noveltoon logo noveltoon
Let me be the One 3

Special Chapter

Ch. 10 / 10 Apr 09, 2022
Prev Next

“Again?!” sigaw ni Sol matapos ko siyang utusang uliting sayawin ang ‘Gentleman’ na pinauso ni Psy. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya at hindi nagpapakita ng kahit anong reaksyon.

“But I’ve been doing this for eighty-nine times now,” reklamo niya habang napapakamot sa ulo.

Nanatili akong naka-cross arms habang nakatingin lang sa kanya. Nakahiga ako sa kama habang nakasandal sa mga unan.

“Fine…I'm doing it,” saad niya.

Pinatugtog kong muli ang ‘Gentleman’ sa iPhone ko.

I-I-I-I I'm a, I-I-I-I I'm a~ I-I-I-I I'm a, mother father gentleman~

Kasabay ng tugtog, sinimulan na niyang gumiling. Agad kong tinakpan ang mukha ko gamit ang isang unan. Pilit kong pinipigilan ang sarili ko sa pagtawa. Sobra ang panggigil ko sa kanya. Gusto ko siyang kurutin ng nailcutter sa sobrang panggigigil ko.

“Yah! You're not even watching!” reklamo niya.

Pilit kong pinigilang matawa bago ko inalis ang unan mula sa mukha ko. Umasta akong galit at seryoso habang pinanunuod siya. Naka-boxer lang siya at naka-necktie pero wala siyang suot na pang-itaas. Mukha siyang katawa-tawa. Kahit na buong araw na namin itong ginagawa, hindi pa rin ako nagsasawa. Napaka-sexy ng asawa ko.

“Enough,” saad ko. “Labas na. Matutulog na ‘ko,” utos ko bago humiga sa kama.

“Yah!” sigaw niya.

Bumangon ako at tiningnan siya nang masama. “Bakit? May angal ka?”

Napakamot siya sa kanyang ulo. “Sabi ko nga sa labas na naman ako matutulog eh,” aniya at saka lumabas.

☆☆☆

“Nagugutom ako,” saad ko at saka umupo sa sahig na malapit sa sofa kung saan nakahiga si Sol.

Iminulat niya ang isa niyang mata at kinuha ang kanyang cellphone upang tingnan ang oras. “But it's already two o'clock in the morning,” reklamo niya.

Ngumuso ako at hinampas siya. “So anong balak mo? Gugutumin mo ang baby natin?!” sigaw ko.

Awtomakito siyang napabangon at napakamot sa ulo. “Alright,” mahinang sabi niya at saka tumayo.

“Saan ka pupunta?” tanong ko.

“Sa kusina.”

“Ayoko ng luto mo! Gusto ko ng mangga at ice cream!”

Agad nanlaki ang mga mata niya. “Saan naman ako makakahanap ng ice cream at mangga sa ganitong oras? Bakit kasi inubos mo ‘yung reserba ko dyan?”

Agad akong naiyak. “Inaaway mo ‘ko? Ayoko na sa’yo!”

Napahawak siya sa kanyang batok. “May topak ka na naman! Pa-kiss nga!” sigaw niya. Umupo rin siya sa sahig at niyakap ako.

Patuloy ako sa pag-iyak habang yakap-yakap niya ‘ko. “Akala..ko..ba..iki-kiss..mo..ko?” tanong ko habang umiiyak.

“Aish. Gusto mo lang yatang magpa-kiss eh,” aniya at agad hinawakan ang magkabilang pisngi ko at iniharap ang mukha ko sa kanya. “Napakatopakin mo na Momo Alien ko ha. Pero kahit na topakin ka, love na love ka pa rin ni Dada Pandak mo,” saad niya.

Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa akin. Unti-unti akong pumikit at kasabay ng pagpikit ko ay ang paglapat ng malambot at mainit niyang labi sa labi ko.

☆☆☆

Pagmulat ko ng aking mga mata ay nasa loob na ako ng kwarto namin ni Sol. Tiningnan ko ang higaan subalit walang bakas na katabi ko siyang natulog. Nagulat ako nang bigla na lang tumunog ang iPhone ko dahil may tumatawag.

“Dada, nasaan ka?” bungad ko.

“Sorry Momo. Kasi naman biglang tumawag si Manager eh. May shooting daw kami ngayon,” mabilis na sagot niya.

Agad akong napanguso. “Pero prenatal checkup ko ngayon, di ba?”

Narinig kong napabuntong hininga siya. “I’m sorry,” bulong niya.

