lolo. At sa nakalipas na ilang buwan ay nagtatago ako sa kanya hanggang sa matagpuan mo ako. Kanina ay n-nabasa ko sa peryodiko ang pagkapaslang sa Lolo Ramon. Alam kong kagagawan ni Charlie iyon. At ayokong... madamay ka...” she whispered.

“Hell, Diana! Ano’ng ayaw mong madamay ako? Mula nang makilala kita nagkagulo-gulo na ang isip at buhay ko sa iyo! At hindi aabot sa ganito kung nagtiwala ka sa akin!”

“I—I’m sorry...” bulong niya. Nagyuko ng ulo. “Hindi ako nagtitiwala sa iyo noong una. At nang magtagal naman ako sa Paso de Blas, hindi na rin halos pumasok sa isip ko ang sarili kong suliranin. I—I was so happy there... in that wilderness you called

home.”

Unti-unting lumambot ang mukha ng binata sa sinabi niya. “Itinawag sa akin ni Nathaniel ang pag-alis mo ng hotel. Hindi ka pa nakakarating ng domestic airport ay may mga nakaabang na sa iyo roong tauhan ni Jackson para subaybayan ka. May

nakamatyag na rin dito sa mansiyon. Nang itawag ng tauhan ni Jackson sa akin na hindi ka sa mansiyon nagtuloy at sa pabrika, doon halos sumabog ang dibdib ko sa takot. Walang taong nakaabang sa iyo roon at gusto kong iumpog ang ulo ko sa pader dahil sa kapabayaang iyon. Ang tanging konsolasyon namin ay ang dalawang tauhang nakasunod sa iyo nang lihim pero hindi sila nakapasok ng pabrika nang hindi mahahalata.”

“Kasabwat ni Charlie ang mga guwardiya sa gate.”

Tumango si Bernard. “Nang dumating kayo rito ay nauna lang kayo sa amin nang walong minuto, Diana. But a lot of things did happen in eight minutes and I was scared to hell!”

Isiniksik ng dalaga ang mukha sa dibdib ng binata. Hindi rin niya gustong isipin kung ano ang mangyayari sa kanya kung hindi dumating si Bernard. But then, all the while she was safe. May mga lalaking nakasubaybay sa kanya.

“Ano ang laman ng steel box na sinasabi mo kay Charlie?” tanong ng binata while kissing her hair.

Kumawala siya. Tumayo at lumakad patungo sa study at kinuha mula roon ang steel box. Dinala kay Bernard.

“Hindi ko na alam kung nasaan ang susi niyan. Pero ang testamento ng Lolo ang laman niyan. Na sa aming dalawa ni Charlie niya ipinamamana ang lahat ng kanyang mga ari-arian. Pero sinabi ng Lolo na hindi ko dapat ipaalam kay Charlie ang laman ng testamento hanggang buhay siya.

Nariyan din ang dokumento tungkol sa pag-aampon niya kay Charlie mula sa dating mayordoma. He was eight years old nang ampunin nito. Dalaga na ang Inay nang dumating si Charlie dito sa mansiyon.”

“Ang mga iyan at ang pagkasaksi mo sa pagpatay sa lolo mo ay sapat na dahilan upang manganib ang buhay mo sa kanya.”

n

agpakawala ng malalim na buntong-hininga ang binata. Pagkatapos ay tumayo at binuhat siya. “Show me your bedroom,

amore.”

“Bernard?”