noveltoon logo noveltoon
Let me be the One 3

Chapter 5

Ch. 5 / 10 Apr 09, 2022

Unti-unti kong naramdaman ang pananakit ng mga binti pati na rin ng aking mga braso. Napaungol na lang ako dahil sa sobrang sakit.

“Masakit ba?” tanong ng isang pamilyar na boses.

Agad akong napabangon mula sa aking pagkakahiga. “A-anong ginagawa ko rito?” bulalas ko.

Inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid. Hindi ko alam kung nasaan ako. Madilim subalit bahagya ko pa ring naaninag ang taong nakatayo sa harapan ko.

“Pinakidnap mo ako? Nasaan si Kyo?!” galit na tanong ko.

Ngumiti muna siya nang nakakainsulto bago lumapit sa akin. “Pinakidnap? Pwede na rin,” sagot niya.

“Walangya ka talaga!” sigaw ko. Tinangka kong tumayo para saktan siya subalit hindi ko nagawa dahil sa sobrang sakit ng katawan ko.

“Hindi ka makatayo? Aw! Hindi ka kasi nag-iingat eh,” saad niya. Lumapit siya lalo sa akin at tinapakan ang paa ko.

“Ugh!” Napasigaw ako sa sobrang sakit. “Hayop ka talaga, Paula! Ano bang kailangan mo?!” sigaw ko.

Mas lalo pa akong napasigaw ako nang lalo pa niyang diniinan ang pagtapak sa paa ko.

“Tama na!” sigaw ko.

“Masakit? Mas doble pa ang sakit na mararamdaman mo!” pananakot niya.

“Baliw ka na talaga. Pwede ba?! Tigilan mo na ko!”

Umupo siya sa harapan ko. “Sabi ko naman sayo di ba, hindi ako titigil hangga’t hindi ko nakukuha ang kaligayahan mo.”

Nang makakuha ako ng tyempo ay agad ko siyang hinila at pinagsasabunutan.

“Ouch! F*ck! Take this woman away from me! Ano ba?! Bilis! Aaaah!”

Naramdaman kong may humila sa akin palayo sa kanya at itinulak ako sa may pader dahilan para mapadapa ako.

“Ano, Renesmee? Masakit? Pero ang sabi nila, wala nang mas sasakit pa sa sugatang puso. Pwedeng patunayan mo? Masakit ba, Renesmee?” mapang-asar niyang tanong.

Hirap na hirap akong tumingin sa kanya. “Masakit? Why don't you ask yourself? Hindi ba forever alone ka? Anong feeling ng hindi ka mahal ng kakambal ko habang ikaw naman itong nagpapakadesperada sa kanya?” tanong ko. Halatang nainsulto siya sa sinabi ko.

“Bring her out!” bulalas niya.

Nagulat ako nang buksan ng isa sa kanyang mga tauhan ang isang sira-sirang pintuan.

“Let go of me!” sigaw ng babaeng bitbit ng mga tauhan ni Paula.

Agad na nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko kung sino siya.

“Anong…anong ginawa mo sa kanya?!” galit na sigaw ko.

“Wala pa sa ngayon. Pero nakadepende sayo ang gagawin ko sa kanya,” mabilis na sagot ni Paula.

“What?!” tanong ko.

Hindi na siya sumagot. Dinala ng kanyang mga tauhan si Aliyah sa tabi niya. Nakita kong naka-hospital gown pa ito at namumutla pa ang kanyang mukha. Halatang hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakaka-recover mula sa suicide attempt na ginawa niya.

“Baliw ka na talaga, Paula! Alam mong hindi pa siya nakaka-recover pero pati siya idinamay mo pa! Nababaliw ka na!” galit na galit na sigaw ko. Sa kabila nito ay wala pa rin akong magawa.

Ngumiti siya nang nakakainsulto. “Baliw? Oo! Siguro nga baliw na ‘ko! Nabaliw na ako sa inggit sayo!”

“What?!” tanong ko. Hindi ako makapaniwala sa aking narinig.

“Ikaw na lang parati ang bida! Ikaw na lang parati ang magaling, maganda, sikat, at mayaman! Ikaw na! Naiinis ako sa’yo. Alam mo kung bakit? Dahil nakukuha mo ang lahat ng gusto mo nang walang kahirap-hirap!”

