“B AKIT dinala mo ang babaeng `yan dito, Marco?” pagalit na tanong ni Alfon. Kung nakadama ng takot si Emerald kay Marco ay bale-wala kung ihahambing sa nadarama niya sa lalaking kaharap.
Malaking tao at mabalasik ang anyo nito, nasa late forties na marahil. Kinikilabutan siya sa talim ng mga mata nito habang sinusuyod siya ng tingin.
“Kailan pa nangyaring kinuwestiyon mo ang desisyon ko, Tiyo Alfon? Bisita ko siya rito sa bahay at huwag mo siyang pakialaman,” mariing sagot ni Marco na inihagis ang sumbrero sa sulihiyang divan.
“Hindi ba dapat ay itali mo sa puno ang babaeng iyan at ibilad sa araw hanggang sa mamatay?” poot nitong sinabi. “Ang mama niya ang sanhi ng pagkamatay ng papa mo at ni Alicia!”
Hindi sinasadya at wala sa loob na napasiksik si Emerald sa tabi ng binata sa poot na nakikita niya sa mukha ni Alfon.
Napatingin sa kanya ang binata, `tapos ay muling tumingin sa tiyuhin.
“Ako ang bahala sa kanya, Tiyo Alfon. Iwan mo na kami,” utos nito.
Matalim na sinulyapan nito si Emerald bago pagalit na lumabas ng kabahayan. Natanawan ni Marco ang isang katulong at tinawag ito. “Nasaan ang Mama at si Bernard, Agnes?”
“Nasa silid si Ma’am, Sir. Si Bernard ay nasa kamalig marahil.”
Tumango ang binata at lumabas na uli ang katulong.
Nanlalambot na napaupo sa divan si Emerald.
“Huwag mong pansinin ang Tiyo Alfon.” s i Marco na naupo sa harapang silya.
“Ano ba ang inaasahan ko sa teritoryo ng mga kaaway?”
Amused na ngumiti si Marco. “Eh, bakit kaninang nagpupuyos sa galit si Tiyo Alfon ay nagsumiksik ka sa tabi ko?”
Ginawa ba niya iyon? Bakit? Dahil kaya kahit alam niyang napopoot sa pamilya niya si Marco ay hindi siya naniniwalang pahihintulutan nitong may mangyaring masama sa kanya? At hindi lamang siya naniniwala, iyon ang nadarama niya. Kung paanong masidhi niyang nadaramang malinis ang pangalan ng daddy niya sa mga ibinibintang dito.
But she’d die kaysa aminin dito ang bagay na iyon.
“I can always choose the lesser evil, hindi ba?” ismid niya.
“Ako? Lesser evil?” Tumawa ito nang malakas na lalong nagpadagdag sa galit ni Emerald. Halos naririnig na niya ang tunog ng pagtatagis ng sariling mga bagang. “This is the demon’s lair, my dear. At ako ang pinuno rito kaya baka nagkakamali ka.”
“Tama ka,” aniya sa nagngangalit na mga ngipin. “Ikaw nga ang demonyo!”
Muling tumawa ang binata. Nangingislap ang mga mata sa merriment. “Ese hombre demonio! Malimit sabihin ni Leon Fortalejo sa akin `yan. At ngayon ay ang magandang apo. Tsk-tsk-tsk! You’ll find this demon a very good lover, Emerald.” Pinamulahan ng mukha si Emerald na tinutop ang bibig upang hindi makapagsalita ng mga bagay na pagsisisihan din niya.
Anuman ang sabihin niya ay bale-wala na at pagtatawanan lamang nito. Tumayo si Marco at hinawakan siya sa kamay na agad din niyang binawi. Pero muli iyong ginagap ng binata at hinigpitan ang hawak.
“Sasamahan kita sa silid mo sa itaas,” kaswal nitong sinabi.
Walang kibong sumunod si Emerald. Hindi niya maiwasang hindi iikot ang paningin sa loob ng bahay sa kabila ng lahat.
Mas malaki ang Villa Kristine kaysa bahay ni Marco pero contrast ang dalawang bahay kung ayos ang pag-uusapan.
Classic ang villa, modern ang sa mga de Silva. Mula sa mga kasangkapan hanggang sa kaliit-liitang bagay.
Sadya kayang ninais ni Marco na wala kahit na anong bagay ang maihahalintulad sa Villa Kristine? In a remote place like Paso de Blas at sa isang malawak na lupaing napapaligiran ng mga berdeng pananim at walang kapitbahay ay nakatayo ang bahay ni Marco. At tulad ng sa Villa ay wala rin itong bakod.
