Chapter 5
Chapter Five
S
UBALIT hanggang sa makatulog at magising kinabukasan si Alexa ay hindi pumasok sa master’s bedroom si Jake.
Napausal siya ng pasasalamat. Gayon pa man ay hindi niya maiwasan ang hindi magtaka. Diyata at lumipas ang magdamag na walang consummation ng kanilang pagiging mag-asawa. Ganoon ba katindi ang pag-ayaw nito sa kanyang kapatid at ni hindi siya, bilang si Sandra, pinag-interesan man lamang?
Mabilis siyang pumasok sa banyo. Sa nakita niya ay napagtantong naunang ginamit ito ng asawa. Nasa marmol pa ang nakabukas na aftershave nito at ang razor blade na ginamit. Ganoon din ang basang tuwalya na nasa tiles.
Saan natulog ang asawa niya?
Muli siyang lumabas ng banyo at nilinga ang silid. Napuna niya ang connecting door.
So, may silid sa kabila at iisang banyo ang gamit nila.
Pagkapaligo ay humugot siya ng maong,
t-
shirt at rubber shoes. Ang maong niya ay halos mamuti na sa maraming paggamit. At dahil luma na ay bahagya nang masikip at humapit sa magandang katawan niya. Subalit hindi siya aware sa katangian niyang iyon.
Bumaba siya patungo sa dining room. Nagulat pa siya nang makita roon ang asawa na nagbabasa ng pang-umagang peryodiko, katabi ang kape. Nakabihis na ito at sa katabing upuan ay ang attaché case.
“G-good morning,” bati niya nang mag-angat ito ng paningin at titigan siya. That couldn’t be possibly admiration that she saw in his eyes. He disliked her.
Isang tango at tikhim ang isinagot nito bago muling itinuon sa peryodiko ang pansin. Lumapit ang katulong at tinanong si Alexa kung ano ang gusto.
“Kape lang, please.” Sinalinan siya nito habang palihim niyang sinulyapan ang asawa. Hindi niya maiwasang humanga rito. He was wearing a white shirt na nakahapit nang bahagya sa katawan. Ngayon niya napuna ang firm and muscled arms nito, ang magandang pangangatawan.
Ibinaba ni Jake ang peryodiko nang lumabas sa kusina ang maid. “I never thought you’re an early riser. Sa Batangas ay tanghali ka nang lumabas ng silid,” sarkastikong sinabi nito.
“I... I slept early,” ang nasabi niya. Ano ang ginawa nila sa
b
atangas? Alam niyang naroon si Don Benedicto.
“Gawin nating malinaw ang relasyon natin, Sandra,” patuloy ni Jake sa pormal na tono na tila isa siyang empleyado na binibigyan ng instructions. “Bilang asawa ko, you have now free access to all financial matters. Of course, subject to my approval. Pero kung ang luho mo lang ay natitiyak kong hindi ako mamumulubi. Gamitin mo ang Honda Accord na nasa garahe. Pero isang bagay lang ang gusto kong ihinto mong gawin: stop flirting around! May asawa ka na at huwag mo akong bigyan ng kahihiyan.” Hindi maikakaila ang talim sa tono nito na ikinapanlaki ng mga mata ni Alexa.
“I… I will never do that!” Pinaghalong depensa sa sarili at submission sa asawa ang tono niya.
Tumaas ang isang sulok ng mga labi ni Jake. “Mukhang maamo ang dating mo. Still enjoying your part as a demure virgin and a submissive wife?” patuloy nitong panunuya.
Nag-init ang ulo ni Alexa, mabilis na tumayo.
“Hindi ko alam ang pinagsasasabi mo, Jake. I don’t want to hear any of your insults!” Wala siyang pakialam kung marinig ng mga katulong na sa unang araw ng pagsasama nila’y nag-aaway sila. Mabilis siyang lumabas ng dining room.
Sa loob ng silid ay palakad-lakad siya.
Kung ganito ang unang araw nila paano pa ang mga susunod? Maybe when Sandra recovered ay
makikipagpalit ito ng katayuan. At
muli ay maglalaho siya sa buhay ng mga Atienza kung paanong hindi niya kilala ang mga ito. Muling babalik sa normal ang lahat.
Ang sunod niyang narinig ay ang paglabas ng kotse ni Jake sa garahe. Mabilis niyang dinampot ang telepono at tinawagan si Eleanor. Nagpasundo siya.
“Sino si Ryan, Mama?” Nang nasa highway na sila.
