noveltoon logo noveltoon
KLWKN

Chapter 3

Ch. 4 / 9 Nov 28, 2025

Dumaan muna ako sa flower shop malapit sa school, daily routine ko na 'yung bilhan ng bulaklak si Pacco, I always make sure kahit wala na siya araw-araw ko pa rin itong dadalawin. Habang naka sakay ako sa pedicab papuntang cemetery, hindi ko maiwasan mapag isip.

I wanted to live at the same time I wanted to end my life.

Hindi ko na din kasi alam kung papaano ko pa kakayanin sa mga susunod na araw. Siguro kung hindi kami sumali sa battle of the bands na ‘yun hanggang ngayon masaya akong kasama si Pacco.

Pero hindi ko na din naman maibabalik pa ang kahapon. Pacco is dead, Pacco is gone and I am stuck in this agony.

Nang marating ko na ang puntod ni Pacco, inilapag ang bulaklak na binili ko para sa kanya. Inilapag ko din sa sahig ang bag ko, at nag Indian seat.

"Kumusta ka na?” umupo ako sa tabi ng puntod ni Pacco, habang sinisindihan ko yung kandila gamit nung posporo. Pinagpagan ko din yung lapida nito na natatakpan ng dahon.

“Ako, Walang bago. Sabi nila, Mayaman pa rin ako. May sarili kase akong mundo." Napangiti ako sa sinabi ko. Nag pakawala ako ng malalim na hininga.

Ang sabi nila sa akin, palayain ko na si Pacco. Ipag dasal ko na lang daw ito. It's been 3 years since he left this world for good.

I still can't let him go.

And a prayer won’t bring him back. I stop praying and believing in God, kasi kung talagang mahal ka ng Diyos na 'yan. Hahayaan niya na maging masaya ako, kaso madamot siya.

Gusto niya, lahat ng mababait kukunin niya. Lahat ng bagay na nakakapag pasaya sa tao binabawi niya, ‘yon ba ang Diyos?

I am still angry with God.

Kumuha ako ng isang pirasong sigarilyo. Hindi alam ng mga magulang ko na nag yo-yosi ako, nag bibisyo. Maraming nag sasabi na masama sa sistema ko ang yosi at ilang taon mula ngayon sisingilin ako nito. Hindi naman sila 'yung mamatay, ako.

Hindi ko rin maintindihan bakit ang hilig nilang mangialam sa buhay ng iba. Ang hilig nila hanapin ‘yung kamalian pero ‘yung rason kung bakit pinili nila na maging ganon, wala.

Tumingin ako sa bughaw na langit, kasabay ng pag uunahan ng mga ulap ang pag buga ko ng usok. Ipinikit ang aking mga mata. Mahangin nang mga oras na iyon. Dinama ko ang bawat haplos ng hangin sa aking balat. Para bang sinasabi ni Pacco na nandito lang siya sa tabi ko.

Tumingin ulit ako sa puntod ni Pacco.

"I'll be fine. Right, Pacco? I’ll try to be fine,"

I'll try to be fine...

"I'll see you again tomorrow, Pacco. I love you."

Umuwi na rin ako pag katapos kong dalawin si Pacco. Nadatnan ko ‘yung parents kong nanunood ng tv. Tumingin lang ako sa parents ko. Natigilan si papa ng makita ako. I just gave them a weak smile at dumiretso na ako sa kwarto ko. Ewan ko, parang ang layo-layo na din ng loob ko sa kanila. Kahit nahihirapan ako hindi ako humihingi ng tulong kahit kanino.

Iba kasi yung sanay kang mag isa, kasi nasanay ka. Kumpara doon sa may mga kasama ka nga pero pinaparamdam nila sayong nag-iisa ka.

Pag kadating ko sa bahay, kinumusta ako ni Mama. Pero, wala akong maramdaman.

"Anak, kumusta ka?" I just shrug my shoulder as an answer. Lumapit sa akin si mama, hinawakan nito ang aking mga kamay. "I love you, Rose."

"Matutulog na ako." tumigil ako sa pag babasa at itinaboy si Mama palabas ng kwarto. Nakita kong nasasaktan si mama, hindi ko kailangan ang awa nila.

Kaya ko. Kahit wala sila. Okay ako.

The next day,

Madalas akong pumasok ng maaga dahil gusto kong mag stay doon sa coffee shop na malapit sa school. RESPIRA cafe, it was owned by Owen Toshiko. Nag aaral din siya sa Sempione State University. He is quite famous din dahil ang bata pa lang niya pero napaka successful na nito. He also owns a club, named CITY LIFE BAR. Doon siya tumatambay pag gabi.

