Chapter 6
Chapter Six
D
UMAPA
sa unan niya si Bobbie. Nagpupuyos sa galit ang dibdib. Hindi niya kayang tanggapin sa sariling totoo ang mga sinabi ni Romano. Iniiwasan niya ito dahil natatakot siya. Natatakot siyang hindi niya kayang paglabanan ang sariling damdamin...ang sariling katawan.
“I hate you, Romano!” Pinagbabayo niya ang unan. “Bakit kailangang magtagpo ang landas natin? Oh, I hate you!”
Kung paano siya nakatulog ay hindi niya alam. Subalit nadesisyunan niyang bumalik na sa Maynila kinabukasan, araw ng Lunes. Kung tutuusin ay dalawang araw pa lang siya sa isla dahil maraming oras ang ginugol niya sa dagat sa pagtungo roon. Maaari pa siyang magparaan ng isang araw pero para ano? Ang taong siyang dahilan kung bakit nasa Paso de Blas siya’y naroon din. At naging komplikado pa dahil kay Romano.
Ilang sandali pa’y nasa Esmeralda Port na ang dalaga. Kailangang abutan niya ang unang flight pa-Maynila sa kabisera. Hindi siya maaaring magbarko tulad ng ginawa niyang pagtungo sa isla. Labing-pitong oras iyon humigit-kumulang. Nagpasalamat siya na may lantsa oras-oras na umaalis ng Esperalda Port patungo sa mainland.
Pasakay na siya sa lantsa nang lumingon siya sa hotel. May tila malaking kamay na dumaklot sa dibdib niya sa ginawa niyang pag-alis na iyon. Kasama na ang panghihinayang. Kung para sa naputol na bakasyon o para sa tao ay hindi niya matiyak. Umuusad na ang lantsa nang muli niyang inikot ng tingin ang paraisong hindi niya gaanong nagalugad. Pinanghinayangan niyang hindi tinanggap ang alok ni Romano na ipakita sa kanya ang buong isla.
Will Romano miss her when she’s gone? O isa lamang siya sa mga bakasyonistang nakatuwaan nito? A rich man’s game to while away his time.
“C’MON, brother.”
s
i Jade na hindi mapigilan ang pinaghalong hagikgik at pagtataka. “Your burning lines again para lang itanong sa akin kung sino-sino ang pinagbigyan ko ng GC ko?” Ikalawang tawag na iyon ng kapatid. Una’y itinanong nito sa kanya kung may kakilala siyang Bobbie. O, Roberta Lou Fajardo. Pero wala siyang natatandaang may kaibigan o kakilala siya sa ganoong pangalan na napagbigyan niya ng personalized gift certificate niya.
“Dammit, Jade, hindi ako nagbibiro. She left the hotel four days ago at wala siyang address sa registry.”
“And who is this mysterious lady na napagtripan ng kapatid ko?” tukso ng dalaga. “I’ve never known you chase girls, Romano, darling...”
“Shut up at mag-isip ka. She’s about twenty...twenty-one. Shoulder length wavy hair. Fair and—”
“Romano... Romano...” naiiling na wika ng Jade. Hatinggabi sa Amerika at heto ang kambal niya at pinupuyat siya dahil lang may hinahanap na babae. “Paano kong matatandaan kung sino ang mga nabigyan ko?”
Napaungol ang binata sa frustration. “Do me a favor, Jade, isipin mo kung sino ang huling pinagbigyan mo ng personal GC mo bago ka umalis ng Pilipinas at tawagan mo ako, okay?”
Umikot ang mga mata ng dalaga. “Okay...”
i
binaba nito ang telepono.
“May problema si Romano?” naghihikab pang tanong ni Julianne.
Muling pumailalim sa comforter si Jade at matabang na sumagot. “The usual.”
Napangiti si Julianne at tumagilid upang bumalik sa pagtulog.
LIMANG araw mula nang umalis ng isla si Bobbie ay dumating sa kanila si Derick.
