Chapter 2
Chapter Two
M
ARAHAS
ang paglingon ni Bobbie. She was too angry at hindi niya namalayang may ibang tao sa paligid. She found herself looking up into a pair of mocking eyes na hantaran ang ginagawang pagsusuri sa kanya mula ulo hanggang paa at pabalik. Nakasandal ito sa nakasarang pinto ng pribadong opisina ng Building Administrator. Nasa mga labi nito ang nakakalokong ngiti.
Matalim ang tinging itinuon niya sa lalaki subalit ni hindi ito natigatig. He was surveying her lazily na tila ba may karapatan itong gawin iyon. In black leather jacket. Nakabukas ang jacket at sa ilalim ay isang puting kamiseta at nakaimprenta roon ang logo ng K. Esmeralda Building. Must be one of the maintenance men ng building o supervisor kaya.
Hindi niya matiyak kung undersize ang sport shirt, nabanat ito nang husto showing obvious muscled chest. Nakapailalim sa hindi nasisinturunang maong na marahil sawang-sawa na sa kaiikot sa washing machine o kakukuskos sa batya. A maintenance man, she decided.
Must be about twenty-two or twenty-three. Tall and fair. The way he stood there, he obviously thought he was the gods gift to women. Oh, well... hindi dahil wala itong karapatang mag-isip nang ganoon. Kind of attractive kung type mo ang mga ganitong uri ng lalaki. Rugged and rough looking. At walang pakialam kung hindi nakaayos ang buhok na nakaligtaan yatang dumaan sa barber shop. O parlor, dahil doon na rin nagpapagupit ang mga kalalakihan ngayon.
May palagay siyang lalo lang nagpa-amuse sa lalaki ang ginawa niyang pagsuri dito. Hindi na nito itinago ang nakakalokong ngiti.
“Ano ang nangyari, sweetheart?” tanong nito. “Pinagtaksilan ka ba ng boyfriend mo? I’ll tell you what—” kunwa’y nag-isip ito bago: “Iwanan mo ang lover mo at ako ang ipalit mo sa halip. We’ll sure have a good time together.”
She had to give him ten out of ten sa lakas mang-asar. Whyever not. Ang mga ganitong uri ng mga empleyado’y talagang bastos ang karamihan. Walang finesse. Kapag nakakita ng babae’y sisipulan at iinisin. At ang kahuli-hulihang nasa isip niya ngayo’y ang makipaghuntahan sa isang antipatikong building man.
Gaano man kaguwapo.
Hindi niya type ang ganitong uri ng lalaki. Presko, rough, sobra ang tiwala sa sarili, maloko. Name it.
Isang matalim at malamig na tingin ang isinagot niya. Tumalikod at muling diniinan ang elevator. Alam niyang nakasunod ng tingin ang lalaki sa kanya. Nararamdaman niya ang mga titig nito sa kanyang likod. At sa pagkakatitig nito’y para bang wala siyang suot. Muli niyang pabagsak na diniinan ang up-button.
Banayad na tumawa ang lalaki. “Don’t rush. We can talk.”
Hindi siya sumagot. Muling diniinan ang buton.
“Hey, pipi ka ba or just plain snob?” wika uli nito.
“Hindi ako nakikipag-usap sa mga estranghero.”
“I’m Romano.”
Who cares,
ang isip niya. Damn elevator.
“What have you got against me?” Unti-unting humakbang si Romano patungo sa kanya habang nagsasalita. “Pustahan tayo, mas guwapo ako kaysa sa boyfriend mo. Wala akong bad breath... kompleto iyan at—” he gave a broad smile and showed hard white teeth.
“Wala akong pakialam sa mga katangian mo,” agap niya sa nagyeyelong tinig. “And can’t you recognize dismissal when you heard one?” Inikot niya ang mga mata sa paligid.
Sila lang yata ang tao sa palapag na iyon. Kung anuman ang balak gawin ng lalaki sa kanya’y wala siyang magagawa at walang makakarinig sa kanya. At hindi imposible iyon. At pagkatapos ay baka hatakin siya nito sa rooftop at saka ihulog para malinis. A would be perfect crime.
