I LANG araw ang matuling lumipas na lagi na lang kinakabahan si Bobbie. Kinakabahan at natatakot siyang isang araw ay baka bigla na lamang muling sumulpot si Romano sa pinto ng unit niya.
Hindi niya gustong paniwalaang sa loob ng apat na taong nagdaan ay coincidence lamang ang pagkikita nila. Na nagkataon lamang na naroroon siya nang umagang iyon sa opisina ni Kendal habang ka-meeting ni Steven si Romano. Hindi rin niya gustong maniwalang may inasikasong mahalagang bagay si Nick Gascon kaya si Romano ang humalili rito sa pakikipagnegosasyon sa ADI.
Tila ang pagkikitang iyon ay pinlanong mabuti.
“Posibleng pagkakataon lang talaga ang pagkikita ninyo, hija,” ang mommy niya nang minsang nag-overseas call siya sa La Crouix. “Maliit lang ang Maynila at iisang circle ang ginagalawan ninyo. Hindi mo siya nakita sa loob ng nakalipas na mga taon dahil narito ka sa La Crouix sa mga panahong iyon. Ngayong nasa Maynila ka, hindi kataka-takang magkakatagpo kayong muli.”
“I guess you’re right, `Ma. Anyway, as soon as Nick Gascon signs the contract, babalik kami kaagad diyan. Naninibago si Troy dito, `Ma. He likes the sea and the mountain, you know.”
“I miss you both, Bobbie. Kiss Troy for me.”
“And say hello to Ken. And congratulations, `Ma!”
Napasinghap ang ina niya sa kabilang linya. “S-sinabi na sa iyo ni Ken?”
She laughed. “Masaya ako para sa inyong dalawa.”
“S-salamat, Bobbie. Nag-aalala si Ken na baka hindi mo matanggap na magkaroon ako ng ikalawang asawa.”
“Oh, no worries, Mom. I love Ken. Be happy. I want you both to be happy.”
“Thank you, Bobbie. Kung alam mo lang na ako man ay iyan ang inaasam sa araw-araw, ang makatagpo ka ng bagong pag-ibig at kaligayahan.” She paused, bago mabilis na sinundan ang sinabi. “Pero duda ako kung makakatagpo ka ng bagong pag-ibig, anak. You love Romano so much—”
“`Ma!”
“I am your mother, Bobbie. Nakita ko ang pagdurusa mo nang magkahiwalay kayo. Nabawasan lang ang pait at pagmamahal. Natutuhan mong pakibagayan. Subalit naririyan pa rin sa puso. At dahil hindi naman ginawan ng paraan ni Romano na maging legal ang inyong paghihiwalay ay nakakakita ako ng pag-asa, anak.”
She forced a laugh. “`Ma—”
Ang ano mang kontrang sasabihin niya ay nanatiling nasa isip niya dahil hindi siya binigyan ng pagkakataon ng ina na maisatinig iyon. “`Bye, darling.”
Nais sana niyang sabihin sa ina na ngayon ay natanto niya kung bakit sa nakalipas na mga taon ay hindi nagkapuwang sa puso at isip niya ang ibang lalaki. Hindi rin naman iilan ang nagnais na suyuin siya, ang iba’y nag-aalok na dalhin siya sa harap ng altar.
Ngayon ay alam na niya kung bakit. Iisang lalaki pa rin ang nasa kaibuturan ng puso niya. Si Romano. Tama ang mama niya.
Kinagabihan ay ibinalita sa kanya ni Steven na nasa opisina si Nick Gascon nang umagang iyon at pinirmahan ang pagbibili nito ng fifteen percent shares of stocks sa ADI. At in a week’s time ay makababalik na sila sa La Crouix.
KINABUKASAN ng umaga’y hindi inaasahan ni Bobbie ang naging panauhin. Ang huling pagkakita niya sa babae ay apat na taon na ang nakalipas. But then Romano’s in town. Hindi malayong isiping magkasama ang dalawa.
She sighed sadly. Anger had long been gone. May mga bagay na sadyang hindi na mababago.
“Joanna.”
“Maaari ba akong tumuloy?”
