noveltoon logo noveltoon
Sylvestre's Wedding

Chapter 7

Ch. 8 / 20 Feb 05, 2022

N AHIYA ang fluctuation ng stock market sa pagtaas at pagbaba ng katigasan ko. Ramdam kong nangangalay na ang kamay na may hawak dito at ang dilang walang tigil sa dibdib ko ay natutuyuan na ng laway. “Baka matuyuan ka na ng dugo,” sabi ko. “It’s not working.”

“Okay,” sabi ni Aljur. “Gusto mo bang umalis na ako?”

“Huwag. Dito ka lang.”

“Gusto mo bang ituloy ko pa?” Bumaba si Aljur sa aking harapan at isinubo ang tuluyan ko nang nanlambot na pagkalalaki.

Nasa kuwarto kami ng one bedroom condominium ko. Malapit nang magdilim. Dito na kami dumeretso pagkatapos ang raket ko kay Camina. Matapos ang malamig na treatment ni Sylvestre. Sinamahan akong maligo ni Aljur tulad nang dati. Sa banyo pa lang, sinimulan na namin ang romansahan. Pero pagbagsak sa kama, heto, parang nawawala ang epekto ng gamot na ininom ko.

“Ikaw muna, Jur,” sabi ko.

Inihiga ko si Aljur at sinimulang halikan sa mga labi, pababa sa leeg at dibdib. Tumuloy na rin ako sa kanyang harapan at sinimulang magtaas-baba ang aking bibig doon. Aljur was hard and he seemed to be enjoying what I was doing. I just loved watching Aljur get pleased. Tinigasan na rin ako.

Sinimulan ko nang salatin ang kanyang butas. Napaangat ang kanyang puwitan. Nananabik na rin siya. Gamit ang laway, sinimulan kong ipasok ang hinlalato ko sa kanyang kainitan. Lalong napaigtad si Aljur. Binasa kong mabuti ang kanyang butas.

Habang patuloy na naglalabas-masok ang daliri ko kay Aljur, umangat ako at hinalikan siya sa dibdib, paakyat sa mga labi.

“Pwede mo ba akong kantutin ngayon na parang mahal mo talaga ako?” sabi ni Aljur.

“Of course.” I slowly pulled out my middle finger from his ass and prepared my hardness. Aljur lifted his legs up while his arms were on his nape. Ang init ng tingin niya sa akin, sabik na sabik na sa aking gagawin.

Isang mabilis na pagpasok ang aking ginawa,

“Ahhh, shit, Drew,” ungol ni Aljur.

Sinimulan kong umindayog sa kanyang harapan. Yumakap siya sa akin.

“Sige pa, Drew…”

Hindi ko alam kung ano ang nangyari dahil biglang nawala ang katigasan ko. Itinuloy ko lang. Yumakap ako nang mahigpit kay Aljur at itinuloy ang ginagawa.

Yumakap siya sa akin. Mas mahigpit. Mas humigpit din ang yakap ko.

“Okay lang,” sabi ni Aljur.

Tumigil ako. Tumingin ako sa mga mata niya. Nawala na ang satisfaction na kanina ay ibinibigay ko sa kanya.

“Okay lang,” ulit niya. “Hugutin mo na. Pero dahan-dahan, please.”

Sinunod ko ang pakiusap niya.

Tumayo si Aljur at pumunta sa CR. Narinig ko ang paglagaslas ng tubig. Sumunod ako. Nilinis ko na rin ang sarili ko. Yumakap ako kay Aljur. Yumakap siya pabalik. Hinalikan ko siya. Humalik siya pabalik. Pagkatapos niyon, iniurong niya ang kanyang bibig.

“Punas lang ako,” sabi niya. “Maginaw.”

Itinuloy ko ang paglilinis sa katawan ko. Paglabas ko ng banyo, nandoon si Aljur sa kama, nagsho-shorts na. “Aalis ka na?”

“Ang observant mo rin talaga,” sabi niya.

“Huwag muna, please.” Ako naman ang nakiusap.

Itinigil ni Aljur ang pagsusuot ng T-shirt. Ako naman, matapos punasan ang katawan, kinuha ko na ang boxers at isinuot. Tumabi ako kay Aljur.

“Sorry,” sabi ko. “Hindi ko lang maalis sa isip ko si Sylvestre.”

