Chapter 3
Chapter Three
N
AGSALUBONG
ang mga kilay ni Romano nang mula sa rooftop ay may hindi sinasadyang matanawan sa ibaba patungo sa pantalan.
“Sino ang tinitingnan mo diyan?”
s
i Lenny na nahinto sa pagbaba ng hagdan at nagtaka sa pagkakadikit ng mga kilay niya. Si Aidan ay tuloy-tuloy.
“A familiar sexy walk,” he said thoughtfully at inalis na ang tingin sa nakita at sumunod sa pinsan.
“Ang linaw ng mga mata mo pagdating sa magagandang babae,” naiiling na usal ni Lenny.
“Look who’s talking!” natatawang sigaw ni Romano.
Pagdating sa fourth floor ay pumasok si Lenny sa silid nila ni Aidan. Si Romano ay sa silid niya. Pagkapasok ay basta na lang inihagis sa couch ang knapsack at muling lumabas.
BAHAGYANG naghabol ang hininga ni Bobbie nang makarating sa
Kristine by the Sea
sa tuktok ng talampas. Nangingiting nilingon ang pababang hagdang bato. Hindi biro ang pumanhik. Kung may phobia ka sa height ay baka matakot ka pero sulit naman dahil sa excitement.
May mga nabububungang mesang kahoy at log chairs sa tabi ng talampas na nahaharangan ng adobeng pader. At bagaman hantad sa araw ay hindi mainit dahil sa naglalakihang mga puno sa may gilid ng cliff na siyang kumakanlong sa araw.
Humawak siya sa may pader at tinanaw ang ibaba ng dagat. Bahagya pa siyang nalula. Kay tarik at matatalim ang mga bato sa ibaba. Nagngangalit ang mga along humahampas sa batuhan. Napahugot siya ng paghinga at umatras. Inayos ang buhok na nililipad ng malakas na hangin. Muli niyang ibinalik ang tingin sa mga mesang kainan at ipinasyang sa loob ng restaurant kumain.
Sinalubong siya ng isang waiter at nginitian. Iginiya siya papasok. Ang main restaurant ay parang old Spanish house ang istraktura or it could have been. Bukas ang paligid ng restaurant bagaman may mga sliding window na yari sa capiz. Marahil upang kung umulan ay hindi aabutan ng anggi ang mga kumakain.
Sa pinakagitna ng restaurant ay isang mahabang mesa at nakalatag doon ang mga pagkain. All seafood. Mula sa malalaking ulang hanggang sa hipon at pusit. Itinuro niya sa waiter ang gusto at bumalik na siya sa mesang napili.
Ang mga mesa ay yari sa solidong kahoy. Ang mga silya ay tila logs na nilagyan ng armrests for comfort. Walang kuryente dahil bukod sa wala siyang nakikitang kawad mula sa hotel ay may mga nakasabit na malalaking coleman sa pinakagitna ng bawat mesa.
Dahil nasa tabing-bintana ang mesang pinili niya’y kitang-kita ng dalaga ang kabuuan ng karagatan. Ang mga seagull sa himpapawid, ang maliliit na mga bangka na marahil ay mga native sa lugar na iyon. At sa likurang bahagi naman ng restaurant ay ang malalaking puno at gubat. She wondered where it lead kung papasukin niya ang gubat.
She was fascinated by the whole place. She took her time eating at pinagsawa ang sarili sa panonood sa kagandahan ng paligid nang isang tinig ang gumulantang sa kanya.
“We’ve met again, sweetheart.”
Napatingala siya and for the second time she was looking up into those mocking brown eyes. Sa katanghaliang tapat, napagtanto niyang light brown ang kulay ng mga mata nito. Spanish mestizo.
“Ikaw!”
Ngumisi ang binata. “Hindi ko madesisyunan kung ano ang aking iisipin. Ako ba ang sumunod sa iyo dito o inunahan mo ako sa pagdating...”
h
inila nito ang silya sa tapat niya at naupo. “Pero mas makatwirang isiping inunahan mo ako dahil hindi ko naman alam na pupunta ka rito...”
“Ano ba ang pinagsasabi mo?” naiirita niyang sabi, at sinikap balewalain ang kakaibang pagbilis ng tibok ng puso sa pagkakita rito uli. “At sino ang nagbigay sa iyo ng karapatang maupo diyan?”
Nagkibit si Romano. “This is a public place, sweetheart...”
