noveltoon logo noveltoon
The Devil's Kiss (Kristine Series 1)

Chapter 5

Ch. 5 / 10 Feb 05, 2022

“I ’M GLAD you enjoyed the samples,” nakangiting tukso ni Marco habang hinahaplos ng thumbfinger ang mga labi niya.

Samples? Lord, if those kisses were samples... ano na ang real thing?

Walang salitang namutawi sa mga labi niya. Para siyang nahihipnotismong nakatitig lamang sa binata. Dinampian siya nito ng halik sa ilong at saka binitiwan.

“I’ll fix this car now,” nakangiti pa ring sinabi nito at hinarap ang sasakyan.

May kung ilang minutong nakayuko ang binata sa makina ng kotse at makalipas ang mahigit sampung minuto ay nag-unat ng katawan at tumingin sa kanya.

“It’s done. Subukan mong i-start.”

Noon lamang siya kumilos sa kinatatayuan niya at pumasok sa loob ng kotse. Tatlong ikot ng ignition ay nag-start ito.

Isinara ni Marco ang hood at umikot sa puwesto niya. Yumuko.

“Marunong ka bang sumakay ng kabayo?” tanong nito.

“The ones in Baguio and Tagaytay. Maliban doon ay hindi na,” aniya na hindi sinasalubong ang tingin nito.

“Puwede na iyon. Hihintayin kita sa bukana ng Asyenda Kristine bukas ng alas-otso ng umaga.”

“S-saan tayo pupunta?”

“Ang akala ko ba’y gusto mong makilala si Bernard?”

“Oh!” nalilitong sagot niya. Ano ba ang nangyari at dahil lamang sa halik na iyon ay tila nawala siya sa lupa at nasa outer space? “Kailangan bang bukas na iyon?”

Nagkibit ng mga balikat si Marco. “Nasa sa iyo `yon kung kailan mo gusto.”

Bakit ba kailangang patagalin ang pagtatagpo nila ng pamangkin ni Marco? Mas madali ay mas mainam.

“Tomorrow’s fine. But make it an hour later. Hindi ko pa alam kung paano ko sasabihin sa kanila.” Tiyak na dadaan siya sa butas ng karayom.

Pabalik na sana si Marco sa kinaroroonan ng kabayo nang may maalala siya. Tinawag niya ito.

“Changed your mind?”

“Hindi. Babayaran ko lang ang fan belt. Magkano?”

“Sige na. Idagdag mo sa utang ng mga Fortalejo sa mga de Silva,” nakangiting sabi nito at tuloy-tuloy na sumampa sa kabayo.

Hinintay muna ng dalagang mawala sa paningin niya ang lalaki bago nagawang magmaniobra pabalik at pauwi sa asyenda.

KINABUKASAN ng umaga ay halos maglabasan ang mga ugat sa noo ni Leon Fortalejo sa sinabi niya.

“Ese demonio hombre, Emerald! May binabalak siya kaya gusto ka niyang papuntahin sa kanila!”

“Have you gone crazy? Pupunta ka sa enemy territory? Pagpapatiwakal ang iniisip mong gawin, Emerald.” s i Nathaniel na palakad-lakad sa malaking sala.

Kahapon, paglabas niya sa bukana ay naroon pa rin at naghihintay si Nathaniel. At sa pagpasok naman ng Hacienda Kristine ay ang lolo niya, na may kasamang ilang tauhan, ang naghihintay.

Marahil, kung nahuli pa siya ng ilang minuto sa paglabas ay papasukin ng mga ito ang farm ng mga de Silva.

Pagkairita at amusement ang nadarama niya. Parang mga bandido sa pelikula ang tingin niya sa mga ito kahapon. Kasabay niyon ay nakadama rin siya ng warmth sa pag-aalala nina Leon at Nathaniel sa kanya.

“Lolo, Nathaniel, hindi si Marco ang may gustong magtungo ako sa kanila kundi ako.”

“Ikaw? Madre Mia! Ano ang gusto mong mangyari, Emerald?” bulalas ni Leon na umiling. “No puwede! Hindi ako papayag!”

“Lolo, please. Natitiyak kong hindi ako gagawan ng masama ni Marco.”

