noveltoon logo noveltoon
Romano 2 (Kristine Series 15)

Chapter 10

Ch. 10 / 11 Nov 28, 2025

N AGISING si Bobbie na nag-iisa na lang sa kama. Mabilis siyang bumangon upang mahiga ring muli nang maramdaman ang pananakit ng katawan. She stared blankly at the ceiling. Ang nasa isip ay ang nangyari sa buong magdamag... the intensity of Romano’s lovemaking.

No. Not lovemaking.

It was sex. Wonderful sex. Romano taught her everything about the three-letter word. And they were always good together. But last night surpassed everything. Tatlong beses sa buong magdamag ay nagigising siya. Aroused and wanting. Tinanggap niyang lahat ang pangangailangan nito, his thrusting domination over her body.

Pumapasok na sa siwang ng kurtina ang unang silahis ng araw nang ikulong siya ni Romano sa mga bisig nito at patulugin.

And I thought I was over you, she sobbed silently. Pinatunayan ni Romano sa buong magdamag na walang ibang lalaking magdudulot at magbibigay sa kanya ng ganoong kaligayahan.

And she missed and loved him so much.

May ilang umaga rin sa nakalipas na mga taon na nagigising siyang umiiyak. At ngayo’y muli siyang umiiyak. May ilang sandali ring malayang dumaloy ang mga luha niya nang biglang maisip ang anak. Mabilis na naupo sa kama at dinampot ang telepono.

“Mom?” aniya nang mabosesan si Emerald. “S-si Troy po?”

“Oh, he’s fine, Bobbie. Huwag mo siyang alalahanin. Kaninang bandang alas-nueve ay nangabayo ang mag-ama—”

“Nangabayo?” agap niya. “With Romano?” h indi makapaniwalang hinanap ng mga mata ang wristwatch. Anong oras na ba? And was horrified nang malamang alas-tres na ng hapon. She groaned silently.

“Yes, hija. Tuwang-tuwa ang bata. Pagkatapos ay muling bumalik si Romano riyan sa hotel. At kasama naman ngayon ni Troy ang lolo niya. They went fishing.” Emerald sighed happily. “Bobbie...”

“Yes, Mom...”

“Binigyan ni Troy ng bagong kahulugan ang salitang kaligayahan sa amin ni Marco, hija. At nagpapasalamat ako sa iyo. Alam kong may problema pa rin sa pagitan ninyo ni Romano. Nararamdaman ko iyon. At nakikita ko ring mahal mo pa ang anak ko tulad din ng mahal ka niya. And it’s a good sign, hija. Love covers a multitude of sin.”

“Mom—”

“There’s no need to protest nor explain, Bobbie,” agap ni Emerald. “Kung kailangan mo ang tulong ko ay narito lang ako. Gusto kong sumama ang loob sa iyo dahil kahit sa amin ay lumayo ka. Pero hindi kita masisi. You and Romano married very young. My son must have loved you so very much upang balikan ka at pakasalan sa gitna ng maraming responsibilidad niya sa pamilya at sa kompanya. Four years have been wasted. Don’t you two add a single day. I beg of you. Nakausap ko na rin ang anak ko kanina.”

Matapos ang pag-uusap na iyon ay mabilis na pumasok sa banyo si Bobbie at naligo. Nagbihis at bumaba sa ground floor ng hotel. Isang hotel personnel ang bumati sa kanya.

“Nakita mo ba si Romano?”

“Nasa opisina po ni Sir Nat, Ma’am.”

Nagpasalamat siya at humakbang patungo sa opisina ni Nathaniel. Bukas ang pinto at nakita niya si Joanna na nakayakap sa asawa. Umikot ang tingin ni Bobbie. Naulit ang eksenang dinatnan niya sa opisina ni Romano four years ago. Lamang sa pagkakataong ito’y hindi nakangiti si Joanna kundi umiiyak habang hinahaplos ni Romano ang likod nito.

“Thank you, Romano. Ang akala ko’y matitiis mo ako,” pahikbing sabi nito. “Hindi ko kaya.”

“Hindi ko binabalewala ang mga taong magkasama tayo, Joanna, and you have proven yourself faithful. Magkita tayo roon sa katapusan. Marahil ay naayos ko na ang mga dapat ayusin dito.”

Mabilis na tumalikod si Bobbie at nagtuloy sa dagat. At tumakbo nang tumakbo hanggang sa makalayo siya sa maraming mga tao. Ibinagsak niya ang sarili sa buhanginan. Gustong sumabog ang dibdib sa sama ng loob. Gustong sumigaw.

