noveltoon logo noveltoon
Romano 2 (Kristine Series 15)

Chapter 6

Ch. 6 / 11 Nov 28, 2025

“M OMMY, wake up...”

Umungol si Bobbie. Muling ibinaon ang mukha sa unan. Sa pagkakatanda niya’y sumisikat na ang araw sa silangan nang humiga siya. At masakit ang mga mata niya. Wala pa yatang tatlong oras siyang nakakatulog.

She opened an eye. “Troy, sweetheart, could I sleep at least for another hour?”

“No, you can’t,” determinadong sagot nito. The grim set of his lips reminded her of his father. “It’s gonna be hot then. It’s nine o’clock, Mom. You promised that we will go to the pool today,” pagpipilit ng tatlong taong gulang na bata.

“Did I?”

“Yes, you did,” mariing sagot nito at inalis ang kumot ng ina.

Bobbie groaned. Napilitang tumayo kahit antok na antok pa siya. “All right... all right. Now give me a kiss and then go, sabihin mo sa Yaya Lucing mo na bihisan ka ng pampaligo.”

Mabilis na hinagkan ng bata ang ina at nagmamadaling bumaba ng kama. “I’ll wear the new swimming trunks that we bought.”

Umikot ang mga mata ni Bobbie. Naiiling na sinundan ng tanaw ang anak palabas ng silid. Pagkatapos ay muling ibinagsak ang sarili. Siguro naman kung tatawad siya ng kalahating oras ay hindi maiinip si Troy. Ipinikit na niyang muli ang mga mata nang mula sa kung saan ay maisip ang nangyari kagabi.

“Oh, my g od!” Sapat ang presensiya ng alaala kahapon upang mawala ang antok niya. Mabilis na dinampot ang telepono at idinayal ang bahay ni Steven.

“Thank you for yesterday, Steven. Sana’y hindi naapektuhan ng nangyari ang negosasyon ng ADI kay Nick Gason.”

“Don’t worry about that. Hindi namersonal si Romano. Besides, si Nick Gason naman talaga ang kausap namin ni Daddy. Speaking of Kendal, natanggap mo ba ang tawag ni Daddy kagabi? He’s off to Caribbean. May importanteng dapat ayusin.”

Naghikab siya. “Baka nasa voice mail. I’ll check later. Nag-alala lang ako sa maaaring maging resulta ng transaksiyon.”

“The business part is okay. But how about you? Are you all right?” nag-aalalang tanong nito mula sa kabilang linya. “The man was dangerous than I thought.”

You don’t know half of it. “I am perfectly all right, Ken. Odd, but I felt better. All these years I’ve been wondering how I would react if I meet Romano again. Now, I’m over the anxieties. Ngayon ko lubos na napatunayang isang pagkakamaling nagpakasal kaming dalawa sa panahong pareho pa kaming bata. At ang tanging magandang kinalabasan ng pagsasama namin ni Romano ay si Troy.

“Nasasabi ko na ngayon iyan nang magaan sa dibdib ko. Besides, iyon na ang huling pagkikita namin. By this time, sakay na si Romano ng private jet ng kompanya pabalik sa Houston. At ayon sa pag-uusap ninyo kahapon ay si Nick Gascon na ang magpapahanda ng dokumentong pipirmahan mo sa abogado nito,” mahabang sabi niya.

“Mom!” sigaw ni Troy na sumungaw sa may pinto, nakasuot ng pulang bikini trunks. Sa likuran ay ang yaya. “Nakabihis na ako pero naka-pajama ka pa rin. Ang tagal mo. `Intayin ka namin ni Yaya Lucing sa ibaba.” Pagkasabi niyon ay nagtatakbo na ang bata palabas ng unit kasama ang yaya na bitbit ang isang plastic life vest na may mukha ni Mickey Mouse.

“Heard that?” aniya sa kausap sa phone. She heard Steven’s laugh.

“YAYA!!” sigaw ni Troy mula sa pool.

Si Yaya Lucing ay iglap na binitiwan ang binabasang Tagalog pocketbook. Nakita nitong nakataob na ang plastic life vest at nakalubog sa tubig si Troy at nakakapit sa tainga ni Micky Mouse. Nasa gitna ito ng pool at hindi marunong lumangoy ang yaya.

“Tulong!” sigaw ni Yaya Lucing, nagapalinga-linga. Walang tao sa paligid maliban sa isang bulto ng lalaking nakita niya sa di-kalayuan. “Tulong!”

