noveltoon logo noveltoon
Let me be the One 3

Chapter 8

Ch. 8 / 10 Apr 09, 2022

Ji’s Point of View

Agad akong napatakip sa aking tainga pagpasok ko sa club kung saan kasalukuyang nag-iinom si Sol. Iginala ko ang aking paningin. Ano ba kasing naisipan niya at nag-inom siya? Hindi niya ba alam na pwede siyang mapahamak kapag nagka-issue ito.

“Get off me!”

“Ang sungit mo naman!”

Agad akong napalingon sa direksyon kung saan nanggaling ang sigaw na iyon. Nakita ko ang isang lalaking nakasubsob ang ulo sa mahabang mesa ng drinking station. Mabilis ko siyang nilapitan nang makilala ko siya.

“Sol!” tawag ko sa kanya nang makalapit ako.

Tiningnan niya ‘ko pero nanatiling nakapatong ang ulo niya sa mesa.

“Akala ko iniwan mo na talaga ako. Buti bumalik ka, Renesmee.”

Napatingin ako sa bartender na nakatingin sa amin at pinapanuod kami.

“Kanina pa po siyang ganyan,” saad nito kahit hindi pa man ang nagtatanong.

“Halika na. Iuuwi na kita,” sambit ko. Sinubukan ko siyang hawakan ngunit tinabig niya ang kamay ko.

“Nasaan si Renesmee?” tanong niya.

“Umuwi na tayo,” saad ko. Sinubukan ko siyang hawakang muli.

“No! Where's Renesmee?!” galit na tanong niya.

Itinayo ko siya at inalalayang lumakad. Kailangan na naming umalis bago pa may makakilala sa amin rito. Nang makalabas na kami at papunta na sana sa aking sasakyan ay itinulak niya ako, dahilan upang mabitawan ko siya.

“I can go home alone,” saad niya at saka mag-isang lumakad papunta sa kotse niya.

Agad ko siyang pinigilan. “You can't drive. You're drunk, Sol,” pagpigil ko sa kanya.

Tinitigan niya ako at saka siya ngumiti nang mapakla. “I'm fine, Ji,” sambit niya.

Lumapit ako sa kanya. “Hindi mo kailangang sabihin sa akin na ayos ka lang dahil hindi iyon ang nakikita ko.”

Agad na may tumulong luha mula sa mga mata niya. “Do you exactly know how I feel right now?” nakangiting tanong niya sa kabila ng kanyang pag-iyak.

“There are so many things that I am dying to tell to her but I can’t. Because she wanted a new life...and she doesn’t want me to become a part of it anymore.”

Sinubukan ko siyang alalayan. Kulang na lang ay humagulgol siya sa harapan ko.F*ck it.

“And you know what hurts me the most? It’s that I walked away without letting her see all this tears and pain. I showed her that it’s okay with me but the truth is, it’s not. And it's killing me that she didn't stop me from leaving.”

Ramdam na ramdam ko ang hinanakit niya. Patuloy pa rin siya sa pag-iyak. “If you really can’t live without her, why did you let her go?” tanong ko.

Tumingin siya nang diretso sa akin. “Because I love her,” diretsong sagot niya.

“You let her go because you love her? Lame,” komento ko.

Napayuko siya at pinunasan ang basang pisngi niya. “When someone else’s happiness is your happiness, that’s love, Ji.”

Napabuntong hininga ako. “Magiging maayos din ang lahat, Sol. Maybe hindi pa sa ngayon pero darating din ‘yun,” payo ko.

Matagal siyang nanatiling walang imik hanggang sa seryoso niya akong tiningnan sa mata at binigyan ng pilit na ngiti.

“Let's go back to Korea,” biglang sabi niya.

☆☆☆

Renesmee Marie’s Poin of View

Napatingin ako sa orasan. Alas-otso na pala ng gabi. Isang linggo na pala ang lumipas. Isang linggo nang wala akong ibangginawa kundi ang pumasok sa school at umuwi kaagad sa palasyo. Halos ganoon lang ang aking routine─bahay-school, school-bahay. Sa loob ng isang linggong iyon ay hindi ko na ulit siya nakita. Sa mga panahong iyon ay wala akong naging ibang karamay kundi ang sarili ko.

