noveltoon logo noveltoon
Romano 2 (Kristine Series 15)

Chapter 4

Ch. 4 / 11 Nov 28, 2025

“H AVE dinner with me, Bob.” s inabayan siya ni Adam Leviste sa paglabas ng opisina hanggang sa may elevator. Si Adam ang may-ari ng bahay na kung saan ang buong interior ay siya ang nagde-decorate. Isang divorcee at nasa mid-thirties nito.

A month after Romano left for Texas, pumasok si Bobbie bilang isang interior decorator sa isang kompanyang pag-aari ni Adam Leviste. Nagpaparenta ito ng mga condo unit na maayos at nadedekorasyunan na para sa mga foreigner. Maliban pa sa talagang mga condo units na ipinagbibili. At si Bobbie ang humahawak sa interior designing ng mga unit nito.

“Thank you for inviting me, Adam, pero hinihintay ako ni m ama,” she smiled politely.

Tumuwid ng tayo ang lalaki at nagbuntong-hininga. “You’ve been working for me for six months now, Bobbie, pero minsan ma’y hindi mo pa ako napagbigyan sa mga dinner invitation ko.”

“Maybe because she’s committed and I’ll definitely won’t like it if she dated another man.” i sang amused at pamilyar na tinig ang marahas na nagpalingon kay Bobbie.

“Romano!” bulalas niya nang makita ang binata. Nasa likuran nila ito at ni hindi niya napansin.

Pagkamangha at katuwaan ang nasa mukha niya. Parang sumakit ang dibdib niya sa bilis ng tibok ng puso niya habang hinahagod ng tingin ang mukha nito. Oh, how she missed him! The last time she saw him in person was at the NAIA airport seven months ago. At sa loob ng mga buwang iyon ay tatlong beses na niyang nakita at nakausap si Romano sa videophone sa opisina ng ama nitong si Marco de Silva.

At bagaman gusto niyang magreklamo sa uri ng relasyon nila ay wala siyang magagawa. Kailangan niya itong unawain. Kaya naman pinagkasya na lamang niya ang sarili sa ganoong uri ng pagkikita.

At sa bugso ng damdamin ay napahakbang siya patungo rito at mahigpit na yumakap. Tuluyang nawala sa isip na naroroon ang boss niya at nakatingin sa kanila.

“Why are you here? When did you arrive? Oh, I missed you so much, Rom!”

Romano chuckled as his arms went around her and raised her inches from the floor. “I missed you too, sweetheart. More than you’ll ever know,” he whispered huskily and kissed the top of her head.

Over Bobbie’s head, tinapunan nito ng tingin si Adam Leviste na nagkibit ng mga balikat at humakbang pabalik sa opisina. Si Bobbie ay tuluyang nakalimutan ang boss.

“WHY DIDN’T you tell me you’re coming home? Oh, g od, I can’t believe this!” aniya nang nasa kotse na sila ng binata sa may parking area. Binuksan ni Romano ang aircon at pinanatiling nakabukas lang ang makina ng kotse.

Her eyes filled with so much longing and happiness. Ang excitement ay hindi pa rin nagmamaliw kahit bahagya. Hindi niya alintanang malaman ni Romano na labis niya itong mahal.

Romano smiled tenderly at her. Ginagap ang kamay niya at hinagkan. “Are you really so excited to see me?”

“You can’t know half of what I feel.” s he grinned at him. Isinandig niya ang ulo sa balikat nito. “When did you arrive? Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin? At paano mong nalaman ang office ko? No. Don’t answer that one. Siyempre, ang mama.”

Nakangiting tumango ang binata roon. “Kagabi ako dumating. At hindi kita nasorpresa nang ganyan kung sinabi ko sa iyong uuwi ako.”

Hindi na nagsalita si Bobbie. She was staring at him with fascination. Umaapaw sa pananabik at pag-ibig ang mga mata niya. Kung hindi siya magtitira nang kaunti para sa sarili niya ay natitiyak niyang aalipinin siya ng damdamin niya rito.

Nilingon siya ni Romano. “I have another surprise for you, sweetheart...”

“Really? And what is it?”

“This first,” wika nito at kinabig siya at mariing hinagkan sa mga labi that Bobbie melted in his arms at once.