Lumingon ang lalaki at nang makita ang sitwasyon ay lumiko ito patungo sa pool. l akad-takbo ang ginawa nito.

PAGKATAPOS ng ilang sandaling pakikipag-usap kay Steven sa telepono’y nagbihis na ng pampaligo si Bobbie. Isang one-piece bathing suit na aqua green. Kumuha ng oversized polo shirt at ipinatong subalit hinayaang nakabukas ang mga butones. Nasa ninth floor ang unit niya at bababa pa siya sa ground floor. Sa likod ng condo building ay ang swimming pool.

Binuksan niya ang refrigerator upang uminom ng juice bago bumaba. Magpapa-order na lang siya ng kape kapag nasa ibaba na siya. She promised Troy to teach him how to swim today. Siguro ay kailangan na niyang kumuha ng professional na magtuturo sa anak.

“Hello again, Bobbie.”

Biglang natilihan si Bobbie sa pagkakayuko sa ref. Isang tao lang ang nagmamay-ari ng ganoong uri ng tinig na narinig niya sa buong buhay niya. Deep and velvety. Romano de Silva. She groaned inwardly, kasabay ng pagharap.

Ang inaasahan niyang multo ng kahapon na hindi na muling makikita’y patuloy na lumilitaw—in flesh.

And a magnificent flesh for that matter. Nakasandal ito sa hamba ng pinto na marahil ay hindi naisara ni Lucing. In designer’s blue jeans na ang pagkakahapit ay naghugis sa muscular thighs nito. Bitbit nito ang coat sa mga balikat.

She swallowed painfully at itinaas ang tingin sa puting sportshirt na bukas ang tatatlong butones na nagpahintulot sa kanya upang makita ang manipis na balahibo nito sa dibdib.

At bigla’y nag-uunahan sa isip niya ang mga sandaling kung saan dinadama niya ang mga balahibong iyon sa dibdib at pababa...

Warmth flowed her body down to her stomach at the sensual thought. Mabilis niyang binura iyon sa isip. Baliw siya kapag ipapasok niya sa isip iyon kada magkikita sila ni Romano.

“What are you doing here? Ang akala ko’y lumipad ka patungong Houston kahapon.”

“Changed my mind…”

Hinagod siya nito ng tingin. Mula sa mukha niya’y bumaba ang tingin ni Romano. Huminto iyon sa dulo ng polo shirt kung saan nakikita ang suot niyang pampaligo. Naroon pa rin ang pagnanasang nakikita niya sa mga mata nito kahapong tinitigan siya. It was as if he was devouring her with his eyes. At hindi niya maikakailang naapektuhan siya.

His mouth twisted upward in a mocking smile. “Alluring,” desire and malice in his eyes as she surveyed her up and down. Pagkatapos ay inikot ng paningin ang kabahayan. “Is Quidd here? Dito ba siya natulog kagabi? Sino sa mga Quidd ang pinatutulog mo rito?”

Nanlisik bigla ang mga mata niya. “For your information, Romano de Silva, hindi rito natutulog minsan man ang mga Quidd!”

“I hope so,” bale-walang sagot nito at pumasok sa loob ng bahay. Inihagis nito sa silya ang coat.

Kapagkuwa’y may napansin si Bobbie na hindi tama. Kumunot ang noo niya. May tumutulong tubig mula sa pantalon nito patungo sa sahig. Bagaman ang itaas na bahagi ng pantalon nito ay tuyo naman.

Nagdikit ang mga kilay niya. “B-bakit basa ang kalahati ng pantalon mo?”

“I TOOK an early dip at the children’s pool below.” The sarcasm was for himself.

Walang pakialam kung pool ng tubig ang iniiwan niya sa bawat paghakbang. Inikot niya ang paningin sa buong unit. Dinadampot at tinitingnan ang bawat daanan ng mga mata. Iisipin pa lang niya na natutulog sa unit nito ang alinman sa mga Quidds ay parang nais niyang gilitan ng leeg ang mga ito.

Hindi niya kailanman inisip na posibleng magkaroon ng ganoong damdamin. Those were for savages only. Sa unang pagkakataon pa lamang na sinabi sa kanya ni Bobbie na nagdadalang-tao ito may apat na taon na ang nakalilipas ay parang gusto niyang patayin ang taong kinatalik nito.

