noveltoon logo noveltoon
The Devil's Kiss (Kristine Series 1)

Chapter 7

Ch. 7 / 10 Feb 05, 2022

S A HAPAG kainan ay nasa kaliwa ni Marco si Julia de Silva at nasa kanan siya. Katabi niya si Bernard at kaharap si Alfon.

Hindi niya gustong mag-angat ng ulo dahil sa tuwing magkakasalubong ang paningin nila ng matandang lalaki ay kinikilabutan siya sa mga tinging ibinibigay nito.

Ang lalaking ito ang mahigpit na kaaway ng mga Fortalejo. Marahas at malupit. Walang pakundangan. Ganoon din marahil si Marco pero sa banayad na paraan.

Bata lamang marahil kay Julia de Silva ang lalaking ito ng ilang taon pero malaki ang pangangatawan. At hindi niya maiwasang hindi makadama ng takot sa tuwing titingin siya sa lalaki.

“Bernard, mag-utos ka ng dalawang tauhan sa Villa Kristine. Ipakuha mo ang mga gamit ni Emerald,” utos ni Marco.

Hindi sumagot ang inutusan na patuloy sa tahimik na pagkain.

“Anong kalokohan ang sinasabi mo, Marco?” s i Alfon. “Bakit ka mag-uutos ng mga tauhan sa lupain ng mga mamamatay-taong `yon?”

Napahugot ng hininga si Emerald sa sinabing iyon.

“Gusto mo bang may mga tauhan tayong mapapatay?”

May simpatya sa mga mata ni Julia nang sumulyap kay Emerald. Muli siyang nagyuko ng ulo.

“Walang mangyayari sa mga tauhan natin, Tiyo Alfon. Itinawag na ni Emerald ang bagay na iyan sa kabilang asyenda,” pormal na sagot ni Marco na inabot ang bandehado ng ulam. Naglagay sa pinggan ng dalaga at bumulong. “Kumain ka nang maayos. Huwag mong tusuk-tusukin ng tinidor `yang repolyo sa pinggan mo. Malapit nang maging coleslaw iyan.” Amusement ang nasa tinig nito para sa pandinig lamang niya.

“Ano ba talaga ang plano mo sa babaeng `yan, ha, Marco? Bakit hindi mo man lamang sinabi sa akin na balak mong iuwi dito iyan?” pagalit pa ring sinabi ni Alfon. “At ano ang nangyayari sa inyong mag-ina at tila isang panauhing pandangal ang babaeng iyan? i kaw, Julia?”

Muling nagsalita si Marco bago pa makasagot si Julia de Silva. “Nawalan tayo ng isang babae sa bahay na ito, Tiyo Alfon, hindi ba? Hindi ba dapat na palitan ni Emerald Fortalejo iyon bilang anak ni Romano?” makahulugang wika ng binata.

Isang malisyosong ngiti ang ibinigay ni Alfon. “Hindi masama. At ipasa mo sa akin pagkatapos.” Ngumisi ito.

Tumikhim si Bernard. Napahumindig si Emerald. Si Julia ay ibinagsak ang tinidor sa plato.

“Alfon! Hindi masama ang ibig sabihin ni Marco. Bakit mahalay ang dating ng sinasabi mo? Nasaan na ang respeto mo sa harap ng pagkain at sa akin?” pagalit na wika ni Julia.

Nagkibit ng mga balikat si Alfon. Malisyoso pa ring nakangisi. May kislap sa mga mata ni Marco nang tumingin dito si Emerald.

“Gusto kong alalahanin ninyong lahat na nawala sa atin si Alicia. Walang maaaring humalili sa kanya sa marangal na paraan. Nawalan ka ng ina, Bernard,” muling sinabi ni Alfon.

“Pinunan lahat ng Tita Julia iyon,” marahang sagot ng binata na sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita. Buong pagmamahal na ngumiti si Julia rito. Hindi nakaila kay Emerald ang adoration ni Julia para sa dalawang binata.

“Si Alicia ang ina mo, Bernard. Huwag mong kalilimutan `yan!”

MULING nagbalik sa silid si Emerald pagkakain.

Si Marco ay narinig niyang nagpaalam sa mama nito, may aasikasuhin daw sa bayan at kakausapin si Judge Adriano.

“Ipinagbilin ko sa Tiyo Alfon na bantayan kang maigi, Emerald. Huwag mong subukang tumakas dahil alam ni Tiyo Alfon kung ano ang gagawin sa iyo. At wala ako rito kung saka-sakali. So better behave, my dear,” banta ng binata bago ito umalis.

Hindi niya gustong maniwala pero kasabay niyon ay ang takot kay Alfon.

