H APON na nang dumating si Marco. At pasado alas-kuwatro na ng hapon nang pasukin siya nito sa silid upang yakaging mangabayo.
Ilang sandali pa’y nilalandas na nila ang daan patungo sa magubat na bahagi ng lupain.
“May pangalan ba ang kabayo mo?”
“Firewind. At `yang sinasakyan mo ay Snowhite at obvious kung bakit,” natatawa nitong sagot. “Hindi ka na masama para sa baguhang mangangabayo.”
Kung papuri iyon ay hindi niya matiyak. “Saan tayo pupunta?”
“May batis sa gitna ng gubat na ito na ang tubig ay nanggagaling sa isang maliit na bukal. Para sa isang lumaki sa Maynila ay magugustuhan mo ang lugar.”
Nilingon ni Emerald ang pinanggalingan nila. Hindi na niya matanaw ang bahay bagaman elevated ito.
Kung gusto niyang tumakas mula kay Marco at mula sa lupaing ito ay ngayon niya dapat gagawin. Hindi niya maalis sa isip ang engkuwentro nila ni Alfon. At totoong natatakot siya. Hindi siya bumaba ng tanghalian upang huwag makaharap ito. Ginawa niyang dahilan na dalawang beses siyang nag-almusal at busog pa gayong kape lamang ang ininom niya nang saluhan si Bernard.
Kinakabahan siya sa iniisip gawin pero nagpa-panic siya kapag naiisip si Alfon. Buong buhay niya’y wala pa siyang nakatagpong ganoong tao na ang poot at pagkamuhi sa kanya’y halos bumaon sa mga buto.
Tulad ng nakikita niya sa mga cowboy movie ay malakas niyang hinapit ang kabayo. At tulad ng dapat asahan ay tumakbo si Snowhite. Nagulat si Marco. Hindi inaasahang gagawin niya iyon.
“Emerald!”
At tulad din ng dapat asahan dahil hindi naman siya marunong mangabayo ay hindi niya magawang ibalanse ang sarili. Isang pag-ikot ng kabayo ang nagpahulog sa kanya sa damuhan.
Mabilis na bumaba ng kabayo si Marco at tinakbo siya.
“You fool! Bakit mo ginawa `yon?” Paluhod na bumagsak ito sa tabi niya. Gumuhit ang pag-aalala sa mukha. “Nasaktan ka ba?” Hinawakan siya nito sa mga bahaging maaari siyang nabalian.
Galit at pagkapahiya ang nadama niya. Marahas niyang tinabig ang mga kamay nito.
“Bitiwan mo ako!”
“That was foolish, Emerald,” pagalit nitong sinabi. “Kahit pa sabihing mahusay kang mangabayo ay hindi ka makakalayo sa akin. My horse is a thorough-bred stallion. My most prized possession so far. Kahit si Leon ay wala nito.”
Akma siyang tatayo subalit marahas siyang nahawakan ni Marco sa kamay at muling ibinalik sa damuhan, pinning her arms over her head.
“Bitiwan mo ako!” pagpupumiglas niya. “Wala kang karapatang pigilin ako rito nang labag sa loob ko!”
“Hindi ka makatatakas sa akin, Emerald, kung iyon ang iniisip mo.”
“Ano ka ba! Nasasaktan ako—” Kung ano pa man ang gusto niyang sabihin ay tinakpan na ng mga labi ni Marco.
Lalo siyang nagpumiglas at pilit ibinabaling paiwas ang ulo.
Nang iwan ng binata ang mga labi niya’y naghabol siya ng paghinga.
“Stop fighting, Emerald...” masuyong wika nito. “Sa ginawa mo ay inubos mong lahat ang pagpipigil ko sa sarili. Make love to me, right here, right now,” his voice husky.
“Hindi ako m-makapaniwalang... sinasabi mo sa akin iyan…” Tumaas-bumaba ang dibdib niya.
Ibinuka niya ang bibig upang muling mag- protesta pero muli ay naroon ang mga labi ni Marco.
Sinisiil siya nito ng halik. So soft and gentle tulad ng mabining hanging umiihip sa buhok niya. Gusto niyang manlabang muli pero nanunukso ang mga labi nito sa bibig niya; tenderly tormenting her, kissing her hard and deep only to retreat and tease. And it was maddeningly arousing. The devil is a master-kisser.
“M-Marco, please...” bulong niya. Mas higit ang takot na nadarama niya ngayon higit kailanman dahil pati ang sarili niyang katawan ay tinatraydor siya.
“Sshh... be still, darling…” ganting-bulong nito.