Kumunot ang noo niya. Wala siyang balak patuluyin ito sa condo niya. Pero hindi siya bastos at pinapasok ito. May ilang sandali ring sinuri niya ito ng tingin. She must be in her late thirties. Sa biglang tingin, Joanna didn’t look her age. She was still stunning, poised, and with a body men would die for.
Subalit dahil nakikita niya ito sa malapitan at maaliwalas ang buong living room niya dahil salamin ang dingding at nakakapasok ang liwanag ng araw, ay napupuna niya ang mga tanda ng edad. Ang mga kulubot sa gilid ng mga mata nito; ang pinong kulubot sa sulok ng mga labi.
She wondered why Romano didn’t annul their marriage and marry this woman.
“Hindi ako magtatagal, Bobbie,” untag ni Joanna sa pag-iisip niya at inikot ang paningin sa buong paligid. “You’ve got a nice and expensive place here. But then, dapat lang. Quidd owns this condominum building.”
“May sadya ka sa akin?” pormal niyang tanong. h indi niya gustong patulan ang nais nitong ipahiwatig. Joanna was a bitter woman.
Itinuwid nito ang katawan. “Galing ako sa opisina ng Kristine Steel sa Pasong Tamo. Dumaan ako rito dahil ang buong akala ko’y narito si Romano.”
Nagsalubong ang mga kilay niya roon. Hindi niya kailangang itanong kung bakit alam ni Joanna kung saan siya nakatira. “Bakit mo inisip na narito si Romano?”
Nagkibit ng mga balikat ang babae. “Wala siya sa opisina sa Pasong Tamo at wala rin sa pabrika sa Bulacan. Wala rin siya sa bahay nila sa Corinthians. I even thought that he spent the night here.”
Nanlaki ang mga mata niya sa huling sinabi ng babae. “I’m probably cork-witted this morning, Joanna, dahil hindi ko naiintindihan ang mga sinasabi mo. Maaari mo bang linawin sa akin? Bakit mo iisiping dito nagpalipas ng gabi si Romano?”
“Dumating si Romano kahapon galing ng Paso de Blas. Apat na araw siya roon. May sakit si Julia, ang grandmother niya. At naipangako niya sa matandang babae na isasama ka niya sa farm. You see, Bobbie, inaasahan ng matandang de Silva na magkakabalikan kayo ni Romano.”
“What?” Lalo siyang nalito sa tinatakbo ng usapan.
“Oh, I’m sure, you’d be thrilled, iyon ang sabi ko kay Romano,” patuloy ng babae, isang mapagkunwaring ngiti ang pinakawalan. “Nakasalalay sa pagkakabalikan ninyong muli ang pagsasalin ng buong farm kay Romano bilang panganay na lalaki. Ang tanging ipinag-aalala ko nga lang ay kung paano mo tatapusin ang relasyon mo kay Quidd.”
“Wala akong pakialam kay Romano at sa mga nangyayari sa buhay niya!” aniya, sinisikap kontrolin ang umaahong galit. Then she tsked. “Poor Joanna. Dapat ay itinali mo sa baywang mo si Romano. At hanggang ngayon ay hindi ka pa rin nakapag-move on. Umaasa ka pa ring pakakasalan ka ni Romano. Have you ever tried asking him why he hasn’t issued me an annulment papers?”
Nakita niya sandali ang pagkislap ng galit sa mga mata nito. Galit na nahalinhan din naman kaagad ng pagsuko, pagkalungkot. Na ang lahat ng mga emosyon gumitaw sa mga mata nito ay agad din namang naitago.
Lumakad si Bobbie patungo sa pinto at binuksan iyon para dito. Walang kibong lumabas si Joanna.
Ilang minuto nang nakaalis si Joanna subalit nanatiling nakatayo roon si Bobbie. Gustong sumabog ng dibdib niya sa galit kay Romano. Trust him to do this to her. Noon pa mang bagong kasal sila ni Romano ay malimit nang sabihin ni Julia na iiwan niya ang farm kay Romano sa sandaling magka anak ito ng lalaki. Dahil gusto nitong mapanatili ang farm sa ilalim ng pangalang de Silva at magpatuloy iyon.