Walang photographer na tatangging kunan ng larawan ang dalawang magka-contrast na bahay. Both were works of art.
Ang Villa Kristine, in its pre-Spanish glory at ang bahay ni Marco na naitayo ng isang mahusay na arkitekto na marahil ay siyang masterpiece nito, ay nasa elevated area o burol, in modern architecture.
Paparating pa lamang sila sa bahay na ito ay hindi na niya mapigilang humanga. Oh well, kahit siguro taga-Forbes Park ay bibigyan din ng second look ang bahay ng binata kung doon ito nakatayo. At iyon ang ikinaganda nito, ang lugar na kinatatayuan at ang mga nakapaligid. A twentieth century house in ancient paradise.
“ i to ang magiging silid mo.” Isang malaki at modernong silid ang ipinakita ni Marco. Wall-to-wall carpet na kulay-talong. Mamahalin ang wallpaper sa dingding in soft beige. At pandalawahang-taong kama na yari sa brass. Para siyang pumasok sa isang silid ng five-star hotel.
“Really? Isang ginintuang-kulungan?” tuya niya rito at walang sabi-sabing pumasok at naupo sa maliit na settee.
Nagkibit ng mga balikat ang lalaki. “Kung iyon ang gusto mong itawag. May sariling banyo ang silid. Kung anuman ang kailangan mo ay hingin mo kay Agnes.” Itinuro ng mga mata nito ang interhouse phone. Pagkatapos ay iniwan na siya.
Agad siyang tumayo at ini-lock ang pinto. Moderno ang silid at maganda pero walang labis. Hindi overdecorated. Ang ipinagtataka niya, bakit tila panlalaki ang silid na ito?
Agad na bumangon ang kaba niya at binuksan ang closet. Walang laman maliban sa mga beddings, towels, at mga bimpo.
Nakahinga siya nang maluwag. Ang nasa isip niya’y baka silid ito ni Marco.
Nasulyapan niya ang tokador na maliban sa mga necessities ay walang gamit na panlalaki. Siguro nga ay guest room lamang ang silid na ito.
Tulad sa Villa Kristine ay may veranda rin pero naka-lock ang daanan patungo roon. Walang pinto subalit ang buong bahagi ay nakarehas ng kuwa- kuwadradong bakal at natatabingan ng manipis na kurtina from ceiling to floor.
Nakakulong ba siyang talaga?
i nilatag niya ang sarili sa magandang kama at niyakap ang isang unan. Nami-miss niya ang kanyang silid sa Maynila at nakadama siya ng lungkot.
Ano itong napasukan niya? Siya ang nagdala sa sarili ng kasalukuyang kalagayan at kung tutuusi’y wala siyang dapat sisihin.
Isang mahinang katok ang nagpabalikwas sa kanya. Alanganing tinungo ang pinto at binuksan ito. Nasa harap niya ang isang babaeng sa tantiya niya’y mahigit nang singkuwenta ang edad. Nakapusod ang halos maputi nang buhok. Maamo ang nakangiting mukha at nakaupo sa silyang de gulong.
“Magandang umaga, hija.”
Hindi agad nakapagsalita ang dalaga. At si Marco ay malaki at mataas na humigit pa siguro sa anim na talampakan.
“Ikaw pala ang anak ni Romano.” May bahagyang lungkot at pait siyang naulinigan sa tinig nito subalit agad ding naparam. Muling ngumiti. “Nagagalak ako at pinagbigyan mo ang paanyaya ng anak kong magbakasyon dito, hija.”
Magbakasyon! Hindi ba alam ng babaeng ito na labag sa kalooban niya ang pagkapigil dito?
“Be civil to my mother... sabihin mo sa akin ang lahat ng gusto mong sabihin kung tayong dalawa lang...’ ” Iyon ang babala ni Marco sa kanya. “‘ Ang kalagayan ng Mama ay sanhi ng trahedyang dulot ng mga Fortalejo...’”
“E-Emerald po ang pangalan ko. Kristine Emerald,” mahinang sabi niya, napaupong muli sa kama.
Malungkot at mapait na ngumiti ang matandang babae. “Para kong nakita sa iyo si Esmeralda noong kami ay mga dalaga pa... siyang-siya ikaw.” Sinuyod siya nito ng tingin.
Hindi siya makaapuhap ng sasabihin.
Why is she so friendly? Bakit tila welcome siya rito?