Ang inis sa mukha’y nahalinhan ng takot sa morbid thoughts niya.
Nahalata yata ng binata ang pag-aalala sa mukha niya’y humakbang paatras ito.
“Relax. You don’t think I’ll rape you here, do you?”
“N-no, of course.”
b
ahagya siyang nautal. Ibinaling uli ang atensiyon sa elevator.
“Please, pumanhik ka na.”
Nakahinga siya nang maluwag nang bumukas ang lift. Mabilis siyang pumasok at agad na pinindot ang ground floor at
close
subalit pinigilan ni Romano ang pinto at sumunod sa kanya. Isiniksik niya ang sarili sa sulok sa tabi ng pinto. Mula sa ilalim ng mga mata niya’y nakikita niya ang pagtitig nito sa kanya. Nakadama siya ng matinding self-consciousness sa pailalim nitong tingin.
Nagsalubong ang mga kilay niya nang muli niya itong sulyapan. Sa liwanag na nanggagaling sa ilaw sa elevator ay napagmasdan niya nang husto ang lalaki and she thought he looked familiar.
Ipinagkibit niya iyon. Siyempre sa building na iyon nagtatrabaho ang lalaki at tiyak na nakikita niya iyon doon sa panahong nag-OJT siya. Hindi nga lang niya marahil napag-uukulan ng pansin.
Nang muling bumukas ang elevator ay nagmadali siyang lumabas at alam niyang kasunod niya si Romano. Nagulat pa siya nang sabayan siya sandali at bulungan.
“Think about my proposition, sweetheart,” wika nito nang sumara ang elevator. Sinuyod siya ng tingin sa loob ng maliwanag na elevator. “Ditch your lover and take me up instead. I’ll stay for a couple of days more.”
“Yeah, tapos na ang kontrata mo sa agency.”
May dinukot ito sa bulsa ng jacket at iniabot sa kanya. “Here’s my card kung hindi mo ako makita rito. You see, I can be a very faithful boyfriend,” muling bulong nito.
Isang palsipikadong ngiti ang ibinigay niya rito at inabot ang card. At pagkatapos ay binitiwan din sa mismong harap ni Romano at saka tumalikod. Inaasahan niyang magagalit ito kaya binilisan niya ang lakad patungo sa parking lot. Kung sabagay, ano ang magagawa nito sa kanya sa harap ng mga security guard at mga tao. Nakakailang hakbang na siya nang magkalakas-loob na lumingon. Nakasunod ito ng tingin sa kanya, naka-freeze sa mga labi ang nakakalokong ngiti at saka nag-salute.
Nagpupuyos ang dibdib ni Bobbie sa inis na ibinalik ang tingin sa parking. This is just her lucky day! Ang makatagpo ng lalaking walang magawa.
At matuklasan ang kataksilan ni Derick!
Kataksilang naganap wala pang beinte-kuwatro oras mula nang ibigay sa kanya ang engagement ring nila.
Sukat doon ay muling nagbalik sa dibdib ang matinding sama ng loob dito. If only she could cry para gumaan ang dibdib niya. Pero anumang pilit niyang maiyak ay walang luhang tumulo. Mas higit ang galit sa dibdib niya.
“NAGBIBIRO ka ba?” ani Mrs. Fajardo sa anak. “Kababalita mo lang sa akin na nakuha mo ang cum laude pagkatapos ay aalis ka nang dahil lang sa kataksilan ng lalaking iyon. Apat na linggo na lang at graduation na, Bobbie. Bukod pa sa nakatakda na ang finals mo.”
“`Ma, hindi naman ako aalis nang matagal. Biyernes na bukas. Lunes o Martes nandito rin ako,” aniya na idinapa ang sarili sa kama. Ang alam ng ina’y nahuli niyang may kasamang babae si Derick. Hindi niya sinabi ang nakita niya sa opisina nito. “Dalawang araw lang akong absent.”
“Pero finals na sa Lunes, hija...” protesta ni Mrs. Fajardo.
