noveltoon logo noveltoon
Sylvestre's Wedding

Chapter 10

Ch. 11 / 20 Feb 05, 2022

D ISENTE kaming dumating ni Aljur sa event. Ito ang first time namin kaya nagpaka-safe kami. Polo shirt, denim jeans. I wore my Doc Martens. Aljur was on a pair of chucks. May ibang mga lalaki nang nauna. Siguro, nasa walo na ang mga nasa loob. May mga beer na silang hawak na mukhang nanggaling sa cooler sa kusina. May mga chips din doon na nagkalat. Kumpara sa bridal showers na maayos ang lugar, mukhang frathouse na hindi inayos nang isang taon ang lugar na ito. Iba na ang amoy.

“Ano `yong amoy na `yon?” tanong ko.

“Testosterone,” sagot ni Aljur.

“Hey,” sabi ng isang lalaki. “Grab a beer. Martin will be here soon.”

Hindi pa pwede, wala pa akong pamilyar na mukhang nakikita. Kumuha na lang ako ng beer at chips. Iyon din ang ginawa ni Aljur.

“Pogi n’ong chinito,” sabi ni Aljur. “Ganda ng arms.”

“Scouting ka na rin, ah,” sabi ko.

“Oo naman. One month na lang, eh.”

“Do’n ka na lang sa isa. `Ayun, o.” Tinuro ko ang isang mukhang tisoy.

“Pinamigay na lang talaga niya ako, o,” sabi ni Aljur.

“Nauna ka kayang maghanap.”

“Tine-test lang kasi kita.”

“Huwag ako ang i-test mo. Mamaya, si Sylvestre ang ilalagay natin sa hot seat.”

Habang nasa isang sulok kami at gine-grade-an ang mga lalaki, hinihiwalay ang mga buo sa durog na paminta at hinuhulaan kung sino ang pwede naming iuwi, dumating ang hinihintay ko.

“Castillo!” matinis na boses na bati sa kanya ni Garlitos.

Agad kong nilakihan ng mata ang bagong dating.

“Joke lang, mga pare,” sabi ni Garlitos sa mababang boses. May tatlo pang lalaki sa likod niya. “Nandito na ba si Sylvestre?”

“Martin na siya ngayon,” sabi ko. “Call him Martin, kundi hindi niya kayo lilingunin.”

“Hung up ka pa rin, dude, ah,” sabi ni Prince, isa pa sa mga co-officier namin noong high school.

“Hindi mo naman sinabi na i-invite mo ang first boyfriend mo,” bulong ni Aljur.

Tumango si Prince kay Aljur. Ngumiti naman si Aljur.

“Ikaw ba ang latest three month nito?” tukoy sa akin ni Prince habang nakatingin pa rin kay Aljur.

“Yup,” sabi ni Aljur. “Mag-expire na sa kasal ng ikakasal.”

“Ako naman,” sabi ni Garlitos. “Pa-three months din. Hindi na kita natikman uli. Kung kailan mas hot ka na.”

“Reserve the memories later,” sabi ko kay Garlitos.

Kumuha na rin ng inumiin ang mga bagong dating at nagkwentuhan.

Ilang sandali pa, dumating na rin ang bida ng gabi.

“Whoa! What’s this all about?!” Ang laki ng ngiti ni Sylvestre. `Tang-ina, I missed those smiles so much. They were not for me anymore, though. Tumalikod na muna ako at bumalik sa cooler para kumuha pa ng isang beer.

“Aljur?” Narinig ko si Sylvestre. Hindi ko nilingon pero naramdaman kong lalapit siya sa jowa ko. “Nandito ka?”

He didn’t sound upset. Akala ko, maiinis siya kapag nakita kami. Hindi pa rin ako lumingon.

“Wait? Garlitos? Josel?”

“Ako nga!” sabi ni Garlitos.

“Please don’t embarrass me, ha,” sabi ni Sylvestre na walang pananakot. Mukhang nagbibiro.

“Iba ka na nga,” sabi ni Garlitos.

