noveltoon logo noveltoon
Dahil Ikaw (Kristine Series 3)

Chapter 4

Ch. 4 / 11 Nov 28, 2025

Chapter 4

Chapter Four

D

UMATING ang araw ng kasal. Kahit si Alexa ay hindi makapaniwalang ang sarili ang nakikita niya sa salamin.

“Napakaganda mo, Alexa. Sayang at hindi ko makikita ang pakikipag-isang dibdib mo.”

s

i Roberto na buong paghangang hinagod ng tingin ang anak.

Ang matinding kaba niya ay nahalinhan ng lungkot sa sinabi ng ama. “Nakikita ninyo ako ngayon, Daddy. Huwag ninyong panghinayangang hindi ninyo ako maibigay sa groom. Formalities lang lahat ang mga iyon. Isa pa, hindi naman talaga ito ang uri ng kasal na pinapangarap ninyo sa akin, `di ba?”

“Alexa, I only wished that—”

“Daddy, please, ngayon pa ba naman tayo mag-uusap ng ganyan?’’

“Siyanga naman, Roberto.”

s

i Eleanor na sumungaw sa

pinto. “Nariyan na ang

kotseng sundo natin, hija. Handa ka na ba?”

Tumango siya at hinalikan sa pisngi ang ama. “Bye, Dad.”

“Huwag kang mag-aatubiling umuwi sa atin, Alexa, kung anuman ang magiging problema.”

“Yes, Daddy.” At lumabas siya ng silid. Nagpatiuna kay Eleanor na nakatingin kay Roberto.

“Sige na, Ellen,” wika nito sa ina ng anak.

GUSTONG malula ni Alexa sa mansiyon ng mga Atienza. Matagal nang nakahinto ang sasakyan ay hindi pa rin siya kumikilos kahit na nang lumabas ang ina.

Bahagya pa siyang nagulat nang may magbukas ng pinto ng kotse.

“Sandra...”

a

ng buong-buong tinig na iyon na narinig niya sa telepono. Iniabot nito ang kamay upang alalayan siya pagbaba.

Natuon ang mga mata niya sa mga kamay na iyon. Slender and lean. Well-manicured fingers. Sa nanginginig na kamay ay inabot niya ang kamay nito at lumabas ng kotse.

Tumaas ang mga mata niya sa mukha nito. Blangko ang ekspresyon. His face hard. Frighteningly so. Ang maitim na mga mata’y tila nanunuot sa kalamnan niya sa pagkakatitig sa kanya. Wala siyang maaaring sabihin sa ibinabadya niyon kundi matinding disgusto sa kanya.

Parang gusto niyang umatras at bumalik uli sa loob ng kotse pero alam niyang isang malaking kalokohan iyon. Humigpit ang hawak nito sa braso niya at inalalayan siya sa paglakad.

He could have been a very attractive man kung hindi dahil sa grimness ng mukha nito. He has a perfect and sensual mouth na bahagyang nakataas ang isang sulok. Perhaps in distaste.

“Nasa oras ba kami, Jake?”

s

i Eleanor na nagpawala ng pansin niya sa lalaki. “Traffic sa dinaanan namin ”

“You are just on time, Eleanor. Or shall I say Mama?” Hindi nito ikinaila ang panunuya sa tinig. Nakita niya ang sandaling pagkailang ng ina subalit agad din itong bumawi at ngumiti.

“Ten years ako sa Amerika, Jake. And somehow I have adopted this

w

estern living. You can call me Eleanor if that is what you want,” bale-walang sinabi nito. “I am only thirty-nine, Jake. Only a few years older than you are.”

Kung gumaganti ng panunuya ang ina ay hindi niya matiyak. Tumawa nang bahaw si Jake.

“Nakikita naman, Eleanor. Para lamang kayong magkapatid ni Sandra. How old were you nang ipanganak mo si Sandra?”

“Almost eighteen.” Matamis itong ngumiti sa lalaki.

Kung anuman ang sasabihin ni Jake ay hindi na naisatinig dahil mula sa loob ng mansiyon ay lumabas ang isang matandang lalaking naka-silyang de-gulong na itinutulak ng isang nurse.

“Eleanor! Sandra!”

s

i Don Benedicto. “Narito na pala kayo.

Vamos

,

vamos

,” masiglang anyaya ng matanda. “Narito na ang lahat at malapit nang simulan ang seremonyas. Dalhin mo na sila sa hardin, Jake.”

“Patungo na kami roon, Papa.” Nilingon nito si Alexa. “Shall we?” Inabot ang braso niya, at atubiling naikawit ng dalaga ang kamay.

The man is very tall and masculine. She couldn’t help admiring him.