Napabuntong hininga na rin ako. “Naiintindihan ko. Sige na Dada, masamang gumamit ng cellphone habang nagda-drive. I'm hanging up…” Ibaba ko na sana ang phone ko pero agad niya akong pinigilan.

“Wait lang,” pigil niya. “Yung request mo kaninang madaling araw, meron na sa fridge. Lumabas ako kaninang five para bilhin ‘yan,” aniya.

Agad kong naramdaman ang pagtalon ng puso ko dahil sa excitement. Tumayo kaagad ako para puntahan ang mangga at ice cream ko pero natigilan ako nang muli siyang nagsalita.

“Hep hep! ‘Wag kang tatakbo. ‘Pag ikaw nadulas, kawawa ang baby natin. Maglakad ka lang, okay? Sige na. Nandito na ko. I love you, asawa ko.”

Sasagot pa sana ako pero in-end na niya ang call. Napanguso ako habang tinitingnan ang iPhone ko. “I hate you, Pandak! Tch!”

Tulad ng bilin niya, mabagal akong naglakad papunta sa kusina. Agad akong dumiretso sa fridge at bumungad sa akin ang nabalatan at na-slice nang hilaw na mangga. Inilabas ko ito kasama ng ice cream. Pumunta ako sa sala at umupo sa sofa. Ginawa kong sawsawan ang ice cream ng manggang hilaw. Hmmmm! Sarap! Pinaghalong matamis at maasim.

Binuksan ko ang T.V. at bumungad sa akin ang commercial ni Aliyah. Mabilis kong inilipat ang channel. Mahirap na, baka maging kamukha pa siya ng baby ko! Hindi pwede iyon dahil baka maibalibag ko pa ang baby namin. Tch!

Napantingin ako sa wedding ring na suot-suot ko. First anniversary na pala ng kasal namin ni Pandak bukas pero parang hindi niya iyon nababanggit o naaalala man lang. Ang bilis ng panahon. Hindi ako makapaniwalang mag-iisang taon na kaming nagsasama. Ineregalo sa amin ni inay at itay ang bahay na siyang tinitirhan naming ngayon. Isa iyong bahay na katabi ng dagat.

Kung tutuusin, parang bahay bakasyunan ang lokasyon ng bahay naming. Minabuti na rin namin ni Sol na dito na lang tumira para na rin malayo kami sa syudad at sa media. Gusto kong magkaroon kami ng privacy lalo na't buntis ako ngayon.

Ayaw kong ma-stress. Away ko ring maisapubliko ang secret wedding naming dalawa. Walang nakakaalam na kasal na kaming dalawa bukod sa mga kaibigan at pamilya namin. Desisyon na rin ni Sol na isikreto muna ang tungkol doon dahil na rin sa dami ng death threats na natatanggap ko. Nais niya akong protektahan laban sa mga isyung maaaring ipukol sa akin ng publiko.

Napahawak ako sa aking tiyan. Magliliimang buwan na akong buntis at mamaya ko na malalaman kung ano ang kasarian ng baby namin ni Sol. Sayang nga dahil hindi ko siya makakasama.

Agad kong kinuha ang iPhone ko at dinial ang number ng Mean Girls. Sabay-sabay nilang sinagot ang tawag ko.

“Oh Renpots! Napatawag ka? Manganganak ka na ba?” tanong ni Khrystal.

“G@ga! Ta’mong five months pa lang baby niya manganganak na agad?” kontra naman ni M.

“Sabihin mo na kasi kung saan ‘yang bahay niyo para mabisita ka naman namin. Miss na miss ka na namin!” dagdag naman ni Ericka.

Walang nakakaalam kung saan kami nakatira ni Sol maliban na lang sa mga magulang ko. Ayaw kasi naming ipaalam kahit kanino para na rin iwas kami sa magulong mundo ng showbiz. Kahit mga kaibigan ko ay hindi alam ang bahay namin dahil paniguradong ibebenta nila ang address namin sa media. Nangako lang ako sa kanilang ipapaalam ko kung saan ako nakatira kapag manganganak na ‘ko.

“Samahan niyo naman ako sa hospital mamaya. May prenatal checkup ako. May trabaho kasi si Pandak eh,” hiling ko sa kanila.

“Ayyy patay..” sabay-sabay na sagot nila. “May taping din kasi kami mamaya, Renpots eh. Sorry...”

Napanguso ako. “Ganun ba? Sayang naman. Oh sige sige…salamat,” sambit ko at ibinaba na ang tawag.

Napabuntong hininga ako. Sino bang pwedeng isama papunta sa ospital? Hindi ko kayang pumuntang mag-isa dahil baka may makakita sa akin at dumugin ako ng media at pati ng mga haters.