How could he be so wrong? Sa wari ay patalim na humihiwa sa puso niya ang natuklasan lang niya sa ibaba. Apat na taon. Apat na mahahalagang taon ang nawala sa kanilang tatlo. Paano niya babawiin iyon?

Yes, when he took a look at Bobbie, when desire was almost killing him, nakikita niya ang katugon mula sa mga mata nito. But those were lust they shared years ago. They still had that chemistry between them.

Pero natitiyak niyang kinasusuklaman siya nito. Nakikita at nararamdaman niya iyon. At hindi niya ito masisisi. Napakalaki ng kasalanan at pagkukulang niya. Subalit babawiin niya ang mag-ina niya sa ano mang paraan. Kahit iyon na lang ang gagawin niya sa buong buhay niya.

“Sana nga ay totoong hindi ka nagpapatulog ng lalaki dito,” Romano said, pinigil ang daloy ng sariling isip. “Dahil nakakaapekto sa kaisipan ng anak mo kung makikitang may lalaking natutulog dito na hindi mo naman asawa.”

Nakikita ni Romano ang galit na lumatay sa mukha ni Bobbie. She opened her mouth, marahil upang sigawan siya, murahin, o kung ano man ang nais nitong sabihin. Nakahanda siya roon. Subalit muli itong nagsara ng bibig.

He sighed inwardly. Kung siya ang masusunod ay nais niya itong yakapin, ikulong sa mga bisig niya, hagkan hanggang sa pareho na silang hindi makahinga. But Bobbie would hate him more. Sa mga sandaling iyon ay desperado siya. Subalit hindi niya kailangang magpadalos-dalos kung nais niyang mabalik muli sa kanya ang mag-ina niya.

Hindi siya pinahintulutan ni Nick Gascon na gamitin ang business deal nito sa mga Quidd. Nick said he had helped him. But that was as far as he would go. All the rest was up to Romano since it was personal. And if the woman didn’t love him anymore, then Romano had to take the consequences.

At nais niyang mapahiya sa sarili. Kahit hindi isinatinig ni Nick ay natitiyak niyang alam niya ang nasa isipan nito. That if he wanted to win Bobbie back, he had to do it fairly and not to resort to blackmail.

Knowing that Bobbie didn’t love him anymore pained him so. Pero wala siyang dapat sisihin kundi ang sarili. But Bobbie wasn’t married. Iyon ang pagbabasehan niya sa naising posible pa niyang ibalik ang damdamin nito sa kanya. Hindi masamang mayroon pa rin silang chemistry sa isa’t isa.

Hindi niya rin maunawaan ang sarili kung bakit kailangan niyang galitin ito sa halip na suyuin. Pero marahil ay dahil alam niyang hindi madaling suyuin si Bobbie pagkatapos ng ginawa niya.

At marahil, para na rin sa self-preservation.

Nahinto si Romano sa isang sulok ng sala kung saan naroon ang study table nito. Nakalatag doon ang mga drawing niya para sa hotel sa La Crouix.

“Brilliant.” i tinaas niya ang isang sketches. “Naalala kong mahilig kang mag-drawing noon pa man. Sa napkin sa restaurant na kinakainan natin... sa peryodiko... sa computer... at pinakinabangan mo ang ilang buwang pag-aaral mo ng interior designing sa Amerika.”

“ANO ANG kailangan mo, Romano?” tanong ni Bobbie sa pormal na tinig na tila isa ito sa mga administrator ng building.

Umangat ang kilay ni Romano. “Oh, ikaw ang kailangan ko, Bobbie. Pero natitiyak kong hindi ko kaya ang halaga mo,” panunuya nito at muling pinaglakbay ang mga mata nito sa kabuuan niya sa nang-iinsultong paraan. Gusto niyang ibato rito ang hawak na baso na hindi pa niya nasasalinan ng juice subalit nagpigil siya.

“Ang unit na ito na sa tingin ko’y para lamang sa mga rich and famous… and of course, ang mamahaling kotse mo’y nakaparada sa basement nitong unit. What is it? Ferrari? Porsche? or Camaro?”

Humugot ng malalim na hininga si Bobbie at unti-unti ang ginawang paglalabas niyon upang sikaping kontrolin ang galit.

