noveltoon logo noveltoon
Dahil Ikaw (Kristine Series 3)

Chapter 3

Ch. 3 / 11 Nov 28, 2025

Chapter 3

Chapter Three

T

UMULO ang luha ni Alexa nang makita ang kapatid. Hindi sapat ang mask na nakatakip

sa mukha niya upang itago ang hikbing umalpas.

Parang ang sarili ang nakita niyang nakahiga, may nakakabit na kung ano-anong plastic tubes at monitoring machine.

Hindi niya matiis na hindi hawakan ang kamay ng kapatid. Gustong ipadaloy roon ang buhay. Yumuko siya at nagsalita sa gumagaralgal na tinig.

“Kung naririnig mo ako, Sandra, gusto kong sabihin sa iyong ako ang kapatid mo. Ang kakambal mo... ako si Alexa. We have so many things to make up for, Sandra. So, please, wake up, love. Don’t give up.” Pagkatapos ay nagsisikip ang dibdib na tumayo siya nang tuwid. Ewan kung guniguni lamang pero nadama niyang gumalaw ang daliring hawak niya. Napatitig siya doon.

Paglabas niya ng ICU ay naroon sina Roberto at Eleanor at hinihintay siya. “She’ll make it. Nararamdaman kong lalabas siya sa coma na `yan,” humihikbi pa pero determinadong wika niya.

Tumango si Roberto. “I’ll see her now.”

“Hihintayin ka namin sa silid ng... anak mo.”

s

i Eleanor na inakay si Alexa patungo sa nakalaang silid kung sakaling magkamalay si Sandra.

KINUHA ng mag-ama ang huling flight pauwi sa Palawan. Wala silang kibuan sa loob ng eroplano. Iginalang ni Roberto ang pananahimik ng anak.

Kinabukasan, Lunes, ay hindi pumasok sa bangko ang dalaga. Bakit pa gayong magre-resign din naman siya? Anim na araw na lamang ang natitira para sa kasal nina Jake at Sandra.

Nang hapong iyon ay sinundo siya ni Bernard sa kanilang bahay. Wala siyang kibo habang tinatahak ng pickup ang daan patungo sa de Silva Farm.

“Gusto kong ipakita sa iyo ang koral ng mga baka at kabayo,” ani Bernard at nilingon siya nito.

“Ang corny ko, `no? Sa halip na sa sine o sa park ay sa bakahan kita dadalhin.” Bahagya pang natawa ang binata.

“Ano ang sasabihin ni Jewel `pag nalaman niyang isinama mo ako dito?” Sinikap niyang pagaanin ang tono.

Nagtaas ng mga kilay si Bernard. “Gusto kong maging malinaw ito sa iyo, Alex. And I’m telling you this, just this once. Parang kapatid ko lang si Jewel. All my life, I was made to believe that she and Emerald were my sisters. And I have treated them as such since then.”

Hindi kumibo ang dalaga. Mahigit isang taon pa lamang sa Paso de Blas ang mag-amang Alexa at Roberto. Mula lamang nang ma-assign ang kanyang ama bilang assistant principal sa paaralan sa bayan. At bagaman may kuwento tungkol sa pamilya ng mga de Silva at Fortalejo ay hindi gaanong malinaw sa kanya. At hindi rin naman niya gustong magtanong.

Sa nakalipas na limang buwan ay malimit na dumadalaw sa kanila si Bernard. Malimit din silang magkasama ng binata sa pamamasyal. Dalawang beses na niyang nakatagpo si Jewel at hindi niya maipaliwanag ang pait sa mga mata nito kapag nakikita silang magkasama ni Bernard.

Ipinarada ng binata ang pickup sa tabi ng koral ng mga baka. Pagkatapos ay bumaba at umikot sa kinalalagyan niya. Binuksan ang bahaging iyon ng sasakyan at bumaba siya.

Kung sa ibang pagkakataon ay baka nag-enjoy siya sa naghahabulang mga kabayo sa loob ng koral. Ang panginginain ng mga ito. Subalit nanatili siyang walang kibo kahit ipinaliliwanag sa kanya ng binata ang mga bagay-bagay tungkol sa farm.

