H INDI ako nakatulog. Hindi dahil sa hilik ni Sylvestre, kundi dahil sa mga huling salitang sinabi niya. Ginawa ko siyang bakla. Paano magiging bakla ang napakaguwapong lalaking nakahiga sa dibdib ko? Ang lalaking nakatikim sa pinakamagagandang babae sa campus? It really flattered me, pero hindi ko iyon kayang basta tanggapin. Mahal ko siya, pero hindi naman ako bakla. Pero hindi pa ba sapat na dahilan na mahal ko siya para tawagin akong bakla?
Hinalikan ko si Sylvestre sa noo. Nagising yata siya. Tumingala siya at iniabot ang mga labi niya sa mga labi ko. Isang matamis na halik.
“Dude, pinagod mo ako,” sabi niya. “Five minutes pa.”
Bumalik siya sa pagkakatulog at umalingawngaw na naman ang kanyang hilik. Paano niya nagagawang matulog nang ganoon kabilis?
Nakangiti pa ako sa talent sa pagtulog ni Sylvestre, hanggang sa marinig ko ang mas malakas na kalabog sa kabilang kuwarto. Marahan kong inalis sa pagkakahiga sa akin si Sylvestre para silipin ang ganap. Nag-shorts muna ako at lumabas. Nakita kong pababa si Kuya ng hagdan at walang pakialam si Tatay na pinapanood siyang bumaba.
“Halika, Drew,” sabi ni Tatay at umakbay. “Tayong dalawa na lang.”
Naintindihan ko lang ang nangyari nang mapansin ko ang pink at kumikinang na tela na bitbit ni Kuya. “`Tay? Saan pupunta si Kuya?”
“Bahala siya,” sabi ni Tatay. “Huwag mo siyang susundan. Huwag kang magiging baklang tulad niya!”
Umalis ako sa pagkakaakbay ni Tatay.
“Bakit, Drew?” Nakita ko ang galit sa mga mata ni Tatay.
“Babalik pa ba si Kuya?”
“Wala na siyang babalikan.”
“`Tay,” sabi ko na may takot.
“Bakit?”
“Okay lang po ba kung sundan ko si Kuya?”
“Bakla ka rin ba?”
Umiling ako. “Magpapaalam lang ako kay Kuya.”
PAGKAGISING kinabukasan, tumuloy kami sa beach sa Batangas. Nag-contribution ang mga CAT officers na grumaduate para makapag-swimming. Parang nakalimutan na ni Sylvestre ang pinag-usapan namin. Ako naman, hindi ko na binalikan ang sinabi niya. Bakla siya? Imposible. Mas lalaki pa sa akin itong si Sylvestre, at mapapatunayan ito ng pinakamagagandang babaeng kasama namin.
Pero wala sa beach na ito ang mga babae sa tabi ni Sylvestre. Ako ang katabi niya. Naka-board shorts kami pareho at may orange na lifevest. Nagpapalutang-lutang sa medyo malalim na bahagi ng dagat.
Lumapit sa amin si Clarin, kasama ang iba pang mga ka-batch namin.
“Hay nako, Martin,” pansin ni Clarin kay Sylvestre. “Naubusan ka na ba ng babae at itong si Drew na ang pinalit mo?”
Nagtawanan ang lahat.
“Tapos na ako sa magaganda,” sabi ni Sylvestre. “Kaya pagkatapos ni Drew, si Gaspar naman.”
“Huy, hindi tayo talo,” sabi ni Gaspar, isa sa batallion commanders na grumaduate.
Nagtawanan uli. Napansin kong hindi gusto ni Sylvestre na madaming kasama. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya. Tulad kasi noong nakaraang gabi, parang may sasabihin pa rin siyang hindi masabi
“Doon tayo sa raft,” yaya ni Sylvestre.
Lumangoy pa kami papunta sa balsa sa may kalayuan. Sabay kami, matapang dahil mayroon namang life vest. Doon kami naupo. Nakalubog sa dagat ang aming mga binti at mga paa. Unti-unti, kinalabit ng mga daliri niya ang mga daliri ko hanggang pumatong ang kamay niya sa kamay ko.
Tumingin ako kay Sylvestre. Nakatingin lang siya sa langit. Nakangiti.
“Hanggang kailan kaya tayo ganito?” sabi ni Sylvestre.
“Hanggang gusto natin,” sabi ko. “Hindi naman natin kailangang maghiwalay. Magsasama pa rin tayo sa college.”
“Oo naman,” sabi ni Sylvestre at mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko.
“Ano tayo? UP, Ateneo o La Salle?”
“Ikaw,” sabi ni Sylvestre. “Walang tapon naman kahit alin diyan sa tatlo.”
“Kung saan mas maraming magagandang babae.”
“Kung makamagandang babae ka naman, parang nakatikim ka na, eh, ako pa lang naman ang natitikman mo,” sabi ni Sylvestre. “Bakit kasi ayaw mong maging akin ka na lang?”
“Ang sama mo,” sabi ko. “Syempre ayoko namang tumikim ng mga pinagsawaan at napagpilian mo na.”
