P AGKAKAINGAY at sigaw ang nagpagising kay Emerald.
Mabilis niyang binuksan ang pinto patungo sa veranda. Sa labas ng bahay ang narinig niyang sigaw at ingay.
“Mga walang silbi! Isang lumang kotse lang ay hindi pa ninyo makuha!” s i Leon Fortalejo ang naririnig niyang nagsasalita na marahil ay nasa portico.
“Eh... Don Leon, nakaabang doon si Marco at kung sino man ang gagalaw ng sasakyan ay babarilin niya. Trespassing po kami,” katwiran ng isang tauhan.
“Punyeta! Ano ang gagawin ng lalaking `yon sa kotse ng apo ko at hindi niya gustong ibigay?”
“Ang... apo n’yo raw po ang kumuha ng kotse.”
“Puwes, mabubulok ang kotseng iyon pero hindi ko pababalikin ang nieta ko sa lupain niya!”
liling-iling na muling pumasok sa silid si Emerald. Nagmamadaling tinungo ang banyo at naligo. Nang makatapos ay mabilis na bumaba.
Nakasalubong niya sa ibaba ng hagdan si Margarita.
“Magandang umaga, Emerald. You look refreshed,” nakangiting bati nito. “Hindi na kita ginising kagabi kahit ipinagpilitan ng Papa na makapaghapunan ka. Tulog na tulog ka.”
“I’m glad you did not wake me up, Tiya. Hindi na rin ako makakain kapag gano’n. I feel recharged today.”
“Halika na sa komedor at naghihintay na ang Papa.”
Inabutan niya sa hapag-kainan sina Leon, Nathaniel, at marahil ay ang Tiyo Josef niya, ang isang lalaking may katabaan. Pare-parehong tumayo ang mga ito nang pumasok sila.”
“ Buenas dias, nieta.” s i Leon. “Dito ka, Emerald sa kaliwa ko.”
“Good morning, `insan,” nakangiting bati ng binata. Nang makaupo siya’y muli itong naupo sa kanan ni Leon.
“Ang Tiyo Josef mo, Emerald,” pagpapakilala ni Margarita sa asawa.
“Welcome home, Emerald,” nakangiting bati ni Josef. “Iniisip ng Papa kung kailan ka papayagan ni Anna na pumarito.”
“It... it wasn’t totally my mother’s decision na hindi agad kami magpunta rito,” aniya sa pagnanais na ipagtanggol ang ina.
“Siya ang dahilan kung bakit hindi ka maiuwi ni Romano rito noon, apo,” matigas na sabi ni Leon.
Inabot niya ang percolator at nagsalin ng kape sa tasa. Hindi niya gustong simulan ang magandang umaga sa pagtatalo.
“Nandito na ako, Lolo. At hindi ako aalis hangga’t hindi ako nakabubuo ng isang nobela. Sa semestral break ni Jewel ay darating din kami rito. Natitiyak kong matutuwa siya.”
Bahagyang lumambot ang mukha ni Leon nang tumingin sa kanya. “Inaasahan ko ang gano’n, Emerald. Natutuwa ako’t ibinigay sa iyo ng suwail kong anak ang pangalan ng ina niya.” Lungkot at galit ang nasa tinig ng matanda. Pagkatapos ay sinundan ng, “Ano’ng nobela ang sinasabi mo?”
Sandaling inikot ng dalaga ang mga mata sa mga nasa mesa. Lahat ay tila naghihintay sa paliwanag niya maliban kay Margarita na nakangiti. Oh, well, how would these people know kung ano ang ibig niyang sabihin? Limestone, horses, niyog, ang alam ng mga ito sa araw-araw na bahagi ng buhay nila. Walang puwang sa mga ito ang trabaho niya.
“Isa akong romance novel writer, Lolo. Sa romance pocketbook.”
Nagsalubong ang mga kilay ng matanda. Sinulyapan si Margarita na nasa mga labi pa rin ang ngiti. “Que romance pocket book, Margarita?” Nangingiting ipinaliwanag ni Margarita sa Espanyol ang trabaho ni Emerald sa ama.
Nasulyapan ng dalagang umiiling si Josef na nagpatuloy sa pagkain. Sa pakiwari niya’y pagsasayang lamang ng oras ang trabaho niya para dito. Si Nathaniel ay amusement ang nasa mga mata at labi.
“You women are just simply and foolishly romantic,” wika nito na sa palagay ni Emerald ay nagpipigil ng tawa.
Gusto niyang mairita.
“Magkano ang kinikita mo sa trabahong `yan, apo?” s i Leon.