Nagpreno si Eleanor nang magpalit ng ilaw ang signal light. “Si Ryan? Kapatid siya ni Jake, bakit?”
She thought so. “Ano ang kaugnayan niya kay Sandra?”
“Sa pagkakaalam ko ay magkaibigan sila ni Sandra. Maraming kaibigan ang kapatid mo, Alexa. Mostly are men. Pero tinitiyak ko sa iyo, anak, hindi ganoon ka promiscuous ang kapatid mo. She’s definitely very outgoing at mayroon siyang sariling apartment, but some people misunderstood her. Pero hindi ako. Kilala ko ang kapatid mo.” Muli nitong pinatakbo ang sasakyan nang maging berde ang ilaw.
“Nasaan si Ryan ngayon?”
“Nasa ibang bansa marahil. The last time I saw him ay sa apartment ni Sandra. Parating ako noon at naabutan kong nag-aaway sila ng kapatid mo. He was so angry at halos mabunggo ako nang lumabas. Your sister never told me anything about it maliban sa may hindi lang sila pinagkakasunduan.”
Hanggang makarating sila sa ospital ay hindi na kumibo si Alexa. Wala pa ring malinaw tungkol sa kaugnayan ng kapatid niya kay Ryan. Kung paanong wala pa ring pagbabago ang kalagayan ni Sandra.
“Kausapin ninyo ang pasyente,” anang doktor. “Baka kahit paano ay maka-penetrate tayo. Sa tuwing dinadalaw n’yo siya’y kausapin n’yo.”
“Gagawin namin `yon,
d
oktor.”
s
i Eleanor.
Si Alexa sa loob ng ICU ay talagang kinakausap na ang kapatid. Banayad niyang pinipisil ang palad nito.
“How are you, love? I hope you can hear me. Ako si Alex, ang kakambal mo. Hindi mo siguro ako kilala pero siyam na buwan tayong magkasama sa iisang sinapupunan. Somehow, alam kong may nag-uugnay sa ating dalawa. Fight that darkness, Sandra, and wake up, please…” she said softly kasabay ng marahang paghikbi. Ang ibang mga naroong nurses ay hindi maiwasang hindi makisimpatya.
Si Eleanor sa di-kalayuan ay hindi mapigil ang iyak at muling lumabas ng ICU.
Pagkagaling sa ospital ay inihatid siya ng ina sa mansiyon, inubos ang natitirang oras sa panonood ng TV sa silid niya bago ito umuwi.
Maghahatinggabi na nang marinig niya ang pagpasok ng kotse ni Jake sa garahe. Isiniksik niya ang mukha sa unan at nagkunwang tulog nang buksan nito ang adjoining door at maingat ding isinara makalipas ang ilang segundo.
Hindi niya alam na nagpipigil siya ng hininga at pinakawalan lamang nang isara ni Jake ang pinto sa pagitan nila. Subalit muli rin ay bumangon ang pagtataka sa dibdib niya.
Wasn’t she attractive enough para hindi pag- interesan ni Jake? Subconsciously ay nasaling ng lalaki ang pride niya.
Kung sabagay ay sinabi ng ina na kontra-gusto ang ginawang pagpapakasal ni Jake sa kanya. At marahil ay may kasintahan talaga ito at pinakasalan lamang marahil siya dahil kay Don Benedicto. Iyon marahil ang dahilan kung bakit hatinggabi na itong umuuwi sa dalawang magkasunod na gabi.
Anong klaseng buhay-may-asawa ang kinasangkutan niya? Hanggang saan at kailan sila ganito?
Madaling-araw na siyang nakatulog sa pag-iisip kaya nang magising siya kinabukasan ay wala na si Jake.
Iilang araw pa lamang siya sa mansiyon pero gusto na niyang masiraan ng bait sa kawalan ng magawa. May mga katulong, may hardinero ang hardin, may tagapagluto. Ano ba ang maaari niyang gawin?
At sa hapunan ay mag-isa siyang kumakain sa mahabang mesa. Gaano man kasarap ang niluto ng kusinera ay hindi niya ma-appreciate.
Muli ay dinalaw niya ang kapatid sa ospital. Tulad ng dati ay kinakausap niya ito. Pagkatapos ay muling lumabas. Tinawagan si Eleanor at tinanong kung paano siya pupunta sa opisina ni Jake. At bagaman nasa likod lamang halos ng ospital ang Salcedo Street ay kailangan niyang mag-taxi patungo roon.