“Maraming bakanteng upuan,” angil niya sabay ikot ng tingin sa paligid. Unti-unti nang nagdadatingan ang mga guest ng hotel na tulad niya’y namamangha sa lugar. Some took their time watching the sea kaysa pumili agad ng mesa.
“I’d rather sit here and watch you eat,” kaswal pa ring wika ni Romano.
Humugot ng malalim na paghinga ang dalaga sa iritasyon.
“Now, tell me, coincidence lang ba ang pagkikita natin o sinadya?” patuloy ng binata na sumandal at matiim na nakatitig sa kanya.
“At bakit ko sasadyaing makita ka?” halos pabulong niyang singhal dahil may umokupa na sa katabing mesa. “How would I know na naririto ka o pupunta ka rito? Hindi ba napakaluho naman para sa isang maintenance supervisor ang pagbabakasyon dito? Malibang sa hotel ka in-assign ng agency...”
“Mainte... agency?” Nagsalubong ang mga kilay ni Romano na nang marehistro sa isip ang gusto niyang sabihin ay bumunghalit ng tawa. May ilang segundo rin itong nagtawa at saka muli siyang hinarap. “Who do you think I am?”
“Ano ang pakialam ko kung sino ka? Hindi ako intresado sa iyo at puwede ba, iwanan mo ako!” she hissed though conceded that he really was a handsome man.
“Maintenance man...” usal ni Romano, umaalog pa rin ang mga balikat sa pagtawa. “That is at least original, sweetheart.”
“I’m glad I made you laugh,” patuya niyang sabi. Tuluyang nawalan ng gana sa pagkain at inilayo ito sa harap niya. Kinawayan ang waiter na agad namang lumapit. Subalit bago pa niya mahingi ang bill ay naunahan na siya ni Romano.
“Ilagay mo sa account ko, Bernie.”
“Yes, sir.” At tumalikod na uli ito.
“Hindi ako nagpapalibre!” singhal niya uli rito sa mahinang tinig dahil may ilang mga guest ang nakatuon ang pansin sa kanila dahil sa pagtawa ni Romano o dahil sa talagang nakaka-attract ng atensiyon ito. “At mas kaya kong bayaran iyon kaysa sa iyo.”
Pumormal si Romano bagaman kumikislap pa rin ang mga mata sa kaaliwan. “All right, peace.”
i
tinaas nito ang dalawang kamay. “Para kang babaeng tigre sa ginagawa mo.”
Umiwas ng tingin si Bobbie at humugot ng malalim na paghinga. “So tell me, sweetheart, anong opisina sa K. Esmeralda building ikaw konektado?” tanong nito sa kaswal na paraan.
Hindi niya gustong sagutin iyon. But maybe he was just trying to be friendly. May mga taong iba’t ibang paraan ang ginagawa upang makipagkaibigan. This must be his way. Irritating it may seem.
“I–I—took my OJT in Delgado Travel and Tours last semester break for two weeks...”
“I see,” simpleng wika ng binata na tumango-tango. Ang mga mata’y matiim na nakatuon sa kanya. “At bakit ka naroon nang hapong iyon at isinumpa ang lahat ng lalaki?” Sa pagkakataong iyon ay bumalik ang amusement sa mukha nito.
Bumalik din ang inis niya. “None of your business.”
“Nagka-boyfriend ka ba sa panahong nag-OJT ka? And found out na may iba pala siyang girlfriend?” patuloy nito.
Namula si Bobbie sa matinding inis. He hit a raw nerve. “Please, wala akong balak ipakipag-usap sa iyo ang personal kong buhay, okay?” she said between her teeth.
Subalit hindi natigatig si Romano. “As I’ve told you, ditch him and be my girl.”
She counted from one to ten. Took a deep calming breath. Dinampot ang shoulder bag at tumayo. Ganoon din ang ginawa ni Romano. Walang lingong tinalikuran niya ito.
“Think about it,” pahabol ng binata.
Nagpupuyos sa galit na nagmamadaling iniwan ni Bobbie ang lugar na iyon. Halos takbuhin niya ang hagdanang bato pababa. Ipinasyang bumalik sa silid sa itaas ng hotel pero sa halip ay naisip na mag-iikot na lang sa ground floor. Nag-window shop sa mga tindahan doon. Hanggang sa matuunan ng tingin ang isang silid na may nakalagay sa pinto na
Museum.
