noveltoon logo noveltoon
Dahil Ikaw (Kristine Series 3)

Chapter 11

Ch. 11 / 11 Nov 28, 2025
Prev Next

Chapter 11

Chapter Eleven

“A

LEXA, lumabas ka nga rito!” tawag ni Roberto sa anak habang nakatanaw sa itaas ng bintana.

“Bakit, Daddy?”

“Hindi ba’t helikopter ng mga Fortalejo ang bumababa sa kapatagang iyon?”

i

tinuro ni Roberto ang bumababang helikopter, may kuwarenta metros ang layo mula sa kanila.

“Oho, Daddy. `Ayun at nakatatak ang logo sa YieTikopter, eh. Pero bakit kaya nandito?”

“Hayun at may bumabang sakay. At mukhang dito sa atin ang tungo.”

Nagsalubong ang mga kilay ni Alexa. Sunod- sunod ang tambol ng dibdib niya habang nakikita ang papalapit na lalaking halos ay natitiyak na niya kung sino. Kung bakit at paano niyang nalaman... ewan, marahil ay puso niya ang nagsasabi.

“D-Dad, kung hindi ako nagkakamali ay si Jake ang papuntang iyan dito sa atin.”

“Si Jake? Ang asawa mo? Pero bakit? Ang akala ko ba’y...”

Umalis mula sa bintana si Alexa. Natitiyak niyang si Jake ang papalapit sa kanila. Halos sumabog ang dibdib niya sa kaba. Nahahapong naupo sa sofa.

“Bakit siya naparito, Daddy? Alam kaya niya ang tungkol sa amin ni Sandra?”

“Malalaman natin pagdating dito,” sagot ni Roberto na nakatanaw sa papalapit na lalaki.

“Daddy, ano ang gagawin ko?”

“Aba’y di mag-usap kayo at nang malinawan mo. Baka nakapag-isip nang matino ang kapatid mo at sinabi ang katotohanan sa kanya.”

“Baka nagagalit si Jake, Daddy, at... at...”

“Nandito ako, Alexa, wala kang dapat ikatakot. Ayusin mo ang iyong sarili at maputla ka pa sa suka.” Lumakad ito patungo sa pinto at inabangan ang paparating na si ake.

“Good morning.”

s

i Jake pagkakita kay Roberto. “Ako si Jake Atienza—”

“Alam ko,” agap ni Roberto. “Ako ang ama nina Sandra at Alexa.”

“Ikinalulungkot ko ang paraang ito ng pagkilala natin, Mr. Montejo. Pero maaari ko bang makausap ang asawa ko?”

“Kung ang intensiyon mo’y—”

“Wala ho akong intensiyong masama,” agap ni Jake na itinuon ang mga mata sa loob. “Gusto ko lang siyang makausap, please...”

“Nasa loob ang anak ko.”

Pumasok sa loob ng bahay si Jake matapos magpasalamat. Sa dulo ng sala ay naroon si Alexa at palakad-lakad. Lumingon siya nang marinig ang mga yabag papasok.

“J-Jake...?”

“Hindi ko alam ang mga sasabihin ko. Kagabi at kanina ko pa prinaktis lahat, but I’ve lost them all,” he said gently.

“W-we just can’t stand here... staring at each other—”

“Why not? In fact, that’s a very good idea. And never again will I confuse you with anyone. Gusto kitang titigan. Memorize each and every line. Every freckles and every mole and every birthmarks.” Humakbang ito papalapit sa kanya.

“B-bakit ka narito, Jake?”

“To reclaim my wife.”

“Si... Sandra?”

“Sinabi niya sa akin ang lahat.” Hinawakan nito ang mukha niya at itinaas. “Sa unang araw pa lang ng pagsasama natin ay gusto ko nang maniwalang hindi si Sandra ang pinakasalan ko. Ibang-iba ang babaeng pinakasalan ko sa Sandra na kilala ko. You’re not wearing any perfume, you don’t know how to drive gayong alam na alam kong marunong si Sandra. Mahiyain ka at si Sandra ay hindi. I have never seen Sandra in faded jeans and

t

-shirt at marami pang maliliit na bagay na hindi kayo magkatulad. Kaya nga lamang ay wala akong matukoy na iba. When we made love the first time ay lalong tumining ang hinala ko—”

“Hindi masamang babae ang kapatid ko, Jake,” pagtatanggol niya.

