“S AUDI?” Sinulyapan ni Romano si Bobbie na umiwas ng tingin. Then he groaned inwardly. Biglang nagbara ang lalamunan. Hinapit niya ang anak at mahigpit na niyakap. “Never, son. Never again,” nagsikip ang lalamunang bulong niya. Nag-init ang mga mata. “Hindi na babalik sa Saudi si Daddy.” Sa huling sinabi ay naroon na ang himig ng kaaliwan. Saudi? Did Bobbie really tell their son that he was assigned in Saudi Arabia?
Mabilis na kumawala si Troy at tumingin sa ina. “Talaga bang siya ang daddy ko, Mom?”
Sumulyap si Bobbie kay Romano at nakita niya ang babala sa mga mata nito. She swallowed. “Yes, Troy. He’s really your... father.”
Ibinaba ni Romano ang anak. “At makikilala mo ang Lolo Marco at Lola Emerald mo mamaya, Troy. You will also meet your uncles and aunts.”
“Really, Dad?”
“Really. We’ll go to the island today. Isasakay ko kayo ng mommy mo sa chopper.”
Nagsalubong ang mga kilay ng bata. “Island? Like La Crouix?”
“Lovelier than La Crouix, Troy.” Puno ng pagmamalaki ang tinig ni Romano.
“Oh, Mom, did you hear that?” Excited na nilapitan ni Troy ang ina na tumango at sapilitang ngumiti. “Pupunta tayo sa island, Mommy, sakay ng chopper. Wow!”
Mula sa nakabukas na pinto ay sumungaw si Lucing. “Nakahanda na ang almusal ninyo.”
“Yaya Lucing, siya ang daddy ko.” e xcited na nilapitan ng bata ang yaya. “He isn’t dead really like you told me.”
Nailang ang yaya at tumikhim. Hinawakan sa kamay ang bata at hinila sa labas.
Si Romano ay inakbayan si Bobbie. Nais niyang iiwas ang sarili subalit humigpit ang kamay ni Romano sa mga balikat niya.
“Huwag mong gawing mahirap ang lahat, Bobbie. Nagpapasalamat akong nasabi mo na kaagad kay Troy ang tungkol sa akin.” He looked down at her. “Saudi? How original, my love.”
Marahas siyang kumawala at naunang lumabas ng silid.
SI ROMANO ang nagpalipad ng chopper. Hindi kayang bayaran ni Bobbie ng kahit na anong halaga ang katuwaan sa anak. May nakakabit na headset dito para marinig nito ang sinasabi ng ama habang nagpapalipad ito.
Sa ilang sandali ay nakadama siya ng panibugho. Sa nakalipas na apat na taon ay sa kanya lamang nakatuon ang buong pansin ni Troy. Ngayon ay kahati na niya si Romano. She knew she was being unreasonable but she couldn’t help it.
Pagkalipas ng mahigit sa kalahating oras ay lumapag na ang chopper sa de Silva farm.
“THREE years and five months old!” bulalas ni Emerald bago pa napigilan ni Romano ang ina. “Mag-aapat na taon na ang apo ko pero ngayon mo lang ipinakita sa amin?” Naghihinanakit na tumingin kay Bobbie ito sa pagkabigla niya. Pagkatapos ay niyuko si Troy.
“Emerald.” b anayad na hawak ni Marco sa balikat ng asawa. “Hindi natin alam kung bakit nangyari ang ganoon.”
Napahikbing muling nag-angat ng mga mata ito. “I’m... sorry, Bobbie. I shouldn’t have said that...” p inahid nito ng kamay ang namumuong mga luha at dahan-dahang nilapitan si Troy. “Oh, my g od, Marco, ang apo natin!”
“Are you my lola, too?” s i Troy. Tumango si Emerald na ang mga mata’y buong pananabik na nakatitig sa munting mukhang nasa harap. “You’re very lovely...” dagdag ng bata na inikot ang paningin sa mukha ni Emerald.
