noveltoon logo noveltoon
The Devil's Kiss (Kristine Series 1)

Chapter 2

Ch. 2 / 10 Feb 05, 2022

A T NGAYON nga ay heto siya at stranded sa lugar na hindi niya alam kung saan.

Muli niyang iginala ang paningin sa buong paligid. Napakatahimik. Muli niyang tiningnan ang relo. Malapit na ang alas-kuwatro, isang oras na lamang at didilim na.

Nasa akto na siyang uusal ng panalangin nang makarinig siya ng tunog ng parating na sasakyan.

Mabilis siyang lumabas ng kotse. Nanggagaling sa unahan ang naririnig niya. Hindi niya makita dahil kurbada ang dulo ng daan.

Sana’y mga tauhan ng lolo ang dumarating, usal niya.

One way lamang halos ang daan na kung hindi gigilid sa may damuhan ang alinmang sasakyan ay tiyak na ang makakasalubong ay hindi makararaan.

Mula sa kurbada ay lumitaw ang isang malaking pickup truck na marahil nang makita siya ng driver nito na nakaharang sa daan ay huminto malayo pa man. Ilang sandali muna ang lumipas bago niya nakitang bumaba ang driver.

Marahan itong humakbang patungo sa kanya na animo ay nandito lahat ang panahon at walang dapat ipagmadali.

Nakamaong na kupasin at polo shirt na kakulay rin ng maong ang suot nito. Nakarolyo ang manggas hanggang siko. Nakasumbrero ng buli. Tipikal na tagaprobinsiya.

Malapit na sa kanya ang malaking lalaking ito na sa palagay niya’y unano ang height niyang 5’4”.

Hindi niya gaanong makita ang mukha dahil sa suot nitong sumbrero pero maskulado ang mga hita at braso.

“Hello,” bati niya. “May palagay akong taon na ang binilang ko rito sa paghihintay na may taong dumating.” Kahit kinakabahan ay sinikap niyang ibigay ang friendliest smile niya. Sa pagkakaalam niya ay mababait at matulungin ang mga probinsiyano sa mga estranghero lalo na sa babaeng tulad niya.

The same old helpless trick ay pumupuwede kahit saang lugar huwag lamang masamang tao ang makatagpo niya.

“Nasiraan ka ba?” tanong nito sa buong-buong tinig na ang mga mata ay dumaan lamang sa kanya at agad na itinuon sa kotse.

“Umusok at huminto na lang basta. Wala akong alam sa pagmemekaniko.”

Ngumiti ang lalaki at napalunok siya. “Paano kung hindi ako dumating, de inabot ka ng gabi dito?”

Gusto niyang pigilin ang paghinga. That was the sexiest smile she had ever seen! Why, her knight in shining armour ay mas guwapo pa kaysa kay Lancelot!

Oh well, not the English way. The promdi way. Kahit na, guwapo pa rin.

Sunog sa araw na balat, matangos ang ilong in a very male way. And his lips were... were... Inilabas niya ang pinipigil na paghinga at lumunok.

She must be crazy! i binigay niya sa estrangherong ito ang descriptions niya sa mga male characters ng kanyang nobela. And never in her wildest imaginings na makatatagpo siya ng tulad ng nasa pocketbook heroes niya.

Muli niya itong tinitigan habang nakayuko ito sa kotse at tinitingnan ang sira. All male and ruggedly handsome. Siguro ay thirty-one or thirty-two ang edad. May asawa na kaya ito?

“Naputol ang fan belt mo at natuyuan ang karburador,” wika ng lalaki na tumuwid mula sa pagkakayuko at tumingin sa kanya.

“Alam mo bang ayusin?”

“Kailangang bumili ng panibagong fan belt sa bayan pero sarado na iyon pagdating natin doon. Bukas na lang. Pupunta rin lang ako doon sa umaga. Ibibili na kita.”

“Malayo ba ang bayan dito?”

“Limang kilometro mula rito,” sagot nito na tiniyak na walang magagawa kundi matutulog sa gubat na ito ang kotse niya. “Bakit ka nga pala napunta rito? Saan ka patungo? Pribado ang lugar na ito.”

“Pribado? Saan patungo ang daang ito?”

