Chapter 4
Chapter Four
“H
INDI
ko alam na may itinatago ka sa silid mo, Romano.”
Agad na lumingon si Bobbie na hindi pa halos nagbabalik sa huwisyo ang isip. Gusto niyang magalit sa sinabi ng lalaki. But what she saw really took the breath out of her again. Nakatayo ang lalaki sa nakabukas na pinto at kaswal na nakasandal sa hamba nito.
So disconcertingly male. Ang kulay at anyo, tila iyong mga Indian sa sine. Romano is tall but this one is taller, six feet two. Big too. In crew cut hair. She finds Michael Jordan attractive but her favorite NBA player is nothing compared to this man.
His face hard and cruel, like unpolished granite. His smile cynical, but his eyes, though bitter, hid tenderness. At hindi marahil kasingguwapo ni Romano but this big man is devastatingly attractive. At natitiyak niyang hindi ito Pilipino.
“Meet my cousin, Aidan,” pakilala ni Romano. “Aidan, this is Bobbie.”
“Pleased to meet you, Bobbie.” Aidan gave her a friendly faint smile at nakalimutan na niyang hindi niya gusto ang sinabi nitong itinatago siya ni Romano sa silid.
She opened her mouth to speak nang mula sa loob ng silid ay lumabas si Lenny. “What’s the commotion, guys?”
“And that’s another of my cousin extraordinaire, Lenny,” patuloy ni Romano. “This is Bobbie.”
Umangat ang kilay ni Lenny. Pinaglipat-lipat ang tingin kay Romano at sa kanya, then shrugged his shoulders and smiled at her.
“How do you do, Bobbie?”
She was speechless. This one’s younger, as tall as Romano only this one is dark. Very handsome. Kung naisip niyang hindi nagpapagupit si Romano’y lalo na ang isang ito na umabot na sa batok ang buhok. With ebony eyes. And she didn’t think there’s a woman who can resist that smile.
Gusto niyang kurutin ang sarili at baka nananaginip lang. She must be in mythical Olympus and now had the chance of meeting the gods. She was staring at the three so-good-looking men, sa magkakaibang paraan.
Yumuko si Romano nang makita ang admiration sa mukha niya at bumulong. “Forget them. You’re mine.”
“Go to hell!” ganting-bulong niya subalit ang buka ng bibig at ang apoy sa mga mata niya’y sapat na upang matawa si Lenny. Si Aidan ay ngingiti-ngiti lang.
“She wasn’t taken by your charm, Romano.” Si Lenny, still smiling.
“Nice meeting you, guys,” aniya at isinara na ang pinto.
“WHO
was
that sexy little thing? Cameron Diaz?” Si Aidan na isinara na rin ang pinto sa silid nila nang pumasok si Romano.
“Sinabi ko na ang pangalan niya, `di ba?” sagot ni Romano at pabagsak na humiga sa kama ni Lenny, iniunan ang mga braso.
Si Lenny ay nagbukas ng personal ref at kumuha ng canned beer. Initsa ang isa kay Aidan na sinalo nito sa isang kamay.
“Plain Bobbie,” patuloy ni Lenny, popping up the canned beer. “Malayo siya sa tipo mong babae, pinsan. Not a raving beauty na siyang trademark mo but got a nice butt. Sexier than that of Cameron Diaz.” Nanunukso ang ngiti nito.
“She must be Jade’s friend. She’s using my twin’s personalized gift certificate.”
p
inaglipat-lipat niya ang tingin sa dalawa. “Would you believe, napagkamalan niya akong maintenance man.”
t
umawa ang binata at ikinuwento ang unang pagkakita nito kay Bobbie sa Manila at kanina sa restaurant.
“She wasn’t taken by your charm when she thought you’re a building maintenance man. At nang malaman niya kung sino ka, may nabago ba?”
Nakangising umiling si Romano. Hindi niya gustong sabihin sa mga pinsan kung paano siya nakita nitong hubo’t hubad. “And I’m warning you, guys. I saw her first, so back off.”