“Okay, I got no choice,” saad ko sabay dial ng number ni Kyo. “Sana mag-ring,” bulong ko.

Wala na ‘kong balita kay Kyo simula nang maging kami ulit ni Sol. Bigla na lang siyang nawalang parang bula. In-invite ko siya sa kasal namin pero hindi siya nagpunta. Matagal ko nang sinusubukang tawagan ang number niya pero parati ko iyong hindi matawagan.

Pero sa pagkakataong ito, laking gulat ko nang biglang nag-ring ang cellphone niya. At mas lalo akong nagulat nang sagutin niya ang tawag ko.

“Renesmee?” bungad niya.

“Kyo!” sigaw ko. “Kumusta ka na?” masayang bati ko.

Hindi ko alam ang naramdaman ko nang marinig kong muli ang boses niya. Sobrang na-miss ko siya. Matagal na rin kasi simula nang huling beses ko siyang nakausap at nakasama.

“Ito okay lang naman. Hehe. Bakit ka pala napatawag? Miss na miss na kita ah,” sagot niya.

“Ako rin, na-miss kita,” sambit ko.

“Ang sarap naman nun!” mabilis na sagot niya. Natawa naman ako nang mahina. “Oh, bakit ka nga pala ulit napatawag?” tanong muli niya.

“Ano kasi…pwede mo ba akong samahan?” Naiilang man ako’y wala na talaga akong choice kundi sa kanya na lamang magpasama.

“Samahan? Sure! Saan ba ‘yan?” masiglang sagot niya.

“Sa hospital naming. Magpapa-prenatal checkup kasi ako,” nag-aalangangsagot ko.

“B-Buntis ka?” Halatang nagulat siya sa kanyang narinig.

Napabuntong hininga ako. “Oo,” sagot ko.

Bigla siyang natahimik.“A-ah…pasensya ka na. May gagawin kasi ako eh,” sagot niya. Bigla akong nalungkot sa sagot niya.

“Ganun ba? Oh sige…salamat na lang,” sambit ko at tuluyan ko nang ibinaba ang tawag.

Napabuntong hininga ako at napahawak sa aking tiyan. “Paano ba ‘yan baby, walang kasama si Momo. Si Dada kasi, may pinuntahan eh. Haaayyy…”

Tatayo na sana ako subalit muntik na kong mapatalon sa gulat nang mag-ring ang iPhone ko. Pagtingin ko sa screen, nakit kong si Kyo ang tumatawag.

“Kyo?” bungad ko.

“Sasamahan na lang pala kita. Hindi naman importante ‘yung pupuntahan ko eh. Saan ka ba nakatira ngayon? Gusto mo sunduin na kita?” tanong niya.

Matagal akong nag-isip kung dapat ko bang sabihin ang address ng bahay namin ni Sol kay Kyo. Sa huli, nagpasya na rin akong sabihin iyon sa kanya.

☆☆☆

“Mrs. Bae?” tanong ng nurse.

Agad kong itinaas ang kamay ko. “Ako iyon,” sagot ko.

“Pwede na po kayong pumasok sa loob,” aniya.

Tiningnan ko si Kyo subalit umiwas siya nang tingin sa akin. “Hindi ako sanay…hindi ako sanay na buntis ka at Misis ka na.”

Ngumiti ako sa kanya. “Tara na, samahan mo ko sa loob,” aya ko sa kanya.

Sa mga taong malalapit sa amin, si Kyo pa lang ang tanging nakakakita sa akin simula nang ikasal ako.Bukod kasi sa hindi alam ng Mean Girls at Four Kings kung saan kami nakatira, hindi rin ako lumalabas ng bahay dahil nga baka may makakita sa akin.

Parati kaming naka-disguise ni Sol para hindi kami makilala tuwing lumuluwas kami sa Manila para sa prenatal checkup ko. Tiwala naman kami sa OB ko dahil isa siya sa mga doktor na nagtatrabaho sa ospital na pagmamay-ari ng pamilya ko.

“Hindi niyo po kasama si Mr. Sol?” tanong ng doctor.

Umiling ako. “May trabaho ang asawa ko,” sagot ko.

Agad akong napatingin kay Kyo nang bigla siyang masamid. Agad niyang itinaas ang magkabila niyang kamay. “I told you, I'm still not used to it,” saad niya.

