Napabuntong hininga ako habang inililipat ang page ng magazine na binabasa ko. Napangiti ako habang tinitingnan ang maaamo nilang mukha. Kahit na cool ang kanilang porma at hindi sila nakangiti sa magazine na ito, kitang-kita ko pa rin ang maamo nilang katangian. Hinaplos ko ang mukha niya. Sa magazine ko na lang mahahawakan ang mukha niya. Hindi maipagkakailang sikat na sikat na sila. At mas lalo silang sumikat sa Korea.
“Sila na naman?”
Napatingin ako sa aking harapan.
“Kyo!” tawag ko at saka ko siya nginitian.
Isang taon na rin pala ang lumipas. Isa na rin akong college student sa unibersidad na pagmamay-ari ng pamilya ko. First year college na ako sa kursong BS in Interior Design.
“Ano na namang ginagawa mo rito?” tanong ko sa kanya.
Sa loob ng isang taong puno ng lungkot, si Kyo lang ang tanging taong nanatili para alalayan ako at para pasayahin ako kahit na parati niya ‘akong inaasar.
“Tumaba na ba ako?” tanong ko.
“Sa totoo lang? Ang baboy mo na! Hahaha!” biro niya.
Agad kong ibinato sa kanya ang magazine na hawak ko at sakto namang tumama iyon sa kanyang mukha.
“Aray ko ha!” reklamo niya at saka pinulot ang magazine.
Ibinuklat niya ito at tiningnan bago umupo sa tabi ko. “Sikat na sikat na sila, ano?”
Hindi ako umimik at nanatili lang akong nakatingin sa kawalan. “Sa tingin mo ba babalik pa siya?” wala sa sariling tanong ko.
Napabuntong hininga siya.
“Pero okay lang! Masaya naman ako! Haha! Ito naman ‘yung gusto ko! Bagong buhay! Hahaha!”
Tinitigan niya lang ako. “Hindi naman masamang ngumiti o tumawa, Renesmee. Pero hindi mo kailangang gawin ‘yun para kumbinsihin ang sarili mong okay ka, na masaya ka,” saad niya.
Unti-unting napawi ang ngiti sa mukha ko.
“Dapat kasi ako na lang. Pero alam kong darating din ‘yung panahon na darating din ‘yung taong para sa akin. Pero ‘wag ka mag-alala, ikaw pa rin ang pinakalabs ko!”
Agad niya kong hinila at niyakap. Napangiti ako at hinampas ko siya.
“Ayan ka na naman sa pambobola mo!” saad ko.
Kaagad siyang natawa. “Hinding-hindi ako magsasawang iparamdam sa’yong mahal kita, Renesmee.”
Napabuntong hininga ako. “Salamat, Kyo,” bulong ko.
“Calling all the contestants. Please proceed at the back stage now.”
“Oh paano ba ‘yan. Sige, una na ko. I-cheer mo ko ha!”
Lalakad na sana ako subalit natigilan ako nang muli siyang nagsalita.
“Renesmee,” tawag niya. Lumingon ako at tumingin sa kanya. “Happy birthday. Happy 18th birthday!” bati niya.
☆☆☆
Hindi ko ma-imagine ang sarili ko habang naglalakad sa stage at inirarampa ang gown na ako mismo ang nagdisenyo. Sumali kasi ako sa isang contest sa university na pinapasukan ko. Walang nakakaalam na apo ako ng may-ari ng paaralan namin. Katulad sa TSIA noon, napakaraming galit sa akin dito.
Ngumiti ako at nagpatuloy sa pagrampa. Kung hindi lang required na sumali rito, hindi talaga ako sasali! Ibinagsak ko kasi ang isa kong subject at para makapasa ako, kailangan kong sumali sa walang kwentang event na ‘to. Wala man lang nagchi-cheer para sa akin samantalang di hamak naman na mas maganda pa ako sa ibang mga kasali. Punyet@!
“Go Renpot!”
Agad na hinanap ng mga mata ko ang Mean Girls nang marinig ko ang sigawan nila. Napangiti ako nang makita ko silang kasama ni Kyo. Ugh, this gangster, alam niya talaga kung paano ako pasayahin ngayong birthday ko. Who would have thought na mami-miss ko pala nang ganito ang Mean Girls sa kabila nang pagpapahamak nila sa akin?