“You didn’t even say goodbye.”
m
ay tampo sa tinig nito nang maupo siya sa katapat na sofa. “Tumawag akong minsan sa iyo dito pero ayaw kang ipakausap ng mother mo.”
“My instructions. At wala akong makitang dahilan kung bakit kailangan kong magpaalam sa iyo, Derick,” marahang sabi niya. “Niliwanag ko an
g lahat sa ating dalawa bago ako umalis ng isla. It’s over.”
“Don’t be too hasty to end up this relationship, Bobbie,” pakiusap ng binata. “Sa loob ng humigit-kumulang anim na buwan ay wala akong natatandaang pinagtalunan nating malaki maliban nitong huli at humihingi naman ako ng tawad sa iyo.”
Nagbuntong-hininga siya.
“Please, honey,” patuloy nito. “I know I’ve hurt you. I’m so sorry. But don’t burn the bridge between us. Alright, hindi na tulad sa dati ang lahat. Manunuyo akong muli, but please, give me the chance, Bobbie.”
“Hindi ako nangangako, Derick, pero pag-iisipan kong maigi ang lahat ng ito.”
“That’s more than enough.”
i
sang ngiti ang pinakawalan ng binata. May dinukot sa bulsa at inilagay sa palad niya. “Please put this on your finger back.”
n
ang akma siyang magsasalita ay inagapan ni Derick. “No commitments, no promises. Pero `pag nakikita ko iyan sa daliri mo’y mabibigyan ako ng pag-asang maibalik sa dati ang lahat.”
Nang makaalis ang binata’y tinitigan niya ang solitaire sa palad niya.
“Search your heart, Bobbie...”
s
i Mrs. Fajardo mula sa likuran niya. “Madaling magpatawad, pero kung nagawa ni Derick ang ganoong kataksilan sa sumunod na araw matapos ang formal engagement ninyo, paano kung kasal na kayo?”
“I AM
giving
you this company para sa research paper mo, Bobbie.”
s
i Mrs. Enriquez, isa sa mga professor niya. Iniabot nito ang isang calling card. “Ito na lang ang kulang mo at wala ka nang problema sa graduation mo.”
Inabot niya ang card at binasa. Agad ang pag-angat ng ulo niya. “Kristine Steel!”
“Yes, hija?” Nagsalubong ang mga kilay ng matandang propesora sa bulalas niya.
“This steel company and the... Kristine Hotel and Resort in Paso de Blas, are they—”
“I really have no idea. But definitely magkaibang management,” agap ng propesora.
“W-wala ho bang ibang steel company, Ma’am?”
Umiling ang propesora. “Kilala ko ang Foundry Supervisor. Makakatulong siya sa research mo tungkol sa paggawa ng mga bakal. Si Mr. Piñon. That’s his calling card. His son was my student a couple of years ago. At marami na akong naipadala sa kanyang estudyante.”
Hindi siya kumibo. Magkaibang management. Bagaman hindi imposible ay natitiyak niyang hindi maliligaw si Romano sa Kristine Steel. Ano ang gagawin ni Romano sa kompanya ng mga bakal? Hindi niya kailangan ang pambubuska at panunukso nito sa mga panahong tulad ngayon. She didn’t suffer a broken heart but her morale is at its lowest level.
“You have two days to complete that report, Bobbie,” untag ni Mrs. Enriquez sa iniisip niya. “Nariyan ang note ko sa likod ng card.”
“Yes, Ma’am.”
KRISTINE steel. Ang kompanya ay nasa loob ng isang humigit-kumulang isang ektarya at kalahating lupain na nababakuran ng matataas na pader. A typical steel company. At nasa isang bayan sa Bulacan.