Natawa na lang si Sylvestre. “Sa akin ba, nagsasawa ka na?” tanong niya mayamaya.
“Hindi ako magsasawa sa `yo,” sabi ko. “Sarap kaya natin.”
“Hanggang sarap lang ba tayo?”
“Ano pa ba?”
“Mahal kita, Castillo.” Doon lang tumingin sa akin si Sylvestre.
“Mahal din kita.”
Ngumiti si Sylvestre. “Tayo na ba?” tanong niya.
Natawa ako. Ang totoo, gusto ko na. Pero paano? Si Kuya. Si Tatay. “Sylvestre, nababakla ka na ba talaga?”
“Oo, eh.”
“Gago. Huwag ka ngang joker.”
“Hindi ako nagjo-joke,” seryosong sabi niya. “Sige na, bakla na lang tayo. Mahal naman natin ang isa’t isa.”
“Kung makaimbita ka naman.”
“Hindi mo ba kayang maging bakla para sa atin? Para sa akin?”
“Dude, hindi tayo gano’n,” sabi ko at unti-unti kong binawi ang kamay ko. Naalala ko si Tatay at si Kuya.
“Takot ka, `no?” Biglang ngumiti si Sylvestre. “Tara na, balik tayo, walang life vest.”
“Hindi pa ako magaling lumangoy,” sabi kong binalot ng kaba.
“Hindi naman tayo bakla, bawal matakot,” sabi niya.
“Gago.” Natawa na naman ako.
“Hindi naman tayo malulunod. Dagat `to, lulutang tayo. Tara na,” pilit niya.
Hindi pa rin ako kumbinsido.
Tinanggal niya ang suot na lifevest, pagkatapos ay lumapit sa akin. Tinanggal ang pagkakabuhol ng mga tali ng vest ko. “Hindi naman kita pababayaan,” bulong niya.
“Sige,” sabi ko. “Tatalon ako, basta sabay tayo.”
Ngumiti si Sylvestre at tumango. Sabay kaming nagbilang. One. Two. Three. Sabay kaming tumalon.
AT MULA sa isang Star Cinema Rom-Com, magiging isang teleserye na ang kuwento. Kung saan pagkaahon ko sa tubig ay isang semester na ang nagdaan.
Pinunasan ko muna ang sarili ko bago kinuha ang cell phone ko para alamin ang oras. Pumunta sa mga private messages. Hindi ko binura ang huling PM ni Sylvestre. SG na ako. Ingat ka diyan sa ` Pinas, wala na ako.
Reply ako. Oo naman, para sa `yo.
Nasundan ng mga messages ko na mula sa oras-oras, naging araw-araw na. tuluy-tuloy na mga mensahe ko na walang reply mula sa kanya.
Iyon na iyon. Wala na nga siya.
Hindi ko alam kung paano ko kinaya ang anim na buwan na hindi ko nakikita o nakabalita man lang kay Sylvestre. Nagpakapagod na lang ako, para makatulog nang mabilis. Dahil pagod na pagod na ang isip ko sa paghahanap ng dahilan kung bakit bigla na lang nawala sa akin si Sylvestre.
Hindi pa rin bumabalik si Kuya.
Pinayagan akong mag-swimming hanggang 10 PM sa clubhouse. Kung hindi naman ako lumalangoy, tumatakbo ako sa subdivision. Paikot-ikot lang, dahil kapag kumawala ako sa ruta, maliligaw din ako tulad ng isip kong hindi alam ang pupuntahan. I was lost without Sylvestre, at nakakapagod ang pagkawala niya. Pagod na kahit itulog, balisa pa rin pagkagising.
Nag-away sina Nanay at Tatay. Sinisi ni Nanay si Tatay sa paglalayas ni Kuya. Hindi ko masabing pinalayas siya ni Tatay. Wala pa rin kaming balita kay Kuya.
I then focused on my acads. Itinuloy ko ang pangarap naming course, kahit mag-isa. The readings helped. Nai-park ko sandali si Sylvestre habang pinupuno ng gadangkal na mga babasahin mula sa kurso ko.
Nagkita na sina Nanay at Kuya. May sarili na raw pera si Kuya sa pagpapageant-pageant niya. Ang galing ni Kuya.
Kahit patuloy ang mga mensahe ko kay Sylvestre, nanatili siyang walang paramdam. Sinimulan kong kalimutan na lang siya tulad ng sa tingin kong ginagawa niya sa akin. Pero may kapangyarihan ang mga multo na manggulo, lalo pa sa mga panahong may kailangan kang gawin.
Late na ako sa klase kaya pagkabangon ko, dumeretso na ako sa aparador para magbihis, wala nang ligo-ligo. Pumunta ako sa mga underwear, wala na. hinalungkat ko at sa ilalim, nakita ko ang naiwan pang briefs ni Sylvestre. Hinawakan ko iyon nang mahigpit. Inamoy. May kakaibang init sa katawan ang bumalot sa akin. Bumalik ako sa kama at hinawakan ang aking katigasang dahil sa umaga pero mas dahil sa alaala ng briefs na hawak ko.