Romano was kissing her fiercely. Nasa mga halik nito ang matinding pananabik at pagnanasa. Which she returned with equal fierceness. At nang damhin nito ang dibdib niya ay napaungol nang malakas si Bobbie. Ni hindi niya naisip kung nasaan sila sa mga sandaling iyon.

Only Romano mattered.

Hindi siya makapaniwala sa intensidad ng nararamdaman niya sa lalaking ito. It wouldn’t have mattered to her if he kissed her forever. She missed him so much.

Pinakawalan siya ni Romano nang kailangan na nilang parehong huminga at muli ring inangkin ang mga labi niya.

“How I’ve dreamt of this every day, sweetheart,” he murmured in her lips huskily.

“Me, too. Oh, I love you, Romano.” s he would have reached for his lips kung hindi sa pag-alis ng isang sasakyang katabi ng kotse ni Romano sa parking kasabay ng malakas na busina. Na tila sinasabi sa kanila na kumuha sila ng isang silid sa motel.

Romano laughed.

She blushed. Mabilis siyang lumayo at umayos ng upo. “Nakalimutan kong nasa parking tayo.” s he smiled guiltily. Her lips still throbbing from his kisses.

Hindi sumagot si Romano but his brown eyes turned a shade darker with desire. Huminga nang malalim at saka pinihit ang susi sa ignition at lumabas ng parking area.

“Let’s have an early dinner. Nagpa-reserve ako sa isang restaurant na malapit dito.”

Isang tahimik na tango lang ang isinagot ng dalaga. She was wearing her heart on her sleeves as she stared at him. Watched his capable hands in fascination habang nagmamaneho ito. Pagkatapos ay muling babalik sa mukha ng binata. She could have been a love-crazed teenager and she didn’t care.

Ilang sandali pa’y nasa restaurant na sa ibaba ng isang hotel ang dalawa.

“Hmm... dinner by a candlelight,” nakangiting puna ng dalaga nang maupo na. “At may dilaw na rosas pa, huh?” Banayad niyang dinama ang talulot ng rosas. Natatandaan niya nang punuin ni Romano ng mga rosas ang buong silid niya. How could one ever forget that?

“Oh, Romano, this is lovely!”

“You’re lovelier, Roberta Lou,” he said huskily. His eyes never leaving her face. Pagkatapos ay may kinuha sa bulsa ng pantalon at iniabot sa dalaga. “Ang sorpresa ko.”

Tinitigan ng dalaga ang munting kahitang inilagay ng binata sa harap niya. Another ring?

“Huwag mong titigan, buksan mo,” he commanded. Amusement in his voice.

“Hindi mo kailangang bigyan ako nito, Romano. Sapat nang narito ka. Besides, you already gave me—”

“Open it, sweetheart.”

She shrugged her shoulders at saka dinampot ang kahita at unti-unting binuksan.

“Oh!” h indi niya mapigil ang mapabulalas nang malakas sabay ng pagsalubong ng mga kilay at lingon sa binata. Ang naroon ay isang pares ng eighteen karat white gold band ring. Bawat singsing ay may limang batong brilyante, in princess cut.

“Binili ko iyan bago ako umuwi,” tahimik na wika ng binata na ang mga mata’y hindi humihiwalay sa mukha niya. Tila ba pinag-aaralan ang bawat ekspresyon ng kanyang mukha.

“W-what does this mean?”

“What does a pair of wedding ring mean?” ganting-tanong nito, amusement in his voice.

“W-wedding ring...” she parroted stupidly. Her heart thudded violently in her chest.

Inabot ni Romano ang kamay niya at ikinulong iyon sa mga palad nito and said softly. “Will you marry me, Bobbie?”

“M-marry you...”

Napangiti si Romano. “Are you going to keep on repeating everything I said?”

“Yes. No! I mean...” s inalubong niya ang mga mata nito. “Are you serious?” nalilitong tanong niya. “I t-thought you have responsibilities with your parents and—”

“So?” muling agap nito. “I am marrying you and fulfill my responsibilities at the same time. I will have to marry sometime and I’d rather do it now. Sa ikalawang pagkakataon, Bobbie, will you marry me?”

“Yes! Yes... yes!” she almost shouted happily.