“Huh!”
s
i Aidan na tumaas ang kilay sa sinabi niya. “Ang akala ko ba’y ang isa para sa lahat at ang lahat para sa isa.” Lihim nitong kinindatan si Lenny na ngingiti-ngiti at nagdududang pinagmamasdan ang pinsan na nakatitig sa kisame. “Wait till the gangs are all here and give her the chance to choose. Bukas pa ang dating ni Anton.”
a
ng tinutukoy nito’y ang anak ni Nathaniel at Jasmin na darating bukas galing Texas para sa anibersaryo ng kasal nina Nathaniel at Jasmin.
“Not this time,” wika ni Romano sa pormal na tono.
“Meaning gusto mong solohin ang babaeng iyon?” Si Lenny uli. Nakatago ang ngiti sa mga labi.
“Her name’s ‘Bobbie,’ call her that,” nairitang wika niya sa paggamit ni Lenny ng
babaeng iyon.
“And you’re... serious with her?” tantiya ni Aidan na pailalim na tinititigan si Romano habang umiinom ng beer.
Hindi gustong sagutin ni Romano iyon pero alam niyang nakatinging pareho ang mga pinsan at naghihintay ng sagot niya.
“The usual,” he said unemotionally. “A casual affair.”
Pumuno sa silid na iyon ang tawa ni Lenny at itinaas ang kamay kay Aidan para sa high-five. Iiling-iling si Aidan na tinanggap ang kamay ng kapatid.
HATINGGABI na’y hindi pa rin makatulog si Bobbie. Hindi na siya natuloy maligo sa dagat at nag-order na lang ng hapunan sa silid niya. Naroong ibaon ang mukha sa malambot na unan, naroong tumagilid. Gustong kalimutan ang nangyaring halik sa kanya ni Romano. Hindi niya maintindihan kung bakit may pakiramdam siyang nalalasahan pa niya iyon sa mga labi niya. And everytime she thought of the way he kissed her, nananayo ang mga balahibong-pusa niya sa batok.
Derick didn’t have that effect on her. Ilang beses na rin naman siyang nahagkan nito. And to think Romano wasn’t even her type. Hindi siya kailanman nagka-crush sa mga ganoong tipong lalaki.
Nasa ganoon siyang pag-iisip nang tumunog ang telepono sa tabi niya. Napapitlag pa siya sa hindi inaasahang ring. Dinampot niya iyon sa ikalawang ring.
“Hello...”
“Hi.”
Her heart started to thump violently. Kahit hindi sabihin ay alam niya kung sino ang nasa kabilang linya.
“W-w-what do you want?” Lumunok siya dahil halos walang tinig na lumabas sa bibig niya.
“Did I wake you up?”
“No... I mean, yes!”
o
h, dear!
“At nakakabulahaw ka!”
He chuckled. “Your voice matched your body. Sexy. What are you wearing? No... no. Don’t tell me, let me guess. A very flimsy night gown and just an inch below your... hmn...”
“This is an obscene call!” Napabangon siya nang wala sa oras. “And you know it’s illegal!”
“Don’t hang up, sweetheart. Tatawag din ako uli,” warning ng binata na tila nahuhulaan ang gagawin niya. “At wala akong sinasabing masama.”
“Walang sinasabing masama?” she groaned. “You’re crazy, Romano. Please, ibababa ko na ang phone. I wouldn’t have you saying obscene things to me. Huwag ninyo akong pagkatuwaang magpipinsan! Kabisado ko ang mga tulad ninyo...”
“Tulad namin?”
n
agsalubong ang mga kilay ni Romano and rocked his swivel chair. “Ano ang ibig mong sabihin?”
“Spoiled rich boys who jump up on unsuspecting women...” akusa niya.
“Agh!” ani Romano and she could imagine him faking a heart attack. “That hurt, sweetheart,” and his voice sounded like it. “I’m not spoiled and definitely not a boy. At hindi ka namin pinagkakatuwaang magpipinsan,” mariin ang huling sinabi nito. “I am alone here...”
“W-where are you?” nalilitong tanong niya. She expected him to be calling from the other room with his macho cousins.
Romano laughed huskily. “Want to come here?”
t
he invitation was very obvious.
“Romano, alam mo ba kung anong oras na?” she asked wearily.
“I couldn’t sleep. Kaya nandito ako sa private office ng Uncle Nat. I’ve been thinking about you...”
“That flatters me,” sarkastikong wika niya. “Huwag kang matulog and keep on thinking about me but please, let me sleep, okay?”
l
okohin mo’ng sarili mo.