Tiningala niya ang building na kinaroroonan ng main office ng negosyo ng mga Atienza. Ang sabi ng Mama niya’y may pabrika ang mga ito ng papel sa Batangas.
Tiningnan niya sa naroong directory kung anong floor ang Atienza Industries. Okupado nito ang 7th and 8th floors. Sumakay siya ng elevator at humalo sa mga naroon. Sumabay siya sa isang lalaking bumaba sa 7th floor at nagtanong dito.
“Where can I find Mr. Atienza’s office?”
“Please, follow me,” ang sabi ng lalaki na sa tantiya niya’y empleyado. Sinamahan siya nito hanggang sa sekretarya ni Jake. Isang magandang babae na sa palagay niya’y nasa late twenties. Tila manikin ang tingin niya rito.
“Bel, may naghahanap kay
b
oss,” ang lalaki na iniwan na rin siya matapos niyang umusal ng ‘thank you.’
Hinagod siya ng tingin ng sekretarya mula ulo hanggang paa na tila sinusuri ang ayos niya. Faded blue jeans at
t
-shirt na ipinaloob niya sa pantalon at rubber shoes. Walang makeup at naka-pony tail ang mahaba niyang buhok. Tila siya isang teenager.
“Aplikante ka ba?” mataray nitong tanong. “Sa personnel ka dapat magtungo.”
Bago pa siya sumagot ay isa pa uling babae ang lumapit. Tila ito modelo sa suot na high heels at tailored dress. Mapula ang mga labi at pinaghalong pula at brown ang buhok. Gusto niyang maaliw. Parang si Diana sa
La Traidora
ang nakikita niya. Ang gayak niya’y out of place sa mga kababaihan dito kahit pa mga empleyado lamang.
“Nandiyan pa ba si Jake, Bella?”
“Yes, Luchie. Tumuloy ka na,” sagot ng sekretarya. Muli ay binalingan siya nito. “Miss, kung aplikante ka ay hindi rito ang personnel. Itanong mo na lang sa banda roon kung saan iyon.” Inginuso nito ang lugar na malapit sa pinto.
“Hindi ako aplikante at hindi ko kailangang magpunta sa personnel.” Itinaas niya nang kaunti ang mukha at binigyan ng authority ang tinig. “Si Jake ang gusto kong makita at kausapin. Now, if you’ll excuse me,” taas-noong humakbang siya patungo sa pintong pinasukan ng naunang babae at binuksan iyon.
“Hey!” Humabol ang sekretarya.
Ang babaeng pumasok ay nakaupo sa armrest ng silya ng asawa at nakayuko sa mga dokumentong hawak ng huli.
Parehong nag-angat ng mga ulo ang dalawa pagpasok niya.
“Miss, ano ka ba?” pagalit na sabi ng sekretarya na hinawakan siya sa braso. “Sir, nagpilit pong pumasok, eh.”
“Kilala mo ba, Jake, ang babaeng iyan?”
a
ng babaeng nasa armrest pa rin.
Sinulyapan ni Alexa ang asawa na hindi niya malaman kung ano ang binabadya ng mukha. Kung pagkabigla o galit ay hindi niya matiyak.
“Sige na, Bella,” wika ni Jake sa sekretarya na alanganing lumabas, pagkatapos ay binalingan si Alexa. “Hindi mo sinabing pupunta ka rito?”
“Who is she, Jake?”
a
ng babae uli na sa pagkakataong iyon ay tumayo mula sa armrest.
“I want you to meet my wife, Luchie,” pagpapakilala nito na ikinabigla ng babae. “Si Sandra. Honey, this is Luchie, my Girl Friday.”
“Your wife?” bulalas nito na nilingon ang lalaki. “My! I never thought you’d pick up a very young wife, Jake.” Binalingan si Sandra at ngumiti. “Well, hello, Mrs. Atienza! Forgive me if I didn’t expect you to be Jake’s wife. Wala siyang inimbita sa kasal ninyo maliban sa mga big boss.”
Isang ngiti lamang ang isinagot niya. Humakbang ang babae patungo sa pinto. “I’ll see you later, Jake. Nice to meet you, Mrs. Atienza.” At lumabas ito.
“Ganito bang lahat ang mga empleyado mo?” aniya na lumingon pa sa pinto.
Matabang na ngumiti ang lalaki. “Sorry about that, Mrs. Atienza. Kung sinabi mong darating ka’y sinabihan ko si Bella para nakilala ka agad niya,” tuya nito.