Matapos naming irampa ang mga suot naming gown ay agad na rin nilang in-announce ang Top 5. At…hindi ako kasama. Pero isa ‘yung malaking joke dahil hindi ko inaasahan na matatawag ang pangalan ko. At ngayon ay ipinagdarasal kong nagkamali lang ako nang dinig. Nakatingin ang lahat ng tao sa akin habang hinihintay nila ang paglapit ko sa gitna.
What the hell?! Talaga bang kasama ako sa Top 5?! Ugh! Hindi man ako makapaniwala ay pumunta na rin ako sa gitna. Bakit pa ako napasok sa Top 5? Eh question and answer portion na ‘to eh! Damnit! Sobrang bilis tuloy nang tibok ng puso ko. Hindi ko alam na kakabahan pala ako nang ganito sa tanang buhay ko. Tsss!
“And now it's candidate number nine.”
“WOOOH! GO RENPOT!” sigaw ng Mean Girls.
Fudge! Hindi ba pwedeng mag-back out?! Oo alam kong maganda ako, pero hindi naman lingid sa kaalaman kong hindi naman ako matalino. Sh*t! Ang sarap patalsikin sa trabaho ng mga professor kong iyon.
Lumapit sa akin ang isang babaeng may dala-dalang bowl kung saan ko bubunutin ang pangalan ng judge na magtatanong sa akin. Pagkabunot ko ay agad kong binasa ang pangalan na nasa papel. Agad na bumilis ang tibok ng puso ko nang malaman ko kung sino ang magtatanong sa akin.
“So sino ang nabunot mo?” tanong ng MC.
“It’s Miss…” Inikot ko aking paningin sa paligid at pilit hinanap si, “Aliyah Gilbert.”
Ang tahimik. Wala akong ibang maramdaman. Tanging ang malakas na tibok ng puso ko lamang ang aking naririnig. Nakakabingi iyon.Napatingin ako sa mga judges. Kusang hinahanap ng aking mga mata ko si Aliyah.
“Okay candidate number nine..”
Pakiramdam ko'y nawala ang kinang sa mga mata ko. Hindi ko alam na ganoon pala ka-common ang pangalang Aliyah Gilbert. Wala si Aliyah na kilala ko. Akala ko'y nagbalik na sila. Nagkamali pala ako. Agad na naglaho ang pag-asang nadama ko nang mabasa ko ang pangalan niya.
Ngumiti ako nang pilit sa matandang judge nang basahin niya ang tanong para sa akin.
“What do you think is the characteristic that you have whichis different from the other contestants?”
Hindi kaagad ako nakasagot dahil nablangko na ang isip ko. Ugh, ano bang inaasahan nila? Alam naman nilang bobo ako, hindi nag-aaral nang maayos at bagsak sa lahat ng subject. Ano sa tingin nila ang isasagot ko sa ganoong kahirap na tanong. Subalit ilang sandali pa’y natigilan ako nang makita ko ang mga star na palamuting nakasabit sa puno. Napabuntong hininga ako at nilakasan ko na ang loob kong sumagot.
“I think what differs me from others, not only from the contestants but from everyone is that…I’m a star.”
Agad na nagtawanan ang crowd sa naging sagot ko. Kumikirot ang puso ko habang pilit na pinipigilang maalala ang eksenang hinding hindi ko malilimutan sa buong buhay ko.
“You're like a star to me, Renesmee…because you shine on the darkest part of my pathetic life.”
Namalayan ko na lamang na tumutulo na pala ang aking luha.Natahimik ang mga tao at napatitig sa akin. Mukhang nabigla rin sila nang makitang umiiyak ako.
“I’m a star ‘cause I shine to light up someone’s dark hours,” dagdag ko at dali-dalingumalis sa stage.
Agad akong tumakbo palabas ng unibersidad habang patuloy naman sa pagtulo ang luha ko. Patuloy lang ako sa paglalakad. Pinagtitinginan ako ng mga tao pero wala akong pakialam kahit mukha akong runaway bride sa itsura ko.
Pinunasan ko ang aking luha. Masakit alalahanin pero ako naman ang may gusto nito. Ginusto kong mawala siya sa buhay ko. Ginusto ko ng bagong buhay na wala siya. Pero bakit parang ako itong hindi maka-move on? Bakit parang ako itong namumuhay pa rin sa nakaraan?
Napatingala ako sa kalangitan at nakita ang mga bituin habang kumikinang. “Sol, bumalik ka na, oh? Please?”
☆☆☆
Sinampal ko nang malakasang babaeng nasa harapan ko. Napahawak siya sa kanyang pisngi at gulat na napatingin sa akin.
