Chapter 9
Chapter Nine
“O
H, RYAN, hindi ako makapaniwalang nasa kanya ang mga alahas ng Mama!”
s
i Marcie na pigil na pigil ang paghihisterya.
Pinaglipat-lipat ni Ryan ang paningin sa mag-asawa. “Sagutin mo ang tinatanong ko, Jake! Bakit napunta kay Sandra ang mga alahas na iyan?”
Nagkibit ng balikat si Jake, inabot ang tubig at uminom, nagpunas ng napkin sa bibig. “Iyan ang iniregalo ni Papa sa kanya, Ryan, noong araw na kami’y ikasal.”
“No!”
s
i Marcie. Hinawakan sa mga balikat ang asawa. “Ako ang dapat na magmay-ari ng mga alahas na iyan, Ryan. Ako! Dahil ikaw ang tunay na anak ni Papa.”
Si Alexa na nanatiling nakamasid at nakikinig ay walang masabi. Lalong nagulo ang isip niya sa narinig. Si Ryan ang tunay na anak ni Don Benedicto! At paano si Jake?
“Hindi ako naniniwalang magagawa ng Papa ito, Jake!” Napukpok ni Ryan ang mesa. Natuon ang pansin sa kanila ng kalapit na mga kumakain. “Nilason mo ang isip ni Papa upang ibigay kay Sandra ang mga alahas na iyan! Pupuntahan ko ang Papa ngayon din!” Mabilis itong tumayo kasabay si Marcie na ang mga mata’y nasa leeg at tainga pa rin ni Sandra.
Wala na ang dalawa’y hindi pa rin makaapuhap ng sasabihin si Alexa.
“Tapusin mo ang pagkain, Sandra, at huwag mong intindihin ang dalawang iyon,” utos ni Jake.
“Umuwi na tayo, Jake, tapos na akong kumain.”
“Ipagpaumanhin mong nasira ng mag-asawang iyon ang gabing ito,” sagot ng lalaki na sinenyasan ang maitre d’ para sa bill nila.
Nasa daan na sila’y hindi pa rin malaman ni Alexa ang iisipin. Alam ba ni Sandra kung anak o ampon ni Don Benedicto si Jake? Gusto niyang manlumo. Para siyang nasa loob ng isang maze at hindi alam kung saan susuot para lumabas.
Hanggang sa makauwi sila’y nanatiling walang kibuan ang dalawa. Pumasok sa silid si Alexa at si Jake naman ay sa library nagtuloy.
NANG sumunod na araw ay pinuntahan ni Alexa si Eleanor pagkaalis ni Jake patungong opisina.
“Mama, naguguluhan na ako sa takbo ng pangyayari. Sa nakikita ko ay nagkaroon ng relasyon si Sandra kay Ryan. At ang Ryan na ito ay may-asawa. At kung bakit pinakasalan ‘ako’ ni Jake ay hindi ko pa rin lubusang maisip hanggang ngayon.” Palakad-lakad siya sa harap ng ina. “Si Jake ay walang sinasabi at ipinaliliwanag. Marahil ay inaasahan niyang alam ko ang mga pangyayari bilang si Sandra. And I just can’t keep silent and pretend to be so innocent.”
“Hindi ko pa masabi kay Sandra ang pangyayari, Alexa, at baka hindi pa siya lubusang magaling. Bagaman kagabi ay nagsimula na siyang magtanong tungkol kay Jake at kung bakit hindi man lang ito dumalaw sa kanya. Alam na raw ba nitong nagkamalay na siya?”
“Oh, Mama!” Naupo siya sa tabi nito. “Hindi sa habang panahon ay maitatago natin kay Jake ang lahat ng ito. Ngayon pa lang ay pinagdududahan na ni Jake ang palagi kong pag-alis upang dalawin si Sandra. Nalaman niya iyon mula sa mga katulong minsang umuwi siya.”
Sinapo ni Eleanor ang mukha. “Hayaan mong magpalipas muna tayo ng ilang araw, Alexa, bago ko sabihin ang lahat kay Sandra. Hayaan mo munang makauwi siya dito. Hindi na magtatagal iyon,” pakiusap nito sa anak.
Biglang napatingin sa ina si Alexa. “Mama, paano kung tawagan ni Sandra si Jake at kausapin ito? Ang sabi ninyo’y nagsisimula na siyang mag-usisa?” kinakabahang tanong niya.
