noveltoon logo noveltoon
Sylvestre's Wedding

Chapter 17

Ch. 18 / 20 Feb 05, 2022

I LANG sandali pa, tumunog, at kahit hindi pa tuluyang bumubukas ang elevator, pumasok na ako. Diniinan ko ang close button kahit alam kong hindi iyon makatutulong para bumilis ang pagsara. Kailangan kong maabutan si Aljur. Ito na iyong parang sasakay siya ng eroplano, at hahabol ako sa airport na kahit gaano ako kalayo, hindi ako mapipigilan ng trapik, ng mga dumaraang mga tao, at kahit ng anumang krimeng magaganap. Mahahabol ko si Aljur at magyayakap kami. Maghahalikan, at iikutan kami ng kamera na para bang walang pakialam sa amin ang mundo.

Pero sana, hindi ko hiniling ang trapik o anumang sagabal. Akala ko ay masayang nasa mataas kaming floor. Nagsisi ako. Bawat floor na daanan ng elevator, humihinto. Kung walang papasok, meron namang bababa.

Fourth. Third. Second. Ito na. Ground floor na. Bumukas ang elevator at hinawi ko ang mga nakaharang sa daan kong hindi ko maintindihan ang dami gayong, nagmamadali na ang gabi para magmadaling-araw.

Tinakbo ko ang lobby papalabas ng ospital at sa hagdan ng bukana nito, tumayo ako, sinipat ang buong paligid kung saan maaaring nandoon si Aljur. Pero wala akong nakita. Pinilit ko pa ring maghanap pero wala talaga. Humakbang ako ng ilan. Pababa sa hagdan. May iilan na lang na mga tao ang nandoon. Hindi isa sa kanila si Aljur.

Naupo ako sa hagdan. Sising-sisi. Ang dami kong gustong sabihing hindi ko pa nasisimulang isipin. Nararamdaman ko lang. Gusto kong magpaliwanag, gusto kong bawiin ang lahat ng sinabi ko. Gusto kong magmakaawa. Pero wala naman akong masasabihan, mapagpapaliwanagan o mahihingan ng awa.

Hanggang may maghagis sa akin ng limang piso. Tumaginting ang tunog. At sa pagtalbog nito sa lupa, sumunod ang aking mata. Hanggang sa hanapin ko ang taong naghagis, ang nagbigay ng limos sa akin.

“Mukha kang pulubi diyan,” sabi ng boses.

Tumingala ako na sana ay hindi ko ginawa. Si Kuya. Tumabi siya sa akin.

“Wala na? Huli ka na?” tanong niya.

“Oo,” sabi ko.

“Tanga mo kasi, eh.”

“Alam ko naman,” sabi ko. “Pero handa naman akong kalimutan na. Hinabol ko nga.”

Natitig lang ako kay Kuya. Nakatitig din siya sa akin. Parang gusto niyang idikdik sa akin ang katangahan ko. Ang kaartehan ko. Tinangka ko pang magpaliwanag. Na kahit hindi marinig ni Aljur, mailabas ko man ang nasa sistema ko.

“Pero katangahan bang isipin kong aayusin ko muna ang sarili ko? `Tapos `pag kumpleto na ako, nalinis ko na ang lahat ng sakit na dulot ng walang pinatunguhang pag-asa, at maging alaala na lang ang makakahulugang pangyayari sa amin ni Sylvestre, eh, doon ko na lang siya babalikan. I just wanna be fair. Siya ang iniisip ko. And I don’t think that is selfish.”

“Ano uli ang aayusin mo?” tanong ni Kuya.

“Sarili ko.”

Ngumiti si Kuya na nakakaasar.

“But that is not for me,” depensa ko. “Para sa amin iyon. Ayoko lang siyang maghintay habang ginagawa ko iyon.”

“Kasi?”

“Para hindi huminto ang buhay niya.”

“Bakla, three months nang naka-park ang buhay niya sa buhay mo. Ilang buwan ba ang plano mo para maayos ang sarili mo?”

“I don’t know.”