Hindi sumagot ang lalaki na tinitigan siya mula ulo hanggang paa. Sinuri ang kabuuan niya na tila siya taga-ibang planeta.

Iniisip marahil ng lalaki kung ano ang ginagawa niya sa bundok na ito na nakasuot ng maiksing paldang maong at hanging blouse na puti at dalawang pulgadang high-heeled sandals.

Tumikhim siya subalit hindi huminto sa pagtingin sa kanya ang lalaki. At wala itong pakialam kung obvious ang ginagawa. Nakatayo ito na tila pag-aari ang lupang tinutuntungan.

Marami na siyang nakatagpong mayabang at aroganteng lalaki pero iba ang isang ito. Malaki ang kumpiyansa sa sarili kung kumilos, magsalita at tumayo. And very masculine in every way na mapapahiya kahit ang toro kapag itinabi rito.

Ang nakakainis pa ay ang ngiti sa mga mata nito habang nakatitig sa kanya.

“Puwede bang ihinto mo ang pagtingin mo sa akin?”

“Bakit?” Tumaas ang kilay nito.

“Bakit?” Umikot ang mga matang tumingala ang dalaga. Pagkatapos ay muling ibinalik sa lalaki ang tingin. “Dahil sa pakiwari ko ay tinititigan mo ako na ang akala mo sa akin ay tila ako karneng paninda at sinusuri mo kung primera klase!”

Tumaas ang kilay ng lalaki na nakatawa ang mga matang nakatitig pa rin sa kanya. “Maganda ka at mukhang primera klase kaya kita tinititigan. Hindi dahil mukha kang panindang karne.”

Oh dear! Naghalukipkip ang dalaga at muling inikot ang paningin sa paligid. Ganoon ba ang compliment para sa mga tagarito?

“Sabi mo ay pribadong lugar ito. Ito ba ang Hacienda Kristine?”

Sa pagtataka niya’y agad na naglaho ang ngiti sa mga mata nito. Biglang pumormal. “Kung doon ka patungo ay nagkamali ka ng pinasukan, b inibini. Dapat ay kumanan ka sa halip na kumaliwa rito.”

“Oh...!”

“Sino ang pupuntahan mo sa Hacienda Kristine? Panauhin ka ba roon?”

“Kung tinanggap nila ang long distance ng Mommy ko ay inaasahan nila ako ngayon doon. Si Leon Fortalejo ang pupuntahan ko.”

“Ito ang una mong pagpunta rito kaya ka naligaw? Ano ang sadya mo kay Leon Fortalejo?” m ay awtoridad sa tinig ng lalaki na tila nag-uutos kay Emerald na saguting lahat ang tinatanong nito. Paano ba niya sasagutin iyon?

“Isa akong writer. A romance novelist. Kung alam mo ang ibig kong sabihin.”

“Alam ko ang ibig mong sabihin,” mabilis nitong sagot. “Pero hindi niyon sinasagot ang tanong ko sa iyo.”

“Gusto kong magbakasyon dito... magtrabaho para sa susunod kong nobela.” n akita niya ang unti- unting pag-aliwalas sa mukha ng lalaki.

“Ihahatid kita sa bukana ng asyenda. Bukas ng umaga ay magpahatid ka rito para kunin ang kotse mo.” Lumakad na ito. “Halika na,” dagdag nitong hindi lumingon.

“S-sandali lang! May mga dala ako.”

Huminto sa paglakad ang lalaki at lumingon. Pagkatapos ay muling humakbang pabalik patungo sa kotse niya, kinuha mula roon ang maleta at ang portable typewriter at dinala sa pickup truck. Inilagay sa likod ang mga gamit niya, binuksan ang passenger’s seat, umikot sa driver’s seat at sumampa roon.

May kung ilang segundong tinitigan ni Emerald ang nakabukas na pinto ng truck. Kahit pa marahil ano ang gawin niya ay hindi siya makapapanhik sa truck na iyon malibang hubarin niya ang suot na palda. O `di kaya’y gumapang na tila sawa patungo sa upuan.

Bahagyang iniuntog ng lalaki ang ulo sa may sandalan bago ito bumaba uli at umikot sa tabi niya, walang sabi-sabing hinawakan siya sa baywang at itinaas sa ere na tila siya buwig ng saging.