Nginitian ko siya. “Parang sa pagkakaalala ko, ang kasalanan ko lang sa’yo eh binugbog kita. Pero bakit nadagdagan na yata?”

Mabilis na nag-iba ang mukha niya sa sagot ko. “Hawakan niyo siya!” utos niya sa kanyang mga tauhan.

Agad naman siyang sinunod ng mga ito. Dali-dali nila akong itinayo mula sa pagkakahiga sa sahig. Hirap na hirap ako habang pilit na tinitiis ang sakit ng binti ko. Ayokong ipakita sa kanila na nahihirapan at nasasaktan ako.

Lumapit sa akin si Paula at sinampal ako nang malakas. Kaagad kong naramdaman ang pagputok ng labi ko dahil sa sampal niyang iyon. Nalasahan ko ang sarili kong dugo.

“Sa kabila pa, para pantay,” mungkahi ko.

Agad din naman niya iyong sinunod. Wow! Napakamasunurin pala niya. Kahit na masakit ang pagkakasampal niya sa akin ay pinilit ko pa ring ngumiti sa kanya.

“Oh ano? Masaya ka na?” tanong ko.

“Yung totoo?” Sinabunutan niya ako at iniharap ng mabuti ang mukha ko sa kanya. “Hindi pa. Sa totoo lang, hindi pa ‘ko nag-uumpisa.”

“Ano ba talagang kailangan mo sa akin?” tanong ko. Napipikon na ako. Sawa na ‘ko sa kabaliwan niya.

“Di ba sinabi ko na sa’yo ‘yan? Gusto ko ang kaligayahan mo!”

“Nababaliw ka na talaga. Diretsuhin mo na ‘ko!”

“I hate you, b*tch! I curse you to hell! Si Liloree na nga lang ang nag-iisang pag-asa ko para maging isang Clarkson, para maging katulad mo, nawala pa!”

“What?!” hindi makapaniwalang tanong ko. Napatitig ako sa kanya bago unti-unting natawa. “Baliw ka na talaga! Gusto mong maging Clarkson, ha!? Akala mo masayang maging Clarkson? Sige! Magpalit na tayo ng buhay! Magpalit na tayo ng apelyido tutal sawa na rin naman ako sa hirap na dinaranas ko sa apelyidong dinadala ko!”

Tumawa siya nang mahina. “Sana ako na lang ‘yung naampon ng mga Gilbert. E di sana ako ‘yung naipagkasundo kay Liloree. Sana ako na lang!”

Natigilan ako sa sinabi niya at gulat ko siyang tiningnan. Ampon? Ampon si Aliyah?

“Well, sorry. Malas ka eh,” pang-aasar ko sa kanya upang itago ang pagkagulat ko.

Tinaasan niya ako ng kilay. “Malas? Ha!? Isa lang naman ang panira sa buhay ko eh. Kaya hindi ako sinuswerte ay dahil kay Aliyah. Papatayin ko siya para wala nang hadlang sa pagmamahalan namin ni Liloree.”

Bigla akong natawa nang marinig ko ang sinabi niya. “Pagmamahalan? Pinapatawa mo talaga ako. Hindi ka mahal ng kakambal ko. Mas gugustuhin ko pang pagtiyagaangmaging sister-in-law si Aliyah kesa ikaw ang makatuluyan ng kakambal ko!”

Agad niya akong sinampal matapos kong sabihin iyon. “Akala mo ba ay hindi ko alam na fixed marriage lang sila? ‘Wag mo ‘kong masyadong pinapatawa. Alam kong kaya lang siya nakipag-break sa akin ay dahil sa ayaw niya akong masaktan dahil naka-fixed marriage na siya kay Aliyah!”

“Hindi ko alam na ganyan pala kalawak ang imahinasyonmo,” saad ko.

Ngumiti siya nang nakakaloko. “So ilusyon lang pala ang ginawa mo?” tanong niya.

Unti-unti kong inalis ang ngiti sa labi ko. “Anong ibig mong sabihin?” mahinang tanong ko.

Muli siyang ngumiti nang nakakaloko at saka nag-cross arms. “You pushed him away, di ba?”

Agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya.

“Ano, Renesmee? Masakit ba?” nang-iinsultong tanong niya.

☆☆☆

“Don't push me away,” he cried.

“I am not pushing you away! I just dont want to be friends with you anymore,” I lied.

“But I like you. I like you so much,” he said desperately.

“Excuse me. I need to leave,” I said, but he held my hand.

“Kajima.” (Don't go/ Don't leave.)

I stopped and was shocked when suddenly, it rained.

“I was wrong. I don’t like you. I like somebody else,” I lied for the second time.

I looked at him and tried to hide everything I truly feel. It’s as if I don’t give a damn even if he’s hurting so much.

“I like Kyohei...” I lied for the third time. “I like him because he can protect me,” another lie. “When I told you that I like you, it was a mistake.” My soul’s gonna rot in hell for lying.

He let go of my hand. “Oh, I’m sorry then,” he said apologetically.

I closed my eyes as I was trying to stop myself from crying. But who cares? He wouldn’t see my tears anyway. Thanks to the rain.

“Nah, it’s okay. Boys really can’t help it. I’m kinda irresistible,” I said.

I opened my eyes and looked at him. It felt like my heart was being wrecked right at that moment.

“But I couldn’t stop myself from liking you. So I’m sorry if I might annoy you sometimes,” he answered.

“It’s okay.” I looked away. I felt a hollow lump in my throat after saying that.

He smiled bitterly. “Well, if you want, you can just forget about me. So you would not remember that you know this annoying guy who likes you so much.”

I turned my back at him and finally let my tears roll down on my cheeks.

“As you wish,” I said avoiding his gaze. And with that, I walked away from him.

☆☆☆

Sinabunutan ako ni Paula at iniharap ang mukha ko sa kanya.

“Ang itulak siya palayo, masakit di ba? Ang gamitin si Kyohei para saktan siya, masakit di ba? At ang kalimutan siya, masakit din ba?” tanong niya.

Iniiwas ko ang mukha ko sa kanya at nanatiling tikom ang aking bibig.

“Kinalimutan mo kaming lahat, Renesmee. Kinalimutan mo ang pagkakaibigan nating lahat. Dahil saan? Dahil takot kang magmahal? Dahil takot kang masaktan ang sarili mo? Dahil takot kang sumubok na iparamdam sa kanya na mahal mo siya?”

Hindi ko na naman napigilang umiyak. “This conversation is going nowhere,” saad ko habang patuloy sa pagtulo ang aking luha. Tama siya. Tama naman ang mga sinabi niya. Naging duwag ako.

“Kinalimutan mo siya at hindi ako makapaniwalang pati kami ay nalimot mo na rin.”

Ipinikit ko ang aking mga mata. Tama na, Paula.

“Pero dapat nga ay magpasalamat ka sa akin eh. Kung hindi dahil sa akin, hindi ulit kayo magkakalapit ni Sol. Hindi mo ulit makikilala ang mga taong minsang nabuhay sa kinalimutan mong nakaraan.”

Tiningnan ko siya ng puno ng pagtataka. “Anong ibig mong sabihin?”

He flipped her hair first bago siya maarteng sumagot. “Si Aliyah ang dahilan kaya nakipaghiwalay sa akin si Liloree. At ‘yun ang dahilan kung bakit gusto kong sirain ang buhay niya. ‘Yung picture na kumalat noon na akala ng lahat ay hahalikan mo si Sol, oo tama ka, ako ang may pakana noon. Pero instead na mapasa akin na ulit si Liloree, mas nagkaroon ng chance si Aliyah para iwan niyasi Sol. Ang galing niyong dalawa ‘no? Mautak kayo sa pang-iiwan!” kumento niya.

Napakagat ako ng mariin sa aking labi. Gusto ko pa sanang mag-react sa nalaman kong siya pala ang nagpakalat ng picture namin ni Sol pero hindi ko na nagawa pang magalit dahil nanghina ako sa huling sinabi niya. Ayoko mang maikumpara kay Aliyah pero tama siya. Parehas lang pala kami ni Aliyah na iiwan si Sol sa huli. Wala na akong ibang nagawa kundi ang umiyak.