Ngumuso ako sa kanya. Sabagay, kahit ako ay hindi pa rin makapaniwala na may asawa na ako at malapit na akong maging ina dahil twenty-one years old pa lang ako. Kung tutuusin, mukhang teenager pa nga lamang ako. Humiga ako sa hospital bed at itinaas ng doktor ang damit ko dahilan para i-expose ang aking tiyan. Ayon sa doctor, medyo malaki ang tiyan ko para sa limang buwan na pagbubuntis.

“Malalaman natin ngayon kung anong gender ng baby mo. Sayang wala ang asawa mo,” saad ng doctor habang nilalagyan ng gel ang tiyan ko. Napatingin ako kay Kyo. Nakatalikod siya sa amin dahil na rin siguro naiilang siya sa kanyang nakikita.

“Hmm..” Napatingin ako sa doctor. “Mukhang ikatutuwa niyo ito Mrs. Bae,” aniya.

Tumingin ako sa monitor. “Nakikita mo ba ito?” tanong niya habang nakaturo sa pagitan ng mga hita ng baby namin ni Sol. “Opo,” sagot ko.

“Ano sa tingin mo?” nakangiting tanong niya.

“Lalake po.”

Tumango siya. “Tama..pero meron pa,” dagdag niya.

“P-po?” naguguluhang tanong ko.

“Nakikita mo ang isang ito?”

Napatakip ako sa aking bibig. “Omo. Kambal po?” tuwang-tuwa kong tanong.

Nakangiting tumango ang doktor. “Yes, and usually mahirap malaman ang gender ng isa pang baby sa kambal pero sa case mo, makikita mo rito na lalaki sila pareho.”

“Oh my gosh!” sambit ko habang nakangiti. “Kambal na lalaki po? Gosh!” Hindi ko mai-explain ang saying nararamdaman ko. Sobrang saya ko.

☆☆☆

“So, kumusta naman ang trato sayo ng ‘asawa’ mo?” tanong ni Kyo at talagang diniinan niya ang pagkakasabi sa salitang 'asawa'.

“Mabuti naman. Araw-araw niyang ipinararamdam sa akin na mahalaga ako sa kanya. Hindi rin siya nagsasawa sa katopakan ko,” sagot ko bago kumagat sa manggang may ice cream na binili niya para sa akin.

Halata sa itsura niya ang pandidiri sa kinakain ko. “Ano bang lasa nyan?” tanong niya.

“Masarap syempre!” sagot ko.

Napailing siya. “Ibang klase! Nakakadiri kang maglihi,” aniya habang tumatawa.

Tiningnan ko siya nang masama kung kaya't agad rin siyang tumigil sa pagtawa. Nasa pampublikong lugar kami pero hindi ako napapansin ng mga tao dahil sa ayos ko.

“Dapat sinamahan ka ng taeng ‘yun eh. Edi sana sobrang saya niya. Ako nga masaya para sa inyo eh, siya pa kaya na tatay? Teka…siya ba talaga ang tatay ng kambal mo? Baka naman ako?” tanong niya.

Muntik ko nang maibuga ang manggang kinakain ko.

“G@go ka talaga!” saad ko.

Natawa siya nang malakas at saka kinurot ang magkabila kong pisngi. “Sabi sa’yo bagay ang mataba sa’yo eh. Kahit na malaki na ang tiyan mo, bagay pa rin sa’yo. Ang ganda mo pa rin. Ang ganda mong buntis.” Sandali akong natulala sa mukha niya bago tuluyang iniiwas ang mukha ko sa kanya.

“Ikaw talaga, Kyo. Kapag ‘yan narinig ng ‘asawa’ ko, lagot ka,” sagot ko. Binigyang diin ko talaga ang salitang ‘asawa’.

“Hindi pa rin talaga nagsi-sink in sa utak ko na Bae na ang apelyido mo at magkakaanak na kayo. Parang kailan lang ako ang nagparaya ah,” reklamo niya bago siya napakamot sa kanyang ulo.

Natawa ako. Parang wala nang halong sakit ang pagpaparinig ni Kyo hindi tulad nang dati.

“Ikaw ba, Kyo, naka-move on ka na ba?” Nakakailang man ay itinanong ko pa rin iyon.

“Hmmm..” Ngumiti siya. “Sabihin na nating mahal pa rin kita…pero ‘di na tulad nang dati,” sagot niya.

“Ah…wala ka bang balak manligaw sa iba?” tanong ko.

“Manligaw? Di ko na kailangan gawin ‘yun. Madami nanliligaw sa akin,” mayabang na sagot niya.

Tiningnan ko siya nang masama.

“Haha! Joke! May dine-date ako ngayon. Si Mimi Bernal. Halos magkasing ugali lang din kayo. ‘Yun nga lang, mas maganda siya. Haha!” dagdag niya.