At ngayon, natiyak ni Bobbie na hindi sinasadya ang pagkikita nila ni Romano. Sinadya nito ang lahat. Natatandaan niyang pagkatapos ng kasal ay kinausap sila ni Julia de Silva. She wanted Romano to inherit the whole ranch. Na hindi kailangan ni Bernard Fortalejo ang ano mang bahagi ng lupain ng mga de Silva dahil ito man ay pag-aari na ang kalakhang bahagi ng lupain at kayamanan ng mga Fortalejo.
Idiniin ng matandang babae na dapat ay magkaanak sila ng lalaki upang maipagpatuloy ang pangalan ng angkan.
The de Silva’s owned one third of the whole Paso de Blas. It was a productive and rich land. Hindi birong pera ang dinadala niyon sa pamilya. At kung walang anak na lalaki si Romano ay tuluyang mawawala ang daloy ng pangalang de Silva sa angkan.
“Huwag mo akong biguin, Romano,” wika ng matandang babae. “Katulad ng nuno mong si Don Leon Fortalejo, ay pinaghirapan ng lolo mong si Ernesto ang lupaing ito. Mas nauna ang de Silva sa islang ito kaysa kay Leon. Ikinagagalak kong nasa iisang pamilya lamang ang buong isla subalit hangad kong manatiling nasa pangalan ng Lolo Ernesto mo ang bahaging ito sa susunod pang henerasyon.” s umandal sa wicker chair ang matandang babae at sandaling ipinikit ang mga mata, as if in pain.
“Lola, are you all right?” nag-aalalang tanong ni Romano. Sa nakalipas na mga araw ay naging masasakitin si Julia dala ng katandaan.
Nagmulat ng mga mata ang matandang babae at payak na ngumiti. “Naalala ko lang si Ernesto, apo. Napatawad ko si Alfon sa paghahasik ng gulo at himagsik sa dalawang pamilya. Napatawad ko si Leon sa hindi sinasadyang pagkakapatay sa lolo mo dahil ipinagtanggol lamang nito ang sarili. Subalit masakit pa ring isiping kay tagal kong nabuhay sa mundong ito gayong kay tagal na niyang wala. Ni hindi niya nasilayan ang apo niya kay Alicia.” a ng tinutukoy nito ay si Bernard na anak ni Alicia kay Don Leon Fortalejo.
“Grandma, masama sa iyo ang mag-isip at malungkot. Magpahinga na kayo,” ani Romano sa abuela.
Ginagap ni Julia ang kamay ng apo at ikinulong sa mga palad.
“I’m old, Romano. Hindi ko kayang maghintay ng matagal na panahon. Gusto kong makita ang unang anak na lalaking magmumula sa iyo.” n ilingon nito si Bobbie na nakayuko lang. “...sa inyong mag-asawa.”
And now the old lady’s dying? At kailangan ni Romano ng isang asawa uli at isang ready made na anak na lalaki. Her thought was so bitter she could almost taste it.
“Damn him! Damn, damn him!”
HINDI siya mapalagay. Alam niyang darating si Romano ano mang araw o oras kung totoo ang sinasabi ni Joanna. Dahil walang dahilan kung bakit ito magsisinungaling. Kasabay niyon ay ang kaba. Ano ang iniisip ni Romano para kay Troy? Would he take him away from her?
She closed her eyes. Hindi niya gustong isipin iyon. Romano’s family was so influential. Magagawa nito ang gustong gawin.
Nang mag-echo ang musika mula sa door chime bandang alas-tres y media ay napaigtad si Bobbie. Binuksan niya ang pinto.
“Hello, Bobbie.”
“Romano…” s he uttered his name without any emotion. Ang tambol sa dibdib niya’y lalong lumalakas.
Pinaglakbay ni Romano ang mga mata sa kabuuan niya. She saw the familiar desire and hunger in those brown eyes. Hindi man niya gustong aminin ay totoong naapektuhan siya. Gayunman hindi niya kailangang magpadala sa damdamin dito.
“Puwede ba akong pumasok?”
“Ano ang kailangan mo, Romano?” It had been days since she last saw him. At kung hindi niya aawatin ang sarili ay ipagkakanulo niya ang damdamin dito. Na pinanabikan niya ito; na wala nang laman ang isip niya kundi ito.
“Nasaan si Troy?” tanong nito kasabay ng pag-ikot ng paningin na sa wari ay nasa loob lang ng living room ang hinahanap.