“What an adjective coming from a three-year-old. Now I believe you really are my grandson,” nakatawang wika ni Marco bagaman gumagaralgal ang tinig. “Now, Troy, give that lovely lady a bear hug and a kiss.”
Sumunod ang bata at niyakap si Emerald at hinagkan. Humagulhol ng iyak si Emerald at niyakap nang mahigpit si Troy.
Umiwas ng tingin si Bobbie at humakbang patungo sa veranda sa labas. Mula roon ay tinanaw ang malawak at berdeng kaparangan. Sa loob ng isang linggo, apat na taon na ang nakalipas, ang lugar na ito’y isang paraiso sa kanya. Walang kahalintulad sa alinmang lugar sa buong mundo. Narito sa lugar na ito ang unang maliligayang araw niya sa piling ni Romano.
At bagaman apektado na ng modernization ang world-class Kristine h otel and r esort ay hindi ipinahihintulot ng pamilya na ang mga turista ay lalampas sa boundary na itinalaga para sa mga ito. Nanatiling pribado ang napakalaking bahagi ng isla.
Ang ilang bahagi ng isla ay ni hindi pa nasisilip ng mga foreigner. Lalo na ang isang bahagi ng gubat kung saan naroroon ang mga preserved animals and birds. Naroon din ang mga ligaw at eksotikong bulaklak at orkidyas na sa islang iyon ng Paso de Blas lamang matatagpuan.
Nasa kagubatan din ng Paso de Blas ang dalawa sa iilan na lamang na natitirang Monkey-eating Eagle. Minsan na niyang nakita ang paglipad niyon nang ibigay sa kanya ni Romano ang teleskopyo. And the bird almost took her breath away.
Pero kay daling naglaho ng kaligayahan niyang iyon. Ni hindi sila umabot ni Romano sa unang taong anibersaryo. She took a lonely breath nang mula sa likuran niya ay magsalita si Romano.
“I’m sorry about that.” a ng tinutukoy nito ay ang sinabi ng ina.
“Naiintindihan ko. Wala siguro silang alam sa tunay na nangyari.” m ay sarkasmo ang huli niyang sinabi.
Nagbuntong-hininga si Romano. “Gusto ko sanang bukas mo na harapin ang Lola Julia pero gising na siya. Nasa silid niya si Troy kasama ang m ommy at d addy. And she wanted to talk to you, too.”
Humarap siya rito. “Sure,” she arched her brows bitchily. “What do you want me to say to her?”
Tumiim ang mga bagang ni Romano. Naningkit ang mga mata. “Inaamin kong ako ang nagkasala sa nangyari sa ating dalawa, Bobbie. At nakikiusap akong huwag mong idamay ang mga matatanda. Wala silang alam sa tunay na dahilan kung bakit nagkahiwalay tayo.”
Lalo lamang umangat ang mga kilay niya. “Di naiwala mong lalo ang mana mo.”
Tumingala si Romano at hinagod ang batok. Matinding pagpipigil ang ginawa upang huwag magalit. Pagkuwa’y muling humarap sa kanya.
“Walang mawawalang mana, Bobbie!” he said angrily. “With or without Troy, mamanahin ko ang lupaing ito. Even then, hindi mahalaga sa akin ang katumbas na salapi sa farm na ito. I already have enough wealth to reach me two lifetimes. I love this farm because this is my heritage!
“Ibigay mo sana kay Lola ang respetong nararapat para sa kanya. Wala siyang ipinakitang masama sa iyo noong naririto tayo.”
“As you wish,” at humakbang siya papasok. Mabilis na hinawakan ni Romano ang braso niya.
“Sabay niya tayong gustong kausapin.” Ang babala sa tinig nito at sa tila bakal na mga daliri sa braso niya’y sapat na upang bumagal ang mga hakbang ni Bobbie.