“Hindi ka kumikibo. Ano ang iniisip mo?” ani Bernard makaraang mapunang matamlay siya.

“I’m leaving, Bernard.”

“Leaving? Saan ka pupunta?” nagtatakang tanong nito.

Huminga siya nang malalim at sinimulang sabihin dito ang pasya niyang pakasal kay Jake bilang si Sandra.

“Ilang araw na lang `yon mula ngayon, Bernard. Bukas na ang alis ko paluwas ng Maynila.”

“Hindi mo magagawa `yon, Alex. Pa’no ako? Tayo?” protesta nito.

“Nagpapasalamat nga ako at wala pang nabubuong relasyon sa ating dalawa, Bernard,” mahinahong sagot niya.

Pagalit siyang hinarap ng binata. “Not in so many words, Alex. Pormalidad na lang kung saka-sakali ang maraming salita. Halos lahat ng tao, at kahit ang daddy mo, ay iniisip na magkasintahan tayo.”

“And I’m glad we really are not dahil sa pangyayaring ito. At least, hindi masakit sa ating pareho ang gagawin ko.”

“Hindi masakit? Ano’ng palagay mo sa akin, bato?”

“Please, Bernard, huwag mo na sanang pahirapan pang pareho ang ating sarili. Kailangang gawin ko ito para kay Sandra.”

“I’m willing to offer your sister financial help, Alex, kung `yon lang ang kailangan. May sarili naman akong pera. Huwag mo lamang gawin ito,” patuloy ng binata.

Umiling siya. “Hindi ko magagawa iyon. Masyado nang maraming komplikasyon. Ang kapatid ko’y tumatanggap ng tulong sa fiancé niya sa materyal ding paraan.” At sa moral niyang pamantayan ay hindi dapat.

“Marry me then! Today, tomorrow. Nang sa gayon ay magiging maluwag sa puso mo ang pagtanggap ng tulong ko,” giit ni Bernard.

“Hindi ko tatanggapin ang iniaalok mong kasal nang dahil lang sa kapatid ko. Please, sana’y maunawaan mo ako. Hindi ba, dapat ay magpasalamat tayo na habang maaga ay dumating ang suliraning ito na wala pa tayong commitment sa isa’t isa?”

Nagtiim-bagang ang binata. “Walang commitment? Pinatatawa mo ako diyan sa sinasabi mo! Alam nating dalawa na sa malao’t madali ay doon ang

tuloy natin, `di ba?” Bahagyang tumaas ang tinig nito.

Nagyuko ng ulo si Alexa bilang pag-amin.

“This is insane, Alex! Bakit kailangang isakripisyo mo ang iyong sarili na pakasal sa isang lalaking hindi mo pa man lamang nakikita? At ang higit pa ay hindi nito gustong pakasalan si Sandra kung may paraan lang itong magagawa!”

Hinawakan niya ang braso ni Bernard. “You will always be my friend, Bernard. Malaya kang dalawin ako kahit na kasal na ako kay J-Jake.” Ni hindi niya mabigkas-bigkas ang pangalan ng lalaking nakatakdang pakasalan.

“Alam mo bang sinasaktan mo ako?”

“Oh, Bernard... I’m sorry!”

“Paano kung malaman ng Jake na `yon na hindi ikaw si Sandra sa panahong mag-asawa kayo? Paano kung magkamalay ang kapatid mo at nalamang pinakasalan mo ang kasintahan niya?” sunod-sunod nitong tanong.

“Naisip na naming lahat iyon. Haharapin ko ang problema nang isa-isa. Sa kasalukuyan ay si Sandra ang problema. Kung paano patuloy na matutustusan ang mga kakailanganin niya sa ospital.”

Nakita niya ang galit at panlulumo sa mukha ni Bernard pero wala siyang magawa. Hanggang sa maihatid siya nito ay wala silang kibuan.