“You couldn’t sleep either. Nararamdaman ko pa rin ang mga labi mo sa akin. They’re sweet and I could get used to it.”
“Dream on,” sabi niya and was glad na hindi siya nakikita nito.
“You bet I will. And be with me the whole day tomorrow, sweetheart. I’ll show you the whole island.”
“Thank you, but again, no. Goodnight, Romano.”
“Wait!”
“What?” she snapped.
“Again, why?”
“Because you’re not my type.” Iyon lang at ibinaba na niya ang telepono. Humugot ng malalim na paghinga at muling nahiga. Damn him. Lalo lang siyang hindi makakatulog ngayon.
Si Romano sa office ni Nathaniel ay nakataas ang mga binti sa mesa at nag-iisip habang tinititigan ang telepono.
“Playing hard to get, sweetheart, huh,” wika nito sa sarili. “Then let’s play your game.”
BAGAMAN hindi gaanong nakatulog ay maaga pa ring nagising si Bobbie. Wala pang gaanong tao at nasa beach na siya. Naka-tight black denims at hanging blouse. Nakatali sa baywang ang sweater. Napakalamig ng hanging pang-umaga pero kaya niyang tagalan dahil knitted ang blusa niya na hanggang siko ang manggas.
Bitbit ang sneakers sa isang kamay at naglakad-lakad sa puting baybayin. Gustuhin man niyang maligo ay nag-aatubili siya. She’s alone and it’s kind of lonely kung mag-isa siyang lulusong sa dagat. Hindi niya gustong maging focus ng attention ng mga lalaking nangha-hunting ng kasama.
Mula pa kahapon ay wala siyang nakitang naliligong mag-isa. Some are with their families and friends, kung hindi man magkasintahan. At kahit sa umagang iyong may iilang parehas nang nasa dagat. Natanaw niya ang ilan sa Esmeralda Port at pasakay sa speed boat, pawang mga naka-scuba diving gear.
Pinuno niya ng hangin ang dibdib at ibinaba sa buhanginan ang sneakers at inupuan iyon. Niyakap ang mga binti at tinanaw ang
Kristine by the Sea.
Sino kaya ang naroong mga guest sa sandaling ito upang doon mag-almusal? Maybe she’ll go there again this lunch.
Bigla’y pumasok uli sa isip niya si Derick...kasunod ang eksenang nakita niya sa office desk nito. Tumiim ang mukha niya. Ang sekretarya ba nito ang katalik? Hindi niya nakita ang mukha ng babae. Pero alam niyang may boyfriend si Myleen.
Hindi niya mapigilan ang pagguhit ng hapdi sa dibdib. She was really taken by him. Thoughtful, a real gentleman, hindi nagsasalita ng mga bagay na nakakasama ng loob o nakakairita man.
And it really hurt na gawin nito sa kanya ang ganoong kataksilan. At sa mismong panahong formally engaged sila at nagpaplanong kakausapin ang mama niya upang magpakasal.
Nasa ganoon siyang pag-iisip nang mapalingon sa tunog ng makina ng sasakyan mula sa pinanggalingan niya. Isang malaking motorbike ang parating. Mabilis ang takbo at tinutumbok siya. Nanlaki ang mga mata ng dalaga. Sa kabiglaanan ay hindi niya magawang kumilos at tumayo. Alin na lang sa dalawa, mamamatay siya o buhay nga pero lasog-lasog naman ang mga buto niya.
She closed her eyes and stop breathing literally. Subalit huminto ang motorsiklo isang yarda mula sa kinauupuan niya. Umaalimbukay ang buhangin sanhi ng gulong nito.
Nagmulat siya ng mga mata at tumingala. Nag-alis ng helmet ang driver nito and again, she was looking up into a pair of mocking brown eyes.
“Oh, no!” ungol niya.
“Hi, sweetheart,” nakangising bati ni Romano as his eyes surveyed her with insolent approval.
“Muntik mo na akong mapatay!” galit niyang singhal, sabay tayo. Nanlilisik ang mga matang sinulyapan ang itim at malaking Harley Davidson.
Romano grinned unrepentantly. “Magagawa ko ba naman sa iyo iyon...” Itinukod nito ang mga braso sa manibela ng motor.
She shook her head in frustration. “At tinakot mo lang ako, ganoon?”