“Hoy! Sino ‘yang babaeng ‘yan?! Ipakilala mo sa akin ‘yan ah!” sigaw ko.

Biglang nag-vibrate ang iPhone ko. Nakita kong si Dada pala ang nag-text.

'Momo Alien, ‘wag ka manunuod ng T.V. ha? Magpahinga ka na lang dyan sa bahay. Uuwi na po ang hubby mo after ng work.'

Agad akong napangiti. Kahit na matagal na kaming nagsasama, kinikilig pa rin ako kahit sa simpleng text lang niya.

“Wow ha! Isang text lang niya napapangiti ka na,” pang-aasar ni Kyo

Tumingin ako sa kanya. Sasagutin ko sana ang sinabi niya subalit natigilan ako nang makita ko si Sol sa T.V. ng resto kung nasaan kami. Lahat ng tao sa resto ay sa T.V. nakatuon ang atensyon. Agad na kumunot ang nuo ko nang makita ko si Aliyah sa tabi niya. Nasa The Duzz sila at halatang may interview

.

“Bakit hindi ko yata alam na may interview siya ngayon?” bulong ko.

Biglang tumayo si Kyo. “Alam mo, mabuti pa ihatid na kita sa inyo,” aniya at saka lumapit sa akin.

“No, mamaya na. Panunuorin ko muna ito sandal,” pagtutol ko at saka ako ngumiti sa kanya.

Hindi naman na ako nagseselos pa kay Aliyah dahil alam ko namang malabo na niyang maagaw pa sa akin si Sol. Pero minsan talaga, hindi ko maiwasang mag-selos dahil na rin sa tagal ng kanilang pinagsamahan.

Kinuha ni Kyo ang upuan niya at itinabi iyon sa akin para sabayan ako sa panunuod.

“Alam nating lahat na may maganda kayong nakaraan noong araw. Anong naramdaman niyo habang ginagawa ang music video ng Let Me be the One? Hindi ba kayo nagkailangan?” tanong ni Poy Abunda sa kanila.

Music video? Bakit parang wala naman yatang nabanggit sa akin si Sol na tungkol doon?

“Well actually, nung una medyo awkward 'cause we all know matagal bago kami nagkatrabaho ulit after our breakup. But then, dahil nga may pinagsamahan kami at kabisado na namin ang isa't isa, hindi na kami nahirapan pa,” sagot ni Aliyah.

Pinagsamahan? Well, baka naman ayaw lang akong ma-stress ni Sol kaya hindi niya nabanggit sa akin na may gagawin silang music video ni Aliyah? Siguro nga, hindi dapat ako magselos.

“Anong naramdaman niyo nang malaman niyong may kissing scene sa music video?” tanong ulit ni Poy.

“K-kissing scene?” hindi makapaniwalang tanong ko.

“Renesmee, mabuti pang umalis na tayo,” pag-aaya ni Kyo.

“Sandali lang,” nanghihinang sambit ko. Pakiramdam ko'y binuhusan ako ng malamig na tubig. Biglang naninikip ang dibdib ko.

“Renesmee, namumutla ka na! Umuwi na tayo!” pagpupumilit ni Kyo.

Hindi ko siya pinansin at nanatili ang aking atensyon sa panunuod ng T.V. Naghiyawaan ang mga audience ng The Duzz. Halatang kinikilig sila para kay Sol at Aliyah. Nagtinginan si Sol at Aliyah at saka parehong natawa. Mas lalong naghiyawan ang mga audience. Maging ang mga tao sa resto ay naghihiyawan rin.

“Renesmee..”

“Sandali lang, Kyo..” pakiusap ko sa kanya.

“Sa tingin niyo, may pag-asa pa bang magkabalikan kayong dalawa?” tanong ni Poy.

Agad na bumilis ang tibok ng puso ko.

“Kyo…hindi ko na kaya,” mahinang sambit ko.

“T@ngina kasi ng asawa mo eh ‘no?” inis na saad ni Kyo bago ako tinulungang tumayo. “Tara na!” saad niya at dali-dali akong hinila palabas.

Tahimik lang akong nakasunod sa kanya habang naglalakad kami sa daan.

“Ano? Iiyak ka na naman dyan tapos ako na naman ang magpapatahan sa’yo? Kasal na kayo.. Hindi ka na dapat makaramdam ng ganyan. At isa pa, magkakababy na kayo. Hindi ka naman siguro lolokohin ng asawa mo, di ba?”

Hindi ako umimik at nanatili lang nakasunod sa kanya. Huminto siya sa paglalakad at humarap sa akin.