Nagtaas-baba ang kamay ko. Matagal ko nang hindi nagawa ito, at ang pakiramdam, napakasarap. Kasabay pa nito ang mga alaala ng mga pagkakataong kay Sylvestre ang hawak ko at siya ang may hawak ng sa akin. At ang kanyang mga halik, mula sa mga labi, pababa sa dibdib. Ang dila niyang alam na alam kung paano patigasin ang aking utong kasabay ng mga mata na nanunukso ang tingin sa akin. Pagkatapos, tutuloy siya sa pagsubo sa akin. Ang init ng kanyang bibig na nagpapaungol sa akin. At iiwan niya akong basang-basa bago umupo sa aking harapan at umindayog. Sasakyan niya ako, habang sinasabayan ko ang kanyang galaw. Mula sa mabilis, ay magiging marahan siya at lalapit ang mukha sa akin para magdampi ang aming mga labi.
Ang matatamis niyang halik. Wala na. Alaala na lang. At nabitawan ko ang briefs niyang inaamoy ko. Napadilat ako, wala sa harap ko si Sylvestre. Susunod sa pagdilat ko ang pagluha. At kahit hindi ko pa natatapos, lalambot na ako at mawawala na ang init na hindi natapos. Maginaw na naman ang umaga.
SABI nila, exciting ang first sem, pero wala. Hindi ko na-enjoy. Wala akong naging kaibigan, puro si Sylvestre ang iniisip ko. Six months was enough. Kung ayaw na niya, huwag na. Desisyon naman ang mag-move on at sabi ko, sisimulan ko na.
May dumating para tumulong.
First day ng klase, may laman na ang classroom nang dumating ako at naupo sa bandang likod. Sakto dahil ilang sandali lang, dumating na ang medyo may-edad na lalaki. Pero bago siya makapasok, sumingit ang isang pamilyar na lalaki at nagmamadaling pumunta sa tabi ko.
“Ayos, naunahan ko si Sir,” sabi niya.
Hindi ako nagsalita.
“Castillo naman. Tinabihan na kita, hindi ka pa rin ba magsasalita?” sabi ng lalaki.
Tinitigan ko siya. Nakilala. “Gaspar?” gulat ko. “Dito ka rin ba?”
“Prince na lang,” sabi ni Gaspar. “Sa Human Kinetics ako. Dito rin sina Clarin at Garlitos. Sampu tayong nakapasa dito. Mukhang wala kang alam.”
“Iba ka na.” Iyon lang ang nasabi ko. Oo, maiksi ang buhok namin sa CAT dati. Pero ngayon, skin head na siya.
“Last sem pa. College na tayo, dude. Magpakatotoo na tayo.” Pagkasabi niyon, hinawakan niya ang hita ko at pinisil.
Sa unang pagkakataon, sa matagal na panahon, nakaramdam ako ng kuryente mula sa hawak ng ibang tao. Kasabay nawala ni Sylvestre ang sex life ko. At kahit pagpapaligaya sa sarili, napakadalang na rin.
“Lunch tayo later,” yaya ni Gaspar.
Pero huwag na tayong mag-dwell sa lunch with Gaspar. After kumain, nag-CR ako at sumunod siya.
“Alam ko naman ang ginagawa ninyo ni Sylvestre dati,” sabi niya. “Pagbigyan mo rin sana ako.”
Tumingin ako sa pinto, mukhang walang may planong pumasok. Hinila ko si Gaspar papunta sa cubicle at doon ko siya hinalikan. Lumaban din siya ng halik. Itinaas niya ang damit ko, sinupsop sa dibdib.
“Ahhh,” impit kong sabi. Matagal na nang huli ko itong maramdaman. `Tang-ina mo, Sylvestre. Hindi lang ikaw ang may dila, sabi ko sa sarili ko. Binuksan ko ang zipper ko at ibinaba ang pants kasama ang briefs. Itinulak ko si Gaspar pababa sa aking katigasan.
“Malaki ka nga,” sabi ni Gaspar at nagsimulang magpakasasa sa aking harapan.
“Isubo mo `yan lahat,” sabi ko.
Siubukan niya, pero medyo naubo siya.
“Huwag kang maingay,” sabi ko.
“Kaya ko `to,” sabi niya at muling sinubukan. Dahan-dahan, hanggang sa naramdaman ko ang ulo ng akin sa loob ng kanyang lalamunan, may kakaibang sikip na humahaplos sa pinakasensitibong bahagi ng aking titi. Dahan-dahan. Hanggang sa nakasanayan na ni Gaspar ang laki ko.
Iniluwa niya ang basang-basa kong titi at hinawakan. Nilaro niya ng kamay habang dinidilaan paulit-ulit ang ulo.
Hinawakan ko ang ulo ni Gaspar, at muli siyang sinubuan. Walang sabit. Hindi ko na hinayaang ulo na lang niya ang magtaas-baba. Hinawakan ko ang ulo niya at ako naman ang kumadyot sa kanyang mukha. Pabilis nang pabilis dahil hindi ko na mapigilan ang pagkapuno ng aking tigas na tigas na titi.