Maganda ang naayusang lawn. Naroon na ang magkakasal sa kanila at ilang bisita na marahil ay hindi na hihigit pa sa sampu. Napakaelegante ng wedding suit ni Jake at ganoon din ang kanyang trahe para sa simpleng kasalang ito.

Kung paano nagsimula at natapos ang seremonyas ay wala siyang maintindihan. She was conscious of the man beside her.

“You may now kiss the bride,” ang wika ng nagkasal.

Nagulat pa siya nang hawakan sa magkabilang balikat ni Jake at iharap dito. Itinaas nito ang white veil na nakatakip sa kalahati ng kanyang mukha. Pagkatapos ay hinawakan siya sa baba at itinaas ang mukha.

Hindi niya gustong huminga nang titigan siya nito. Nang suyurin ng mga mata nito ang mukha niya at tumigil sa kanyang mga labi, sandaling nagsalubong ang mga kilay ni Jake bago unti-unting bumaba ang mga labi nito sa kanya.

She held her breath when his lips touched hers. Isang obligatory kiss lamang iyon at hindi nagtagal, pero ang pakiramdam ni Alexa ay nanayong lahat ang mga balahibo niya.

Nagpalakpakan ang mga bisita. Pagkatapos ay bumati at kinamayan siya ng mga ito. Iilan lamang ang mukhang nagsalimbayan sa paningin niya.

h

indi marahil niya makikilala ang mga ito kung makakasalubong sa daan.

She was in a daze. Tila lumulutang siya sa hangin at napapatangay saan man umihip.

“You are acting your part very well, Sandra. Like a Victorian virgin bride,” bulong sa kanya ni Jake nang nasa mesa na sila. “Kung hindi kita kilala, I could swear I saw fear in your eyes when I kissed you. I could even felt you tremble,” amused nitong sinabi.

Oh, dear Lord, ano ang sasabihin niya? Ano ang isasagot niya?

“You really surprised me, you know?” patuloy ni Jake sa marahang pagsasalita na siya lamang ang nakaririnig. At may palagay siyang inaakala ng mga nasa mesa na sweet nothings ang ibinubulong nito sa kanya. “Hindi ako makapaniwalang umaarte ka nang ganyan para lang ma-impress ang Papa.

“H-hindi kita naiintindihan...” ang tanging lumabas sa bibig niya.

Bahagyang natawa ang lalaki. “Mula kanina ay iyan ang kauna-unahang sinabi mo sa akin, nag-stammer ka pa. Cut the theatrics, Sandra, hindi bagay sa iyo! Mag-asawa na tayo, hindi mo na kailangang magpa-impress nang husto. I just wonder what would Ryan say `pag nalaman niyang tuluyan kitang pinakasalan.”

Ryan? Sinong Ryan? Bakit walang nabanggit na Ryan si Eleanor?

“Wala akong magagawa kung hindi mo gusto ang mga ikinikilos ko, Jake.”

m

ay bahagyang galit sa tinig niya. “I probably wanted to enjoy my wedding the traditional way.” The nerve of this man para insultuhin siya!

“Suit yourself, honey,” sagot ni Jake na patuyang tumawa.

“Kayong mag-asawa, saan ba ninyo balak na gugulin ang inyong honeymoon?”

s

i Don Benedicto. “Saan kayo tutungo pagkatapos ng reception?”

Hindi sinasadyang nabitiwan ni Alexa ang kutsara niya nang marinig ang salitang ‘honeymoon.’

“I’m... sorry,” usal niya nang titigan siya ng asawa.

“You are overdoing it, my dear little wife,” bulong nito na ang mga labi ay napadikit sa tainga niya. May gumuhit na tila kuryente sa pagkakadikit ng mga labi nito sa kanyang tainga kasabay ng init ng paghinga nito.

Tumingin sa ama si Jake. “Napag-usapan na namin ni Sandra, Papa, na i-postpone na lang ang pag-alis namin ng bansa. Alam naman ninyong nagbabantang mag-strike ang mga empleyado natin sa pabrika. Kailangang ayusin ko muna ang union.”

Nagkibit ng balikat si Don Benedicto. “Kung sabagay. At kung maayos mo, Jake, maaari mo nang i-tour sa buong Europe ang asawa mo.”

“Asahan mong gagawin namin `yon, Papa.”

Natapos ang kabagot-bagot na mga sandali hanggang mag-uwian na ang mga bisita. Si Eleanor ang kahuli-hulihang nagpaalam. Kulang na lamang ay pigilan ito ni Alexa.

“Mama...” Hindi niya gustong bitiwan ang kamay ng ina.

Masuyong niyakap ni Eleanor ang anak at hinalikan sa pisngi. “You will be fine, Alexa. Sa nakikita ko sa iyo, you are a very sensible woman. I wished Sandra was like you. Siguro’y mali ang pagpapalayaw ni Amado sa kanya.”