“Nasa montessori at hindi pa umuuwi,” kalmante niyang sagot bagaman hindi iyon ang nararamdaman. “kasama ng yaya,” idinagdag niya dahil nakita niya ang mabilis na pagkunot ng noo nito.
Sukat doon ay nag-iba ang ekspresyon ng mukha nito. “Hindi mo dapat ipinagkakatiwala sa ibang tao ang bata, Bobbie!” wika nito na ang pagkakakunot ng noo ay lalong lumalim. And Bobbie saw a hint of fear in his eyes.
Naguluhan siya. Sa nakalipas na taon mula nang magkaisip si Troy ay hindi siya sanay na may ibang kumukuwestiyon sa paraan niya ng pagpapatakbo sa buhay ng anak. Hindi at nalaman na ni Romano na anak nito si Troy ay makikialam ito sa ano mang desisyon niya para sa anak.
“Saang montessori naroroon si Troy? Ano ang oras ng labas?” he demanded, nag-aapura ang tinig. Naguguluhan man ay napilitang magsabi si Bobbie.
Hinugot ni Romano ang cell phone sa bulsa ng pantalong maong at may idinayal. Napasinghap si Bobbie sa narinig na iniuutos nito sa kung sino man ang kausap. Para siyang nanonood ng isang eksena sa sine sa mga sinasabi at iniuutos ni Romano sa kausap nito.
“What are you doing!”
“My brother-in-law’s friends will watch the boy,” bale-walang pahayag nito. “Don’t worry, hindi malalaman ng kahit na sino na binabantayan nila ang bata.”
“This is incredible!” bulalas niya. “Bakit kailangang bantayan si Troy?”
“Hindi gugustuhin ng pamilya ko na yaya lang ang kasama ni Troy—”
“Who cares about your family!” Naubos ang pagtitimpi niya. “Sa loob ng tatlong taon ay mag-isa kong binuhay at inalagaan ang anak ko.”
Napabuntong-hininga si Romano. “Hindi ko maiaalis sa iyo ang magsalita nang ganyan. Nagkulang ako. Hindi ko alam kung paano ko mapagtatakpan iyon. At sa nakalipas na mga taon ay nasa isang isla kayo sa Caribbean. Walang nakakaalam kung sino si Troy. Muntik nang ma-kidnap si Jade dalawang taon na ang nakararaan. At hindi biro ang kidnap threats na tinanggap ng pamilya ko sa nakalipas na mga taon.”
“No one will ever think of kidnapping my son, Romano,” she said gritting her teeth. “Just get out of our lives again! Simple lang ang buhay naming mag-ina. Next week, babalik kami sa La Crouix at doon ay hindi ko alalahaning ang pamilya ng anak ko’y nabibilang sa kilalang angkan.”
“Natural lang na mag-alala ako, Bobbie. I am his father.” Banayad ang tinig nito. Sa wari ay humihingi ng pang-unawa.
Nilunok niyang lahat ang masasamang salita na gustong mag-alpasan sa bibig niya para sa taong ito. Pinigil ang sariling dumampot ng anumang bagay na maaari niyang ibato sa aroganteng lalaking ito.
And she was so proud of her self-control as she said smoothly: “Wala akong natatandaang naging ama ka, Romano. Lalong higit bilang ama ng anak ko.”
“Ikinalulungkot ko ang nakalipas na mga taon, Bobbie,” he said softly. Tenderness in his eyes as his gaze lingered on her face. “I am going to make up for the lost years. Gagawin ko ang lahat upang—”
“Make up? Anong make up ang pinagsasasabi mo? Sa pagkakatanda ko’y itinanggi mong anak mo si Troy. Na ang pag-uusap nating iyon sa telepono sa nakalipas na halos apat na taon ay ang kahuli-hulihan? You’re incredible, Romano. Itinanggi mong anak mo siya bago ko pa man lang maisilang si Troy. At ngayon, heto ka at basta na lang sasabihin sa aking anak mo si Troy?”
“Tapos ka na ba?” he asked softly, amusement in his voice.
“Yes,” nahahapo niyang sagot at naupo. “Sabihin mo sa akin kung ano ang ipinarito mo at umalis ka na pagkatapos. Ayokong datnan ka na naman ni Troy dito. Narinig mo ang huling sinabi niya. My son was so attached to Steven. Kahit sinong lalaki ay pag-iisipan niya ng masama.”
