Namalayan ko na lang ang sarili ko na naglalakad sa gitnang concert room papunta sa stage.
“Thank God dumating ka! Akala ko ay hindi ka na makakapunta eh,” bungad ni Mr. Park at saka lumapit sa akin. “Ang lakas ng ulan pero pinapunta kita.Pasensiya ka na, huh? Kailangan lang talaga kita para i-finalize ‘yung gagawin natin next week sa concert,” paliwanag niya.
Ngumiti ako sa kanya subalit hindi iyon tunay na ngiti. Napatingin ako sa stage. Puro staff lang ng Music Club ang nandoon. Nakumbinsi niya akong pumunta dahil sinabi niya sa akin na wala ang Four Kings at si Aliyah. Tanging ang pamilya ko at ang pamilya ng mga taong nadamay sa nangyari ang nakakaalam ng lahat.
Napabuntong hininga ako at muling ngumiti kay Mr. Park. “Ano po bang magagawa ko para sa inyo?” tanong ko.
“Nagulat kasi ako sa text mo kanina na ayaw mo nang sumali sa concert. Bakit? May problema ba?” tanong niya.
Ngumiti ako nang pilit. “Wala po. Tinatamad lang ako,” matipid na sagot ko.
Halatang nagulat siya sa sinabi ko. “Sa lahat ng mga nangyari, tinatamad ka lang?” hindi makapaniwalang tanong niya.
“Alien girl…”
Pakiramdam ko ay biglang huminto sa pag-ikot ang aking mundo nang marinig ko ang boses niya mula sa aking likuran. Nanatili akong nakatalikod sa kanya at hindi gumagalaw. Naramdaman ko ang dahan-dahan niyang paglapit. Dahil dito’y hindi ko na malaman kung ano ang aking gagawin.
Naramdaman ko na lang ang dahan-dahan niyang paghawak sa balikat ko. Napapikit ako bago dahan-dahang humarap sa kanya.
“Hi!” nakangiting bati ko sa kanya.
☆☆☆
“How are you?” tanong niya habang nakaupo sa tabi ko.
Nakaupo kami sa park kung saan kami nagpunta noong araw na dapat sana’y aalis ako.
“Well, I'm happy. Just so you know,” madiin na sagot ko.
Tumango-tango siya.
“Ikaw?” tanong ko. Sa paraan ng aking pagsasalita, ipinakita kong hindi ako interesadong makausap siya. Pero sa totoo lang, dahil sa kanyang presensya, ang saya-saya ng pakiramdam ko. Gusto kong magsalita siya nang magsalita. Hindi ako magsasawang pakinggan nang paulit-ulit ang kanyaang boses.
“Ako? Makita lang ulit kita ngayon, masayang-masaya na rin ako.”
Agad akong napatayo sa naging sagot niya. Ipinikit ko ang aking mga mata upang pilit na pililan ang aking pagluha.
“I think I should go.”
Tumayo rin siya at hinawakan ang kamay ko. Agad ko naman iyong hinila palayo sa kanya. Nag-ipon ako ng lakas ng loob upang harapin siya.
“Sol…” mahinang tawag ko sa pangalan niya.
Pinagmasdan ko ang nangayayat niyang mukha.
“Alam mong sa buhay natin, walang permanente. Kahit pati sa damdamin, lahat nagbabago,” saad ko.
Tiningnan niya ‘kong mabuti. “Nagbago na ba ang nararamdaman mo para sa akin?” tanong niya.
Pinilit kong ngumiti. Pakiramdam ko ay nadudurog na ang aking puso.
“Sol, it's just that…I don't want you anymore. I don't want to see you. I don't want to be with you anymore.”
Napatitig siya sa akin nang matagal. Iniiwas ko ang mukha ko sa kanya nang kumawala ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Nanatili naman siyang tahimik at hindi kumikibo.
“Sol, si Aliyah. Di ba umpisa pa lang naman, siya na ang mahal mo? Sol, ibinabalik na kita sa kanya,” saad ko.