JULIA was very pale and weak. She must be over eighty. Subalit nakita niya ang kagalakan sa mukha nito habang nakaupo sa tabi ng kama si Troy at kinakausap ang nuno. Kinarga ni Marco ang bata nang pumasok silang mag-asawa. Tahimik na lumabas ang tatlo.
Yumuko si Bobbie at hinagkan sa noo ang matandang babae. “How are you, grandma?”
“Dapat akong magalit sa iyo, hija, dahil ikinait mo sa akin ang aking apo sa tuhod. Hindi ko na nais malaman pa ang dahilan. At narito na kayo. Iyon ang mahalaga. At nagpapasalamat ako nang labis sa iyo dahil hindi lahat ay nagkakaroon ng pagkakataong masilayan ang susunod na magmamay-ari ng ranchong ito.” Julia took a deep breath. Kinabahan si Bobbie na hindi na ito muling magsasalita. Naupo siya sa gilid ng kama nito at hinawakan sa kamay ang matandang babae.
i kiniling nito ang ulo sa may bintana kung saan nakatayo si Romano at nakatanaw sa labas. “When you left, Romano has never been the same. Sana’y magpatawaran kayo sa anumang pagkukulang ng isa’t isa, Bobbie.”
She swallowed a lump in her throat. Sana nga’y ganoon kadali. Sana nga’y kaya sila naririto ngayon ay dahil totoong mahalaga siya para kay Romano. Oh, yes, nakikita at nararamdaman niyang mahalaga rito si Troy. Iyon ay dahil kailangan nito ang anak niya. Pero hindi ba at sinabi lang ni Romano na naroon si Troy o wala ay mamanahin nito ang farm? Na mahalaga rito ang farm dahil legacy iyon ng nuno?
Wala pang labing limang minuto siya sa silid ng matanda at lumabas na dahil sumenyas na ang nurse nito na hindi mabuti para dito ang mapagod nang husto. At ang excitement sa pagkita sa bata ay malaking bagay.
NANG gabing iyon ay marami sa mga tagakabilang asyenda ang dumating upang kumustahin siya at makita si Troy. Si Troy ay tuwang-tuwa sa atensiyon na ibinibigay ng maraming kamag-anak dito. At unti-unting nakadama ng panibugho si Bobbie para sa anak. Ni halos ayaw hiwalayan ni Romano ang bata. Kung dati’y solo niya ang atensiyon ni Troy, ngayo’y hindi na. Tila siya outsider dito.
Tahimik siyang lumabas sa may likuran. Pinuno ng hangin ang dibdib at tumingala sa langit. Iniisip niya kung ano ang magiging buhay nila sa susunod na mga araw nang may humawak sa braso niya.
“Laging malalim ang iniisip mo.” s i Romano.
“Pagod lang ako.”
“Then let’s go.” Hinila siya nito.
Nagsalubong ang mga kilay niya. “Go where?”
“Sa hotel. Doon tayo matutulog.”
“What?”
“Apat lamang ang silid sa bahay na ito, Bobbie. Ang sa Lola Julia, at ang dating silid ni Daddy at ni Auntie Alicia ay pinag-isa at siya ngayong silid ni Mommy at Daddy, at ang guest room ay siyang magiging silid ni Troy at ni Lucing.”
“At maiiwan si Troy!” hindi makapaniwalang sabi niya. At nang buksan ni Romano ang pickup upang papasukin siya’y nagmatigas si Bobbie. “Hindi ko puwedeng iwan ang anak kong mag-isa rito, Romano. Hahanapin ako ni Troy. Hindi siya sanay na matulog na wala ako.”
“Kailangang masanay na siya, sweetheart,” amused nitong sabi. “Hindi natin siya maaaring itabi.” a t nanlaki ang mga mata ni Bobbie sa ipinahihiwatig nito. “And don’t worry, hindi siya pababayaan ni Lucing at ng d addy at m ommy. At nakausap ko na si Troy, man to man. Magsisimula siyang matulog na hiwalay sa iyo.”