Akin ka noon... akin ka muli at magpakailanman, iyon ang sinabi ni Romano sa kanya kagabi. She even thought that there was hope between them. Bakit kailangang hindi siya sapat para kay Romano? Bakit kailangang mayroong ibang babae. Did he love Joanna? Ito ba ang mahal ni Romano at nagkataong hindi nito gustong baliin ang tradisyon ng pamilya na walang broken marriages kaya hindi siya mahiwalayan? Lalo na ngayong nakita na ng pamilya nito si Troy?

Oh, g od, the hypocricy of the man!

Kung gaano siya katagal sa dagat ay hindi na niya alam. Lubog na ang araw nang magbalik siya sa hotel.

“Where have you been? Kanina pa kita hinahanap,” bungad ni Romano sa kanya sa lobby. Nagsasalubong ang mga kilay.

“Sa dagat. Namaybay,” malamig niyang sagot. Mabibilis ang mga hakbang patungo sa elevator.

“Sa farm tayo maghahapunan. Mom invited us.”

Hindi siya sumagot at nang bumukas ang elevator ay pumasok. Si Romano ang nagdiin sa buton sa fourth floor.

“What’s wrong, Bobbie?” tanong nito. Ang mga mata’y sinusuri siya.

She controlled the urge to hit him. To hurt him as he hurt her. Pero ano ang silbi?

“Ano ba ang magiging problema, Romano?” sarkastikong sagot niya. Nang bumukas ang elevator ay mabilis na lumabas at halos takbuhin ang silid nila.

“Are we back to square one, huh?” tudyo ni Romano nang maisara ang pinto ng suite. “Why, sweetheart? Mahirap bang tanggaping sa kabila ng nasusuklam ka sa akin ay hindi mo kayang utusan ang katawan mong tanggihan ako? Hindi ba kayang tanggapin ng pride mo iyon?”

“Shut up, Romano!” namumulang baling niya rito. “What happened between us last night was pure sex! Kahit na sinong lalaki ay mararamdaman ko iyon!”

Sukat sa sinabi niyang iyon ay marahas siyang hinila nito. “Of course,” wika nito sa pagtatagis ng mga ngipin. “Muntik ko nang makalimutang hindi na ikaw ang inosenteng dalagitang pinakasalan ko. Now, tell me. Ilang lalaki ang nagdaan sa katawang iyan sa nakalipas na apat na taon, Bobbie?”

She almost swayed at the insult. At napasinghap pa siya nang marahas na damhin ng kamay nito ang dibdib niya. Antimano, her body reacted. Her nipples hardened beneath his palm.

“Ganito rin ba nila kadali kang mapukaw? Huh, Bobbie?” At kinabig siya nito at marahas na inangkin ang mga labi kasabay ng pag-akay nito sa kanya sa kama. Nang madikit ang mga binti niya sa gilid ng kama’y natumba siya kasama si Romano sa ibabaw niya.

“B-bitiwan mo ako, Romano,” mabuway niyang protesta. To her horror, muli siyang naapektuhan. Pagkatapos ng nangyari sa buong magdamag ay patuloy sa pagtugon ang katawan niya sa lalaking ito.

“You don’t mean it, sweetheart,” nakakalokong tudyo ni Romano. “Feel that?” He pushed his thighs against her stomach. Sa kabila ng makapal na kayo ng maong ay nararamdaman niya ang matinding arousal nito. “See what you do to me?” p atuyang umismid si Romano at tumayo. Hinubad ang sports shirt at inihagis sa carpet. Isinunod ang maong. “Sex. Iyan ang tawag mo. And we’re a match, sweetheart.”

At nang bumalik sa kama si Romano at isa-isang hubarin ang suot niya’y napapikit si Bobbie. Ang addiction niya sa katawan ng asawa’y hindi marahil maglalaho pa. At nang maramdaman niya ang mga labi ni Romano sa tiyan niya’y banayad na napasigaw si Bobbie.

Makalipas ang ilang sandali’y walang maririnig kundi ang pagbabawi ng paghinga ni Romano. He slowly rolled off her at dumapa sa kama yet his hand was gripping her thighs.

Nakadama ng kawalan si Bobbie and a bone-deep loneliness. Nagpapasalamat siya sa panahong iniyak niya sa tabing-dagat or else she would have cried again.

Kung aalis siya, paano si Troy? Maaaring hindi siya kayang pigilan ninuman na dalhin ang anak niya subalit magagawa ba niyang saktan ang anak?

Napukaw ng tunog ng telepono ang pag-iisip niya. Inabot ni Romano iyon at sinagot. She turned and saw him paled. Nang ibalik ni Romano ang telepono sa lagayan nito’y mabilis nitong dinampot ang briefs sa sahig at isinuot.

“W-who was that?”