“Siguro nga, Emerald. Dahil malaki ang ambisyon niyang hawakan ang puwesto ni Judge sa kabisera. Hindi niya dudungisan ang pangalan niya sa lantarang paraan. Pero paano ang matandang Alfon? Ang hayup na matandang iyon? Ni ako sa sarili ko ay hindi maipapangako na hindi ko siya mapapatay sa susunod na pagkikita namin. Gusto ko ngang maghinalang siya ang may kagagawan ng panggagahasa sa dalawang kadalagahan dito!”

“Bakit hindi ninyo ini-report sa mga pulis?”

“Sa loob mismo ng asyenda natagpuan ang dalawang babae. Parehong doon lamang inihagis. They could have been raped and killed somewhere else. Walang ebidensiya.”

“Ganoon naman pala, Nathaniel, bakit sa kanila natin ibibintang ang krimen?” naguguluhang wika ni Emerald.

“Dahil bago nangyari ang panggagahasa at pagpatay sa ikalawang biktima ay may batang nakakita na kausap ito ng matandang Alfon umaga pa lang.”

“Tigilan na natin ang walang kuwentang pagtatalong ito. Hindi kita papayagang magtungo roon, Emerald! Kung magpipilit ka’y pauuwiin kita sa Maynila ngayon din! Ako mismo ang magsasakay sa iyo sa eroplano sa kabisera,” matigas na sabi ni Leon.

“Nakikiusap ako, Lolo. Itinataya ko ang sarili ko para matapos na ang alitang ito. Nadadamay pati mga inosenteng tao. Gusto ko ring patunayan sa inyong mali ang ibinibintang ninyo sa Daddy. Namatay ang Daddy na hindi man lang nalinis ang pangalan niya.”

“Gaano man kahinahon si Marco ay magagawa niya ang gustong gawin sa `yo dahil nasa teritoryo ka nila. Do not underestimate yourself, Emerald. You are very pretty at bulag lang ang lalaking hindi magnanasa sa iyo. At kung may masamang mangyari sa iyo ay hindi ka nagtatapos ng alitan. Nagpapasimula ka ng maapoy na digmaan ng mga angkan na mamanahin hanggang ng mga apo natin!” pasigaw na sinabi ni Nathaniel. “I’d rather you go home.”

“This is crazy! Si Marco ay iyon din ang sinabi. Na makabubuti sa akin ang bumalik sa Maynila. Na hindi niya maipapangakong hindi ako pakikitaan ng karahasan ni Alfon kung hindi siya kaharap. Gusto kong isiping si Alfon lang ang kaaway ng pamilyang ito. And both of you are protecting me against him!”

Sabay na napalingon sa kanya sina Nathaniel at Leon. Parehong walang nagsalita.

“Sana nga’y hindi na lang ako nagpunta rito. Sana nga’y hindi ko na lang pinilit ang Mommy na magsabi kung bakit itinakwil ninyo ang Daddy,” ang tila nahahapo niyang sinabi. “But I’m here now. Bilang isang Fortalejo ay utang ko sa aking sarili, higit sa lahat sa Daddy, na linisin ang pangalan niya,” mahinang sinabi niya.

“At sa papaanong paraan mo gagawin iyon?” tanong ni Leon makalipas ang ilang segundo.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ng dalaga. “Hindi ko pa alam sa ngayon. But don’t send me back home dahil babalik din ako rito sa sarili kong paraan.”

“Walang pangalang lilinisin, Emerald. Ako, higit kaninuman ang nawalan ng dangal, ang nasaktan. Sariwa pa ang sugat hanggang ngayon. Patuloy na kumikirot at marahil hanggang sa panahong ako’y mamatay ay hindi mabubura ang pinsalang ginawa ni Romano sa pamilyang ito. At masasaktan ka lang sa sandaling mapatunayan mong totoong ginawa ng ama mo ang kalapastanganang iyon.” Pait, galit at hinanakit ang sama-samang nahimigan ni Emerald sa tinig ng matanda.

“Then let me at least try to prove you’re all wrong. Walang mangyayari sa akin. I can take care of myself.”