“Alam kong buntis ka at normal lang na maging emotional ka. Pero ‘wag kang magpapaapekto dun. Parte iyon ng showbiz. Dapat alam mo ‘yan dahil artista ka,” paliwanag niya.

Huminto ako sa paglalakad at tumingin sa kanya.

“Gusto ko nang umuwi,” saad ko.

☆☆☆

“Hi, Momo! I missed you,” bati ni Sol at saka ako hinalikan sa labi.

Iniwasan ko iyon. “Buti nakakaya mo akong halikan matapos mong halikan si Aliyah.”

Halata sa ekspresyon ng kanyang mukha na nagulat siya. Agad niyang nabitiwan ang bulaklak at isang gallon na ice cream na dala niya. Binuksan ko ang T.V. na ikinunekta ko sa laptop para mas malaki ang screen kung saan ko ipe-play ang music video na ginawa nila.

Hindi niya iyon naiwasang tingnan at panuorin. Dahil dito ay napayuko na lamang siya. Makalipas ang ilang sandali, laking gulat ko nang bigla na lamang siyang lumuhod sa aking harapan. Nang makita ko siya sa ganoong posisyon ay kusa na lang tumulo ang luha ko.

“Masakit,” sambit ko pero nanatili siyang walang imik.

Tatayo sana ako para umalis pero agad siyang yumuko sa lap ko at doon umiyak.

“Sorry, Momo, kung hindi ko sinabi. Ayokong masaktan at ma-disappoint ka,” paliwanag niya. “Nakiusap kami ni Aliyah na ‘wag iyong ituloy dahil nga alam kong masasaktan ka at ayoko ring maka-apekto ‘yun sa baby natin. Kaso kapag hindi ko raw ginawa iyon, idedemanda nila ako at ipakukulong..”

Nagulat ako sa aking narinig.

“Ayoko namang mawala ako sa tabi mo habang buntis ka dahil sigurado akong made-depress ka. At ayokong isipin ng magiging baby natin paglaki niya na naging kriminal ang Dada niya.”

Patuloy lang sa pagtulo ang luha ko.Hindi ko alam na ganito pala ang dahilan niya. Masyado akong nagpadala sa emosyon ko.

“Please, Momo ko, ‘wag ka nang magalit sa akin. Saka ‘yung kiss na iyon? Hindi naman totoo iyon, hindi ko ginawa iyon. In-edit lang nila ‘yon.”

Napabuntong hininga ako dahil sa aking narining. Hinalikan ko ang batok niya dahil nakayuko siya sa lap ko. Iniangat niya ang ulo niya upang tingnan ako.

“Patawarin mo ko kung hindi ko agad sinabi sa’yo. Gusto ko na lang kasing palipasin iyon. Ayokong makaapekto iyon sa’yo. Patawarin mo ‘ko Momo Alien ko,” pikiusap niya.

Pinunasan ko ang luha niya sa pisngi at saka ko siya hinalikan sa labi.

“Ako lang ang pwedeng humalik dyan ha,” saad ko.

Nagulat ako nang bigla niya kong hilahin pahiga sa sahig at bigla na lang siya napunta sa ibabaw ko.

“I am all yours,” aniya at saka itinaas nang bahagya ang damit ko. Hinalikan niya ang tiyan ko.

“Hello, baby. Ang tagal mo namang lumabas. Excited na si Dada,” sabi niya.

Nabigla ako nang may gumalaw sa tiyan ko.

“Oh my gosh. Gumalaw sila Dada!” sigaw ko.

“Sila?” Gulat na tanong niya.

Tumango ako. “Dalawa sila, Dada. Kambal sila. At pareho silang lalaki!”

Agad nanlaki ang mga mata niya. “What? Really?!” hindi makapaniwalang tanong niya. Tumango ulit ako kasabay ng malapad kong ngiti.

“I can't explain how happy I am right now,” bulalas niya at saka tumawa. “God…I'm so happy!”

Napangiti ako. Hinalikan niya ulit ang tiyan ko. “Hello babies! Four more months, makakasama na namin kayo ni Momo. ‘Wag kayong magmamana sa Momo niyong baliw ha?”

“Hoy ano ka! Mga baby ko, ‘wag niyong mamanahin ang kaliitan ng Dada niyo ha! Tsaka ‘wag niyo ring mamanahin ang kalandian niya!”

“Yah!” sigaw niya.

“Oh bakit, hindi ba?” tanong ko.