“Ibang-iba na,” sabi ni Sylvestre, pagkatapos lumipat pa siya sa iba naming ka-batch noong high school. “Rhon? Prince? Gaston? May reunion pala. Sayang wala ang mga babae.”

“Reunion, eh, kung hindi pa kami tinawagan ni Castillo, hindi namin malalaman na nasa Pilipinas ka na,” sabi ni Rhon.

“I have Drew to thank pala for inviting you,” sabi ni Sylvestre.

Tumalikod na ako at lumapit sa kanila. Mukhang masaya si Sylvestre sa nakita. Akala ko, magagalit siya na makita ang buhay niya noon. Iba na siya oo, pero ito ang pinanggalingan niya. Hindi niya ito pwede basta-bastang talikuran.

“Drew, thank you for coming,” sabi niya. “Iwan ko muna kayo, ha. Punta lang ako do’n sa iba.” Lumayo siya sa amin at nakipag-apir sa mga lalaki sa sofa.

Iyon na ang sa akin? Thank you for coming. `Tang-ina talaga ito.

“Drew, bitawan mo ang kutsilyo,” sabi ni Aljur.

Natigil ako sa pagtingin kay Sylvestre at napatingin kay Aljur. Wala naman akong hawak na kutsilyo. Napansin ni Aljur ang pagtataka ko sa sinabi niya.

“Parang gusto mo kasing pumatay ng tao. Nandito tayo para mag-enjoy,” paliwanag niya.

“Papatayin ko talaga `yan,” sabi ko. “Nakakainis. Iyon na `yon sa akin, thank you for coming? Putang ina niya, ibubulgar ko talaga mamaya kung sino ako sa buhay niya!”

“Ano’ng plano?” sabi ni Aljur. “Sabihin mo na, para magkasama tayo sa kulungan.”

“Sweet ninyo,” sabi ni Prince. “Sayang hindi tayo naging ganyan ka-sweet. Tanggal-libog lang kasi ako noon.”

“Shut up, Prince,” sabi ko.

Natawa si Aljur. “Ako rin naman yata.”

“Shut up, you both,” sabi ko. Lumayo ako, pumunta sa veranda ng condo.

Nagpahangin ako, iniisip kung paano mapagkukuwento si Garlitos ng nakaraan namin. Doon kami nagsimula, sa shower area, sa bibig ni Josel. Ang aming unang halik. Na naulit nang naulit na kami na lang dalawa.

Kulang ang pangalawa kong beer kaya’t kumuha pa ako. Balik sa veranda, pinanood ang galaw ng mga tao sa loob. Umiikot si Sylvestre sa mga mga lalaki sa loob, kinikuwentuhan. Catch up. Hanggang sa lumapit siya sa grupong dala ko.

Magkakausap ang schoolmates ko at si Aljur nang lapitan sila ni Sylvestre. Pinanood ko lang sila. Si Aljur, tingin nang tingin sa akin, as if checking if I was okay. Nginitian ko lang siya para hindi ako lapitan. Ayoko siyang palapitin dahil si Sylvestre ang hinihintay kong lumapit.

Pero parang hindi mangyayari. Nakailang beer na rin ako at nang maubos ang hawak ko, humakbang ako papasok mula sa veranda. Pero hinarang ako ni Aljur. May dala siyang isang lata para sa akin, at isa para sa kanya.

“Kaya mo naman, `di ba?” At inabot niya ang isa para sa akin.

“You know me,” sabi ko. “I don’t get drunk.”

“Alam ko. Si Sylvestre lang yata ang nakalasing sa iyo, at ang tagal ng hangover. Kung may plano ka, simulan na natin at lumalalim na ang gabi. Kung nakapag-excuse ka ngayon, ako hindi ako pwedeng um-absent bukas.”

“`Tang-ina niya, eh,” sabi ko. “Antagal ko na dito, ayaw akong lapitan.”

“Sa tingin mo ba, gusto niyang nandito ka? Hindi!” sabi ni Aljur. “Para kang tanga. Pumunta tayo dito, `tapos di-display ka lang pala. Halika. Lapit tayo do’n.”