"Oh! Good Morning, Rose!"

Oo nga pala, umaga na naman. Kaya heto na naman si Miggy. As usual, naka hoodie na naman ito. Ang init init sa pinas.

"What a coinsidence," malokong sabi nito habang dala niya ang tray ng inorder niyang pag kain. Coinsidence my ass.

"Pwede ng maki share ng table?"

"Ang daming available seats bakit dito ka si-singit?" iritang sabi ko. "Eh kasi sila may mga kasama. Ikaw lang yung nag iisa. Baka kasi gusto mo rin ng kasa--"

Bago niya pa man matapos ang sasabihin niya pinutol ko na ito. "Ayoko ngang may kasama kaya nga dito ako umupo."

"Huwag kang mag alala, hindi mo ako maririnig. Uupo lang ako. Kakain. Mag aalmusal." Napabuntong hininga na lang ako dahil kahit anong gawin ko hindi ako titigilan ni Miggy. Masaya itong umupo sa tapat ng upuan ko.

"Ang sarap ng kape sa umaga no? Parang nabubuhay ako pag nakakainom ako nito e. Sana araw-araw ganito. Sana hindi matapos." masayang sabi niya habang humihigop ng cappuccino.

"Alam mo ba kung bakit palaging 4:30am ako kung gumising?" I didn't answer. Nakikinig lang ako. "Kasi pag sobra 'yung tulog ko, pakiramdam ko sinasayang ko yung buong araw na wala akong ginagawa."

Natigilan ulit ito sa pag kukwento nanang mapansin siguro ni Miggy na medyo naiinis na ako. "Nakikipag usap ako sa tinapay. Heheh" sabay peace sign nito sa akin.

"What is like to be normal?" Tumingin ito sa akin, “Ewan,” tipid na sagot ko. Ngumiti lang ito sa akin. Dahil hindi ko rin alam.

"Pero habang wala pa 'yung mga sagot, siguro hahayaan ko na lang muna. Mahirap hanapin ang ayaw mag pakita," he said jokingly.

Halos 30 minutes din kaming nag stay sa Respira, ako nag babasa samantalang siya nag lalaro. Not until his bandmates came. Miggy greeted them with a huge smile on his face. Nakipag handshake din ito sa mga kaibigan niya.

"Hindi ko nga maintindihan dito kay Don kung bakit palaging ginagaya ang pormahan mo." Jap blurted. May dala itong gitara. "Idol ko kasi si Miggy, ang simple pero maangas." Don added. Sabay winked nito kay Miggy. Umapir lang si Miggy kay Don.

"Kasama mo pala si Yaman," nag tawanan sila nang pansinin ako ni Alvin, sabay dampot sa brioche na kinakain ni Miggy.

"Bakit ba kasi pinipilit mong kaibiganin 'yang si yaman? Can’t you see Miggy? You’re wasting your time trying to be friends with her,” natahimik ang mga ito sa sinabi ni Don.

"Parang hindi mo naman kakilala si Miggy." sabi ni Alvin na noo’y iniinom na din ang kape ni Miggy. "Maawain si Migoy sa mga ganyan," Alvin added.

“Takaw yarn?” pang bubwisit ni Jap kay Alvin. Binelatan lang ni Alvin si Jap.

“Mabait kasi masyado si Miggy, kaya nga lodicakes ko ‘yan e!” saad pa ni Jap,

Napansin ni Miggy na hindi na ako natutuwa sa mga ginagawa ng mga kaibigan niya, "Hindi ako naawa kay Rose, gusto ko lang siyang maging kaibiga--"

"Kung pumunta lang kayo dito para pag chismisan ako. Ako na ang mag a-adjust. Aalis na lang ako," kinuha ko na ang mga gamit ko. Bago ako tuluyang umalis, hinigit ni Miggy ang kamay ko.

"Hindi ko kailangan ang awa mo. Kaya habang may kaunting respeto pa ako sayo Miguel, Please, tantanan mo ako." Napabuntong hininga na lang si Miggy sa sinabi ko, habang 'yung tatlo pinag tatawanan ako.

"Rose,"

Hindi ko na din pinatapos pa ang sasabihin ni Miggy, dahil wala akong panahon sa kanila.

Lumabas ako para mag yosi ulit, I am stress. I needed it.

Lumabas na din sina Miggy, sinamaan ako ng tingin ni Don at napailing pa ito.

What’s wrong with me smoking?

Pag katapos ng klase ko, dumiretso ulit ako sa puntod ni Pacco.