Agad na napakunot ang kanyang noo nang marinig ang sinabi ko.
“Sol…” Hinawakan ko ang pisngi niya habang pilit ko pa ring pinipigilan ang aking luha. Pilit kong nilakasan ang loob ko. “Pandak...” tawag ko sa kanya.
Napapikit ako nang mariin kasabay ng pagpatak ng aking luha. “I'm letting you go,” bulong ko.
☆☆☆
Aliyah’s Point of View
“Anong sinabi mo sa kanya?” tanong ni Kyohei habang patuloy ako sa pagtitimpla ng juice na para sa kanya. “Sagutin mo ko,” pagpupumilit pa niya.
Itinigil ko ang paghahalo ng juice at hinarap ko siya. “If I only have one wish, hihilingin ko na sana ako ang piliin niya,” malayong sagot ko.
Aalis na sana ako subalit pinigilan niya ko.
“I gave him up, Kyo. What do you still want from me?” iritableng tanong ko.
Pumunta siya sa harapan ko at hinarangan ang aking daraanan.
“Then what do you want me to do?”
“Ewan ko. Hindi ko rin alam.”
“Hindi mo alam kung paano mag-isip si Renesmee. Mas pipiliin niyang siya ang masaktan para sa iba,” saad niya.
I sighed. Aalis na sana ako sa harapan niya subalit bigla niyanghinawakan ang braso ko.
“Aliyah, let's find them.”
“What?” naguguluhang tanong ko.
“Alam kong sasaktan na naman niya ang kanyang sarili.”
Hindi na ako nakaimik pa nang hilahin na niya ‘ko palabas ng bahay at sapilitan itulak papasok sa kanyang kotse.
“The heck, Kyo?” reklamo ko pero tila wala siyang narinig. Agad siyang sumakay sa driver’s seat.
“Alam kong ngayong alam na niya ang totoo, gagawa siya ng paraan para hindi matuloy ang fixed marriage.”
“And you're trying to stop her? Dahil gusto mong matuloy?”
Natigilan siya. “Hindi ako ganun kasakim, Aliyah. I just want to stop her from hurting herself again.”
Natulala ako sa kanya nang sabihin niya iyon. Si Kyo, hindi mo aakalaing isa siyang gangster kung makikilala mo siya nang lubusan.
“Kyo, what are we doing here?!” gulat na tanong ko nang tumigil ang sasakyan niya sa tapat ng palayso ng mga Clarkson.
“Baba,” utos niya.
“Ayoko! Never!” Subalit wala na akong nagawa nang hilahin niya ako palabas ng kanyang sasakyan.Agad na lumapit sa kanya ang isa sa mga guard ng palasyo.
“Nasaan si Renesmee?” agad na tanong ni Kyo.
“Tumakas po ulit ang young lady.”
“Na naman?! Anong klaseng pagbabantay ba ang ginagawa niyo at lagi niya kayong natatakasan? Hindi niyo ba naisip na baka may nangyari na sa kanyang masama ngayon?”
“Kyo…” Hinawakan ko ang balikat niya.
“Wag kayong mag-alala, ako naman ang nagpatakas sa kanya.”
Sabay kaming napalingon sa nagsalita mula sa aming likuran. Mabilis kong iniiwas ang aking tingin sa kanya nang magkatitigan kami.
“What brought you here?” tanong niya bago siya lumapit sa amin.
“Pinatakas mo siya? What the?! Gustong-gusto talaga siyang ipahamak, ano?”
Tiningnan ni Cai nang masama si Kyo dahil sa sinabi niya. Ngunit minabuti ni Kyo na manahimik at huwag na lamang patulan si Cai.
“I’m glad kayo na mismo ang pumunta rito,” pag-iiba niya sa usapan. “Sumunod kayo, may ipapakita ako,” utos niya.
“At bakit naman kami susunod sayo, huh?” tanong ni Kyo.
Hindi siya sinagot ni Cai. Sa halip ay tumalikod na lang ito at nauna nang maglakad. Hahakbang sana upang sumunod si Kyo pero pinigilan ko siya.
