noveltoon logo noveltoon
KLWKN

Chapter 7

Ch. 8 / 9 Nov 28, 2025

Halos tirik na din ang araw ng marating naming ang baguio. Mahamog pa rin kahit na may araw na. Malayong malayo sa klima sa Manila.

Habang nasa may veranda kami ng bahay nila Owen. May handing hot chocolate, pandesal, champorado na may tuyo at danggit. May mga fresh strawberries din. Kitang kita sa veranda ang ganda ng Baguio.

“Nako! Excited ako sa mga ukay-ukay dito.” Masayang sabi ni Thea habang kumakain ng champorado. “Okaya punta tayong session road!”

“La presa kaya? Gusto kong puntahan ang strawberry field ni Agnes! I mean si Liza.” Natawa na lang si Owen sa mga gustong gawin ng dalawa. “Talagang kayo, sari-sari ang mga gusto ninyong gawin. Kaliligaleg!” natawa na lang sila sa sinabi ni Owen.

“Ayos ka lang?” tanong sa akin ni Miggy habang inaabutan niya ako ng hot chocolate. “May gusto kang puntahan?” I just shookt my head at inenjoy ko ang aking mainit na tsokolate.

Nag libot libot muna kami sa Baguio. Pumunta din kami sa may mall dahil bumili kami ng mga gagamitin naming mamaya. Sa pag kakaalam ko mag bbq kami. Hindi ko maiwasang ma-amazed sa gandang taglay ng Baguio. Ultimong loob ngg mall may fog. Sana ganito din sa bahay.

Humiwalay muna ako pansamantala sa mga ito. Dahil gusto kong mag me time. Hindi na rin naman umalma ang mga ito sa akin.

Isa lang naman ang madalas kong puntahan pag nasa mall ako. Bookstore.

“So anong genre ang gusto mo?” halos mabitawan ko ang librong hawak hawak ko ng biglang sumulpot si Miggy. May dala din itong kape.

“Coffee?” pag o-offer nito sa akin. “Kaso hindi natin ‘to pwedeng inumin sa loob ng bookstore.” Pag papaalala niya.

Hindi lang ako umimik at diretso pa rin ako sa pag babasa ng libro. Umupo ito sa sahig at may kinuhang libro. Kahit hindi ko ito tinitignan nakikita ko ito gamit ng aking peripheral view. He was just waiting for me patiently.

“Alam mo para kang stalker,” sabay tingin ko kay Miggy na noo’y may hawak na libro. “Ang gwapo ko namang stalker.”

“Asa.” Tipid na sagot ko dito.

“Mahilig ka talagang mag basa ng libro ano?” pang uusisa nito. “Mahilig ka talagang makialam sa buhay ng ibang tao no?” natawa ito sa aking pambabara sa kanya.

“Boom basag.” He exclaims.

“Kung magiging writer ako, mag susulat ako ng libro tungkol sa forever.”

“Alam mo bang bawal ang maingay dito,” napakamot si Miggy sa kanyang ulo. “Gusto kong mag sulat ng libro tungkol sa forever.” Pabulong niya itong sinabi sa akin.

Binalik ko na lang sa shelve yung libro at nag lakad na ako palabas ng bookstore. Sumunod pa rin sa akin si Miggy. Binilisan ko na lang mag lakad.

Nawala ito saglit, kaya natuwa ako. Pero akala ko lang pala ‘yon. Nagulat ako nang bumungad ito sa harapan ko. He was holding a paper bag this time.

“Book recommendation.”

“Hindi ka ba talaga titigil? Pepektusan na kita malapit na!” iritang sabi ko. “Promise after nito hindi kita kukulitin.” Tumigil ako sap ag lalakad nang marinig kong sabihin ‘yon.

“Book tsaka coffee, ayos na combination hindi ba?” napabuntong hininga na lang ako at kinuha ko na ‘yung binibigay sa akin ni Miggy. Hindi din nag tagal noon, dumating na ang iba. May dala ang mga itong eco bag na punong puno ng pag kain.

“Na budol talaga ako doon, samgy night na this!” masayang pag aanunsiyo ni Alvin. “Butas bulsa ko sa mga taong are! Kupo!” pag rereklamo naman ni Owen.

“May kaunting pang chin chin din na binili Jap,” saad pa ni Chi.

“Tara lets!!” pagkatapos sabihin ‘yon ni Miggy bumalik na kami sa parking lot. Kanya kanyang kanta ang mga ito. Na curious ako sa regaling bigay ni Miggy kay sinilip ko ito.

The first phone call from heaven. Napailing na lang ako at ibinalik sa paper bag ang bigay na libro ni Miggy. Ilang beses ko bang u-ulitin sa kanila na itinigil ko na ang paniniwala sa Diyos o sa kahit anong Milagro na ‘yan? Dahil kung talagang may Diyos hindi ako nagging ganito ngayon.