Pumunta kami kina Garlitos. Kausap nila si Sylvestre.

“At ito na pala ang best friend ko,” sabi ni Sylvestre at lumapit sa akin at yumakap. Mukhang marami na rin siyang nainom. Namumula na ang mga pisngi niya.

“Best friend,” sabi ko na tinanggap ang yakap niya. Hindi ako nakayakap pabalik dahil sa gulat.

“I missed this guy so much,” sabi ni Sylvestre. “Mahal na mahal ko ito…”

Nanlaki ang mga mata ni Aljur, nakipagpalakihan ng mga mata sa akin. Grabeng kaplastikan ito. Magagalit si Mother Earth at mahihirapan siya sa pag-decompose nito.

“Akala ko nga bakla na ako, eh,” tuloy ni Sylvestre.

Hindi na naman ako nakapagsalita. Saan nanggaling ang banat na iyon?

“Sayang, hindi natuluyan,” sabi ni Garlitos. “Ang sarap pa naman ninyo.”

Nakatingin lang sa akin si Aljur. Naghihintay ng gagawin ko. Hindi ko alam ang gagawin. This should be awkward. Dapat mapapahiya si Sylvestre. Pero ano ang nangyari? Kinuwento lang niya ako bilang bahagi ng nakaraan na parang tanggap niya.

“Mahal na mahal ka rin ni Drew,” sabi ni Aljur.

“I know,” sabi ni Sylvestre. “That’s why you are here.” Lumingon siya at tinawag ang iba pang bisita. “Guys, these are my high school friends. I wouldn’t be where I am right now without them. Especially this guy.” Mas inilapit ako ng akbay ni Sylvestre sa kanyang katawan. “I only had my Tita and my cousins growing up here. But this guy, Drew, he was may family. I love this guy so much.” Hinalikan ako sa pisngi ni Sylvestre. Napangiti ako at itinaas ang lata ng beer na hawak. Nagpalakpakan ang mga lalaking kaibigan ni Sylvestre.

Niyakap ako ni Sylvestre. Pagkatapos, ako naman ang yumakap. Napapikit ako. Nakita ko si Aljur na nakangiti sa akin. Parang naiiyak siya. Naiiyak din ako. Fuck this beer. Hindi ako nalalasing, pero ito ang epekto sa akin.

Nagbitiw kami ng yakap.

“O, ako naman ang ipakilala mo,” sabi ni Garlitos.

“Oh. This one is a gay guy,” sabi ni Sylvestre. “Wait, I am assuming. Are you still gay?”

“Baklang-bakla, hanggang wakas, mula simula,” sabi ni Garlitos.

“So anyone, I think he is available,” sabi ni Sylvestre at nagtawanan ang lahat. “He gives great blowjobs.”

Lalong lumakas ang tawanan nang kinuha ni Garlitos ang mic at tinangkang isubo nang buung-buo.

“So that’s your gay squad?” tukoy ng isang kaibigan ni Sylvestre sa amin, iyong chinitong maganda ang arms.

“Whoa! So you’re the straight squad,” hirit ni Aljur. Medyo ayaw niya sa labelling at triggered siya sa mga ganitong usapan.

Napangiti ang chinito. Napangiti rin si Aljur. Pero ang ngitiang iyon ay mukhang pagsisimulan ng away.

“Cool lang, guys. Mamaya na `yang init ninyo `pag lasing na tayo,” sabi ni Sylvestre. “I miss these guys. Ngayon na lang uli kami nagkita-kita.”

“Available din ako, kung sino gustong magpa-convert,” sabi ni Prince. “I’m good in this religion. Makakarating ka sa langit for sure.”

Napansin kong hindi natanggal ang tingin ng chinito kay Aljur. Kinabahan ako. Sana hindi ito homophobe at saktan siya.