Bumaba ang mga kamay nito sa mga butones ng blouse niya at isa-isa iyong tinanggal. Pagkatapos ay ang snap ng bra niya. Napapikit si Emerald nang bumaba ang ulo ng binata sa leeg niya. He was giving her tiny wet kisses along her shoulder at pababa sa dibdib niya.
She felt his tongue and lips making slow and moist circles on her breast. And she was lost.
Kung paanong natanggal nang pareho ang mga kasuotan nila’y hindi na niya alam. Nothing else mattered at this moment.
Hindi ang maraming mga taong alitan ng dalawang pamilya.
Hindi ang katotohanang kaya siya narito sa lupain ng mga de Silva ay upang maging bayad-utang.
Kahit ang kinabukasan ay hindi naging hadlang sa sandaling iyon. Let tomorrow take care of itself.
Tanging si Marco lamang. Only he mattered. Ang ginagawa nito sa kanya.
Kung sa kauna-unahang pagkakataon ay ibibigay niya ang sarili sa isang lalaki, then she will do it completely. All of herself, her heart, her body, her soul. She had every intention of making love to him that any other woman in the past or in the future would pale in his memory.
Her response triggered something savage in him. And he wasn’t gentle. Mas nag-aangkin... mas naghahanap. He used his lips... his hands to drive her to the brink of madness. At ikinagagalak niya ang kaalamang she had driven him as far beyond control tulad ng ginagawa nito sa kanya. She herself, setting aside pain and discomfort.
“Emerald... my precious Emerald...” ungol ng binata.
Gusto niyang sumigaw pero tinakpan iyon ng mga labi ni Marco. Marahan siyang nagmulat ng mga mata.
Bituin ba ang nakikita niyang iyon sa pagitan ng mga sanga at dahon? Siguro nga dahil dapit-hapon na. Kaya ba niyang abutin iyon? Siguro. Inabot niya ang isa. Ikinulong sa mga palad. And time froze.
Then they were back to earth. At hindi niya gustong magmulat ng mga mata kahit nang hinahawi ng binata ang buhok niya mula sa mukha patungo sa likod. Even when he showered tender kisses across her face.
“You’re a witch! You make a man crazy at isiping wala kang karanasan,” he whispered in a ragged breathing. “Open your eyes and look at me,” masuyong utos nito.
Paano niya ito haharapin at pakikitunguhan? After the rapture, what? Sana’y wala na ang mga ganitong confrontation. Kung naging iba lamang sana ang pangyayari. Kung sana’y hindi siya Fortalejo at hindi ito de Silva.
Kailangang panatilihin niya ang pride sa kabila ng lahat. She opened her eyes and looked straight into his eyes.
Ano ang nakita niya? Tenderness? Imahinasyon lamang niya iyon.
“Ibinigay ko ang kabayarang hinihingi mo kasama na ang interest,” aniya sa patuyang paraan, ayaw tumingin dito.
And the magic moment was lost. Nag-ulap ang mga mata ng binata at ibinagsak ang katawan sa tabi niya. Isang buntong-hininga ang pinakawalan.
Tumayo si Emerald at dinampot sa damo ang underwear at isinuot. Nilingon si Marco na nanatiling nakatitig sa kanya.
“Ano ang ginagawa mo?” salubong ang mga kilay na tanong niya.
“Memorizing every delicate inch of you and hoping I could preserve this moment forever,” sagot ng binata na hindi pa rin kumikiios.
Umismid ang dalaga. “Very poetic para sa isang napopoot at humingi ng kabayaran sa walang katapusang alitan.”
Ni hindi pa niya naibubutones ang blouse niya nang bigla siyang hatakin ni Marco pabalik sa damuhan.
“Halika nga,” pagalit nitong sabi, sabay hawak sa mga kamay niya. Hindi agad nakakilos si Emerald sa pagkabigla. “Kahit na ano pa ang sabihin mo ay hindi ako naniniwala na ang dahilan ng pagpapaubaya mo at pagtugon ay dahil nagbabayad ka ng utang.”
Oh Lord! Don’t let him strip me off my pride. “Wala ako rito kung hindi dahil doon, hindi ba?” pagalit niyang sagot.
“Maybe so. But you responded to my lovemaking like wild fire hindi dahil nagbabayad ka ng utang but because you wanted me just as I wanted you. Iyan ang gusto kong aminin mo sa akin.” Ibinaba nito ang tingin sa dibdib niyang nakahantad pa rin dahil hindi pa niya naibubutones ang blouse.
Marahang pinaglandas nito ang kamay mula sa leeg niya pababa sa dibdib doing swirling circles. His touch featherlight. Nanlaki ang mga mata niya. Iyon lamang at tila may mumunting apoy na nagsisindi sa buong katawan niya.
“Kumikislap ang mumunting apoy sa mga mata mo. Nagliliyab na tila mga bulaklak ng caballero, in passion.” Ginawaran siya nito ng halik sa sulok ng mga labi niya.