DALAWANG linggo pagkatapos ng araw na iyon ay nagpakasal ang dalawa sa Paso de Blas. Isang simpleng civil wedding dahil nag-aapura si Romano na makasal sila kaagad. Muli ay isang miyembro ng pamilya ang ikinasal ng matandang si Judge Adriano.

Nanatili sa Paso de Blas ang mag-asawa nang isang linggo para sa kanilang honeymoon. Iyon ang pinakamaliligayang araw sa buhay ni Bobbie na sa kaisipan ay umaasang wala nang katapusan.

They made love anywhere... everywhere. At sa lahat ng pagkakataong iyon ay walang natatandaan si Bobbie na hindi siya nabigyan ni Romano ng kasiyahan. Maging iyon man ay sa tabing-dagat, sa batis, o sa loob mismo ng silid nila.

At nang umalis si Romano pabalik sa America ay kasama na si Bobbie. Naroon si Romano upang magtapos ng masteral nito at kasabay na rin niyon ay magtatrabaho sa branch ng Kristine as managerial apprentice kasama ang mga top executive na parehong mga Amerikano at Pilipino.

“ROMANO, darling!” excited na bungad ni Joanna pagkapasok sa opisina ng lalaki. “Bakit hindi mo itinawag na darating ka? Sana’y nasundo kita sa airport.”

“Grandma and Aunt Ruby collected us at the airport, Joanna,” sagot ni Romano and smiled faintly.

Tuloy-tuloy na umikot si Joanna sa kinauupuan ni Romano at ikinawit ang mga braso sa leeg nito at humalik sa mga labi.

“What took you so long in the Philippines, darling. I missed you so much...”

Si Bobbie na nasa sulok at nagmamasid sa mga naroong picture frames ay nanlaki ang mga mata sa pagkakatitig sa asawa at sa babae.

“Hmm... Joanna,” ani Romano na hinawakan ang dalawang braso ng dalaga at banayad na itinulak palayo. “I would like you to meet Bobbie...”

“Who?” Sinundan ni Joanna ang hinayon ng mga mata nito.

Ang nakita nito’y ang isang tila teenager na nakatayo sa sulok. Bobbie was wearing her retro blue jeans and sneakers, a blue top tank and her hair in ponytail. Matamis siyang nginitian ni Joanna.

“Oh, she must be one of your pretty cousins. Hello, there.”

Napaangat ang mga kilay ni Bobbie sa narinig. She didn’t think she’d met all of Romano’s “pretty cousins.” At napagkamalan siyang isa sa mga iyon. At bago siya may maiusal ay naunahan na siya ni Romano.

“Bobbie’s my wife, Joanna. We were married almost two weeks ago.”

“Wife!” Bigla ang baling ng tingin ni Joanna kay Romano. “She’s your wife?!”

Muntik nang mapabunghalit ng tawa si Bobbie sa pagkagulat at disappointment sa mukha ng babae. Bagaman gusto niyang humanga sa pagmintina nito ng poise sa kabila ng lahat. Pagkatapos ng pagkabigla ay agad nakabawi si Joanna. She congratulated them both with grace. Gayunman ay hindi maitatanggi ang pait at galit na manaka-naka ay gumigitaw sa mga mata nito sa durasyon ng pag-uusap nila nang araw na iyon.

DAHIL estudyante at empleyado ay halos walang gaanong panahon si Romano sa kanya. Naiiwan siyang mag-isa sa apartment na ang tanging libangan ay ang baguhing lahat ang interior designs ng apartment nila.

“What is this?” mula sa pinto ay bulalas ni Romano nang makita ang delivery sa apartment.

Sinalubong ng ngiti ni Bobbie ang asawa at agad na yumakap dito subalit inalis ni Romano ang mga kamay niya at pumasok sa loob ng silid at pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawang taong nagpapasok ng mga kasangkapan sa loob. Pagkatapos ay pinapirmahan kay Bobbie ang delivery receipt at umalis na rin.

“Ano ang ibig sabihin nito, Bobbie?” Marahas ang tanong na iyon sa pagkamangha niya.

“M-mga gamit sa… nursery, Romano...”

“Why?” It was spoken softly pero gustong mangilabot ni Bobbie sa galit na nasa mga mata nito.