“How dare—” Binuhusan ko siya ng tubig bago pa matapos ang kanyang sasabihin.
“Get lost. Don’t you dare show me your ugly face again,” mahinahong saad ko at saka lumakad paalis.
“Okay cut!” sigaw ni direk.
Nagpalakpakan naman ang mga staff.
“Ang galing mo talagang mang-api,” kumento ng isa sa mga staffat saka sila nagtawanan.
Nagpatuloy ako sa paglalakad diretso sa dressing room ko. Nang makapasok na ako ay pinalabas ko silang lahat na nasa loob. Umupo ako at hinawakan ang dyaryong binabasa ko kanina. Pang-ilang beses ko na ba itong nabasa? Tatlong buwan na ang nakalilipas simula nang mai-release ang dyaryong ito pero patuloy ko pa ring itinatago. Napabuntong hininga ako at muling binasa ang title ng article. Famous Performer Taeyang Finally Met his Mother.
Tinitigan ko ang picture niya kasama ang kanyang mama. Ang saya-saya ng mukha niya. Kamukhang-kamukha niya ang kanyang ina.
“I’m so happy that I finally found her,” saad niya sa interview. Hindi ko na naman mapigilang mapaluha.
Inayos ko ang itsura ko nang biglang bumukas ang pinto. Galit na lumapit sa akin si Andrea, ang bida sa teleserye kung saan ay ako ang kontrabida.
“Wala naman sa script na bubuhusan mo ‘ko ng tubig ah! At marami pa tayong lines na dapat sana ay sasabihin! Bakit nag-walkout ka na?!” galit na tanong niya.
“We'll just make the scene boring kung susundin natin ang nasa script,” walang ganang sagot ko.
Pinagmasdan ko muna ang pulang kuko ko bago ko siya tiningnan.
“Pwede ka nang lumabas kung wala ka nang sasabihin,” utos ko sa kanya.
Tumawa siya na parang hindi makapaniwala.
“Edi sana ikaw na lang nag naging direktor! Nagmamagaling ka p—”
Hindi na niya naituloy pa ang kanyang sasabihin nang galit na akong tumayo.
“Hindi naman papatok ‘yang drama mo kung hindi ako magaling na kontrabida eh. Kaya ‘wag kang mag-inarte dyan. Ako pa nga ang lalong nagpapasikat sa’yo eh, di ba?”
Galit kong kinuha ang aking bag at binangga ang balikat niya nang lagpasan ko siya. Dire-diretso lang ako sa paglalakad habang ang bawat taong nakakasalubong ko naman ay nagsisitabi.
Dalawang taon na. Dalawang taon na ang lumipas simula nang gabing tumayo ako sa stage at humarap sa mga manunuod at sinabing kong isa akong star. Pagkatapos ng gabing iyon ay naging usapan ako sa public na nagpasikat sa akin dahilan kung bakit isa na ‘kong artista ngayon. Isang malditang kontrabida. Isang masamang tao sa paningin ng mga manunuod. Tila walang puso dahil sa galing sa pang-aapi. Hindi nila alam, sa loob ng katauhan ng isang Renesmee Marie Clarkson na napapanuod nila sa telebisyon bilang isang kontrabida, ay nagkukubli ang isang sugatang puso na hinubog ng kanyang nakaraan.
Ibinato ko ang bag ko sa loob ng aking sasakyan at padabog na sumakay. Agad ko itong pinaandar nang mabilis. Ito na siguro ang bagong buhay na sinasabi ko. Ang bagong buhay na ginusto ko.
Napatigil ako nang makita ang isang pamilyar na lalaki. Muntik na akong mapasubsob dahil sa lakas ng pagkakapreno ko. Agad kong iniangat ang aking ulo at tiningnan ang lugar kung saan ko siya huling nakita. Subalit wala na siya.Posible ba yun? Na tama ang nakita ko? Posible bang bumalik na siya? Napabuntong hininga ako at pilit na ngumiti. Nagkamali lang siguro ako. Namalikmata lang ako.
Huminga ako nang malalim at saka ipinagpatuloy ang pagda-drive. Araw-araw, hinihiling kong makita ko na ulit siya. Pero araw-araw, nabibigo la mang ako. Gabi-gabi, hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi maiyak. Ang Mean Girls, isa na rin silang sikat na performer ngayon. Busy na rin sila kagaya ko. May career na rin sila at katulad ng dati, mga loka-loka pa rin sila.