Ibinigay niya ang student ID niya sa security guard at matapos siyang bigyan ng visitor’s pass ay pinapasok na ang kotse niya. Bumungad sa kanya ang isang malawak at kongkretong pavement. May mangilan-ngilang forklift siyang nakikita na gumagala. Limang daang metro mula sa gate ay isang two-storey building. Must be the office dahil may mga nakaparadang sasakyan sa parking lot sa di-kalayuan dito. At isandaang metro pa uli mula sa gate ay isang metal covered one-storey building. Napakalaki. Iyon ang itinuro ng guwardiya na foundry at doon siya pupunta. Ilang delivery trucks ang naroon. Ang iba’y puno ng bakal ang likuran.
Dahan-dahang umuusad ang sasakyan niya patungo roon. Ibinaba niya ang salamin. She saw some uniformed male employees. Mga nakakamiseta ng navy blue at may tatak na Kristine Steel. May mga grasa ang maong. Some curious eyes darted her way.
Ipinarada niya ang kotse sa parking at bumaba. Hindi pa niya naisasara ang pinto ng kotse niya’y natanawan na niya ang parating na kotseng itim. Mabilis ang takbo nito na tila nasa racing track at sa isang iglap ay iniliko na nagpagiik sa mga tire sa semento.
At presto! Eksakto sa parking space, walang labis-walang kulang. BMW, midnight black. Nagbukas ang pinto at lumabas ang isang malaking lalaki.
Nagsalubong ang mga kilay nito nang makita siya. “Have we met before?”
“Y-you’re A-Aidan?” nauutal niyang sabi. Kinakabahan. Ano ang ginagawa ng lalaking ito dito?
“O, yes!” Aidan snapped his fingers. “Ikaw iyong ipinakilala sa amin ni Romano noong gabing dumating kami sa hotel. Bobbie, right?”
Tumango siya. “I’m—working on my research at ito ang kompanyang ibinigay ng professor ko. Kararating ko lang.”
Makahulugang hinagod ng tingin ni Aidan ang dalaga. Naka-denims na hapit at body fitting knitted blouse na halos mag-ugpong lang sa waistline ng jeans nito. Very sexy.
“Magkakagulo sa foundry...”
“What?” aniya.
Aidan smiled faintly. “Sino ang kausap mo dito?”
Dinukot niya sa shoulder bag ang card. “A certain Mr. Piñon. I was told he is the Foundry Supervisor.”
“He was.”
Nangunot ang noo ng dalaga. “Was?”
“He retired a year ago. Puwede mong kausapin ang humalili sa kanya. Come, sasamahan kita.” Humakbang ito patungo sa building.
“May note ako rito mula sa professor ko,” habol niya dahil hindi makaagapay sa malalaking hakbang ng lalaki. “It’s for Mr. Piñon, do you think—”
“You won’t be needing that,” agap ni Aidan na amused na niyuko siya. “Students are welcome here always.”
“W-what are you doing here, anyway?”
“I work here.”
“You work here?” hindi makapaniwalang bulalas niya. This man’s Romano’s cousin. Equally rich.
“Here we are,” ani Aidan na hindi pinansin ang pagkamangha niya. “Hey, buddy!” malakas nitong tawag sa isang lalaking nakatalikod kasama ng ilang empleyado. Pare-pareho ang suot na mga kamiseta. Navy blue na may logo ng kompanya at maong. “May naghahanap sa iyo.”
Lumingon ang tinawag. At napahugot ng paghinga si Bobbie. “Romano?”
“We meet again, sweetheart,” nakangising wika nito na nag-alis ng guwantes na maong.
“Si Romano ang supervisor ng foundry, Bobbie,” ani Aidan. “Iiwan na kita sa kanya...”
“T-thank you...” usal niya at sinundan ng tanaw ang malaking lalaki. Pagkatapos ay binalingan si Romano. “Y-you all worked here?”
Lumabi ang binata at tumaas ang kilay. “What is so surprising about that? Everyone must work for a living.”
“I mean—”
Hinawakan siya ni Romano sa siko at hinila palayo sa nagtitinginan at nagkakantiyawang mga lalaki. “Tara sa canteen.”
Hanggang sa maiupo siya nito at mai-order siya ng soft drinks at rice cake ay hindi makapagsalita si Bobbie.