Gustuhin man niyang mapahinga ang isip at katawan ay hindi niya magawa. Natatakot siyang kapag sumayad ang likod niya sa kama ay maidlip siya.

At aminin man niya o hindi ay hindi siya makadarama ng katiwasayan hangga’t hindi bumabalik si Marco.

Ilang minuto na siyang nakatanaw sa paddock (koral ng mga kabayo) at pinanonood ang panginginain ng mga ito nang isang katok ang nagpalingon sa kanya sa pinto.

Bumukas iyon bago pa siya makalapit. Si Bernard.

“Maaari ba tayong mag-usap?” alanganing tanong nito.

“S-sige,” alanganin ding sagot niya. Itinuro ng mga mata ang maliit na sofa.

Pumasok at naupo roon ang binata. Siya ay sa gilid ng kama naupo. Panganib ba si Bernard sa kanya considering na anak ito ni Alicia? Ilang sandali muna siyang pinagmasdan ng binata.

“So....you are my... sister.”

“Bernard...?”

“Gusto kong masuklam at magalit sa inyo... sa iyo. Pero hindi `yon ang nararamdaman ko. Why should I go against my feelings and why should I hate my own sister? Wala ka namang kinalaman sa nangyari and you were not even born yet when it happened,” naguguluhang sinabi nito. Tumayo mula sa pagkakaupo at nagpalakad-lakad sa loob ng silid.

“Sino ang nagtanim ng hatred sa isip mo?” banayad niyang tanong. Siya man ay naiipit sa dikta ng puso at isip.

“Mula nang magkaisip ako’y itinanim na ni Tiyo Alfon ang mamuhi ako sa mga Fortalejo. Hindi ako natatakot makipag-away at mamatay, Emerald. Pero hindi ako naniniwala sa walang kabuluhang alitan at paghihiganti. I don’t want to waste my life hating other people, may rason man o wala. I won’t run from a fight pero hindi ko hahanapin iyon. Pagkapoot at pagnanais na makapaghiganti, iyon ang nagpatigas kay Marco. Hindi niya kailanman pinatulan si Tiyo Alfon sa walang pakundangang pagkamuhi nito sa inyo. Pero alam kong kinikimkim niya sa dibdib ang poot at iniinda sa sariling paraan. At bakit ka narito, Emerald? Hindi ako naniniwalang bukal sa loob mo ang pagpunta rito.”

“A-ako... ang nagsabi kay Marco na gusto kong pumarito, Bernard.” Somehow ay nagsasabi siya ng totoo. “Sinabi kong gusto kitang makilala.”

Ngumiti si Bernard sa kauna-unahang pagkakataon. Lumitaw ang dimple nito sa magkabilang pisngi.

“Then I’m glad you’re here, Emerald. May kapatid ka pa bang iba?” may pananabik nitong tanong.

Nakadama ng bigat sa dibdib ang dalaga. How she really wished he was his brother kung para din lamang sa ikasisiya ng damdamin ng binata. Pero mas malaking ginhawa na totoong hindi niya ito kapatid. Para sa daddy niya at sa dalawang pamilya.

“Naniniwala ka bang magkapatid tayo sa ama, Bernard?” she asked softly.

Nawala ang ngiti nito. “Mayroon bang ibang dapat paniwalaan?”

“I wish you really were my brother, Bernard. Pareho kaming babae ng kapatid kong bunso and having a big brother is very much welcomed. Pero natitiyak ko at nararamdaman kong hindi kita kapatid. Kung anuman ang nangyari twenty-four years back then, sana ay malaman ko. I’ll give anything malaman ko lang ang totoo.”

Isang mapait na ngiti ang lumabas sa mga labi ng binata. “Kung totoo mang hindi tayo magkapatid ay hindi ko alam kung paano mo mapatutunayan iyon. That’s next to impossible. Mas gusto kong panghawakan ang paniniwalang iyan kaysa hindi ko alam kung sino ang ama ko,” mapait nitong sinabi.

“Oh, Bernard!” g ustong mag-init ng mga mata niya.

Walang kibong lumabas ng silid niya ang binata.

GABI na nang dumating si Marco at nakapaghapunan na rin sila. Sa silid niya ito tumuloy makalipas ang sampung minuto.

“Sinabi sa akin ni Bernard na nagkausap kayo. Mahigpit din niyang itinanong kung bukal sa loob mong narito ka.”

“Huwag kang mag-alala at hindi ko sinabi sa kanyang I’m being abducted,” sarkastikong sagot niya. “You’re very clever, Marco. Naitago mo `yon pareho sa mama mo at kay Bernard.”

Nagkibit ng mga balikat ang binata. Hindi pinatulan ang inis niya. “Ano ang pinag-usapan ninyo ni Bernard?”

