"Ikaw, Rose? Anong kwento mo?" tanong ni Chii sa akin. Hindi ko alam kung mag ku-kwento ba ako. Nakatingin sa akin si Miggy. Parang sa mga tingin na ‘yon sinasabi niya sa akin na go on, its okay.
"Okay lang Rose, kung hindi mo kayang mag kwento. Naiintindihan namin." nakangiting sabi ni Miggy sa akin.
"N-no, nag share kayong lahat. So I guess, kailangan ko din i-share yung akin." matagal tagal na din nung napag usapan si Pacco sa buhay ko.
“3 years ago, naaksidente kami nung boyfriend ko. He went straight to heaven samantalang ako? Nandito nga pero parang patay na din.” I added.
“Hanggang ngayon sinisisi ko ‘yung sarili ko sa mga bagay na nangyare sa aming dalawa. Kung hindi ko siguro pinilit na lumaban sa battle of the bands na ‘yun, baka hanggang ngayon nandito pa siya.” Nalungkot na sabi ko sa kanila.
“Kaya minsan pakiramdam ko para akong binabangungot ng gising.”
"Pero, wala namang may gusto nung nangyare." sabi ni Don. "Oo nga, kaya sana huwag mo na sisihin yung sarili mo." saad pa ni Alvin.
"Pero, are. Ako'y curious paano mo nakilala si Rose? Pareng Miggy?" napatingin lahat sila kay Miggy, “Oo nga! Parang kakilalang kakilala mo si Rose e!” saad pa ni Jap.
"I was there.."
"Ha?" Sabay sabay naming reaction.
"Natatandaan niyo ba kung bakit, na late ako nung battle of the band natin?" nanlaki ang mata ni Jap. "Ibig mong sabihin.. Sila yon?! Putek! Ang lala nung aksidenteng ‘yun ahh!" gulat na sabi pa ni Jap.
"Anong ibig mong sabihin?" ngumiti muna si Miggy bago nag salitang muli.
"I saw the accident scene. I was stocked in the traffic. Bumaba ako sa kotse ni tita, kasi malapit na mag simula yung battle of the band. Nag babakasali ako na umabot ako kung tatakbuhin ko." Napakunot noo ako sa sinabi ni Miggy.
"Kayo ba iyong kalaban namin that time?" curious na tanong ko.
"SANDALI! NA AALALA KO NA SI ROSE!" pahiyaw na sabi ni Don.
"Oo nga! Sila yung kasabay natin mag pa register noon! Sila yun! Kaya lang na disqualified sila dahil.. Hindi sila nakalaban. Kasi, naaksidente sila. Potek! Mind blown pre!" Alvin added.
"Pucha, Migoy ang lupit mo tol! At na aalala mo pa si Rose. Kaya pala... Shet kinikilabutan ako!" saad pa ni Jap habang pinapakita niya ang mga balahibo niyang nag sisitayuan. Ngumiti si Miggy sa akin.
"Ayos na ba?" Napatingin ako kay Miggy, Miggy was there. Ang liit ng mundo.
"So namatay si Pacco sa accident, righ?" tanong ni Thea.
"Oo, nawalan kasi ng preno yung kotse kaya lumipad kami sa kabilang lane. Akala nga ng ibang tao mamatay din ako, kaso I survived." malungkot na sabi ko sa mga ito. Nalungkot din ito lalo sa sinabi ko.
"Nung araw na inilibing si Pacco, nag stay ako doon. Ang daming nakiramay, ang daming putting lobo at mga putting bulaklak. I saw everyone grive. Pero ikaw, wala kang reaksyon." nanlaki na naman ang mga ito sa rebelasyon ni Miggy.
"It was raining pretty hard that day. Hindi ka umiyak. Nanatili kang matigas. Lahat sila nag aalala sayo pero ikaw tulala at parang walang nararamdaman.” Umakbay sa akin si Chii at Thea nang mga oras na ‘yon.