“Eh, gago kang bakla kang selfish ka talaga,” sabi ni Kuya. “Bakit hindi mo na lang madaliin ang pag-aayos ng buhay mo para kay Aljur. Hindi na para sa iyo. Kasi gano’n `yon kung mahal mo siya at iniisip mo siya, aayusin mo ang buhay mo para sa kanya. Pero mas mahal mo ang sarili mo.”

Napaisip ako. Bakit ako pinagkakaisahan nina Kuya at Aljur?

“Bakit? Mali ba na mas mahal ko ang sarili ko?”

Natahimik si Kuya. Malamang napaisip din siya.

“Actualy, hindi ko rin knowsung, teh,” sagot ni Kuya. “Mas pinapaboran lang ng society ang nagsasakripisyo.”

Natahimik kaming dalawa.

“Ganito na lang, wala namang magche-check ng sagot natin,” sabi ni Kuya. “Ikaw na lang ang mag-decide. Sa tingin mo ba, sa ginawa mong pagmamahal sa sarili mo, eh, masaya ka?”

`Tang-inang tanong `yan. Isa pang rhetorical question. Masaya ba ako?

“Gaano katagal ka nang naka-three month rule?” dugtong ni Kuya. “Ilang taon mo nang mas pinapahalagahan at iniingatan ang sarili mong hindi tuluyang ma-in love? Na ang kapalit ano?”

Hindi na naman ako nakasagot.

“Ngayon, napunta ka na sa sitwasyon na ikaw naman ang nahulog bago matapos ang tatlong buwan? Ano na? masaya ka pa ba?”

“Masakit talaga, Kuya,” sabi ko.

Binatukan ako ni Kuya.

“Bakla ka, magsinghaba ang shorts ko at panty, tatawagin mo akong kuya. Ayan, mas masakit na gusto mo.”

“Sakit talaga, ha,” sabi ko. “Sige na, gising na. Hindi na tanga. Hahabulin ko na si Aljur. Thank you, Ate.”

Nagyakap kaming magkapatid. Pagkatapos, bumulong si Kuya.

“Actually,” sabi niya. “`Yong katangahan mo naman na sinasabi ko, eh, walang kinalaman sa love. Sana kaya, sinubukan mo munang tawagan si Aljur bago mo siya hinabol sa elevator. Di sana, hindi siya umalis.”

NAKAILANG ring na ang cell phone ni Aljur. Pero ni isang beses ay hindi niya ito sinagot. Bawat failed attempt kong ma-contact siya ay lalong bumibilis ang pagmamaneho ko. Mabuti na lang at magbubukang-liwayway na sa ilang sandali. Kaunti ang sasakyan, maluwag ang expressway, walang disgrasya. K ung magkakaroon man, ma-guilty ka, Aljur. Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?!

Maayos naman na ang kalagayan ni Tatay. Sinabi ni Nanay na hindi niya hahayaang mamatay si Tatay at siya na ang pumilit sa aking habulin si Aljur. Naipaliwanag na pala ni Kuya kay Nanay kung paano ako nabuhay nitong mga nagdaang taon.

“Anak, go. Set yourself free,” sabi ni Nanay. “Masamang damo ang tatay mo. Kahit mamamatay na ang kabayo, hindi `yan kakainin. Habulin mo na si Aljur.”

Hindi ko na itinama si Nanay. Hinawakan ko ang kamay ni Tatay at nagpaalam. “`Tay, `wag ka munang mamamatay ha.” Humigpit ang hawak ni Tatay sa kamay ko.

Pero wala si Aljur sa condo niya. Sabi ng guard, pagkarating, umalis din kaagad.

“Saan daw po siya pupunta?” tanong ko sa guard na may kalandiang babaeng naka-costume ng maid.

“Sorry po. Hindi nagpapaalam sa akin ang mga umaalis sa building,” sagot ng guard na tinawanan ng kasama niya.

Oo nga naman.

“Pero koya, may dalang Amerikana,” sabi ng kasambahay.

Sa Batangas. Sa kasal. Pupunta si Aljur sa kasal. Tinawagan ko si Sylvestre. Asa pa akong sasagot siya. Pagkatapos ay si Camina naman. Hindi rin sumasagot. Muli, kay Aljur na lang ang numero kong tinawagan. Wala.

Papasikat na ang araw nang dumating ako sa resort kung saan gaganapin ang kasal.

