noveltoon logo noveltoon
Let me be the One 3

Chapter 6

Ch. 6 / 10 Apr 09, 2022

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Malabo. Maliwanag. Puro puti. Napangiti ako. Kahit pala masama ako, napunta pa rin ako sa langit. Muli ko na namang naramdaman ang mainit na likidong tumutulo sa pisngi ko. Hindi ko masyadong maigalaw ang aking mga kamay. Patay na ba ako?

Iniangat ko ang aking mga kamay. Tinitigan ko ito at nakita kong may nakabalot na bandage rito. Teka. Ipinikit ko ang aking mga mata at muli ko iyong iminulat. Mas luminaw na ang imahe ng buong paligid. Puting kisame ang bumungad sa akin. Teka, nasa hospital ba ako?

Napahawak ako sa dibdib ko subalit wala akong naramdamang sakit dito. Buhay pa ba ako? Kaagad akong napabangon at nakita kong may dextrose na nakakabit sa kabilang kamay ko.

“Welcome back.”

Agad akong napatingin sa tabi ko at nagulat ako nang makita kung sino ang nagsalita. Isang batang babae na pamilyar na pamilyar ang mukha sa akin. Batang babae na minsan ay nakilala ko dahil sa…

“This is Aliyah. Say hi to her. She's our best friend. And the one I've been telling you.”

I looked at her face. I must admit that she’s perfect and I'm billion miles away far from being her. Compared to her, I am completely nothing.

“Uh, hi Aliyah? My name is Renesmee,” I said as lend my hand.

“Nice to meet you, Renesmee. What are you doing here?” she asked.

“I'm here to visit Sol Bae'shome. What are you doing here, too?” I replied.

“Oh, I used to live here beforeand now my family owns this.”

“So you mean you own Sol Bae's home?”

“Exactly.”

“Aliyah…” tawag ko sa pangalan niya.

Nagulat na lang ako nang may sunod-sunod na luhang pumatak mula sa mata niya.

“I missed you. I missed you so much,” saad niya habang umiiyak.

Iniangat niya ang kanyang kamay at hinaplos ang mukha ko. Hindi ko alam kung bakit pero naiyak na lang din ako. Dahan-dahan kong iniangat ang kamay ko at niyakap din siya. Ipinikit ko ang aking mga mata.

“Do you like Sol?” I was surprised with what she said and I don’t know what to say.

“No! Of course not. Why would I? There's no reason for me to like him.”

She looked at me, her eyes were obviously in awe because of what she just heard from me and I pretended to be happy.

“You don’t like him? Thank God!” she sounded very happy.

“What are you so glad about?” I asked curiously.

“I like him. Even though I told him I just want the two of us to be friends. But when he said that he likes you, I realized…I like him, too. I'm glad you don’t like him.”

Nang humiwalay na siya sa pagkakayakap sa akin ay mabilis kong pinunasan ang luha sa aking pisngi at iniiwas ang mukha ko sa kanya.

“Thank you,” she said.

Tiningnan ko ang kanyang mga mata. Pinunasan niya ang kanyang pisngi na basang-basa na ng luha.

“That crazy Paula...” Tumawa siya. “The policemen arrested her.”

“Mabuti naman,” matipid kong sagot at saka ako umiwas ng tingin. Hindi ako komportableng kinakausap siya nang ganito. Ang awkward ng pakiramdam ko.

“So how do you feel? Are you okay?” she asked again.

“Okay? Hindi ko alam kung ano pa ba ang okay sa akin,” madiing sagot ko. “Gulong-gulo na ako. Gulong-gulo na ang buhay ko. Pakiramdam ko ay wala na ‘kong maintindihan sa mga nangyayari. Pakiramdam ko ay gusto ko nang mamatay.” Dire-diretso na ang pagtulo ng aking luha. Pakiramdam ko’y habambuhay na akong iiyak dahil sa nangyayari sa buhay ko at sa mga taong nakapaligid sa akin. “Sana namatay na lang ak—.”

Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nang sampalin niya ‘ko ng malakas. Napayuko ako habang nakahawak ako sa aking pisngi.

“Hindi mo ba kilala kung sinong sinampal mo?” tanong ko.

Bumuntong hininga siya. “Hindi mo ba naisip kung anong mararamdaman ni Sol kapag nawala ka? Ayoko nang makita pang muli na magunaw ang mundo ni Sol dahil nawala kang ulit sa kanya.”

Natawa ako ng pilit. “Wow, sa’yo pa talaga nanggaling ‘yan!” sarkastikong sagot ko.