“Not really very much, Lolo,” alanganing sagot ng dalaga. Sa standard ng lolo niya ay mahal pa ang ginagasta nito para sa mga patuka nito sa manok na sasabungin. “But I’m good at may work and I love it. Kung nasisiyahan at fulfilled tayo sa ating ginagawa ay secondary na lang ang pera, `di po ba?
“Tonteria!” ang malakas nitong sinabi na ang kahuluga’y ‘nonsense.’
Pinigil niyang tumaas ang kilay.
“Paano kang masisiyahan sa trabaho mo kung kulang naman sa iyo ang kinikita mo? Look at you, ginagamit mo pa rin ang lumang sasakyan ng daddy mo. `Ayun, itinirik ka!”
“Tama ka, Papa. You know these women, too idealistic, hindi praktikal.” s i Josef na sinabayan ng abot ng baso ng tubig.
Si Margarita ay nakayuko sa pagkain. Si Nathaniel ay nagkibit ng mga balikat.
“Bilang isa sa mga tagapagmana ko, nieta , hindi mo kailangang magpakahirap diyan sa trabaho mo. You can even buy that damn publisher of yours!”
Nanlaki ang mga mata ng dalaga na akmang sasagot subalit palihim siyang siniko ni Margarita.
Minabuti niyang huwag nang pahabain pa ang tungkol sa kanyang trabaho.
“Naulinigan kong hindi ninyo makuha ang kotse ko, Lolo,” pag-iiba niya sa usapan. “Ako ang kukuha niyon pagkakain.”
Marahas na nag-angat ng ulo ang matanda. Gayundin si Nathaniel. “Hindi mo alam ang sinasabi mo, Emerald!”
“Don’t you dare going back to that place, Emerald!” s i Nathaniel na nagsalubong ang mga kilay. “Hindi ako makapaniwalang inihatid ka rito ni Marco unscathed!”
Pinaglipat-lipat ng dalaga ang tingin sa pinsan at lolo. “I’m sorry, but that was my father’s car over there. Hindi ko papayagang mabulok iyon doon dahil lang sa walang katapusang alitan ninyo ng mga de Silva. Wala akong pakialam doon! At kung gusto akong saktan ni Marco ay hindi na sana ako nakarating pa rito. At tulad ng sinabi mo, Nathaniel, unscathed!” matigas niyang sagot na ikinatitig ng lahat sa kanya.
Galit ang nakita niya sa mukha ng dalawang lalaki.
“Taglay mo ang katigasan ng ulo ni Romano, apo,” marahan ngunit madiing sinabi ni Leon.
“Hindi mo na kailangang bumalik pa sa lugar na iyon, pinsan, nang dahil lang sa kotseng `yon. Paano kung hindi si Marco ang datnan mo roon? Paano kung si Alton?” s i Nathaniel na nag-igting ang mga bagang pagkabanggit sa pangalan.
Gustong sabihin ng dalagang si Marco ang dadatnan niya roon dahil sinabi nito pero hindi niya magawang magtapat.
“Tama si Nathaniel, Emerald. Ano ang kuwenta ng segunda manong kotse kung may masamang mangyayari sa iyo? Makabibili tayo kahit sampung bagong modelong sasakyan.”
“This is silly! Walang mangyayari sa akin. Kung may gustong gawing masama sa akin si Marco o sinuman sa mga tagaroon, they could have done it so easily yesterday,” protesta niya.
“Hindi natin alam kung ano ang binabalak ng lalaking iyon.” s i Leon uli na hindi sanay na kinokontra ang sinasabi.
“Hindi ako naniniwala diyan, Lolo. Sa pagkakaalam ko’y isang abogado si Marco de Silva. Hindi niya isasapanganib ang propesyong pinaghirapan niya ng kung ilang taon nang dahil lang sa alitang kay tagal nang nangyari. Pupunta ako roon dahil sinabi kong babalikan ko ang kotse at ibinili niya `yon ng piyesa,” determinadong sagot ng dalaga.
Hindi agad nakapagsalita si Don Leon. Huminto sa pagkain si Nathaniel.
“Tama ang Papa, Emerald. Bakit hindi mo na lang pabayaan ang kotseng iyon doon?” s i Josef na sa palagay ng dalaga ay walang alam gawin kundi ang sang-ayunan ang matanda. Si Margarita ay walang tinig.
“I don’t like it, Emerald.”