Nasa Batangas ako. Usap tayo. Hindi naman natin kailangang matapos. Text ko kay Aljur pagka-park na pagaka-park ko ng kotse.

Aligaga na ang wedding planner sa panggigising ng mga bisita para magbihis na dahil ilang oras na lang, gaganapin na ang kasal. Laking tuwa niya nang makita ako.

“Sir Drew, akala ko, si Sir Aljur na ang papalit sa inyo. Pumayag naman sina Ma’am Camina.”

“Nasaan si Aljur?” tanong ko.

“Ay, nasa kuwarto niya po.”

“Saan ang kuwarto niya?”

Agad kong pinuntahan ang kuwarto ni Aljur. Ang kuwarto naming dalawa. Dahil espesyal nga pala ako sa kasal na ito, meron akong sariling kuwarto kasama si Aljur. Napaka-insensitive ni Sylvestre para pagsamahin kami sa isang kuwarto kahit alam niyang ang araw ng kasal niya ang araw ng paghihiwalay namin ni Aljur.

Binuksan ko ang kuwarto namin. Walang tao. Nasa kama ko ang suit na isusuot ko. Malamang, inayos na ni Aljur para sa akin, pero hindi ko kailangan ang suit. Si Aljur ang kailangan ko.

Muli akong nag-dial. Hindi pa rin sumasagot si Aljur.

Dumating ang isa pang wedding coordinator. “Sir, prep na po kayo. Pictorials na po in a while.”

“Nasaan si Aljur?” tanong ko.

“Kanina po, nagpapaalam kay Ma’am Camina…”

Hindi ko na siya pinatapos magsalita. Agad akong lumabas ng room. Tapos ay bumalik din ako kaagad. “Saan ang room ni Camina?”

NAPATINGIN sa akin ang reflection ni Camina sa salamin habang nakahawak ang dalawang kamay niya sa kaliwang tainga, kunwaring inaayos ang pearl earing na hindi bagay sa suot niyang bathrobe. Maganda na ang kanyang makeup, na mas pinaganda pa ng ilaw na sinasalo ng kanyang mukha.

Click.

“Great!” sabi ng photographer.

Tinanggal ni Camina ang kamay sa tainga na mukhang ngawit na ngawit na sa pagkakahawak sa hikaw na hindi naman niya isinuot. Mabigat na ibinagsak niya ito sa mesa. Nanlaki ang mga mata sa akin. Imbiyerna.

“Bakla ka, what are you wearing? Balik ka na sa kuwarto ni Martin, you will be next na!” sabi ni Camina. Pero agad nagbago ang kanyang mood. Gulat pero walang emosyon. “Wait, what’s with the face? Matutuloy ba ang kasal ko o hindi?”

“I don’t know Camina,” sabi ko. “I’m just here to look for Aljur.”

“He just left,” sabi ni Camina. “So, may nangyari na ba sa inyo ni Martin?”

“Wala, Camina,” sabi ko. “He’s all yours. He is straight as fuck. Go marry him. He loves you so much. Now tell me, where is Aljur going?”

“Walang nangyari?” galit na sabi ni Camina. “Hindi pwede!”

Tumayo si Camina at iniwan ang production staff ng kanyang kasal. May mga sinasabi pa ang mga tao pero hindi niya pinansin. Sumunod ako kay Camina sa hindi ko alam na dahilan. Mas galit kasi siya kaysa sa akin. Eh, ako ang naghahabol sa aking forever.

“Camina, wait,” sabi ko. “Did I say something wrong?”

Hindi nagpatinag si Camina at tuluy-tuloy lang sa paglalakad. Nakasunod ako. Nakasunod ang production staff.

“Ma’am. `Yon naman pong sinusukat ang sapatos, Ma’am,” sabi ng staff.

Hindi rin iyon pinansin ni Camina.

“Ma’am,” papansin ng mga taong sumusunod sa amin.

“Shut up!” Huminto si Camina at sumigaw. Naging halimaw. Hindi ko iyon ine-expect. So out of her character. “Go back there! Wait for me! At huwag ninyo akong utusan ng gagawin dahil ako ang nagbabayad sa inyo! Go back to the room and fuck yourselves!”