“Sinabi ko sa kanyang hindi kami magkapatid. Naaawa ako sa kanya. Tulad ko, naiipit siya,” pagalit niyang sagot.

“At hindi ka naaawa sa sarili mo kung sakaling hindi ka na makalabas sa lupaing ito kahit kailan?” Sinalubong niya ang mga mata nito. “You can’t keep me here forever, Marco! Hahanapin ako ng mommy at ng kapatid ko. Pupunta sila rito sa malaon at madali.”

“Very well. They’re the icing on the cake. Hindi ba at ang ina mo ang dahilan kaya tumakas si Romano sa kasal nila ni Ate Alicia? I’ll welcome them here, Emerald.”

“G-ganoon ba kalaki ang galit mo sa mga Fortalejo?”

“Emerald... Emerald...” wika nito na sinabayan ng malalim na paghinga na para bang isa siyang batang makulit. “Ikaw lang ang gusto ko. Ikaw lang ang hinihingi kong kabayaran. You could spare them all by being submissive.”

“At ano ang gagawin mo sa akin dito? Kept woman?”

“Is it so bad?” h e spoke so softly na tila humaplos sa buong pagkatao niya. “Other women would jump to take your place. I am a very good lover, Emerald.”

Nag-init ang mukha ng dalaga. At kung liwanag ng araw ang nasa loob ng silid ay makikita ni Marco ang pamumula niya.

She is very modern. Ang mga kaibigan niyang lalaki ay mga brutal din sa pakikipag-usap tungkol sa sex. Hindi rin siya prude so long as hindi siya binabastos. Pero bakit nasisindak at naeeskandalo siya sa sinabi nito?

Nag-aapoy ang mga mata niya sa galit na tumingin dito. Ano ang tingin ng lalaking ito sa kanya?

“Gusto ko `yang pag-aalab ng mga mata mo. Sana’y ganoon din ang passion and fire mo when I take you in my arms,” nakatawang sabi nito.

“Kung kaya mong mang-rape ng babae!” hamon niya.

“Kung ikaw ang ire-rape ko, bakit hindi?” tukso pa rin nito. “Pero duda ako kung darating tayo ro’n, Emerald. Tinitiyak ko sa iyo, hindi rape `yon kapag nangyari.” Amuse na nilingon nito ang pinto. Naroon si Agnes dala ang maleta.

Kung anuman ang gusto niyang isigaw rito ay naipit sa lalamunan niya pagkakita kay Agnes.

“Matulog ka nang mahimbing, Emerald. Bukas ng hapon ay ipapasyal kita sa buong farm.” At sinabayan na nito ng labas.

SA KABILA ng lahat ay mahimbing na nakatulog sa magdamag na iyon si Emerald. Marahil, dahil sa pagod ng katawan at isip.

Kinabukasang nagising siya’y wala si Marco. Sila lamang dalawa ni Julia ang nasa breakfast table.

“Hindi ka ba nanibago sa silid mo? Nakatulog ka nang mahimbing?” s i Julia habang marahang hinihigop ang kape.

“Nakakahiya sa inyong ngayon lamang ako nagising. Nasaan nga po pala si Marco?”

“Nasa bayan. Sa opisina ni Judge Adriano. May palagay akong ngayong araw na ito sasabihin ni Marco na hindi siya interesado sa inaalok nito sa kanya.” Bahagyang natawa ang matanda. “My son will never allow himself to be confined in a four-wall office.”

“Bakit, kung ganoon, abogasya ang tinapos ni Marco?” nagtataka niyang tanong.

“It seemed na mauuwi na naman ang usapan sa nangyari maraming taon na ang lumipas.” Umiling ito. “Walong taon si Marco nang mamatay ang papa niya at natanim sa isip ng bata na kung magiging isa siyang abogado ay mapaparusahan niya ang nakapatay sa kanyang ama. At nang hindi natuloy ang kasal ni Alicia kay Romano ay malimit niyang itanong sa akin noong araw kung walang batas na nagpaparusa sa mga taong hindi tumutupad sa usapan at nakakapinsala ng kahihiyan at karangalan ng tao.”

Nakagat ng dalaga ang labi niya. Tama si Julia. Anumang usapan, ang kauuwian ay ang kasalanang ibinintang sa daddy niya.

“Ano ho ba ang plano ni Marco kung hindi niya tatanggapin ang iniaalok ni Judge Adriano?”

“Ang farm. Maraming trabaho rito. Hindi siguro makakaabot man lang sa ikatlong bahagi ng kinikita ng Hacienda Kristine pero sapat ang income nito para matustusan ang magiging pamilya ni Marco.” At makahulugang tinitigan siya nito. “...Sa maalwang pamumuhay.”