“Naisip ko na iyan, Alexa, kaya mahigpit ang bilin ko sa ospital na huwag magpahintulot ng outside call mula sa silid niya. Pansamantala ay disconnected ang linya sa silid niya.”
Nakahinga nang maluwag si Alexa. “Sino ang kasama niya ngayon doon?”
“Si Bernard.”
Si Bernard. Gusto niyang mag-isip tungkol sa layunin ng binata. Pero muli, ang sariling suliranin ang laging nangingibabaw sa isip niya. Minabuti niyang huwag na munang dalawin si Sandra at umuwi na lamang.
Hindi pa siya gaanong natatagalang nakauwi nang tumawag si Jake.
“Sandra, gusto kong sabihin sa iyong uuwi ako ng Batangas ngayong gabing ito. May pampamilyang bagay akong aayusin. Tumawag ang Papa. Bukod pa sa kailangan ako sa pabrika. Tatlong araw ako roon,” ang sabi nito sa kabilang linya.
Balak niyang sabihing gusto niyang sumama pero minabuting hindi na. Pagkakataon na niyang madalaw si Sandra nang hindi niya kailangang magmadali.
Isa pa, kung totoo ang sinabi ni Ryan kahapon sa pagkikita nilang apat ay tiyak niyang nasa Batangas din ito kasama ang asawa. Hindi niya gustong magkita-kita sila roon at manatili siyang walang kibo sa mga pinag-uusapan.
Sa ikalawang araw na wala si Jake ay na-discharge si Sandra mula sa ospital. Muli ay kasama si Bernard nang ihatid ang dalaga sa bahay ni Eleanor.
“Mama, gusto kong tawagan si Jake.”
s
i Sandra makalipas ang isang oras na makauwi. “Gusto kong malaman niyang nakalabas na ako ng ospital.”
Nagkatinginan sina Eleanor, Bernard at Alexa.
“Bakit hindi mo muna ipagpaliban ang pagtawag sa kanya, hija?” salo ni Eleanor. “Bagaman hindi ka personal na nakakausap ni Jake ay tumatawag naman siya sa akin upang kumustahin ka, hija.”
“Gusto kong malaman kung ano na ang nangyari sa planong pagpapakasal. Alam kong hindi gusto ni Jake na magpakasal sa akin at ayokong tuluyan siyang makakita ng dahilang iwasan ito,” patuloy ng dalaga na lumakad patungo sa kinaroroonan ng telepono.
Mabilis na humabol si Eleanor at hinawakan ang anak sa dalawang braso at muling inakay sa sofa. “Please, Sandra... saka mo na lang tawagan si Jake.”
Pinaglipat-lipat ng dalaga ang tingin sa tatlo. Bumangon ang hinala sa dibdib. “May ipinaglilihim ba kayo sa akin, Mama? Umurong ba sa kasal namin si Jake?”
“Hija...”
“Kailangang makausap ko si Jake,” mariing wika nito. Muling tumayo upang damputin ang telepono subalit inawat ni Eleanor.
“M-may ipagtatapat ako sa iyo, Sandra...” Halos hindi lumabas sa bibig ni Eleanor ang mga salita. Napabalik sa upuan si Sandra.
“Hindi ako naniniwalang hindi ipatutuloy ni Don Benedicto ang kasal namin ng anak niya.”
Huminga nang malalim si Eleanor. “Maupo ka, Sandra. Pakinggan mo ang sasabihin ko at sana’y maunawaan mo kung bakit ko ginawa ito.” Sinulyapan nito si Alexa na naupo sa tabi ni Bernard.
“Itinuloy ni Don Benedicto ang kasal… ninyo ni Jake, hija. Sa katauhan ni Alexa bilang ikaw—”
“Ano?!”
s
i Sandra na nagsalubong ang mga kilay. “Hindi ko kayo naiintindihan!”
“Ang pagkakaalam ni Jake na ang pinakasalan niya noong araw na nakatakda kayong pakasal ay ikaw, Sandra.” Sa marahang salita ay unti-unting ipinagtapat ni Eleanor sa anak ang buong pangyayari.
Nanlumo si Sandra matapos magsalita si Eleanor. “Oh, Mama, bakit ninyo ginawa iyon?”
“Dahil sa iyo, Sandra. Sa palagay mo ba’y patuloy na dadaloy ang pinansiyal na suporta ni Jake sa sandaling nalaman niyang maaari siyang umiwas na pakasalan ka?”