Napabuntong hininga ako. Humarap ako sa kabilang bahagi ng kama. Ganito na lang parati, para akong may sakit na parating nakahiga. Napatingin ulit ako sa orasan. Dalawang minuto na ang nakalilipas simula nang una ako iyong tiningnan. Hindi ako mapakali. Puro tungkol sa concert ng Four Kings ang balita.

Muli akong napabuntong hininga. Kumusta na kaya sila? Nami-miss ko na sila. Ganito rin kaya kahirap ang pinagdaanan ko noon nang kinalimutan ko silang lahat? Nagulat ako nang biglang may tumunog, muntik na kong mahulog sa aking kama dahil sa gulat. Napatingin ako sa drawer na katabi ng kama ko, doon kasi nanggagaling ‘yung tunog.

Wala naman akong cellphone. Posible bang ‘yung couple phone namin ni Sol ang tumutunog? Patuloy pa rin ito sa pag-ring. Bumangon ako at lumapit sa drawer. Dahan-dahan ko itong binuksan at bumungad kaagad sa akin ang couple phone namin at ito’y umiilaw.

Nanginginig ang kamay kong kinuha ang cellphone.Posible bang si Sol ang tumatawag? Tanging mga numero lang kasi ang nakalagay sa screen. Dahan-dahan kong pinindot ang answer key. Tahimik kong pinakinggan kung sino ang tumatawag. Maingay roon subalit sa kabila nito ay rinig ko pa rin ang pagbuntong hininga ng nasa kabilang linya.

“I want to see you.”

Agad na bumilis ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko ay sasabog na ito sa sobrang kaba. Pero ang pinakanangingibabaw na pakiramdam ko ay saya. Kung mayroon mang isang bagay na hindi ko talaga inaasahang mangyari ngayong gabi, iyon ay ang pagtawag niya at ang marinig ang kanyang boses.

“Bogosipo,” saad niya. “I miss you badly.”

Hindi ko na naman na pigilan ang aking sarili. Naluluha na nanaman ako. Tinakpan ko ang aking bibig at nanatiling tahimik.

“Please?”

Pakiramdam ko'y hindi na ako makahinga. Naninikip ang dibdib ko.

“For the last time. Please. Let me see you.”

Pagkasabi niya noon, sunod-sunod na dial tone na lang ang narinig ko. Kahit na tapos na ang tawag, nanatili pa ring nakalagay sa tainga ko ang aking cellphone. Napatingin ako sa bintana. Patuloy ang pagbuhos ng malakas na ulan. Pakiramdam ko’y nakikisabay ang panahon sa nararamdaman ko.

☆☆☆

Aliyah’s Point of View

“Nasaan na ba si Sol?” Hindi mapakali si Mr. Park.

Walang umiimik ni isa sa amin.

“Naku naman, ngayon pa siya nawala! Hindi na nga siya nakikipag-participate sa practice, sana naman kahit ngayon sumulpot siya!”

Kinakabahan na silang lahat habang ako ay nananatilingnakaupo lang sa isang tabi.

“Nasaan na kaya si Hyung? Nag-aalala na talaga ako sa kanya. Simula last week ay hindi ko na siya nakita. Ano na bang nangyari sa kanya?” bulong ni Dae.

“Hyung! May alam ka ba?” Lumapit si Victor kay Ji.

Nanatili akong walang imik at nakatingin sa cellphone ko. ‘Kahit ngayon lang Sol, mag-reply ka naman,’ sambit ko sa aking isip. Napatingin ako kay Ji na hindi rin mapakali at kanina pa tingin nang tingin sa cellphone niya.

“Ano bang gusto niyang mangyari sa career niya?” pagmamaktol ni Mr. Park.

Napabuntong hininga ulit ako. Sabay-sabay kaming napatingin sa pinto nang agad itong bumukas.

“Hyung!” sigaw ng dalawa.

“Oh my God, Sol what happened to you?!” sigaw ni Mr. Park.

Napatingin ako sa kanya. Nakayuko lang siya. Nakasuot siya ng puting t-shirt at maong na pants. Itinungo niya ang kanyang ulo bago ngumiti sa amin.

“Sorry, I've been sick,” pagdadahilan niya.

“Kumusta ka naman? Ano? May masakit pa ba sa’yo?” nag-aalalang tanong ni Mr. Park.