“Pero nag break down ka nung umalis na lahat ng mga tao. You cried your heart out. Nag stay ka sa puntod ni Pacco. Crying and cursing God for taking Pacco away from you." napatingin kaming lahat kay Miggy. “Ano gang ginagawa mo roon at nakita mo areng si Rose?” pang uusisa ni Owen.
"Death anniversary 'yon ni mama. Hindi naman kalayuan yung puntod ng magulang ko sa puntod ni Miggy. Kaya, noong nakita kita, masaya ako kasi buhay ka." Napangiti ako nung sabihin iyon ni Miggy.
"Hindi ako umalis. Ewan ko pakiramdam ko I needed to stay. Kahit alam kong hindi moa ko kakilala. I was just watching you cry, and cry And cry. Sobrang wasak na wasak ka noong mga araw na ‘yon. I cannot imagine the pain you are dealing that time. And I am sorry for that.” Miggy added.
“Nung lalapitan sana kita, you passed out. Hindi ko alam kung natatandaan mo pero tinawagan ko yung parents mo to inform them na nawalan ka ng malay." I took a deep breath. Kaya siguro ganoon na lang ang tuwa ni Mama nang makita niya si Miggy. Napaka liit nga naman talaga ng mundo.
“Ang nakakalungkot lang, kasi ang laki ng galit mo sa Diyos.” I'll hate him for the rest of my life. "Everyday ko din noon dinadalaw si Mama. At araw araw din kitang nakikita." nagulat sina Don sa kwento ni Miggy.
"Kaya pala gay'on. Matagal mo na palang kakilala areng si Rose." sabat ni Owen. "Yeah.. I know you've been through a lot of suffering. Masaya ako na nandito ka pa rin. And I am so proud of you." masayang sabi ni Valen.
"Kase di biro na mawalan ng mahal sa buhay. Ang hirap kaya." they're trying to sympathize. Lalo na si Thea.
"Malaking bagay itong nakapag open up ka kahit papaano." Jap added.
Natahimik ako.
"Actually, mahirap mag open up. Kasi hindi ko alam kung may nakikinig ba? Alam niyo yung pakiramdam na you are screaming for help, pero walang nakakaintindi. Kasi akala nila, nag iinarte ka lang." napatahimik sila sa sinasabi ko.
"Halos lahat sila isa lang sinasabi, Rose di ka pa rin ba tapos mag luksa? Tatlong taon na nakakalipas. Palayain mo na si Pacco, ipag pa sa Diyos mo na lang." As I was explaining how I felt parang may nakabarang kung ano sa lalamunan ko.
"Pucha, kung ganoon lang kadaling palayain si Pacco. Yung bang pag namimiss ko siya, di ko na magawa. Saan ko siya hahanapin? Wala. Kasi, wala na siya. Ang dali daling sabihin na mag move on. Pero ibang pag mu-move on to e. Hindi pa ako tapos mag luksa."
I started crying.
"Bakit pag sila yung nasasaktan, okay lang? Bakit pag ako? Dapat hindi ko maramdaman ‘to kasi nasanay sila na matatag ako.Before the incident I was really optimistic." Lumapit sa akin si Miggy. At hinawakan ang aking kamay. He was genuinely listening.
"Go on. We're listening."
"Di ko naman kailangan ng advice e. Minsan sapat na ‘yung nakinig ka. Kasi pag sinusumpong na ako, hindi ko rin naiintindihan ‘yung mga bagay na nararamdaman ko.”
Naiyak si Chii sa sinabi ko." Sinasabi nila, maging masaya ako. Maging positive ako. Tangina naman e! Sino bang may gusto na malungkot sila? Sino bang may gusto ng ganito? I didnt wanted to feel miserable. To feel empty. Or to feel too much. Parang may malaking butas dito sa pag katao ko na hindi ko alam kung saan ko hahanapin yung sagot." I started sobbing. Gasping for air.