“Natakot ba talaga kita?” he asked in mocked innocent. “I’m sorry, then...”
Sa isip ay nagbilang mula isa hanggang sampu si Bobbie. Gusto niyang ikalma ang sarili. She couldn’t lose her composure at bibigyan lang niya ng kasiyahan ang impertinenteng lalaki. Why, he didn’t sound a bit sorry.
“Ang akala ko ba’y tahimik sa lugar na ito. A paradise where anyone could unwind along with nature. Pero bakit hindi yata iyon ang nararanasan ko?”
He chuckled. “Blame yourself...” wika nito na bumaba ng motorbike at ibinaba ang stand at itinayo.
Inis siyang lumingon dito. “What?”
Tinitigan ni Romano ang pagitan ng jeans at blouse niya na sa biglang pagtayo ay nahulog sa buhanginan ang nakapulupot na sweater.
“Tingnan mo nga iyang suot mo, ang aga-aga’y nanunukso ka ng tao... you could cause heart attack, sweetheart.”
Wala sa loob na niyuko niya ang sarili. “Ano’ng...”
“Have you been kissed there?” mabilis na dugtong ng binata bago pa niya maintindihan ang sinasabi nito.
Iglap din ang pag-angat ng mga mata niya rito. Litong-lito. “Ano ba ang pinagsasabi mo?”
Inginuso ng binata ang tiyan niya. “You’re sexy, alam mo ba iyon? I wonder kung may mga labi nang dumantay sa tiyan mo...” he said provocatively.
Oh, my god!
Nananayo ang mga balahibo niya sa sinasabi lang nito. Parang gusto niyang maupo uli sa buhangin dahil tila nanlalambot ang mga tuhod niya.
“Y-you’re very rude, you know,” aniya na hindi makatagal sa pagmamasid nito. Nilingon niya ang dagat.
“Not rude, only straightforward,” pagtutuwid ni Romano sa nanunuksong tinig.
“Yeah,” aniya sa marahan subalit sarkastikong tinig. “Straightforward. That’s what you call it. Being ultra-rich gave you the license to say and do what you want.”
h
er voice cold and angry.
“That’s unfair, sweetheart,” ani Romano na hindi natitigatig sa akusasyon niya. “I’ve met a lot of bullies in my lifetime, kalahati sa mga iyon ay pangkaraniwan lang ang buhay. Some are really poor na nang madikit sa may sinasabi ay mayabang pa sa nadikitan. Ano ang tawag mo sa kanila?”
Wala siyang maisagot sa tanong na iyon. Somehow, totoo ang sinasabi nito.
“I’m—sorry,” mahinang wika niya, in half-sincere tone.
“Apology accepted,” kaswal na wika ni Romano.
Ilang sandaling katahimikan ang namagitan. Niyuko niya ang sneakers at isinuot. Sa sulok ng mga mata’y alam niyang pinagmamasdan siya nito.
“Anong lalaki ang type mo?” tanong nito makaraan. “Ang sabi mo kagabi’y hindi mo ako type kaya hindi mo gustong sumama sa akin sa buong isla.”
Wala siyang balak sagutin ang tanong nito pero gusto niyang idiin ang sinabi kagabi. “Sophisticated, mature, a perfect gentleman, with finesse and—”
“My exact opposite, sa maikling salita,” amused nitong agap. “Well, I’m sorry, sweetheart. What you see is what you get. I cannot pretend otherwise...”
“That is just fine. Wala akong balak na patulan ka,” pairap niyang sabi.
He chuckled. “Iba ang sinasabi ng mga labi mo sa akin kahapon...”
Nag-aapoy ang mga mata niya nang sulyapan ito bago humakbang pabalik sa hotel. Nahawakan siya ng binata sa braso.
“Join me for breakfast.”
“Thanks but no thanks.”
m
arahas niyang binawi ang kamay. “And don’t make me feel like a smelling garbage.” Sinabayan niya iyon ng talikod at nagmamadaling lumayo rito. Narinig niya ang andar ng motorsiklo.
Tinapatan siya ni Romano. “At ano ang ibig mong sabihin doon?”
“Para kang langaw.” Naiirita niyang sabi.
“Langaw!”
“No, I’m sorry, maliit iyon,” she said ang gave a very sweet fake smile pero tuloy pa rin ang mabilis na paglakad. “Bangaw.”