Si Kyo naman, minabuti kong munang lumayo sa kanya. Ayaw kong maging unfair sa kanya dahil parati siyang nasa tabi ko. Gusto kong maging malaya siya at mahanap na niya ang tamang babaeng para sa kanya. ‘Yung babaeng hindi siya sasaktan.
Si Liloree, nasa States na siya kasama ni Lolo. Two years na siya roon simula nang magpasya siyang doon na lang mag-aral. Siya rin naman kasi ang magmamana ng Clarksons kaya makabubuti sa kanyang ang mag-aral abroad.
At ako? Eto, ang taong ginustong magkaron ng bagong buhay subalit patuloy pa ring umaasa na baling araw ay babalik ang nakaraan.
Inihinto ko ang aking sasakyan nang maging red ang ilaw ng traffic light. Tumingala ako at pinanuod ang nasa malawak na screen na katabi ng mga billboard. Pinanuod ko ang aking sarili na puno ng pagtatago ng tunay kong nararamdaman habang ine-endorse ang isang brand ng makeup. Marami na akong nabulag sa anyo kong ito. Hindi ko akalain na sa pamamagitan ng makapal na makeup ay maitatago ko na ang sakit na aking nararamdaman.
Nag-go signal na ang traffic light. Paaandarin ko na sana ulit ang aking sasakyan subalit matigilan ako nangmakita ang nasa screen. Masyado ba ‘kong naging abala nitong mga nakaraan araw at hindi ko kaagad nalaman na darating sila?
*BEEEEP!!! BEEEP!!! BEEEEP!!!*
Nanatili akong nakatitig sa screen. Ang mukha niya, walang ipinagbago. Pati ang height niya, pandak pa rin siya.
“Glad to be back,” saad niya.
Agad kong iniharurot ang aking sasakyan. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Naisipan kong dumiretso sa airport sa pagbabakasakaling nandoon pa sila. Thirty minutes ang lumipas bago ako nakarating. Agad akong bumaba at pumasok sa loob ng airport. Pinagkaguluhan ako ng mga tao ngunit hindi ko sila pinansin.
Si Sol, siya lang ang nasa isip ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Paikot-ikot ako sa airport dahil umaasa akongmakikita ko sila. Natigilan ako nang makita ko si Aliyah sa aking harapan.
“Renesmee!” gulat na tawag niya sa akin nang makita ako.
Ang bilis ng tibok ng puso ko at labis akong kinakabahan. Wala akong naging balita sa kanilang dalawa. Sila pa rin kaya? Sh*t. Bakit ba ‘ko nagpunta pa rito? Dapat pala ay hindi na ako umasa pa.
“How are you?” tanong niya at tuluyan nang lumapit sa akin.
Ngumiti ako nang pilit at pinagmasdan ko ang mukha niya. Napakaganda pa rin talaga niya.
“You've changed a lot,” nakangiting saad niya.
“Thanks,” matipid na sagot ko bago tumingin sa likuran niya.
“Are you looking for…Sol?” tanong niya.
Pakiramdam ko'y tumalon ang puso ko nang muling marinig ang pangalan niya.
“Ghaaad. You two still love each other!” masaya at tila hindi makapaniwalang bulalas niya.
Tiningnan ko siya nang may halong pagtataka. “He's been very busy but he never failed looking at the sky, looking at the stars.”
Natulala ako sa kanya. Anong ibig niyang sabihin?
“Renesmee, I cant beleive this. I’m so happy to see that you still waited for him. But wait, what are you doing here?"
“Anong—”
“Ghad Renesmee, we broke up three years ago,” Hindi ko pa man natatapos ang aking sasabihin ay nagsalita na agad siya. Nagulat ako sa kanyang sinabi.
“Ang ibig mong sabihin?”
“Yeah…I gave him up bago pa man kami pumunta ng Korea.” May halong lungkot ang boses niya. “Anyway, that's in the past now. Okay na ako. Naka-move on na ‘ko kahit na minsan…nasasaktan pa rin ako.”
Pinilit kong ngumiti kahit na pakiramdam ko’y hindi ko dapat ipakita na masaya ako sa aking nalaman.
“Teka…bakit ka nga ba nandito?” tanong niya.
“Si Sol kasi…”
“He's gone! Pumunta na siya sa lugar kung saan ka niya inaasahang makikitang umiiyak. Come on Renesmee!”
Nagulat ako sa sinabi niya.
“Go and finally have your happy ending!” nakangiting saad niya.