"Tapos pag ready kana mag open up? Laging bad timing. Kasi, ayoko naman maging spotlight stealer. Kasi moment niya yun e." Inabutan ako ni Alvin ng tissue na noo'y naiiyak na din.
"Nung nawala si Pacco. Nawala ako. Hindi ko alam kung saan ako mag sisimula. Parang kasabay nung libing siya, nailibing na din yung kalahati ng pagkatao ko. Pakiramdam ko gumuho yung buong pag katao ko nung iniwan niya ako."
Nakikinig pa rin si Miggy. And he's trying to calm me down.
"I built my walls so damn high. Yung bang di ako nakuntento sa isang pader. Ginawa ko itong apat at umabot sa lima. Kesa masaktan ako ulit. Diba? No one can hurt me that way. I didn't mind losing people from my life. I was happy living on my own. Kaya ko naman mag isa. Kaya pasensya na kayo kung ang ilag ko sa mga tao."
“It’s just that you’re trying to protect yourself. We get it Rose don’t feel sorry.” Saad ni Thea na noo’y hawak hawak ang aking kamay.
Napabuntong hininga si Miggy sa narinig niya.
"I am so tired of people leaving me behind. Kaya bago pa lang sila umalis.? Inuunahan ko na sila. Kasi minsan ko ng naranasan yung maiwanan, yung wala man lang paalam. Tipong natulog ka lang, pag gising mo. Wala na sila. Kahit anong gawin mo, wala ka ng pwedeng gawin. Kasi nga, They left for good. No warnings just pure heartaches and heart breaks."
Tumingin ako kay Miggy.
"Matatapos pa ba kaya ito? Kasi the pain is endless. The pain is killing me." Yinakap ako ni Miggy pagkatapos non. Hindi ko alam, pero naiyak ako lalo sa ginawa ni Miggy.
"Alam mo Rose, lahat ng 'to may rason. Pero one thing for sure. Hindi lahat sasaktan ka."
Hindi ko alam kung anong meron kay Miggy at parang pag nandito siya, unti-unti akong kumakalma. Miggy seems annoying sometimes, pero hindi ko ma itatanggi na may healing power yung presesnsya niya.
"You have us. You have me. Mag kaibigan na tayo diba? Alam mo,' tong ginawa mo ngayon. Malaking bagay' to kasi, slowly you're acknowledging that you are not okay." Pag papakalma sa akin ni Miggy.
Kasabay ng pag hinga ko ng malalim ang aking mga hikbi.
"This time aware ka na.. Hindi ka okay. At gusto kong sabihin sayo. Hindi lahat sasaktan ka. Lahat ng mga nakikila natin sa buhay may kanya kanya silang role. Some will stay pero ‘yung iba aalis. Kasi ‘yung season nila sa buhay mo ay tapos na.”
"Minsan, you have to experience that pain. To grow and to realize that you are more than that. May aalis. At may darating. Actually, yung reason kung bakit ka namin talaga dinala dito is..."
Kinuha ni Owen yung mga flying lanterns.
"We're going to help you, to let the pain go. I mean, kahit mabawasan ito kahit kaunti. Parang mini retreat lang." masayang sabi ni Miggy. Habang inaabot sa akin yung lantern.
"We believe in you, Rose. Kaya together. Gagawin natin 'to. You don't have to be afraid anymore. When you feel lost and cofused.."
Itinuro ni Miggy yung iba, "You have friends, na hahanapin ka sa tuwing nawawala ka. Hindi mo kailangan matakot."
That made me smile.
Pumunta kami sa lugar na kung saan kitang kita mo ang kalangitan. Dito namin sa open space papaliparin ang mga lanterns. It was a chilly night. Everyone is wearing their hoodies. Sa kabila ng lamig na nararamdaman namin, hindi na lang naming iyon pinansin.
Miggy was standing by my side. Nakatingin ito sa langit.
Masayang masaya ang lahat, dahil tila ba ngayon lang din nila ito gagawin.