Nakatingin sa akin si Gaspar na alam kong nasasarapan kahit namumula ang mata sa pagluluha sa ginagawa ko sa kanya. Pabilis pa rin nang pabilis.
“Malapit na ako, Prince,” sabi ko hanggang sa ibinaon ko ang sarili ko sa kanyang bibig. “Ahhhhhhh!”
Nilabasan ako, tinangka kong hugutin ang sarili ko dahil medyo natauhan ako. Hindi masyadong makatao ang ginawa ko kay Gaspar. Baka nasaktan ko siya. Pero hinawakan ni Gaspar ang puwit ko at ibinaon pa ako lalo sa kanyang bibig.
Nakaramdam na ako ng kiliti, said na ang aking katas. Hinayaan ako ni Gaspar. Pero pagkaluwa niya ay hinawakan pa rin niya ako at dinilaan ang aking malaki pa rin kahit lumambot nang pagkalalaki.
Hingal na hingal kaming lumabas ng cubicle. Pawisan. Nagpunas lang kami at lumabas na.
“Sorry,” sabi ko.
“Okay lang,” sabi ni Gaspar. “Sarap nga, eh. Next time, fuck mo ako.”
Nag-PM ako kay Sylvestre. Hindi ko alam kung nababasa pa niya o hindi. Nagsex kami ni Gaspar, natatandaan mo pa siya? Si Prince?
Gaspar became my constant fuck. Pero bago mag-midterms, may nangyari sa bahay. Isang malaking away ang naganap.
“Hindi na pwede,” sabi ni Nanay. “Napagbigyan na kita. Alam mong darating ang araw na ito.”
Gabi iyon at lasing uli si Tatay nang dumating si Nanay at ayusin ang mga gamit sa kanyang bag. Kasama ni Nanay si Kuya. Na mukhang ate na.
Nagising si Tatay.
“Walang aalis!” sigaw ni Tatay.
Doon ako nagising. Pagdating ko sa kabilang kuwarto, mahigpit ang yakap ni Tatay kay Nanay.
“Nasasaktan ako, Benjamin,” sabi ni Nanay. Kaya lumapit kami ni Kuya para tulungan siya. Malakas si Tatay at naiintindihan namin ang sakit ni Nanay. Pero dahil sa kalasingan, bumigay si Tatay. Natanggal namin ang mga kamay niya kay Nanay.
Lumayo si Nanay at kinuha ang bag.
“Sorry,” sabi ni Nanay na umiiyak. “Drew, sorry.”
Umalis siya kasama ni Kuya.
Tinawagan ko si Gaspar. Sumagot siya.
“Sorry, Drew,” sabi niya. “But I need to sleep. Bukas na lang.”
That’s the last time na lumapit ako kay Gaspar. Iyon na rin ang huli naming sex.
Nag-PM ako kay Sylvestre. Iniwan na rin kami ni Nanay. Nasaan ka. Kailangan kita.
Umasa pa rin ako ng reply. Asa lang.
Wala na si Sylvestre. Wala nang papalit sa kanya. Mag-isa na ako. Kailangan ko nang matutong mag-isa. Madali lang iyon aralin. Ang mahirap ay ang pagkalimot na minsan, nagkaroon ka ng kasama. Humaba ang gabi, naging singhaba ng mga umaga. Para mabawasan ang pag-iisip, pinagod ko na lang ang sarili sa ibang bagay.
THE CONSISTENT running and swimming made my body lean. Si Gaspar ang unang nakatikim sa ganda nito. May mga sumunod pa sa kanila. Unti-unting inaalis ang alaala ni Sylvestre sa pakikipagtalik. Pero hanggang doon lang. Wika nga ni Sylvestre, tanggal-libog lang. May mga sumubok na lumampas sa libog, binigyan ko sila ng three months.
Pero hanggang three months lang. Ayoko nang lumampas dahil baka mahulog ako, pagkatapos sa dulo, wala namang sasalo. Ako na lang ang tatalon. Maraming isda sa dagat, at masarap silang tikman isa-isa. Malaki, maliit, bata, matanda. At minsan, isang may-edad na lalaki na rin ang nagdala sa akin sa dagat. This is our third month, alam niyang matatapos na kami, and he wanted it to be memorable.
Mula sa beach, itinuro niya sa akin ang isang floating kubo.
“Langoy tayo do’n,” sabi niya.
Sumunod naman ako.
Papalapit pa lang, napansin ko nang nagkakaroon ng liwanag ang kubo. At pagkaahon, may naka-setup na dinner.
“Hindi po,” sabi ko at tumalon pabalik sa dagat.
SA PAG-AHON ko uli, tapos na ang flashbacks. Pitong taon na rin ang lumipas. Mas malaki na ang katawan ko, hindi na pang-student na biyaya lang ng parental genes ang ganda. Na-develop na ng crossfit ang mapintog kong mga braso, hita at binti, ang pecs sa dibdib ko at ang abs na pamparami ng likes sa Instagram page ko.