Lumaylay ang mga balikat ng matanda na tumingala sa kuwadro ng asawa. “Nang hangarin kong makita at makapiling ang mga apo ko kay Romano ay umaasa akong sa kabila ng lahat ay pareho nating mapagtakpan sa isa’t isa ang mga pagkukulang. Hindi para muling buhayin ang sama ng loob na idinulot niya sa akin.”

“Gusto ko rin iyon, Lolo. Gusto kong makasama kayo sa pamamasyal sa paligid sa asyenda. Pero hindi ninyo maitatangging lagi ay pader na papagitan sa atin ang ginawa ng Daddy, ang inaakala ninyong kasalanan niya. Susundan kami niyon saan man namin ibaling ang aming mukha sa bayang ito.”

Nilingon nito si Nathaniel. “At ikaw, Nathaniel, hindi ba at taglay mo saan ka man pumaroon ang batik na iyon? At dahil lang sa kayamanan ng mga Fortalejo kaya napapanatiling mataas ang iyong noo?”

Marahang nagmura nang patalikod si Nathaniel.

“Gawin mo ang gusto mo, Emerald, kahit labag sa loob ko. Huwag magkamaling galawin ni Marco kahit na dulo ng buhok mo at muling dadanak ang dugo sa pagitan ng pamilyang ito!” May panganib at banta sa tinig nito.

Nang umagang iyon ay inihatid siya ni Nathaniel sa bukana ng Hacienda Kristine.

Pagkaalis ng pinsan ay marahan niyang binaybay ang daan patungo sa labasan. Mas gusto niyang maglakad-lakad kaysa maghintay.

Hindi siya nainip. Sakay ng kabayo ay dumating si Marco hila-hila ang isa pang kabayong puti.

“Gusto ko nang maniwala sa persuasive power mo, Emerald,” nakangiting bati nito. “Natibag mo ang Great Wall of China sa katauhan nina Leon at Nathaniel. Or shall I attribute it to stubbornness?” Bumaba ito ng kabayo.

“Pareho,” maiksing sagot niya. Hindi na niya gustong pag-usapan pa ang nangyari. Hinagod niya ng tingin ang kabayong puti. “Ito ba ang sasakyan ko? Hindi ba ako ihuhulog niyan?”

“Malalaman mo,” wika nito na bago pa siya makakilos ay nahawakan na siya sa baywang at isinampa sa likod ng kabayo. “Hawakan mong maigi ang renda at ipasok mo ang paa mo rito.” Hinawakan nito ang binti niya upang ipasok ang kanyang paa sa saddle.

Naka-walking shorts lamang siya at ang init ng mga palad ni Marco sa kanyang binti ay nagdudulot ng hindi maipaliwanag na damdamin.

Ano ba ang kakaiba sa hawak ng lalaking ito? Sa mga kaibigan niyang lalaki ay bale-wala ang akbay o light kisses.

Not even her two previous boyfriends made her feel the way this man did. Their kisses meant nothing. Pleasant and nice, that’s all. It didn’t thrill and excite her a bit.

“Emerald to earth...” natatawang wika ni Marco na nakasampa na sa kabayo nito’y hindi niya namalayan. “Ang lalim ng iniisip mo.”

Marahan nitong tinapik ang kabayo niya at ilang sandali pa’y tinatahak na nila ang walang katapusang berdeng damo papasok sa gubat. Ngumiti siya rito.

“Hindi sanay ang kabayo mo sa ganito kabagal na paglakad,” kaswal niyang sinabi.

“He’ll be fine. You have a nice pair of legs,” nakangiting sabi nito na ang mga mata ay sa binti niya nakatutok.

“My... my... legs?”

“Maganda ang hugis at makinis.”

Siguro nga dahil hindi mo inaalis ang mga mata mo sa binti ko mula kanina, bulong ng dalaga sa sarili.

“G-gaano pa katagal bago tayo makarating sa inyo?” tanong niya sa pagsisikap na mabaling sa iba ang pansin ng binata.

“Kinse minutos kung mabilis ang takbo ng mga kabayo. Pero sa ganitong kabagal ay aabutin tayo ng mahigit sa kalahating oras. Gusto mo bang bilisan ang takbo ng kabayo mo?” Naghahamon ang tono nito.

Umiling siya. “Ang sabi ko sa iyo, ang kabayong nasasakyan ko ay `yong mga nasa Baguio at Tagaytay lang. And to tell you the truth, kinakabahan akong baka ihulog ako nitong kabayo mo.”