Naningkit ang mga mata ni Alexa sa panunuyang iyon. “I wasn’t expecting recognition! At least politeness dahil ganoon dapat ang mga empleyado, `di ba? Si Mrs. Atienza man ako o ordinaryong kliyente.”
Huminga nang malalim si Jake. “Pagsasabihan ko si Bella. Anyway, reliever lang siya dahil naka-maternity leave ang sekretarya ko.”
“At `yong babaeng kalalabas lang? Lahat ba sila `pag pumapasok dito sa silid mo ay sa armrest nakaupo?” tuya niya.
Natawa si Jake. “Kung hindi kita kilala ay iisipin kong nagseselos ka, Sandra.”
Nagseselos! Biglang parang natauhan si Alexa, napahiya sa sinabi. “I’m sorry... hindi ko inaasahang sa isang opisinang ganito ay—”
“Yes. Patawarin mo ako sa parteng iyon. Iba ka nga pala. You conduct business sa tamang lugar at panahon. Luchie has been with me for three years and she’s a friend. At least, hindi siya ipokrita.” Patuloy ito sa pagsasalita nang may kahulugan at sarcasm.
“Damn you, Jake! I never flirt with married men!”
O kahit na kaninong lalaki
, gusto niyang idagdag.
Pumuno sa silid na iyon ang malakas na halakhak ni Jake. “I can’t believe it! Nagka-amnesia ka ba, Sandra?”
Hindi niya malaman ang sasabihin at gagawin. Nalilito siya. Ano ba talaga ang pagkakilala ng lalaking ito sa kapatid niya? Ano bang uri ng buhay mayroon si Sandra?
Nasasaktan siya para sa kapatid at nagagalit siya sa lalaki dahil sa mga insulto nito.
“Alam mo, Jake, hindi ko alam kung sino sa atin ang may diperensiya. You dislike me so very much and yet you married me. Ako, hindi ako pakakasal sa taong hindi ko gusto anuman ang mangyari,” malamig niyang sinabi habang matalim ang mga mata.
Tumaas ang mga kilay nito. “Does that mean you want me, Sandra?”
Nanlaki ang mga mata niya. Hindi niya akalaing ibabalik nito ang tanong. Hindi siya dapat nakikipagdigma ng salita sa lalaking ito dahil wala siyang alam sa naging ugnayan ng kapatid sa pamilya nito.
Tumalikod siya at akmang lalabas na nang tawagin nito, matigas ang tinig at sinabayan ng pagtayo. Huminto siya at lumingon dito. “Ano ang sadya mo rito?”
“Hindi na mahalaga!” Gusto na lamang niyang makaalis sa opisinang ito bago patuluyang pukawin ng lalaki ang galit niya. Baka maipagkanulo pa niya nang hindi sinasadya ang totoo—na hindi siya si Sandra.
“Hindi ka pupunta rito nang walang dahilan. Ano iyon?” ang awtorisadong tanong ni Jake.
Nagkibit siya ng balikat. “N-naiinip ako sa bahay, Jake. Naisip kong pumunta rito para sabihin sa iyong baka maaari akong magtrabaho dito. Marunong akong gumamit ng computer at typewriter. Management graduate ako at nakapag—” she stopped on time. Sa kalituhan ay ibinigay niya ang sariling mga kakayahan.
Amazement ang nakita niya sa mga mata ng asawa. Kinabahan siya. Natitiyak niyang nakatapos ng pag-aaral ang kapatid. Hindi nga lamang niya alam kung ano ang tinapos nito. Kung bakit naman kasi napakaikli ng pagitan ng pagkatagpo sa kanya ng ina at ng panahon ng kasal nila ng lalaking ito?
“Naiinip? Why? Have you gone tired spending my money Sandra? I cannot believe you changed overnight dahil lang nagpakasal ka sa akin. Stop trying to impress me, will you?”
“Hindi ako nagpapa-impress! Itanim mo sa isip mo iyan! At wala akong pakialam kung ano ang tingin at pagkakilala mo sa akin!” Kumawala na ang tinitimping galit niya. “Alexandra Montejo Atienza, wife of the famous businessman Jake Atienza of Atienza Industries. Pangalan ko pa lang, Jake, ay madali nang magdadala sa akin ng trabaho sa alinmang kompanya.”
Sa dalawang hakbang ay nasa harap na niya ang asawa at marahas siyang hinawakan sa magkabilang balikat. “Huwag mong subukan ang pasensiya ko, Sandra. You and Ryan have done enough damage sa Papa!” Dinig na yata niya ang pagtatagis ng mga ngipin nito.