“Si Jake, Mama, pero hindi si Don Benedicto! Natitiyak ko iyon. Anuman ang nangyari sa akin ay tutulungan ako ni Don Benedicto. Kaibigan siya ni Papa at isa siyang marangal na tao!” pagalit nitong sinabi.
“Sandra,” nalilitong wika ni Eleanor. “Bakit ganoon na lang ang katiyakan mong pakakasalan ka ni Jake dahil kay Don Benedicto?”
“Sapagkat pinaniwala ko siyang nagdadalang-tao ako at si Ryan ang ama!” Napasulyap ang dalaga kay Bernard na nanlaki ang mga mata sa sinabi nito. Kung bakit bigla ay gustong bawiin ni Sandra ang tingin mula kay Bernard ay hindi maintindihan ng una. Mabilis itong nagyuko ng ulo at tumalikod.
Si Eleanor at Alexa ay hindi makapaniwalang nagkatinginan.
“Nasaan si Jake ngayon, Alexa?” baling nito sa kapatid.
“N-nasa Batangas, Sandra. Bukas ang balik niya.”
“Then, starting today, tapos na ang pagpapanggap mong ako,” matigas nitong sinabi.
Napatayo si Bernard. “You don’t mean that, Sandra. Mag-asawa na sina Jake at Alexa!” protesta ng binata.
Binalingan ng dalaga si Alexa na bagaman nabigla ay inaasahan na ang pangyayari. “Was your one-month marriage consummated, Alexa?” walang pasubali nitong tanong.
Napanganga si Alexa sa tanong na iyon ng kapatid. Si Eleanor ay napa ‘oh.’
“Sandra, please... dapat bang itanong ang ganyang mga bagay?”
s
i Bernard. Sa kanilang lahat ay tila ito lamang ang nakapagpapanatili ng mabuting pangmalas.
Pagalit na tinitigan ni Sandra si Bernard. “Wala kang pakialam sa usapang ito, Bernard!”
“Sandra! Nagmamalasakit lang si Bernard.”
s
i Eleanor na hindi makapaniwala sa inasal ng anak.
Hindi nito kabisado ang bahaging iyon ng pag-uugali ni Sandra. Ang Sandra na kilala nito’y masayahin, galawgaw at palakaibigan.
Walang natatandaan si Eleanor na nagalit o sumigaw sa kapwa ang anak. Naapektuhan ba ng pangyayaring na-comatose si Sandra? Magaling na ba itong tuluyan?
“Nagpapasalamat ako at kahit na sa panahong hindi mo ako kilala ay pinagmalasakitan mo ako, Bernard. Pero may hinala akong kaya mo ginawa iyon ay dahil kay Alexa. Magkababayan at magkaibigan kayo. Hindi ko alam kung ano ang relasyon ninyong dalawa bago siya nagpakasal kay Jake. Pero hanggang doon na lamang. Problemang pampamilya ito kaya wala kang karapatang manghimasok,” patuloy ng dalaga.
“You’re right,” tiim-bagang na sagot ng binata na tumayo. “Magpapaalam na ako Tita Eleanor, Alexa.”
“Bernard...?” Hindi malaman ni Alexa kung ano ang sasabihin niya sa binata. Hinawakan ito sa braso.
“I’m all right,” assurance nito sa kanya. “Kung kailangan mo ng tulong ko’y alam mo kung saan ako hahanapin.” Tinanguan nito si Eleanor na walang masabi at tuloy nang lumabas.
Sinundan ito ng tingin ni Sandra na hindi mawari kung ano ang isinasaloob. Pagkalabas nito’y muling binalingan si Alexa.
“Sagutin mo ang tinatanong ko, Alex. Was your marriage consummated?”
Itinaas ni Alexa ang mukha. Kailangan niyang magsinungaling upang mapanatili ang pride. Iyon na lamang ang natitira sa kanya.
“No.”
Ngumiti at tumango-tango si Sandra. “ I thought so. Jake disliked me to the point of hatred. Isa pa, bago pa man ipinasya ni Don Benedicto na ipakasal ako sa kanya ay hindi na kami magkaibigan bagaman hindi rin naman magkaaway. Hindi niya ako marahil type.” Sinabayan nito ng kibit ng balikat.
“Bakit ginusto mong pakasalan ka ni Jake, Sandra, gayong sa nahihinuha ko’y kayo ni Ryan ang may relasyon?” patuloy ni Alexa na bagaman hindi na mahalaga’y gusto pa ring malinawan ang lahat bago siya tuluyang mawala sa buhay ni Jake. “At bakit ka nagkaroon ng relasyon sa isang lalaking may-asawa?”