“Pano ako naging malandi eh sa iisang tao lang naman ako baliw na baliw. Kay Mrs. Renesmee Marie Alcantara Clarkson-Bae lang!”

Napangiti ako.

“I love you, Momo Alien ko,” aniya.

“I love you too, Dada Pandak.”

“Wait, you missed something,” saad niya at dali-daling lumapit sa laptop. “Did you watch the whole interview?” tanong niya.

Nagtataka akong umiling.

“Tch!” Iniharap niya sa akin ang laptop at may video siyang ipinapanuod sa akin mula sa Youtube.

“Sa tingin niyo, may pag-asa pa bang magkabalikan kayong dalawa?” tanong ni Poy.

Iyon ‘yung interview kanina. Nagkatinginan silang dalawa ni Aliyah at bahagyang nawala ang kanilang mga ngiti. Tumingin nang seryoso si Sol kay Poy.

“Actually..” aniya at saka itinaas ang kanyang kamay kung saan nakasuot ang wedding ring namin. Agad buntong hininga ang audience pati na rin si Poy.

“I'm married,” saad ni Sol.

“With whom?!” hindi makapaniwalang tanong ni Poy.

“With Renesmee,” nakangiting sagot ni Sol.

Napa-gasp muli ang audience at maging si Poy. Samantala, nakangiti naman si Aliyah habang nakayuko.

“When?” tanong ulit ni Poy.

“Last year, June 18,” nakangiting sagot niya.

“So it's your—”

“Yes, tomorrow is our 1st anniversary.” Hindi pa man nasasabi ni Poy ang kanyang sasabihin, agad nang sumagot si Sol. Muling ibinalik kay Sol ang camera. “Hi, Momo! Happy Anniversary para bukas! If ever you're watching, I love you so much! Uuwi rin ako kaagad after this,” saad niya.

Napangiti ako. Dapat pala ay tinapos ko ang buong interview niya kanina.

“Alam ba ni Renesmee ang tungkol sa music video na ito?” tanong muli ni Poy.

“Actually..” panimula ni Aliyah. “She's part of this Music Video too. This video is inspired by our love story, the three of us,” sagot niya.

Tahimik na nakinig sa kanya si Poy.

“I learned from her that sometimes, the best thing you can do is to be the one who'll let go. Let me be the one is a song that is all about letting go of someone you love. Someone you love who you think don't deserve to get hurt because of you,” paliwanag ni Aliyah.

Tumango si Poy at maging ang mga audience. Tila sumasang-ayon sila at naiintindihan nila ang nais ipahiwatig ni Aliyah.

“But this song is not just all about everyone who can relate in it. It is also a story. It is a song that tells a story. It tells our story.”

☆☆☆

“Good morning everyone! I am Luhan Bae, half Korean and half Filipino. I have an awesome family. My mom is an Alien and my dad is crazy..crazy over my mom!”

Agad na naghiyawan at nagtawanan ang audience dahil sa sinabi ni Lulu. Napatakip ako sa aking mukha nang pagtinginan ako ng mga tao. Napakabaliw talaga ng Pandak na ‘yun! Kung anu-anong itinuturo kay Lulu! Hindi ko naman alam na iyon pala ang sasabihin niya. Ugh!

“I am seven years old and I have a twin brother named Sehun . He's a cool guy and I'm the hot guy. He loves me so much and we both love ice cream.”

Natawa ulit ang mga audience. Napatingin ako kay Sehun na nasa tabi ko lamang.

“Baby, why are you not listening to Lulu?” tanong ko dahil nakatingin siya sa katabi niyang batang lalaki.

“You're not suppose to laugh. My twin is serious and he's not making jokes so why are you laughing?” tanong niya sa katabi niya.

“Dude, 'cause your brother is hilarious!” sagot ng batang katabi niya.

“Say it again,” utos niya.

“Your. Brother. Is. Hilario—” Agad nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

“Sehun!” sita ko sa kanya at agad siyang binuhat at iniupo sa lap ko. “Bakit mo ginawa ‘yun?” mahinahong tanong ko.

Tiningnan ko ang batang isinubsob niya sa sahig. Umiiyak ito nang malakas pero hindi iyon naririnig ng ibang tao dahil maingay sa buong paligid.

“Luhan is not hilarious! Let me go, Momo! I'm gonna break his face!”

Oh gosh. Napa-face palm ako. Ugh. Anak ko nga talaga siya.

“Let's watch your brother na lang. ‘Wag mo nang pansinin ‘yang matabang unggoy na ‘yan,” saad ko sa kanya. Matapos iyon ay tiningnan ko na si Luhan na kasalukuyang nasa stage.