“Bitiwan mo ako!” Sinikap niyang salubungin ang mga mata nito. “Wala akong pakialam sa mga sinasabi mo! Wala kang karapatang ikulong ako sa bahay!”
“Ikulong?” ulit nito sa sinabi niya. “I might as well do that, Sandra. Asawa kita at magagawa ko ang anumang gusto kong gawin sa iyo `pag hinamon mo ang pasensiya ko,” wika nito sa mapanganib na tono.
“Hindi mo ako asawa! At hindi kita asawa sa tunay na kahulugan niyon!” Hindi niya mapigil ang sarili. Sa nerbiyos at pagkalito ay nalimutan niyang hindi siya si Alexa.
“Hindi asawa, ha?” Ngumisi nang patuya si Jake. “Dahil ba hindi ko naipagkaloob sa iyo ang bagay na
iyon
?” Iba ang naging pagkaunawa nito sa sinabi niya.
“H-hindi—”
“Ganoon ba talaga ang paghahangad mo sa akin, Sandra?” May kakaibang kislap ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. Kinabahan siya, lalo na nang unti-unting humihigpit ang paghawak ni Jake sa mga balikat niya at hinahapit siya.
“J-Jake, please, bitiwan mo ako!” Pinilit niyang kumawala sa pagkakahawak ng asawa ngunit tila bakal ang mga kamay nito sa kanyang mga balikat.
“Ito ba ang gusto mo, Sandra?” Hindi niya napaghandaan nang siilin siya ng halik ng lalaki. Kasabay ay ang pagtaas ng kamay nito sa dibdib niya sa marahas na paraan.
Ni hindi siya makakilos sa kabiglaanan kahit nasasaktan siya. Sa buong buhay niya’y ngayon lamang may gumawa ng ganito sa kanya.
Tila siya nalulunod na napasinghap ng hangin nang huminto si Jake. Gilalas siyang nakatitig dito.
“Did you want that?” His voice deep, his breathing ragged habang hindi inaalis ang pagkakatitig sa mukha niya. “And this one?” He fondled one nipple and she gasped aloud. Parang may dumikit na nakausling wire ng kuryente sa katawan niya.
Little did she know that her face radiated fire and innocence. Her eyes confused yet wanting. Her lips that parted a little ay tila nag-aanyayang muli nitong hagkan. And Jake did kiss her again.
Sa pagkakataong iyon ay sa pagitan ng marahas at banayad. His lips caressed hers, she responded by gentle touching her tongue with his. He groaned.
When he pressed his lower body against her and she felt the mysterious maleness ay saka pa lamang tila nagising si Alexa mula sa isang tila hypnotic trance. Kumawala sa pagkakayakap ng asawa and tried to catch her breath.
Unti-unti ang ginawang pagbitaw ni Jake sa kanya. Si Alexa ay tila namamalik-mata sa nangyari. Nang titigan niya si Jake, tulad niya ay kalituhan ang kanyang nakita sa mga mata nito.
Dahan-dahan siyang humakbang paatras, patungo sa pinto at walang salitang binuksan iyon at lumabas.
Hanggang sa taxi ay binabalik-balikan niya sa isip ang nangyari. Sa loob ng maraming taon ng kanyang buhay ay hindi niya pinahintulutan ang sariling makadama at makaranas ng ganoon.
Konserbatibo siya dahil ganoon siya pinalaki ni Roberto. Itinanim nito sa isip niyang hindi dapat mag-asawa kung hindi financially and emotionally stable. Hindi gusto ng daddy niyang maulit sa kanya ang nangyari dito at kay Eleanor.
Ganoon din ba pinalaki ng ina at Amado si Sandra? Bakit sa mga salitang binibitawan ni Jake ay tila hindi mabuting babae ang kanyang kapatid?
Pumikit siya at sumandal. Sinikap burahin sa isip ang ginawa ng asawa.
Si Jake nang mga sandaling iyon ay patuloy rin sa pag-iisip. He has never been attracted to Sandra. Physically, walang maipipintas itong maipipinta sa ‘asawa.’ Sandra is a beautiful lady. Pero hindi maramdaman ni Jake na type nito ang babae. And the fact na may relasyon noon kay Ryan ang naging ‘asawa’ ay lalong nagpalayo ng loob nito kay Sandra.
But that was before they got married. Hindi kayang ipaliwanag ni Jake, but Sandra seemed different. He is starting to like her. In fact, he liked her. Lalo na noong araw mismo ng kasal. Her eyes and facial expressions intrigued him.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Jake.