“Biktima lang si Sol. I won’t push him away kung hindi kailangan. Hindi namin ginusto ni Aliyah na saktan siya!” pagkumbinsi ko sa aking sarili.

Natawa si Paula sa sinabi ko. “Wow. So ang swerte pala niya. May dalawang babaeng nagmamahal ng totoo sa kanya. Ang kaso nga lang, hindi parehong mapapasa kanya ang mga babaeng iyon. Ang saklap, ano?” tanong niya at saka tumawa ng napakasarkastiko.

Gusto kong kumawala at saktan siya pero wala akong magawa. Masyadong mahigpit ang pagkakahawak sa akin ng mga tauhan niya dahilan para mas lalo akong manghina. Nagulat ako nang may iniabot na kutsilyo sa kanya ang isa sa kanyang mga tauhan.

“Teka, anong gagawin mo?” kinakabahang tanong ko.

“Simple lang. Let's make a deal,” sagot niya at saka ngumiti na para bang nagtagumpay na siya.

“Baliw lang ang makikipag-deal sa baliw na katulad mo,” mabilis na sagot ko.

Namilipit ako sa sakit nang sabunutan niya ulit ako.

“Pilitin mo si Lilo na huwag pakasalan si Aliyah. Kumbinsihin mo siya, Renesmee. Dyan ka naman magaling di ba? Ang magpapaniwala?” wika niya.

Natawa ako nang mapang-insulto. “At bakit ko naman gagawin iyon? Para maging kayo? Ha!? Mas gugustuhin ko na lang na mamatay kaysa maging sister-in-la—.”

“Ugh!”

Natigilan ako sa pagsasalita nang marinig ko ang sigaw ni Aliyah. Nakita ko siyang nakadapa sa sahig habang namimilipit sa sakit.

“Sigurado ka na ba sa desisyon mo?” tanong ni Paula.

“A-Anong ginawa nila sa kanya?” kinakabahang tanong ko habang nakatingin ako kay Aliyah. “Sinipa mo ba siya?” hindi makapaniwalang tanong ko.

“So? Who cares? Mamamatay na rin naman siya di ba?” sagot ni Paula at saka siya lumapit kay Aliyah. Nakadapa siya sa sahig at namimilipit sa sakit habang nakahawak sa kanyang tiyan. “Are you ready to witness how I take away her innocent life?” tanong niya pagkalapit niya kay Aliyah. Nagulat ako nang itutok niya ang kutsilyo sa leeg ni Aliyah.

F*ck! Baliw na ba talaga siya?!

“You choose, Renesmee. Makikipag-deal ka sa akin o papatayin ko si Aliyah?” tanong niya.

Nakaramdam ako ng inis sa aking sarili dahil wala akong magawa. F*ck! Napakadaya. Bakit kailangan nilang gumamit ng ibang tao para mapasunod ako?

Iniiwas ko ang aking mukha. “Hindi ko naman buhay ang mawawala,” sagot ko. Pilit kong ipinapakita sa tono ng boses ko na wala akong pakialam kay Aliyah. F*ck. Ayokong ipakita sa kanila na kaya nila akong kontrolin dahil lang kay Aliyah.

Ngumiti ng napakalapad si Paula. “Fine,” sagot niya at saka idiniin ang dulo ng kutsilyo sa leeg ni Aliyah. “You ready?” tanong niya.

Umiwas ako ng tingin. F*ck it!

“Well I guess that's final.”

Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya. Handa na niyang laslasin ang leeg ni Aliyah nang sumigaw ako upang pigilan siya.

“Stop!” sigaw ko.

Tumingin siya sa akin at ngumiti ng ubod nang lapad.

“Oh, did I hear it correctly? That’s your own way of saying deal, right? You just agreed to have a deal with me,” sarkastikong sabi niya.

Huminga ako ng malalim. “No!” sagot ko at saka tumingin ng diretso sa mga mata niya. “Ako na lang ang patayin mo.” Halata ang pagkagulat sa mukha nila dahil sa sinabi ko. “Ako na lang ang patayin mo para matapos na lahat ng kabaliwang ‘to,” ulit ko pa.