“When I grow up, I want to be just like my mom. ‘Cause she is someone who lets herself get hurt just to make other people happy. She once said that sometimes, the best thing you can do is to be the one who'll let go. And I salute my mom for being a brave woman and being such a wonderful mother. I want to be a good person just like my mom. Momo Alien, we love you and happy mother's day! Thank you everyone!”

Agad na nagpalakpakan ang mga tao matapos sabihin ni Lulu ang speech niya. Dali-dali siyang tumakbo pababa ng stage at pumunta sa akin. Sinalubong ko naman siya ng mahigpit na yakap.

“So sweet, Luhan! I love you, baby!”

“I love you more, Momo! Happy Mother’s Day!” bati niya at saka ako hinalikan sa pisngi.

Agad naman lumapit sa kanya si Sehun upang akbayan ang kanyang kakabal. “Dude, someone said you're hilarious. Let's give him some lessons.”

Napakamot naman sa ulo si Luhan. “Leggo, dude. Let's break his nose!”

Teka, di ba kasasabi lang niyang ‘I want to be a good person just like my mom’? Anong nangyari sa speech ng anak ko?

☆☆☆

“Hep! ‘Wag niyong papatayin!” sigaw ko sa dalawa kong bubwit.

“But Momo! You've been listening to this since kanina pa!” reklamo ni Luhan.

“Ano ba kayo! Dapat supportive kayo kay Dada! Dapat niyong panuorin ang mga kanta niya!” sermon ko sa kanila.

“No need, we can do better, right Luhan?” sagot sa akin ni Sehun at saka pinatay ang T.V.

Ugh! Bakit ba hindi nila magustuhan ang mga kanta ni Sol? Ang ganda kaya! Pshhh! Kahit na walong taon na ang nakalilipas mula nang sumikat ang mga kanta niya, hinding hindi ako magsasawa pakinggan ang mga ‘yun.

Binuksan ko ulit ang T.V.

“Momo!” sabay na sigaw ng dalawa.

“Hey dudes!” bati ni Sol na kakarating lang.

“Dada!!” sigaw ng dalawa at saka tumakbo papunta sa kanya.

Hindi niya mabuhat ang dalawa dahil may kung ano siyang itinatago sa likod niya. Alam ko na, flowers na naman ‘yan! Yumakap ang dalawa sa magkabilang binti niya at saka nagtawanan.

“Hey Sehun! I think I won! Dada's surprise are flowers!” saad ni Luhan.

“No! For sure it's ice cream, dude!” di pagsang-ayon ni Sehun.

Ugh? Nagpustahan pa ang dalawa. Lumapit sa akin si Sol habang nakangisi nang nakakaloko.

“Ice cream,” bulong ni Sehun.

“No, flowers,” bulong naman ni Luhan.

Napangiti ako. Kahit lumipas na ang ilang taon, hindi pa rin mukhang tatay si Sol.

“Momo Alien, here..” sambit niya at saka inabot sa akin ang itinatago niya sa kanyang likod. “Happy mother's day!” bati niya sa akin at saka ako hinalikan sa labi.

Napangiti ako.

“Ish!” pagmamaktol ng dalawa at saka bumalik sa sofa at padabog na umupo roon. Inalis niya mula sa itim at maliit na kahon ang kwintas na may pendant na diamond star.

“I don't have to say anything. You know how much I love—” Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin niya. Hinila ko na siya at saka ko siya hinalikan.

“I love you too,” saad ko.

Sa nine years na naming pagsasama, ni minsan hindi niya ipinaramdam sa akin na balewala ako sa kanya. Ipinaramdam ang pagmamahal na meron siya para sa akin. At mahal na mahal ko rin siya.

“Gross! Get a room, please!” reklamo ng dalawa.

Agad kaming tumakbo ni Sol papunta sa kanila subalit agad rin naman silang tumakbo palayo. Mabilis na nahabol ni Sol si Luhan samantalang ako naman ang humabol kay Sehun. Sabay kaming umupo ni Sol sa sofa habang nakaupo sa lap namin ang dalawa naming anak. Niyakap ako ni Sehun. Ganun din naman si Luhan kay Sol.

“We love you both Momo and Dada!” sigaw nila. Masaya kong tiningnan ang mag-aama ko.

In life, I learned to let go. 'Cause if it's meant to be, it will be. Love will always find a way. If people are meant to fall in love and be together, love will lead them back to where they are supposed to be.

And now, I am finally closing this book, finally saying goodbye and finally saying we did it. We had a happy family 'cause I am the one─the one whom he will spend the rest of his life with.

-Fin-