"Alam mo, pag talaga si Miggy naka isip. Para tayong nasa re-treat e." sabi ni Don na noo'y busying busy sa pag aayos ng kanyang lantern.
"Para ngang angel in disguise yang si Miggy." pag sasang-ayon naman ni Jap. "Kayo lang naman ang masama ang ugali dito." saad naman ni Alvin.
Nag tawanan lang kaming lahat pag katapos. Si Miggy, hindi ito umalis sa tabi ko. Habang nag susulat sila ng mga wishes nila sa mga lanterns nila. May itinanong sa akin si Miggy.
"I just want to ask you, kung napalaya mo na ba yung sarili mo? Napatawad mo na s apag kawala ni Pacco?"
Tumingin lang ako kay Miggy at umiling. Ako na kasi yung susunod na mag papalipad ng lantern. "Hindi mo pa mapalaya si Pacco kasi, you didn't accept everything. Yet. Yun kasi yung second to the last step ng pag lilet-go."
"Accept ance." natawa ako sa sinabi ni Miggy. Kasi, hindi ko pa nga rin natatanggap ang lahat. In denial pa rin ako. Na wala na siya. "Bago mo paliparin yung flying lantern na to. I just want you to thank Pacco, for everything. For loving you. And now you're finally accepting everything. And you’re willing to let him go."
May apoy na ang lantern ko, isa na lang ang kailangan kong gawin para lumipad na ito.
Kailangan ko na itong bitawan.
I need to let it go...
"Habang binibitawan mo ito, I wanted you to let go all the guilt and hatred in your heart. You also have to let Pacco go. Nakatingin ako kay Miggy. Nag sisimula na naman akong maiyak. Dahil, heto na din siguro yun.
Kailangan ko ng palayain si Pacco at kailangan ko na din patawarin ang sarili ko sa mga bagay na. Hindi ko naman kontrolado.
"Kaya mo yan. We are here, for you Rose." Ipinikit ko muna ang aking mga mata, bago ko tuluyan palayain si Pacco.
Thank you, I love you my dearest Pacco. Until we meet again. Nang binitawan ko yung lantern, nag palakpakan sila.
Habang nakikita ko itong lumipad patungo sa kalawakan. Gumagaan yung pakiramdaman ko. Heto na siguro yun. Yung simula ng paghilom ko.
"Oh, si Migoy naman!" sigaw ni Don. Napatingin ako kay Miggy. "Ano munang wish mo?" chismosong tanong ni Owen.
"Yung wish ko?" nakatingin kaming lahat sa kanya. Habang nakangiti lang ito.
"Na sana palagi kang maging masaya at kayanin mo pa lalo ‘yung mga problemang daratng pa." Nakatingin sa akin si Miggy.
"Genuine Happiness for Rose. That is my wish." And then he let go of his lantern.
"Ayie.. Heto na nga ba sinasabi ko." kinikilig na sabi ni Thea.
"Mapapa-SANA ALL ka na lang talaga." inggit na sabi ni Chii.
"Tara na, bumalik na tayo sa bahay. Nilalamig na ako." sabi ni Jap. "Hindi ka kasi naliligo! Kaya ang bilis lamigin." Mapang asar na sabi naman ni Alvin.
Nag simula na kaming mag lakad pabalik sa bahay nila Owen. Tumigil muna ako saglit, at pinag masdan yung mga lantern sa kalangitan.
Ginusot ni Miggy buhok ko.
"Hay nako Rose.."
I took a deep breath. And gave Miggy a smile.
"It’s gonna be fine. Tara?"
Linend nito ang kamay niya.
I know, Miggy came to my life for a reason. I'm going to fall in love with myself again.
"Thank you." He just gave me a wink at isinuot ang kamay sa bulsa ng kanyang hoodie. Nakangiting pumasok si Miggy sa bahay nila Owen.
My heart is happy. I mean, a little bit happy. And that’s okay.