“I can take special exams. Madali nang magdahilan. Please, `Ma,” pakiusap niya. “Hindi ko gustong makaharap si Derick. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Hindi ko alam kung paano ko tatapusin ang relasyon namin.”
“Tell him it’s over,” galit nitong suhestiyon. “Sino ang mag-aakalang two-timer pala ang lalaking iyon?” Sinundan nito iyon ng iling.
“Not that easy. It really hurts, you know,”
b
ahagyang nabasag ang tinig niya sa bahaging iyon. “Last night, we were formally engaged. Kagabi nang ihatid niya ako’y sinabi niya sa aking baka kakausapin ka niya tungkol sa pagpaplano naming pakasal.”
k
inagat niya ang mga labi upang hindi mapahikbi. “Pagkatapos kanina’y—”
Huminga nang malalim si Mrs. Fajardo. “Bakit hindi mo siya harapin? Bakit ka umiiwas?”
“Hindi muna ngayon, `Ma,” giit niya. “Hindi ko kaya. Nasasaktan ako...”
“Saan mo naman balak na magpunta?”
“Anywhere. Basta iyong malayo dito. Iyong hindi niya ako makakausap hangga’t hindi ako nakapagdedesisyon kung ano ang gagawin ko. Kung patatawarin ko siya o kalimutan na ang lahat.”
Tumango ang matandang babae at lumabas ng silid ng anak. Ilang sandali makalipas ay muling nagbalik at naupo sa gilid ng kama.
“I was really thinking of what to give you on your graduation,” wika ng matandang babae na nagpamulat sa mga mata niya. “Kanina sa paglilinis ko ng drawer ko sa faculty room ay nakita ko ito. Sa graduation mo na sana ko balak ito ibigay pero sige, gamitin mo na.”
Tiningnan niya ang nasa kamay ng ina. “What’s this?” Inabot sa kanya ni Mrs. Fajardo ang isang makulay na brochure.
“Kristine Hotel and Resort!” bulalas niya at binuklat ang brochure, pagkatapos ay umungol. “Oh, `Ma, this place is exotic but very expensive.”
Napangiti ang matandang babae. “Exotic, yes. Expensive, No.” Iniabot nito sa kanya ang isang personalized gift certificate. “Ibinigay sa akin iyan ng isa kong estudyante sa graduate studies maraming buwan na ang nakalipas. I have forgotten all about it dahil nang ibinibigay niya iyan ay may pinag-uusapan kaming mahalagang bagay.”
Napabangon ang dalaga at binasa ang nakasulat sa gift certificate. Kumislap ang mga mata. “Ten days vacation! Wow!”
“Kalimutan mo na ang cum laude mo `pag nanatili ka sa Palawan nang sampung araw, Roberta Lou,” warning ng matandang babae. “Alalahanin mong malaking bagay sa paghahanap ng trabaho mo ang karangalang iyon.”
“I know, `Ma. Huwag kayong mag-alala, babalik din ako sa Lunes.”
m
uling lumungkot ang mukha niya. “And please, sana’y hindi ninyo sasabihin kay Derick kung nasaan ako. Gusto ko lang mag-isip.”
“Hindi ko siya patatawarin, kung ako ang tatanungin mo, hija, pero hindi ko gustong pangunahan ang desisyon mo. At siguro nga’y tamang mag-isip ka muna.”
Niyakap niya ang ina. “Thank you, `Ma. Bukas din ay aalis ako patungong Palawan.”
Gulat na kumawala si Mrs. Fajardo. “Bukas?”
“`Ma, `pag hindi ako umalis bukas ay darating dito si Derick.”
“Hindi ganoon kadali ang kumuha ng ticket ng eroplano patungong Puerto Princesa, Bobbie.”
“Okay lang, `Ma. I’ll take the boat. Makapag-iisip ako nang matagal sa duration ng biyahe.”
“Oh, well, kung iyan ang gusto mo...” sang-ayon ni Mrs. Fajardo. “Ano ang gusto mong sabihin ko kung tatawag dito ang lalaking iyon?”