Napapikit ang dalaga kasabay ng paghugot ng hininga. Nang magmulat siya ng mga mata ay nasa loob na siya ng truck.

Ini-start ng lalaki ang ignition at tumakbo na ang sasakyan. Pumagilid ito nang husto upang hindi masagi ang kotse niya.

“Gusto ko `yang suot mo,” wika ng lalaki makalipas ang ilang segundo.“Nahahagod ko nang husto ng tingin ang magaganda mong mga binti. Pero hindi dapat ang ganyang suot para sa bumibiyaheng tulad mo.” h indi nito itinago ang ngiting sumilay sa mga labi.

Tinutop ni Emerald ang bibig bago pa siya makapagsalita ng hindi tama. Tinulungan siya ng lalaking ito. Walang dahilan upang magpadala siya sa mga sinasabi nito.

Sa patuloy na pagsulyap ng lalaki sa kanyang mga binti ay parang gustong magsikip ng paghinga niya sa loob ng truck. Ngayon niya gustong pagsisihan kung bakit hindi siya nagsuot ng pantalong maong.

Gusto man niyang magalit dito sa walang pakundangang pagtitig ay hindi niya magawa. Umaasa siyang makararating siya sa asyenda nang maayos.

“Gaano ka katagal na magbabakasyon sa Hacienda Kristine?”

“A-ano `kamo?”

“Matatagalan ka ba rito?” ulit ng lalaki.

“Hindi ko alam. Depende.”

“Depende saan? Sa kuwento mo kung makakatapos ka?”

“Depende sa pagtanggap sa akin ni Leon Fortalejo,” aniya na sinabayan ng kibit ng balikat.

Napuna niya ang pagbagal ng takbo ng truck. Bagaman naka-focus sa daan ang tingin ng lalaki ay alam niyang aware ito sa ginagawa niya.

“Ano ang ibig mong sabihin? Sino ang nag-imbita sa iyo sa hacienda? Si Nathaniel ba? Magkaibigan ba kayong dalawa?” Napuna niya ang pag-iba ng tono nito sa huling sinabi.

“Si... Leon Fortalejo mismo.”

Walang sinabing anuman ang lalaki pagkaraan niyon.

“Ako nga pala si Emerald.” n aisip niyang ipakilala ang sarili dahil kanina pa sila nag-uusap ay hindi man lamang nila alam ang pangalan ng isa’t isa. “Ano ang pangalan mo?”

“Emerald...” usal ng lalaki sa pangalan niya na tila may pulot na nilalasahan sa dila. “Emerald ano?”

“Kristine Emerald Fortalejo,” sinabayan niya ng kibit-balikat. Kasabay niyon ang biglang pagtapak ng lalaki sa preno at kung hindi siya nakahawak sa dashboard ay sumubsob siya sa salamin.

“Bakit?” tanong niya rito. Bahagya siyang kinilabutan sa tinging ipinukol nito sa kanya.

May galit ba roon? Bahagyang napasiksik sa sulok ng upuan ang dalaga. Matino ba ang isip ng taong inakala niyang her knight in his shining armour?

Pagkatapos ay napuna niya ang pagngiti nito subalit ang tila galit sa mga mata ay naroon pa rin.

“Maligayang pagdating sa Paso de Blas, Kristine Emerald Fortalejo!” b inigkas nito ang pangalan niya sa mariing paraan at saka muling pinaandar ang sasakyan.

Bakit ba bigla ay parang uminit sa loob ng truck at naso-suffocate siya? At bakit ba kahit na hindi na kumikibo ang lalaki ay tila inilalabas ng katawan nito ang galit na nakita niya sa mga mata nito?

Muli niyang nilingon ang walang katapusang kakahuyan at nagsisimula na siyang mag-isip na baka hindi siya dalhin nito sa asyenda, nang matanawan niya ang malaking arko sa unahan. HACIENDA KRISTINE ang nakalagay sa itaas ng arko. Nakahinga nang maluwag ang dalaga.

Napaka-obvious ba ng ginawa niya at narinig ito ng lalaki? Isang marahang tawa ang pinakawalan nito.