“You don’t have to like it, Nathaniel. Hindi ako natatakot sa Marco de Silva na `yon. But you can help me by taking me there at iwan ako pagkatapos. You men with your macho images ay gustong laging protektahan ang mga babae. So, ano ang kaibahan ni Marco de Silva?” Pagkasabi niyo’y tumayo na ang dalaga. “Excuse me, tapos na akong kumain. Hihintayin kita sa labas, Nathaniel.”
“Mukhang ang mga apo ko’y nagsilaking masuwayin! Ang buong akala ko’y nag-iisa ka lang, Nathaniel,” ani Leon na sinulyapan ang binatang nagkibit ng mga balikat. “Hindi ko inaasahang pati ang anak ko kay Romano na ngayon ko lang nakita’y wala pang balak na paluguran ako. Kumusta naman kaya ang bunsong apo ko?”
“Hindi mo kailangang magtaka, Papa.” s i Margarita na kumibo sa unang pagkakataon. “Taglay nila ang dugo ni Leon Fortalejo!” Kung nanunuya o pumupuri ito ay walang makapagsabi.
“Magsama ka ng ilang tauhan, Nathaniel.” Subalit hindi pumayag si Nathaniel na magsama ng mga tao. Kung kayang harapin ni Emerald si Marco ay lalo ito. Minsan man ay hindi nito uurungan ang mga de Silva, higit lalo si Marco.
Ilang sandali pa ay nasa bukana na sila ng lupain ng mga de Silva at mabagal na tinatahak ang patungo sa tumirik na kotse.
Naroon pa rin ang sasakyan niya, ngunit wala si Marco.
“Sigurado ka bang gusto mong magpaiwan dito?”
“Sige na, Nathaniel. I’ll be fine,” tulak ng dalaga.
Subalit bumaba ng jeep ang binata at binuksan ang hood ng kotse niya.
“Wala pa ring fan belt. At saka, bakit kailangang nandito ka bago ayusin ng Marco na `yon ang sasakyan mo? Puwede namang hingin na lang niya ang halagang ginastos, ah,” naghihinalang tanong nito.
Nagkibit ng mga balikat si Emerald. Part of her wanted to see the man again. “Sige na, Nat. Please, kaya ko ito.”
Alanganing bumalik sa jeep ang binata. “Nasa labasan lang ako, Emerald. Kung anuman ang mangyari—”
“Walang mangyayari.”
Hustong nawala sa paningin ng dalaga si Nathaniel ay narinig niya ang mga yabag ng kabayo mula sa kurbadang daan.
Mula sa road bend ay lumitaw ang isang malaking kabayong kulay-bukayo. Alanganing pula, alanganing brown.
Oh dear! Para siyang nanood ng commercial ng Marlboro.
A cowboy lawyer!
Bumagal ang takbo ng kabayo nang malapit na sa kanya.
Kung bakit biglang bumilis ang pintig ng puso niya’y hindi niya masagot. Huminto ang kabayo sa mismong tapat niya. She was fascinated. Noon lamang siya nakakita ng ganoon kalaking kabayo sa tanang buhay niya. Hindi ganito ang mga kabayong pinauupahan sa Baguio at Tagaytay.
“Hello again...” aniya.
Tumango ang lalaki at bumaba sa kabayo.
“I’m surprised,” simula nito. Hinagod siya ng tingin. “Hindi ko inaasahang papayagan ka ni Leon Fortalejo na muling tumapak sa lupain ko. Pagkatapos ay inihatid ka pa ni Nathaniel dito.” May himig ng admiration ang tinig ng lalaki.
Gustong itanong ng dalaga kung paano nito nalamang inihatid siya ni Nathaniel pero minabuting huwag na.
“May sarili akong isip at hindi ako natatakot sa `yo.”
“Well, well... ang anak ni Romano Fortalejo ay tulad din nito! Walang takot sumuway kay Leon. Pero bahag ang buntot sa responsibilidad!” Idiniin nito ang huling sinabi.
Nag-init ang mukha ni Emerald. “Wala kang karapatang magsalita ng ganyan! Hindi ginawa ng Daddy ang ibinibintang ninyong lahat sa kanya. He was never in love with your sister at hindi niya ito pinakialaman!”
Marahas na hinawakan ni Marco ng isang kamay ang mukha niya. “Tama ka! Wala siyang pag-ibig sa Ate Alicia kaya pinagsamantalahan lang niya ito at saka tinakasan ang responsibilidad,” marahan ngunit mariing sinabi nito.
“Hindi totoo `yan!”
“Hindi? Paniniwala nino? Ng mga magulang mo? Kung si Leon ay mahigpit ang paniniwalang apo niya ang pamangkin ko, bakit hindi mo paniwalaan? Kahit ang buong bayang ito ay makapagpapatunay sa katotohanang iyan!”