Pumasok doon ang dalaga. May ilang guests ang naroon din at tumitingin-tingin. At sa dulo ng hindi kalakihang silid ay ang curator na nakaupo at abala sa pagsusulat.
She started browsing around. Dumadampot ng isang bagay at muli ring ibababa. She was fascinated by the things she saw. Lumang sungka na may lamang sigay. Lumang phonograph at lumang plaka. Hindi pa marahil ipinapanganak ang mother niya sa kalumaan nito. Lumang plantsa at kung ano-ano pang mga antigong bagay. Hanggang sa mapatingala siya sa dalawang malalaking kuwadro na nakasabit sa dingding. Binasa niya ang mga nakasulat.
Don Leon Fortalejo. Doña Kristine Esmeralda Fortalejo.
Nangunot ang noo niya roon.
Kristine Esmeralda?
Kristine Hotel and Resort. Esmeralda Port. K. Esmeralda Building. Oh, yes! Iyon ang dahilan kung bakit naririto ang lalaking iyon. Ang may-ari ng building sa Pasong Tamo at ang may-ari ng hotel-resort ay iisa. Kaya marahil konektado rin ang Delgado Travel and Tours sa hotel at resort bilang isa sa mga tenant ng building.
At marahil paroo’t parito lang ang lalaking iyon. Isa marahil supervisor ng mga maintenance crew.
Nagkibit siya ng mga balikat. Bakit ba niya pinagkakaabalahang isipin ang impertinenteng lalaking iyon. Ilang minuto pa siyang nagpaikot-ikot sa loob bago lumabas. Ipinasyang pumasok sa loob ng gift shop at naghanap ng pampaligo. Dala niya ang luma niyang bathing suit pero ang sabi ng mama niya’y bumili siya ng bago. Maraming disenyo ang ipinakita sa kanya ng saleslady. Lahat magaganda subalit abot-langit ang presyo. Kahit pa ipinagamit sa kanya ng mama niya ang extension card nito’y hindi siya mag-aaksaya ng ganoon kalaking pera para lamang sa isang pampaligo.
Lumabas siya ng gift shop na walang nabili. Muli siyang pumanhik sa itaas. May mga nakasabay siya sa elevator at lahat ay nagsibabaan sa second and third floor. Siya na lang ang mag-isa paakyat sa fourth.
Dinukot niya ang susi ng silid niya sa loob ng bag at binuksan ang pinto. Tuloy-tuloy siya sa kama at inilatag ang sarili sa dulo, nakabitin ang mga binti. Magpapahinga lang siya sandali at mamaya kapag hindi na gaanong mainit ay pupunta siya sa dagat at maliligo. Subalit hindi pa man lang nagtatagal na lumapat ang likod niya sa kama’y nakarinig siya ng kumakanta mula sa banyo.
Kumakanta!
It’s now or never, come hold me tight
Kiss me, my darling, be mine tonight...
tomorrow will be too late
It’s now or never, my love won’t wait.
May lalaki sa silid niya! At noon lamang napansin ang isang bag sa tabi ng silya at damit-panlalaking nakalapag sa may carpet.
Itinukod niya ang dalawang siko sa kama upang bumangon nang bumukas ang pinto at lumabas si Romano na bahagya ring nagulat nang makita siya.
Thunderstruck, walang salitang namutawi sa bibig ni Bobbie. Nakatayo si Romano sa may bungad ng pinto ng banyo. As naked as the day he was born! Water dripping all over his beautiful body, from his muscled chest down to his groin. At hindi niya mapigil ang sariling titigan ito. Her lips parted in surprise. At kung isa siyang pintor, natitiyak niyang gusto niyang tumayo ang lalaki sa harap niya at iguhit ito.
An epitome of male perfection.
“Well... well...” nakangising wika nito na agad naka-recover sa pagkamangha and with so much grace na tila taglay na nitong talaga ay humakbang ito patungo sa tuwalyang nasa silya. Taking his time in reaching for it and wrapped it around his naked body. “Look who’s here?”
“A-ano ang ginagawa mo rito?” halos hindi lumabas sa bibig niya ang salita.
Awe, anger, admiration. Sama-samang nararamdaman ni Bobbie iyon habang nakatitig dito. Add weakness, dahil may palagay siyang tila walang lakas ang mga binti niyang tumayo.
She swallowed. Heavens. No man could be this attractive.
“I want to think you have taken up my proposition, sweetheart.”
a
corner of Romano’s lips twisted in dry amusement. “And this is your way of telling me so? And I almost believe you nang sabihin mong isa akong maintenance man.”