Hindi nakakilos ang mga tao ni Camina. Mabilis silang bumalik sa kuwartong pinanggalingan nila. Ako naman, hindi na nagsalita. Ayokong masigawan ng fuck yourself. Lalo pa’t mukhang may nasabi akong makakasira sa kasal nila. Wala na nga si Aljur sa akin. Mawawala pa sa akin si Sylvestre na kahit best friend na lang kami, eh, wala naman akong intensiyong siraan ng pangarap nilang kasal.

Sinadya sigurong nasa magkabilang dulo ng pasilyo ang kuwarto ng ikakasal. Walang pakialam si Camina sa layo dahil mabilis ang kanyang mga hakbang, hindi ako makahabol. Pagdating sa dulo, agad binuksan ni Camina ang pinto. Napatigil siya. Nawala ang lahat ng galit na mayroon siya kanina. Marahan akong lumapit para alamin kung ano ang nagpahinto sa kanya.

Sumabog ang dibdib ko.

Nakita ko Sylvestre, nakadapa sa kama. Nakaangat ang T-shirt. Nakababa ang boxer shorts hanggang legs. Kuyom ang palad na nakakapit sa bedsheet. Nakapatong sa kanya si Aljur. Naka white T-shirt at itim na pantalong nakababa lang nang sapat para lumabas ang kanyang pagkalalaki. Nakasapatos pa kahit nasa ibabaw siya ng kama. Isang kamay niya ay nakakapit sa baywang ni Sylvestre at hinihila ito papalapit sa kanya. Ang isang kamay, nakatukod sa kama bilang suporta sa bigat niya.

Saksi ang naka-hanger pang pangkasal ni Sylvestre sa kanilang ginagawa. Habang ang coat ni Aljur, nasa sahig.

BUMANGON si Aljur sa pagpatong kay Sylvestre. Itinaas ang briefs, isinunod ang pants na isinara ang zipper. Pagkatapos ay lumakad papalabas.

“Sana nakatulong ako sa inyong lahat.” Lumampas si Aljur sa aming dalawa ni Camina at tuluy-tuloy na naglakad.

Matagal na tahimik kaming tatlong naiwan. Walang gumagalaw. Ako ang unang natauhan. Pumasok ako at hinila si Camina papasok. Isinara ko ang pinto para hindi makita ng kahit sino si Sylvestre na nakadapa pa rin at hindi na itinaas ang boxer shorts.

“Have you seen enough?” tanong ni Sylvestre. “Pwede na ba nating ituloy ang kasal?”

Marahang umupo si Camina na wala pa rin sa sarili. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa kanyang isip. Pero priorities. Ano ang nangyayari? Ano ang ginagawa nina Aljur at Sylvestre? I mean, bakit sila nagkakantutan? Putang-ina!

“What more do you want me to do, Camina?” tanong uli ni Sylvestre. Inalis na niya ang pagkakatingin kay Camina. “If this isn’t enough, still, sige lang. Huwag pa rin nating ituloy ang kasal. Pero hindi ako titigil para patunayan sa iyo na ikaw lang ang plano kong mahalin habang-buhay.”

Doon ko napansing tumutulo ang mga luha sa mukha ni Camina. Marahan siyang tumatango-tango.

“I should have not asked for this,” sabi ni Camina. “Masakit din pala.”

Tumingin uli si Sylvestre kay Camina. Inayos ang sarili, itinaas ang shorts. Tumayo at lumakad papalapit kay Camina. Hanggang sa mapunta siya sa paanan ng babae at napaluhod. Hinawakan ang mga kamay at hinalikan.

“I’m sorry,” sabi ni Sylvestre. “Alam kong masasaktan ka…”

“No,” sabi ni Camina. “No, no. I asked for this. I deserve this pain. And it is better this way. Hindi mo naman gusto, `di ba? Hindi mo na hahanapin pa?”

“Hindi na,” sabi ni Sylvestre. “Matagal nang hindi.”

“Ehem,” hindi ko napigilang tumikhim. Hindi ko talaga sinasadya pero ito siguro iyong sinasabing itinadhana akong pumagitna sa kanila. Napatingin silang dalawa sa akin. Nagsalita na lang ako para ang awkward na naging awkward pa ay hindi na mas lumala pang awkward. “Sorry, tuloy n’yo lang. I’m leaving. Please excuse me.”