Kalituhan ang gumuhit sa mukha ng dalaga. Marahan niyang binawi ang kanyang mukha at umatras.
“My father... was a good man. Hindi niya gagawin iyon sa kahit na kaninong tao. Maaaring lahat ng pangyayari ay magtuturong may kasalanan siya. At ang kaisa-isang taong makapagpapatunay na wala siyang kasalanan ay patay na rin. Gustuhin ko mang maniwala sa inyong lahat ay hindi iyon ang nararamdaman ko.” Nag-iinit na ang sulok ng mga mata niya.
“Out of loyalty to your father!” ganting sinabi ni Marco. “Kahit ang sarili niyang ama ay hindi nagpatawad. Na kahit sa sandaling ito ay abot-abot ang pag-asam ni Leon na angkinin ang kaisa-isang taong maaaring makapagpatuloy ng inyong pangalan ay nasa panig ng kaaway. At ang pinakamasakit sa lahat ay de Silva si Bernard. Huwag mong idambana sa puso at isip mo ang iyong ama, Emerald, dahil ilusyon lang iyon!”
Nanlalambot na napasandal sa pinto ng kotse ang dalaga. Sana’y hindi na lamang siya nagpunta rito. Sana’y hindi na lamang niya pinilit si Anna na magsabi ng katotohanan. Sana’y nanahimik na lang siya sa Maynila. Puro sana... sana.
“Bumalik ka sa Maynila, Emerald. Habang kaya kong pairalin ang katwiran sa galit,” wika nito na tila nabasa ang iniisip niya. “Alam mo bang gusto kong danasin din ng anak ni Romano Fortalejo ang dinanas ni Ate Alicia?” Tanging, ang mga mata lamang nito ang nagpapahiwatig sa nararamdaman. Ang tinig nito’y marahan sa pagbigkas.
Sinalubong niya ang tingin nito. “Hindi ako duwag, Marco. Kung may paraan para mapatunayan ko na mali ang mga ibinibintang ninyo sa Daddy ay gagawin ko.”
Napatitig sa kanya si Marco. Kumislap ang mga mata nito na kung ano ang ibig ipakahulugan ay hindi niya alam. “Ano ang ibig mong sabihin?”
“Mananatili ako sa Hacienda Kristine for as long as it takes. At ang kauna-unahang gusto kong gawin ay ang makita ang pamangkin mo. My so-called brother.” Hindi niya maitago ang panunuya ng tinig sa huling sinabi.
“At ano ang sa akala mong mangyayari kapag nagkita kayo ni Bernard? Lulukso ang dugo mo? Naniniwala ka sa kalokohang `yon?”
“Hindi. Pero gusto ko pa ring makita ang pamangkin mo.” Tama ba ang gagawin niya? Maaaring hindi nga lumukso ang dugo niya kapag nakita si Bernard. Pero paano kung ang pisikal mismo nitong anyo ay magpatunay ng mga katotohanan sa bintang sa daddy niya? Paano niya tatanggapin iyon? Ng mommy niya at ni Jewel?
Pero hindi ba at gusto niyang malaman ang katotohanan? Kahit siya masaktan? Kahit na magkalamat ang pagtingin niya kay Romano? Hindi ba mas tamang umalis na lamang siya sa bayang ito at hayaan ang dalawang pamilya sa alitang ito sa habang panahon? Pero hindi ba at isa siyang Fortalejo at pamilya niya rin ang mga ito?
Lahat ng nasa isip niya’y ibinabadya lahat ng kanyang mukha.
“I don’t want you to get hurt, Emerald.” Kung pisikal o emosyonal ang ibig nitong sabihin ay hindi niya matiyak. Marahil ay pareho. “Hindi na kailangang magkita pa kayo ni Bernard. Bumalik ka na sa Maynila. Ngayon o bukas. Just get out of my sight.”
“That’s strange, Marco. Bakit sinasabi mo `yan sa kaaway?”
Inikot ng lalaki ang paningin sa buong kagubatang nasa palibot nila. “My father was killed by...”
“Nawalan ng kamay ang lolo ko. It was self- defense!” agap niya sa sasabihin nito.