Bahagyang natawa si Marco. “Alam mo bang kahit sinong tao sa bayang ito ang makaalam na narito ka sa loob ng lupain ng mga de Silva ay nanlalaki ang mga mata? Not to mention your own kin na hanggang ngayon ay pinagtatakhan ko pa rin kung paano mo napapayag. Pagkatapos ay matatakot ka diyan sa kabayo lang na baka ka ihulog?”

“Ano ba ang dapat kong ikatakot sa iyo, Marco? Hindi ka naman rapist at lalong hindi ka kriminal.” Hindi inaalis ng lalaki ang tingin sa mukha niya at hindi maunawaan ni Emerald ang ibinabadya ng mukha nito.

“Hindi ka na lalabas sa lupain ko, Emerald,” marahan subalit tiyak nitong sinabi makaraan ang ilang saglit.

Biglang nilingon ito ng dalaga. “Ano ang ibig mong sabihin?”

“Narinig mo! Mananatili ka sa loob ng farm ko hanggang sa panahong itakda kong dapat na kitang pauwiin,” parang walang anumang sinabi nito.

Gumuhit ang takot at kaba sa dibdib niya. “Pero... pero... hindi iyon ang usapan natin. G-gusto ko lang makita at makilala si Bernard at ihahatid mo rin akong muli sa bukana ng asyenda.”

“Ikaw ang may gustong pumunta rito para makatagpo si Bernard. I warned and talked you out of this pero mapilit ka. Take the consequences, mananatili ka rito. At tulad ng sinabi ko, hanggang sa panahong itatakda ko.”

“But this is insane! Hindi mo ako mapipigil dito nang laban sa loob ko!” protesta niya.

“Iyon na ang ginagawa ko ngayon.”

“This is kidnapping!” Totoong natatakot na siya.

“Kidnapping?” patuyang tanong nito. “Did I use any force para lang pumunta ka rito? Hindi ba at inihatid ka pa ni Nathaniel? Surely, ikaw ang mapilit na magpunta rito. Natitiyak kong kulang na lang ay itali ka ni Leon para pigilan. `Tapos sasabihin mong kidnapping?” Isang malakas na tawa ang pinakawalan nito.

“Oh! Tama sila kung ganoon. May binabalak kang iba!”

“Sa susunod ay matuto kang makinig sa higit na nakakaalam, Emerald,” tuya nito.

“Hahanapin nila ako. Alam nilang narito ako. At kung hindi mo ako ilalabas ay magkakagulo,” aniya sa pagsisikap na makahanap ng sasabihin para magbago ang isip ng lalaki.

Muling tumawa si Marco. “Then you will start a war, my dear. Ubusan ng lahi na dapat ay noon pa nangyari kung hindi sa makatwiran kong pananaw. Nakahanda ang mga tauhan ko sa pagsugod ng mga taga-asyenda. Then my father and my sister’s death will be avenged at last!”

“Ang mga pulis... magre-report sila sa mga pulis at ang mga ito ang pupunta rito...!”

“Hindi iisipin ng mga authorities na narito ka nang laban sa loob mo, Emerald. Unang araw mo pa lang dito sa Paso de Blas ay dito ka na napunta sa farm ko. I sent you home unscathed at alam ng buong bayan `yon. Ganoon din kahapon na kung saan alam ng buong bayan na ibinili ko ng piyesa ang kotse mong nasira at tumirik dito. At kaninang umaga, bago kita sunduin ay kausap ko si Judge Adriano. Alam niyang bisita kita rito sa loob ng ilang mga araw.”

“Pinlano mong lahat ito! Ang ang buong akala ko’y wala akong dapat ipag-alala sa iyo!” sigaw niya, in frustration. Gusto niyang umiyak pero hindi niya gustong ipakita sa lalaking ito ang panghihina. Muli niya itong tiningnan. Biglang kinabahan sa maaaring mangyari kung hindi siya makauuwi mamaya. Sindak ang gumuhit sa mukha niya.