Halata sa mga mata niya ang pamamaga nito. Did he cry again? Ganyan ba ‘ko kapasakit sa kanya? Am I really breaking his heart into pieces? Agad na tumalon ang puso ko nang tumingin siya sa akin.

“This is what she wants. So be it. Let's go back to where we truly belong. I'm yours again, Aliyah.”

Pakiramdam ko ay nadudurog ang puso ko habang paulit-ulit ko na inaalala ang mga salitang iyon. Isang linggo na rin ang lumipas simula nang kumatok siya sa pintuan ko habang lasing na lasing. Umiiyak siya sa harapan ko at nagmamakaawa.

“Why can’t she see that I don’t love you anymore? Why does she keep on pushing me away?”

Pakiramdam ko ay sinasaksak ako sa puso habang sinasabi niya ang mga katagang iyon. Lumapit siya sa akin at ngumiti. Subalit imahinasyon ko lang pala iyon. Nilagpasan niya ako at pumunta sa make-up artist niya. Napapikit ako nang madiin. Pakiramdam ko ay nahihirapan akong huminga. Ang sakit.

Lumabas ako sa dressing room dahil hindi ko kaya ang presensiya niya sa loob. Pakiramdam ko ay mamamatay ako sa ginagawa niyang pambabalewala sa akin. Pakiramdam ko, ang sama-sama ko.

“Ayoko na. It’s really hard for me, Aliyah. I’m sorry.”

Napapikit ako habang inaalala ang mga sinabi niya sa akin kagabi.

“Are you sick of having me?” seryosong tanong ko sa kanya.

“It's just that…it’s killin’ me because I’m with you and not with her.”

Iminulat kong muli ang aking mga mata. Ayoko nang alalahanin pa ang lahat. Ang sakit. Agad kong pinunasan ang aking luha nang maramdamang may tao sa likuran ko. Maglalakad na sana ako paalis subalit nagulat ako nang hawakan niya ang aking kamay. Ang hawak na iyon, kilalang-kilala ko na kaagad kung sino siya. Humarap ako sa kanya at pilit na ngumiti.

“I'm sorry,” saad niya.

Ngumiti ako. “It's okay, Sol…naiintindihan ko.”

Tumango siya at babalik na sana sa loob pero hinawakan ko siya kaya naman bigla siyang napatigil.

“Sigurado ka na ba sa desisyon mong umalis?” tanong ko.

Humarap siya sa akin at ngumiti nang pilit. “She wanted a new life. At alam kong gusto niya ng buhay na hindi ako kasama.”

Ramdam ko ang sakit na nadarama niya. “You're wrong.”

Tiningnan niya ako nang may halong pagtataka.

“She pushed you away 'cause she wants me to be happy.”

“Alam ko,” mabilis na saad niya at saka hinila ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko.

Agad siyang tumalikod sa akin. “And she chose to hurt me,” dagdag niya.

Napahikbi ako. “I'm so sorry,” bulong ko.

Dahan-dahan siyang humarap sa akin. Ngumiti ako sa kanya at hinawakan ang pisngi niya.

I don’t want to be selfish. I have to give him his happiness. I don’t want to be that bad in his eyes. I don’t want him to see me as a bad person because of loving him this much.

“I love you so much,” saad ko. “And now, let me be the one,” bulong ko. Ngumiti ako nang pilit at hinaplos-haplos ang kanyang pisngi. “I'm giving you back to her …kahit na…masakit.”

Agad kong inalis ang kamay ko sa pagkakahawak niya para punasanang pisngi ko. Ngumiti ako ng pilit sa kanya at saka ko siya niyakap.

“Be happy okay? Pagbalik natin, ibabalik na rin ulit kita sa kanya.” Pagkasabi ko noon ay agad ko siyang tinalikuran. Aalis na sana ako subalit natigilan ako nang may pahabol pa siyang sinabi sa akin.

“Aliyah, thank you.”

Tahimik akong naiyak. “You're welcome.”

☆☆☆

Renesmee Marie’s Point of View

Maraming tao kaya naman nagsisiksikan at nagkakagulo sila. Subalit ilang saglit pa, natigilan ang mga ito nang makita nila ako.

“Di ba siya si…”

“Ssssshh. ‘Wag ka ngang maingay. Masyado kang showbiz. Tigilan na natin ang pakikialam sa kanya.