"Kahit palagi kong sinasabi na sanay na ako sa mga sinasabi ng mga tao, may mga pag kakataonn na nasasaktan pa rin ako." Natawa ako nang sabihin ko ‘yun. Bumili din ako ng alak just to numb some pain. Ano bang alam nila sa nararamdaman ko?

“They hated me that much. And I don’t give a single shit about it.” I jugged the whole bottle of beer.

It started to rain hard that time, parang nakikiramay ang langit sa nararamdan ko. I wanted a friend that day, kaso all I have is myself. Kasalanan ko din naman kung bakit ganito, masyado akong matigas kaya ayaw nila na maging kaibigan ako.

"Pagod na ako," As I was saying those three words, hindi ko mapigilan ang umiyak. No one knows how much I was hurting that time until I heard a familiar voice.

"Lahat ng mabigat ay gumagaan pag binibitawan lalo pag hindi na kaya. Kagaya ng ulan."

Pansamantalang tumigil ang pagpatak nang ulan, iniangat ko ang aking tingin at nakita ko si Miggy nakangiti sa akin. He was enjoying the rain, he was feeling the rain.

“This life,” he said. Umupo ito at tumabi sa akin. Tumingin din ito sa puntod ni Pacco.

"Pareng Pacco, pasensya na kasi kasalanan ko kung bakit 'yan ang nararamdaman ni Rose ngayon." Sinabi 'yon ni Miggy na para bang nasa harapan niya lang si Pacco.

"Anong ginagawa mo dito?" pinunasan ko ang luha ko nang makita ko si Miggy.

"Napadaan lang, nandoon kasi sa kabila yung puntod ng parents ko. Dito kasi ‘yung daan pauwi sa amin. Tapos, nakita kita. Basang basa sa ulan, wala ka bang payong?” hindi ako sumagot at nag matigas pa rin ako.

“Pasensya kana kung medyo narinig ko 'yung usapan niyo ni Pacco," sincere na sabi ni Miggy.

Medyo nangingig ako nang mga oras na 'yon. May kasamang malamig na hangin na din kasi ang ulan.

"Malapit lang naman dito ang bahay ko. Kaya," kinuha ni Miggy ang isa pang hoodie sa bag niya. Pero hindi ako pumayag,

"Sige na, isuot mo na 'to." ipinatong ni Miggy ang hoodie nya sa may ulo ko. “Huwag kang mag alala, alam ko na ayaw mo pa rin sa akin. That you still hated me.” Ngumiti ito sa akin.

“Pasensya kana kasi ang kulit ko. Pasensya na din kanina, hindi ko din kasi kontrolado ‘yung mga lumalabas sa bibig nila. Iba naman kasi kami ng pananaw.” Kumunot ‘yung noo ko pag katapos niyang sabihin ‘yon.

"Gusto kong makipag kaibigan sa'yo kasi, gusto ko. Hindi dahil na aawa ako." Wala akong masabi kay Miggy sa mga oras na 'yon.

“Alam ko I’ve been attempting to be your friend simula nung nag start ka sa SSU. At okay lang kung hanggang ngayon rejected pa rin ako.” Hindi ko din maitindihan kung bakit pilit ng pilit si Miggy na maging kaibigan ko.

“I’m not fun to be with, Miggy.”

“Hindi naman kailangan palaging maging masaya. At naiitindihan kita.” Napatahimik ako sa sinabi ni Miggy.

"As long as meron isang tao na willing makinig sa araw, may sense man 'yon o wala. Malaking bagay na 'yon. And I wanted to be that friend, Rose."

"Sincerity is scary." Blunt na sagot ko sa kanya.

"Alam ko, it takes a lot of time para maging mag kaibigan tayo. Pero pag ta-trabauhan ko. I know your walls are high. Aakyatin ko 'yung mga pader na 'yun. Hindi ko sila sisirain, dahil naniniwala ako na bawat pader na itinayo mo, mahalaga sa'yo at sa buong pag katao mo."

Ngumiti ito at ibinigay sa akin ang payong niya.

"Sige na, mauuna na ako! Mag iingat ka, bukas ulit!"

Inilagay niya sa ulo niya ang backpack niya at tumakbo na ito.

“Babay!” masayang sabi nito habang tuwang tuwang nag lalakad papalayo sa akin.

Hawak hawak ko ngayon itong hoodie ni Miggy. Tumingin din ako sa puntod ni Pacco, “Para siyang ikaw. Matigas ang ulo.”

Habang tumatakbo si Miggy palayo, napangiti na lang ako.