“Dalawang buhay ang nawala sa pamilya de Silva, Emerald! Maliban pa sa kahihiyan. Anuman ang sabihin mo, si Romano ang puno’t dulo ng lahat ng ito! Ang gusto kong sabihin sa iyo ay ang katotohanang hindi lamang ako ang may kimkim na galit sa pamilya Fortalejo. Higit ang Tiyo Alfon. Higit niyang dinamdam ang nangyari kay Ate Alicia kaysa alinpaman. Halos ikabaliw niya nang mamatay sa panganganak si Ate Alicia kay Bernard. At may palagay akong matatahimik lamang siya kung may Fortalejong magbabayad ng buhay.”
Biglang nanayo ang mga balahibo ng dalaga.
“Hindi ko maipapangako sa iyong hindi magpapakita ng karahasan si Tiyo Alfon sa iyo. Marahil ay hindi kung kaharap ako,” patuloy nito.
“Hindi ako natatakot sa—kay Alfon, Marco. At hindi mo naman ako iiwang mag-isa sa harap niya, `di ba?”
“At sa akin, Emerald, hindi ka ba natatakot? Sa nakalipas na mga taon, dalawang kadalagahan ang ginahasa at pinatay sa loob ng Asyenda Kristine. Lahat ng mga ito ay sa akin ibinintang ng pamilya mo dahil ako lamang ang may motibong gawin iyon. Kapatid at ama ko ang mga nasawi,” wika nito na humakbang papalapit sa kanya.
Hindi agad nakasagot ang dalaga. Kinapa ang damdamin. Natatakot ba siya rito?
Patuloy sa paghakbang ang binata. Itinaas ang mga kamay at inabot ang batok niya. Marahan siyang hinapit nito at itiningala.
“Hindi ka ba natatakot sa akin? Maaari kong gawin sa iyo ang nangyari sa mga kadalagahang iyon at walang sasaklolo sa iyo,” he whispered softly in a dangerous tone.
“Oh, well…” s inisikap niyang gawing kaswal ang nanginginig na tinig. “K-kung wala ba akong magagawa... I... I could at least choose a convenient place to... to... have sex with you. You probably would not enjoy raping me here. Diyan sa magagaspang at matutulis na mga damong iyan.”
Isang malakas na tawa ang nag-echo sa paligid.
Binitiwan siya ng binata.
Bahagyang umatras si Emerald at gilalas na pinanonood ang pagtawa ni Marco. The devil is outrageously attractive! Flashing a perfect set of white teeth.
Pagkatapos ay amuse na muli siyang tiningnan nito. “Rape. That is the operative word, lady. Hindi namimili ng lugar ang rapist. Pero out of curiosity, saang lugar mo gustong rape-in kita?” Nangingislap ang mga mata nito sa pagkaaliw sa kanya.
Inikot ng dalaga ang paningin sa paligid. Sinulyapan ang loob ng sasakyan. Napangiwi siya. How uncomfortable?
Muling tumawa si Marco na tila nahuhulaan ang nasa isip niya.
“Nah!” aniya na umiling. “You scared me a little pero hindi dahil natatakot akong ma-rape mo. Hindi mo gagawin iyon.”
“Paano kang nakasisiguro?” amused pa rin nitong tanong.
“You could have done it yesterday. Walang nakakaalam na nandito ako.”
“Ano kung ganoon ang bahagya mong ikinatatakot?” he asked softly kasabay ng paghakbang papalapit sa kanya.
Wala na siyang uurungan, nakadikit na ang likod niya sa kotse.
“H-hindi ko alam...” halos maibulong niya.
“O hindi mo gustong sabihin?” he whispered. His face seemed to be getting closer and closer. Muling inabot ang batok niya at pinaglaro sa kanyang leeg ang thumbfinger nito.
Lumakas at bumilis ang pintig ng dibdib niya.
“H-hindi kita maintin—” Bago pa niya natapos ang sasabihin ay tinawid ng binata ang kapirasong distansiya sa pagitan nilang dalawa at siniil siya ng halik.
She must be crazy because she closed her eyes, parted her lips and met his mouth. Bukas… bukas na niya pagsisisihan ito!
Hindi niya binigyang-pansin ang warning bells sa puso at isip niya. Idinikit pa niya ang katawan sa matitipunong dibdib nito. Ang isang kamay nito ay gumagawa ng nakababaliw na sensasyon sa likod niya.
His lips warm and demanding at may pinupukaw na bahagi sa kanya na hindi niya alam na mayroon siya. He was kissing her slowly, thoroughly and masterfully.
A kissing cowboy lawyer! Oh lord! The devil definitely knew how to kiss. He made her hungry and thirsty and didn’t know it until now. Ang pinakamahalagang halik na naranasan niya sa buong buhay niya and the most nerve-wracking too. He could have kissed her forever and for all she cares.
How and when the kiss ended, hindi niya alam.