“Natutuwa ako at nakapag-isip-isip din ang anak ko, Emerald. Napakatagal na ng alitang ito na dapat nang kalimutan at ibaon. Hindi ko alam kung paano mo napalambot ang puso ni Marco. Mahabang panahong poot at galit ang namahay sa dibdib niya. Napakaganda mo, hindi kataka-taka.”
Napalunok ang dalaga. “H-hindi... kayo nagagalit sa pamilya—?”
“Dapat lang, `di ba? Nakulong ako sa silyang de gulong na ito sa mahabang panahon dahil sa nangyari. Asawa at anak ko ang nawala.” Umiling ang matanda. “Natitiyak kong hindi ginusto ni Leon ang mga nangyari, hija. Ang katotohanang hindi niya natutuhang patawarin si Romano ay konsolasyon na sa akin. Pero hindi ko maaaring gatungan ang poot na namamahay sa dibdib ni Marco. Kailangan kong magpatawad at lumimot para sa kanya. Nasira na ng trahedya ang pagkatao ng anak ko. Lumaking matigas ang damdamin at marahil ay malupit. Ganoon pa man ay wala pa akong nalamang taong inagrabyado ng anak ko.”
Ako lang, kung saka-sakali, gusto niyang sabihin.
“K-kung... ganoon, bakit may gulo pa ring namamagitan sa mga tauhan ng bawat pamilya? Bakit hanggang ngayon ay patuloy ang alitan?”
“Ako lang ang nakalimot at nakapagpatawad, hija. Hindi si Alfon at si Marco. Totoong walang ginagawang labag sa batas ang anak ko pero nasa dibdib niya ang poot at pagnanais na makapaghiganti . Lalong higit si Alfon na kung hindi dahil kay Marco, marahil ay higit pang dugo ang dumanak.” s andali itong nagpahinga sa pagsasalita na tila napagod.
Kinabahan si Emerald. Nilapitan ang matanda.
“G-gusto ninyong ikuha ko kayo ng tubig?” nag- aalalang tanong niya.
Umiling ang matanda. “Huwag kang mag-aalala sa akin, Emerald. Hindi ko ikamamatay ang paghahabol ko ng hininga. Ngayon pang nakita ko na muling ngumingiti ang anak ko. Naikuwento niya sa akin kung paano kayo nagkatagpo at kung paanong hindi ka natakot sa kanya. Sa lahat nga naman ng tao, ang anak pa ni Romano, ha?” Ngumiti ang matanda. “Ang pagkakataon nga naman! Ang sabi ko nga, sana’y ito na ang maging daan para matapos na ang walang kabuluhang alitang ito. Nagpapasalamat ako, Emerald, at ikaw mismo ang gumawa ng hakbang para doon.”
At ginamit iyon ng anak ninyo para isakatuparan ang paghihiganti! Your son has an ulterior motive at hindi n’yo alam iyon!
Kung sa matanda siya maaawa dahil nagawang itago ni Marco ang tunay na layunin o sa kanyang sarili ay `di matiyak ng dalaga.
Maaaring nakapagpatawad ito pero the truth remains na may kasalanan pa rin ang daddy niya.
At paano niya sasabihin sa matandang babae na bilanggo siya sa bahay na ito? Baka ikamatay nito ang kaalamang maaaring magdulot na naman ng panibagong karahasan ang pagkakaparito niya.
“Sana ay masiyahan ka sa pagbabakasyon mo rito, Emerald—”
“lyan ang titiyakin ko, Mama.” s i Marco na hindi napuna ng dalawang nakatayo sa may pinto. Sa tagiliran nito ay isa pang lalaki. Nakatitig nang husto kay Emerald.
“Marco, hijo. O, Bernard, halika, anak at nang makilala mo ang anak ni Romano Fortalejo,” nakangiting wika ng matanda.
Maliban sa pagsasalubong ng mga kilay ay hindi nagbitaw ng salita ang nakababatang lalaki. Nakatitig lamang kay Emerald,
“Dalhin mo na sa ibaba ang Mama, Bernard. Kasalukuyang naghahanda ng pananghalian. Susunod na kami,” utos ni Marco.
“Halina kayo, Tiya Julia...” Inikot ng binata ang silyang de gulong at bago ito tuluyang lumabas ng silid ay muling sinulyapan si Emerald.
Isinara ni Marco ang pinto at muli ay napag-isa sila ng binata.
“Ngayong nakita mo na si Bernard, ano ang masasabi mo?” pormal nitong tanong.
“Hindi siya anak ng Daddy at hindi ko siya kapatid. Tinitiyak ko sa iyo!” madiin niyang sagot.