“Pero—”
“Get in the car, Bobbie,” mariing utos nito. Mutinously, she didn’t move pero nagbabanta ang mga mata ni Romano. Parang batang padabog siyang pumasok sa pickup at napuna niya ang maleta niya sa back seat. Plano na ni Romano na sa Kristine Hotel sila matutulog pero hindi sinabi nito. Nagpupuyos ang loob niyang sumandal kasabay ng matinding kabog ng dibdib.
“YOU CAN take a shower first,” ani Romano pagkapasok nila sa silid nito. “May kakausapin lang ako sandali sa ibaba.”
Inikot ni Bobbie ang paningin sa buong silid. The same room she occupied years ago when she first came here. Maliban sa bagong pintura at carpet ay walang ipinagbago. Iyon ang pribadong silid ni Romano. Mabilis na nagkahugis ang mga alaala. Ang nakaiirita subalit masayang alaala. Sa silid na ito niya unang naramdaman na mahalaga si Romano sa buhay niya.
Ipinilig niya ang ulo at mabilis na kumilos. Binuksan ang maleta at kinuha ang mga gamit at pumasok sa banyo at naligo. Pagkatapos ay naghanap ng malaking T-shirt na siya niyang laging ginagamit sa pagtulog at nagmamadaling isinuot.
Nagmamadaling pinatay ang ilaw at humiga sa kama at nagkumot. Curled herself into a fetal position. Hoping against hope na talagang tulog na siya pag-akyat ni Romano.
You’re silly for acting like a terrified virgin, Roberta Lou, ang isip niya. She knew every inch of Romano’s body. At isang malaking kalokohan ang ginagawa niya. Subalit hindi niya mapigil ang sarili. Itinaas pa niya ang kumot hanggang sa baba niya at mahigpit na pinulupot sa kamay sa ilalim.
Hindi siya dapat na kumilos nang ganoon. Hindi na siya dalagitang tulad noong nagpakasal sila ni Romano. She was a matured woman. She could handle Romano’s lovemaking. It will be purely sex.
Pagod siya. Gabi na. Dapat ay inaantok na siya. Subalit ano mang pilit niya’y nanatili siyang gising. Hanggang sa muling magbalik si Romano. Nararamdaman niya ang bawat kilos at galaw nito. Narinig niya ang lagaslas ng tubig sa banyo. At bawat sandaling lumilipas ay tila binubugbog ang dibdib niya sa matinding kaba.
Nang maramdaman niyang lumubog ang kutson sa kama. Halos hindi siya huminga. Ang mga kamay ni Romano ay nasa mga balikat niya.
“Huwag kang magkunwang tulog, Bobbie.” h umaplos sa tainga niya ang hininga nito.
Gusto niyang mapahiyang napakadali nitong malaman ang pagkukunwari niya. But she’d die than admit it. She turned and yawned.
“Inaantok na ako, Romano,” aniya sa matigas na tinig. “Hindi mo inaasahang mangyayari ang gusto mong mangyari pagkalipas ng apat na taong itinaboy mo ako?”
Binuksan ni Romano ang ilaw sa lampshade at saka hinawakan siya sa mukha at iniharap. “Paulit-ulit na lang ang usapang iyan sa pagitan natin, Bobbie,” anito sa nahahapong tinig. “Ilang beses mo ako gustong humingi ng patawad? Ano ang kailangan kong gawin para maniwala kang pinagsisisihan ko ang lahat ng nangyari? Na kung kaya ko lang ibalik ang panahon ay ginawa ko na!”
Gustong isigaw ni Bobby rito ang tungkol kay Joanna. Na hindi siya papayag na maging kahati niya ang babae kay Romano. Subalit hindi niya nagawang isatinig iyon. Ang sandali niyang pananahimik ay inakala ni Romano na acquiescence. Yumuko ito at hinagkan siya sa ibabaw ng ilong niya, sa pisngi niya, sa leeg niya at muli ay dumako ang mga labi nito sa mga labi niya.
“I missed you so, darling,” Romano murmured.