Kung hindi niya pipigilin ang apoy habang maliit pa, paano pa niya ito mapipigil mamaya?
“M-malamig ang damo sa likod ko, Marco. T-tumutusok…” aniya sa pagitan ng mga panunukso nito sa mga labi niya.
Huminto ang lalaki at tumawa nang malakas. Nag-echo ito sa kagubatan. Mabilis siyang tumayo at ipinagpatuloy ang pagbibihis. Sumunod ang binata.
“Ang dami mong ginagawa sa mga senses ko, Emerald, like no woman ever did.” Ngumingiti ang mga mata nito na hinawakan siya sa baywang at itinaas sa ere at isinakay sa likod ng stallion. Sa patagilid na paraan, sa pagtataka ng dalaga.
Pagkatapos ay hinawakan ang tali ng puting kabayo at ito man ay sumampa na rin sa likod ng stallion. Nasa likod ang puting kabayong hila-hila ni Marco.
“Natatakot kang muli kong gawin ang ginawa ko kanina kaya dito mo ako isinakay?” tuya niyang tanong.
Ngumiti ito. Nanunuksong ngiti. “After the loving, mahihirapan kang sakyan si Snowhite tulad ng sakay mo kanina, if you know what I mean.”
Lumingon siya sa unahan upang huwag makita ni Marco ang pamumula ng mga pisngi niya. “How considerate,” patuya niyang sagot na tinawanan lamang ng binata.
Mahigpit siyang hinapit na para bang makakawala siya.
Dalawang araw ang matuling lumipas mula nang mangyari iyon. At ang ikaanim na araw mula nang dumating siya sa Paso de Blas.
Wala pang isang linggo pero tila taon na ang binilang niya mula nang umalis siya ng Maynila.
Napakalaki ng pagbabagong naganap sa buhay niya.
Mula rin nang mangyari iyon ay iniwasan ni Marco na magkaroon sila ng komprontasyon. Bagaman naroroon lamang ito ay nagkukulong naman sa library. Ang laging dahilan, may pinag-aaralan o `di kaya ay inaayos ang accounting ng farm.
At nasasaktan siya.
Nang sumunod na araw ay kasalukuyan silang nanananghalian nang dumating si Alfon.
“Natitiyak kong magiging interesado ka, Marco, kung sino ang nadampot ng mga tauhan natin sa bukana ng farm,” nakangising bungad ni Alfon na ikinatingin nilang lahat dito. Sinulyapan nito si Emerald na agad kinabahan.
“Ano ang sinasabi mo?”
Lumingon sa pinanggalingan si Alfon at sumigaw. “Felipe, ipasok mo ang bisita natin!”
Lalo nang lumakas ang kaba ng dalaga sa pamilyar na tinig na naririnig sa labas. Napatayo siya.
“Bitiwan mo ako, ano ba!” wika ng bagong dating na kumawala sa humahawak.
“Jewel!” Hindi makapaniwalang bulalas ng dalaga.Tinakbo ang kapatid.
“Emerald!”
Nagyakap ang magkapatid. “Bakit ka narito? Sinaktan ka ba nila? Bakit ka pinayagan ng l olo na pumarito? Kailan ka pa dumating?” Naghihisterya na siya sa takot at pag-aaiala.
Tumayo si Marco at nilapitan siya. Marahang hinawakan sa balikat.
“Sshh... walang mangyayari sa kapatid mo,” bulong nito. At kung bakit napahinuhod siya ay hindi niya alam. Did she really trust this man?
Ngumiti si Alfon. “Pagkalipas ng maraming taon, Marco. Inihatid sa atin ang magagandang dalaga ni Romano. Ang pagkakataon nga naman. Akin ang bata.”
“Iwan mo kami, Tiyo Alfon,” wika ni Marco sa tonong ikinatigil ng matandang lalaki. Ni hindi nag- angat ng boses si Marco pero ibinabadya ng mukha nito ang lahat ng gustong sabihin.
“M-Marco...?”
Hindi na muling nagsalita ang binata pero nanatiling nakatitig sa amain. Ilang sandali munang nag-alanganin ang matandang lalaki bago tuluyang lumabas kasunod ang tauhan.
Saka pa lamang huminga si Emerald.
“Paupuin mo ang kapatid mo, hija.” s i Julia na itinuro ang isang silya. “Pakainin mo na tuloy. Sumalo ka na, hija. Ano na nga ang pangalan mo?”
“Jewel ho. Kristine Jewel,” sagot ng dalagita na naupo sa tabi ni Bernard na kanina pa rin nakatayo.
Muli itong bumalik sa upuan nang makaupo si Jewel.