Kaya naman inihiwalay ko na ang grupo namin sa grupo nila. Tuloy ang kuwentuhan ng buong grupo. Ako, hindi ko nagustuhan ang nangyayari. Hindi ito ang plano ko. Hindi ito normal. Dapat matatawa sila sa kabaklaan ni Sylvestre, hindi sila matutuwa. Bumalik ako sa veranda. Sumunod si Aljur.

“Ubos na `yang beer mo,” sabi ni Aljur at nag-abot ng bago.

“The fuck is wrong with that guy?”

“The fuck is wrong with you?” sabi ni Aljur. “Obviously he has moved on. You’re just a laugh for him.”

“Lasing ka na. English na, eh,” sabi ko. “But no, he has not. And he cannot move on from me.”

“Hindi ka ba mauubusan ng plano?”

“Aljur, ano ito?” Itinaas ko ang lata ng beer.

“Beer,” sagot niya.

“Alak. At `pag may alak, may balak!”

NAUNANG nagpaalam ang schoolmates namin. Nabawasan na rin ang mga bisita ni Sylvestre na hindi niya kilala. Apat na lang silang natira. Kami naman ni Aljur, nagkaroon ng sariling mundo sa veranda. Niyaya nila kami pero mas gusto namin ang moment namin. Hinihintay namin silang maubos. Kailangang masolo ko si Sylvestre. Kailangan niyang magpaliwanag sa mga nangyari.

“Mukhang walang planong umuwi ang mga iyan,” sabi ni Aljur.

“Tagalog na uli,” sabi ko.

“Wala nang amats,” sabi ni Aljur.

“CR lang ako,” paalam ko.

Napadaan ako sa inuman nina Sylvestre sa sofa. Bagsak na ang dalawa. Si Sylvestre naman, kaya pa. Nakangiti pa sa akin nang magtama ang mga mata namin.

Pagkatapos ng matagal na pag-ihi, ang dami rin kasi talaga, naghugas ako ng kamay at naghilamos. Ang pula-pula ko na rin. Pagkatapos, lumabas ako pabalik sa veranda.

Tulog na ang tatlo sa sofa. Wala si Sylvestre. Nakarinig ako ng pagbagsak. Nakita ko si Sylvestre sa sahig sa veranda. Nagmamadali akong tumakbo at itinayo siya. “Ano’ng nangyayari?”

Galit si Aljur. Nakatingin kay Sylvestre. Si Sylvestre naman tumayo, parang galit din kay Aljur. Pinag-aayawan ba nila ako? Naramdaman ko ang buhok kong bumagsak mula sa veranda patungo sa ibaba ng building. Sinapian ako ni Rapunzel.

“Ang dramang kaya ko, hanggang dito lang,” sabi ni Aljur na ini-level ang kamay sa mata niya. “Pero kayo, nandito na.” At inilampas niya ang kamay sa ulo. “Hintayin kita sa lobby. Mag-usap kayo.”

Habang pinapanood kong lumayo si Aljur, tinabig ni Sylvestre ang kamay kong tumulong magtayo sa kanya.

“Ano’ng nangyari?” tanong ko.

“Why are you here?” tanong sa akin ni Sylvestre. Seryoso siya, at mukhang walang pakialam sa mga una kong nasabi at sa mga una niyang pagpapakilala sa akin sa kanyang mga kaibigan.

Naguluhan ako. Hindi ko alam. Hindi ako nakapagsalita.

“Leave. Sumunod ka na do’n sa syota mo,” sabi ni Sylvestre.

“Huy,” sabi ko. “Pinalalayas mo ako?”

“Sinabi ko na before. Ayoko nang magkita tayo uli. But here you are, trying to destroy every inch of good memory I have of you. Umalis ka na, at kakalimutan kong nangyari ang gabing ito.”

“Si Camina ang nagpapunta sa akin dito.”

“Si Camina ang sinunod mo? Ako na mas may iniingatan kang alaala? Bakit siya? Bakit hindi ako ang sundin mo?”

“Really? Tell me, bakit kita susundin?”

“I don’t know. Maybe try telling me first. Tell me, why are you here?”