Mabilis akong tumakbo para bumalik sa aking sasakyan. Sa sobrang bilis nang pagpapatakbo ko, halos paliparin ko na ito. Gustong-gusto ko na siyang makita. Ngayon ko lang naisip na ang tanga ko pala dahil ipinaraya ko pa siya. Sana pala…hindi ko na siya isinuko pa. Muli na naman akong napaluha. Sa wakas...makikita ko na ulit siya! Mahahawakan at mayayakap ko na siya. Mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo papunta sa sasakyan ko. Napatingin ako sa aking wrist watch. Alas-syete na nang gabi. Mahihintay pa rin kaya niya ako? Nandoon pa kaya siya?
Nang makarating ako sa TSIA, sarado na ang gate nito. Tatlong taon na rin, tatlong taon na rin ang lumipas simula nang huling beses kong nakita ang paaralang ito. Agad akong nagtungo sa lugar na dati kong pinupuntahan.Umakyat ako roon at nang makapasok sa loob ay tumakbo agad ako papunta sa puno na malapit sa soccer field.
Nang malapit na ako roon, pakiramdam ko’y unti-unting nadudurog ang puso ko nang makitang wala siya. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Siguro nga umaasa lang ako na nandito na siya. Wala na akong nagawa kundi umiyak na lamang habang nakaupo sa bench na nasa ilalim ng puno. Tahimik lamang akong umiiyak roon. Ang daya, akala ko pa naman nandito ka na. Akala ko pa naman makikita na kita. Hindi ko magawang ihinto ang patulo ng luha ko.
“That's not the Alien I used to know.”
Nagulat ako sa aking narinig. Agad akong napatingin sa tabi ko.
“That Alien cries out loud and breaks my eardrums.”
Tahimik siyang lumapit sa akin at umupo sa tabi ko. Nanatili siyang iwas ang tingin sa akin at nakaharap lamang sa malayo. Pinunasan ko ang aking pisngi at humarap din sa direksyon kung saan siya nakatingin. Tahimik lang kami habang nakaupo at nakatingin sa kawalan. Amoy na amoy ko pa rin ang perfume na gamit na niya noon pa man, ang pabangong kinakaadikan ko.
“I cried today,” saad niya.
Agad akong napatingin sa kanya dahil sa sinabi niyang iyon.
“Because I missed you and want you so bad. Because I realized that I'm not going to be alright without you.”
Bumilis ang tibok ng puso ko nang humarap siya sa akin.. Ang mukha niya, ang mukha na matagal ko nang gustong-gustong makita, ay nasa harapan ko na ngayon.
“I missed you,” bulong niya at agad akong niyakap.
Ang tagal kong hinintay ang yakap na ito. Ang tagal kong hinintay na makita siyang muli. Ang tagal kong hinintay na marinig ulit ang boses niya.
“Welcome back, Sol,” bulong ko.
Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang pisngi ko.
“Renesmee…”
Nagulat ako nang may maiingay na fireworks na nagsimulang magpaliwanag sa buong TSIA. Agad akong tumingala upang panuorin iyon. Saan galing ang mga fireworks na ‘to? Anong meron?
Humarap ulit ako kay Sol pero laking gulat ko nang bumungad sa akin ang isang singsing na nakalagay sa maliit na box. Tiningnan ko siya nang hindi makapaniwala. Napatakip ako sa aking bibig at tuluyan na akong napaiyak.
“Sol…” tawag ko sa pangalan niya.
Ngumiti siya at huminga nang malalim.
“Renesmee…be my wife,” bulong niya.
Tiningnan ko ang mga mata niya, ang mga mata niyang punong-puno ng emosyon. Patuloy sa patulo ang luha ko hanggang sa sabihin na niya sa akin ang mga salitang nagpatigil sa ikot ng aking mundo.
“Marry me, Alien.”
Napatitig ako sa kanya habang siya naman ay serysosong nakatingin din sa akin.
“Sol, I do,” sagot ko.
Sandaling namagitan ang katahimikan sa pagitan naming dalawa hanggang sa.. “Aray!” reklamo ko nang batukan niya ako.
“Anong I do?! ‘Pag nasa altar na tayo, tsaka mo sasabihin ‘yan!” paliwanag niya.
Natawa ako habang patuloy pa rin sa pagpatak ang aking luha. Pinunasan naman niya iyon.
“I love you so much, Alien girl,” saad niya. Kinuha niya ang kaliwang kamay ko at isinuot ang singsing sa ring finger ko.
“I love you so too, Pandak.