Well, ito naman kasi ang hinahabol nila sa akin. Pampataas ng market value ko. Ticket ko sa magagandang destinations tulad ng beach na ito. Ang swimming na ito na kasi ang warm up ko. Kailangang toned ang katawan, at mas maganda ang sunkissed na balat. Mas sexy. Mas mataas ang market value.
Mahirap mag-isa kapag pangit ka. Alam mong nandiyan ang mga kaibigan mo para kaawaan ka. Pero kapag guwapo ka at mag-isa, mag-uunahan sila para kaibiganin ka, para samahan ka. Of course, superficial friendship.
When you knew everybody would just leave you eventually, unahan mo na sila. Naintindihan ko na si Sylvestre for making his three-month-rule. Since matatapos naman lahat, taningan na. Walang biglaan, tantsado ang sakit na mararamdaman.
Dumeresto ako sa cabin ko at nagbihis. Maiksing pulang shorts. Large T-shirt galing sa kids department. At isang buoy na may mahabang tali. Life guard ako ngayong araw.
Three knocks. Iyon ang utos sa akin. Isa. Dalawa. Tatlo.
Bumukas ang pinto. Walang tao. Sinundan ko ang foyer papunta sa living area. Doon naghihintay ang kliyente ko. Hindi pala kliyente, mga kliyente kung saan ang pinakakailangan kong paligayahin ay nasa gitna, naka-satin nighties at may belo. Samantalang ang iba, parehong nighties ang nasa loob ng mga roba.
Kita ko ang kanilang pagsinghap at pagkagat sa kanya-kanyang mga labi pagkakita sa akin. This will be easy, sabi ko sa sarili ko.
“Meron daw ditong kailangang sisirin?” tanong ko, sabay kindat.
Nagtilian ang mga babae.
Inihagis ko ang buoy na may built-in speaker. Inayos ko ang playlist sa iPhone ko. Play. Simula na ang pinakamahalay na sayaw sa kasaysayan ng mundo.
Una, ako lang mag-isa, kasama ang isang upuan. Dito ko unang tatanggalin ang aking damit. Ipahahawak sa mga nanonood ang bawat cuts ng aking katawan. Para akong santong gusto nilang hawakan pero kuryente ang madarama sa paglapat ng kanilang mga kamay. Matitira na lang ang kapirasong tatsulok na tatakip sa aking kayamanang bawal nilang makita. Bawal nilang hawakan.
Pangalawa, dalawa sa mga bridesmaid. Pwede namang lahat, pero dagdag bayad na. Ang dalawang sa malayo nakatingin ang pinili ko. Gusto ko iyong mga nag-iinarte. Iyong mga virgin at pa-virgin. Iba ang init ng balat nila kapag nadikitan ng balat ko. Mas mainit. Mas nakakaganang sumayaw. Mas masarap idampi ang katigasan sa kung saan mang bahagi ng katawan nila gusto.
Siyempre, may sariling dance ang maid of honor. Kasama niya ang upuan. Dahil doon niya ako uupuan sa pagtatapos ng sayaw. Siya ang matagal na makakadama ng naghuhumindig kong katigasan. Habang ang kanyang kamay ang nakahawak sa aking mga kamay. Siya na ang bahala kung saan niya ito gustong igabay.
Huli ang bride.
“Mrs. Averilla-to-be, you’re next,” sabi ko.
Then cue sexy music.
HIningi ko ang kanyang kamay na agad namang ibinigay. Dinala ko siya sa kuwarto. Locked the chains. For formality lang ang pagkakasara. Dahil sa kaunting siwang, pwedeng manood ang mga alipores. Kasabay ng sexy RnB, hihiga ako sa kama. Si Bride na ang bahala kung ano ang gusto niyang gawin sa akin.
Pero syempre, hindi ako papayag na hindi mapansin.
“Sa isang linggo ka pa magiging ‘Mrs..’ Ayaw mo bang i-enjoy muna ang pagiging Ms. Garcia?” At magsisimula akong maging parang lalaking bagong gising sa ibabaw ng kama, nakahiga, nag-iinat-inat para ma-flex ang bawat hibla ng muscles kong pinatikas ng swimming.
Naupo ako sa kama, Itinaas ang kamay, pinagsalikop ang mga daliri at inilagay sa batok. Mas lalong namintog ang mga braso ko, at lumabas ang aking mga pecs. “Halika na, Ms. Garcia,” yaya ko. “Walang ganito si Mr. Averilla. Wala nang ganito kapag kinasal ka na sa kanya.”
Malaki ang bayad sa akin. Kaya naman may research ding involved sa raket na ito. Alam ko na ang mga gusto ng babaeng ito at ang kahinaan ng lalaking pakakasalan niya. At iyon din ang kahinaan ni Ms. Garcia. Hinawakan ko ang aking dibdib. Kulang pa. Nilawayan ko ang aking hinlalaki at binasa ang aking utong. Tumungo ako kay Ms. Garcia. Hindi na siya nakatiis at lumapit sa akin.