Ngumiti ang matanda. “Mga hiyas. Mga mamahaling hiyas ni Romano.”
“Emerald, what is this all about?” marahang tanong nito sa kapatid. “Ang sabi ng Lolo ay nagbabakasyon ka rito. He was really worried, lalo na si Nathaniel na laging galit. Hindi niya ako gustong magpunta rito. Tumakas lang ako. I used Daddy’s car at nagtanong ako nang palihim sa isa sa mga tauhan ng asyenda kung paano pupunta rito.”
“Oh, Jewel, love. Hindi mo dapat ginawa iyon,” nag-aalalang wika niya rito. Nadagdagan ang suliranin niya. Paano na ba?
“The same stubborn trait as your sister, ha?” tawa ni Marco.
Inabutan ni Bernard ng pagkain ang dalagita.
“Thank you,” ani Jewel. “I’m really starving. I just arrived this morning, Emerald.”
Hindi niya magawang sumagot. Abala ang isip niya. Ano ang gagawin sa kanila ni Marco dito? Ano ang gagawin nina Nathaniel at Leon kapag hindi nakabalik si Jewel?
Tumayo siya at lumabas sa sala. Sumunod na tumayo si Marco at sinundan siya. Nagtatakang tatayo rin sana si Jewel.
“Sige na. Kumain ka na. Huwag mo silang intindihin.” s i Bernard na hinawakan ang braso ng dalagita.
Sandali lamang itong nag-atubili at muling naupo.
Huminga nang malalim si Julia at tumingin kay Bernard. “Hindi ko maintindihan ang nangyayari, Bernard. Bakit ganoon na lang ang pag-aalala ni Emerald nang makita ang kapatid dito?”
Hindi sumagot ang binata. Nagdilim ang mukha.
Sa labas ay inabutan ni Marco si Emerald na papalabas ng garden. Hinawakan siya nito sa braso.
“Ano ang gusto mong sabihin ko sa iyo para mapanatag ang loob mo?”
“Send her back now, Marco. Kapag nalaman ng Lolo at ni Nathaniel na nawawala siya sa villa ay magkakagulo. Masasayang ang...” h indi niya naituloy ang sasabihin dahil marahas siyang iniharap dito.
“Alin ang masasayang?” pagalit nitong tanong. “Sayang ang pagkakaloob mo sa akin ng sarili mo, ganoon ba? Iyon ang sasabihin mo?”
Hindi siya sumagot. Kumawala sa hawak ng binata at sumandal sa hamba ng pinto. Si Marco ay napahawak sa batok at tumingala sa kisame.
Pagkatapos ay mabilis na nagbalik sa dining room.
“Ikinalulungkot ko, Jewel, kung hindi ko maipatatapos sa iyo ang pagkain mo. Ibabalik kita sa Hacienda Kristine ngayon din.”
Tatlong pares ng mga mata ang nagtatakang nakatingala sa binata.
“Wow! There are lots of macho cowboys here, ha?” natatawang wika ng dalagita na inilahad ang dalawang kamay. Sinulyapan si Bernard na hindi maipaliwanag ang ekspresyon ng mukha. “Hey, what’s your name?” tanong nito sa binata.
Matabang na ngumiti si Bernard. “Bernard.”
“Nice meeting you, guys. Macho man here is taking me home,” wika ng dalagita na sinulyapan si Julia na naiiling-iling.
“Sana’y dumalaw kang muli, Jewel. Sa magandang sirkumstansiya,” ani Julia.
Nasa labas na si Emerald nang lumabas ang dalawa. Ipinakuha ni Marco si Firewind.
“Nasaan ang kotse ng Daddy?” s i Emerald.
“Nasa labas. Pinaiwan sa akin ng dalawang iyon kanina. Are you not coming with me? Bakit hindi ka tumatawag sa Mommy? What’s going on?”
“Tatawag ako ng long distance mamaya. Sabihin mo sa l olo na walang dapat ipag-alala. Pina-extend ni Mrs. de Silva ang social visit ko rito.” Tipid siyang ngumiti.
“Emerald, you’re not making any sense—”
“Trust me, love. Sige na. Naghihintay na si Marco.”
Ngumiti ang dalagita. Sinulyapan si Marco at muling ibinalik sa kapatid ang tingin. “Oh, well... I’m beginning to understand.”
Tumango siya. Hayaan niyang iyon ang isipin ni Jewel. Ilang sandali pa’y tumatakbo na palabas ang stallion.
“Magagandang pareho ang mga kapatid ko. Wala akong itulak-kabigin.” s i Bernard na hindi niya namalayang nasa likuran na.
“But really, now I wished you were not my sister.” Sinabayan nito ng pasok sa loob. Naiwang nagtataka ang dalaga.