“T-tiyak na pupunta sila rito at... at... oh! Bakit gusto mong magkagulo? Hindi pa ba sapat ang maraming taong alitan? Paano kung may mga taong mamatay? Ang lolo ko, si Nathaniel, o `di kaya ay ang mga taong walang kinalaman tulad ng mga tauhan mo. O `di kaya ay ikaw?” Gusto na niyang maghisterya. Bakit hindi siya nakinig sa lolo niya at kay Nathaniel? Ngayon ay naging instrumento pa siya sa ikapapahamak ng mga ito. Hindi siya magtatapos ng alitan. Magpapasimula siya ng digmaan.

“Nakahanda ang mga tauhan ko, Emerald. Kung may mamamatay ay sa panig ng mga Fortalejo. Titiyakin kong sa pagsugod nila rito’y paparito ang mga pulis. Hudyat ng radyo ko lang ang kailangan. Alin na lang sa dalawa, makulong o mamatay si Leon Fortalejo? Sa pagkakataong ito ay walang magagawa ang pera niya,” wika nito sa napopoot na tinig.

“I... trusted you,” nanggigipuspos na wika niya.

Nakita niya ang sandaling pagbago ng ekspresyon ni Marco pero iglap lamang iyon. Muling tumigas ang anyo nito.

“Women trusted me. I guess, part of my charm.” Sinabayan nito ng ngiti at kibit ng mga balikat.

“Mapapatay mo siguro kaming lahat but you won’t get away with it.”

“Sino’ng may sabing papatayin kita o kasama ka sa gusto kong mamatay? You are too pretty and sexy to die, Emerald. You will fill my bed very comfortably tulad ng ginawa ni Romano sa kapatid ko.” Sinabayan nito ng malakas na tawa.

Talagang malapit nang bumagsak ang mga luhang pinipigil niya sa sindak na nadarama. Higit para sa lolo niya at kay Nathaniel. Ipinahamak niya ang mga ito.

Ngayon niya pinagsisihang lahat ang katigasan ng kanyang ulo. Ang pagnanais na linisin ang pangalan ni Romano at matapos ang alitang ito. Oh, Daddy!

“Please, huwag mong gawin ito, Marco. Hindi ako nag-aalala para sa sarili ko kundi para sa mga taga-asyenda,” nagsusumamo ang tinig niya.

“Kung ganoon ay madali mong magagawa ang sasabihin ko sa iyo.”

Nagtatanong ang mga matang napatingin siya rito.

“Ikaw lang ang kailangan ko, Emerald. Sapat- sapat ka nang kabayaran. Magagawa mong huwag dumanak ang dugo sa lupang ito kung itatawag mo sa a syenda Kristine na bukal sa loob mong manatili sa bahay ko.”

Takot at kalituhan ang nadama niya. Siya, mag- iisa sa bahay ng mga de Silva? Ano ang gagawin ni Marco sa kanya? Hanggang kailan siya mananatili rito? At pagkatapos ay ano?

“Your choice, Emerald. Sila o ikaw?” Ang malulupit nitong mata ay halos bumaon sa katawan niya.

Hindi kailangang manaig ang takot sa kanya. Anuman ang mangyari sa kanya ay haharapin niya nang may dignidad mula sa sandaling ito. Bahagya niyang itinaas ang ulo at sa matalim na mga mata’y tumingin dito.

“Salamat sa pagpipilian,” sarkastiko niyang sagot. “Ako na lang.”

Ngumiti si Marco. A triumphant smile. “Good girl, Emerald. Pagdating natin sa bahay ay tatawagan mo si Leon Fortalejo. Sana’y nasa harap niya ako upang makita ang anyo niya sa sasabihin mo.” At tumawa nang malakas na nag-echo sa lupaing iyon.

“Hindi ko alam na sa modernong panahong ito ay may mga tulad mo!”

Subalit hindi pinansin ni Marco ang sinabi niya. “Be civil to my mother, Emerald. Ang kalagayan niya ngayon ay sanhi ng nangyaring trahedya sa pamilya namin. Ubusin mong sabihin sa akin ang lahat ng gusto mong sabihin kung tayong dalawa lang pero huwag sa harap ng Mama.” m ay warning sa tinig nito.

Hindi iyon sinagot ng dalaga. Sana’y maglaho na lamang siyang bigla. Sana’y bumuka ang lupa at kainin siya.