“Ikaw na ang bahala, Mama. Tell him to go to hell,” galit niyang sabi.
Natawa si Mrs. Fajardo. “At tuturuan pa akong magmura, ha...”
“THANK you,” pasalamat ni Bobbie sa hotel boy na naghatid sa kanya sa silid niya. Inabutan niya ito ng tip na malugod na tinanggap naman kasabay ng pag-usal ng pasasalamat bago lumabas ng silid.
Inikot niya ang tingin sa loob ng marangyang silid. Hindi siya makapaniwalang sa silid na iyon siya mananatili sa loob ng ilang araw. Napakalaki ng buong silid. Doble ng kuwarto niya sa bahay nila. Naka-wall papered ang mga dingding. Beige ang background at mumunting pale pink and purple flowers ang contrast. Soft beige din ang kulay ng carpet sa buong silid na halos lumubog ang paa niya.
Isang double size four-poster bed with canopy ang nasa gitna ng silid. May malambot na couch na tulad ng mga nakikita niya sa mga foreign movie. May personal ref, TV at... minicomponent? Oh, well, siguro dahil sabi ng room boy ay VIP ang floor na iyon.
Above-average ang buhay na kinalakihan niya subalit natitiyak niyang hindi siya magkakaroon ng katulad na mga kasangkapan sa loob ng silid na iyon. Kahit ang door handle ng cabinet ay natitiyak niyang sa ibang bansa pa binili. Ang buong silid at ang mga kasangkapang naroon ay pure luxury.
Lumakad siya patungo sa banyo at sinilip iyon. She wasn’t disappointed. It was a Queen’s toilet and bath, mula sa imported glazed tiles in old rose with breaker tiles in darker shades, hanggang sa bathtub. Gold plated ang mga gripo at shower. Kompleto sa toiletries, all imported. Mula sa sabon hanggang sa pabango.
Nang biglang nangunot ang noo niya. Panlalaki ang mga gamit na nasa vanity case. Muling iginala ang mga mata sa loob ng banyo. Maroon ang old rose ang glazed tiles. Oh, well, neutral ang kulay na iyon. Pampamilya. Nagkibit ng mga balikat at muling lumabas.
Bumalik siya sa kama at inihiga ang kalahating katawan. She was so lucky to have this room. Fully booked ang hotel nang dumating siya kanina at walang bakanteng silid. She was on the fourth floor at ayon sa hotel boy ay siyang huling palapag ng hotel at karaniwan na’y ang iilang silid na naroon ay para sa miyembro lamang ng pamilya at sa mga VIPs. Ang itaas ay helipad.
Inabot niya ang gift certificate na nasa kama at muling tiningnan ang likod. Muling binasa ang personal note na nakasulat doon.
To hotel personnel, please give bearer the best service and accommodation Kristine Hotel can offer.
Sa ibaba’y ang magandang signature nito.
Jade Ann.
Kapamilya marahil ng may-ari ng resort ang estudyanteng ito ng mother niya. Sayang at hindi niya naitanong sa mama niya.
Well, nandito na rin lang siya, she might as well enjoy her vacation to the fullest. Bigla siyang napangiwi sa naisip na iyon. Hindi siya nagbabakasyon. She’s mending a broken heart. Hindi niya habang-buhay na maiiwasan ang confrontation with Derick. Pag-uwi niya’y magkikita sila nito. Hindi pa niya napaghahandaan ang sasabihin.
Huminga siya nang malalim. Hindi niya gustong isipin ang mga suliranin habang naroon siya. Tumayo at lumakad at binuksan ang sliding glass panel patungo sa terasa ng silid niya.
Mula sa airconditioned room ay sinalubong siya ng mabining ihip ng hangin mula sa dagat. A mixture of salt, flowers and the forest. Tumingala si Bobbie at pinuno ng hangin ang dibdib. Pagkatapos ay tinanaw ang kulay-asul na dagat. Sa brochure ay kitang-kita kung gaano ito kalinaw. Makikita mula sa ibabaw ang buhangin sa ilalim ng tubig. Sa himpapawid ay natanaw niya ang pulutong ng mga ibong-dagat. Hindi niya maiwasang hindi i-appreciate ang tila choreographed na paglipad ng mga ito.