“Tell me, maliban sa nakikita ko’y ano pa ang ibinigay sa iyo ni Quidd? A vacation house in La Crouix overlooking the sea? Ikaw ba ang isa sa mga dahilan kung bakit tila seasaw ang financial status ng mag-ama?”

“Wala kang pakialam sa buhay ko, Romano,” she said gritting her teeth.

“At kung gusto kong makialam, Bobbie? Alalahanin mong mag-asawa pa rin tayo. Paano kung sabihin ko kay Quidd na ang babaeng pinag-aaksayahan niya ng pera at panahon ay hindi kontento sa iisang lalaki?” painsultong hamon nito.

Bobbie saw him winced. Kung para saan ay hindi niya matiyak. Pero muling nasa mukha nito ang panunuya na marahil ay hindi naman niya nakita iyon.

“Hindi lahat ng tao’y katulad mo ang moral, Romano. At gagawan mo ako ng pabor kung aalis ka na.” Humakbang siya patungo sa pinto subalit nahawakan ni Romano ang braso niya. Bumaon sa mga braso niya ang mga daliri nito.

“Bitiwan mo ako!”

“Not until I’m ready,” wika nito at hinila siya pabalik. “Ipinagmamalaki mo ba sa akin ang matandang lover mo? My g od, Bobbie... napakahalaga ba ng salapi sa iyo at pati ang mag-ama ay hindi mo pinatawad? Ang alam ko’y bastante ang sustentong ipinadadala ko sa iyo buwan-buwan. I checked it with my accountant. Walang sustentong pumalya minsan man. Bakit pinababa mo nang ganito ang—” h indi nito natapos ang sinasabi dahil lumapat sa pisngi nito ang palad ni Bobbie.

“Wala kang karapatang insultuhin ako!”

She was expecting a reciprocate action. Ang mga mata nito’y nakikipagdigma sa kanya. She could see the stiffness at tila sinisikap nitong kontrolin ang sarili.

Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ni Romano. “You are making a habit out of it, my dear.” May babala sa tinig nito. “Huwag mo nang uulitin sa ikatlong pagkakataon.”

“Ikaw ang may kasalanan! Ang aga-aga ay wala kang masabing maganda kundi insulto!” Her voice cracked. Lumakad siya patungo sa counter sink at inilapag doon ang baso na kung hindi niya bibitiwan ay baka mahati niya sa gitna sa higpit ng pagkakahawak niya.

Namagitan ang mahabang sandali sa kanilang dalawa. Romano spoke first. Sa mababang tinig.

“Humihingi ako ng tawad,” wika nito. “Siguro nga’y wala akong karapatang pakialaman ang mga ginagawa mo. I gave you your freedom years ago. Maybe we could talk like two civilized people.”

Humihingi ito ng paumanhin! Hindi makapaniwala si Bobbie. Humihingi ito talaga ng paumanhin at sa mababang tinig!

Pagkatapos ay napuna niyang lumampas ang mga mata nito sa mga balikat niya.

“Mom, what took you so long? Naiinip na ako.” s i Troy sa nagagalit na tono. Tumutulo ang tubig mula sa katawan. “At, Mom, nag-capsize si Mickey mouse. Nahulog ako sa tubig…”

She almost smiled. Ang anak niya ay eksaheradong magkuwento at natitiyak niyang gumagawa ito ng kuwento upang madaliin siya.

Nilapitan at niyuko ni Bobbie ang anak. “I was about to come down, Troy. But mommy’s got a visitor, darling.”

Sinulyapan ni Troy si Romano. Recognition flashed his eyes. “Siya ang nag-ahon sa akin sa pool, Mom!”

Pinanlakihan ng mga mata si Bobbie. “Sa pang-adultong pool ka naligo? Nasaan si Yaya Lucing?” Napuno ng sindak ang tinig niya.

“It’s okay,” ani Romano. “Sa pambatang pool sila. Hindi naman agad naisip ng yaya ng bata na mababaw lang ang pool at nag-panic kaagad. Inaabot yata ng bata ang laruan niya, tumaob ang toy life vest niya.”

“Thanks, again, mister,” ani Troy. Sandali lang hinagod ng walang interes na tingin si Romano at muling ibinalik sa ina ang mga mata. “I’ll wait at the pool again. Please come down in ten minutes,” at patakbo na uling lumabas ang bata. Subalit nagpreno ito pagdating sa may pinto. Lumingon.