“ALEXA…” sambit ni Roberto. “Pareho ko kayong anak ni Sandra. Kung paanong gusto mong tulungan siya ay ganoon din ako. Pero hindi ko pa rin matiyak kung tamang isakripisyo mo ang iyong sarili.”

“May ibang paraan ba, Daddy?” ganting tanong niya. “We can sell this house and lot na hanggang ngayon ay hinuhulugan pa ninyo sa gobyerno. Sapat ba iyon? Hindi mumurahin ang ospital na kinalalagyan ni Sandra. Ang halaga ng rights ng bahay at lupang ito, pati na ang mga naipon natin, ay baka isang buwan lang gagamitin. At hindi pa tayo nakatitiyak na sa panahong iyon ay magkakamalay siya. And we just can’t let her die, Dad.”

“Sana’y matapos ang problemang ito nang walang nasasaktan sa inyo ng kapatid mo, Alexa. Lalong higit ikaw.” Hinaplos nito ang buhok ng anak.

KINABUKASAN ay nag-tender ng resignation si Alexa sa trabaho, sa pagkabigla ng mga kasamahan at ng boss niya. At noon din ay lumuwas siya sa Maynila.

“Si Don Benedicto ang kausap ko sa telepono, Alexa. Dumating na si Jake kaninang umaga mula sa Amerika,” balita ni Eleanor na ang kasiyahan ay hindi maitatago.

Tiniklop niya ang album ng kapatid. Agad ang pagbangon ng kaba sa kanyang dibdib. “M-makikipagkita na ba siya sa akin?”

Nawala ang ngiti sa mukha ni Eleanor. “Hindi. Abala raw sa trabaho ngayon si Jake. Naipon ang gawain niya nang umalis. Pero ang sabi ni Don Benedicto ay handa na ang lahat sa kasal ninyo. Simple lang naman ang kasal, hija. Sabi ni Don Benedicto ay sa hardin na lang ng mansiyon gaganapin.”

Naguguluhang napatitig sa ina si Alexa. Talaga bang hindi interesado ang Jake na ito na pakasalan ang kapatid niya? At bakit puro si Don Benedicto ang sinasabi ni Eleanor?

Nagkibit siya ng balikat. Kung hindi magkikita ay mas pabor sa kanya. At dahil si Don Benedicto ang may kagustuhan sa kasal na ito, then she will have a reluctant groom.

Inihatid ng driver ni Jake ang trahe de boda ni Sandra sa bahay nina Eleanor. Excited na iniladlad ito ni Eleanor at ipinakita sa kanya.

“Kay ganda, Alexa!”

Totoo naman, kung sa ibang pagkakataon ay baka ma-appreciate niya nang husto ang damit-pangkasal. Walang babaeng hindi mag-uukol ng paghanga sa eleganteng pangkasal na iyon.

“Magkasingkatawan kayo ni Sandra, Alexa. Natitiyak kong kasya `to sa iyo.”

“Hindi kaya mahalata ni... Jake ang pagkakaiba namin ni Sandra?”

“I don’t think so. Ayon sa kapatid mo, he was never interested with her.” Pagkatapos ay nilapitan ang anak at niyakap. “I’m sorry, Alexa. Pagkalipas ng maraming panahong hindi tayo nagkikita ay `eto pa ang napala mo sa amin.”

Biglang nagsikip ang lalamunan niya. “H-hindi ninyo ako pinilit. Bukal sa loob kong gawin ito.” Kumawala siya sa ina. “Paano ako magpapakasal kay Jake? Gagamitin ko ba ang pangalan ni Sandra?”

“Gamitin mo ang totoo mong pangalan, Alexa. Alexandra Montejo. Hindi iisipin ninuman na hindi si Sandra iyon. Hindi ginagamit ni Sandra ang Cassandra sa maraming pagkakataon.”

“Paano kung malaman ni Jake na hindi ako si Sandra?”

“You will be married by then. Wala na siyang magagawa. Personally, walang interest si Jake sa kasalang ito. Si Sandra man o si Alexa ang pinakasalan niya, doesn’t really matter. Kung papaano lang niya tatanggapin ang switching ang siya mong haharapin kung sakali.”