Sa puting-puting baybayin ay naroon ang mga foreigner na nagsa-sunbathing, in their bikinis. May mga naliligo at may nag-a-aqua cycling. Ang mga bata’y nag-i-snorkling sa hindi kalalimang bahagi ng dagat.
Sinuyod ng mga mata niya ang baybayin na nahihilerahan ng mga nagtatayugang puno ng niyog. At sa dako pa roon ay natanaw niya ang walang katapusang gubat, ang berdeng damo na tila inilatag ng higanteng mga kamay sa lupa, ganoon din ang malalaki at matatandang puno. Mula sa di-kalayuan ay natatanaw niya ang ilang guests na nangangabayo sa paligid.
Attractive ang makulay na brochure ng hotel at resort na ibinigay sa kanya ng mama niya subalit balewala iyon kompara sa talagang nakikita niya ngayon. The whole place is an island paradise.
Niyuko niya ang ibaba ng hotel. May tatlong swimming pool. Dalawa roon ay hindi nagkakalayo ang laki at sukat. Ang ikatlo’y marahil ay para sa mga kabataan. Ang mga cottage na yari sa nipa at pinong kawayan ay napakaganda. In natural varnished. At bawat cottage ay nakatayo sa tabi mismo ng malalaki at matatandang puno. Para bang walang punong pinutol upang maitayo ang cottage sa lugar nito, kundi iniayon ang cottage sa mismong puno.
At kay gaganda ng mga bulaklak! Ang cosmos, suntan na iba’t iba ang mga kulay, ang mga rosas, rosal, bougainvillea, orkidyas na nagpapaligsahan sa ganda ang mga kulay. At noon lamang siya nakakita ng malalaking bulaklak ng anturium. At ang iba’t ibang specie ng halamang San Francisco na hindi niya mapigil ang mapahugot ng paghinga. Ang ibang mga bulaklak ay hindi na niya kilala subalit nakikipagpaligsahan sa kulay at ganda sa isa’t isa.
Whoever designed the whole place is a genius.
Mula sa hotel patungo sa swimming pools ay hagdanang yari sa adobe at bato at ganoon ding uri ng hagdan patungo pa uli sa baybayin. Natanaw niya mula sa itaas ang miniport na pinagdaungan ng lantsang nagdala sa kanila kanina kasama ng mga turista. And she even thought na bus ang sasakyan nila patungo rito, only to learn later na mula sa mainland ay lantsa ang maghahatid sa kanila sa isla.
Mula sa pantalan sa may bandang kanan ay natanaw niya ang isang matarik na talampas. Sa tuktok niyon ay ang restaurant na kung tawagi’y
Kristine by the Sea.
Kung nasa tuktok ka ng cliff ay matutunghayan mo ang dagat sa ibaba mula sa matarik na tuktok. Mga along humahampas sa matulis na mga bato. Mula sa baybayin ay inukit na hagdanang bato papanhik sa restaurant at kung sa pantalan ka manggagaling ay gagamit ka ng bangka patungo roon.
The whole place is fascinating and exotic. Wala siyang makitang ganito sa alinmang bahagi ng Pilipinas. Not even Boracay o alinmang kilalang resort.
The brochure said it was a world-class hotel and resort. Palagay niya’y para lamang sa mga mayayamang Pilipino at mayayamang foreigner. Ang halaga ng bakasyon sa resort ay luxury para sa above average na tao. At hindi gagastos nang ganoon kalaking halaga ang isa at malamang na pipili na lang ng isang mas murang resort. Napapailing siya habang binabasa ang rate ng hotel rooms at paggamit ng facilities.
But then one wouldn’t mind spending in this place.
Muli siyang pumasok sa loob ng silid. Naligo at nagbihis. Ipinasyang sa
Kristine by the Sea
siya manananghalian.
Alas-onse pa lang pero mas mabuti na iyon at baka kapag nagpatanghali siya’y marami nang tao.