“Come on, Emerald—”
“Kilala mo ang mga Fortalejo, Marco. Si Lolo, si Nathaniel, ang Tiya Margarita. At ako. And if by chance, na sana ay huwag mangyari, ay makilala mo ang bunsong kapatid kong si Jewel, mauunawaan mo ang ibig kong sabihin. Lahat ng mga Fortalejos ay may minanang distinct traits. Kaming magkakapatid, si Nathaniel, ang nagmanang lahat kay Leon. Kahit ang mama mo’y sinasabing kahawig ko ang Lola Esmeralda, ganoon pa man, my eyes belong to the Fortalejos. Call it strong genetic trait. At wala kahit katiting nito si Bernard.”
“Huwag mong papaniwalain ang sarili mo diyan, Emerald. Malakas marahil ang dugo ng mga de Silva sa pagkakataong ito.” Pagkatapos ay makahulugang ngumisi. Sinuyod siya ng tingin, nagtagal sa dibdib niya at pagkatapos ay sa mga labi. “Natitiyak kong sa akin kukuha ng strong genetic traits ang magiging anak ko sa iyo.”
Nanlaki ang mga mata ng dalaga sa sinabi nito. Pinamulahan ng mukha. Inalis ni Marco mula sa pagkakasabit sa pantalon nitong maong ang CP at iniabot kay Emerald.
“Oras na para tawagan mo ang Hacienda Kristine, my dear.” b agaman nakangiti ay seryoso ang tinig nito.
Nanlilisik ang mga matang sinalubong niya ito ng tingin. Saglit na pumasok sa isip na huwag sumunod subalit alam niya ang kahihinatnan niyon. Si Julia mismo ang nagsabi: Lumaking matigas ang anak ko... at malupit. What a fitting description!
Pahablot niyang inabot ang CP mula sa kamay ni Marco. At sa nanginginig na mga kamay ay tumawag sa hacienda.
Napapikit siya sa histerya ni Leon Fortalejo sa kabilang linya. At sana’y wala si Nathaniel para madaling matapos ang ordeal na ito. Gusto na niyang sabihin kay Leon ang totoo. Pero natitiyak niyang sa loob lamang ng ilang sandali ay susugod ang mga ito sa farm ng mga de Silva. Tiniyak iyon ni Leon sa kanya kanina bago siya umalis.
Sa kalituhan niya ay muntik na siyang mapasigaw sa gulat sa paghawak ni Marco sa kanyang leeg at pagbulong nito sa kabilang tainga niya.
“Sabihin mong may kukuha ng bagahe mo sa villa,” bulong nito na sadyang idinikit ang mga labi sa tainga niya and then gave her earlobe a very gentle wet bite bago siya tuluyang binitiwan.
She gasped kasabay ng pananayo ng mga balahibo sa mukha at batok. Expect the devil to do worst! And shame on her dahil naaapektuhan siya!
“Emerald, nandiyan ka pa ba?” sigaw ni Leon sa kabilang linya.
“O-opo, Lolo... oho. Please, Lolo. Si Mrs. de Silva ang nag-anyayang dumito muna ako ng ilang araw. At least for a few days... y-yes... a day or two. Hindi ko ho alam and you don’t have to shout. I’m doing my very best para matapos lang lahat ito... ang alitang ito,” pait at lungkot ang nasa tinig niya. At nagsisimula nang mag-init ang sulok ng mga mata niya.
Hindi sinasadyang napasulyap siya kay Marco na matiim na nakatitig sa kanya. Agad siyang tumalikod upang huwag nitong makita ang namumuong luha sa mga mata niya.
“Nag-aalala ako sa iyo, nieta. Kaming lahat dito. Wala pa si Nathaniel dito. Hindi ako makapaniwalang sa isang iglap ay matatapos ang alitang ito na tumagal ng mahigit na dalawampung taon...” ang kabilang linya.
“I’m working on it and rejecting their ‘hospitality’ is not doing a bit of good.” b inigyang-diin niya ang salitang hospitality sabay sulyap kay Marco, na tinugon nito ng ngiti.
The devil is making this hard for her. Ang makitang nakatayo lamang ito roon at nakikinig ay nagpapa-rattle na sa kanya.
“M-Mrs. de Silva is a very nice lady, Lolo. Natitiyak kong alam ninyo `yan.” h indi maikakaila ang sinseridad sa tinig niya na ikinataas ng mga kilay ni Marco.