Tila nagising mula sa trance si Bobbie at mabilis na tumayo. “Bakit narito ka sa silid ko? Paano kang nakapasok dito?” Itinuro niya ang kamay sa pinto. “Get out of this room right now o tatawag ako sa management upang magreklamo.” Umikot siya sa may headboard kung saan naroon ang telepono.
Nagkibit ng mga balikat si Romano. “Go ahead, play your games. I’ll play with you later,” at saka buong malisyang hinagod nito ng tingin ang kabuuan niya.
Nagpupuyos sa galit na pahablot niyang inangat sa craddle ang telepono at idinayal ang operator sa ibaba.
“Yes!” aniya nang may sumagot. “May lalaki sa loob ng silid ko. Rm. 4—”
“They will know,” agap ni Romano sa balewalang tono. “Agad na rerehistro sa ibaba ang numero ng silid sa sandaling inangat mo ang phone.”
Matalim niyang tinitigan ang binata. “Ano daw ang pangalan mo?”
“Romano.”
“Romano,” ulit niya sa kausap. “And I hope you will do something—what?”
m
anghang muli siyang tumingin sa binata na sa sandaling iyon ay inilatag ang sarili sa kama. Ibinagsak niya ang telepono rito. “Kakausapin ka ng manager!”
Balewalang inabot ni Romano ang telepono. Sinikap ni Bobbie na iiwas ang tingin sa nanunudyong mga mata nito.
“Yes, Rolly....” sagot ng binata na ang mga mata’y hindi humihiwalay sa kanya. “Ganoon ba? I arrived two hours ago with Aidan and Lenny... they’re at 403. Bukas pa kami uuwi sa asyenda. I see.”
Nagsalubong ang mga kilay ni Bobbie sa naririnig na sinasabi ng binata. Mayamaya’y ibinalik na muli ni Romano ang telepono sa lagayan nito at matiim na tinitigan siya mula sa pagkakahiga.
“What?” angil niya.
“Humihingi ng paumanhin ang management sa iyo. Nagpakita ka raw ng gift certificate mula sa kapatid ko. At walang bakanteng silid kaya ibinigay sa iyo ang kuwarto ko. Hindi nila inisip na darating kami ngayon.” Ngumisi ang binata. “So talagang hindi mo pala ako kilala.”
Kapatid! Lumalim ang gatla niya sa noo. “Jade is... your sister?”
“My twin sister.”
m
uling bumalik ang ngiti sa mga labi ng binata.
“Twin sister? Who are you really?”
“Sinabi ko na sa iyo ang pangalan ko, `di ba?”
“Romano wha—”
o
h yes!
Romano Fortalejo de Silva. At ang Jade Ann na nagbigay ng gift certificate na iyon sa mama niya ay kapatid nito. Jade Ann Fortalejo de Silva.
How could she be so stupid not to remember.
More than six months ago ay nasa peryodiko si Jade at si Romano, kasama ang magkapatid na Aidan at Leonard Fortalejo at isang hindi nakilalang lalaki. Nasa isang party si Jade and was nabbed in front of so many people. Limang armadong lalaki. Walang nangahas na tumulong. Pawang takot sa mga armas na iniumang sa kanila.
Nang mailabas na ng bahay ang dalaga ay siya namang pagdating ng magpipinsan sa hindi pinlanong pagsulpot sa party. Si Romano at Lenny ay sakay ng kanya-kanyang motorbikes. Si Aidan na nasa hulihan ay sakay ng kotse nito. Sumigaw si Jade at natuon sa mga bagong dating ang pansin ng mga kidnapper. Nabigyan ng pagkakataon ang isa ring guest sa party na iyon upang umatake mula sa likuran.
Sa nangyari’y hindi natuloy ang planong pagkidnap kay Jade. Isa sa mga kidnapper ang napatay ng estrangherong tumulong sa magpipinsan. Ang dalawa’y nakatakas. Si Aidan na bukod tanging may lisensiya upang magdala ng armas ay nabaril sa balikat at ang lalaking tumulong ay ganoon din.
Nang tangkain ng media na kuhanan ng statement ang mga de Silva at Fortalejo ay pare-parehong ayaw magpa-interview, ganoon din ang estrangherong lalaki. Wala ring gustong magpakuha ng larawan. Tanging mga lumang larawan na nakuha ng media sa mga social gathering ng magpipinsan ang nailagay sa peryodiko at naipakita sa TV.