Tumayo si Sylvestre at pinigilan ako. Niyakap ako nang mahigpit.

“Sorry, dude,” sabi ni Sylvestre. “Sorry, Drew. Sorry.”

Gusto kong magsabing okay lang bilang instinct ko na ang maging okay when it comes to Sylvestre. Pero ngayon, hindi ko magawa. Hindi ko alam kung para saan ang sorry niya. Hindi ko naiintindihan ang drama nila nang mapapangasawa niya. Hindi ako pwedeng maging okay lang sa hindi ko naiintindihan.

“I don’t get everything that’s happening,” sabi ko.

“I wanted Martin to have a last fuck with a guy,” sabi ni Camina. “And I didn’t think it would hurt like this knowing that he did what I asked.”

“Because you didn’t do it yourself,” sabi ko. “Because you didn’t have your final fuck with another guy? With me?”

“No,” sabi ni Camina. “It just hurt that somebody has touched him.”

Bumitiw si Sylvestre sa akin at umupo sa kama.

“I’m sorry, Camina,” sabi ulit ni Sylvestre.

“No. I am the one to blame,” sabi ni Camina. “`Wag na tayong magpaikot-ikot. I set the rule. Hindi matutuloy ang kasal without you having a last gay fuck.”

Unti-unti kong naiintindihan.

“And you wanted it to be with me,” tanong ko kay Camina.

“Yes,” sabi ni Camina. “Sana.”

“Pero bakit si Aljur?” tanong ko naman kay Sylvestre.

“Because I love you,” sabi ni Sylvestre. Kita ko ang pagkakagulat ni Camina.

Mas kumabog pa ang dibdib kong naging normal na ang basic kaba mula pa nang makita ko ang nakita ni Camina pagbukas ng pinto. Mahal mo ako, pero kay Aljur ka nagpatira?

“And if I had another night with you, it wouldn’t be a simple fuck, not a gay sex that Camina would have thought of. We would be making love. And I am scared that I would love you the same way again.”

“Bakit?” tanong kong parang batang hindi naiintindihan kung bakit bawal niyang kainin ang marshmallow na nasa harap niya. Puno ng frustrations na naging panunubig ng aking mga mata. “Bakit natatakot kang mahalin ako? Alam mo namang mahal na mahal na mahal na mahal kita.”

“Dahil mahal ko si Camina! Mahal na mahal!” sagot ni Sylvestre. “At isa lang ang puso ko. Ayokong mahati.”

Napangiti si Camina. At bahagya niya iyong binawi nang mapansin niyang napansin ko.

“Don’t worry,” sabi ko. “I’m not here to take Sylvestre back. Gusto ko lang maintindihan.”

“Drew, you are the best that ever happened to me,” sabi ni Sylvestre. “But I have my greatest moments with Camina. And I am looking forward to more of this life with her.”

“Stop patronizing us with your adjectives and superlatives,” sabi kong napipikon na. “Gusto ko lang ng paliwanag, hindi bullshits. Dahil ba hindi tayo magkakaanak? `Yon ba?”

“It’s not just a promise of a family, Drew,” sabi ni Sylvestre. “It’s the promise of love, the promise of forever that I want to spend with her.”

“Bakit hindi na lang sa akin ang promise na iyan?” tanong ko uli. “Kung natatakot kang mahalin ako, eh, `yon ay dahil mahal mo talaga ako. May nilalabanan kang ayaw mong pakawalan. At babalikan ka niyan.”

“I know,” sabi ni Sylvestre. “Dahil pantay kayo sa puso ko, Drew. Pero pinipili ko siya. Ikaw ang pinipili ko, Camina. Gagawin ko ang lahat para sa iyo. Mahal na mahal kita.

Umiyak lalo si Camina.

“But what if…” sabi ni Camina na hindi na pinatapos ni Sylvestre.

“You are my what if, Camina,” sabi ni Sylvestre. “Dahil kung mawawala ka, hindi ko alam kung paano na.”

Paano na? Ako? Paano na ako?