“Sa palagay mo ba ay kumakain ng tao ang mga tagarito, Miss Fortalejo?” tanong nito bago inihinto ang sasakyan at lumabas ng truck, inilapag sa lupa ang mga gamit niya.

Siya naman ay nagbukas din ng pinto upang bumaba. At muli, ang problema sa pagsakay kanina ay problema rin ngayon sa pagbaba niya. Sa pencil cut niyang maong at mataas na takong na sandals. Dadausdos ba siya o tatalon? Nasisiraan siya ng bait kung gagawin niya iyon.

Akma niyang huhubarin ang suot na sandals upang tumalon na nga lamang nang umikot ang lalaki sa harap niya. Sa nakikita niya sa mga mata nito ay alam niyang pinagtatawanan siya. Umiral ang pride niya nang akma siyang abutin nito.

“Hindi na kailangan. Makabababa akong mag- isa,” matigas niyang tanggi.

“Bahala ka. Kaya lang ay pinaaalalahanan kitang bukana pa lang ng asyenda ito. Mula rito hanggang sa villa ay halos isang kilometro din ang layo. At kung pagtalon mo at mapilayan ka, it would be one hell of a walk, lady.”

Aba at marunong mag-English ang kumag! Pagkatapos niya itong titigan ay itinuon ang paningin patungo sa asyenda.

Totoo nga ang sinasabi nito. Ni hindi niya matanaw kahit anino ng Villa Kristine.

“Pero... pero bakit hanggang dito mo lang ako inihahatid?”

“Doon mo sa mga tao sa villa itanong iyan. O, ano, tatalon ka ba o kailangan mo ang tulong ko?”

Helplessly ay tinitigan niya ang lalaki. Lalong nagdilim ang mga mata nito sa pagkakatitig niya.

Agad nitong itinaas ang mga kamay at inilagay muli sa baywang niya. On instinct, napakapit siya sa mga balikat nito. Kaiba kanina sa pagpanhik ay itinaas siya nito mula sa likod. Pero ngayon ay nakaharap siya rito na halos magdikit ang mga katawa’t mukha nila.

She could smell the musk scent. Nagko-cologne ba ang mga tagarito? Heaven’s sake, Emerald, pati cologne ay iniintindi mo!

Ilang sandali pa ay sumayad na ang mga paa niya sa lupa pero hindi pa rin binibitiwan ng lalaki ang baywang niya.

Nararamdaman niya ang init ng mga palad nito sa kanyang balat dahil nakataas na ang hanging blouse niya. At hindi niya malaman kung hihinga o hindi.

Napatingala siya rito at hindi niya maunawaan ang ibinabadya ng mga mata nito.

“Alam mo ba na ang mataas na uri ng batong emerald ay higit pang mamahalin kaysa brilyante?” He was speaking so softly na ang hininga nito ay humaplos sa mukha niya.

Nanatili siyang nakatanga rito. Ano ang sasabihin niya? And oh, dear! Why is she acting so stupidly like one of her heroines sa mga novels niya? She only created those heroines, hindi siya iyon. Ano at nanuyong bigla ang lalamunan niya sa closeness nila?

“At kung ikaw ang klase ng emerald na mataas ang uri ay napakapalad ko kung ganoon. You are worth the long wait.”

“S-sana’y ipaliwanag mo kung ano ang ibig mong sabihin,” mahinang sinabi niya. “And please, humihigpit ang hawak mo sa... akin,” sinabayan niya ng yuko upang i-emphasize ang sinabi.

Isang mapanuring tingin ang ibinigay ng lalaki bago siya binitiwan at sumampa sa truck. Mabilis siyang sumunod sa driver’s seat.

“Ano nga pala ang pangalan mo?”

“De Silva... Marco de Silva,” at muli ang mga tinging hindi niya maunawaan.

“Salamat, Marco.” Ngumiti siya rito. “Ay, oo nga pala! Ang sabi mo ay bibili ka ng fan belt sa bayan bukas, magkano ba iyon?”

“Bukas na lang, Emerald,” sagot nito na ini-start ang ignition ng truck. At bago pa nakakilos ang dalaga ay umandar na ito. Itinaas nang bahagya ni Marco ang sumbrero na tila sumasaludo.

Hanggang sa mawala ang truck sa paningin niya ay hindi umalis doon si Emerald.