Napapikit si Bobbie. Nais niyang kasuklaman ang sarili dahil ni hindi niya makuhang itulak ito. Naramdaman niya ang pagbaba ng mga labi ni Romano sa leeg niya at napasinghap siya. Then his hands found the side of her breasts, nanunuksong dinaanan iyon at bumaba sa baywang niya... pababa sa tiyan niya... down to her thigh that she jerked her body. Pagkatapos ay muling pumanhik paitaas ang kamay ni Romano, cupping her breast fully, kneading her hardened nipple.
“No!” mapuwersang tanggi niya. “Ayoko nito, Romano.”
“Really?” nakatawang sabi nito at niyuko siya. Ang haplos ng mga labi nito sa bibig niya’y tulad sa pakpak ng paruparo. Romano teased her lips and then sipped them, tulad sa isang bubuyog na sumisimsim ng nektar mula sa bulaklak.
Kung gumamit man lang sana ng puwersa si Romano ay madali sa kanya ang paglaban at pagtanggi. But he was too clever for that. Mula noon hanggang ngayon. At ang depensa niya’y tuluyang gumuho.
Patuloy sa paghalik si Romano, his tongue flicked lightly around her mouth. Hinihikayat na tumugon siya. Pagtugong hindi niya mapigil. His tongue parted her lips and delved deeply that she couldn’t resist but returned his kisses. At nang sadyain nitong iwan ang mga labi niya’y umungol ng pagtutol si Bobbie.
“You want me, sweetheart,” wika nito. “Akin ka noon at akin kang muli... magpakailanman.”
“H-hindi mangyayari iyon,” mariing tanggi niya. Tangging idinidikta ng isip. Lagi nang nakapagitan sa kanilang dalawa si Joanna.
“Yes, sweetheart, yes,” tuya nito, then caught her aching nipple in his mouth and suckled it like a hungry babe. A soft cry escaped Bobbie’s mouth. Napapikit siya.
“Don’t close your eyes, Bobbie,” utos nito, his hand cupping her face. “Tingnan mo ako at tingnan mo ang ginagawa ko sa iyo...”
Nagmulat ng mga mata si Bobbie upang masilayan lamang ang kabuuan ng asawa. From his handsome face to his broad shoulders to the wide expanse of his chest na nakakalatan ng pinong balahibo down to his navel and to his thighs and lower. At hindi niya kayang ipikit ang mga mata sa kagandahang iyon.
She was bewitched by the sheer perfection of this man. Tulad din noon ay walang ipinagbago ang katawan ni Romano. Lalo lamang pinaganda ng mga taon ang katawan nito.
“At tingnan mo rin kung ano ang ginagawa mo sa akin, sweetheart...”
“K-kahit sinong babae’y kayang gawin sa katawan mo iyan, Romano,” she whispered as she watched the intensity of his desire.
Yumuko si Romano at niyakap at hinagkan siya sa mukha... sa tainga. “You’re wrong, sweetheart. You’re wrong. Only you can make me feel like this. And I missed you so much, Bobbie.” m uli’y inangkin nito ang mga labi niya... halik na nagtatatak ng pag-aari and then moved down to her breasts and tormented her aching nipples with his tongue and teeth.
“R-Romano...” i t was so long since Romano kissed and touched her like this. And she was lost and she knew it as she gasped and whimpered.
“Yes, sweetheart, tell me you want this... and more. Tell me,” he commanded silkily. His body pinned hers. Gently parting her thighs with his legs as he moved to cover her completely.
A slow ache burned in her stomach as their naked bodies touch. She could feel the throbbing maleness hard against her thighs. And it blotted all her thoughts. Walang umiiral sa sandaling iyon kundi si Romano.
Her eyes flushed with passion as she gazed at him, begging silently as she helplessly entwined her legs around him.
“Say it, sweetheart,” he commanded gently.
“Yes! I want you, Romano.”
“You’re mine.” h e breathed triumphantly and caught her mouth in a savage kiss.