“Pinapunta nga ako ni Camina.”

“Sorry but you fail. Hindi mo masisira ang kasal namin.”

“Wala akong planong sirain ang kasal ninyo.”

“Then why bring my past back here?”

Hindi ako nakasagot. Hindi nawala ang galit na galit na mga mata ni Sylvestre sa mga mata ko. Hindi ko alam ang pinanggagalingan ng galit na iyon, pero pinipilit ako niyong magsabi ng totoo.

“Dahil mahal kita.”

“Alam ko,” sabi ni Sylvestre. “Pero huli na. Hindi na kita mahal.”

“Hindi pa pwedeng mahuli. Minahal mo ko, minamahal kita, pero hindi pa tayo nagmamahalan. Hindi ba pwedeng subukan muna natin?”

“I’m getting married.”

“Call off the wedding. Maghihiwalay lang din kayo. Dahil bakla ka, at ako ang mahal mo.”

“You don’t even know me anymore.”

“Nagkahiwalay lang tayo, pero hindi pa nawawala ang nararamdaman mo sa akin. Galit ka pa sa akin. Hindi galit ang kawalan ng pagmamahal.”

“Ano’ng pinagsasasabi mo? Galit ako kasi gusto mong sirain ang kasal ko.”

“`Yang kasal mo ang sisira sa `yo.”

“Don’t act like my savior when you’re the one who let me down before.”

Napatanga ako. How could I have let him down?

Huminga nang malalim si Sylvestre at tumalikod sa akin. “Minahal na kita, Drew,” sabi niya. “You were my family and I loved you even more than that. Pinili kong kalimutan lahat, pero ayaw mo.”

Hindi ko pa rin maintindihan.

“Ipinagpilitan ko ang sarili ko sa iyo. Kaya kong kalimutan ang nanay ko, just to be with you then. Pero ayaw mo. Kapit na kapit ka sa pagkalalaki mong hindi mo naman napatunayan.”

Naalala ko ang sinabi ni Sylvestre noon. Just right after graduation. Niyaya niya akong maging kami. Tumanggi nga ako. Ang tanga-tanga ko. Tumanggi ako. Bakit ako tumanggi?

“Sorry,” sabi ko habang humahakbang papalapit sa kanya. “I was young. And I was afraid. Ayaw ni Tatay sa bakla. You don’t know what my struggles were.”

“We were young.” Humarap siya sa akin. “Parehas tayo. But you chose fear.”

“Like it was an easy option. High school tayo. `Pag naging bakla ako, ano? Pagagalitan ako ni Tatay? Hindi pala pagagalitan, sasaktan, bubugbugin, itatakwil tulad nang ginawa niya kay Kuya.”

“Itakwil ka niya, iwan mo siya. Magsasama tayo.”

“High school nga lang tayo?! Hindi tayo mabubuhay ng pagmamahal lang.”

“But love will help us find our way. Kukuha tayo ng dorm, doon tayo titira, we will get a scholarship para magtuloy. We will work if we need to. Hindi naman kita pababayaan.”

“Hindi ko kayang iwan ang tatay,” sabi ko. “Madali sa `yong umalis dahil wala ka namang iiwan.”

“I understand,” sabi ni Sylvestre. Pagkatapos tumahimik siya. Kumalma. “That’s why we are here right now, like this. The options that we chose. And again I am begging you, let this be the last time that we meet.”

“Sylvestre…”

“Sylvestre’s gone,” sabi niya sa akin.

“Martin please,” pakiusap ko at yumakap sa kanya. “Subukan mo naman akong mahalin uli. Mahal na mahal pa rin kasi kita.”

Pilit niya akong tinanggal sa pagkakayakap sa kanya. Hindi ako bumitiw. Ayokong bumitiw. And the struggle made me trip. Nadulas ako. Sumunod si Sylvestre na napapatong sa akin. Nagkatitigan kami. Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. Hindi siya galit, malungkot siya.

Lumapit ang mukha niya sa mukha ko. Pumikit ako at hinintay ang mangyayari.