Tinitigan niya ako ng matagal. “Bakit hindi mo sinabi sa akin, Renesmee?” tanong niya.

“Ang alin?” tanong ko.

“Na minahal mo pala siya,” mabilis na sagot niya.

Natawa muli ako nang pilit. Mukhang pinatatawa niya talaga ako. “May magbabago ba kung sinabi ko sa’yo noon na gusto ko rin siya? Na mahal ko rin siya?”

Napabuntong hininga siya at tinitigan ako nang mabuti. “Naging saksi ako sa pagdurusa ni Sol, Renesmee. Paulit-ulit kong itinatanong noon kung bakit hindi mo rin siya magawang magustuhan. At ngayon, alam ko na ang sagot. Sinagot ni Paula ang lahat ng katanungan ko. Minahal mo siya pero pinagtabuyan mo lang siya. Bakit? Dahil alam mong naka-fixed marriage ka na noon?” galit na tanong niya.

Iniangat ko ang aking ulo at tiningnan siya ng seryoso sa mga mata.

“Aliyah, pinilit kong kalimutan ang lahat para magparaya sa’yo. Lahat ng nararamdaman ko para sa taong mahal ko, kinalimutan ko ‘yun lahat. Alam mo kung bakit? Kasi ikaw ‘yung una niyang mahal. Ginawa niya lahat ng bagay na pwedeng magpasaya sa’yo. At saksi ako roon. At hindi ko kailanman naging dahilan ang lintek na fixed marriage na yan,” sagot ko.

Ngumiti ako sa kanya habang patuloy ang pagtulo ng aking luha. “At alam mo kung ano ‘yung masakit? ‘Yun ‘yung nagparaya ako kahit na alam kong gusto na rin niya ko,” dagdag ko.

Patuloy rin sa pagtulo ang luha niya.

“Renesmee, hindi ko alam na naka-fixed marriage ako noon kaya sinalo ko siya. Walang nakapagsabi sa akin noon na naka-fixed marriage ako! At alam mo rin kung ano ‘yung masakit? ‘Yun ‘yung hinayaan niyo lang akong mahalin si Sol. At pagkatapos, ano? Mawawala rin pala siya sa akin.”

Tinitigan niya ako. “Ito ba ang gusto ng kakambal mo? Ang hayaan kaming mapamahal sa isa't isa at saka kami sisirain kung kelan mahal na mahal na namin ang isa't isa? Para ano? Para mas masakit?” galit na tanong niya.

I faked a smile. “At least naging masaya ka sa piling niya sa loob three years na ‘yon.”

Natawa siya. “Renesmee, akala mo ba…naging masaya kami? Sobrang lungkot, Renesmee. Ang lungkot at ang sakit.”

Napapikit ako at iniwas muli ang tingin ko sa kanya. “Kung alam ko lang, sana hindi ko na lang pinahiram sa’yo ‘yung taxi. Sana hinayaan ko na lang na nakipagtalo ka sa kanya noon. E di sana hindi tayo umabot ngayon sa ganito.”

“Akala mo ba kung ginawa mo iyon may magbabago pa ang lahat, Renesmee? Ganun pa rin. Kailangan ko pa rin siyang iwan. Alam mo kung bakit? Kasi kailangan. Kasi pambayad utang ako. Kasi ampon lang naman ako eh!”

Tiningnan ko siya. Hindi ko maintidihan ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko’y nasasaktan din ako para sa kanya. Nasasaktan din ako sa sitwasyon niya.

“Akala ko ‘pag winakasan ko na ang buhay ko, okay na. Wala na ‘kong poproblemahin. Pero alam mo, nung nakita ko silang lahat na nag-aalala sa’yo, nung nakita ko sila kung paano magpahalaga sa buhay mo…naisip kong hindi solusyon ang pagpapakamatay. Kasi nakakaawa ang mga taong nakapaligid sa akin. At iyon ang ayokong mangyari. Kahit ampon lang ako, minahal ko sila tulad ng isang tunay na pamilya. At ayoko silang saktan.”

Dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay ko.

“Renesmee, kinaiinggitan kita. Kasi maswerte ka, may pamilya ka. Maswerte ka dahil mahal na mahal ka ng pamilya mo. Maswerte ka kasi…kailanman, hindi ka maipapambayad utang.”

Natawa ako. “May pagkakaiba ba ‘yun? Eh ganun din ‘yun eh. Nadamay rin ako sa fixed marriage na ‘to. Ganun din. Hindi ako pwedeng maging masaya. Ganun din kasi…kasi hindi pwedeng maging kami.”