“Ang mommy,” wika nito sa gumagaralgal na tinig. “Lola Julia died in her sleep.”

Oh.

“Tumayo ka at magbihis, Bobbie,” utos nito sa tinig na hindi niya kilala. Tila walang lakas.

Hindi niya alam kung saan galing ang salitang lumabas sa bibig niya. She was probably tired, confused and angry. Idagdag pa ang kahihiyan sa sarili dahil sa kabila ng galit niya kay Romano ay hindi niya magawang tanggihan ang pagnanasa nito.

“So she’s dead now. Hindi mo na marahil kami kailangan pa.” And she braved herself to meet his eyes. Romano stiffened. Nahinto ang pagsi-zipper ng maong. His eyes in blazing fury that Bobbie winced inwardly.

“I never thought for a moment that I married a callous woman.”

Gusto niyang maglaho sa mga sandaling iyon. And she deserved his contempt.

SA LOOB ng tatlong araw na nakaburol si Julia ay hindi makausap ni Bobbie si Romano. Ito ang punong-abala sa lahat. Si Marco ay naroon lang sa tabi ng casket ng ina. Naroon lahat ang mga Fortalejo, ang mga Navarro, at ang halos buong Paso de Blas.

Then she met Kurt La Pierre at nalaman niyang taga-La Crouix ang machong asawa ng nakababatang kapatid ni Romano. Kandong nito si Troy. Nagkumustahan ang dalawa at nag-usap ng kung ano-ano na lang tungkol sa isla sa Caribbean.

“Sana kung ano man ang sigalot sa pagitan ninyo ni Romano ay malutang alang-alang dito sa bata,” anito.

She sighed. “Ewan ko, Kurt. Gusto ko mang magalak sa muling pagbabalik ni Romano sa buhay namin ni Kurt ay hindi ko magawa. Baka sa sandaling makabalik kami sa Maynila ay balik na naman sa dating gawi…”

“Why is that, Bobbie? Hindi kayo ipapahanap ni Romano sa akin kung hindi ka mahalaga.”

Nagsalubong ang mga kilay niya. “Ipinahanap niya kami?”

“Hindi mo ba alam?” Kurt asked, a little bit confused. “Hindi ba sinabi sa iyo ni Romano?”

“Ang alin?” Nagdikit nang husto ang mga kilay niya. “Bakit niya kami ipinahanap? Siya ang nagtaboy sa akin may apat na taon na ang nakararaan.”

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Kurt at sinulyapan si Romano na kausap ang tiyuhing si Bernard Fortalejo sa tabi ng casket ni Julia.

“Ewan ko, Bobbie. I was confused, too. May palagay akong kayo ni Romano ang dapat mag-usap tungkol sa bagay na ito.”

“Please, Kurt. Sabihin mo sa akin ang bagay na alam mo. At this point in time, hindi madaling kausapin si Romano. Ni hindi ko alam kung aware siyang naririto ako mula pa nang mamatay si Lola Julia.”

“Maliban kay Romano ay ako lang ang nakakaalam nito, Bobbie. Kahit ang asawa ko ay hindi alam ang bagay na ito. Kahit na ang Papa’t Mama,” patuloy ni Kurt. “I don’t believe it’s my right to tell you. Sisirain ko ang patakaran ng aking sariling kompanya.”

“I… I have this feeling that if you don’t tell me what you know, baka lalong lumala ang alitan sa amin ni Romano, Kurt. So, please.”

“Romano was too proud to tell anyone about his marital problems, not even to his family. Thinking about it now, kung hindi kayo muling nagkita, hindi ko alam kung hanggang kailan niya mapagtatakpan ang paghihiwalay ninyo…”

“Kurt…” She was impatient. Si Troy ay nagpababa mula sa pagkakandaong at tumakbo patungo sa ibang grupo ng mga kabataan.

Tumango si Kurt. “Romano will probably kill me for this. But what the heck!” He sighed. “Nang magtungo kayo sa Amerika ay ini-require ng kompanya ang isang SOP para sa kanino mang executive. That is a complete physical checkup. Ginawa iyon ni Romano bilang pagsunod sa standard operating procedure ng kompanya. Two days after, he left for Manila and married you. Dalawang buwan na kayong kasal nang hindi sinasadyang malaman niya ang result ng physical examinations niya when one of the company doctors teased him about it. Kung ano ang solusyon ninyong mag-asawa sa bagay na iyon…”

“A-about what?” aniya.

“He was sterile. Iyon ang nakalagay sa medical report niya.”

Napasinghap si Bobbie. Naalala ang anyo ni Romano nang sabihin niyang gusto niyang magkaanak nang marami... nang gawin niyang nursery ang isang silid sa apartment nito sa Houston.