Humakbang ito palapit sa kanya at naupo sa tabi niya. Akma siyang tatayo subalit mahigpit siyang nahawakan ni Romano sa braso.
“Please, gusto kong mag-usap tayo nang maayos. Gusto kong magpaliwanag, maaari ba?”
Please. Hindi makapaniwala si Bobbie na nakikiusap si Romano. Nang mula sa kung saang bahagi ng isip ay tila echo ang tinig ni Joanna sa dahilan ng pagparito ng lalaking ito. Gusto niyang itaboy ito subalit naiintriga siya sa paliwanag na sinasabi nito.
“Anong paliwanag ang gusto mong sabihin, Romano?” she asked sweetly. Sinikap na ngumiti sa kabila ng pagpupuyos ng dibdib.
A flash of triumph crossed his eyes. “Thank you for giving me this chance.” n ag-alis ito ng bara sa lalamunan. Niluwagan ang pagkakahawak sa kamay niya and settled it against his warm thigh.
Erotic flashes filled Bobbie’s mind but dismissed it instantly.
“Sa nakalipas na mga araw ay… ay gumawa ako ng mga pagsusuri para sa aking… sarili. Troy’s my son, there’s no doubt about it. Dapat ay noon ko pa ginawa iyon,” he said painfully at nagsalubong ang mga kilay ni Bobbie. “Nakagawa ako ng isang pagkakamali sa ating dalawa...”
Pagkakamali? He had almost destroyed her.
Nagpatuloy si Romano. “I thought I wasn’t capable of fathering a child, Bobbie...”
“What?” Marahas siyang napatayo.
Subalit hinawakan siya nito sa braso at muling hinila paupo. Iwinaksi niya ang kamay, gayunman ay naupong muli.
“Please hear me, Bobbie.”
“Iyan ba ang paliwanag na gusto mong sabihin sa akin?” Nanlilisk ang mga mata niya sa galit. Muling pumasok sa isip ang sinabi ni Joanna sa kanya. “Don’t invent a myth, Romano, para lang pagtakpan ang ginawa mo.”
“Bobbie, listen,” pakiusap nito. “Ang nangyari ay isang malaking pagkakamali sa bahagi ko. Inaamin ko iyon and I have suffered for it for the last four years. At kung bibigyan mo ako ng pagkakataon ay gusto kong punan sa iyo… sa inyo ni Troy ang mga pagkukulang ko.
“Alam kong hindi madali para sa iyo na tanggapin ang sinasabi ko. But I promise that I will do everything within my power to make you happy… to make you both happy.” His eyes, dark with emotion bored into hers at tumatagos iyon hanggang sa pinakaibuturan ng pagkatao niya.
Sa isang sandali’y gustong bumigay ni Bobbie sa pakiusap na ibinabadya ng mga mata nito, the sensual warmth of his voice, nang maalala niya si Joanna... ang sinabi nito sa kanya sa parking lot may apat na taon na ang nakalipas. At ang sinabi ng babae nitong huli lang kung bakit biglang-bigla ay muling lumitaw si Romano sa buhay niya. Sa buhay nilang mag-ina.
“Tigilan mo na ako, Romano,” wika niya sa determinadong tono. Nagliliyab ang mga mata sa galit. “Ikaw pa rin ang Romano na nakilala ko. You will do everything... anything to get what you want. But you’re wrong. Hindi na ako ang dalagitang halos sambahin ka. Umalis ka na at huwag mo na kaming gambalaing mag-ina!”
“Bobbie, please…”
“Ako ang nakikiusap sa iyo, Romano. Maayos ang buhay namin bago ka muling nagpakita. Hindi ko nais na magulo ang buhay ni Troy dahil lang biglang-bigla’y nagbago ang isip mo,” sarkastikong dagdag niya. “Sinabi ko sa kanyang patay na ang ama niya.”
“Bakit mo sinabi iyon?” may kapaitang maririnig sa tinig nito.
“You disowned him! Mahirap bang maintindihan iyon? Ano ang sasabihin ko sa anak ko? Na ang sariling ama niya ay itinanggi na siya hindi pa man siya ipinapanganak?”