Habang iniisip ko iyon ay mas lalong kumawala ang luha sa mata ko. Ang sakit. Ang sakit isipin na hindi pwedeng kami. Ang sakit isipin na wala akong karapatang makasama ang taong mahal ko.

“Alam mo ba kung bakit galit na galit sa’yo si Sol noon?” biglang tanong niya.

Kaagad akong napatingin sa kanya dahil doon.

“Hindi siya galit sa’yo dahil naghiwalay kami. Galit siya sa’yo dahil hindi mo siya maalala. Galit siya sa’yo dahil pakiramdam niya’y inilayo mo ang taong nagmahal sa kanya nung panahong ipinagtabuyan mo siya.”

Natulala ako sa sinabi niya.

“Minahal niya ‘ko dahil may dahilan, Renesmee. Minahal niya ‘ko dahil pareho kami. Pareho kaming iniwan at lumaki sa ampunan. Minahal niya ‘ko dahil ako na lang ‘yung naiwan sa kanya. Ako na lang ang nanatili sa tabi niya. Pero alam mo nung muli kang bumalik? Mas lalo akong nainggit sa’yo. Alam mo kung bakit? Kasi minahal ka niya ng walang dahilan, hindi katulad ko.”

Ngumiti ako sa kanya. “Mali ka, Aliyah. Minahal niya ‘ko...dahil isa akong star.”

☆☆☆

Tahimik lang akong nag-iikot-ikot sa hardin ng palasyo habang nakabuntot sa akin ang sampung bodyguards ko. Nadagdagan ng tatlo ang dati ay pitong mga taga-bantay ko. Habang naglalakad-lakad ay napukaw ng swing na nasa gitna ng garden ang aking atensyon.

Napabuntong hininga ako bago ako lumapit sa swing. Isang araw pa lang ang nakalilipas simula nang lumabas ako sa hospital. Wala akong kinakausap kahit sino man sa pamilya ko. Kahit ilang beses nilang tangkaing kausapin ako, walang salita o anumang tugon na natanggap mula sa akin.

Napapikit ako nang may tumulo na namang luha mula sa mga mata ko. Katahimikan at luha lamang ang tanging makapaglalarawankung gaano kasakit at kung gaano kalalim ang sugat sa puso ko.

Napatingin ako sa bagay na hawak-hawak ko. Buong araw kahapon at hanggang ngayon, ito lang ang hawak-hawak ko. Ito lang ang tinititigan at pinagmamasdan ko. Pakiramdam ko, habang tinititigan ko ito, nakikita ko na rin siya. Pakiramdam ko ay nakakausap ko na rin siya. Pero tuwing naiisip ko siya, nararamdaman ko rin ang sakit. Pabalik-balik at pasakit nang pasakit.

Ang hirap pala talagang pigilan ang luha, ano? Kahit na pumikit ka, kakawala’t kakawala pa rin ang luhang pinipigilan mo. Parang sa tunay na nararamdaman din. Kahit ilang beses mong itago, kahit ilang beses mong itaboy, kahit ilang beses mong paniwalain ang sarili mo na okay ka, hindi mo pa rin maitatago ang tunay na nararamdaman mo, ang sakit sa puso mo.

“I think it belongs to you.”

Napatingin ako sa bagay na iniaabot sa akin ni Aliyah. ‘Yun angcouple phone na ibinigay ni Sol.

Umiwas ako ng tingin sa kanya. “Paano mo nakuha ‘yan?” tanong ko.

“I just found it,” mabilis na sagot niya.

Agad akong nakaramdam ng kirot sa aking dibdib. Muli ko na namang naalala ang huling pagkikita namin. Alam niya kayang nasa hospital ako?

Napapikit ako at pilit na nilakasan ang loob ko.

“Itapon mo na ‘yan. Tinapos ko na ang lahat sa’mi,” sagot ko.

Napabuntong hininga ako. Hindi ko mapigilang lumuha habangbinabasa ang mga text messages niya. Hanggang dito na nga lang siguro kami. Siguro nga, hindi talaga kami para sa isa’t isa. Maaaring kaya lamang kami muling pinagtagpo ay upang iparamdam ko sa kanya ang isang bagay na tinakasan, ipinagkait at kinatakutan ko noon—ang pagmamahal.

“Umiiyak ka na naman.”

Napatingin ako direksyon kung saan nanggaling ang boses na iyon at nakita ko si Liloree. Tinabihan niya ako at umupo rin siya sa swing. Kaagad kong pinunasan ang basang pisngi ko.