“Bang—” Nag-echo sa paligid ang halakhak ng binata na nakikipagkompetensiya sa tunog ng motorsiklo nito. “How could you be so unromantic, sweetheart...”
Hindi siya sumagot. Tuloy sa paglakad. Nang muling tumapat ang motorsiklo sa kanya ay hinapit siya nito kasabay ng paghinto ng motor. Sa kabiglaanan ay napasubsob siya sa dibdib nito.
“This
bangaw
didn’t make you sleep last night, I can see it in your eyes.”
h
is voice husky at malapit na malapit ang mukha nito sa kanya. She could smell his bath soap. A mixture of lemon and grass. Iyon lang at tila may kamandag na tila nagpapainit sa buong pagkatao niya.
She took a deep breath, gusto niyang alisin ang kamandag bago pa nito maapektuhan ang buong katawan niya. Tumaas ang mga kamay niya sa dibdib nito at malakas na itinulak ang binata. Nawalan ng panimbang si Romano at tumagilid ang motorsiklo at natumba kasama ito.
She didn’t look back at mabilis na lumakad pabalik sa hotel.
Si Romano’y nanatiling nakahiga sa buhangin at ang isang binti’y napapailaliman ng malaking motorbike. Ni hindi nito tinangkang bumangon agad, bukod pa sa medyo nasaktan ang naipit niyang binti. Sinundan ng tingin si Bobbie.
“Need help?”
Tumingala siya sa pinanggalingan ng tinig. Una niyang nakita ang nakayukong mukha ni Wind Dancer at banayad na humahalinghing. Tila nakakalokong sinusuri siya ng tingin ng kabayo. Nasa likod ng malaking stallion si Lenny, grinning from ear to ear.
“Back off, Len!”
At mula sa likod ng mga puno ng niyog ay lumitaw ang dalawa pang stallion, sakay sina Aidan at Jessica.
“Ano ang nangyari sa iyo?” nag-aalalang tanong ni Jessica na agad na tumalon mula sa stallion.
Aidan’s lips twisted in dry amusement. Natanaw nito ang nagmamadaling pagpanhik ni Bobbie sa hagdanang bato pabalik sa hotel.
“Are you hurt?” tanong ng dalagita na sinikap iangat ang malaking motorsiklo.
“Don’t worry about him, Jessie.”
s
i Aidan, in a bored tone. “I’m sure there’s no broken leg. His pride took all the blow.”
Hindi maipinta ang mukha ni Romano sa iritasyon sa dalawang lalaki. Bumangon mula sa pagkakahiga sa buhanginan. Pagkatapos ay niyuko ang motorsiklo at itinayo na rin at sumakay dito. Masuyong tinitigan si Jessica.
“Kailan ka dumating?”
“Madaling-araw na siguro,” sagot ng dalagita at pinagpagan ang buhangin sa likod ng jacket ng pinsan. “Kasama ko si Anton. Bakit ka ba natumba sa motorsiklo mo? At ano ang sinasabi ng dalawang iyan?” Nilingon nito ang mga kapatid.
“Kung saan-saan kasi dumidikit ang
bangaw.
`Ayan, napagpag tuloy.”
s
i Lenny, whose shoulders are shaking in controlled laughter.
Nanlaki ang mga mata ni Romano. “You eavesdropper!”
Itinaas ni Lenny ang dalawang kamay nang makitang akmang bababa ng motorsiklo si Romano.
“Uh... uh...
m
agkakasunod lang kaming tatlo. Nauna ako at hindi ko kasalanang marinig ang sinabi ni Bobbie.” His shoulders are still shaking at hinapit ang stallion at nagtatawang pumasok sa niyugan. Naiiling na sumunod si Aidan.
“What was that all about?” Nagtatakang sinundan ng tanaw ni Jessica ang mga kapatid.
“Nothing...” sagot niya na pinaandar ang motorsiklo. “I’ll race you to the villa...”
Umangat ang kilay ng dalagita. “With that scrap of metal?” Patudyong niyuko ang malaking motorbike na ang halaga’y more than half-a-million.
“Do not underestimate us,” hamon ni Romano na ikiniling ang ulo.
Ngumisi ang dalagita. “You’re on,” at nagmamadaling sumampa kay Fireball.