“Alam ko,” sabi ni Aljur. “Si Sylvestre `yon, eh. Si Martin Sylvestre mo.”

Hindi ako nakapagsalita. Sa akin pa rin ba si Martin Sylvestre?

“Baka kailangan mong mag-isa,” sabi ni Aljur. “Hindi ako nagwo-walkout. Baka kailangan mo lang ng space.”

Umiling ako at isinandal ang ulo sa balikat niya. “Gano’n na lang ba talaga kami? Buong high school, magkasama kami. Andami naming pinagdaanan. Takbuhan namin ang isa’t isa kapag may problema sa pamilya. `Di ba?”

“Mas matagal na kayong magkahiwalay kesa magkakilala,” sabi ni Aljur. “Marami nang nagbago.”

Ano ba naman kasi iyon? Bakit ganoon ang nangyari kanina?

“Kumusta ka na, Sylvestre?” bati kong sayang-saya. Naalala ko sa mukha niya ang Martin Sylvestre na huli kong nakita. Bumalik lahat sa akin. “Guwapo ka pa rin, ah!”

“Bolero,” sagot ni Sylvestre. “Tapos na ba kayo ni Camina?”

“Oo,” sabi ko. “Pero nandoon pa ang guests niya.”

“Pwede na kaya akong umakyat?”

Napansin ko ang pagmamadali niya. Naramdaman ko ang awkwardness niya. Parang ako lang ang excited sa nangyayari. “Ah, siguro naman,” sabi ko.

“Sige, akyat na ako,” paalam ni Sylvestre. “Nice meeting you pareho.”

Pagkatapos umalis siya. Sinundan ko siya ng tingin, hanggang sa mapansin kong ang tingin naman ni Aljur ay nasa akin. Doon ko siya pinakiusapan na samahan muna ako sa bahay. Sumama naman si Aljur. Kaya ito, nasa kama ko kaming dalawa.

“Ano ba’ng sinabi mo sa kanya?” tanong ko kay Aljur habang nakapatong pa rin ang ulo ko sa balikat niya. “Baka may nasabi ka kaya siya gano’n umasta?”

“Wala naman? Sabi ko lang, hinihintay ko ang partner ko.”

“Alam ba niyang bakla ka?”

“Malay ko sa kanya. Hindi naman parte ng usapan ng mga bagong nagkakilala ang sabihing, ‘siyanga pala, bakla ako.’”

“Pero sinabi mong partner mo ang hinihintay mo. `Tapos ako ang dumating. The fuck. Baka inisip niya na boyfriend kita kaya hindi siya lumapit sa akin. Baka nahihiya siya.”

“Uhm, actually, technically, basically, boyfriend mo naman talaga ako. Or Boyfriend mo pa naman talaga ako.”

“Hindi mo dapat sinabi na partner mo ako.” Napatayo ako at hinarap si Aljur.

“Malay ko ba. Nagsabi lang naman ako ng totoo.”

“Tsk,” hindi ko napigilan. Aljur hated me when I did this.

“Teka, parang ako ang sinisisi mo. May kasalanan ba akong hindi ko alam?”

“Hindi mo dapat sinabi na partner mo ang hinihintay mo. Ano `yon? Nahiya tuloy, hindi ako kinausap.”

“Ano bang ine-expect mo? Na `pag nagkita kayo, eh, hahawiin niya ang lahat ng nasa mesa, itutuwad ka niya doon at titirahin, `tapos babalik na kayo sa kung anong meron kayo no’ng high school? Gising, Drew. Antagal n’yong nagkahiwalay. Ikakasal na nga `yong tao. Maka-move on ka rin sana.”

“Madali sa `yo sabihin mag-move on…”

“Oo nga pala. Sorry.” Tumayo na rin si Aljur at kinuha ang T-shirt. Pagkatapos, lumabas na siya.

“Sorry,” hinabol ko siya. “Hindi `yon ang ibig kong sabihin. Huwag ka munang—”

“Hindi ako aalis,” sabi ni Aljur. “Nagugutom ako.”

“TL, LUNCH na kami. Sasabay ka ba?” tanong ng babae kong staff sa akin.