“Hindi ko alam na may-asawa si Ryan. I mean, ang pagkakaalam ko’y divorced sila ng asawa niya. They married in the States two years ago and got a divorce a year later. Iyon ang mahigpit niyang pinaniwala sa akin. I believed him since he proposed marriage.”
n
ilingon nito ang ina at kapatid.
“Sa kabila ng reputasyon ko sa mga taong nakakikilala sa akin ay hindi pa ako nagkaroon ng pagkakataong makipagtalik nang tuluyan sa isang lalaki. I allowed heavy petting and necking and enjoyed it. I enjoyed slight flirtations—”
“Ano ang nangyari sa inyo ni Ryan?”
s
i Eleanor na hindi nakatiis na hindi magtanong.
“Nothing!” pagalit nitong sagot. “Birthday ni Don Benedicto noon, sa Batangas ginanap ang maliit na party. Pagkaalis ng mga bisita nang bandang hatinggabi’y nag-swimming kami ni Ryan sa pool. Mag-boyfriend kami at okay lang sa akin ang mga ginagawa niya. Subalit nakainom na si Ryan nang mga sandaling iyon dahil maaga pang nagsimula ang party ay umiinom na siya. He wanted us to have sex at marahas na niyang natanggal ang bikini top ko. Tumakbo ako papasok sa loob ng silid na nakatoka sa akin. Hinabol ako ni Ryan at nakapasok siya bago ko naisara ang pinto.”
“Oh, Sandra.. ”
s
i Alexa na hinulaan sa isip ang sumunod na nangyari.
Nagpatuloy ang dalaga na tila hindi narinig ang kapatid. “He was so drunk at hindi ko na siya maawat halos. Sinasabi kong magagawa namin ang lahat ng gusto niya kung kasal na kami although at that time ay nakahanda na ako sa anumang mangyari. He was so drunk na hindi alam ang sinasabi. He told me he was still very much married to Marcie. Na hindi niya ako maaaring pakasalan but I could be his woman anyway. Ibabahay niya ako, etc... etc...” Nakita nina Alexa at Eleanor ang pananalim ng mga mata ng dalaga habang sinasabi nito ang mga bagay na iyon.
“I was horrified! I maybe a flirt, a tease... pero hindi ako papatol sa isang may-asawang tao. I struggled. Pinilit kong makalabas ng silid pero naging marahas na si Ryan to the point na sinaktan na niya ako. I had bruises everywhere. Hindi ko na inaasahang makakaalpas pa ako sa oras na iyon.” Pagkatapos umismid ang dalaga.
“Funny but when I thought I would be raped ay saka naman hindi nangyari. He was so drunk that he could not even make it! He collapsed right on top of me. Hindi nagawa ang nilalayong gawin.”
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Alexa na hindi niya alam na pinipigil niya.
“Galit na galit ako nang mga sandaling iyon. Niloko niya ako. Pinaniwalang pakakasalan, pinaniwalang matagal na silang divorced ng asawa niya. Tumayo ako at sinikap kong punasan si Ryan upang bahagyang magkamalay. Paulit-ulit ko siyang pinupunasan ng maligamgam na tubig mula sa banyo. Kung gaano katagal ay hindi ko alam. When he started to get sober, I opened the door. Pagkatapos ay tumili ako nang tumili.” Tumawa nang bahaw ang dalaga. “You can guess what happened. Si Don Benedicto ay inat
ake sa puso at natakot din naman ako. Mabilis na dumating ang pampamilyang doktor nito. Really, I created chaos. Kung nakamamatay ang tingin nina Jake at Ryan ay namatay na ako sa oras na iyon. Punit ang bikini ko at nakabakas pa sa katawan ko ang karahasan
niya. At ang gulo sa silid ay lalo nang nakadagdag sa pangyayaring gusto kong iparating sa kanila.”
“At dahil hindi ka maaaring pakasalan ni Ryan dahil may-asawa ito ay si Jake ang nag-alok ng kasal?”
s
i Eleanor.