“Mom, you are not supposed to entertain men-friend in our house. Ano ang sasabihin ni Uncle Steven?” Dinaanan lang nito ng tingin si Romano bago ipinagpatuloy ang paglabas.

Nakasunod ang tingin ni Bobbie sa anak sa nanlalaking mga mata. Nang lingunin niya si Romano ay doon din sa dinaanan ni Troy nakadako ang mga mata nito. Was it pain that she saw in his eyes?

Lumingon si Romano sa kanya. “So, it was Steven…” he said gritting his teeth.

Bobbie sighed. Sa kung ano mang dahilan ay hindi niya gustong itanim sa isip ni Romano na may ugnayan sila ni Steven. Tama na ang palabas kahapon na pinasimulan ni Steven. Hinila niya ang silya at naupo roon.

“Steven’s a friend, Romano,” she said tiredly. “Sila ni Kendal. My mother’s marrying Kendal anytime soon. Silang mag-ama ang namulatan ni Troy. He’s calling Kendal “ l olo” and “Uncle” kay Steven. Para sa murang isip niya ay father-figure si Steven.”

“Let’s rectify that,” ani Romano. Hinila ang silya sa katapat niya at naupo roon. “Ikinalulungkot ko, Bobbie. Hindi ko man lang nalaman kung babae o lalaki ang naging anak na… mo.”

Biglang napabaling ng tingin si Bobbie kay Romano. Nakita niya ang paghahalili ng matinding lungkot at kapaitan sa mukha nito. And maybe guilt, too. Hindi niya kayang desisyunan kung alin sa mga iyon ang totoong nararamdaman ni Romano. Ngayong personal na nagkatagpo ang mag-ama sa hindi inaasahang pangyayari ay hindi maipagkakaila kung sino ang ama ni Troy. Ang mga larawan ni Romano noong kabataan pa na nakita ni Bobbie noong nasa isla sila ay ang mismong si Troy ngayon.

At nakita iyon ni Romano. Bulag lamang ang hindi makakakita ng pagkakahawig. Even Troy inherited his father’s brown eyes. The arrogance whenever Troy tilted his head was that of his father’s. And the way her son smiled was a shadow of Romano’s.

Ang pagkamanghang nakita ni Bobbie sa mukha ni Romano ay agad niyang hinalinhan na marahil ay pagkadismaya. He was probably scared that one of these days, Troy will come to him and ask his part of the inheritance ngayong nakatiyak itong isang de Silva ang anak niya.

At hindi tatanggihan ni Romano iyon. Sa kabila ng lahat, his family are honorable people.

“Kamukha marahil ng mga de Silva ang anak ko, Romano,” aniya nang makabawi. “Pero sa panlabas na anyo lang. My son is a unique person in his own way. At huwag kang mag-aalala, kaya kong buhayin at pag-aralin ang anak ko sa disenteng paraan. Hindi mangyayari na hihingi ng financial na tulong mula sa iyo ang anak ko .” Binigyan niya ng emphasis ang huling salita. “At siguro’y narinig mo ang sinabi niya kanina. Gusto niyang nasa ibaba na ako sa loob ng sampung minuto.”

Sa pagtataka ni Bobbie ay walang kibong humakbang si Romano patungo sa pinto. Nasa entrada na ito nang lingunin siya.

“Sinabi mo ba kay Troy kung sino ang ama niya?”

“Ipanatag mo ang loob mo. Ang alam ni Troy ay namatay sa isang aksidente ang ama niya nang ipinagdadalang-tao ko pa lang siya. If you’ll ask him, he’d tell you that himself.”

Napatingala si Romano, sandaling napahawak sa hamba ng pinto. Sa wari ay may sakit itong iniinda. At bago pa may masabi si Bobbie ay mabilis na itong humakbang palabas.

Nalaman niya nang bumaba siya sa pool na si Yaya Lucing ang unang nakapuna sa pagkakahawig ng dalawa. Hindi nito sinasadyang maitanong kay Romano kung kapatid ito ng namayapang ama ni Troy dahil magkahawig ito at si Troy. Idinagdag pa ni Lucing na kahit daw ang mga mata ng dalawa ay pareho ng kulay.

And right then and there, Romano must have seen the truth.

Sinabi ni Yaya Lucing na nang iwan sila nito at lumakad pabalik patungo sa hotel ay tila nalugi ito ng maraming salapi sa pagkakalaylay ng mga balikat.