“Hey, bakit para kang natutulala?” natatawang untag ni Romano.
“A-ano ang trabaho ni Aidan dito?” Ang lumabas sa bibig niya. Nagsasalimbayan ang maraming mga katanungan sa isip.
“Delivery man.” Kumikislap ang mga mata ni Romano sa pagkaaliw sa kanya.
“Deli... oh! And what about... iyong isa mo pang pinsan?”
“Leonard...”
“Yes. And no, don’t tell me. Janitor siya rito,” matabang niyang sabi.
Natawa si Romano. “Nasa Kristine Cement si Lenny. Forklift operator.”
She groaned. A mixture of disbelief and awe.
“You haven’t meet my cousin Anton,” patuloy ni Romano. Laughter in his voice. “He’s my Uncle Bernard’s messenger boy.”
“Since when you’ve all been working?” mangha pa rin niyang tanong. And unawarely sipped the straw of her soft drinks.
“Since college days. May branch ang Kristine sa ibang bansa. Another company. At kung naroroon kami’y ganoon din ang trabaho namin. Our parents support our studies but our allowances came from our part-time jobs. Is it really that surprising? Nakikita ko sa mukha mo ang pagkamangha.”
She was speechless. She’s seeing a different Romano. At mula sa kaibuturan ng puso’y bumangon ang isang respeto for this carefree tease and good-looking man. A millionaire’s son pero hindi takot magtrabaho.
“H-hindi ko lang inaasahan na...”
h
uminga siya nang malalim at nagkibit ng mga balikat.
“My families are hardworking people, sweetheart. From my grandfather down to us. Our parents wouldn’t allow us to work in the office unless we start from the bottom.”
“At walang... nagrereklamo isa man sa inyo?”
“Kami rin ang mawawalan kung magrereklamo kami. Our parents wouldn’t break the rule. Start from the rags. Learn to value money. My father and Uncle Bernard grew up in a farm. Work and live with the rancheros. My father became a lawyer and Uncle Bernard went to study in Texas and joined the US marines. My Uncle Nathaniel, too. He never went abroad. Sa Maynila lang siya nag-aral. He loves Paso de Blas. The sun, the soil, the farm. Alisin mo siya roon at para mo na ring inalis ang isda sa tubig. Then there’s Uncle Zandro...”
n
gumisi ang binata sa bahaging iyon. “You wouldn’t want to hear his story.”
“O, c’mon, tell me.”
n
aroon ang excitement sa tinig niya. Tuluyang nalimutan ang dahilan kung bakit siya naroon.
“Oh, he’s a nobody from the start. A lonely and bitter boy with no money. Lumaki sa slum... sa basagan ng mukha, with tramps and gangster. He had nothing but the Fortalejo pride.”
“Ang mother mo ang Fortalejo?”
“Yes. You should see her. She’s very beautiful.” Nasa mga mata ng binata ang kislap ng pagmamalaki. “And wonderful too. She was a writer. Would you believe, a romance pocketbook writer. She left the job a long time ago nang ipanganak kami ni Jade. She’s a full-time housewife and mother.”
Napasandal sa silya si Bobbie. Couldn’t help the admiration she felt for this handsome man and his family. Nakikita niya kung gaano kalapit sa isa’t isa ang mga ito.
“So the girls work, too.”
Nagkibit ng mga balikat si Romano. “The olds are lenient pagdating sa mga babae. They can choose the easy job. Pero nagtatrabaho pa rin. If they need to buy something expensive, they have to work for it in one and thousands of ways.”
“Fascinating.”
Ngumisi si Romano. “Tapos na ang tanungan-sagutan sa personal na buhay ko, sweetheart. Ang tungkol naman sa research work mo. Ano ang gusto mong malaman tungkol sa foundry?”
Gusto niyang magulat pero tinakasan na yata siya ng ganoong damdamin sa lalaking ito.