He took everything from me. Pati ‘yung kaisa isang kaligayahan ko.

Napabuntong hininga na lang ulit ako.

Nang makarating na kami sa bahay nila Owen, inayos na nila yung lugar kung saan kami tatambay. Nanood muna kami ng Four Sisters and a Wedding.

“Grabe heto talaga ang totoong definition ng Netflix and chill.” Masayang sabi ni Thea habang may hawak ng isang malaking bowl ng popcorn.

Inabutan ako ni Miggy ng isang san Miguel light. Hindi na din ako tumanggi at ininom ko ‘yun. Lumalalim na din ang gabi at nag simulang mag open up ang lahat.

“I was clinically diagnosed with bipolar disorder. Nabuhay ako sa dilim ng halos buong buhay ko.” Sabi ni Thea. Everyone was paying attention pero si Miggy? He’s giving extra attention kung sino man ang nag sasalita.

“I was about to end my life then, when suddenly Miggy came to my life.” Nag hiyawan ang mga ito samantalang ako nayayamot. “My mom died due to breast cancer tapos si Papa naman iniwan kami at sumasa sa ibang pamilya. Alam mo ‘yun pakiramdam ko wala akong mapupuntahan kasi hindi ako pwedeng maging mahina. Papaano na lang ‘yung kapatid ko?”

“Tapos I met Miggy sa hospital kung saan na confine si mama. Sobrang kulit talaga ng lahi ni Miggy. As in grabe! He gave me a lot of reason, na mag tiwala sa process na sooner or later magiging okay ka rin.” napatingin sa akin si Thea nang kinukwento niya ‘yun.

“Miggy gave me hope. Sinama ako ni Miggy sa church. Tapos pinag pray niya ako. Kaya ngayon, kinuha ko ‘yung course na Psychology kasi I want to break the stigma na hindi lahat ng depress ay baliw.” Nag palakpakan ang mga ito sa kwento ni Thea.

Inikot na nila ‘yung bote, sunod na tumapat naman kay Chii.

“Ako naman, ampon ako. May umampon lang sa akin na matandang mag asawa na may kaya sa buhay. Family of doctors kasi ‘yung mga umampon sa akin. Siguro dahil Malaki talaga ang pasasalamat ko sa kanila, buong buhay ko dinedicate ko sa kanila. I was lost, kasi pakiramdam ko wala akong lugar sa mundo nila.” May nag simulang mamuo na luha sa gilid ng mat ani Chii.

“I went to church tapos iniyak ko sa Lord yung pain. Kasi pakiramdam ko lahat sila ayaw sa akin.” Naiyak na din si Chii. “Tapos, nakita ako ni Miggy. Binigyan niya pa nga ako noon ng panyo. Noong una na bubwisit din ako sa kanya dahil napaka chismoso.”

Natawa si Chii sa kanyang kwento. “Pero, siguro tama lang ‘yung timing ng pag dating ni Miggy. Kasi kahit na stranger siya that time sa akin, he became my friend.” Napangiti bigla si Miggy sa kwento ni Chii.

“Miggy taught me, hindi lahat ng tao magugustuhan ka. And that’s completely okay. I-focus mo lang ‘yung sarili mo doon sa mga bagay na nag mi-matter.”

Unti-unti ko silang nakikilala. Parang lahat sila na impluwensyahan ni Miggy. Sunod na tumapat ang bottle kay Jap. Uminom muna ito ng isang shot ng Jack Daniels bago mag kwento.

“Ako naman, nabuntis lang ni Papa si Mama. Kaya katulad din ni Chii. Hirap din akong mag fit in. Dahil kahit ano naman gawin ko isa akong bastardong anak sa labas.” Parang sa ilang taon kong nakikita si Jap ngayon ko lang ito nakitang mag siryoso.

“Ako naman, pinipilit nilang maging perpekto. Alam mo ‘yung kahit na 98 na ‘yung grade mo sa card hinahanap pa rin nila yung 2%” matawa tawang sabi ni Alvin. They wanted me to become a doctor pero sa totoo lang? Dahil they set a future for me hindi ko pa rin alam kung anong gusto ko.” Napabuntong hininga si Alvin ng sabihin niya ‘yon.

“They wanted me to become a doctor. Kaso, wala sa medisina ang puso ko e.”

Mali rin siguro na nahusgahan ko sila. Kasi tulad ko may kanya kanyang mga storya din sila.

“Ako naman e walang choice, kailangan kong maging mature kasi nag iisang anak ako. Pasan ko ang daigdig. Nakukuha ko nga lahat ng gusto ko, kaya lang wala naman yung mga magulang ko sa tabi ko. Aanhin ko ang pera, kung ako lang mag isa?” malungkot na sabi naman ni Owen.

Siguro tama talaga yung kasabihan na don’t judge a book by its cover. And I feel sorry for that.