Marco really made a good job na papaniwalain ang ina na isang magandang simula ang pananatiii niya sa farm.

“At kung sakali ring sa malapit na panahon ay maisipan ni Bernard na mag-asawa, mauuwi sa kanya ang kalahati ng lupaing ito bilang anak ni Alicia.”

Nang hindi siya nagsalita ay nagpatuloy si Julia. “Sana nga’y sa ginawa mong ito, Emerald, ay matapos na’ng lahat ng suliranin ng ating pamilya. Kung hindi man naging magkapalad sina Romano at Alicia ko, marahil ay kayo ni—”

“Please, Mrs. de Silva, umaasa akong muling magkasundo ang pamilyang ito.” Kahit na nga ba ang sarili ko ang nakataya, bulong niya. “Pero hindi ho tamang umasa pa ang kahit sino sa atin ng higit pa roon.”

“Inuulit ko na naman ba ang kasaysayan, ha, Emerald? Patawarin mo ako. Pero hindi mo maiaalis sa akin ang umasa sa nakikita kong pagbabago ni Marco nitong mga nakaraang araw. Maraming babae. Ang iba’y tumagal nang may kung ilang buwan pero hindi niya kailanman dinala rito sa bahay...”

Nandito ako dahil may ulterior motive ang anak ninyo! Hindi dahil may marangal siyang layunin sa akin, gusto niyang isatinig. Gusto niyang sabihin dito ang totoong dahilan at baka tulungan siya ni Julia na makauwi sa asyenda. Pero natatakot siya sa maaaring epekto nito sa matanda.

At kung sakaling gustuhin man siyang pauwiin nito ngayon ay hindi rin siya makalalampas kay Alfon. Isa pa, bago siya makalabas sa bukana ay narito na si Marco.

NANG umagang iyon ay lumabas ng bahay si Emerald. Tinungo ang likod-bahay kung saan naroon ang koral ng mga kabayo. Itinukod niya ang mga kamay sa koral na kahoy at pinanonood ang mga kabayo. Ang iba’y nanginginain at ang iba’y tila nagpapraktis sa pagtakbo. Alam niyang sa di-kalayuan dito ay ang koral din ng mga baka.

Muntik nang mapasigaw si Emerald sa pagdantay ng mga malaking kamay na iyon sa balikat niya.

“Mang Alfon!”

“Namamasyal ang aming panauhing pandangal!” Ngumisi ito pero sa mga mata’y naroon ang hindi niya maipaliwanag na mensahe. “Iniisip ko kung kailan ka pagsasawaan ni Marco at ihagis sa akin. Kung sabagay, isang gabi ka pa lang naman sa kanya,” at bumulalas ng tawang puno ng malisya. Kinilabutan si Emerald. “Hindi ko alam na ang gayuma lang pala ng pamangkin ko sa babae ang magpapangyari para maisakatuparan namin ang kay tagal nang hinihintay na paghihiganti. Dahil lang kay Julia kaya nanatiling kontrolado si Marco, hija. Pero hindi ako...”

Napaatras ang dalaga sa gilid ng koral nang muli nitong ihawak ang kamay sa balikat niya. “Mestiza espanyola... hmm, hindi masama...” Natanawan ng dalaga ang paparating na si Bernard na nagpasok ng kabayo sa kuwadra. Mabilis siyang tumakbo patungo roon.

Hindi siya pinigil ni Alfon subalit naririnig niya ang humahabol na pagtawa nito.

“Emerald?” s i Bernard na kasalukuyang inilalagay ang lock sa kuwadra. “Saan ka galing?” Lumingon ito sa pinanggalingan niya. Naroon pa rin si Alfon at ngayo’y nakaupo sa koral at naninigarilyo. “May ginawa ba sa iyo ang Tiyo Alfon?” naghihinalang tanong nito.

“W-wala...”

“Bakit ka namumutla at humihingal?”

“T-tumakbo ako. Yes... tumakbo ako. Matagal na akong walang exercise,” kaila niya. There’s no harm done. Hindi kailangang ligaligin niya si Bernard.

Umaliwalas ang mukha ng binata. Tiningnan ang relo. “Alas-otso pasado, jogging? Well, Anyway, mangangabayo naman kayo ni Marco mamayang hapon, `di ba?”

Tumango siya. Sinabayan ang mabagal na paglakad ng binata patungo sa bahay. “Kung hindi ka pa nag-aalmusal, we can have coffee together,” aniya na bahagya pa ring hinihingal sa pagtakbo.

“Magandang ideya iyan para may kasabay akong kumain.Tara.”