“Marahil. I just probably never had the chance of knowing her. Hinusgahan ko kaagad siya dahil sa pakikitungo niya kay Ryan. Hind talaga niya alam na may asawa ito. Marahil ay minahal niya si Ryan at nasaktan siya sa panloloko nito bukod pa sa sinaktan siya nito sa pisikal na paraan sa Batangas. Gusto niyang gantihan si Ryan sa pamamagitan ko. At binalak din niyang sirain ang pagsasama nito at ni Marcie.”

“lyong sinabi ni Marcie sa restaurant na si Ryan ang tunay na anak ng Papa? Ano ang ibig sabihin ni Marcie?”

“Hindi kami magkapatid ni Ryan, Alexa, bagaman iyon ang paniniwala ng marami. Kapatid ni Papa ang tunay kong ama. Nang mamatay ang mga magulang ko’y inampon ako ni Papa. Hindi na kami nagkasundo ni Ryan. Ipinaninibugho niya ang pagtinging iniuukol sa akin ni Papa. Nang magsilaki kami’y sa akin ipinamana ng Papa ang negosyo ng pamilya. Ryan didn’t prove himself worthy of our father’s trust. Lagi siya sa abroad at sa mga walang kabuluhang paggasta. Babae at

casino and always in trouble.”

“Ang mga alahas, tama lang pala na kay Marcie mapunta iyon.”

“Pero hindi gusto ni Papa na ibigay ang mga iyon kay Marcie. Had he married the right woman, tiyak na sa asawa niya mapupunta iyon. Huwag nating pag-usapan si Ryan, Alexa. Nasa Batangas siya at kung hindi niya pagbubutihin ang pamamalakad sa planta ay aalisan siya ng mana ng Papa.”

Nawalan ng sasabihin si Alexa. Binawi ang mukha subalit niyakap naman siya ng asawa. “Come back home with me, Alexa...”

“Hindi mo gustong pakasalan si Sandra, Jake. Sa nangyari ay madali mong maipapa-annul ang kasal natin.”

“Totoo iyon. Pero hindi si Sandra ang pinakasalan ko kundi ikaw. And I want you and I miss you like hell.” Pagkatapos ay umiling-iling ito. “No. No. To tell you that I want you and miss you are the biggest understatement. I love you, Alexa, dahil ikaw ay ikaw. Dalawang araw sa mansiyon si Sandra pero hindi lumulukso ang puso ko sa kanya. I knew it when I kissed her—”

“You kissed her?” Nag-iba ang ekspresyon ng mga mata niya.

“Only because I thought she was you. Maliban sa maraming kaibahan ay hindi ko malalamang dalawa kayo. Only my heart told me so. And my heart rejected her.”

Funny, pero naniniwala siya sa sinasabi nito. Umaawit ang puso niya sa kaligayahan.

“I… may not grace your table elegantly with my blue jeans—”

“Who cares! You’re gorgeous sa kupas mong maong at rubber shoes. Now, hurry up, lady at baka naiinip na ang piloto ni Tito Leon.”

“Kilala mo ang mga Fortalejo?”

Amused na napatingala sa itaas si Jake. “My father’s friend. Nang sabihin ng Mama Eleanor na tagarito ka ay naging madali para sa akin ang pumarito kaagad.” Pagkatapos ay mabills siyang binuhat ng asawa at inilabas.

“Ibaba mo ako, Jake at magpaalam ka nang maayos sa Daddy,” piglas niya nang makita ang ama na nakatayo roon. Ibinaba naman siya ni Jake at hinarap si Roberto.

Iwinasiwas ni Roberto ang kamay. “Sige na kayong dalawa. Sa nakikita ko sa asawa mo, Alexa, harangan ko man ng sibat ay isasama’t isasama ka.”

“Thank’s, Dad.” Tinapik ni Jake ang balikat ni Roberto. “We’ll be back pagkagaling namin sa Europe.” Inakbayan nito ang asawa at inakay patungo sa chopper.

“Hey, Jake, hintay!” Huminto siya sa paghakbang.

“Na naman?” Natatawang tinitigan siya ng asawa.

“Hindi mo ba ako tatanungin kung... kung... mahal kita?”

Umiling ang lalaki. “No. Mahal mo ako o hindi, I’m taking you back home,” determinadong wika nito.

Marahang natawa si Alexa at ikinapit ang braso sa baywang ng asawa. Mamaya ay sasabihin niya kay Jake kung gaano niya ito kamahal.

WAKAS