“Hindi sa simula. Ang gusto ko lang naman ay magulo sila. Dati nang magkagalit ang magkapatid na Ryan at Jake at alam kong pinaboran ni Don Benedicto si Jake dahil sa pagiging responsable nito. Pero isang araw ay muling nagpunta sa apartment ko si Ryan. Gusto niyang matiyak kung totoong may nangyari sa amin and started to make a pass. I was so angry na sinabi ko sa kanya ang talagang nangyari and laughed at his face.” Nilingon nito ang ina. “Iyon ang inabutan mo, Mama, ang pag-alis ni Ryan na galit na galit. Ang hindi mo nakita ay nang sampalin niya ako. Kinabukasan ay tinawagan ko si Don Benedicto at sinabi kong hindi dumating ang buwanang dalaw ko.”
“Oh, Sandra, anak...”
Nagkibit ng balikat si Sandra. “So you see, nataranta ang matanda. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung paano niyang napakiusapan si Jake na pakasalan ako.”
Walang masabi sina Alexa at Eleanor.
“Kaya alam kong hindi ako pababayaan ni Don Benedicto, Mama, kahit pa nalaman nito ang nangyari sa akin. They’re so rich. At balewala dito ang perang maaaring gastahin nila sa hospital.” Nagpalakad-lakad ito at muling binalingan si Alexa. “Maraming salamat sa ginawa mo, Alexa. No harm done. Bukas, pag-uwi ni Jake ay ako na ang madadatnan niya sa mansiyon.”
“Sandra, hindi mo magagawa ito. Tunay na mag-asawa sina Jake at Alexa. Ang tanging magagawa natin ay ipaalam kay Jake ang totoo at bahala siyang pagpasiyahan ang lahat. At dahil marangal na tao si Jake ay natitiyak kong hindi nito hihiwalayan ang kapatid mo,” sansala ni Eleanor sa balak ng anak.
“No, Mama. Sa piling ni Jake ay patuloy nating tatamasahin ang karangyaan sa buhay. Who cares kung wala siyang gusto sa akin. Ang mahalaga’y masusunod kong lahat ang mga gusto ko.”
“Hindi ako makapaniwalang sinasabi mo iyan, Sandra.”
Napapikit ang dalaga. “Alexa?”
Tumayo si Alexa, tumango. “H-hindi na ako babalik sa mansiyon ngayon, Sandra. Ikaw na ang bumalik roon,” marahang wika niya. Bagaman nagsisikip ang dibdib ay hindi nagpahalata.
Ngumiti ang dalaga. “Don’t worry, darling. Bilang kapatid ko’y tutulungan kita sa anumang pinansiyal mong pangangailangan.”
“Hindi na kailangan, Sandra. Ang mahalaga’y nagampanan ko ang tulong na kinakailangan sa akin. Bukas din ay uuwi ako sa Paso de Blas.”
“`Pag naayos ko ang problemang ito, Alexa, magbabakasyon ako sa inyo ng Daddy. We could be together. Tatanggapin mo ba ako?”
Sinikap niyang ngumiti. Naramdaman niya ang sinseridad sa sinasabi ng kapatid. Kung anuman ang mga nagawa at naging pagkukulang nito’y maaaring hindi niya mapatawad. Nasaktan ito at tama lang naman talaga na ito ang asawa ni Jake.
“Sa lahat ng sandali, Sandra. Matutuwa ang Daddy na naroon ka.”
Niyakap ni Sandra ang kapatid. “Kailan lang tayo nagkakilala, Alexa. Sana’y hindi maapektuhan ng pangyayaring ito ang pagnanais kong makasama ka. Kayo ng Daddy.”
Gustong manakit ng lalamunan niya sa luhang pinipigil. Masuyong tinapik ang mukha ng kapatid. “I’m all right, Sandra.”
Malungkot na ngumiti ang dalaga. “Si Bernard... m-magkasintahan ba kayo?”
Umiling siya. “No. We’re friends. Good friends.”
“Sana, nagkakilala kami bago nasabit ang buhay ko kay Ryan, Alexa, I kind of... like him.”
“Wala akong makitang dahilan para hindi kayo maging mabuti ring magkaibigan ni Bernard, Sandra. May palagay akong may pagtingin din siya sa iyo.”
Umiling ang dalaga. Pagkatapos ay lumingon kay Eleanor na hanggang sa oras na iyon ay hindi malaman kung ano ang tamang gawin at sabihin para sa dalawang anak.
“Samahan na ninyo sa silid si Alexa, Mama. Uuwi ako sa mansiyon ngayon.”
“Hindi mo pa kaya, Sandra. Ihahatid kita roon.”
s
i Eleanor.
“Kayo ang masusunod.”