“Go ahead. I’m finishing something.” Gusto ko lang mag-isip muna. Tama naman si Aljur. Obviously, naka-move on na si Sylvestre sa akin. Wala na sa kanya ang mga nangyari noon. Nagkaroon na siya ng bagong buhay. Lalaki na nga siya. Nakalimutan na yata niya na minsan, puwit ko ang hanap niya.

Then my phone rang. Cassandra Calling . Hayaan mo siya. Pero wala. Isa. Dalawa. Tatlo. Hindi tumigil sa pag-ring ang telepono.

“I’ll get back to you,” malakas na sabi ko pagkasagot ko sa telepono na kunwari, may kausap ako, bago ko hinaan ang boses ko. “Hello, `Nay. Nasa meeting ako. Mamaya na lang.”

“Wait, anak,” sabi ni Nanay. “Huwag mo nang ibaba. Tell me first, paano ako papapasukin nitong guwardiya ninyo dito sa baba.”

Ano ang ginagawa ng nanay ko sa building namin? Ano ang ginagawa niya sa Pilipinas? Bakit ba nagbabalik ang mga nang-iwan sa akin dati?

“Ano’ng ginagawa mo dito, `Nay?” Ako na ang bumaba at nakipag-meet kay Nanay sa Starbucks.

“Hindi ko ba pwedeng bisitahin ang anak ko?”

“I’m working.”

“You’re not. You’re with me.”

“Cut the chase, `Nay.” Alam kong hindi babalik ng Pilipinas ang nanay ko para makita lang ako. Mayroon na siyang ibang anak sa Amerika. Kasama pa niya doon si Kuya. Or si Ate. Nasabi ko nang hindi ako sasama dahil maiiwan ako kay Tatay.

“Okay, but let’s keep this conversation civil, ha? Alas-tres nang madaling-araw, tulog na ang mga tao. Huwag tayong aastang parang confrontation sa teleserye. Is that clear?”

“Clear, Nanay,” sabi ko. “Shoot.”

“I want my marriage with your dad annulled,” sabi ni Nanay. “And I want half of everything we have.”

“Nanay naman. Hindi pa ba sapat na sinira mo na ang buhay ni Tatay? Kailangan mo pang kunin sa kanya ang lahat ng meron siya.”

“Kalma, anak. Tingin sa oras. Alas-tres.”

Huminga ako nang malalim.

“Hindi lahat. Kalahati lang. Hindi kanya ang kalahating iyon. Akin,” kalmadong sabi ni Nanay. “At ayokong nakikitang lahat ng naipundar namin na nauubos lang, dahil kalahati n’on akin. Kung gusto niya, `yong kanya na lang. Kukunin ko na ang sa akin.”

“Kaya naman naubos ang mga iyon dahil iniwan n’yo kami.”

“Iniwan ko lang kayo pero hindi ko kayo pinabayaan,” sabi ni Nanay. “Look at you. You’re doing damn good. And I am so proud of you, Drew. Kung natanggap lang siguro ng tatay mo na tapos na kami, at nagsimula siyang ayusin kung saan kami nasira, siguro kasing-ayos na rin natin ang buhay niya.”

“Bakit kasi kailangan n’yong masira? Bakit kailangang magmahal kayo ng iba?”

“Drew, alam ng tatay mo na siya ang iba ko. Mahal ko na si Steve bago ko pa makilala ang tatay mo. Siya ang masugid na nanligaw, at sinabi niyang kahit na pangalawa lang siya, tatanggapin niya. Isn’t that enough kindness enough na nakadalawa pa siyang anak sa akin? Malaki ang kasalanan ko kay Steve. Dahil kailanman, hindi niya ako kinalimutang mahalin. Ako ang nakalimot. Binalikan ko lang ang tunay kong mahal.”

“Even at the expense of your own family?”

“You are still my family. Ikaw, ang kuya mo. Hindi na magbabago `yon. Nadagdagan lang.”

“Hindi mo ako pamilya, `Nay. Iniwan mo ako. You hate us. You hate me. Why do you have to be so selfish? Why do you have to hate your life with us? With me? Why do you hate me?”

Lumapit si Nanay sa akin at hinawakan ang kamay ko. “I don’t hate you, Drew. You just love your dad so much. Even if you know na palalayasin ka lang niya kapag nalaman niyang bakla ka. Tulad ng ginawa niya sa kuya mo.”