Awkward man ay pinilit ko pa ring ngumiti sa kanila.

“Uh…miss, gusto mong dumaan?” alok ng isa. Mukhang pinasisingit niyaako upang mapunta sa pinakaharap at mapanuod nang mas malapit ang Four Kings.

Dahan-dahan akong umiling. “Okay na sa akin ang makita siya sa screen.”

Sumimangot sila. “May problema yata sila.”

“G@ga! Hindi mo ba alam? Si Sol at Aliyah na ulit!”

“OH?!”

Napabuntong hininga ako bago tuluyang lumayo sa kanila. Mukhang dapat ay hindi na lang ako pumunta rito. Paalis na sana ako nang biglang namatay ang ilaw. Napatingin ako nang makita ko si Sol habang tinututukan ng spot light at naglalakad papunta sa piano na nasa gitna ng stage.

Agad na may isang alaalang nagbalik sa isipan ko.

“I have a dream,” wika ng batang Sol.

“What is it?” tanong ko.

“To play piano in front of a great crowd and you are there watching me.”

Ilang saglit na tumitig si Sol sa pianong nasa harapan niya.

“Bakit siya kaagad ang magpe-perform? ‘Di ba pang-finale siya?”

Tinitigan ko si Sol na nananatiling nakatingin pa rin sa piano.

“I hope you're watching as I’m fulfilling my dream,” biglang saad niya.

Kaagad na bumilis ang tibok ng puso ko.

“Alien girl..” tawag niya.

Agad na natahimik ang buong paligid.

“I want to show you how great I became in playing a piano now.”

Pagkasabi niya noon ay nagsimula na siyang tumugtog. Habang tumutugtog, tila ba bigla na lamang nalungkot ang mga manunuod. Lahat sila ay naghawak kamay habang isinasayaw ang kanilang mga kamay papunta sa kaliwa at kanan. Karamihan sa mga audience ay umiiyak na dahil sa sobrang lungkot ng tinutugtog niya. Namalayan ko na lang na umiiyak na rin pala ako.

Pinunasan ko ang aking luha nang matapos siyang tumugtog. Nanatili siyang nakaharap sa piano. Pinagmasdan kong maigi ang kanyang mukha. Napangiti ako nang pilit at saka ako nagpasiyang umalis. Tumalikod ako at nagsimula nang humakbang palayo. Kahit gusto ko siyang manatili sa buhay ko, pinili ko pa ring mawala siya. Pinili pa ring pakawalan siya.

Nang tuluyan na akong makalabas ng TSIA Arena, bigla namang bumuhos ang malakas na ulan. Kapag sinuswerte ka nga naman. May magagawa pa ba ako eh basa na ‘ko? Tatakbo na sana ako para tuluyan nang makalabas nang biglang may humila sa akin at hinalikan ako.

Pakiramdam ko'y nanigas ang buong katawan ko dahil sa gulat. Hindi ako makagalaw. Malamig ang buhos ng ulan pero ramdam na ramdam ko ang init ng hininga at labi niya. Nang humiwalay na siya sa akin, wala akong ibang nagawa kundi ang mapahawak na lamang sa labi ko.

“I'm glad you came,” bulong niya.

Ngumiti ako nang pilit. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang pinagmamasdan ko siya.

“I will miss you,” saad niya.

Agad akong nakaramdam ng kirot sa aking puso.

“What do you mean?” mahinang tanong ko.

Ngumiti siya at saka lumapit sa akin.

“I will go back to Korea. I will find my parents,” diretsong sagot niya.

Pakiramdam ko'y unti-unting nadudurog ang puso ko subalit ipinakita ko pa rin sa kanyang okay lang sa akin ang lahat.

“Babalik ka pa ba?” bulong ko.

Tuluyan na akong lumuha kahit na hindi dapat ako umiiyak sa harapan niya. Dahil una sa lahat, ako naman ang may gusto ng lahat. Gusto kong magkaroon ng bagong buhay na wala siya. Pero bakit ang sakit? Bakit tila nadudurog ang puso ko ngayong aalis na siya? Bakit umiiyak ako?

“Babalik ako…” sagot niya. “At sa pagbalik ko, I'll be the one who will give up everything para naman sa’yo.”