Mula sa dibdib, hinaplos niya ang bawat bahagi ng aking katawan. Sumabay sa ritmo ng music. Ako naman ay parang inaapuyan. Napapaso at napapaliyad sa kanyang mga hawak. Humahalinghing. Humihinga nang malalim. Dama ko ang pag-iinit ni Ms. Garcia sa binibigay kong palabas.
Ganoon din ang mga babae sa labas. Ang kaninang mga tawanan sa pinto ay napalitan ng katahimikan. Tuwang-tuwa silang pinapanood si Ms. Garcia sa paglalaro sa aking katawan.
Doon ko inutusan si Ms. Garcia.
“Isara mo na,” sabi ko. “Solohin mo na ako.”
TAPOS na ang araw ko. Pero mayroon pa ako hanggang bukas para manatili. Pwede pa akong magtawag ng pwede kong isama. Professional naman ako. Pagkatapos ng business, saka darating ang pleasure. Habang wala pa ang kasama ko, dinner muna ako sa kuwarto.
Suite A ako. Doorbell ka na lang, PM ko. Kasunod ng selfie na bukol na bukol pa rin ang 2(x)ist na briefs.
Yummy. Take it off, reply ni Aljur.
I was feeling a little masunurin and naughty. Hinubad ko ang briefs at isinabit sa aking katigasan. Selfie. Then I sent it to Aljur.
Parang gusto ko munang magpark at magpalabas ah, reply ni Aljur sa photo ko.
Reserve mo na sa akin `yan.
Okay. Huwag ka nang maghanap ng iba, ha. Mahaba ang gabi natin, reply ni Aljur.
Singhaba nito? Pagkatapos, kinuhaan ko ang katigasan ko ng picture at muling sinend sa kanya. Ikaw ang huwag nang maghanap ng iba. Baka may makita kang guwapo sa daan. Isakay mo sa kotse mo, sunod kong message na may kasunod na smiley.
Ayan ka na naman, eh, reply ni Aljur na may crying emoji.
LOLJK. Reply ko habang inuubos ang sandwhich na binaon ko mula sa restaurant.
Ding-dong. Walang isang oras. May dumating na. Malamang hindi si Aljur. Ilang oras na biyahe pa lang niya mula sa trabaho sa Maynila.
Sino `to?
Sinilip ko. May kapayatang lalaki. Hindi naman payat. Lean. Pwede na. I’d fuck this guy. But he looked familiar. Hindi na ako nagdamit. Kinuha ko na lang ang tuwalya at itinapi sa katawan ko bago pagbuksan ang bisita. “Yes, can I help you?”
Isang sapak ang ibinungad niya sa akin. Malakas. At dahil hindi ako handa, nalito ako kung ano ang uunahin. At mas naging priority ko ang tuwalya sa katawan ko. Ayoko namang makipagsapakan na nakahubad. Ang epekto, nawala ako sa balance ko at natumba.
Sinamantala niya ito at dumamba sa akin. Namukhaan ko siya sa pag-ibabaw niya. Kaya pala siya pamilyar. Siya si Mr. Averilla. Nasalo ko ang sumunod niyang pagsapak at natawa. Mahina naman talaga ang suntok niya.
“Boss, pasensiya na, trabaho lang `yon,” sabi ko.
“Ulol mo,” sabi ni Mr. Averilla. “Sinolo mo ang asawa ko. Nakakadiri kayong mga call boy!”
Doon na nagpanting ang mga tainga ko. Hindi ako call boy. Well, not in that sense. Pero hindi ko inilalako ang pagkalalaki ko para kumita. Isa itong sining.
Dahil mas malaki ako nang di-hamak sa parang twink na ito, mabilis ko siyang naihiga at ako na ang pumaibabaw.
“Inaral ko ang art and politics ng strip tease at macho dancing sa UP, hindi ito basta-basta call-boy call-boy-an lang,” galit kong sabi kay Mr. Averilla.
“Wala akong pakialam,” sabi niya na tinatangkang pumiglas. “Gago ka. Sinisira mo ang kinabukasan namin. Maghihiwalay na kami. Hindi ko kayang pakasalan ang babaeng inunahan mo na.”
Natawa ako nang malakas habang hawak ang mga kamay niya sa ulunan. Hindi ko binitawan, baka saktan na naman ako.
“`Tang-ina mo,” sabi ni Mr. Averilla. “Tinawanan mo pa talaga ako. Demonyo kang call boy ka.”
“Oo dahil bobo ka.” At ang pagkakaupo ko, ginawa kong pagkakadapa para lalo siyang hindi makagalaw at maasar ko pa lalo. Ang liit-liit na lalaki, susugurin ako.
May epekto pa ang gamot na ininom ko para sa sayaw, kaya malaki pa rin at naninigas ang harapan ko. Nadama ko ang pagtigas ng pinapatungan ko. `Tang-ina. Bakla pala ang gago. Tinitigasan sa ginagawa ko sa kanya.