“So, alam mo ang tungkol sa research ko,” matabang niyang sabi. “Kaya pala ni hindi ka man lang nagulat pagkakita mo sa akin?”
Romano smiled unrepentantly. “Do you think you can get away from me that easy, sweetheart?”
“I—didn’t leave a forwarding address...” she said softly. Mesmerized by that blinding smile.
“No. Pero piniga ko nang husto ang isip ni Jade para alamin kung sino ang huling pinagbigyan niya ng GC. There were three people. Dalawa roon ay classmates niya. Jade both gave me their telephone numbers at nalaman kong nanggaling na sila dito many months ago. So ang mother mo na lang ang natira. Tinawagan ko siya. Bingo!”
Hindi makapaniwalang nagbuntong-hininga ang dalaga. Yumuko at muling sinipsip ang soft drinks. Pati ang mama niya’y hindi sinabi sa kanya ito.
Matagal na katahimikan ang namagitan. Si Romano’y prenteng isinandal ang sarili sa silya at bahagya pang ini-rock. Tinititigan siya sa ilalim ng mga mata nito na tila tinatantiya.
“Very well, narito na rin lang ako.”
p
inaglagos niya ang mga mata sa salaming bintana sa canteen. “Tara sa foundry at ipakita mo sa akin ang dapat kong makita at malaman.”
“No way,” iling ni Romano. “Kaya kong sabihin sa iyo ang dapat mong malaman, hindi ka pa mapapagod sa pag-iikot sa mainit na hurnuhan ng mga bakal.”
“I don’t mind.”
t
umayo siya. Inabot ni Romano ang kamay niya at muli siyang iniupo.
“I do.”
h
inagod siya nito ng tingin. “Those men there will eat you alive...”
“What?”
“Tingnan mo ang hitsura mo. Baka akala mo’y nasa mall ka at magsa-shopping. Pulos lalaki ang mga naroroon at mahihinto sa trabaho ang mga iyon `pag dumaan ka. At hindi ko sila masisisi.”
Pinamulahan ng mukha ang dalaga sa gustong ipahiwatig ng binata.
“Aren’t you aware na `pag naglalakad ka’y iba ang iniisip ng kahit na sinong lalaki sa iyo?” Naroong muli ang panunudyo sa tinig ng binata.
Naningkit ang mga mata niya. “Baka ikaw lang dahil mahilig ka!”
He smiled sensually. “Maraming magagandang babae sa itaas, sweetheart. Seksi din. But they never turn me on.”
d
umukwang ito palapit sa kanya at saka bumulong. “You do.”
Sumabog siya. Bahagya nang pinag-ukulan ng pansin ang mga tindera na nagkakaipon-ipon sa counter dahil hindi naman oras ng break at patay-malisyang pinanonood silang dalawa. Ibinagsak niya ang notebook sa mesa.
“Hindi ako nagpunta rito para bastusin mo! Minanipula mo pati ang
m
ama at marahil pati si Mrs. Enriquez. Why me, Romano?”
“I don’t know.” Puno ng kainosentehan ang mga mata nito. “Truth is, you aren’t my type either. You aren’t even beautiful...”
n
agkibit ito ng mga balikat.
Nanlaki ang mga mata niya. Tuluyang nawala ang pagtitimpi, pati poise. Tumayo at dinuro ng daliri ang binata.
“I didn’t know you had a type.”
s
he gritted her teeth. “What is it? Tall, beautiful and stupid?
w
ho would jump into your bed in a snap of your finger?”
Hinawakan ni Romano ang kamay niya, nagpumiglas siya.
“Bitiwan mo ako!”
“Patapusin mo kasi akong magsalita bago ka mag-react.”
h
inagod nito ng tingin ang mukha niya and whispered softly. “Beauty is in the eye of the beholder, sweetheart. You aren’t beautiful but you’ve got a very interesting face. Now you’re beautiful, now you aren’t. A kind of face that experts considered as the most beautiful in the world. I used to wonder why, now I know...”