“S-sooner or later ay magkaka-baby tayo,” sagot niya na pilit ngumiti. Nalilito sa inaasal ng asawa. “And I’ve decorated all the rooms here so I decided to—”

“You should have consulted me about this...” agap nito sa mapanganib na tono. “Hindi iyong basta ka na lang magdesisyon nang hindi ko man lang nalalaman.”

“I–I am sorry kung hindi ko binanggit sa iyo ito,” marahang sabi niya. “K-kung hindi mo gusto ay maaari nating ipagbiling muli.”

Matagal siyang tinitigan nito at saka humugot ng malalim na paghinga. Sumandal sa dingding na tila nahahapo at tumingala sa kisame at mariing ipinikit ang mga mata. Bobbie thought that there was something that pained him. Nilapitan niya ang asawa.

“Romano... are you all right?” Her voice worried.

Mabilis na nagmulat ng mga mata ang lalaki. Kinabig siya sa dibdib nito at mahigpit na niyakap.

“I’m sorry, sweetheart.” h inagkan nito ang ibabaw ng ulo niya. “I’m tired. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin. Pagpaumanhinan mo ako.”

“Naiintindihan ko,” bulong niya rito at isinandal ang mukha sa dibdib ng asawa at yumakap dito. She revelled at his familiar scent.

Pagod si Romano. Puspusang nag-aaral at nagtatrabaho ito. Hindi miminsang beses na sinabi nito sa kanyang gusto nitong mag-retire na si Marco de Silva at ibigay sa mga magulang ang pinapangarap na pagbabalik sa farm upang doon na mamirmihan. Mula sa pagtatagni-tagni niya ng mga kuwento ni Romano tungkol sa pamilya nito, she surmised that Romano’s father had always been a farm boy. Na minsan na itong nagretiro subalit muling nagbalik sa negosyo ng pamilya dahil sa pangyayaring hindi nito maiiwasan.

At nariyan pa siya. Hinahati ni Romano ang katawan at panahon sa pag-aaral, pagtatrabaho, at sa kanya. And Romano’s still very young para sa ganoong responsibilidad. Lalo na ang pagiging isang ama, kung sakali.

Subalit sa pagkakaalam niya ay lahat ng mga kamag-anak nitong lalaki ay may ganoon ding responsibilidad sa minanang negosyo. Direktang pinamamahalaan ng pamilya ang negosyo ng mga ito.

Nag-alis ng bara sa lalamunan si Romano at tinitigan siya. “Bakit naisip mong i-convert sa nursery ang isang silid?”

Muli’y nagsalubong ang mga kilay niya. Wala na ang galit sa tono nito pero may pakiramdam siyang hindi kaswal ang tanong na iyon. At sa ilalim ng tinig nito ay naroon ang sakit. It could be her imaginations running wild.

“I am an only child, Romano,” she answered casually, truthfully. “Gusto kong magkaanak kaagad. At dahil may lahi kayo ng kambal...” s he smiled at him. “Hindi imposibleng magkaanak din ako ng kambal. At kung dalawang beses akong magdadalang-tao na parehong kambal...” s he shrugged her shoulders happily. “mas magaling. Apat agad ang anak natin. Teka lang, igagawa kita ng kape.” Sa huling sinabi’y tumalikod na si Bobbie upang ipaghanda ng kape ang asawa. She didn’t notice the pain that crossed his face.

Inaabot niya sa cupboard ang tasa nang yakapin siya nito mula sa likod.

“Ayoko pang magkaanak, sweetheart,” bulong nito habang hinahagkan ang batok niya. “I want you for myself for some time.”

Natawa siya roon at humarap sa asawa. Naisip niyang mas madadagdagan ang responsibilidad na nakapatong sa balikat ni Romano kung magkakaanak nga naman sila kaagad. She wanted to assure him of something. Subalit ang anumang sasabihin niya’y tinakpan ng mga labi nito. At ang binalak na pagtitimpla ng kape ay tuluyan nang nakalimutan.

Romano made love to her in the kitchen sink fully clothed. And it was as exciting as always. Making love with her husband was a soul-shattering experience. Madalian man iyon tulad ng ginagawa nila ngayon, was as arousing in a different ways as hours spent in exploring each others body in bed.