“Kaya hindi niya dapat malaman,” sabi ko. “Ako na lang ang meron siya. Nasa iyo na si Kuya. Ako na ang kahating iniwan mo kay Tatay.”

“Okay,” sabi ni Nanay na kumalma na. “But please, prepare your dad. I love you so much, Drew. I loved Benjamin. But I love Steve more. And I’m not sorry for that. Please understand, Anak.”

Naiintindihan ko naman talaga. Lalo pa ngayon na tumanda na ako. Hindi rin naman ito ang una naming pag-uusap nang ganito. “Thank you, `Nay. Pero hindi ito magiging madali para kay Tatay.”

“Kaya nga nandiyan ka. Mabuti kang anak. Matalino. Alam mo na ang gagawin mo.”

Matapos ang isang mahigpit na yakap at mabilis na mga halik, naghiwalay kami ni Nanay. Bumalik ako sa opisina ko. Mag-aalas-kuwatro na nang madaling-araw. Patapos na ang lunch. Nag-text ako kay Nanay. Ang totoo, na-miss ko siya. Mahal ko siyempre ang nanay ko. Anoman ang naging desisyon niya sa buhay.

Nay, paano po ninyo nalaman na bakla ako? Nasabi ko ba dati?

Nag-reply si Nanay.

You didn’t. And you didn’t have to, Drew. Nanay mo ako. Alam ko na at ramdam na bakla ka. Lalo pa nang napapadalas ang pagtulog sa bahay natin ng best friend mo. Alam ko na, na nagmamahalan kayo.

Hindi na ako nakapag-reply. Ako na lang siguro ang hindi nakakaalam noon na nagmamahalan kami ni Sylvestre.

Tinawagan ko si Camina. Hindi sila pwedeng ikasal. Ako ang mahal ni Sylvestre.

“AYOKO na kasi ng puro chikahan,” sabi ko. “Gusto ko, aksiyon na.”

“Kaya ito, meron kang isandaang missed calls kay Camina,” sabi ni Aljur. “`Buti at hindi niya sinagot. Ikakasal na sila sa susunod na linggo! Ano’ng sasabihin mo do’n sa babae? Itigil ang kasal?”

As usual, Aljur picked me up from my work and we had our breakfast sa isang quaint restaurant malapit sa work niya. Sa mundo ng call center lang possible na mauna ang lunch sa breakfast. We had been doing this tuwing coding ako. And just like the usual, may sense na naman ang mga sasabihin niya sa akin. Dadalhin na naman niya ako sa tamang daan.

“Mas mabuti nang sabihin ko ngayon,” sabi ko. “Ayokong umeksena sa simbahan at sumigaw ng itigil ang kasal.”

“Bawal na `yon,” sabi ni Aljur. “Hindi na naghahanap ang pari ng mga tututol sa kasalan.”

“Kaya nga uunahan ko na,” sabi ko sabay higop ng mainit na kape.

“Bakit?” tanong niya na nakatingin lang sa akin.

“Anong bakit?” tanong ko pabalik.

“Bakit mo kailangang pigilin ang kasal?”

“Dahil ako ang mahal ni Sylvestre, hindi si Camina. Ulit-ulit?”

“Para kanino?”

“Para kay Camina. `Di ba nga, humingi siya ng tulong sa akin. Ito na ang sagot. Bakla ang mapapangasawa niya. Hindi siya pwedeng matulad sa asawa ni Percy.”

“Kay Camina lang?”

“Para kay Sylvestre. Best friend ko pa rin naman siya. Malaking pagsisisi ni Nanay na iniwan niya `yong Steve niya before. Kaya nadamay si Tatay, at kami ni Kuya. Ayokong mangyari kay Sylvestre ang gano’ng pagkakamali. Best friend ko pa rin siya.”

“Para sa kanilang dalawa lang?”

“Para na rin sa akin. `Yon ba ang gusto mong marinig?”

“`Yon ang gusto kong aminin mo sa sarili mo. Na napakamakasarili ng gagawin mo.”

“Selfish na kung selfish. Pero nare-realize mo rin naman na para din naman ito sa kanilang dalawa. Hindi matutuloy ang kasal, wala silang problema sa future. Lahat magiging okay.”

“Pati ba ako? Magiging okay?” tanong ni Aljur. Siya naman ang humigop ng kape.