Matagal niya ‘kong tinitigan at pagkatapos ay tumawa ulit siya ng malakas.

“Tingin mo hahayaan kong mangyari ‘yan? Bubuhayin kita para mamatay ka sa sakit sa dibdib at konsensiyang dadalhin mo sa buong buhay mo. Gusto kong makita kung paano ka magdusa!”

Tinitigan ko siyang maigi. “Just f*cking kill me, Paula. Wala kang mapapala sa akin.”

“Fine,” inis na sagot niya. “Mapilit ka eh.”

Daha-dahan siyang lumapit sa akin habang bitbit ang kutsilyo. Ipinikit ko ang mga mata ko at inihanda ang sarili ko sa sakit na aking mararamdaman.

“Hindi ko alam na marunong ka palang magpanggap na bayani,” kumento ni Paula. Laking gulat ko nang maramdaman ang pagtusok ng kutsilyo sa kamay ko.

“Uuugggghhh!” naiiyak na ungol ko.

Gusto kong alisin ang kutsilyong nakabaonsa kamay ko subalit hindi ko magawa dahil sa mga nakahawak sa akin.

“Masakit? ‘Wag kang mag-alala, unti-unti lang kitang sasaktan,” wika niya bago muling hinugot ang kutsilyo dahilan para mapaungol akong muli sa sakit.

Napayuko na lamang ako upang ikubli ang epekto sa akin ng ginagawa niya. Hinding-hindi ko ibibigay sa kanya ang satisfaction na makita akong nahihirapan at nasasaktan.

“Wag kang mag-alala. Handa akong masaktan. Ugggh!”

“Oooopss.” Tumawa siya.

Sinaksak niya ang braso ko. Ramdam na ramdam ko ang sakit na dulot nito. No, hindi ko dapat ipakita sa kanya na nasasaktan ako. Unti-unti kong iminulat ang aking mata at pinilit na ngumiti sa kanya.

“‘Yun na ‘yun?” pang-aasar ko sa kanya.

Ngumiti siya nang mapakla at saka hinugot ang kutsilyong ibinaon niya sa braso ko. Ang sakit. Pakiramdam ko'y mamamatay na ‘ko sa sakit.

“Bakit hindi mo pa ‘ko patayin agad? Nang di ka na mapagod. Dito oh, sa dibdib ko,” suhesyon ko.

Ngumiti siya nang mapang-asar. “Well…as you wish,” sagot niya.

Ipinikit ko ang aking mga mata at inihanda ang sarili sa hangganan ng lahat. Ganito na lang pala magtatapos ang lahat. Unti-unting bumalik sa aking alaala ang masayang larawan ng pamilya namin. Ako, si Liloree, si Inay at si Itay. Masaya kami habang sabay-sabay na kumakain ng ice cream. Ice cream. Hindi ko na pala muling matitikman pa ang masarap na dessert na iyon.

Ilang sandal pa’y mukha naman ni Sol ang nakita ko. Nasabi ko naman sa kanyang mahal na mahal ko siya, di ba? Buti na lang pala’t nakalimot ako. Kung hindi, magkakaroon pa kaya ako ng chance para maipadama ko sa kanyang mahal na mahal ko siya?

Naramdaman ko ang mainit at malapot likidong umaagos sa pisngi ko. Ito na ba ang wakas? Unti-unti kong naramdaman ang sakit sa dibdib ko. Naramdaman ko rin ang dahan-dahang pagbagsak ko sa sahig. Kasabay ng pagbagsak ko ay ang pagbagsak din ng kutsilyong hawak ni Paula.

“Itaas niyo ang inyong mga kamay!” Isang malakas na sigaw iyon na hindi ko alam kung kanino nanggaling.

Rinig na rinig ko ang malakas na yabag ng mga paang paparating. Kasunod noon, naramdaman kong may pilit na gumigising sa akin. Patuloy ang mga ito sa paggising sa akin subalit hindi ko naman magawang ikilos ang aking katawan.

“Renesmee! Renesmee!”

Hindi ko makita ang mga mukha nila. Nagsimula nang manlabo ang paningin ko. Dahan-dahan kong ipinikit ang mga mata ko. Pagod na ako.

“Renesmee, please! Don’t leave us! Stay with us!”