“Oh, Mama, hindi ninyo maalis sa akin na matakot at kabahan.”

“I know you can handle it, Alexa. Sige na, nakatanaw sa atin ang asawa mo.”

Pumasok na sa naghihintay na sasakyan si Eleanor na maghahatid dito sa sariling bahay. Hindi umalis ang dalaga sa gate hangga’t hindi nawawala sa paningin ang sinasakyan ng ina.

Sa bar ay nagsalin ng alak sa dalawang kopita si Jake, iniabot sa kanya ang isa nang humakbang siya palapit dito.

“Here, Sandra, let’s have a toast! Nangyari ang gusto mong makapag-asawa ng isang Atienza. Nakasandal ka na sa matibay na pader.”

“I just hope, Jake, that we treat each other politely,” aniya na inabot ang kopita.

Ngumisi ang lalaki. “Sure, Sandra. Pero dahil alam mong out of duty kaya kita pinakasalan, nakahanda ka ring tanggapin na maraming mga bagay ang hindi mo dapat asahan sa pagsasamang ito pagdating sa akin?”

“Na... iintindihan ko.”

“Your meekness amazes me. Naninibago ako sa iyo.” Ininom nito ang alak. “Nasaan ang mataray na Sandrang kilala ko?”

“You don’t really know me that much, Jake.”

Siya

bilang si Alexa ang ibig niyang sabihin. Hindi nga lamang niya matiyak kung hindi nga nito kilala si Sandra.

“Perhaps. But your association with Ryan told me a lot. Huwag nang idagdag pa ang reputasyon mo among your opposite sex, Sandra.” Muli ay ang bahagyang panunuya sa tinig nito.

Ryan again! Hindi niya alam kung paano magpapain ng salita upang sa bibig mismo ni Jake manggaling kung sino at ano ang relasyon ni Sandra sa Ryan na ito.

“And what has R-Ryan told you about me?”

Tumawa ang lalaki. “Sapat upang kung hindi dahil sa obligasyon ay hindi kita pakasalan, Sandra.” Pagkatapos ay tumigas ang mukha nito.

Nasa ganoon silang ayos nang lumabas si Don Benedicto kasama ang nurse nito.

“Ngayon na rin ang uwi ko ng Batangas, Jake, Sandra.”

“Bakit hindi pa ninyo ipagpabukas ang biyahe, Papa?”

“Ngayon na, hijo. Maaga ang derby bukas at ayokong ipagpaliban iyon,” nakangiting wika nito na tumaas ang mga mata kay Sandra. “Hija, halika. Itulak mo itong silya ko patungo sa library. Gusto kitang makausap bago ako umalis.”

Kinakabahang sumunod si Alexa, pinalitan ang nurse at pinagulong ang wheelchair sa silid na itinuro ng matanda.

“Muli ay hinihingi ko ng tawad ang kasalanang ginawa sa iyo ni Ryan, hija. Kung buhay si Amado ay natitiyak kong malaking sama ng loob ang idudulot niyon sa kanya. At iyon ang hindi ko magagawa, hija. Ang Papa mo’y isang matalik na kaibigan. Ganoon pa man, naibangon ni Jake ang kahihiyan mo, hija, at umaasa akong wala mang pag-ibig na namamagitan sa inyo ng anak ko ay mapag-aaralan din ninyo `yon sa pagdaraan ng mga araw,” ang sinabi nito nang maisara niya ang pinto ng silid-aklatan.

Ngayon niya natitiyak na ang Ryan na ito ay maaaring anak din ni Don Benedicto. Pero nasaan ito?

“Wala kayong aalalahanin kung iyan lang ang dahilan ng ipinakikipag-usap ninyo sa akin—”

“Hindi lang iyon, hija.” Pinagulong nito ang upuang de-gulong at lumapit sa mesa. May dinukot na susi sa bulsa at binuksan ang isang drawer. Isang katamtaman ang laking jewelry box ang kinuha mula roon at iniabot sa kanya. “Kunin mo.”

Nag-aalangang inabot ni Alexa ang munting kahon na yari sa pino at antigong kahoy na kulay-tsokolate.

“Buksan mo, hija.”

Dahan-dahan niyang binuksan ang kahita. Kumislap sa harap niya ang laman niyon. “Oh...!” Diamond and emerald set ng mga hikaw, singsing at kuwintas ang tumambad sa kanya.

“Ang lola ni Jake ang may-ari ng mga alahas na `yan. Ibinigay sa aking asawa at ngayon ay ipinagk

akaloob ko sa iyo,” nakangiting wika ng matanda.