“Anong gagawin mo?” tanong ko.
“Susunod,” mabilis na sagot niya.
“Eh bakit mo gagawin ‘yon?” nagtatakang tanong ko.
“Kasi utos niya. Tara na nga. Sumunod na lang tayo,” sagot niya at saka ako hinila.
“Praning ka ba, Kyo? Ugh!” reklamo ko.
Sumunod kami kay Cai hanggang sa makaakyat kami sa palasyo nila. Katulad ng dati, napahinto ulit ako sa kwartong may nakapaskil na ‘Do Not Enter’.
“Gusto niyong pumasok?” biglang tanong ni Cai. “Okay lang naman dahil wala naman siya,” dagdag pa niya.
Hindi pa man kami nakakasagot ni Kyo ay binuksan na niya ang pinto at bumungad sa amin ang isang silid na halatang pambabae. Naunang pumasok si Cai at sumunod naman kami. Natigilan kami ni Kyo nang biglang maglabas si Cai ng isang photo album mula sa lugar na hindi kapansin-pansin. Mukhang itinago talaga roon ang photo album na iyon upang walang makakita nito.
Tinitigan namin ang photo album nang iabot na niya ito sa amin. Kinuha ito ni Kyo at binuklat. Agad akong umiwas ng tingin nang makita ko ang laman nito.
“Sina Sol at si Marie ‘yan noong palagi siyang pumupunta rito para turuan ni Inay na mag-piano.”
Puro stolen ‘yung picture. Halos lahat ng kuha ay nasa tapat silang dalawa ng piano habang tumutugtog. ‘Yung iba naman ay habang naglalaro sila. Isinara ni Kyo ang photo album at ibinalik iyon kay Cai.
“Bakit mo ba kami pinasunod?” tanong ni Kyo.
Ipinatong ni Cai ang photo album sa kama at humarap sa amin tsaka siya bumuntong hininga.
“Gusto ko lang sabihin na wala na kayong utang sa kumpanya namin. Binayaran lahat iyon ni Renesmee.”
Gulat kaming natulala sa kanya nang marinig ang sinabi niya.
“Anong ibig mong sabihin?” naguguluhang tanong ni Kyo.
“‘Yung five companies na sana ay ipamamana sa kanya, hindi na niya iyon tatanggapin kapalit ng three billion dollars na utang niyo na ako ang dahilan.”
Lumapit ako sa kanya at agad ko siyang sinampal. Iyon ang bagay na matagal ko nang gustong gawin.
“That's for all the pain that you've caused me,” saad ko.
Pili siyang ngumiti at saka tumingin sa akin.
“Mapapatawad mo pa ba ako?” tanong niya.
Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang akong nakaramdam ng awa at kirot sa dibdib ko habang tinitingnan ang mga mata niya, at may luhang nagbabadyang tumulo mula roon.
Sasagutin ko sana siya pero hindi ko na naituloy iyon nang hilahin ni Kyo ang kwelyo niya. “Nasaan si Renesmee?” tanong ni Kyo.
“Ang swerte niyo dahil may tanga akong kakambal,” malayong sagot ni Cai sa tanong ni Kyo.
Pagkarinig ni Kyo sa sinabi ni Cai, mabilis siyang tumakbo palabas ng kwarto. Nang kami na lang ni Cai ang naiwan sa loob, ngumiti siya nang pilit sa akin bago siya tuluyang napayuko.
“Ang tanga ng kakambal ko, Aliyah. Alam mo kung bakit? ‘Cause she’s willing to give up everything that she has just for the sake of other people,” saad niya.
“Hindi siya tanga!” Agad ko siyang kinontra.
Iniangat niya ang kanyang ulo at nagtatakang tiningnan ako.
“Kung sa tingin mo eh katangahan ang pag-gi-give up ng mga bagay na meron ka para sa ibang tao, pwes, ikaw ang tanga sa paningin ko,” matapos kong sabihin iyon ay tinalikuran ko na siya at umalis na ako.