Napapikit ang dalaga. Parang ngayon niya gustong mag-back out. How she wished na bumalik sa normal ang buhay niya. May palagay siyang hindi na niya alam ang tama at mali sa sitwasyon. Parang mali lahat.

“Magbihis ka, hija. Dadalawin natin ang kapatid mo at pagkatapos ay magsa-shopping tayo ng mga gamit mo,” yaya ni Eleanor.

“Hindi ko kailangan ng mga gamit, M-

m

ama. Tipirin na lang ninyo ang pera at kakailanganin ni Sandra iyan.” Hindi siya nanunuya pero iyon ang dating kay Eleanor. Napakagat-labi ito.

“W-wala akong ibig sabihin...” pagtutuwid niya.

“Alam ko, hija. But wouldn’t you accept a gift from me? Regalo ko sa kasal mo.”

Tumango siya upang mapanatag ang loob ng ina.

Halos hindi pa sila nakapapasok sa bahay mula sa pamimili at ospital nang mag-ring ang telepono. Dinampot iyon ni Eleanor.

“Si Jake, hija, gusto kang makausap.” Tinakpan nito ang mouthpiece. “Kausapin mo.”

Biglang nanginig ang mga tuhod niya sa sinabi ng ina. Gusto niyang tumangging kausapin ang lalaki pero alam niya hindi maaari ang ganoon. Sa nanginginig na kamay ay inabot niya ang telepono.

“H-hello...?”

“Sandra...” anang buo at awtorisadong tinig. Napalunok ang dalaga.

“Speaking.” Sumulyap siya sa ina na nasa di- kalayuan at nakatingin.

“Kaya ako tumawag ay upang alamin kung ayos na ang lahat sa iyo. Pinatitiyak ng Papa kung wala nang problema,” ang tila bagot nitong sinabi. “At nagtataka ako sa iyo. Alam mong nandito ako sa opisina pero hindi ka tumatawag. You used to burn my lines.”

“B-busy ako sa pag-aayos ng mga... kakailanganin, J-Jake.”

“Strange. Parang matamlay ka. Gusto mo bang umurong sa kasal na ito?”

Parang nagising bigla ang dalaga. “No. Bahagya lang masama ang pakiramdam ko.”

“Oh, well... anyway, sa

l

inggo ng alas-tres ang sundo ng driver diyan. Alas-kuwatro y media ang ceremony.”

“Yes,” maikling sagot niya na hindi na rin sinagot ng kabilang linya at nagbaba na ng telepono.

Isang mahabang buntong-hininga ang pinakawalan niya nang ibaba ang telepono sa receiver nito.

Sa kabilang dako ay kausap ni Jake si Don Benedicto.

“Mission accomplished, Papa. Walang problema. Ayos na ang lahat. Sa Linggo ay may asawa na ako. At sa babaeng gusto ninyong pakasalan ko.” May himig ng galit ang tinig nito.

“Maraming salamat, anak. Salamat at pinagbigyan mo ako. It is but honorable that you married her, Jake.”

a

ng matanda na nasa silyang de-gulong.

“Papa, we could have offered them money—”

“Jake!” sansala nito sa sasabihin ng anak. “Hindi ko magagawa sa anak ng kaibigan ang sinasabi mo. Na para bang ang pinsalang ginawa ni Ryan ay mababayaran ng salapi.”

“She deserved it.”

Bahaw na tumawa ang matanda. “Parang gusto kong isipin sinasang-ayunan mo ang ginawa ni Ryan dahil sa sinasabi mo. And that’s strange, hijo!”

“I’m sorry, Papa. Alam kong malaking kasalanan ang ginawa ni Ryan sa kanya. Oh, well, huwag na nga nating pag-usapan ito.” Hindi na gustong pahabain ni Jake ang usapan. Dahil rin sa pangyayaring ito kaya na-stroke si Don Benedicto. At hindi gusto ng binata na maulit pa iyon. It might be fatal.