“You wouldn’t mind sharing a room with me, would you?” untag ng binata. He was grinning from ear to ear.
“Not in this life!” she snapped. Irritated by his habitual teasing.
Nagkibit ng mga balikat si Romano at tumayo. Lumakad patungo sa dalang bag at naghanap ng maisusuot. Napilitang tumalikod si Bobbie dahil wala itong pakialam kung humulagpos man ang tuwalya sa pagkakatapis at sige pa rin sa pagsusuot ng briefs.
“You see, hindi naman ako exhibitionist,” ani Romano sa amused na tono nang tumalikod siya. “Nakakahiyang maghubad ka sa harap ng isang babaeng hanggang ngayon ay hindi ko pa alam ang pangalan. But you’ve seen all of me.”
“A bit of decency and reserve are the things I expected from you,” galit niyang sagot, nakatalikod pa rin. “But I guess both words are foreign to you,” patuya niyang dagdag.
“Ano pa ba ang dapat kong itago?”
h
e raised his hands in the air. “In fact, ikaw ang kauna-unahang babaeng nakakita sa akin nang hubad na wala sa aktong pakikipagtalik. And you’re a virtual stranger for that matter. I couldn’t just pretend of covering my body when you’ve seen it all. And whether you admit it or not, you gazed at it. Other girls would have turn their back at once.”
Marahas na humarap si Bobbie. Pinamulahan ang mukha sa hantarang pagsasabi nito ng totoo sa huling sinabi.
“I... I was shocked!” depensa niya. “You couldn’t expect me to react normally under the circumstances. Ano ang malay kong may tao pala sa silid ko at...hubad pa!”
“C’mon, sweetheart,” ani Romano habang isini-zipper ang jeans. “This is a very petty thing to argue. So you’ve seen me. I take no offense. Let’s forget about it, okay.”
Matagal uling namagitan ang katahimikan. Nagpatuloy sa pagsusuot ng kamiseta si Romano. Mayamaya’y muli siyang humarap dito.
“Am I still having this room?” marahang tanong niya in a hesitant voice.
He grinned. “I do not have a heart to throw a woman out of my room...and since
you
are throwing me out of my own room, hihingi ako ng kapalit.”
Nagsalubong ang mga kilay niya roon. “What?”
“First, tell me your name.”
Humugot siya ng malalim na paghinga bago sumagot. “I’m... Bobbie. Short for Roberta Lou.”
Umangat ang kilay ng binata and gazed at her with that lazy smile of his. “Hmnn... a very masculine name for a woman who’s oozing with femininity and sex appeal. I like a man’s name on a woman. Kinda sexy.”
“Oh, thank you...” she said insincerely. “Hindi kita gustong itaboy sa sarili mong silid... but—”
“Second, will you go out with me tomorrow?”
Mabilis ang pagtaas ng mga mata niya rito at sa mariing tinig ay: “No.”
Ni hindi natigatig si Romano sa negatibong sagot niya. “Why?”
“Hindi kailangang may dahilan. Basta hindi ko gusto. End of story. Now, please leave. Gusto kong magpahinga.”
He gave her a provocative smile. “Is that an invitation?”
She rolled her eyes in frustration. Humakbang patungo sa pinto at binuksan ito. “Salamat sa pagpapagamit mo sa akin ng silid mo, Mr. de Silva. Good day.”
Inabot ni Romano ang jacket sa silya, isinabit sa balikat at humakbang patungo sa pinto. Huminto ang binata sa harap niya.
“Gusto ko lang ipaalam sa iyo, sweetheart...”
i
tinaas nito ang kamay sa baba niya at itinaas. Sinikap niyang pakawalan ang mukha subalit tila nahihipnotismo siya sa mga titig nito. “...that I don’t usually ask repayment for some good deeds. But in your case, I demand repayment.”
a
t bago pa niya naisip ang gustong gawin nito’y bumaba ang mga labi ng binata sa mga labi niya.
She gasped in her throat. Her lips parted in surprise. Romano took advantage and plundered his tongue inside the sweetness of her mouth. Her blood swirling dizzily in her brain. Hindi niya mapaniwalaang may ganoong uri ng halik. The sensuality of it left her helpless.
Someone cleared his throat. Sapat upang sapilitang iwan ni Romano ang mga labi niya. She stared at him, bumaba-taas ang dibdib. Namangha sa impact ng halik na iyon sa buong pagkatao niya.