Masyado na pala akong malapit sa kanya. Napatingin siya sa mga mata ko. Naamoy ko na ang kanyang hininga. Puta. Nagyoyosi. May hitsura naman ang mokong, kaso nagyoyosi. Niluwagan ko ang pagkakahawak sa kanyang mga kamay at agad tumayo.
“Ano ba’ng iniisip mong ginawa ko sa asawa mo?” tanong ko. Pero sa pagtayo ko, naipit pala ang towel ko sa pagkakahiga ni Mr. Averilla. Lumantad ang kahubaran ko sa harap niya.
Hindi siya sumagot. Agad siyang bumangon at natulala. Nakatitig sa pagkalalaki kong nakaturo sa kanya. Ilang sandali pa ay tumaas ang tingin niya sa akin. Napangiti ako. Dahan-dahan, hinawakan niya ang nakatindig kong ari.
“Baka kasi hinawakan mo siya, at hinawakan ka rin niya nang ganito?” sabi ni Mr. Averilla habang tinataas-baba ang kamay niya sa harap ko. May libog ang kanyang salita. Hindi ako nakakilos sa pagtataka.
“`Tapos, hinalikan mo siya dito?” Hinalikan niya ang dibdib ko. Pinaikot ang dila sa utong.
Hindi ko maiwasang mapaungol. Ayoko sa nangyayari, pero hindi ako makalaban. Masarap. Mainit ang pagdampi ng bibig niya sa aking katawan. Nakakapaso.
Ibinaba niya ang kanyang board shorts. Good. Walang briefs. You shouldn’t wear briefs under board shorts. Iyon talaga ang naisip ko dahil wala naman akong planong patulan itong lalaking ito. Ikakasal na siya. At paparating na ang partner ko. Well, actually, may partner na ako.
“Ang sarap mo,” sabi ni Mr. Averilla. “Hindi ko naman masisisi ang fiancé ko kung nabaliw siya sa iyo.”
Mula sa katawan ko, bumaba si Mr. Averilla at isinubo ang aking kabuuan. Walang sayad, deretso sa lalamunan. Sinubukan ko siyang itulak pero nanatili ang pagkakahawak niya sa baywang ko. Mas dinidiin ang kanyang mukha sa aking harapan.
“Tama na,” sabi ko. “Okay na.”
Tinanggal ni Mr. Averilla ang bibig niya sa titi ko at ipinalit ang kamay. “Ang hirap mo pakawalan. Ang sarap mo. Nakakabaliw.” At muli niya akong isinubo.
Hindi ko alam kung anong mga salita ang ginamit niya na nakapagpainit sa akin. Ang mahirap akong pakawalan. Ang masarap ako. O ang nakakabaliw. Pero doon ko siya unang hinawakan sa ulo at sinimulang bayuhin ang mukha.
“Ahhh! Nababaliw ka ba sa kin?” tanong ko kay Mr. Averilla
“Oo,” sagot niya. At muli akong isinubo nang buung-buo. Damang-dama ko ang dila niya na bumabalot sa bawat daanang balat ng aking pagkalalaki. Sanay ang lalaking ito sa mga titi. Hindi ako ang unang sumayad sa kanyang lalamunan. Marunong na siya at ina-apply sa akin ang lahat ng naranasan na.
Ako naman ang trumabaho sa ipinunta ni Mr. Averilla sa aking suite. Itinayo ko siya. Inaral ko ang kanyang katawan. Payat pero mukhang bumibisita rin sa gym. Twinkish. Maumbok ang muscles sa tamang lugar. Lalo na ang puwit.
Itinalikod ko siya sa akin at pinahilig sa pader. Nilawayan ko ang aking kamay at binasa ang kanyang likuran. Isa pa, at ang daliri ko naman ang isinalat ko sa kanyang butas. Nilawayan ko pa uli para hindi siya masaktan masyado. Pagkatapos ay ipinasok ko ang daliri ko sa loob niya.
“Amf,” ungol niya.
Hindi ako tumigil. Iniikot ko ang daliri ko sa kanyang loob. Dinagdagan ko ang laway sa aking kamay pero sa mas ibaba ko pa ipinahid, sa kanyang butas. Hindi siya umangal. Isinunod kong ipasok ang isa ko pang daliri. Lalong napaungol si Mr. Averilla. “Masarap ba ako?” tanong ko.
Hindi siya sumagot, sa halip ay nag-utos. “Pasukin mo na ako.”
“Masarap ba ako?”
“Oo,” sagot niya. “Pasukin mo na ako.
“Say please,” utos ko.
“Please,” sabi ni Mr. Averilla.
“Spread your cheeks,” utos ko. Sumunod siya at pinaghiwalay ang pisngi ng kanyang puwit. Pinagmasdan ko ang kagandahan ng kanyang likuran. “Play with it.”
Masunurin si Mr. Averilla. Siya naman ang nagpasok ng kanyang daliri sa kanyang butas.
Hindi ko inalis ang paningin ko sa pagpapaligaya niya sa sarili habang kinukuha ang condom. Isinuot ko na agad ang proteksiyon habang papalapit sa kanya. Inalis ko ang kanyang kamay sa butas niya at itinutok ang naghuhumindig kong katigasan. Ikiniskis ko ang ulo sa kanyang bukana.