“And—and—”

“And he probably thought Troy wasn’t his,” dugtong ni Kurt. “Kaya ako man ay nagtaka nang makita ko si Troy. Hindi mo puwedeng ipagkamaling hindi anak ni Romano ang bata. In fact, I really mean to talk to him about this until you three came here the other day. Natiyak kong alam na ni Romano na anak niya si Troy...”

Subalit wala na kay Kurt ang isip ni Bobbie. Nakatitig sa asawang nangingitim na ang mukha sa whiskers. Sa sandaling iyon ay gusto niyang umiyak. Wala marahil magtataka kung gagawin niya iyon subalit tuyo ang mga mata niya.

“N-noong isang araw lang sila nagkita ni Troy,” wala sa loob niyang sabi.

NAILIBING na sa family mausoleum si Julia nang umagang iyon. Subalit hindi pa rin makausap ni Bobbie si Romano na nananatiling nag-iisa. Magkakasabay silang kumakain subalit wala kahit isa ang nagsisimula ng kaswal na usapan. Not even Emerald.

Mula sa verandah sa silid ay nakita ni Bobbie ang asawa na lumakad patungo sa koral sa likod. Naupo ito sa bakod at sapo ang ulong nakayuko.

Anuman ang namagitan sa kanila ni Romano’y hindi kayang tingnan ni Bobbie ang asawa sa ganoong ayos. Mabilis siyang bumaba at sinundan ito. Sa gitna ng bahagyang liwanag ay nakita niyang banayad na yumuyugyog ang mga balikat nito.

Compassion filled her for this arrogant man. Sa loob ng ilang araw mula nang mamatay si Julia ay hindi niya nakitang umiyak si Romano. At ngayong mag-isa na lang ito’y saka bumigay ang anumang damdaming nakakulong.

“Romano...”

Marahas ang lingon nito. “What do you want?”

“I–I want to—”

“Kalilibing lang ni Lola Julia kanina, Bobbie,” singhal nito. “Hindi ka ba makapaghihintay na makabalik tayo sa Maynila bago mo ungkatin ang ano mang panibagong issue sa ating dalawa?”

“H-hindi iyon ang dahilan kaya lumapit ako.” She cleared her throat at lumapit nang ilang hakbang. Ipinatong ang mga braso sa koral. “W-we used to be friends.”

Umismid si Romano. “We were never friends, Bobbie. We were lovers.”

“Can’t lovers be friends, Romano? Kung hindi man noon, bakit hindi natin simulan ngayon?”

Matagal bago sumagot si Romano. Tumanaw sa kadiliman. Ilang buntong-hininga ang hinugot nito bago nagsalita. “Isa akong duwag, Bobbie, alam mo ba iyon?”

“No. Hindi ko alam iyon. Sa paanong paraan, Romano?” Bahagya siyang nangikig sa lamig sa labas at napuna ni Romano iyon. Inabot siya.

“You’re cold. Come here.” Bumaba si Romano sa ibabaw ng koral at ikinulong siya sa mga bisig nito.

It feels good to be in her husband’s arms at sana’y huminto ang orasan. “Hindi mo na ako sinagot...”

“Ah, yes,” wika nito at muling huminga nang malalim. “Tulad mo rin ako, Bobbie. Tao at may damdamin at may kahinaan. At tulad ng alam mo, ito ang mundo ng d addy... ang buong kaparangang ito. Subalit dahil sa Mommy ay wala siyang magawa kundi hawakan ang kompanya kaysa ang m ommy ang magtrabaho. Ako ang panganay, ako ang lalaki kaya sa akin mapupunta ang lahat ng responsibilidad sa sandaling magretiro si Daddy. Ipinaunawa sa akin iyan... sa amin ni Lenny.

“I don’t know what Lenny felt about this. His responsibility is much wider and bigger than mine. And his only consolation was that Uncle Bernard hasn’t retired yet and wouldn’t thought of retiring for years to come. And I felt so scared when Dad retired...” h e kissed the top of her head.

Nag-angat ng mukha si Bobbie, tumama iyon sa mga labi ni Romano and he kissed her temple softly. “Your scared? Hindi ako naniniwala, Romano.” s he shivered at the warm of his lips.

“What if I failed? Paano kung hindi ko kayang hawakan ang kompanyang ipinamamahala sa akin? You were my first failure, Bobbie. It almost shattered me into pieces...” he said painfully.

“Romano.” h er throat constricted. Wanting to believe him. “G-gusto kitang makausap tungkol sa... tungkol sa sinabi ni Kurt sa akin. The... the sterile thing.”

Romano stiffened.