Hindi ako nakasagot. Mali na naman ang naisagot ko. Barado na naman ako.

“Naisip ko naman na `yan.” Kinuha ni Aljur ang cell phone niya at nag-dial. Pinanood ko lang siya. “`Musta? Ayos. Pwede ako mamaya. Six PM? Ayos. Send ko address ko, ha.” Ibinaba niya ang cell phone. Ngumiti sa akin.

“Sorry,” sabi ko. “I didn’t mean to hurt you. Pero kung nasasaktan ka na, pwede na nating tapusin ang tatlong buwan. Two weeks na lang naman, eh.”

“Ambilis din ng pagbabago. Iba pala talaga ang Sylvestre’s effect.”

“Aljur naman.”

“Mabuti na rin naman na masakit ito para sa akin.”

“Sorry.”

“Okay lang,” sabi ni Aljur. “Masokista ako. Mas nararamdaman kong mahal mo ako kapag nagso-sorry ka sa akin.”

“Kasalanan `to ni Sylvestre. Sasabihin nilang mahal nila ako, `tapos mawawala na lang sila. You don’t do that to people.”

“Sige, siya na lang din sisisihin ko.”

Hindi ako nakapagsalita.

“Ginagawa iyon ng lahat ng tao. Sasabihin nilang mahal ka nila, `tapos iiwan ka,” sabi ni Aljur. “Tanggapin mo na `yon. Huwag mo na silang sisihin.”

Tahimik na lang kami at bumalik sa pagkain.

“You don’t have to feel guilty meeting that guy later in your condo,” basag ko sa katahimikan.

“Talaga?”

Ngumiti lang ako.

“Alam mo ba na kapag nag-i-English ka, may isang layer na ng pagpapanggap na nagaganap,” paliwanag ni Aljur na hindi ko alam kung saan papunta. “Hindi mo `yon ginagawa para magpa-cool. Hindi ka naman Inglisero sa totoong buhay. Ginagawa mo `yan para pagtakpan ang totoo mong nararamdaman. Hindi mo masabi ang gusto mo talagang sabihin. Hindi mo maipakita ang gusto mo talagang ipakita.”

Hindi ako nagsalita.

“May ‘you don’t have to feel guilty’ ka pang nalalaman,” sabi ni Aljur. “Eh, nagseselos ka naman talaga.”

“Naiintindihan ko naman talaga na naghahanap ka na ng iba,” sabi ko. “Malaya ka na. It is unfair na kitang-kita mong hung up ako kay Sylvestre habang tayo pang dalawa. Sige lang, go fuck somebody else.”

“Nagseselos ka lang,” panunukso pa niya. “Hindi mo matanggap na may ibang kakantot sa akin, `no? Gusto mo, meron ka nang Sylvestre, may Aljur ka pa.”

Hindi pa rin ako nagsalita. Tuloy lang kami sa pagkain.

“Ayokong may ibang kakantot sa `yo. Totoo naman `yon,” mayamaya, sabi ko.

Tumaas ang kilay ni Aljur.

“Pero kahit hindi kantot, kahit halik lang, o yakap. O kahit magkasama lang kayong dalawa sa iisang kuwarto. O kahit iisang pagkakataon, na mabubura niya ako sa isip mo, ayoko.”

“Kasi?”

“I’m jealous.”

“Filipino.”

“Nagseselos ako.”

“Mabuti naman. Hindi ako ang imi-meet niya sa unit ko. Ikaw.”

Napatigil ako sa sinusubo ko.

“Si Martin Sylvestre `yon,” dugtong ni Aljur. Sumenyas siya sa waiter at hiningi ang bill. Pagkatapos ay inubos ang kape.

“Bakit meron kang number niya?”

“Naki-table nga siya sa akin, `di ba?” paliwanag ni Aljur. “Eh, pogi naman talaga. Kaya iyon, nakipagpalit ako ng number.”

Hindi ko mapigilang sumama ang loob. Masakit din iyon, ah.

“Naiintindihan mo naman talaga na naghahanap na ako ng iba, `di ba?” paraphrase ni Aljur sa sinabi ko kanina. “Andami-dami mo nang nagawang mali sa akin. Isang buwan na lang, tapos na ang tatlong buwan.”

“I hate you.”

“Alam ko,” sabi ni Aljur. “But you love me more.”