“Ipasok mo na, please,” pakiusap niya at humawak sa gilid ng aking balakang.
Unti-unti akong umabante papasok sa kanya. Masikip si Mr. Averilla. Dahan-dahan kong ibinaon ang ulo ko sa kanya hanggang sa makapasok sa mas maluwag na bahagi ng kanyang kalooban.
“Agh,” sabi ni Mr Averilla na napadiin ang mga kuko sa aking baywang.
Ibinaon ko muna ang aking kabuuan at dinama ang pagkakasakal ng kanyang puwit sa aking katigasan. Iginiling ko ang sarili habang diin na diin ako sa kanya.
“You’re so big,” sabi ni Mr. Averilla. “Ang sarap.”
Dumura ako sa harapan ko na bumagsak sa manipis na buhok ng aking pagkalalaki. Kasabay nito ay marahan akong umatras. Tama lang ang dami ng laway na nilagay ko. Tama lang ang dulas, kaya agad ko nang ipinasok lahat sa loob ni Mr. Averilla. At ang marahan kong ritmo, unti-unting bumilis.
“Ahhhh…” hindi magkandamayaw na ungol ni Mr. Averilla.
Ang sarap. Sorry, Aljur. Hindi mo naman malalaman. Hindi ko ipaaalam. Hindi ka masasaktan.
AMOY maalat ang kuwarto. Magkahalong alat ng pawis at dagat, nang dumating si Aljur. Naka-towel na lang ako nang pagbuksan siya. Mga ilang oras din bago siya dumating.
“Nasaan na ang briefs?” tanong ni Aljur.
“Gusto mo pa ba ng briefs kung pwede namang deretso na?” Tinanggal ko ang towel at tayung-tayo pa rin ang nagpupugay kong pagbati sa kanya. Salamat sa gamot, dalawang araw itong titigas kahit ilang beses gamitin.
Agad itong hinawakan ni Aljur na sinabayan ng nananabik na halik sa akin. “I miss you, baby,” bulong niya.
“I miss you, too,” sagot ko at inihiga ko na siya sa kama.
SABAY na kaming nag-lunch at bago maghapon, nagbabad pa sa dagat. Hanggang sa dumating na ang pagsisid ng nagbabagang-araw sa hindi nagpapaawat na karagatan. Naupo kami ni Aljur sa raft sa gitna ng dagat.
Habang papalubog ang araw, naramdaman kong tumingin si Aljur sa akin. Nanatili akong nakatingin sa sunset. Kinakabahan ako. Ayoko ng mga ganitong tingin. Medyo three weeks na kaming nagde-date. For the last two weeks, sabi niya, exclusive na.
Well, that made me feel guilty. Kagabi lang, bago ko siya patungan, eh, ibang butas ang aking pinasukan. Sana maitago ko ang sikreto na ito. In two months and a week, tapos na naman kami. Alam ko iyon, alam niya iyon. Pero may hirit siya kasunod ng nakakakaba niyang tingin.
“May chance kayang lumampas tayo ng three months?” tanong ni Aljur.
Binawi ko ang kamay ko. Shit. But I just sinned last night.
“Okay,” sabi niya. Kinuha na rin niya ng sariling kamay at tumingin sa papalubog na araw. Pagkatapos ay nag-dive siya. Bumalik sa pampang. Sumunod na rin ako.
Pinulot na ni Aljur ang mga gamit namin sa pampang pagdating ko. Pagkatapos ay iniabot niya sa akin ang cell phone. “Mr. Averilla raw,” sabay talikod pagkakuha ko ng phone.
“Wala namang sagutan ng tawag nang may tawag,” sabi ko. “Nakakabastos.”
“Oo, Drew,” sabi ni Aljur. “Nakakabastos.”
Pinatay ko na lang ang tawag na hindi na alintana kung ano ang sasabihin ni Mr. Averilla. “Sorry,” sabi ko. Alam ko namang napupuno na sa akin si Drew.
“`Tang-ina lang kasi,” sabi ni Aljur. “Kailan daw mauulit ang ginawa ninyo? Ano `yon? Ano `to? Lokohan?”
Bad trip. Bakit ba kasi hindi pang-one-night stand ang katawan ko? Binabalik-balikan. Hindi na lang ako nagsalita. Ano ang sasabihin ko? Guilty ako.
“Sana lang, naghugas ka muna bago may nangyari sa atin kagabi. Para naman hindi masyadong nakakadiri,” sabi ni Aljur at lumayo na papunta sa suite namin.
“Linis mo rin, eh, `no?” bulong ko.
“Eh, di sige,” sabi ni Aljur. Minsan talaga, may pagka-bionic ear ang lalaking ito, eh. Pagkatapos, tuloy pa siya sa pagsasalita. “Kasalanan ko pa rin ang panloloko mo sa akin.”
Hindi na ako nilingon ni Aljur at tumuloy na sa paglalakad.