☆☆☆
Kyohei’s Point of View
Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong napatakbo upang pigilan si Liloree. Bigla na lang akong kinabahan. Tama nga ang hinala ko. Alam kong ipagtatabuyan na naman niya ang lalaking ‘yun.
Sa pagkatuliro sa mga nangyayari nitong nakaraan ay halos hindi ko na namalayan na tinatahak ko na pala ang daan papunta sa aming eskwelahan. Mabilis kong pinatakbo ang aking sasakyan kung kaya’t nakarating kaagad ako sa Tan Siu. Sarado na ang gate kaya naman kinailangan ko pang umakyat sa mataas nitong bakod para lang makapasok. Natigilan ako dahil sa hindi inaasahang pagkakataon, sa lugar kung saan ako nagpasyang tumalon, ay naroon din sila.
Pansin kong tila napakaseryoso ng pag-uusap nilang dalawa. Mukhang sakto lang ang dating ko. Tanging ang mukha lamang ni Renesmee ang nakikita ko dahil siya ang nakaharap sa aking pwesto habang si Sol naman ay nakatalikod kinatatayuan ko.
Dahan-dahan akong lumakad palapit sa kanila. Dahil dito, unti-unti kong narinig ang pinag-uusapan nilang dalawa.
“Then give me one reason to let you go,” saad ni Sol.
Natigilan ako nang marinig ko iyon. Mabilis kong ibinaling ang aking tingin sa mukha ni Renesmee. Halatang wala siyang maisagot sa sinabi ni Sol. Magsasalita na sana ako upang sumingit sa kanilang usapan pero biglang nagsalita si Renesmee.
“Na-realize kong ayoko na sa’yo.”
Napatitig ako sa kanya. Nakita ko ang dire-diretsong pagtulo ng kanyang luha. Hindi ko inaasahan na mapapatingin siya sa pwesto ko kaya naman nagkatitigan kaming dalawa. Halatang nagulat siya subalit agad niyang ibinalik ang tingin niya kay Sol na tila ba hindi niya ako nakita.
“Na-realize kong…mahal ko na si Kyo.”
Kaagad na bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang sinabi niya. Pero kasabay ng sayang bigla kong naramdaman ay ang lungkot na bumalot sa aking puso dahil alam kong hindi totoo ang binitawan niyang mga salita. Ilang sandali pa’y naalala kong nangyari na ito dati.
“But I like you. I like you so much.”
“Excuse me. I need to leave.”
Aalis sana siya subalit hinawakan siya ni Sol.
“Kajima.” (Don't go/ Don't leave.)
Para akong nanunood ng breakup scene sa isang teleserye. Funny thing is that, pakiramdam ko’y ako ang hinihiwalayan dahil nasasaktan ako habang pinagmamasdan ko sila. Nagulat ako nang biglang bumuhos ang malakas na ulan subalit hindi ako natinag sa aking kinatatayuan.
“I was wrong. I don’t like you. I like somebody else. I like Kyohei.”
Natigilan ako nang marinig ko iyon. Ito yata ang unang beses na binanggit niya ang pangalan ko simula nang ipakilala ako sa kanya bilang fiancé niya. At tama ba ang narinig ko? Sinabi niyang gusto niya ako?
“I like him because of he can protect me. When I told you that I like you, it was a mistake,” she added. Then I realized, by looking at her eyes, that it was just a lie, a painful lie.
Binitiwan siya ni Sol dahil sa sinabi niya.
“Oh, I’m sorry then,” he apologized.
“Nah, it’s okay. Boys really can’t help it. I’m kinda irresistible.”
‘Exactly, Renesmee. I can’t help it.’ I wanted to say.
“But I couldn’t stop myself from liking you. So I’m sorry if I might annoy you sometimes,” he answered.
“It’s okay.”
She looked away. Renesmee is not a good liar. Why can’t he see that she’s lying? That she’s not okay? Look at her, Sol. Goddamnit!
“Well if you want, you can just forget about me. So you would not remember that you have this annoying guy who likes you so much.”
And that’s the dumbest thing I’ve ever heard in my whole life.