Parang napasong binitiwan ni Alexa sa ibabaw ng mesa ang kahon ng mga alahas. Isang family heirloom at bagaman hindi siya sanay ay natitiyak niyang milyon ang halaga ng mga iyon sa panahon ngayon. Wala siyang karapatang tanggapin iyon dahil hindi naman siya si Sandra.

“H-hindi ko po matatanggap.”

Umangat ang kilay ng matanda sa sinabi niya. “Hindi mo tinatanggap? Aba’y bakit, hija? Ibinigay ko `to sa iyo bilang regalo at pamana. You will be passing it down to your first son.”

“N-no, please. Hindi ko po talaga matatanggap,” pagkatanggi-tanggi niya.

Napangiti ang matanda. “Hija, dapat ay sanayin mo na ang iyong sarili bilang maybahay ng isang Atienza.”

SA

labas

ay patuloy sa pag-inom nang nag-iisa si Jake. Natitiyak na nito kung ano ang pinag-uusapan ng dalawa sa loob ng library.

“You’re a very lucky woman, Sandra Montejo! I wonder what would Ryan say about this,” bulong nito at inubos ang laman ng kopita.

Hindi nagtagal

ay

lumabas ang dalawa. “Ikaw na ang bahala dito, Jake. At huwag kong mababalitaang hindi kayo nagkakasundo ni Sandra.”

“Huwag kayong mag-alala, Papa.” Tinawag nito ang nurse at inihatid ang ama hanggang sa sasakyan. Pagkaalis ng matanda ay muli itong bumalik sa loob.

“Tama ba akong sabihing ipinagkaloob sa iyo ng Papa ang family jewelries?”

“H-hindi ko gustong tanggapin pero ipinilit niya—”

“Hindi gustong tanggapin?” bulalas ni Jake, sinabayan ng malakas na tawa. “Natitiyak kong napunta na naman sa iyo ang puso ng Papa sa ginawa mo. Kinuha ng Papa ang mga alahas na iyan sa vault sa bangko kahapon. Alam mo ba kung magkano ang halaga ng mga `yan?” At sinabi ang halaga na may ilang doble sa naisip niya.

Nanlaki ang mga mata ni Alexa at gustong malula.

“At alam mo ba na sa ginawa ni Papa ay lalong maghihimagsik sa `yo si Ryan?” tiim-bagang nitong tanong.

Sandaling pumasok sa library si Alexa at paglabas ay hawak na ang jewelry box. Inilapag iyon sa ibabaw ng bar sa harap ng asawa. “Please, Jake, anuman ang iniisip mo sa akin ay nasa sa iyo `yon. But I honestly don’t want these in my possession. Ibalik mo sa bangko o kahit saan mo pa gustong dalhin pero huwag lang sa akin. Hindi ko matanggihan ang papa mo. But surely, hindi mo ipaggigiitan sa akin iyan.” Naghahamon ang tono niya sa huling sinabi.

Ang panunuya at galit sa mukha ng lalaki ay nahalinhan ng pagtataka.

“You couldn’t really mean that...”

She sighed wearily. Tumingala siya sa itaas ng hagdan. “Alin sa napakaraming silid sa itaas ang kuwarto ko? Gusto ko nang magpahinga.” Pagod at tensiyon ang pinaghalong nadarama ni Alexa kaya parang gusto na ring maglaho ang kanyang kamalayan.

Tinawag ni Jake ang isang katulong. “Samahan mo ang Ma’am mo sa master’s bedroom.”

“Opo,

s

ir.”

Walang kibong sumunod si Alexa. Si Jake ay nagsasalubong ang mga kilay na sinundan siya ng tingin. Sa itaas ay natambad sa kanya ang isang malaki at marangyang silid.

“Nailagay ko na po sa closet ang mga gamit ninyo, Ma’am.”

“Salamat. Ano ang pangalan mo?”

“Lucy po.”

“Sige na, Lucy. Salamat uli.” Pagkalabas ng katulong ay binuksan niya ang wardrobe.

Mga gamit ng asawa ang naroon. Muli rin niyang isinara kaagad.

Nakita niyang sa isa pang wardrobe, karamihan sa mga gamit ay hindi kanya. Kung hindi ipinilit ng ina ay hindi siya magdadala ng gamit ni Sandra. Subalit sinabi nitong baka kakailanganin niya ng gown kung sakaling mag-e-entertain ng bisita sa mansiyon si Jake kaya napahinuhod siyang magdala ng dalawang evening gown ng kapatid.

Hinubad niya ang damit-pangkasal at nagpalit ng damit-pantulog. Kaba at agam-agam ang nasa dibdib niya. Mag-asawa sila ni Jake at anumang sandali ay hihingin nito ang karapatan bilang asawa.

Gumuhit ang matinding takot sa dibdib niya. Ano ang gagawin niya? Paano niya pakikitunguhan ang sandaling iyon? Papayag ba siya?