“Noong mga bata pa lang tayo, mahilig na tayong mag-swing. Nakakatawa nga kasi dahil sa sobrang higpit nila sa’tin, tumatakas pa tayo papunta sa ampunan para makipaglaro sa mga bata roon. Naalala mo pa ba?”

Tumayo ako para sana umalis pero pinigilan niya ko.

“Renesmee, listen. I dont want to hide it from you but—”

Hindi na niya naituloy pa ang kanyang sasabihin dahil sa lakas ng sampal na ibinigay ko sa kanya. Tumungo siya at muling humarap sa akin upang ipakita ang pilit niyang ngiti. Pinunasan niya ang dugong tumulo mula sa pumutok niyang labi.

“I was actually wishing for tha—”

Hindi na niya ulit naituloy pa ang sasabihin niya dahil sinampal ko ulit siya. Sarkastiko siyang tumawa bago siya tumingin sa akin. Nagulat na lang ako nang may sunod-sunod na luhang pumatak mula sa mga mata niya.

“Am I really that bad? For keeping everything from you because I freaking hate to see you miserable again?” nanghihinang tanong niya. “Yeah, I hid it from you. ‘Cause I’m afraid you’d hate me again.”

Natawa ako bago ako tumingala. Pilit kong pinipigilang kumawala ang nangingilid na luha sa sulok ng aking mga mata. Tinangka niya ‘kong hawakan pero itinulak ko ang kamay niya.

“Patawarin mo ‘ko kung naging selfish ako, Renesmee. Patawarin mo ‘ko kung mas ginusto kong ipagkasundo ka na lang din sa iba kesa mapunta ka pa kay Sol. Patawarin mo ‘ko kung napakasakim ko. Patawad.”

Dahan-dahan siyang lumuhod sa harapan ko.

“Patawarin mo ko kung ayoko sa taong mahal mo. Patawarin mo ko dahil…dahil nakita kong mas mahal siya ni Inay kesa sa atin kaya ayoko sa kanya. Patawarin mo ‘ko kung isa lang akong anak na naghahangad ng pagmamahal ng isang magulang. Kung ‘yung pagmamahal na hinahangad at hinahanap-hanap koay nakita kong ibinibigay nila sa batang ‘yun.”

Napapikit ako at inalala ang batang Sol na tuwang-tuwang tinuturuan ni Inay na mag-piano. Naalala kong si Inay pala ang tinutukoy ni Sol noon na nagturo sa kanyang mag-piano.

“Kaya ba hinangad mo na makatuluyan si Aliyah, Liloree? Kaya mo ba ipinilit na mapasayo siya? Para ba masaktan si Sol? Para magantihan mo siya? Kaya ba pati ako ay inilayo mo sa kanya? Kaya mo ba hinayaang ipagkasundo ako dahil ayaw mong maging masaya si Sol? Dahil ayaw mong maging masaya siya saki—.”

“Oo! Tama ka! Dahil sakim ako! Dahil galit na galit ako sa kany—.”

Natigilan siya nang sampalin ko ulit siya sa pangatlong pagkakataon.

“Liloree, ang sakit! Ang sakit-sakit!” Napahikbi na ako. “Ang sakit-sakit kasi akala ko mahal mo ‘ko. Pero nagkamali ako. Mas mahal mo pala ang sarili mo.”

Napahampas siya sa kanyang noo. “Oo, siguro ‘yan ‘yung tingin mo sa akin pero Renesmee, maniwala ka, handa ‘kong talikuran ang lahat para sa’yo. Handa kong itama ang lahat para sa’yo. Kasi mahal kita. Mahal na mahal kita.”

Pinunasan ko ang aking luha. “Liloree, palayain na natin sila. Ibalik na natin ang mga bagay na kinuha natin sa kanila.” Tinitigan kong mabuti ang kanyang mga mata. “Liloree, kalimutan na natin sila, please?”

Ginantihan niya ang mga titig ko. “Tigilan na natin ‘to. It's time to have a new life, Liloree. It's the right time to let go of the past. Hindi natin kailangan mabuhay sa nakaraan. Liloree, please?”

Muli na naman siyang umiyak. “Ang sakit. Pero alam kong tama ka. Siguro nga hindi ko kailangang sirain ang buhay nila para maging masaya.”

Ngumiti ako at pinunasan ang luha niya. “You can’t fix yourself by ruining somebody else’s life, Liloree,” saad ko bago ko siya niyakap.