Matapos niyang sabi hing may kukuha ng mga gamit niya ay nagpaalam na ang dalaga at muling iniabot kay Marco ang CP. Nanlalambot siyang naupo.
This is it! From this moment on... bahala siya sa kanyang sarili sa kampo ng mga kaaway.
“Mahusay! Kahit ako ay muntik nang makumbinsi sa mga sinabi mo kay Leon.”
“Pinirmahan at sinelyuhan ko ang aking death certificate.” n i hindi halos lumabas sa bibig niya iyon.
“Maraming babaeng hindi sasang-ayon sa sinabi mo, Emerald. Ang ilang mga kadalagahan dito sa Paso de Blas ay kulang na lang na tutukan ako ng shotgun para lang maimbita sa de Silva farm. Huwag nang isama pa ang mga nakilala ko sa Maynila. Consider yourself very lucky.” Patuloy ito sa nakatutuyang pagngiti.
“You arrogant beast! And you call yourself a lawyer!” nanlilisik ang mga matang sigaw niya rito. “At hindi ako tulad ng mga babaeng sinasabi mo!”
“Oh yes! You are very beautiful kapag nagagalit ka nang ganyan. Nagliliyab ang mga mata mo tulad ng mga bulaklak ng puno ng caballero kapag wala na ang mga dahon. Smart and classy. A typical Fortalejo.” Humakbang ito papalapit sa kanya habang nagsasalita.
“Alam mo ba kung ano ang punong caballero?”
Hindi siya nakaiwas nang hapitin nito ang kanyang baywang at kabigin padikit sa katawan nito.
“Fire tree ang tawag ng iba rito. Ang mga mata mo’y tulad ng mga bulaklak ng punong iyon. Nagliliyab. I hope to see those eyes in fiery passion and desire.” At bago pa siya nakakilos ay siniil na siya nito ng halik. Mariin at marahas na mga halik. Nagpaparusa.
Hindi niya maikilos ang kanyang ulo dahil hawak ng isang kamay ni Marco ang batok niya. Ang isang kamay nito’y nasa katawan niya. Sinisikap niyang magpumiglas at manlaban subalit habang ginagawa niya iyo’y lalo lamang nagdaragdag sa pagnanasa nito. Nararamdaman niya iyon sa ibabang bahagi ng kanyang katawan.
Para siyang insektong nahuli sa malaking sapot ng gagamba.
Isang mahinang katok ang nagpakawala sa kanya mula sa mga bisig nito. Mabilis siyang tumakbo papasok sa banyo at nag-lock. Si Marco ay binuksan ang pinto. “Ano `yon, Agnes?”
“Nakahain na po. Ipinatatawag na kayo ng mama ninyo.”
“Susunod na kami.” Pagkatapos ay muling isinara ang pinto. Humakbang palapit sa banyo at kumatok.
“Buksan mo ang pinto, Emerald. Huwag kang magtago diyan sa loob. Alam mong kaya kong sirain ang pintong ito.” May warning sa tinig nito.
Ilang segundo ang lumipas bago nagbukas ng pinto ang dalaga. Namumula ang mga mata niya dahil sa saglit na pag-iyak at hindi niya gustong makita iyon ni Marco. Umiwas siya ng tingin subalit nakita na nito ang mukha niya. Hinapit siya nito sa baywang at hinila palabas.
“Bakit ka umiyak?” banayad nitong tanong. Iniwas niya ang mga mata subalit hinawakan ni Marco ang baba niya at itinaas. “Hmmm... a little bit swollen from my kisses.” Hinaplos nito ang mga labi niya.
“N-napakademonyo mo!” ang mahinang usal niya.
Tumawa nang malakas ang binata. “Right. And you’ve been kissed by this devil twice, Emerald. Beso del Diablo! Prepare yourself for the real thing. At sa susunod na hahalikan kita ay gagantihan mo iyon ng init tulad ng ginawa mo noong una!”
Kumawala ang dalaga. “The hell I will!” sigaw niya.
“Yes. The hell you will,” nakangiting sagot ni Marco na lumakad patungo sa pinto. “Ayusin mo ang sarili mo. Hihintayin kita rito sa labas at sabay tayong bumaba. Binibigyan kita ng tatlong minuto, Emerald.”
Pinakawalan niya ang hiningang kanina pa pinipigil nang lumabas si Marco. Dinama niya ang mga labi at napapikit siya. Totoong nanlaban siya rito. Pero ang panlalaban niya ay para sa sarili... para huwag siyang matangay.
Beso del diablo! Indeed!